12. Paano harapin at pangasiwaan ang mga anticristo

Mga Salita ng Makapangyarihang Diyos ng mga Huling Araw

Paano dapat tratuhin ng mga taong hinirang ng Diyos ang mga anticristo? Dapat nilang kilatisin, ilantad, iulat, at itaboy ang mga ito. Saka lamang masisiguro ang pagsunod sa Diyos hanggang sa kahuli-hulihan at ang pagpasok sa tamang landas ng pananalig sa Diyos. Hindi mo mga lider ang mga anticristo, gaano pa man nila iniligaw ang iba na piliin sila bilang mga lider. Huwag mo silang kilalanin, at huwag mong tanggapin ang kanilang pamumuno—dapat mo silang kilatisin at itaboy, dahil hindi ka nila matutulungang maunawaan ang katotohanan, ni hindi ka nila masusuportahan o matutustusan. Ito ang mga katunayan. Kung hindi ka nila maaakay sa katotohanang realidad, hindi sila angkop na maging mga lider o manggagawa. Kung hindi ka nila maaakay na maunawaan ang katotohanan at maranasan ang gawain ng Diyos, sila ang mga lumalaban sa Diyos at dapat mo silang kilatisin, ilantad, at itaboy. Ang lahat ng ginagawa nila ay para iligaw ka na sundin sila, at para isama ka sa kanilang grupo para pahinain at guluhin ang gawain ng iglesia, para magawa kang tahakin ang landas ng mga anticristo, gaya nila. Nais ka nilang dalhin sa impiyerno! Kung hindi mo makita kung ano talaga sila, at naniniwala kang dahil sila ang mga lider mo ay dapat mo silang sundin at pagbigyan, isa kang taong kapwa nagkakanulo sa katotohanan at sa Diyos—at ang ganoong mga tao ay hindi maliligtas. Kung nais mong maligtas, hindi mo lamang dapat mapagtagumpayan ang paghadlang ng malaking pulang dragon, at hindi mo lamang dapat makilatis ang malaking pulang dragon, na makita ang nakakakilabot nitong mukha at ganap na maghimagsik laban dito—dapat mo ring mapagtagumpayan ang paghadlang ng mga anticristo. Sa iglesia, ang isang anticristo ay hindi lamang kaaway ng Diyos, kundi kaaway rin ng mga taong hinirang ng Diyos. Kung hindi mo makilatis ang isang anticristo, malamang na maililihis at makukumbinsi ka, tatahak sa landas ng isang anticristo, at isusumpa at parurusahan ng Diyos. Kung mangyari iyon, ganap na nabigo ang iyong pananampalataya sa Diyos. Ano ang dapat taglayin ng mga tao para mapagkalooban ng kaligtasan? Una, dapat maunawaan nila ang maraming katotohanan, at magawang makilatis ang diwa, disposisyon, at landas ng isang anticristo. Ito ang tanging paraan para matiyak na hindi mga tao ang sasambahin o susundan habang nananalig sa Diyos, at ang tanging paraan para makasunod sa Diyos hanggang sa huli. Ang mga tao lamang na kayang kumilatis ng isang anticristo ang maaaring tunay na manalig, sumunod, at magpatotoo sa Diyos. Pagkatapos ay sasabihin ng ilan, “Ano ang gagawin ko kung sa kasalukuyan ay hindi ko taglay ang katotohanan para riyan?” Dapat mong sangkapan agad ng katotohanan ang sarili mo; dapat mong matutunang kilatisin ang mga tao at bagay-bagay. Ang pagkilatis sa isang anticristo ay hindi simpleng bagay, at nangangailangan ng kakayahang makita nang malinaw ang kanyang diwa, at mahalata ang mga pakana, panlalansi, layunin, at mithiin sa likod ng lahat ng kanyang ginagawa. Sa gayong paraan ay hindi ka niya maililihis o makokontrol, at makakaya mong manindigan, ligtas at siguradong hangarin ang katotohanan, at maging matatag sa landas ng paghahangad ng katotohanan at pagtatamo ng kaligtasan. Kung hindi mo mapagtagumpayan ang paghadlang ng isang anticristo, maaaring sabihin na nasa malaking panganib ka, at malamang na mailihis at mabihag ka ng isang anticristo at madala ka na mamuhay sa ilalim ng impluwensiya ni Satanas. Posible na may ilan sa inyo na humahadlang at tumitisod sa mga taong naghahangad sa katotohanan, at sila ay mga kaaway ng mga taong iyon. Tinatanggap ba ninyo ito? May ilang hindi nangangahas na harapin ang katunayang ito, ni nangangahas na tanggapin ito bilang katunayan. Pero ang panlilihis ng mga anticristo sa mga tao ay talagang nangyayari sa mga iglesia, at madalas itong nangyayari; hindi lamang ito makilatis ng mga tao. Kung hindi mo malalagpasan ang pagsubok na ito—ang pagsubok ng mga anticristo, ikaw ay inililihis at kinokontrol ng mga anticristo o pinagdurusa, pinahihirapan, tinutulak palabas, pinipigilan, at inaabuso nila. Sa huli, hindi makatatagal ang sobrang liit mong buhay, at malalanta; hindi ka na magkakaroon ng pananampalataya sa Diyos, at sasabihin mo, “Ni hindi nga matuwid ang diyos! Nasaan ba ang diyos? Walang katarungan o liwanag sa mundong ito, at walang pagliligtas ng diyos sa sangkatauhan. Mas mabuti pang gugulin natin ang ating mga araw na nagtatrabaho at kumikita ng pera!” Itinatatwa mo ang Diyos, lumalayo ka sa Diyos, at hindi na naniniwalang Siya ay nabubuhay; lubos nang nawala ang anumang pag-asa na makakamit mo ang kaligtasan. Kaya, kung nais mong makarating kung saan maaari kang mabigyan ng kaligtasan, ang unang pagsubok na kailangan mong maipasa ay ang magawang maramdaman at mahalata si Satanas, at dapat ay mayroon ka ring tapang na manindigan at ilantad at itakwil si Satanas. Nasaan, kung gayon, si Satanas? Si Satanas ay nasa iyong tabi at nasa palibot mo; maaari pa ngang namumuhay sa loob ng iyong puso. Kung nabubuhay ka na mayroong disposisyon ni Satanas, maaaring masabi na ikaw ay kay Satanas. Hindi mo makikita o mahahawakan ang Satanas at ang masasamang espiritu ng espirituwal na mundo, ngunit ang mga Satanas at ang mga nabubuhay na diyablo na umiiral sa totoong buhay ay nasa lahat ng dako. Ang sinumang tao na tutol sa katotohanan ay masama, at ang sinumang pinuno o manggagawa na hindi tumatanggap sa katotohanan ay isang anticristo o huwad na lider. Hindi ba’t ang gayong mga tao ay mga Satanas at nabubuhay na diyablo? Maaaring ang mga gayong tao mismo ang sinasamba at hinahangaan mo; maaaring sila ang mga taong namumuno sa iyo o mga taong matagal mo nang hinahangaan, pinagkakatiwalaan, inaasahan, at inaasam sa iyong puso. Sa totoo lang, gayumpaman, sila ay mga hadlang sa iyong landas at pumipigil sa iyong hangarin ang katotohanan at tamuhin ang kaligtasan; sila ay mga huwad na lider at anticristo. Maaari nilang kontrolin ang iyong buhay at ang landas na iyong nilalakaran, at maaari nilang sirain ang pagkakataon mong mabigyan ng kaligtasan. Kung mabibigo kang makilatis at mahalata sila, anumang sandali ay maaari kang mailihis at mabihag. Kaya, ikaw ay nasa malaking panganib. Kung hindi mo mailayo ang iyong sarili sa panganib na ito, ikaw ay biktimang isasakripisyo ni Satanas.

—Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikatlong Aytem: Inihihiwalay at Binabatikos Nila ang mga Naghahanap ng Katotohanan

Ano ang saloobing dapat mong taglayin hinggil sa mga anticristo? Dapat mo silang isiwalat, at kalabanin. Kung iisa o dadalawa lang kayo at masyado kang mahina para harapin nang mag-isa ang mga anticristo, dapat kang makipagsanib-puwersa sa ilang taong nauunawaan ang katotohanan upang isumbong at isiwalat ang mga anticristong ito, at magpatuloy hanggang sa mapaalis sila. Narinig Ko na sa nakaraang dalawang taon, ang mga taong hinirang ng Diyos sa ilang kanayunan sa kalupaang Tsina ay nagkaisa na tanggalin sa puwesto ang mga huwad na lider at mga anticristo; ang ilang huwad na lider at anticristo ay pinuno pa nga ng mga grupong gumagawa ng desisyon, pero sa kabila nito, nagawa pa rin silang tanggalin ng mga taong hinirang ng Diyos. Ang mga taong hinirang ng Diyos ay hindi kinailangang maghintay ng pagsang-ayon mula sa Itaas; batay sa mga katotohanang prinsipyo, natukoy nila ang mga huwad na lider at mga anticristong ito—na hindi gumagawa ng tunay na gawain, at laging pinapahirapan ang mga kapatid, na umaakto nang magulo, at inaabala ang gawain ng sambahayan ng Diyos—at maagap na hinarap nila ang mga ito. Ang iba ay tinanggal mula sa mga grupong gumagawa ng desisyon, at ang ilan ay pinaalis sa iglesia—na napakabuti! Ipinapakita nito na ang mga taong hinirang ng Diyos ay nasa tamang landas na ng pananampalataya sa Diyos. May mga taong hinirang ng Diyos na nakakaunawa na sa katotohanan at ngayon ay nagtataglay na ng kaunting tayog, hindi na sila kinokontrol at niloloko ni Satanas, naglalakas-loob na silang tumindig at lumaban sa masasamang puwersa ni Satanas. Ipinapakita rin nito na hindi na nakakalamang ang mga puwersa ng mga huwad na lider at mga anticristo sa iglesia. Kaya hindi na sila naglalakas-loob na maging garapal sa kanilang mga salita at kilos. Sa oras na magpahalata sila, may taong mangangasiwa, kikilatis, at magtatakwil sa kanila. Sa madaling salita, ang katayuan, reputasyon, at kapangyarihan ng tao ay walang dominanteng katayuan sa puso ng mga taong tunay na nakakaunawa sa katotohanan. Ang mga ganoong tao ay hindi naniniwala sa mga bagay na iyon. Kapag ang isang tao ay maagap na nakakapaghanap ng katotohanan at nakakapagbahaginan tungkol dito, at kapag nagsimula na siyang magtaya muli at magnilay sa landas na dapat lakaran ng mga taong nananampalataya sa Diyos at sa kung paano niya dapat tratuhin ang mga lider at manggagawa, at nagsimula na siyang mag-isip kung sino ang dapat sundin ng mga tao, kung aling mga pag-uugali ang taglay ng mga sumusunod sa tao at alin ang taglay ng mga sumusunod sa Diyos, at pagkatapos, sa pangangapa sa mga katotohanang ito at pagdanas ng mga ito sa loob ng ilang taon, kapag nagawa na niyang maunawaan ang ilang katotohanan at maging mapagkilatis, nang hindi niya ito namamalayan—nakapagkamit na siya ng kaunting tayog. Ang kakayahang mahanap ang katotohanan sa lahat ng bagay ay ang makapasok sa tamang landas ng pananampalataya sa Diyos.

—Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikatlong Aytem: Inihihiwalay at Binabatikos Nila ang mga Naghahanap ng Katotohanan

Ang mga anticristo ay nagtataglay ng lubhang malulupit na disposisyon. Kung susubukan mo silang pungusan o ilantad, kamumuhian ka nila at ibabaon nila sa iyo ang mga ngipin nila na para bang sila ay mga makamandag na ahas. Hindi mo sila maiwawaksi o maiaalis kahit anong pilit mo. Kapag nakakatagpo kayo ng mga gayong anticristo, natatakot ba kayo? May ilang tao na natatakot at nagsasabi, “Hindi ako nangangahas na pungusan sila. Masyado silang mabangis, para silang mga makamandag na ahas, at kung pupulupot sila sa akin, magiging katapusan ko na.” Anong uri ng mga tao ang mga ito? Masyadong mababa ang tayog nila, wala silang silbi sa anumang bagay, hindi sila mabubuting sundalo ni Cristo, at hindi nila kayang magpatotoo sa Diyos. Kaya, ano ang dapat ninyong gawin kapag nakatagpo kayo ng mga gayong anticristo? Kung pinagbabantaan ka nila o tinatangka nilang kitilin ang buhay mo, matatakot ka ba? Sa mga gayong sitwasyon, dapat mabilis kang makipagkaisa sa mga kapatid mo at manindigan, magsiyasat, magtipon ng ebidensiya, at maglantad sa anticristo hanggang maalis siya sa iglesia. Lubusan itong paglutas sa problema. Kapag natuklasan mo ang isang anticristo at malinaw mong natukoy na taglay niya ang mga katangian ng isang masamang tao at kaya niyang magparusa at maghiganti sa iba, huwag mo nang hintayin na makagawa pa siya ng kasamaan at makapagtipon ng ebidensiya bago mo ito pangasiwaan. Ito ay pagiging pasibo at magreresulta sa ilang kawalan. Kapag ipinapakita ng mga anticisto na mayroon silang mga katangian ng isang masamang tao at ibinubunyag nila ang mapanira at mapaminsala nilang disposisyon, at magsisimula na silang kumilos, pinakamainam na agad mo silang pangasiwaan, tugunan, alisin, at patalsikin. Ito ang pinakamatinong pamamaraan. Ang ilang tao ay natatakot sa paghihiganti ng mga anticristo at hindi sila naglalakas-loob na ilantad ang mga ito. Hindi ba’t kahangalan ito? Hindi mo magawang pangalagaan ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, na likas na nagpapakita na hindi ka tapat sa Diyos. Natatakot ka na pwedeng makahanap ang isang anticristo ng sandata para makaganti sa iyo—ano ang problema? Pwede kayang dahil hindi ka nagtitiwala sa pagiging matuwid ng Diyos? Hindi mo ba alam na ang katotohanan ang naghahari sa sambahayan ng Diyos? Kahit na matuklasan ng isang anticristo ang ilang isyu ng katiwalian sa iyo at at gumawa ng gulo tungkol dito, hindi ka dapat matakot. Sa sambahayan ng Diyos, ang mga problema ay pinangangasiwaan batay sa mga katotohanang prinsipyo. Ang paggawa ng mga pagsalangsang ay hindi nangangahulugang masamang tao ang isang tao. Hindi kailanman pinangangasiwaan ng sambahayan ng Diyos ang sinuman dahil sa isang panandaliang pagpapakita ng katiwalian o paminsan-minsang paglabag. Iwinawasto ng sambahayan ng Diyos ang mga anticristo at masasamang tao na palagiang nanggugulo at gumagawa ng masama, at hindi tumatanggap ng kahit katiting na katotohanan. Hindi kailanman inaagrabyado ng sambahayan ng Diyos ang isang mabuting tao. Tinatrato nito ang lahat nang patas. Kahit na akusahan ng hindi totoo ng mga huwad na lider o anticristo ang isang mabuting tao, ipapawalang-sala sila ng sambahayan ng Diyos. Hindi kailanman aalisin o pangangasiwaan ng iglesia ang isang mabuting tao na kayang maglantad ng mga anticristo at na may pagpapahalaga sa katarungan. Palaging natatakot ang mga tao na makakahanap ang mga anticristo ng sandata para gantihan sila. Ngunit hindi ka ba natatakot na masalungat ang Diyos at maranasan ang Kanyang pagtataboy? Kung natatakot ka na makahanap ng paraan ang isang anticristo na makaganti sa iyo, bakit hindi mo kunin ang ebidensya ng masasamang gawa ng anticristong iyon para iulat at ilantad siya? Sa paggawa nito, makakamit mo ang pagsang-ayon at suporta ng hinirang na mga tao ng Diyos, at higit sa lahat, matatandaan ng Diyos ang iyong mabubuting gawa at mga kilos ng katarungan. Kaya, bakit hindi mo gawin ito? Dapat palaging tandaan ng hinirang na mga tao ng Diyos ang atas ng Diyos. Ang pag-aalis ng masasamang tao at mga anticristo ang pinakamahalagang laban sa pakikipagsagupa kay Satanas. Kung maipapanalo ang labang ito, magiging patotoo ito ng isang mananagumpay. Ang pakikipaglaban sa mga Satanas at diyablo ay isang patotoong batay sa karanasan na dapat taglayin ng hinirang na mga tao ng Diyos. Isa itong katotohanang realidad na dapat taglayin ng mga mananagumpay. Pinagkalooban ng Diyos ang mga tao ng napakaraming katotohanan, inakay ka Niya sa loob ng napakahabang panahon, at napakarami niyang itinustos para sa iyo, para patotohanan at pangalagaan mo ang gawain ng iglesia. Pero lumalabas na kapag gumagawa ng masasamang gawa ang masasamang tao at ang mga anticristo at kapag ginugulo nila ang gawain ng iglesia, nagiging duwag ka at umaatras ka, tumatakbo nang nakatakip ang mga kamay sa ulo—wala kang kwenta. Hindi mo madaig si Satanas, hindi ka nakapagpatotoo, at kinasusuklaman ka ng Diyos. Sa kritikal na sandaling ito, kailangan mong manindigan at makipagdigma sa mga Satanas, ilantad ang masasamang gawa ng mga anticristo, kondenahin at isumpa sila, huwag silang bigyan ng lugar na mapagtataguan, at alisin sila palayo sa iglesia. Ito lang ang maituturing na pagkamit ng tagumpay laban sa mga Satanas at pagwawakas sa kapalaran nila. Isa ka sa hinirang na mga tao ng Diyos, isang tagasunod ng Diyos. Hindi ka pwedeng matakot sa mga hamon; dapat kang kumilos ayon sa mga katotohanang prinsipyo. Ito ang ibig sabihin ng pagiging isang mananagumpay. Kung natatakot ka sa mga hamon at nakikipagkompromiso ka dahil natatakot ka sa paghihiganti ng masasamang tao o mga anticristo, kung gayon, hindi ka isang tagasunod ng Diyos, at hindi ka kabilang sa hinirang na mga tao ng Diyos. Wala kang kwenta, mas mababa ka pa kaysa sa mga tagapagserbisyo. Pwedeng sabihin ng ilang duwag, “Napakalakas ng mga anticristo; kaya nilang gawin ang anumang bagay. Paano kung maghiganti sila sa akin?” Salita ito ng magulo ang isipan. Kung natatakot ka sa paghihiganti ng mga anticristo, nasaan ang pananalig mo sa Diyos? Hindi ba’t pinrotektahan ka ng Diyos sa buong buhay mo? Hindi ba’t nasa mga kamay rin ng Diyos ang mga anticristo? Kung hindi ito pinahihintulutan ng Diyos, ano ang magagawa nila sa iyo? Dagdag pa rito, gaano man kasama ang mga anticristo, ano ba talaga ang kaya nilang gawin? Hindi ba’t masyadong madali para sa hinirang na mga tao ng Diyos na magkaisa at ilantad, at pangasiwaan sila? Kung gayon, bakit ka matatakot sa mga anticristo? Ang mga gayong tao ay walang kwenta at hindi karapat-dapat na sumunod sa Diyos. Umuwi ka na lang, palakihin mo ang mga anak mo, at mamuhay ka nang tahimik. Sa harap ng panggugulo ng mga anticristo sa gawain ng iglesia at pamiminsala sa hinirang na mga tao ng Diyos, paano dapat tumugon ang hinirang na mga tao ng Diyos sa masasamang gawa ng mga anticristo? Paano dapat manindigan sa patotoo nila ang mga sumusunod sa Diyos? Paano nila dapat labanan ang mga puwersa ni Satanas at ang mga anticristo? Nagpapasakop ka man at nagiging tapat sa Diyos o nakaupo ka lang sa tabi-tabi at ipinagkakanulo mo ang Diyos—ganap na mabubunyag ang mga ito kapag nanggugulo, gumagawa ng masama, at sumasalungat sa Diyos ang mga anticristo. Kung hindi ka isang taong nagpapasakop sa Diyos at tapat sa Kanya, kung gayon, isa kang taong nagkakanulo sa Kanya. Walang ibang pagpipilian. Ang ilang naguguluhang indibidwal at iyong mga walang pagkilatis ay pinipiling maging nyutral sa paninindigan nila at hindi sila makapagdesisyon. Sa mga mata ng Diyos, walang katapatan sa Diyos at mga taksil sa Kanya ang mga taong ito. Ang ilang naguguluhang indibidwal, dahil sa karuwagan nila, ay natatakot sa pagpaparusa ng mga anticristo, at paulit-ulit nilang itinatanong sa puso nila, “Ano ang gagawin ko?” Hindi dapat ganito ang itinatanong mo. Ano ba ang dapat mong gawin? (Tuparin ang sarili naming mga tungkulin, lubusang ilantad ang masasamang gawa ng mga anticristo, bigyang-kakayahan ang mga kapatid na matutong magsagawa ng pagkilatis, at itakwil ang mga anticristo. Hindi kami dapat mag-alala sa sarili naming seguridad. Ang pinakamahalagang bagay na dapat naming isaalang-alang ay kung paano tuparin ang tungkulin namin kapag ginugulo ng masasamang tao ang gawain ng iglesia.) Paano kung nakakaapekto ito sa pamilya mo? (Dapat walang pag-aalinlangan naming gampanan ang tungkulin namin. Hindi namin dapat isantabi ang tungkulin namin o hindi kami dapat mabigong manindigan sa patotoo namin dahil lang sa mga mapagmahal na pag-aalaala para sa seguridad ng pamilya namin.) Tama. Una sa lahat, dapat kang manindigan sa patotoo mo at dapat mong labanan ang mga anticristo at masasamang tao hanggang sa huli, para hindi sila magkaroon ng puwang sa sambahayan ng Diyos. Kung handa silang magtrabaho, hayaan silang gawin ito ayon sa mga panuntunan, at gawin ang anumang kaya nilang gawin. Kung ayaw nilang magtrabaho, kailangang magkaisa ang lahat at patalsikin ang mga anticristo para hindi sila makagambala, makagulo, o makasira sa gawain ng iglesia sa sambahayan ng Diyos. Ito ang unang bagay na dapat mong gawin at ang patotoo na dapat mong panindigan. Dagdag pa rito, kailangan mong maunawaan na ang pamilya at buhay mo ay pawang nasa mga kamay ng Diyos, at hindi nangangahas si Satanas na kumilos nang padalus-dalos. Sinabi ng Diyos: “Kung walang pahintulot ang Diyos, mahirap para kay Satanas na hipuin kahit na ang isang patak ng tubig o butil ng buhangin sa lupa; kung walang pahintulot ang Diyos, ni hindi malaya si Satanas na galawin man lamang ang mga langgam sa lupa, lalo na ang sangkatauhan, na nilikha ng Diyos.” Hanggang saan mo magagawang paniwalaan ang mga salitang ito? Ibinubunyag ng pakikipaglaban sa mga anticristo at masasamang tao ang laki ng iyong pananalig. Kung mayroon kang tunay na pananampalataya sa Diyos, kung gayon, may tunay kang pananalig. Kung maliit lang ang iyong pananampalataya sa Diyos, at malabo at hungkag ang pananampalatayang iyon, kung gayon, wala kang tunay na pananalig. Kung hindi ka naniniwala na may kakayahan ang Diyos na magkaroon ng kataas-taasang kapangyarihan sa lahat ng ito at na nasa ilalim ng kapamahalaan ng Diyos si Satanas, at natatakot ka pa rin sa mga anticristo at masasamang tao, natitiis mo ang paggawa nila ng kasamaan sa iglesia, ang panggugulo at pagsira nila sa gawain ng iglesia, at kaya mong makipagkompromiso kay Satanas o magmakaawa rito para protektahan ang iyong sarili, nang hindi ka naglalakas-loob na tumindig at labanan siya, at kung ikaw ay naging isang taong lumilisan, mapagpalugod ng mga tao, at isang tagamasid, kung gayon ay wala kang tunay na pananampalataya sa Diyos. Nagiging kuwestiyonable ang pananampalataya mo sa Diyos, dahilan para maging kaawa-awa ang iyong pananampalataya! Kapag nakikita mo ang mga anticristo at masasamang tao na nanggugulo at nanggagambala sa sambahayan ng Diyos ngunit nananatili kang walang pakialam; kapag ipinagkakanulo mo ang mga interes ng sambahayan ng Diyos at ng Kanyang hinirang na mga tao na tao para protektahan ang sarili mong buhay, pamilya, at lahat ng sarili mong interes, kung gayon ay nagiging taksil ka, isang Hudas. Malinaw at kitang-kita ito. Madalas tayong nagbabahaginan at naghihimay-himay tungkol sa mga anticristo at masasamang tao, tinatalakay natin kung paano sila makilatis at makilala, lahat ng ito ay para makapagbahaginan nang malinaw tungkol sa katotohanan, at mabigyan ang mga tao ng pagkilatis laban sa masasamang tao at mga anticristo, para mailantad sila ng mga tao. Sa ganitong paraan, hindi na malilihis o magugulo ng mga anticristo ang hinirang na mga tao na tao ng Diyos, at makakalaya na sila mula sa impluwensiya at pagkaalipin ni Satanas. Gayunpaman, may mga pilosopiya pa rin ang ilang tao para sa mga makamundong pakikitungo sa puso nila. Hindi nila sinusubukang kilatisin ang masasamang tao at mga anticristo; sa halip, ginagampanan nila ang papel ng mga mapagpalugod ng mga tao. Hindi sila nakikipaglaban sa mga anticristo, hindi sila nagtatakda ng malinaw na distansiya sa kanila, at pinipili nila ang isang nyutral at maingat na paraan para mapangalagaan ang kanilang sariling mga interes. Hinahayaan nila ang mga diyablong ito—ang masasamang tao at mga anticristong ito—na manatili sa sambahayan ng Diyos, nag-aanyaya ng panganib sa pamamagitan ng pag-aalaga sa mga diyablo. Hinahayaan nila ang mga diyablong ito na walang habas na guluhin ang gawain ng iglesia at ang paggawa ng mga kapatid sa kanilang mga tungkulin. Anong papel ang ginagampanan ng mga gayong tao? Nagiging sanggalang sila para sa mga anticristo at mga kasabwat ng mga anticristo. Bagamat pwedeng hindi mo ginagawa ang mga bagay na katulad sa mga anticristo o ginagawa ang katulad na masasamang gawa, may parte ka sa kanilang masasamang gawa—ikaw ay kinokondena. Kinukunsinti at ikinakanlong mo ang mga anticristo, hinahayaan silang maghasik ng kaguluhan sa paligid mo nang hindi gumagawa ng anumang aksiyon o anumang bagay. Hindi ba’t may parte ka sa kasamaan ng mga anticristo? Ito ang dahilan kung bakit nagiging kasabwat ng mga anticristo ang ilang huwad na lider at ang mga mapagpalugod ng mga tao. Ang sinumang nakakasaksi sa mga anticristo na nanggugulo sa gawain ng iglesia ngunit hindi naglalantad sa mga anticristo o nagtatakda ng malinaw na distansiya mula sa mga ito ay nagiging alipores at kasabwat ng mga ito. Wala silang pagpapasakop at katapatan sa Diyos. Sa mga kritikal na sandali ng labanan sa pagitan ng Diyos at ni Satanas, pumapanig sila kay Satanas, pinoprotektahan nila ang mga anticristo at ipinagkakanulo ang Diyos. Kinasusuklaman ng Diyos ang mga gayong tao.

—Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasiyam na Aytem (Ikawalong Bahagi)

Kapag natuklasan mong anticristo ang isang tao, hayaan mong sabihin Ko sa iyo, kung lubha siyang maimpluwensiya, at maraming lider at manggagawa ang nakikinig sa kanya at hindi makikinig ang mga ito sa iyo, at kung ilalantad mo siya at mabubukod o mapapaalis ka lang din, kung gayon, dapat mong pag-isipang mabuti ang istratehiya mo. Huwag mo siyang harapin nang mag-isa; malamang na matatalo ka. Simulan mo sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa ilang tao na nakakaunawa sa katotohanan at may pagkilatis, at makipagbahaginan ka sa kanila. Kung may mapagkasunduan kayo, lumapit kayo sa dalawa pang lider o manggagawa na kayang tanggapin ang katotohanan at makipagkasunduan kayo sa kanila. Kapag may ilang tao nang magkakasamang kumikilos, ilantad at harapin ninyo ang anticristo nang sama-sama. Sa ganitong paraan, may pag-asa kayong magtagumpay. Kung masyadong malakas ang impluwensiya ng anticristo, puwede rin kayong sumulat sa Itaas. Ito ang pinakamainam na paraan. Kung talagang susubukan ng ilang lider at manggagawa na pigilan kayo, puwede ninyong sabihin sa kanila, “Kung hindi ninyo tatanggapin ang pagsisiwalat at sumbong namin, dadalhin namin ang usaping ito sa Itaas at hahayaan naming sila ang humarap sa inyo!” Palalakihin nito ang tsansa ninyong magtagumpay, dahil hindi sila mangangahas na kumilos laban sa inyo. Kapag mga anticristo ang kaharap ninyo, dapat ninyong gamitin ang maaasahang pamamaraan na ito—huwag na huwag kayong kikilos nang mag-isa. Kung hindi ka suportado ng ilang lider at manggagawa, mabibigo ka lang sa gagawin mo, maliban na lang kung makakagawa ka ng sulat at maiaabot mo ito sa Itaas. Lubhang traydor at tuso ang mga anticristo. Kung wala kang sapat na ebidensiya, iwasan mong kumilos laban sa kanila. Walang silbing makipagkatwiranan o makipagdebate sa kanila, walang silbing magpakita ng malasakit para subukang mabago sila, at walang magagawa ang makipagbahaginan sa kanila tungkol sa katotohanan; hindi mo sila mababago. Sa isang sitwasyon kung saan hindi mo sila kayang baguhin, ang pinakamainam mong gawin ay hindi ang makipag-usap sa kanila nang puso-sa-puso, makipagkatwiranan sa kanila, at hintaying magsisi sila. Sa halip, isiwalat at isumbong mo sila nang hindi nila nalalaman, hayaan mong ang Itaas ang humarap sa kanila, at himukin mo ang mas marami pang tao na isiwalat sila, isumbong sila, at itakwil sila, na sa huli ay mauuwi sa pagkatiwalag nila sa iglesia. Hindi ba’t isa itong magandang diskarte? Kung pakay nilang alamin mula sa iyo ang mga saloobin mo, masusi kang siyasatin, at tingnan kung may anumang pagkilatis ka sa kanya, ano ang dapat mong gawin kung natukoy mo na ngang isa siyang anticristo? (Hindi dapat ako magsalita nang tapat sa kanya, kundi sumunod lang pansamantala sa mga salita niya, hindi ipapaalam sa kanya ang pagkilatis ko, at pagkatapos ay dapat ko siyang isiwalat at isumbong nang pribado.) Ayos ba ang diskarteng ito? (Ayos ito.) Dapat mong makita nang mabuti ang mga pakana ng mga diyablo at Satanas at iwasan mong mabitag ka nila o mahulog sa kanilang mga patibong. Kapag mga Satanas at diyablo ang kaharap mo, dapat kang gumamit ng karunungan, at iwasan mong magsalita sa kanila nang tapat. Ito ay dahil ang mga puwede mo lang pagsabihan ng totoo ay ang Diyos at ang mga tunay na kapatid. Hindi ka dapat magsalita nang tapat sa mga Satanas, sa mga diyablo, o sa mga anticristo. Ang Diyos lang ang karapat-dapat makaunawa sa laman ng puso mo at magkaroon ng kataas-taasang kapangyarihan at sumiyasat sa iyong puso. Hindi kwalipikado ang sinuman, lalo na ang mga diyablo at Satanas, na kontrolin at siyasatin ang puso mo. Samakatwid, kung susubukan ng mga diyablo at Satanas na alamin ang katotohanan mula sa iyo, may karapatan kang magsabi ng “hindi,” tumangging sagutin ito, at huwag magbigay ng impormasyon—karapatan mo ito. Kung sasabihin mo, “Diyablo ka, gusto mong pilitin akong magsalita, pero hindi ako magsasalita nang totoo sa iyo, hindi ko sasabihin sa iyo. Isusumbong kita—ano ang magagawa mo sa akin? Kung mangangahas kang pahirapan ako, isusumbong kita; kung pahihirapan mo ako, susumpain at parurusahan ka ng Diyos!” uubra ba ito? (Hindi.) Sinasabi ng Bibliya: “Mangagpakatalino nga kayong gaya ng mga ahas, at mangagpakatimtimang gaya ng mga kalapati” (Mateo 10:16). Sa ganoong mga sitwasyon, dapat kang magpakatalino gaya ng mga ahas; dapat maging matalino ka. Ang mga puso natin ay angkop lang para siyasatin at taglayin ng Diyos, at sa Kanya lang natin dapat ibigay ang mga ito. Ang Diyos lang ang karapat-dapat sa mga puso natin, hindi karapat-dapat ang mga Satanas at diyablo! Samakatwid, may karapatan ba ang mga anticristo na malaman kung ano ang laman ng puso natin o kung ano ang iniisip natin? Wala silang karapatan. Ano ang layunin nila at sinusubukan nilang alamin ang katotohanan mula sa iyo at masusi kang siyasatin? Layunin nilang kontrolin ka; dapat makita mo ito nang malinaw. Kaya, huwag kang magsabi ng totoo sa kanila. Dapat humanap ka ng paraan para pagkaisahin ang mas marami pang kapatid para ilantad at itakwil sila, pababain sila sa posisyon nila, at huwag na huwag silang hahayaang magtagumpay. Tanggalin sila sa iglesia, para huwag na silang muling makapanggulo at makahawak ng kapangyarihan sa sambahayan ng Diyos.

—Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikalabing-apat na Aytem: Tinatrato Nila ang Sambahayan ng Diyos na Parang Sarili Nilang Personal na Teritoryo

Sinasabi ng ilang tao, “Ang mga anticristo ay mga tao lang na may mga tiwaling disposisyon. May damdamin ang mga tao. Kung makikiusap ka sa kanila na may kalakip na damdamin, ipapaliwanag nang lohikal ang mga bagay-bagay, at lilinawin ang mabubuting bagay at hindi, kapag naunawaan nila ang katwiran, baka sakaling hindi sila kumilos sa ganoong paraan. Baka aminin nila ang kanilang mga pagkakamali, magsisi, at tumigil sa paglakad sa landas ng mga anticristo. Baka sakaling hindi sila magtatag ng sarili nilang teritoryo sa loob ng sambahayan ng Diyos, magtawag ng sarili nilang masusugid na tagasunod para magmonopolisa ng kapangyarihan sa sambahayan ng Diyos, at makilahok sa mga ganitong pagkilos na hindi umaayon sa pagkatao at moral.” Maiimpluwensiyahan ba ang mga anticristo sa ganitong paraan? (Hindi.) May nakapagpabago na ba sa isang anticristo? May nagsasabi na, “Siguro hindi sila naturuan mabuti ng kanilang ina mula sa pagkabata, pinalaki sila sa layaw. Ngayon, kung kakausapin sila ng kanilang ina o kung makipagkatwiranan sa kanila ang taong pinakatanyag sa kanilang pamilya, o ng pinakamatagal nang mananampalataya sa kanila, baka sakaling hindi na nila gawin ang mga bagay na ginagawa ng mga anticristo.” Totoo ba ito? (Hindi.) Bakit hindi? (Walang magagawa ang mangatwiran sa kanila; habang lalo kang nagsasalita, lalo nilang ipagdaramdam ito. Kung ilalantad at pupungusan mo sila, kapopootan ka nila.) Tama. Hindi ba’t ilang beses na nilang narinig ang mga salita ng Diyos at ang katotohanan? Nanalig na ang ilang anticristo sa loob ng sampu o dalawampung taon nang walang anumang pagbabago. Marami-rami na silang nabasang mga salita ng Diyos pero bakit walang nangyaring pagbabago? Ito ay dahil puno ng kasamaan ang kanilang mga puso—kahit ang Diyos ay hindi sila inililigtas, kaya ba silang baguhin ng mga tao gamit ang kakaunting kaalaman at doktrinang mayroon sila? Sa lipunan ng mga tao, may edukasyon ang mga bansa, at may mga batas sa lipunan, kung saan hinihimok nitong lahat ang mga tao na matutong maging mabuti at umiwas sa paggawa ng mga krimen. Pero bakit hindi nito mabago ang mga tao? Nagkaroon na ba ng anumang positibong epekto sa lipunan ang edukasyon at mga sistema ng bansa? May anumang edukasyunal na kabuluhan ba o halaga para sa sangkatauhan ang mga bagay na iyon na itinaguyod ng bansa? Naging epektibo ba ang mga ito? (Hindi.) Kahit ang mga legal na departamento ng bawat bansa, gaya ng mga koreksyonal na pasilidad para sa mga delingkuwenteng kabataan at ang mga bilangguan, na pinakamataas at pinakamahigpit na mga lugar para sa pagdidisiplina sa mga tao, nabago ba ng mga ito ang diwa ng mga tao? Halimbawa na lang ang ilang taong nanggahasa, magnanakaw, at butangero—maraming beses na silang labas-masok sa bilangguan na nagiging paulit-ulit na silang lumalabag—nagbabago ba sila kalaunan? Hindi, walang makapagpapabago sa kanila. Hindi mababago ang diwa ng isang tao. Gayundin naman, hindi rin mababago ang diwa ng mga anticristo. Nirerepresenta ng pagsasagawa ng pagmomonopolisa sa kapangyarihan ang diwa ng mga anticristo, at hindi mababago ang diwang ito. Ano ang saloobin ng Diyos patungkol sa ganitong uri ng tao na hindi mababago? Ito ba ay ang gawin Niya ang buo Niyang makakaya para baguhin at iligtas sila, at pagkatapos ay magkamit ng transpormasyon sa kanilang kalikasan? Ginagawa ba ng Diyos ang gawaing ito? (Hindi.) Ngayong nauunawaan na ninyo na hindi ginagawa ng Diyos ang ganitong uri ng trabaho, paano ninyo dapat harapin ang mga anticristo? (Itakwil mo sila.) Una, kilatisin at himayin; kapag nakikita na niyo ang tunay nilang kalikasan, itakwil ninyo sila. Huwag ninyong itakwil ang isang tao batay lamang sa mga kuru-kuro at imahinasyon ninyo, iniisip na mapagmataas at mapagmagaling sila at parang anticristo. Hindi ito uubra; hindi ka maaaring maging bulag. Sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan, pag-iimbestiga at pagkilatis, unti-unti ninyong patunayan at kumpirmahin na anticristo nga ang isang tao. Una, ibahagi at himayin sila sa lahat, kilatisin sila, at pagkatapos ay makipagkaisa sa mga nasa iglesia na naghahangad sa katotohanan at may pagpapahalaga sa katarungan para itakwil sila. Kilatisin at himayin muna sila, at pagkatapos ay itakwil sila—ito ang pinakamainam na paraan para harapin ang mga anticristo.

—Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikalabing-apat na Aytem: Tinatrato Nila ang Sambahayan ng Diyos na Parang Sarili Nilang Personal na Teritoryo

Bakit gustong patalsikin ng sambahayan ng Diyos ang mga anticristo? Ayos lang ba na hayaan silang manatili at magserbisyo? Ayos lang ba na bigyan sila ng pagkakataong magsisi? (Hindi.) Mayroon bang anumang posibilidad na magagawa nilang hangarin ang katotohanan? (Hindi kayang hangarin ng mga anticristo ang katotohanan.) Ngayon, natuklasan na ninyo na ang mga anticristo ay masasamang tao na nabibilang kay Satanas at hindi kayang magsisi, kaya sila pinatatalsik. Walang taong pinatatalsik nang basta-basta. Paulit-ulit na nagpapasensiya ang sambahayan ng Diyos, paulit-ulit silang binibigyan ng mga pagkakataon na magsisi, at ng kaluwagan, para hindi maling maakusahan ang mabubuting tao, at para walang mapapatalsik o mapipinsala nang basta-basta. Hindi madali para sa kanila na manampalataya sa Diyos sa loob ng maraming taon; matiisin ang sambahayan ng Diyos sa lahat ng tao hanggang sa lubusan silang makilatis, hanggang sa ganap silang mabunyag. Pero kaya bang magsisi ng mga anticristo? Hindi nila kayang magsisi. Ang papel na ginagampanan nila sa sambahayan ng Diyos ay ang pagiging mga alipores ni Satanas, binubuwag, ginagambala, at ginugulo ang gawain ng sambahayan ng Diyos. Kahit na mayroon silang ilang kaloob o talento, hindi nila magagawang magsikap para gawin nang maayos ang tungkulin nila, o tumahak sa tamang landas. Kahit na may ilang kapaki-pakinabang na aspekto ang mga anticristo, tiyak na hindi sila gagawa ng positibong kontribusyon sa gawain ng Diyos sa sambahayan ng Diyos. Wala silang ginagawa kundi manggambala, manggulo, at manira sa gawain ng Diyos, at hindi sila gumagawa ng mabubuting bagay. Pinanatili mo sila para maobserbahan sila at binigyan mo sila ng pagkakataong magsisi, pero wala silang kakayahan na magsisi. Sa huli, ang naisip na solusyon ay patalsikin sila. Bago sila patalsikin, malinaw mo nang naunawaan ang katunayan na isang anticristo ang ganitong uri ng tao na mas pipiliin pang mamatay kaysa magsisi, na antagonistiko siya sa Diyos at sa katotohanan. Bilang resulta, pinatalsik siya. Patatalsikin ba siya kung naging mabuting tao siya? Patatalsikin ba siya kung kaya niyang tanggapin ang katotohanan at magsisi? Sa pinakamainam, tatanggalin siya sa tungkulin niya at ipapadala para lumahok sa mga espirituwal na debosyonal at pagninilay-nilay, hindi siya patatalsikin. Sa sandaling magdesisyon ang sambahayan ng Diyos na patalsikin ang isang tao, ibig sabihin nito ay magiging salot ang taong ito sa sambahayan ng Diyos kung papayagan siyang manatili. Hindi siya gagawa ng mabubuting bagay, bagkus ay magsasanhi lang siya ng mga pagkagambala at kaguluhan, at gagawa ng iba’t ibang uri ng masamang bagay. Sa anumang iglesia sila naroroon, guguluhin nila ito hanggang sa puntong magkawatak-watak ito, tumigil ang gawain, at nakaramdam ng kawalan ng pag-asa ang karamihan sa mga tao at nawalan sila ng pananalig sa Diyos, at ginusto pa nga ng ilan na huminto sa pananalig nila at hindi sila makapagpatuloy sa paggawa ng mga tungkulin nila. Ano ang dahilan nito? Sanhi ito ng mga panggugulo ng anticristo. Ang anticristo ay dapat mapangasiwaan, mapaalis, at mapatalsik para magkaroon ng pag-asa ang iglesiang ito, para maging normal ang buhay-iglesia, at para makapasok ang mga hinirang na tao ng Diyos sa tamang landas ng pananampalataya sa Diyos. Sinasabi ng ilang tao, “Ang Diyos ay pagmamahal, kaya dapat din nating bigyan ang mga anticristo ng pagkakataon na magsisi.” Napakaganda pakinggan ng mga salitang ito, pero ganoon ba talaga ang mga bagay-bagay? Pagmasdan nang mabuti: Aling mga anticristo at masasamang tao na pinatalsik ang nakakilala sa sarili nila kalaunan, at nagawang hangarin at mahalin ang katotohanan? Sino ang mga nagsisi? Wala sa kanila ang nagsisi at mapagmatigas silang lahat na tumangging ikumpisal ang mga kasalanan nila, at gaano man karaming taon ang lumipas kapag nakita mo silang muli, ganoon pa rin sila, kumakapit pa rin sa mga bagay na iyon na nangyari noon at ayaw nilang bumitiw, sinusubukang pangatwiranan at ipaliwanag ang sarili nila. Hindi nagbago kahit kaunti ang disposisyon nila. Kung tatanggapin mong makabalik sila at tutulutan silang bumalik sa buhay-iglesia, at hahayaan silang gumawa ng tungkulin, gagambalain at guguluhin pa rin nila ang gawain ng iglesia. Tulad ni Pablo, uulitin nila ang dati nilang mga pagkakamali, itinataas at pinatotohanan ang sarili nila. Hindi man lang nila matahak ang landas ng paghahangad sa katotohanan, at tatahakin nila ang lumang landas nila, ang landas ng isang anticristo, ang landas ni Pablo. Ito ang batayan ng pagpapatalsik sa mga anticristo.

—Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasiyam na Aytem (Ikawalong Bahagi)

Kaugnay na mga Patotoong Batay sa Karanasan

Kung Paano Ko Iniulat ang Isang Anticristo

Nangahas Akong Labanan ang Masasamang Puwersa ng mga Anticristo

Kaugnay na mga Himno

Lumaban ng Mabuting Laban para sa Katotohanan

Sinundan: 11. Ang pagkakaiba sa pagitan ng disposisyon ng mga anticristo at ng diwa ng mga anticristo

Sumunod: 1. Ano ang ibig sabihin ng manampalataya sa Diyos, ano ang ibig sabihin ng pagsunod sa Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito