11. Ang pagkakaiba sa pagitan ng disposisyon ng mga anticristo at ng diwa ng mga anticristo

Mga Salita ng Makapangyarihang Diyos ng mga Huling Araw

Ang isang tao na mayroon lamang disposisyon ng isang anticristo ay hindi makaklasipika bilang, sa diwa, isang anticristo. Yaon lamang mga may kalikasang diwa ng mga anticristo ang tunay na mga anticristo. Para makatiyak, may mga pagkakaiba sa pagkatao ang dalawa, at sa ilalim ng pamamahala ng iba’t ibang uri ng pagkatao, ang mga saloobing kinikimkim ng mga tao patungkol sa katotohanan ay hindi rin magkakapareho—at kapag hindi magkakapareho ang mga saloobing kinikimkim ng mga tao patungkol sa katotohanan, magkaiba ang mga landas na pinipili nilang tahakin; at kapag magkaiba ang mga landas na pinipiling tahakin ng mga tao, ang ibinubungang mga prinsipyo at kahihinatnan ng kanilang mga kilos ay mayroon ding mga pagkakaiba. Dahil ang isang taong may disposisyon lang ng isang anticristo ay may konsensiya sa trabaho, at may katwiran, at may pagpapahalaga sa dangal, at, kahit papaano, ay nagmamahal sa katotohanan, kapag naibubunyag niya ang kanyang tiwaling disposisyon, sinusumbatan niya ang kanyang sarili hinggil dito. Sa gayong mga pagkakataon, maaari niyang pagnilayan ang kanyang sarili at kilalanin ang kanyang sarili, at maaari niyang aminin ang kanyang tiwaling disposisyon at ang pagbubunyag ng kanyang katiwalian, sa gayon ay nagagawa niyang maghimagsik laban sa laman at sa kanyang tiwaling disposisyon, at natututo siyang isagawa ang katotohanan at magpasakop sa Diyos. Gayunman, sa isang anticristo, hindi ganito ang nangyayari. Dahil wala siyang konsensiya sa trabaho o tapat na kamalayan, at lalong wala siyang pagpapahalaga sa dangal, kapag nagbubunyag siya ng kanyang tiwaling disposisyon, hindi niya sinusukat ayon sa mga salita ng Diyos kung tama ba o mali ang kanyang pagbubunyag, o kung tiwali ba ang kanyang disposisyon o normal ang kanyang pagkatao, o kung naaayon ba ito sa katotohanan. Hindi niya pinagninilayan ang mga bagay na ito kailanman. Kaya, paano siya kumikilos? Palagi niyang iginigiit na ang tiwaling disposisyong naibubunyag niya at ang landas na pinili niya ay ang tama. Iniisip niya na anumang gawin niya ay tama, na anumang sabihin niya ay tama; determinado siyang panghawakan ang sarili niyang mga pananaw. Kaya, gaano man kalaki ang kamaliang ginagawa niya, gaano man kalubha ang tiwaling disposisyon na naibunyag niya, hindi niya kikilalanin ang bigat ng bagay na iyon, at tiyak na hindi niya nauunawaan ang tiwaling disposisyon na naibunyag niya. Siyempre pa, hindi rin niya isasantabi ang kanyang mga hangarin, o hindi siya maghihimagsik laban sa kanyang ambisyon o sa kanyang tiwaling disposisyon para piliin ang landas ng pagpapasakop sa Diyos at sa katotohanan. Makikita mula sa dalawang magkaibang kalalabasang ito na kung ang isang taong may disposisyon ng isang anticristo ay nagmamahal sa katotohanan sa puso niya, may pagkakataon siyang maunawaan ito at isagawa ito, at magtamo ng kaligtasan, samantalang ang taong may diwa ng isang anticristo ay hindi mauunawaan ang katotohanan o maisasagawa ito, ni hindi siya magtatamo ng kaligtasan. Iyan ang pagkakaiba ng dalawa.

—Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikalimang Ekskorsus

Alin ang nakamamatay na sakit: Ang pagkakaroon ng diwa ng anticristo o ng disposisyon ng anticristo? (Ang pagkakaroon ng diwa ng anticristo.) Ganoon ba? (Oo.) Pag-isipan mong mabuti, at saka sumagot muli. (Ang pagkakaroon ng diwa ng anticristo at ng disposisyon ng anticristo ay parehong nakamamatay na sakit.) Bakit ganoon? (Dahil ang mga taong may diwa ng anticristo ay hindi maghahangad sa katotohanan, at ganoon din ang mga taong may disposisyon ng anticristo. Kahit anong isyu ang kinakaharap nila, ang mga taong may disposisyon ng anticristo ay hindi kailanman tumutuon sa paghahangad sa katotohanan, at wala silang kahit katiting na pagkatao at katwiran; ang mga ganitong tao ay walang kakayahang magkamit ng katotohanan, at hindi rin nila matatamo ang kaligtasan—nakamamatay rin na sakit ito.) Sino pa ang gustong magsalita? (Ang pagkaunawa ko ay wala sa dalawang ito ang nakamamatay na sakit, ngunit kung hindi hinahangad ng isang tao ang katotohanan, iyon ang nakamamatay na sakit.) Maganda ang pananaw na ito tungkol dito. Gayumpaman, may paunang kondisyon dito, na ang diwa ng isang anticristo—ang mga taong nagtataglay ng diwa ng isang anticristo ay sadyang hindi naghahangad sa katotohanan, sila ay mga hindi mananampalataya—ang pagtataglay ng diwa ng isang anticristo ang pinakamapanganib na bagay. Ano ang ibig sabihin ng diwa ng isang anticristo? Ang ibig sabihin nito ay na sadyang hindi naghahangad sa katotohanan ang mga taong ito; katayuan lang ang hinahangad nila, likas silang mga kaaway ng Diyos, mga anticristo sila, sila ang pagsasakatawan ni Satanas, mga diyablo na sila mula nang isilang sila, wala silang pagkatao, mga materyalista sila, mga karaniwan silang hindi mananampalataya, at tutol sa katotohanan ang mga gayong tao. Ano ang ibig sabihin ng “tutol sa katotohanan”? Ibig sabihin nito ay hindi nila pinaniniwalaan na ang Diyos ang katotohanan, hindi nila kinikilala ang katunayan na ang Diyos ang Lumikha, lalong hindi nila kinikilala na ang Diyos ang may kataas-taasang kapangyarihan sa lahat ng bagay. Kaya, kapag binigyan ng pagkakataon ang mga gayong tao na hangarin ang katotohanan, magagawa ba nila ito? (Hindi.) Dahil hindi nila kayang hangarin ang katotohanan, at dahil sila ay habambuhay na mga kaaway ng katotohanan at mga kaaway ng Diyos, hindi nila kailanman makakamit ang katotohanan. Isang nakamamatay na sakit ang hindi kailanman makamit ang katotohanan. At ang lahat ng nagtataglay ng disposisyon ng anticristo ay may mga pagkakatulad sa disposisyon sa mga taong nagtataglay ng diwa ng anticristo: Ipinapakita nila ang parehong mga pagpapamalas, parehong mga pagbubunyag, at maging ang paraan ng kanilang pagpapakita sa mga pagpapamalas at pagbubunyag na ito, ang kanilang paraan ng pag-iisip, at ang kanilang mga kuru-kuro at imahinasyon tungkol sa Diyos ay pareho lahat. Gayumpaman, para sa mga taong nagtataglay ng disposisyon ng anticristo, hindi mahalaga kung kaya man nilang tanggapin ang katotohanan at kilalanin ang katunayan na ang Diyos ang Lumikha, hangga’t hindi nila hinahangad ang katotohanan, nagiging isang nakamamatay na sakit ang kanilang disposisyon ng anticristo, at dahil dito, ang kanilang kalalabasan ay magiging pareho sa mga may diwa ng anticristo. Gayumpaman, mapalad na may ilan sa mga may disposisyon ng anticristo ang nagtataglay ng pagkatao, katwiran, konsensiya, at kahihiyan, na nagmamahal sa mga positibong bagay, at nagtataglay ng mga kondisyon para mailigtas ng Diyos. Dahil hinahangad nila ang katotohanan, nakakamit ng mga taong ito ang pagbabago sa disposisyon, naiwawaksi nila ang kanilang mga tiwaling disposisyon, at naiwawaksi ang kanilang disposisyon ng anticristo, kaya ang kanilang disposisyon ng anticristo ay hindi na isang nakamamatay na sakit para sa kanila, at may posibilidad na silang maligtas. Sa anong sitwasyon masasabi na ang pagtataglay ng disposisyon ng anticristo ay isang nakamamatay na sakit? May paunang kinakailangan para dito, na kahit na kinikilala ng mga taong ito ang pag-iral ng Diyos, kahit naniniwala sila sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, naniniwala at kinikilala ang lahat ng sinasabi ng Diyos, at kayang gawin ang kanilang mga tungkulin, may isang bagay na kulang: Hindi nila kailanman isinasagawa ang katotohanan o hinahangad ang katotohanan. Kaya ang kanilang disposisyon ng anticristo ay nagiging nakamamatay para sa kanila, at maaaring bawiin nito ang kanilang buhay. Pagdating sa mga taong may diwa ng anticristo, anuman ang mga sitwasyon, hindi posible para sa mga taong ito na mahalin o tanggapin ang katotohanan, at hindi nila kailanman makakamit ang katotohanan. Naiintindihan ba ninyo? (Oo.) Naiintindihan ninyo. Ulitin ninyo ito sa Akin. (Ang mga taong may diwa ng anticristo ay likas na mga kaaway ng Diyos. Sila ay tiyak na hindi mga taong nagmamahal at kayang tumanggap sa katotohanan, at imposible para sa kanila na makamit ang katotohanan kailanman, kaya para sa kanila, ang kanilang disposisyon ng anticristo ay isang nakamamatay na sakit. Samantalang para sa ilang tao na may disposisyon ng anticristo, nang may paunang kinakailangan na dapat silang magtaglay ng pagkatao, katwiran, konsensiya, at kahihiyan, at nagmamahal sa mga positibong bagay at naghahangad sa katotohanan, at pagkatapos ay nagkakamit ng pagbabago ng disposisyon sa pamamagitan ng paghahangad sa katotohanan, sumusunod sila sa tamang landas, at para sa kanila, hindi isang nakamamatay na sakit ang kanilang disposisyon ng anticristo. Natutukoy ang lahat ng ito ng diwa ng mga taong ito at ng landas na sinusunod nila.) Ibig sabihin, hindi posible para sa mga taong may diwa ng anticristo na hangarin ang katotohanan, at hindi nila kailanman makakamit ang kaligtasan, samantalang ang mga taong may disposisyon ng anticristo ay maaaring maklasipika sa dalawang uri: Ang isang uri ay naghahangad sa katotohanan at maaaring magkamit ng kaligtasan, at ang isang uri ay hindi talaga naghahangad sa katotohanan at hindi maaaring magkamit ng kaligtasan. Ang mga hindi maaaring magkamit ng kaligtasan ay pawang mga trabahador; ang ilang matatapat na trabahador ay maaaring manatili, at posibleng magkaroon sila ng ibang resulta.

Bakit hindi makakamit ng mga taong may diwa ng anticristo ang kaligtasan? Dahil hindi kinikilala ng mga taong ito ang katotohanan, at hindi rin nila kinikilala na ang Diyos ang katotohanan. Hindi kinikilala ng mga taong ito na mayroong mga positibong bagay, at hindi nila mahal ang mga positibong bagay. Sa halip, mahal nila ang mga buktot na bagay at negatibong bagay; sila ang pagsasakatawan ng lahat ng bagay na buktot at negatibo, at sila ang mga nagpapahayag ng lahat ng bagay na negatibo at buktot, kaya sila tutol sa katotohanan, mapanlaban sa katotohanan, at namumuhi sa katotohanan. Mahahangad ba nila ang katotohanan nang may gayong diwa? (Hindi.) Samakatuwid, imposibleng hikayatin ang mga taong ito na hangarin ang katotohanan. Posible bang gawing ibang hayop ang isang hayop? Halimbawa, posible bang gawing aso o daga ang isang pusa? (Hindi.) Ang daga ay mananatiling isang daga, madalas na nagtatago sa mga butas at namumuhay sa dilim. Ang pusa ay mananatiling likas na kaaway ng daga, at hindi ito mababago—hindi ito kailanman mababago. Gayumpaman, may ilan sa mga may disposisyon ng anticristo ang nagmamahal sa katotohanan at mga positibong bagay, na handang magsumikap para isagawa at hangarin ang katotohanan; isinasagawa nila ang anumang sinasabi ng Diyos, sumusunod sila paano man sila akayin ng Diyos, ginagawa nila ang anumang hinihiling ng Diyos, ang landas na sinusunod nila ay ganap na naaayon sa landas na hinihingi ng Diyos, at naghahangad sila ayon sa direksiyon at mga layong itinuro ng Diyos. Para naman sa iba, bukod sa katunayan na hindi nila hinahangad ang katotohanan, sinusunod din nila ang landas ng anticristo, at madaling mapagtanto kung ano ang kalalabasan ng mga taong ito. Bukod sa hindi nila makakamit ang katotohanan, mawawalan din sila ng pagkakataon na maligtas—napakakahabag-habag ng mga taong ito! Binibigyan sila ng Diyos ng mga pagkakataon at tinutustusan din sila ng katotohanan at buhay, ngunit hindi nila pinahahalagahan ang mga bagay na ito, at hindi nila sinusunod ang landas para magawang perpekto. Hindi naman dahil sa pinapaboran ng Diyos ang ilang tao kaysa sa iba at hindi binibigyan ng mga pagkakataon ang mga taong ito, kundi dahil sa hindi nila pinahahalagahan ang mga pagkakataong ito o hindi sila kumikilos gaya ng hinihingi ng Diyos kaya sila nawawalan ng pagkakataon na maligtas. Samakatuwid, nagiging nakamamatay ang kanilang disposisyon ng anticristo at nagiging sanhi na mawalan sila ng buhay. Iniisip nila na ang pagkaunawa sa ilang doktrina at pagpapakita ng ilang panlabas na kilos at mabuting pag-uugali ay nangangahulugang hindi titingnan ng Diyos ang kanilang disposisyon ng anticristo, na maitatago nila ito, at dahil dito, natural na hindi nila kailangang isagawa ang katotohanan at maaari nilang gawin ang anumang gusto nila, at maaari silang kumilos ayon sa sarili nilang pagkaunawa, mga pamamaraan, at mga kahilingan. Sa huli, anumang pagkakataon ang ibinibigay ng Diyos sa kanila, nagpapatuloy silang kumapit sa sarili nilang direksiyon, sinusunod nila ang landas ng isang anticristo, at nagiging kaaway sila ng Diyos. Hindi sila nagiging kaaway ng Diyos dahil itinakda sila ng Diyos bilang ganoon mula sa simula—walang pagtatakda ang Diyos sa kanila sa simula, dahil sa mga mata ng Diyos, hindi Niya sila kaaway o mga taong may diwa ng anticristo, kundi mga taong may sataniko at tiwaling disposisyon lamang. Gaano man karaming katotohanan ang ipinapahayag ng Diyos, hindi pa rin nila pinagsusumikapan ang katotohanan sa kanilang paghahangad. Hindi nila magawang tumahak sa landas ng kaligtasan, at sa halip, sinusunod nila ang landas ng isang anticristo, at sa huli, nawawalan sila ng pagkakataon na maligtas. Hindi ba’t nakakapanghinayang naman iyon? Lubos na nakakapanghinayang iyon! Sobrang kahabag-habag ang mga taong ito. Bakit sila kahabag-habag? Nauunawaan nila ang ilang salita at doktrina at inaakala nila na nauunawaan nila ang katotohanan; nagbabayad sila ng kaunting halaga at nagpapakita ng mabuting pag-uugali habang ginagawa ang kanilang tungkulin at inaakala nila na isinasagawa nila ang katotohanan; mayroon silang talento, kakayahan, at mga kaloob, at kayang bumigkas ng ilang salita at doktrina, gumawa ng kaunting gawain, gumawa ng ilang espesyal na tungkulin, at inaakala nila na nakamit na nila ang buhay; kaya nilang magtiis ng kaunting paghihirap at magbayad ng kaunting halaga at mali nilang inaakala na kaya nilang magpasakop sa Diyos at isuko ang lahat para sa Diyos. Ginagamit nila ang kanilang panlabas na mabuting pag-uugali, ang kanilang mga kaloob, at ang mga salita at doktrina na kanilang isinangkap sa kanilang sarili para palitan ang pagsasagawa sa katotohanan—ito ang kanilang pinakamalaking problema, ang kanilang nakamamatay na kapintasan. Dahil dito, mali nilang pinaniniwalaan na nakatahak na sila sa landas ng kaligtasan, at na nagtataglay na sila ng tayog at buhay. Sa anumang kaso, kung hindi matatamo ng mga taong ito ang kaligtasan sa huli, wala silang dapat sisihin kundi ang sarili nila; ito ay dahil hindi sila mismo nakatuon sa katotohanan, hindi naghahangad sa katotohanan, at mas handa pa silang sumunod sa landas ng mga anticristo.

—Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasiyam na Aytem (Ikaapat na Bahagi)

Ang lahat ng tumatahak sa landas ng mga anticristo ay mga taong may disposisyon ng isang anticristo, at ang tinatahak ng mga taong may disposisyon ng anticristo ay ang landas ng mga anticristo—gayumpaman may kaunting pagkakaiba sa pagitan ng mga taong may disposisyon ng anticristo at mga anticristo. Kung ang isang tao ay may disposisyon ng anticristo at tatahakin ang landas ng mga anticristo, hindi agad iyon nangangahulugan na siya ay isang anticristo. Subalit kung hindi siya magsisisi at hindi niya kayang tumanggap ng katotohanan, maaari siyang maging isang anticristo. May pag-asa at pagkakataon pa rin para sa mga tao na tumatahak sa landas ng mga anticristo na magsisi, dahil hindi pa sila nagiging mga anticristo. Kung gumagawa sila ng maraming uri ng masamang bagay at kinlasipika bilang isang anticristo, at sa gayon ay pinaalis at pinatalsik kaagad, hindi na sila magkakaroon pa ng pagkakataong magsisi. Kung ang isang taong tumatahak sa landas ng mga anticristo ay hindi pa nakagagawa ng maraming masamang bagay, kahit papaano ay ipinakikita nito na hindi pa siya masamang tao. Kung kaya niyang tanggapin ang katotohanan, may kislap ng pag-asa para sa kanya. Kung hindi niya tatanggapin ang katotohanan, anuman ang mangyari, mahihirapan siyang maligtas, kahit na hindi pa siya nakagagawa ng lahat ng uri ng kasamaan. Bakit hindi maaaring mailigtas ang isang anticristo? Dahil hindi niya tinatanggap ang katotohanan kahit kaunti. Gaano pa man nagbabahagi ang sambahayan ng Diyos tungkol sa pagiging isang matapat na tao—tungkol sa kung paano dapat maging bukas at tapat ang isang tao, lumabas at sabihin ang dapat niyang sabihin, at huwag manlinlang—hindi lang niya ito kayang tanggapin. Pakiramdam niya palagi na nalulugi ang mga tao sa pagiging matapat at na kahangalan ang magsabi ng katotohanan. Determinado siya na hindi maging isang matapat na tao. Ito ang kalikasan ng mga anticristo, na tutol sa katotohanan at namumuhi rito. Paano maliligtas ang isang tao kung hindi niya tinatanggap kahit kaunti ang katotohanan? Kung kayang tanggapin ng isang taong tumatahak sa landas ng mga anticristo ang katotohanan, may malinaw na pagkakaiba sa pagitan niya at ng isang anticristo. Ang lahat ng anticristo ay mga taong hindi tumatanggap ng kahit katiting na katotohanan. Gaano man karaming mali o masasamang bagay ang nagawa nila, gaano man kalaki ang mga kawalang naidulot nila sa gawain ng iglesia at sa mga interes ng sambahayan ng Diyos, hindi nila kailanman pagninilayan at kikilalanin ang sarili nila. Kahit na pinungusan sila, hindi talaga nila tinatanggap ang anumang katotohanan; kaya nga kinaklasipika sila ng iglesia bilang masasamang tao, bilang mga anticristo. Ang isang anticristo, sa sukdulan, ay aamin lang na ang kanyang mga kilos ay lumalabag sa mga prinsipyo at hindi naaayon sa katotohanan, subalit talagang hindi niya kailanman aaminin na sinasadya niyang gumawa ng kasamaan, o sinasadyang labanan ang Diyos. Aaminin lang nila ang mga pagkakamali, subalit hindi nila tatanggapin ang katotohanan; at pagkatapos, magpapatuloy sila sa paggawa ng kasamaan tulad ng dati, nang hindi nagsasagawa ng anumang katotohanan. Mula sa katunayang hindi kailanman tinatanggap ng isang anticristo ang katotohanan, makikita na ang kalikasang diwa ng mga anticristo ay ang pagiging tutol sa katotohanan at pagkamuhi rito. Nananatili silang mga taong lumalaban sa Diyos tulad ng dati, kahit ilang taon na silang nananalig sa Kanya. Ang ordinaryong, tiwaling sangkatauhan, sa kabilang banda, ay maaaring mayroon ng lahat ng disposisyon ng isang anticristo, subalit may pagkakaiba sa pagitan nila at ng mga anticristo. May ilang tao na magagawang ikintal sa puso ang mga salita ng paghatol ng Diyos at paglalantadpagkatapos nilang marinig ang mga ito, at pag-iisipan ang mga ito nang paulit-ulit, at pagninilayan ang kanilang sarili. Pagkatapos ay maaari nilang mapagtanto na, “Ito nga ang disposisyon ng anticristo, kung gayon; ganito ang tumahak sa landas ng mga anticristo. Kay seryosong isyu nito! Mayroon ako ng mga kalagayan at pag-uugaling iyon; mayroon akong ganoong uri ng diwa—ako ang ganoong uri ng tao!” Pagkatapos ay isinasaalang-alang nila kung paano nila maaaring iwaksi ang disposisyong iyon ng anticristo at tunay na magsisi, at sa gayon, maaari nilang itakda ang kanilang kalooban sa hindi pagtahak sa landas ng mga anticristo. Sa kanilang trabaho at buhay, sa kanilang saloobin sa mga tao, mga pangyayari, at mga bagay at sa atas ng Diyos, mapagninilayan nila ang sarili nilang mga kilos at pag-uugali, kung bakit hindi sila makapagpasakop sa Diyos, kung bakit sila ay palaging namumuhay sa isang satanikong disposisyon, kung bakit hindi sila makapaghimagsik laban sa laman at kay Satanas. At kaya, magdarasal sila sa Diyos, at tatanggapin ang Kanyang paghatol at pagkastigo, at magsusumamo sa Diyos na iligtas sila mula sa kanilang tiwaling disposisyon at mula sa impluwensiya ni Satanas. Na may determinasyon silang gawin ito ay nagpapatunay na kaya nilang tanggapin ang katotohanan. Nagbubunyag din sila ng isang tiwaling disposisyon, at kumikilos ayon sa kanilang sariling kalooban; ang kaibahan ay na ang isang anticristo ay hindi lang may mga ambisyon at pagnanais na magtatag ng isang independiyenteng kaharian—hindi rin nila tatanggapin ang katotohanan, anuman ang mangyari. Ito ang matinding kahinaan ng anticristo. Kung, sa kabilang banda, ang isang tao na may disposisyon ng anticristo ay kayang tumanggap ng katotohanan, at magdasal sa Diyos at sumandig sa Kanya, at kung nais niyang iwaksi ang tiwaling disposisyon ni Satanas, at na tahakin ang landas ng paghahangad sa katotohanan, sa mga anong paraan na ang panalanging iyon at ang determinasyong iyon ay magiging kapaki-pakinabang sa kanyang buhay pagpasok? Kahit papaano ay magiging dahilan ito para pagnilayan niya ang kanyang sarili at kilalanin ang kanyang sarili habang ginagawa niya ang kanyang tungkulin, at gamitin ang katotohanan sa paglutas ng mga problema, sa gayon ay magagawa niya ang kanyang tungkulin nang kasiya-siya. Iyon ay isang paraan na magiging kapaki-pakinabang ito sa kanya. Higit pa riyan, sa pagsasanay na ibinibigay sa kanya ng paggawa ng kanyang tungkulin, magagawa niyang humakbang sa landas ng paghahangad sa katotohanan. Anumang paghihirap ang makatatagpo niya, magagawa niyang hanapin ang katotohanan, para pagtuunan ang pagtanggap sa katotohanan at pagsasagawa nito; magagawa niyang unti-unting iwaksi ang kanyang satanikong disposisyon, at lumapit para magpasakop sa Diyos at sumamba sa Kanya. Makakamit niya ang kaligtasan ng Diyos sa pagsasagawang gaya niyon. Ang mga taong may disposisyon ng anticristo ay maaaring magbunyag ng katiwalian paminsan-minsan, at maaari pa rin silang magsalita at kumilos para sa interes ng kanilang kasikatan, pakinabang, at katayuan, sa kabila ng kanilang sarili, at maaari pa rin nilang gawin ang mga sarili nilang kalooban—subalit sa sandaling mapagtanto nila na ibinubunyag nila ang kanilang tiwaling disposisyon, magsisisi sila, at magdarasal sa Diyos. Pinatutunayan nito na sila ay isang taong kayang tumanggap ng katotohanan, na nagpapasakop sa gawain ng Diyos; pinatutunayan nito na hinahangad nila ang buhay pagpasok. Gaano man karaming taon ang naranasan ng gayong tao, o gaano man kalaki ang katiwalian na kanyang ibinubunyag, sa huli ay magagawa niyang matanggap ang katotohanan, at makapasok sa katotohanang realidad. Siya ay isang taong nagpapasakop sa gawain ng Diyos. At habang ginagawa niya ang lahat ng ito, ipinapakita nito na inilatag na niya ang pundasyon niya sa tunay na daan. Subalit ang ilan na tumatahak sa landas ng mga anticristo ay hindi kayang tumanggap ng katotohanan. Para sa kanila, magiging mahirap na makuha ang kaligtasan tulad nang para sa mga anticristo. Walang nararamdaman ang gayong mga tao kapag naririnig nila ang mga salita ng Diyos na naglalantad sa mga anticristo, kundi walang pakialam at hindi natitinag. Kapag napupunta ang pagbabahaginan sa paksa ng disposisyon ng anticristo, aaminin nila na mayroon silang disposisyon ng anticristo at na tinatahak nila ang landas ng mga anticristo. Medyo maayos silang magsasalita tungkol dito. Subalit pagdating ng oras para sa pagsasagawa ng katotohanan, tatanggi pa rin silang gawin ito; gayumpaman, kikilos sila sa sarili nilang kalooban, sa pagsandig sa kanilang disposisyon ng anticristo. Kung tatanungin mo sila, “Nahihirapan ba ang iyong puso kapag nagbubunyag ka ng disposisyon ng isang anticristo? Nakararamdam ka ba ng pagpuna sa sarili kapag nagsasalita ka para pangalagaan ang iyong katayuan? Pinagninilayan at kinikilala mo ba ang iyong sarili kapag ibinubunyag mo ang disposisyon ng anticristo? Namimighati ka ba sa puso sa oras na nalaman mo ang tungkol sa iyong tiwaling disposisyon? Talaga bang magsisi o magbabago ka pagkatapos?” Siguradong wala silang maisasagot, dahil wala pa silang mga gayong karanasan at pagtatagpo. Wala silang masasabi. Ang mga ganitong tao ba ay may kakayahan sa tunay na pagsisisi? Sigurado, hindi ito magiging madali. Ang mga tunay na naghahangad sa katotohanan ay masasaktan sa anumang pagbubunyag ng disposisyon ng anticristo sa kanilang sarili, at mababahala; maiisip nilang: “Bakit hindi ko na lang maiwaksi ang satanikong disposisyong ito? Bakit palagi akong nagbubunyag ng isang tiwaling disposisyon? Bakit ang tiwaling disposisyon kong ito ay napakatigas at napakahirap alisin? Bakit napakahirap pumasok sa katotohanang realidad?” Ipinapakita nito na mababaw ang kanilang karanasan sa buhay, at na hindi pa nila talaga masyadong nalulutas ang kanilang tiwaling disposisyon. Iyon ang dahilan kung bakit ang labanan sa kanilang puso ay nagngangalit nang husto kapag may nangyayari sa kanila, at kung bakit pinapasan din nila ang bigat ng pagdurusang iyon. Bagaman may determinasyon silang iwaksi ang kanilang satanikong disposisyon, siguradong hindi nila magagawa nang wala ang pakikibakang iyon laban dito sa kanilang puso—at ang kalagayan ng pakikibakang iyon ay tumitindi araw-araw. At habang lumalalim ang kaalaman nila sa kanilang sarili, at nakikita nila kung gaano sila katiwali, mas lalo silang nananabik sa katotohanan at mas lalo itong pinakaiingatan, at magagawa nilang tanggapin at isagawa ang katotohanan nang walang patid habang kinikilala ang kanilang sarili at ang kanilang tiwaling disposisyon. Unti-unting lalago ang kanilang tayog, at ang kanilang buhay disposisyon ay magsisimulang tunay na magbago. Kung patuloy nilang susubukang dumanas sa ganitong paraan, ang mga bagay ay bubuti nang bubuti, taon-taon, at sa huli, magagawa nilang mapagtagumpayan ang laman at maiwaksi ang kanilang katiwalian, para maisagawa ang katotohanan nang madalas, at makamit ang pagpapasakop sa Diyos. Hindi madali ang buhay pagpasok! Tulad lang ito ng pagsagip sa isang taong malapit nang mamatay: Ang responsabilidad na maaaring tuparin ng isang tao ay ang pagbabahagi sa katotohanan, pagsuporta sa kanya, pagtustos para sa kanya, o pagpupungos sa kanya. Kung matatanggap at makapagpapasakop siya rito, may pag-asa para sa kanya; maaari siyang suwertihin siyang makatakas, at hindi na aabot sa kamatayan ang mga bagay-bagay. Subalit kung tatanggi siyang tanggapin ang katotohanan, at walang alam tungkol sa kanyang sarili, nasa panganib siya. May ilang anticristo na lumilipas ang isa o dalawang taon pagkatapos maitiwalag nang hindi nakikilala ang kanilang sarili, at hindi kinikilala ang kanilang mga pagkakamali. Sa gayong kaso, wala nang natitirang tanda ng buhay sa kanila, at patunay iyon na wala na silang pag-asang maligtas. Matatanggap ba ninyo ang katotohanan kapag kayo ay pinupungusan? (Oo.) May pag-asa, kung gayon—mabuting bagay iyan! Kung matatanggap mo ang katotohanan, may pag-asa kang maligtas.

—Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikawalong Aytem (Ikalawang Bahagi)

Noon, madalas na magbunyag ang ilang lider at manggagawa ng mga disposisyon ng isang anticristo: Matitigas ang ulo nila at sinusunod ang sarili nilang kagustuhan, at laging ang paraan nila ang gusto nilang masunod. Ngunit hindi sila gumawa ng anuman na halatang masama at hindi malubha ang kanilang pagkatao. Sa pamamagitan ng pagpupungos, sa pamamagitan ng pagtulong sa kanila ng mga kapatid, sa pamamagitan ng paglipat o pagpapalit sa kanila, sa pamamagitan ng pagiging negatibo nang ilang panahon, sa wakas ay nalaman nila na ang ipinakita nila dati ay mga tiwaling disposisyon, naging handa silang magsisi, at iniisip na, “Ang pinakamahalaga ay magpursige sa paggawa ng aking tungkulin, anuman ang mangyari. Bagama’t tumatahak ako sa landas ng isang anticristo, hindi ako naklasipika bilang gayon. Ito ang habag ng Diyos, kaya kailangan kong magsikap sa aking pananampalataya at hangarin. Walang mali sa landas ng paghahanap sa katotohanan.” Unti-unti, ibinabaling nila ang kanilang mga sarili, at sila ay nagsisisi. May mga mabubuting namamalas sa kanila, nagagawa nilang hanapin ang mga katotohanang prinsipyo kapag ginagawa nila ang kanilang tungkulin, at hinahanap din nila ang mga katotohanang prinsipyo kapag nakikisalamuha sa iba. Sa bawat bagay, pumapasok sila sa isang positibong direksiyon. Hindi pa ba sila nakapagbago? Pumihit na sila mula sa pagtahak sa landas ng mga anticristo tungo sa pagtahak sa landas ng pagsasagawa at paghahanap sa katotohanan. May pag-asa at pagkakataon pa para sa kanila na mailigtas. Maihahanay mo ba ang gayong mga tao bilang mga anticristo dahil sila ay nagpakita noon ng ilang pagpapamalas ng isang anticristo o nilakaran ang landas ng mga anticristo? Hindi. Mas gugustuhin pa ng mga anticristo na mamatay kaysa magsisi. Wala silang kahihiyan; bukod pa riyan, malulupit sila at buktot ang kanilang disposisyon, at tutol sila sa katotohanan sa sukdulan. Kaya ba ng isang taong tutol sa katotohanan na isagawa iyon, o magsisi? Imposible iyan. Ang ibig sabihin ng ganap silang tutol sa katotohanan ay hinding-hindi sila magsisisi. May isang bagay na tiyak tungkol sa mga taong nagagawang magsisi, at ito ay ang nakagawa sila ng mga pagkakamali subalit nagagawang tanggapin ang paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos, nagagawang tanggapin ang katotohanan, at nagagawang subukan sa abot ng kanilang makakaya na makipagtulungan kapag ginagawa ang mga tungkulin nila, tinatanggap ang mga salita ng Diyos bilang personal nilang kawikaan, at ginagawa nilang realidad ng kanilang mga buhay ang mga salita ng Diyos. Tinatanggap nila ang katotohanan, at sa kaibuturan nila, hindi sila tutol dito. Hindi ba ito ang pagkakaiba? Ito ang pagkakaiba. Ang mga anticristo, gayumpaman, ay hindi tumitigil sa pagtangging mapungusan—hindi sila makikinig sa sinuman na ang mga salita ay naaayon sa katotohanan, at hindi sila nananalig na ang mga salita ng Diyos ay ang katotohanan, ni hindi nila kinikilala na gayon ang mga ito. Ano ang kalikasan nila? Isa itong pagiging tutol sa katotohanan at pagkamuhi rito, sa matinding antas. Kapag ang sinuman ay nakikipagbahaginan sa katotohanan o nagsasalita tungkol sa patotoong batay sa karanasan, labis silang naiinis dito, at mapanlaban sila sa taong nakikipagbahaginan. Kung ang isang tao sa iglesia ay nagpapalaganap ng iba’t ibang walang katotohanan at masasamang argumento, nagsasabi ng mga kakatwa at walang katotohanang bagay, lubos itong nagpapasaya sa kanila; agad silang sasali at lulublob sa burak kasama nila, sa malapit na kolaborasyon. Isang kaso ito ng pagsasama-sama ng mga ibong may magkakatulad na balahibo, ng katulad na naghahanap ng katulad. Kung maririnig nila ang mga hinirang na tao ng Diyos na nakikipagbahaginan sa katotohanan o nagsasalita tungkol sa patotoong batay sa karanasan ng kanilang kaalaman sa sarili at taos-pusong pagsisisi, ito ay nagdudulot sa kanilang mabalisa hanggang sa pagkagalit, at humahantong sila sa pag-iisip kung paano ihihiwalay at aatakihin ang taong iyon. Sa madaling salita, hindi sila magiliw sa sinumang naghahangad sa katotohanan. Gusto nilang ihiwalay ang mga ito at maging kaaway nila. Ang sinumang bihasa sa pagpapakitang-gilas sa pamamagitan ng pangangaral ng mga salita at doktrina, gustong-gusto nila ang mga ito at lubos nilang sinasang-ayunan, na para bang nakakita sila ng isang mapagkakatiwalaan at kapwa manlalakbay. Kung sasabihin ng isang tao, “Sinuman ang gumagawa ng pinakamaraming gawain at gumagawa ng pinakamalaking kontribusyon ay gagantimpalaan nang malaki at kokoronahan, at maghahari kasama ng diyos,” masasabik sila nang walang katapusan, sa bugso ng mainit na dugo. Mararamdaman nilang mas mataas sila sa iba, na sa wakas ay namumukod-tangi sila sa karamihan, na mayroon na ngayong puwang para sa kanila na ipakita ang kanilang sarili at ipakita ang kanilang halaga. Lubos silang masisiyahan pagkatapos. Hindi ba’t iyon ay pagiging tutol sa katotohanan? Ipagpalagay na sasabihin mo sa kanila sa pagbabahaginan na, “Hindi gusto ng Diyos ang mga taong tulad ni Pablo, at pinakanasusuklam Siya sa mga taong tumatahak sa landas ng mga anticristo, at sa mga taong buong araw na umiikot na nagsasabi, ‘Panginoon, Panginoon, hindi ba’t marami akong ginawa para sa Iyo?’ Nasusuklam Siya sa mga taong buong araw na humihiling sa Kanya ng gantimpala at korona.” Ang mga salitang ito ay tiyak na totoo, pero anong damdamin ang natitira sa kanila kapag naririnig nila ang gayong pagbabahaginan? Sinasabi ba nila ang amen sa at tinatanggap ang gayong mga salita? Ano ang una nilang reaksiyon? Pagkasuklam sa puso at hindi kagustuhang makinig—ang ibig nilang sabihin ay, “Paano ka nakakasigurado sa sinasabi mo? Ikaw ba ang may huling salita? Hindi ako naniniwala sa sinasabi mo! Gagawin ko ang gagawin ko. Magiging katulad ako ni Pablo at hihingi sa diyos ng korona. Sa ganoong paraan, pagpapalain ako, at magkaroon ng magandang destinasyon!” Pinagpipilitan nilang panatilihin ang mga pananaw ni Pablo. Hindi ba’t nakikipaglaban sila sa Diyos? Hindi ba’t iyon ay halatang pagsalungat sa Diyos? Isiniwalat at hinimay ng Diyos ang diwa ni Pablo; marami Siyang sinabi tungkol dito, at ang bawat bahagi nito ay katotohanan—pero hindi tinatanggap ng mga anticristo na ito ang katotohanan o ang katotohanang ang lahat ng mga kilos at pag-uugali ni Pablo ay salungat sa Diyos. Sa isipan nila, kinukuwestiyon pa rin nila: “Kung may sinasabi kang isang bagay, ibig sabihin nito ay totoo ito? Ano ang batayan? Para sa akin, mukhang tama ang sinabi at ginawa ni Paul. Walang mali rito. Naghahangad ako ng korona at gantimpala—iyon ang kaya ko! Mapipigilan mo ba ako? Ipagpapatuloy ko ang paggawa ng gawain; kapag marami na akong nagawa, magkakaroon ako ng kapital—nakapagbigay na ako ng kontribusyon, at sa gayon, makapapasok ako sa kaharian ng langit at magagantimpalaan. Walang mali roon!” Ganoon katigas ang ulo nila. Hindi nila tinatanggap ang katotohanan kahit kaunti. Puwede kang makipagbahaginan ng katotohanan sa kanila, pero hindi nila ito tatanggapin; tutol sila rito. Iyan ang saloobin ng mga anticristo sa mga salita ng Diyos, sa katotohanan, at ito rin ang kanilang saloobin sa Diyos. Kaya, ano ang pakiramdam ninyo kapag naririnig ninyo ang katotohanan? Pakiramdam ninyo ay hindi ninyo hinahangad ang katotohanan, at hindi ninyo ito nauunawaan. Pakiramdam ninyo ay napakalayo pa ninyo rito, at kailangan ninyong magsikap tungo sa katotohanang realidad. At sa tuwing inihahambing ninyo ang inyong sarili sa mga salita ng Diyos, doon ninyo nararamdamang masyado kayong nagkukulang, at may mababang kakayahan, at kulang sa espirituwal na pang-unawa—na pabasta-basta pa rin kayo, at na mayroon pa ring kabuktutan sa inyo. At pagkatapos, nagiging negatibo kayo. Hindi ba’t iyan ang inyong kalagayan? Ang mga anticristo, sa kabilang banda, ay hindi kailanman negatibo. Palagi silang napakasigasig, hindi kailanman nagninilay sa kanilang sarili o nakikilala ang kanilang sarili, pero iniisip na wala silang malalaking problema. Ganito ang mga taong palaging mayabang at mapagmagaling—sa sandaling makakuha sila ng kapangyarihan, nagiging mga anticristo sila.

—Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikawalong Aytem (Unang Bahagi)

May tao bang talagang hindi nagnanais ng kapangyarihan? May tao bang ayaw ng kapangyarihan? May tao bang hindi nagnanasa sa mga pakinabang ng katayuan? Wala, walang ganoon. Ano ang dahilan nito? Ito ay dahil ang lahat ng tao ay nagawa nang tiwali ni Satanas; lahat sila ay may satanikong kalikasan. Ang isang pagkakapareho ng lahat ng tao ay gusto nila ng kapangyarihan, katayuan, at pagtatamasa ng mga pakinabang na idinudulot ng mga ito sa kanila. Isa itong katangian na taglay ng lahat ng tao. Kung gayon, bakit ang ilang tao ay itinuturing na mga anticristo, habang ang iba ay nagpapakita lang ng disposisyon ng isang anticristo o tumatahak sa landas ng isang anticristo? Ano ang mga pagkakaiba ng dalawang grupong ito? Una, tatalakayin Ko ang tungkol sa pagkakaiba sa kanilang pagkatao. May pagkatao ba ang mga anticristo? Ano ang mga pagkakaiba ng pagkatao ng mga taong tumatahak sa landas ng mga anticristo sa mismong mga anticristo? (Ang mga anticristo ay walang konsensiya at katwiran, wala silang pagkatao, samantalang ang mga taong tumatahak sa landas ng mga anticristo ay may kaunti pa ring konsensiya at katwiran. Kaya pa rin nilang tanggapin ang katotohanan at tanggapin ang paghatol at pagkastigo ng Diyos, at magpakita ng tunay na pagsisisi.) Ang pagpapakita ng pagsisisi ay isang punto ng pagkakaiba. Marunong bang magsisi ang mga anticristo? (Hindi, hindi sila marunong.) Kahit kaunti ay hindi tinatanggap ng mga anticristo ang katotohanan; kahit na malagay sila sa masamang sitwasyon, hindi sila magsisisi. Kailanman ay hindi nila makikilala ang kanilang sarili. Pagdating sa pagkatao, ang mga taong tumatahak sa landas ng mga anticristo ay may isa pang pagkakaiba sa mga anticristo, ito ang pagkakaiba ng isang karaniwang mabuting tao sa isang masamang tao. Ang mabubuting tao ay nagsasabi at gumagawa ng mga bagay nang may konsensiya at katwiran, habang ang masasamang tao ay walang konsensiya at katwiran. Kapag ang masasamang tao ay gumagawa ng masama at nalalantad, hindi sila masunurin: “Sus, kahit naman malaman ng lahat, may magagawa ba sila rito? Gagawin ko ang gusto ko! Wala akong pakialam kung sino ang maglalantad o pupuna sa akin. Ano ba talaga ang magagawa sa akin ng kahit sino?” Kahit gaano pa karaming masamang bagay ang gawin ng isang masamang tao, hindi siya nakararamdam ng hiya. Kapag ang isang karaniwang tao ay may ginagawang masama, ninanais niya itong itago at pagtakpan. Kung sa huli ay may maglalantad sa kanya, labis siyang nahihiyang humarap sa kahit kanino at ayaw na nga niyang mabuhay: “Hay, paano ko ba nagawa ang ganitong bagay? Talagang wala akong kahihiyan!” Labis siyang nagsisisi at isinusumpa pa nga niya ang sarili niya, nangangako na hinding-hindi na niya uulitin ang ganitong bagay. Ang ganitong pag-uugali ay patunay na may kahihiyan siya, na may kaunting pagkatao pa rin siya. Ang isang tao na walang kahihiyan ay walang konsensiya at katwiran, at ang lahat ng masamang tao ay walang kahihiyan. Kahit anong uri pa ng masamang gawa ang ginagawa ng isang masamang tao, hindi ito mahihiya o kakabahan, at imoral pa rin niyang ipagtatanggol ang mga kilos niya, binabaluktot ang mga negatibong aspekto upang maging positibo ang mga ito, at magsasalita tungkol sa masasamang gawa na para bang mabuti ang mga iyon. May kahihiyan ba ang ganitong uri ng tao? (Wala.) Kung mayroon siyang ganitong uri ng saloobin, tunay ba siyang magsisisi sa hinaharap? Hindi, ipagpapatuloy lang niya ang pagkilos gaya ng dati. Ibig sabihin nito ay wala siyang kahihiyan, at ang ibig sabihin ng kawalan ng kahihiyan ay kawalan ng konsensiya at katwiran. Ang mga taong may konsensiya at katwiran ay masyadong mahihiyang humarap sa kahit kanino pagkatapos silang malantad sa paggawa ng masamang bagay, at hinding-hindi na nila inuulit ang bagay na ito. Bakit ganito? Ito ay dahil pakiramdam nila ay kahiya-hiyang gawin ito at punong-puno sila ng kahihiyan na humarap sa kahit kanino; may pakiramdam ng kahihiyan sa kanilang pagkatao. Hindi ba’t ito ang pinakamababang pamantayan para sa normal na pagkatao? (Ito nga.) Matatawag pa bang tao ang isang taong ni hindi nakararamdam ng kahihiyan? Hindi. Ang isa bang taong hindi nakararamdam ng kahihiyan ay may normal na pag-iisip? (Wala.) Wala siyang normal na pag-iisip, lalong wala siyang pagmamahal sa mga positibong bagay. Para sa kanya, ang pagkakaroon ng konsensiya at katwiran ay masyadong mataas na pamantayan, isang pamantayang hindi niya maabot. Ngayon, ano ang pinakapangunahing pagkakaiba ng mga anticristo sa mga taong tumatahak sa landas ng mga anticristo? Kapag inilantad ng ibang tao ang isang taong nagtataglay ng diwa ng anticristo dahil nakikipag-agawan siya sa Diyos para sa katayuan, hindi niya iniisip na may mali siyang nagawa. Kalaunan, bukod sa hindi nila matututunan ang mga aral at hindi nila hahanapin ang Diyos, sa halip, sa sandaling magkaroon sila ng pagkakataong maihalal bilang lider o manggagawa, patuloy silang makikipag-agawan sa Diyos para sa katayuan, nagpapatuloy sa dati nilang gawain, mas nanaisin pa nilang mamatay kaysa magsisi. Nagtataglay ba ng anumang katwiran ang mga taong ito? (Wala silang katwiran.) At nakadarama ba ng anumang kahihiyan ang mga taong walang katwiran? (Hindi.) Ang gayong mga tao ay walang katwiran at walang nadaramang kahihiyan. Kapag naririnig ng mga taong nagtataglay ng normal na pagkatao, konsensiya at katwiran na sinasabi ng iba na nakikipag-agawan sila sa Diyos para sa katayuan, iisipin nila, “Naku, seryosong usapin ito! Tagasunod ako ng Diyos! Paano ko nagagawang makipag-agawan sa Kanya para sa katayuan? Kahiya-hiya namang makipag-agawan sa Diyos para sa katayuan! Napakamanhid, napakahangal ko naman, at sobrang wala ako sa katwiran para gawin ito! Paano ko nagawa ang gayong bagay?” Makararamdam sila ng kahihiyan dahil sa nagawa nila, at kapag nahaharap sa katulad na sitwasyon, mapipigilan ng kanilang nadaramang kahihiyan ang kanilang pag-uugali. Ang kalikasang diwa ni Satanas ang kalikasang diwa ng lahat ng tao, ngunit iyong mga nagtataglay ng normal na pagkatao ay may kahihiyan, at mapipigilan ang kanilang pag-uugali. Habang unti-unting lumalalim ang pagkaunawa ng isang tao sa katotohanan, at habang lumalalim ang kanyang kaalaman at pagkaunawa sa Diyos at pagpapasakop sa katotohanan, ang pakiramdam na ito ng kahihiyan ay hindi na ang magiging pinakamababang pamantayan. Lalo silang mapipigilan ng katotohanan, at ng kanilang may-takot-sa-Diyos na puso. Patuloy nilang pagbubutihin ang kanilang sarili, at kikilos nang higit na naaayon sa katotohanan. Gayunman, hahangarin ba ng mga anticristo ang katotohanan? Tiyak na hindi. Hindi sila nagtataglay ng normal na katwirang pantao, hindi nila alam ang ibig sabihin ng paghahangad sa katotohanan, at tutol sila sa katotohanan at wala ni katiting na pagmamahal para dito, kaya paano nila mahahangad ang katotohanan? Ang paghahangad sa katotohanan ay isang normal na pangangailangan ng tao; tanging ang mga nagugutom at nauuhaw sa pagiging matuwid ang magmamahal sa katotohanan at maghahangad nito. Ang mga taong walang taglay na normal na pagkatao ay hindi kailanman hahangarin ang katotohanan.

—Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikalawang Aytem: Binabatikos at Inihihiwalay Nila ang mga Hindi Sumasang-ayon

Para sa mga anticristo, kung ang reputasyon o katayuan nila ay inaatake at inaalis, mas seryosong bagay pa ito kaysa sa pagtatangkang kitilin ang kanilang buhay. Kahit gaano pa karaming sermon ang pakinggan nila o kahit gaano pa karaming salita ng Diyos ang basahin nila, hindi sila makakaramdam ng kalungkutan o pagsisisi na hindi nila naisagawa kailanman ang katotohanan at natahak ang landas ng mga anticristo, o na nagtataglay sila ng kalikasang diwa ng mga anticristo. Sa halip, lagi silang nag-iisip ng paraan upang magtamo ng katayuan at pataasin ang kanilang reputasyon. Masasabi na ang lahat ng ginagawa ng mga anticristo ay ginagawa upang magpakitang-gilas sa harap ng iba, at hindi ginagawa sa harap ng Diyos. Bakit Ko nasasabi ito? Ito ay dahil labis na nahuhumaling ang gayong mga tao sa katayuan na itinuturing nila ito bilang pinakabuhay na nila, bilang panghabambuhay nilang layon. Higit pa rito, dahil mahal na mahal nila ang katayuan, hindi sila kailanman naniniwala sa pag-iral ng katotohanan, at masasabi pa ngang hinding-hindi sila naniniwala na mayroong Diyos. Kaya, gaano man sila magkalkula upang magkamit ng reputasyon at katayuan, at gaano man nila subukang magpanggap upang lokohin ang mga tao at ang Diyos, sa kaibuturan ng kanilang puso, wala silang kamalayan o pagkadismaya, lalo na ng anumang pagkabalisa. Sa kanilang patuloy na paghahangad sa reputasyon at katayuan, walang-pakundangan din nilang itinatanggi ang nagawa ng Diyos. Bakit Ko sinasabi iyon? Sa kaibuturan ng puso ng mga anticristo, naniniwala siya, “Lahat ng reputasyon at katayuan ay nakakamtan sa pamamagitan ng sariling pagsusumikap ng tao. Sa pagtatamo lamang ng matibay na posisyon sa gitna ng mga tao at pagtatamo ng reputasyon at katayuan niya matatamasa ang mga pagpapala ng diyos. May halaga lamang ang buhay kapag ang mga tao ay nagtatamo ng ganap na kapangyarihan at katayuan. Ito lamang ang pamumuhay na parang isang tao. Sa kabaligtaran, walang silbi ang mamuhay sa paraang sinasabi sa salita ng diyos—para magpasakop sa kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng diyos sa lahat ng bagay, ang bukal sa loob na lumugar sa posisyon ng isang nilikha, at mamuhay gaya ng isang normal na tao—walang titingala sa gayong tao. Dapat pagsumikapan ng isang tao ang kanyang katayuan, reputasyon, at kaligayahan; dapat ipaglaban ang mga ito at sunggaban nang may positibo at maagap na saloobin. Walang ibang magbibigay ng mga ito sa iyo—ang pasibong paghihintay ay hahantong lang sa kabiguan.” Ganito magkalkula ang mga anticristo. Ito ang disposisyon ng mga anticristo. Kung umaasa kang tatanggapin ng mga anticristo ang katotohanan, aaminin ang mga pagkakamali, at magkakaroon ng tunay na pagsisisi, imposible ito—hinding-hindi nila ito kayang gawin. Taglay ng mga anticristo ang kalikasang diwa ni Satanas, at kinamumuhian nila ang katotohanan, kaya, kahit saan man sila magpunta, kahit na pumunta sila sa dulo ng mundo, hinding-hindi magbabago ang ambisyon nila ng paghahangad ng reputasyon at katayuan, at pati na rin ang kanilang pananaw sa mga bagay-bagay, o ang landas na kanilang tinatahak. Sasabihin ng ilang tao na: “May ilang anticristo na kayang baguhin ang kanilang pananaw sa bagay na ito.” Tama ba ang pahayag na ito? Kung talagang kaya nilang magbago, mga anticristo pa rin ba sila? Ang mga may kalikasan ng isang anticristo ay hinding-hindi magbabago. Ang mga nagtataglay ng disposisyon ng isang anticristo ay magbabago lamang kung hahangarin nila ang katotohanan. Ang ilang tao na tumatahak sa landas ng isang anticristo ay gumagawa ng kasamaan na gumugulo sa gawain ng iglesia, at bagamat naklasipika sila bilang mga anticristo, matapos silang tanggalin, nakakaramdam sila ng tunay na pagsisisi, at nagpapasya silang umasal muli nang tama, at pagkatapos ng panahon ng pagninilay-nilay, pagkilala sa sarili, at pagsisisi, sumasailalim sila sa isang tunay na pagbabago. Sa ganitong sitwasyon, ang mga taong ito ay hindi maaaring klasipikahin bilang mga anticristo; nagtataglay lamang sila ng disposisyon ng isang anticristo. Kung hahangarin nila ang katotohanan, maaari silang magbago. Gayumpaman, tiyak na masasabi na ang karamihan sa mga naklasipika bilang mga anticristo, mga pinaalis, o pinatalsik ng iglesia ay hindi tunay na magsisisi o magbabago. Kung mayroon man sa kanila ang magbago, bihira lang iyon. Magtatanong ang ilang tao: “Kung gayon, mali bang naiklasipika ang mga bihirang kasong iyon?” Imposible ito. Kung tutuusin, may nagawa naman talaga silang kasamaan, at hindi ito maaaring balewalain. Gayumpaman, kung magagawa nilang tunay na magsisi, kung handa silang gumawa ng tungkulin, at kung sila ay nagtataglay ng tunay na patotoo ng kanilang pagsisisi, maaari pa rin silang tanggapin ng iglesia. Kung lubusang tatanggi ang mga taong ito na aminin ang kanilang pagkakamali o magsisi pagkatapos silang maklasipika bilang mga anticristo, at patuloy nilang pangangatwiranan ang kanilang sarili sa anumang paraan, kung gayon, tumpak at ganap na tama na iklasipika sila bilang mga anticristo. Kung inamin nila ang kanilang mga pagkakamali at nakaramdam sila ng tunay na pagsisisi, paanong ikaklasipika pa rin sila ng iglesia bilang mga anticristo? Imposible iyon. Kahit sino pa sila, kahit gaano karaming kasamaan ang ginawa nila, o gaano kalubha ang kanilang mga kamalian, kung ang isang tao ay natukoy bilang isang anticristo o nagtataglay ng disposisyon ng isang anticristo ay nakasalalay sa kung nagagawa niyang tanggapin ang katotohanan at ang mapungusan, at kung taglay nila ang tunay na pagsisisi. Kung kaya nilang tanggapin ang katotohanan at ang mapungusan, kung taglay nila ang tunay na pagsisisi, at handa silang igugol ang buong buhay nila sa pagtatrabaho para sa Diyos, kung gayon, tunay itong nagpapahiwatig ng kaunting pagsisisi. Ang isang taong gaya nito ay hindi maaaring iklasipika bilang isang anticristo. Kaya ba talagang tanggapin ng mga tunay na anticristong iyon ang katotohanan? Talagang hindi. Ito ay tiyak na dahil sa hindi nila mahal ang katotohanan, at tutol sila sa katotohanan, na hindi nila kailanman magagawang bitiwan ang reputasyon at katayuan, mga bagay na mahigpit na nakakabit sa kanilang buong buhay. Matatag na naniniwala ang mga anticristo sa kanilang mga puso na kapag may reputasyon at katayuan, saka lamang sila magkakaroon ng dignidad at magiging tunay na nilikha, at na kapag may katayuan, saka lamang sila magagantimpalaan at makokoronahan, magiging marapat na sang-ayunan ng Diyos, magkakamit ng lahat ng bagay, at magiging isang totoong tao. Ano ang tingin ng mga anticristo sa katayuan? Tinitingnan nila ito bilang katotohanan; itinuturing nila ito bilang pinakamataas na mithiing dapat hangarin ng mga tao. Hindi ba’t problema iyon? Ang mga taong maaaring mahumaling sa katayuan sa ganitong paraan ay tunay na mga anticristo. Kauri sila ng mga taong katulad ni Pablo. Naniniwala sila na ang paghahangad sa katotohanan, paghahangad ng pagpapasakop sa Diyos, at paghahangad ng katapatan ay pawang mga proseso na umaakay sa isang tao sa pinakamataas na posibleng katayuan; mga proseso lamang ito, hindi ang mithiin at pamantayan ng pagiging isang tao, at na ginagawa lamang ang mga ito para makita ng Diyos. Ang pagkaunawang ito ay isang kalokohan at katawa-tawa! Ang mga kakatwang tao lamang na namumuhi sa katotohanan ang makakaisip ng gayong katawa-tawang ideya.

—Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasiyam na Aytem (Ikatlong Bahagi)

Ang mga tiwaling tao ay pawang nagtataglay ng isang buktot na disposisyon, at lahat sila ay may mga pagpapakita at pagpapamalas ng isang buktot na disposisyon. Gayunman, magkaiba ang buktot na disposisyon ng mga ordinaryong tao at ang buktot na disposisyon ng mga anticristo. Bagamat may isang buktot na disposisyon ang mga ordinaryong tao, sa puso nila ay inaasam nila ang katotohanan at minamahal ang katotohanan, at sa proseso ng kanilang pananampalataya sa Diyos at paggampan sa kanilang mga tungkulin, nagagawa nilang tanggapin ang katotohanan. Bagamat limitado ang katotohanang kaya nilang isagawa, kaya pa rin nilang isagawa ang ilan, kaya maaaring unti-unting madalisay at totoong mabago ang mga tiwaling disposisyon nila, at sa huli ay nagagawa naman nilang magpasakop sa Diyos at makamit ang kaligtasan. Sa kabilang banda, hindi man lang minamahal ng mga anticristo ang katotohanan, hindi nila kailanman tinatanggap ang katotohanan, at hindi nila ito kailanman isinasagawa. Dapat ninyong subukang mag-obserba at kumilatis ayon sa sinasabi Ko rito; ito man ay isang lider ng iglesia o manggagawa, o isang ordinaryong kapatid, tingnan ninyo kung kaya ba niyang isagawa ang mga katotohanan sa loob ng saklaw ng kung ano ang kaya niyang maunawaan. Halimbawa, sabihin nating nauunawaan ng isang tao ang isang katotohanang prinsipyo, pero kapag oras na ng pagsasagawa rito, ito ay hindi man lang niya isinasagawa, at ginagawa niya ang anumang gusto niya at kumikilos siya nang pabaya—kabuktutan ito at mahirap iligtas ang gayong tao. Ang ilang tao ay hindi talaga nauunawaan ang katotohanan, pero sa puso nila ay gusto nilang hanapin kung ano ba mismo ang dapat gawin na nakaayon sa mga layunin ng Diyos at naaayon sa katotohanan. Sa kaibuturan ng puso nila, ayaw nilang sumalungat sa katotohanan. Dahil lamang sa hindi nila nauunawaan ang katotohanan kaya sila nagsasalita at kumikilos nang labag sa mga prinsipyo, nagkakamali, at gumagawa pa nga ng mga bagay na nagdudulot ng mga pagkagambala at pagkakagulo—ano ang kalikasan nito? Ang kalikasan nito ay hindi tumutukoy sa paggawa ng masama; ito ay nangyayari dahil sa kahangalan at kamangmangan. Ginagawa nila ang mga ito dahil lamang sa hindi nila nauunawaan ang katotohanan, dahil hindi nila nagagawang kamtin ang mga katotohanang prinsipyo, at dahil, ayon sa kanilang mga kuru-kuro at imahinasyon, iniisip nilang tamang gawin ang gayong mga bagay, kaya kumikilos sila sa ganoong paraan, kung kaya’t tinutukoy sila ng Diyos bilang hangal at mangmang, walang kakayahan; hindi dahil sa nauunawaan nila ang katotohanan at sinasadya nilang sumalungat dito. Pagdating naman sa mga lider at manggagawa na palaging gumagawa ng mga bagay-bagay nang ayon sa kanilang mga kuru-kuro at imahinasyon at madalas na ginagambala ang gawain ng sambahayan ng Diyos dahil hindi nila nauunawaan ang katotohanan, dapat ninyong isagawa ang pagpapatupad ng pangangasiwa at mga paghihigpit, at isagawa ang mas maraming pagbabahaginan sa katotohanan para lutasin ang mga problema. Kung walang-walang kakayahan ang isang tao at hindi niya maunawaan ang mga katotohanang prinsipyo, panahon na para tanggalin siya bilang isang huwad na lider. Kung nauunawaan niya ang katotohanan pero sinasadya niyang sumalungat sa katotohanan, dapat siyang pungusan. Kung patuloy niyang hindi magawang tanggapin ang katotohanan sa buong panahong iyon at hindi siya nagpapahayag ng pagsisisi, dapat na siyang ituring bilang isang masamang tao, at dapat siyang paalisin. Gayumpaman, mas malala ang kalikasan ng mga anticristo kaysa sa masasamang tao o mga huwad na lider, dahil sinasadyang guluhin ng mga anticristo ang gawain ng iglesia. Kahit pa nauunawaan nila ang katotohanan, hindi nila ito isinasagawa, wala silang pinakikinggan, at kung makinig man sila, hindi nila tinatanggap ang naririnig nila. Kahit na sa labas ay mukhang tinatanggap nila ito, nilalabanan nila ito sa kaibuturan ng puso nila, at kapag oras na para kumilos, kumikilos pa rin sila nang ayon sa gusto nila nang walang anumang pagsasaalang-alang man lang sa mga interes ng sambahayan ng Diyos. Kapag kasama sila ng ibang tao, nagsasalita sila ng ilang salita ng tao at may kaunti silang wangis ng tao, pero kapag kumikilos sila nang hindi nakikita ng mga tao, lumilitaw ang malademonyong kalikasan nila—ito ang mga anticristo. Kapag nagkakamit sila ng katayuan, gumagawa ang ilang tao ng lahat ng klase ng kasamaan at nagiging mga anticristo sila. Walang katayuan ang ilang tao, pero ang kanilang kalikasang diwa ay katulad ng sa mga anticristo—masasabi mo bang mabubuti silang tao? Sa sandaling magkamit sila ng katayuan, ginagawa nila ang lahat ng klase ng kasamaan—mga anticristo sila.

—Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikapitong Aytem: Sila ay Buktot, Traydor, at Mapanlinlang (Unang Bahagi)

Dapat lahat kayo ay ikumpara ang sarili ninyo sa iba’t ibang pagbubunyag, pagpapamalas, at pagsasagawa ng mga anticristo na inilantad Ko; habang ginagawa ninyo ang inyong mga tungkulin, sigurado na magpapakita kayo ng ilan sa mga pagpapamalas, pagbubunyag, at pagsasagawang ito, pero ano ang pinagkaiba ninyo sa mga anticristo? Kaya ba ninyong tanggapin mula sa Diyos ang mga bagay na nangyayari sa inyo? (Oo, kaya namin.) Ang magawang tanggapin mula sa Diyos ang nangyayari sa inyo ay ang pinakabihirang bagay. Kaya ba ninyong magbago kapag tinahak ninyo ang maling landas, kapag gumawa kayo ng mali, gumawa ng mga kamangmangan o ng mga pagsalangsang? Kaya ba ninyong magsisi? (Oo, kaya namin.) Ang magawang magsisi at magbago ay ang pinakamahalaga at pinakabihirang bagay. Ngunit ito ang wala mismo sa mga anticristo. Tanging ang mga taong ililigtas ng Diyos ang mayroon nito. Ano ang mga pinakamahalagang bagay na dapat taglayin? Una, ang pananampalataya na ang Diyos ang katotohanan; ito ang pinakapundamental na bagay. Kaya ba ninyo itong gawin? (Oo, kaya namin.) Hindi nagtataglay ng pinakapundamental na bagay na ito ang mga anticristo. Ikalawa, ang pagtanggap na ang salita ng Diyos ay ang katotohanan; maituturing din ito na pinakapundamental na bagay. Ikatlo, ang pagpapasakop sa pamamatnugot at mga pagsasaayos ng Diyos. Ito ay ganap na hindi maabot ng mga anticristo, pero dito ito nagsisimulang maging mahirap para sa inyo. Ikaapat, ang pagtanggap ng lahat mula sa Diyos nang hindi nakikipagtalo, nagbibigay-katwiran sa iyong sarili, nagbibigay ng mga dahilan, o nagrereklamo. Ganap itong imposible para sa mga anticristo. Ikalima, ang pagsisisi pagkatapos maghimagsik o gumawa ng mga pagsalangsang. Magiging mahirap lang para sa inyo na matamo ito. Pagkatapos gumawa ng mga pagsalangsang, saka lang unti-unting nagkakaroon ang mga tao ng kaunting kaalaman tungkol sa kanilang mga tiwaling disposisyon sa pamamagitan ng ilang panahon ng pagninilay-nilay at paghahanap, kalungkutan, pagkanegatibo, at kahinaan. Siyempre, nangangailangan ito ng oras. Maaaring isa o dalawang taon, o maaaring mas matagal pa. Kaya lang ng isang tao na tunay na magsisi pagkatapos lubos na maunawaan ang kanilang mga tiwaling disposisyon at sumuko nang mula sa puso. Bagama’t hindi ito madali, sa huli ay makikita ang mga pagpapamalas ng pagsisisi sa mga taong naghahangad sa katotohanan, sa mga taong kayang kamtin ang pagliligtas ng Diyos. Pero hindi ito taglay ng mga anticristo. Pag-isipan ninyo ito, sinong anticristo ang hindi nag-uungkat sa nakaraang tatlo o limang taon, o maging sa 10 o 20 taon, matapos gumawa ng masamang bagay? Gaano man katagal na ang lumipas, pagkatapos mo silang makita ulit, ang pinag-uusapan pa rin nila ay pawang ang mga argumento nilang iyon. Hindi pa rin nila kinikilala o tinatanggap ang sarili nilang masasamang gawa, at ni hindi sila nagpapakita ng kahit katiting na pagsisisi. Ito ang kaibahan ng mga anticristo at ng mga ordinaryong tiwaling tao. Bakit hindi kayang magpakita ng pagsisisi ng mga anticristo? Ano ang ugat na dahilan? Hindi sila naniniwala na ang Diyos ang katotohanan, kaya hindi nila kayang tanggapin ang katotohanan. Wala nang pag-asa rito, at ito ay itinatakda ng diwa ng mga anticristo. Kapag naririnig ninyo Ako na naghihimay-himay sa iba’t ibang pagpapamalas ng mga anticristo, iniisip ninyo: “Katapusan ko na. May disposisyon din ako ng isang anticristo—hindi ba’t isa rin akong anticristo?” Hindi ba’t ito ay kawalan ng pagkilatis? Totoo na may disposisyon ka ng isang anticristo, pero ang kaibahan mo sa mga anticristo ay na nagtataglay ka pa rin ng mga positibong bagay. Kaya mong tanggapin ang katotohanan, magtapat, magsisi, at magbago, at ang mga positibong bagay na ito ay makapagbibigay-kakayahan sa iyo na iwaksi ang mga disposisyon ng mga anticristo, at magbibigay-daan para malinis ang iyong mga tiwaling disposisyon, at para makamit mo ang kaligtasan. Hindi ba’t ibig sabihin nito ay may pag-asa ka? May pag-asa ka pa!

—Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasiyam na Aytem (Ikapitong Bahagi)

Kaugnay na mga Patotoong Batay sa Karanasan

Inalis ng mga Salita ng Diyos ang Aking mga Maling Pag-unawa

Sinundan: 10. Paano makilatis ang kalikasang diwa ni Pablo

Sumunod: 12. Paano harapin at pangasiwaan ang mga anticristo

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Tanong 2: Matagal na naming narinig na ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay nagpatotoo na tungkol sa pagbabalik ng Panginoong Jesus. At Siya ang Makapangyarihang Diyos! Nagpapahayag Siya ng mga katotohanan at gumaganap sa Kanyang gawaing paghatol sa mga huling araw, ngunit karamihan sa mga tao ng mga relihiyosong lipunan ay naniniwala lahat na babalik ang Panginoon sa pamamagitan ng pagbaba nang nasa mga alapaap. Ito ay dahil malinaw na nagsabi ang Panginoong Jesus na: “At kung magkagayo’y lilitaw ang tanda ng Anak ng tao sa langit: at kung magkagayo’y magsisitaghoy ang lahat ng mga angkan sa lupa, at mangakikita nila ang Anak ng tao na napaparitong sumasa mga alapaap ng langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian” (Mateo 24:30). Ipinropesiya rin ng Libro ng Pahayag: “Narito, Siya’y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita Siya ng bawa’t mata, at ng nangagsiulos sa Kanya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa Kanya” (Pahayag 1:7). Pinananatili ko rin ang paniniwalang babalik ang Panginoon sa pamamagitan ng pagbaba nang nasa mga alapaap upang direkta tayong dalhin sakaharian ng langit. Tinatanggihan namin ang Panginoong Jesus na hindi bumaba nang nasa mga alapaap. Sinasabi ninyo na ang pagbabalik ng Panginoon ay pagbabalik sa katawang-tao at pagbaba nang palihim. Ngunit walang nakakaalam tungkol dito. Gayunman, ang lantarang pagbaba ng Panginoonnang nasa mga alapaap ay ganap! Kaya hinihintay naming bumaba ang Panginoonnang nasa mga alapaap at lantarang magpakita upang dalhin tayo nang direkta sa kaharian ng langit. Tama ba ang aming pag-unawa o hindi?

Sagot: Pagdating sa paghihintay sa Panginoon na bumaba nang nasa mga alapaap, hindi tayo dapat umasa sa mga paniniwala at imahinasyon ng...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito