Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Mga Klasikong Tanong at Sagot sa Ebanghelyo ng Kaharian

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

Tanong 4: Noong isang gabi nabasa ko ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, “Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan sa Kaligtasan ng Diyos na Nagkatawang-tao.” Sa palagay ko napakagandang talata ito ng salita ng Diyos, lubhang praktikal, at napakahalaga. Hinggil sa kung bakit kailangang matanggap ng sangkatauhan ang pagliligtas ng Diyos na nagkatawang-tao, ito’y isang aspeto ng katotohanan na kailangang maunawaan kaagad ng tao. Puwedeng ibahagi pa ninyo sa amin ang tungkol ditto.

Sagot:Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan sa Kaligtasan ng Diyos na Nagkatawang-tao,” ang talatang ito ng salita ng Diyos ay lubusang nagpapaliwanag sa kahulugan ng kaligtasan ng tiwaling sangkatauhan sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao ng Diyos. Basahin natin mula sa salita ng Makapangyarihang Diyos.

Ito ay tiyak na dahil pinasama ni Satanas ang laman ng tao, at ang tao ang siyang binabalak iligtas ng Diyos, na kailangang maging tao ang Diyos upang makidigma kay Satanas at personal na maging pastol ng tao. Ito lamang ang kapaki-pakinabang sa Kanyang gawain” (“Pagpapanumbalik sa Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Ang laman ng tao ay ginawang tiwali ni Satanas, at lubusang binulag, at matinding napinsala. Ang pinaka-pangunahing dahilan kung bakit gumagawa ang Diyos ng personal sa katawang-tao ay dahil ang layon ng Kanyang pagliligtas ay ang tao, na galing sa katawan, at dahil si Satanas ay gumagamit din ng katawan ng tao upang abalahin ang gawain ng Diyos. Ang paglaban kay Satanas ang talagang gawaing panlulupig sa tao, at kasabay nito, ang tao din ang layon ng kaligtasan ng Diyos. Sa ganitong paraan, ang gawain ng Diyos na nagkatawang-tao ay napakahalaga. Ginawang tiwali ni Satanas ang laman ng tao, at ang tao ay naging sagisag ni Satanas, at naging layon upang talunin ng Diyos. Sa ganitong paraan, ang gawain ng pakikipaglaban kay Satanas at pagliligtas sa buong sangkatauhan ay nangyayari sa lupa, at ang Diyos ay dapat maging tao upang gawin ang paglaban kay Satanas. Ito ang gawain na sukdulang praktikal” (“Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan ng Kaligtasan ng Diyos na Naging Katawang-tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Ang laman ng tao ay pinakamatinding ginawang tiwali, at ito ay naging isang bagay na lumalaban sa Diyos, na siyang lantarang sumasalungat at tinatanggihan ang pag-iral ng Diyos. Ang tiwaling laman-tao na ito ay talagang masyadong hindi mapaamo, at walang mas mahirap na pakitunguhan o baguhin kaysa sa tiwaling disposisyon ng laman. Pumasok si Satanas sa katawan ng tao upang lumikha ng gulo, at ginagamit ang laman ng tao upang abalahin ang gawain ng Diyos, at pahinain ang plano ng Diyos, at sa gayon ang tao ay naging si Satanas, at ang kaaway ng Diyos. Upang mailigtas ang tao, dapat muna siyang lupigin. Ito ang dahilan kung bakit humaharap ang Diyos sa hamon at pumasok sa katawang-tao upang gawin ang gawain na balak Niyang gawin, at labanan si Satanas. Ang Kanyang layunin ay ang kaligtasan ng sangkatauhan, na naging tiwali, at ang pagkatalo at pagkalipol ni Satanas, na naghihimagsik laban sa Kanya. Natatalo Niya si Satanas sa pamamagitan ng Kanyang gawaing panlulupig sa tao, at kasabay na inililigtas ang tiwaling sangkatauhan. Kung kaya, malulutas ng Diyos ang dalawang problema kaagad” (“Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan ng Kaligtasan ng Diyos na Naging Katawang-tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Kapag ang Diyos ay gumagana sa katawang-tao, Siya ay aktuwal na nakikipaglaban kay Satanas sa katawang-tao. Kapag Siya ay gumagana sa katawang-tao, ginagawa Niya ang Kanyang gawain sa espirituwal na kaharian, at ginagawa nang buo ang Kanyang gawain sa espirituwal na kahariang tunay sa lupa. Ang tanging nalupig ay ang tao, kung sino ang hindi masunurin sa Kanya, ang natalo ay ang pinakalarawan ni Satanas (siyempre, ito ay tao rin), na nakikipag-alitan sa Kanya, at ang nailigtas sa dakong huli ay ang tao rin. Sa ganitong paraan, ito ay mas kinakailangan para sa Kanya upang maging isang tao na may panlabas na anyo ng isang nilalang, upang Siya ay may kakayahang gumawa ng tunay na pakikipaglaban kay Satanas, panlulupig sa tao, na suwail sa Kanya at nagmamay-ari ng parehong panlabas na anyo katulad ng sa Kanya, at pagliligtas sa tao, na may parehong panlabas na anyo gaya Niya at napinsala ni Satanas. Ang Kanyang kaaway ay ang tao, ang pakay ng Kanyang paglupig ay tao, at ang layon ng Kanyang pagliligtas ay ang tao, na nilikha Niya. Kaya Siya ay dapat maging tao, at sa ganitong paraan, ang Kanyang gawain ay nagiging mas madali. Magagawa Niyang talunin si Satanas at lupigin ang sangkatauhan, at, higit pa rito, ay may kakayahan upang iligtas ang sangkatauhan” (“Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan ng Kaligtasan ng Diyos na Naging Katawang-tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Mula sa salita ng Makapangyarihang Diyos kinikilala natin na ang dahilan kung bakit kailangang iligtas ang tiwaling sangkatauhan sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao ng Diyos ay dahil ang katawan ng tao ay lubusang nalinlang at ginawang tiwali ni Satanas. Ang buong sangkatauhan ay nabubuhay sa ilalim ng nasasakupan ni Satanas, hindi nila alam ang pagkakaiba ng mabuti at masama, kagandahan at kapangitan. Hindi nila masabi kung ano ang pagkakaiba ng positibo at negatibo. Nabubuhay sila ayon sa pilosopiya, batas at likas na katangian ni Satanas, sila ay arogante, mapagmalinis, walang ingat, at walang sinusunod na batas. Silang lahat ay mga larawan ni Satanas at naging masama, nakikipagsabwatan kay Satanas upang labanan ang Diyos, gayunman hindi nila natatanto iyan. Ang Diyos ang Lumikha, tanging Diyos ang lubusang nakaaalam sa likas na katangian ng tao, kung gaano ang kanilang pagkatiwali. At tanging Diyos ang makapaglalantad at makakapagsuri sa mala-satanas na likas ng tao at tiwaling disposisyon, makapagsasabi sa tao kung paano mamuhay at kumilos bilang mga tao, at lubusang makalulupig, makadadalisay, at makapagliligtas sa sangkatauhan. Maliban sa Diyos, walang taong nilikha na makakakita sa diwa ng pagkatiwali ng tao at tiyak na hindi maibibigay sa tao ang katotohanan ng kung paano kumilos bilang mga tao. Kaya’t kung tunay na nais ng Diyos na ipaglaban ang lubhang tiwaling sangkatauhan mula sa pagkakasakmal ni Satanas at iligtas sila, at kung ang pagkakatawang-tao ng Diyos ay personal na nagpapahayag ng katotohanan at disposisyon ng Diyos at sinasabi sa tao ang lahat ng katotohanang kailangan niyang taglayin, tinutulutan ang tao na maunawaan ang katotohanan, makilala ang Diyos, at makita ang masasamang balak ni Satanas at ang maraming kamalian, doon lamang maaaring talikuran at tanggihan ng tao si Satanas ang magbalik sa harapan ng Diyos. Gayundin, inilalantad ng gawain ng pagkakatawang-tao ng Diyos ang lahat ng uri ng mga tao. Dahil lahat ng tao ay arogante at tumatangging pasakop. Kapag ang Diyos ay nagkatawang-tao upang ipahayag ang katotohanan, iba-iba ang tugon ng mga tao sa kanilang mga pagkaintindi, pagkalaban at maging digmaan. Sa gayon, ang katotohanan ng tiwaling pagkalaban ng sangkatauhan at pagtataksil sa Diyos ay lubusang nalalantad at isinasagawa ng Diyos ang Kanyang paghatol sa tao batay sa katiwaliang ibinubunyag nila at kanilang likas na pagkatao. Tanging sa ganitong paraan, maisasagawa ang paglupig, pagdadalisay, at pagperpekto ng Diyos sa sangkatauhan sa maayos na paraan. Sa paghatol sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, ang tao ay dahan-dahang nalulupig at nadadalisay. Kapag ang tao ay ganap nang nalupig, nagsisimula siyang sumunod sa Diyos na nagkatawang-tao, sinisimulan niyang tanggapin at sundin ang paghatol at pagkastigo ng Diyos at maranasan ang gawain ng Diyos, nagpapasiya siyang hanapin ang katotohanan at hindi na muling mamuhay ayon sa pilosopiya at mga patakaran ni Satanas. Kapag ang tao ay lubusang namuhay ayon sa salita ng Diyos, sa gayon lubusang nagapi ng Diyos si Satanas at ang tiwaling tao ay nagsisilbing samsam ng Kanyang pagtatagumpay laban kay Satanas. Kung tutuusin, ipinakikipaglaban ng Diyos ang tiwaling sangkatauhan mula sa pagsakmal ni Satanas. Tanging ang gawain ng Diyos na nagkatawang-tao ang may gayong epekto. Ito ang talagang kailangan sa pagkakatawang-tao ng Diyos upang iligtas ang sangkatauhan, at tanging ang Diyos na nagkatawang-tao ang lubusang makakalupig at makapagliligtas sa sangkatauhan. Ang mga taong ginagamit ng Diyos ay hindi kayang gawin ang gawain ng pagtubos at pagliligtas ng sangkatauhan.

Tanging kapag nagkatawang-tao ang Diyos at personal na dumating para gumawa sa gitna ng mga tao, nagpapahayag ng katotohanan upang malutas ang katiwalian, likas at diwa ng tao, maaaring madalisay at maligtas ang tao. Ang pagkakatawang-tao ng Diyos ang kailangang-kailangan nating mga taong tiwali. Kung sumasampalataya lamang tayo sa Diyos ng mataas na kalangitan at nauunawaan lamang at nag-uusap tungkol sa hungkag na mga teoriya ng relihiyosong daigdig, hindi natin kailanman makikilala ang Diyos at hindi kailanman maililigtas ng Diyos. Talagang kailangan ng taong tiwali ang Diyos na magkatawang-tao upang personal siyang hatulan at dalisayin kung nais niyang maligtas. Tungkol naman sa interaksiyon sa tao ng Diyos na nagkatawang-tao, tinutulutan Niyang maunawaan at makilala ng tao ang Diyos nang harapan. Dahil ang mga tunay na naghahanap ng katotohanan ay tinatanggap ang paghatol at pagdadalisay ni Cristo ng mga huling araw, likas nilang nasusunod ang Diyos at nadarama sa kanilang puso ang pagmamahal sa Diyos at lubusang naililigtas mula sa nasasakupan ni Satanas. Hindi ba’t ito ang pinakamainam na paraan upang maligtas at magawang perpekto ng Diyos ang sangkatauhan? Dahil ang Diyos ay nagkatawang-tao, nagkaroon tayo ng pagkakataong makaharap ang Diyos at maranasan ang Kanyang tunay na gawain, at nagkaroon ng pagkakataong tanggapin ang suplay ng tumpak na salita ng Diyos at mapastol at madiligan Niya mismo kaya’t nagsisimula tayong umasa sa Diyos, sundin ang Diyos, at talagang mahalin Siya. Kung hindi nagkatawang-tao ang Diyos para gawin ang pagliligtas sa sangkatauhan, ang praktikal na epektong ito ay hindi makakamtan. Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang pinakamainam na bagay tungkol sa Kanyang gawain sa katawang-tao ay maaari Siyang mag-iwan ng tumpak na mga salita at mga pangaral, at ang Kanyang tumpak na kalooban para sa sangkatauhan patungkol sa mga taong sumusunod sa Kanya, sa gayon pagkatapos nito ang Kanyang mga tagasunod ay maaaring mas tumpak at mas konkretong maipasa ang lahat ng Kanyang mga gawain sa katawang-tao at ang Kanyang kalooban para sa buong sangkatauhan na tumatanggap sa ganitong paraan. Tanging ang gawain ng Diyos sa katawang-tao sa gitna ng mga tao ang tunay na nagsasakatuparan sa katunayan ng pagiging Diyos at ang pamumuhay kasama ng mga tao. Tanging ang gawaing ito ang magsasakatuparan sa kagustuhan ng tao na mamasdan ang mukha ng Diyos, masaksihan ang gawain ng Diyos, at marinig ang personal na salita ng Diyos” (“Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan ng Kaligtasan ng Diyos na Naging Katawang-tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). “Ang pinakamalaking halaga na gawain sa tiwaling tao ay yaong nagbibigay ng tumpak na mga salita, malinaw na mga layunin upang itaguyod, at maaaring makita at mahawakan. Tanging ang makatotohanang gawain at napapanahong pagpatnubay ang angkop sa mga panlasa ng tao, at tanging tunay na gawa ang maaaring magligtas sa tao mula sa kanyang tiwali at mahalay na disposisyon. Ito ay maaari lamang makamit sa pamamagitan ng nagkatawang-taong Diyos; tanging ang nagkatawang-tao ng Diyos ang maaaring magligtas sa tao mula sa kanyang dating tiwali at mahalay na disposisyon” (“Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan ng Kaligtasan ng Diyos na Naging Katawang-tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). “Samakatuwid, ang tiwaling sangkatauhan ay mas kinakailangaan ang kaligtasan ng nagkatawang-taong Diyos, at mas nangangailangan ng direktang gawain ng nagkatawang-taong Diyos. Kinakailangan ng sangkatauhan ang nagkatawang-taong Diyos upang magpastol sa kanya, sumuporta sa kanya, painumin siya, magpakain sa kanya, hatulan at kastiguhin siya, at nangangailangan siya ng higit na biyaya at mas higit na pagtubos mula sa nagkatawang-taong Diyos. Tanging ang Diyos sa katawan ang maaaring pagkatiwalaan ng tao, ang pastol ng tao, ang handang sasaklolo ng tao, at lahat ng ito ay ang pangangailangan ng pagkakatawang-tao ngayon at sa mga nakaraang panahon” (“Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan ng Kaligtasan ng Diyos na Naging Katawang-tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Kapag ang Diyos ay naging tao para iligtas ang tiwaling sangkatauhan, magagamit Niya ang wika ng mga tao para malinaw na sabihin sa sangkatauhan ang mga hinihingi ng Diyos, ang Kanyang kalooban, Kanyang disposisyon at lahat ng mayroon at kung ano Siya. Sa ganitong paraan, nang hindi na nagsasaliksik, kayang maunawaan ng tao ang kalooban ng Diyos nang buong linaw, malaman ang mga hinihingi ng Diyos at ang paraan na dapat nilang sundin. Sa gayon, maaari din silang magkaroon ng praktikal na pang-unawa at kaalaman tungkol sa Diyos. Tulad sa Kapanahunan ng Biyaya, nagtanong si Pedro sa Panginoong Jesus, “Panginoon, makailang magkakasala ang aking kapatid laban sa akin na siya’y aking patatawarin? hanggang sa makapito?” (Mateo 18:21). Direktang sinabi ni Jesus kay Pedro: “Hindi ko sinasabi sa iyo, Hanggang sa makapito; kundi, Hanggang sa makapitongpung pito” (Mateo 18:22). Mula dito makikita natin na pinakain at sinuportahan ng nagkatawang-taong Panginoong Jesus ang mga tao anumang oras at saanman Siya nagpunta, ibinibigay sa tao ang pinaka-praktikal at malinaw na suplay o panustos. Sa mga huling araw, ang Makapangyarihang Diyos ay nagkatawang-tao kasama ng mga tao, ipinapahayag ang katotohanan upang ayusin ang aktuwal na situwasyon ng tao, ipinapahayag ang disposisyon ng Diyos at ang lahat ng mayroon at kung ano ang Diyos upang suportahan at suplayan ang sangkatauhan, itinuturo ang lahat ng hindi tama at mga kamalian sa paniniwala ng tao sa Diyos, ipinapaalam sa tao ang kalooban ng Diyos at ang Kanyang mga hinihingi, ibinibigay sa tao ang pinaka-praktikal at tumpak na suplay ng buhay at panustos. Halimbawa, kapag nabubuhay tayo sa pagrerebelde at pagkalaban sa Diyos nang hindi ito nalalaman, direkta tayong inilalantad at hinahatulan ng salita ng Diyos, upang makita natin, sa salita ng Diyos, kung paano na ang mismong mala-satanas na kalikasan natin ay lumalaban sa Diyos. Kapag sinusunod natin ang Diyos para sa sarili nating kapakinabangan at nagmamalinis sa paggawa nito, inilalantad ng Diyos ang ating mga kakulangan at sinasabi sa atin kung ano ang dapat nating paniwalaan bilang mga alagad ng Diyos. Kapag mali ang ating pagkaunawa sa Diyos sa ating karanasan sa Kanyang paghatol, ipinapaalala sa atin ng salita ng Diyos ang marubdob na mga hangarin kung saan inililigtas at hinahatulan ng Diyos ang sangkatauhan, nilulutas ang ating mga maling pagkaunawa sa Diyos, atbp. Lahat ng pinili ng Diyos ay naranasang mabuti kung paano tayo palaging tinutulungan at sinusuplayan ng Diyos na nagkatawang-tao kaya hindi tayo kailangang magbaka-sakali at magsaliksik. Ang kailangan lang nating gawin ay basahin pa ang salita ng Makapangyarihang Diyos upang makamtan ang pinaka-praktikal na pagpapakain at pagdidilig ng Diyos. Sa pamamagitan ng salitang ipinapahayag ng Diyos, nagkakaroon tayo ng tunay na pang-unawa sa kalooban ng Diyos, sa Kanyang disposisyon at lahat ng mayroon at kung ano Siya at sa pang-unawang ito, nalalaman natin kung paano magpatuloy sa gayong paraan upang magkaroon ng tunay na buhay at malaman kung paano makakakita sa kabila ng mga balak ni Satanas, nang malinaw kung paano tayo mismo ginawang tiwali ni Satanas sa kaibuturan, at sa paggawa nito, dahan-dahang itinatakwil ang ating kasalanan at ang madilim na impluwensya ni Satanas. Bilang bunga, nagbabago ang ating disposisyon sa buhay at tinatahak natin ang tamang landas, ipinamumuhay ang katunayan ng katotohanan. Ginawang posible ng pagkakatawang-tao ng Diyos ang lahat ng ito.

Ang Diyos ay nagkatawang-tao para gumawa at ipahayag ang Kanyang salita, upang makamit ng tao ang pinaka-praktikal na suplay ng buhay at panustos. Sa kabila ng katunayan na ang tao ay maraming paniwala hinggil sa gawaing paghatol ng Diyos na nagkatawang-tao, dinala ng Diyos sa tao ang landas ng buhay at ang walang katapusang kaligtasan, at natuto ang tao na umasa sa Kanya! Basahin pa natin ang isa pang sipi ng salita ng Makapangyarihang Diyos.

Walang paraan upang isipin o sukatin ang gawain na ginagawa Niya sa katawang-tao, dahil ang Kanyang katawang-tao ay hindi katulad ng sinumang taong maka-laman; kahit na ang panlabas na balat ay magkapareho, ang sangkap ay hindi pareho. Ang Kanyang katawang-tao ay gumagawa ng maraming mga pagkaintindi sa gitna ng tao tungkol sa Diyos, gayon pa man ang Kanyang katawang-tao ay maaari ring payagan ang tao upang makakuha ng maraming kaalaman, at maaari ring lupigin ang sinumang tao na nagmamay-ari ng isang katulad na panlabas na balat. Dahil Siya ay hindi lamang isang tao, kundi ang Diyos na may panlabas na balat ng isang tao, at walang maaaring ganap na tarukin o makaintindi sa Kanya” (“Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan ng Kaligtasan ng Diyos na Naging Katawang-tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Dahil sa gawain ng Diyos na nagkatawang-tao na ang Diyos ay naging katawan na may isang nasasalat na anyo, at maaaring makita at mahipo ng tao. Siya ay hindi isang walang hugis na Espiritu, ngunit isang katawan na maaaring makaugnayan at makikita ng tao. Gayunman, karamihan ng mga diyos na pinaniniwalaan ng tao ay mga walang lamang diyos na walang hugis, na kung saan ay mga walang anyo rin. Sa ganitong paraan, ang nagkatawang-taong Diyos ay naging kaaway ng karamihan sa mga taong naniniwala sa Diyos, at mga taong hindi matanggap ang katotohanan ng pagkakatawang-tao ng Diyos ay, magka-parehong, nagiging mga kaaway ng Diyos. … Kahit karamihan sa mga tao ay naging mga kaaway ng Diyos dahil sa katawang-tao na ito, kapag winakasan Niya ang Kanyang gawain, ang mga taong laban sa Kanya ay hindi lamang titigil sa pagiging Kanyang mga kaaway, ngunit sa halip ay magiging Kanyang mga saksi. Sila ay magiging mga saksi na nalupig sa pamamagitan Niya, mga saksi na kaayon sa Kanya at hindi maaaring ihiwalay mula sa Kanya. Papangyarihin Niyang malaman ng tao ang kahalagahan ng Kanyang gawain sa katawang-tao sa tao, at malalaman ng tao ang kahalagahan ng katawang-tao na ito sa kahulugan ng pag-iral ng tao, malalaman ang Kanyang tunay na halaga sa paglago ng buhay ng tao, at, higit pa rito, malalaman na ang katawang-tao na ito ay magiging isang buhay na bukal ng buhay kung saan ang tao ay hindi makakayang mapahiwalay” (“Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan ng Kaligtasan ng Diyos na Naging Katawang-tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Kahit na totoong ang Diyos ay nag-anyong karaniwang Anak ng tao sa Kanyang pagkakatawang-tao sa mga huling araw para iligtas at gawing perpekto ang sangkatauhan, sa kabila ng hindi Niya paggawa ng mga tanda at kababalaghan, at hindi pagtataglay ng kahima-himalang mga katangian o malaking pangangatawan at Kanyang pagiging tampulan ng mga pagkaintindi ng tao, kanilang pagtatwa, pagkalaban, at pagtanggi, ang katotohanang ipinapahayag ni Cristo at ang gawain ng paghatol na Kanyang isinasakatuparan ay nagbigay sa tao ng suplay ng salita ng Diyos, at tinulutan silang makamit ang katotohanan at makita ang pagpapakita ng Diyos. Bagama’t hindi natin nakita ang tunay na pagkatao ng Diyos, nakita natin ang Kanyang likas na disposisyon, at ang Kanyang banal na diwa, na para na ring nakita natin ang Kanyang tunay na pagkatao. Nakita nating tunay na namumuhay ang Diyos sa ating piling. Talagang dama nating dinala tayo sa harapan ng luklukan, nararanasan ang gawain ng Diyos nang harapan sa Diyos, at tinatamasa ang suplay ng tubig na buhay na dumadaloy mula sa luklukan. at nagsisimulang tunay na mahalin at sundin ang Diyos. Dahil naranasan ang paggawa ng Diyos hanggang sa ngayon, natanto nating lahat na Si Cristo ng mga huling araw ay ang pinakadakilang kaligtasan ng tiwaling sangkatauhan. Siya lamang ang landas tungo sa kaalaman ukol sa Diyos at sa pagtanggap ng papuri ng Diyos! Basahin natin ang isa pang talata ng salita ng Makapangyarihang Diyos.

Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos: “Sa pagkakataong ito, pumaparito ang Diyos upang gumawa ng gawain hindi sa espirituwal na katawan kundi sa isang napakakaraniwang katawan. Hindi lamang ito ang katawan ng ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos, kundi ito rin ang katawan kung saan magbabalik ang Diyos. Ito ay isang napaka-ordinaryo katawang-tao. Sa Kanya, wala kang makikitang anumang kaiba kumpara sa iba, nguni’t maaari kang makatanggap mula sa Kanya ng mga katotohanang hindi mo pa kailanman naririnig. Ang hamak na katawang-taong ito ay ang pagsasakatawan ng lahat ng mga salita ng katotohanan mula sa Diyos, na siyang pumapasan sa gawain ng Diyos sa mga huling araw, at isang pagpapahayag ng kabuuan ng disposisyon ng Diyos para malaman ng tao. Hindi ba labis ang iyong pagnanais na makita ang Diyos sa langit? Hindi ba labis ang iyong pagnanais na maintindihan ang Diyos sa langit? Hindi ba labis ang iyong pagnanais na makita ang hantungan ng sangkatauhan? Sasabihin Niya sa iyo ang lahat ng mga lihim na ito na wala pang sinumang tao ang nakapagsabi sa iyo, at sasabihin pa Niya sa iyo ang mga katotohanan na hindi mo nauunawaan. Siya ang iyong pintuan patungo sa kaharian, at ang iyong gabay patungo sa bagong kapanahunan. … Ang gawain ng Diyos sa mga huling araw ay ang pahintulutan ang tao na makita ang Diyos sa langit na namumuhay sa kalagitnaan ng mga tao sa lupa, at bigyang-kakayahan ang tao na makilala, sundin, igalang at ibigin ang Diyos. Ito ang kung bakit nagbalik na Siya sa katawang-tao sa pangalawang pagkakataon. Kahit na ang nakikita ng tao sa kasalukuyan ay isang Diyos na katulad ng tao, ang Diyos na mayroong ilong at dalawang mata, at isang di-katangi-tanging Diyos, sa katapusan ay ipakikita sa inyo ng Diyos na kung wala ang pag-iral ng taong ito, ang langit at lupa ay sasailalim sa napakalaking pagbabago; kung wala ang pag-iral ng taong ito, ang langit ay magiging madilim, magkakagulo sa lupa, at ang buong sangkatauhan ay mamumuhay sa taggutom at mga salot. Ipakikita Niya sa inyo na kung wala ang pagliligtas ng Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw, matagal na sanang winasak ng Diyos ang buong sangkatauhan sa impiyerno; kung wala ang pag-iral ng katawang-taong ito, kung gayon kayo ay magiging pinakapinuno ng mga makasalanan at mga bangkay magpakailanman. Nararapat ninyong malaman na kung hindi umiiral ang katawang-taong ito, ang buong sangkatauhan ay mahaharap sa di-maiiwasang kalamidad at mahihirapang makatakas sa mas matinding kaparusahan ng Diyos sa sangkatauhan sa mga huling araw. Kung hindi isinilang ang karaniwang katawang-taong ito, lahat kayo ay mapupunta sa katayuan kung saan ang pagkabuhay ni ang kamatayan ay hindi darating gaano man ninyo ito naisin; kung wala ang pag-iral ng katawang-taong ito, kung gayon sa araw na ito hindi ninyo makakayang tanggapin ang katotohanan at lumapit sa trono ng Diyos. Sa halip, parurusahan kayo ng Diyos dahil sa inyong mabigat na mga kasalanan. Alam ba ninyo? Kung hindi dahil sa muling pagkakatawang-tao ng Diyos, walang magkakaroon ng pagkakataon sa kaligtasan; kung hindi dahil sa pagdating ng katawang-taong ito, matagal nang tinapos ng Diyos ang lumang kapanahunan. Kaya, magagawa ninyo pa bang tanggihan ang ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos? Yamang maaari kayong lubhang makinabang sa karaniwang taong ito, kung gayon bakit hindi ninyo Siya tanggapin nang buong puso?” (“Alam Mo Ba? Nakagawa ang Diyos ng Isang Dakilang Bagay sa Gitna ng Mga Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Ang lahat ng mayroon kayo sa araw na ito ay dahil sa katawang-taong ito. Dahil sa nabubuhay ang Diyos sa katawang-tao kaya kayo ngayon ay may pagkakataong mabuhay. Ang lahat ng magandang kapalarang ito ay nakamit dahil sa karaniwang taong ito. Hindi lamang ito, kundi sa katapusan ang bawa’t bansa ay sasamba sa karaniwang taong ito, gayundin ay magbibigay pasasalamat at susunod sa hamak na taong ito. Sapagka’t Siya ang nagdala ng katotohanan, ng buhay, at ng daan upang mailigtas ang buong sangkatauhan, malunasan ang hindi pagkakaintindihan sa pagitan ng Diyos at tao, papaglapitin ang Diyos at tao, at maipaalam ang mga iniisip sa pagitan ng Diyos at tao. Siya rin ang nagdala ng higit pang kaluwalhatian sa Diyos. Hindi ba karapat-dapat ang karaniwang taong gaya nito sa iyong pagtitiwala at pagsamba? Ang gayon bang karaniwang katawang-tao ay hindi angkop upang tawaging Cristo? Ang gayon bang karaniwang tao ay hindi maaaring maging ang pagpapahayag ng Diyos sa gitna ng mga tao? Hindi ba karapat-dapat sa inyong pagmamahal at para inyong hawakan ang gayong tao na tumutulong sa sangkatauhan upang mailigtas sa sakuna? Kung tanggihan ninyo ang mga katotohanang namutawi mula sa Kanyang bibig at kamuhian din ang Kanyang pag-iral sa gitna ninyo, ano ang inyong magiging kapalaran?” (“Alam Mo Ba? Nakagawa ang Diyos ng Isang Dakilang Bagay sa Gitna ng Mga Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Kung wala ang gawa ni Jesus, hindi makakababa ang sangkatauhan mula sa krus, nguni’t kung wala ang pagkakatawang-tao ngayon, yaong mga bumaba mula sa krus ay hindi ipagtatagubilin ng Diyos o makapapasok tungo sa bagong kapanahunan. Kung hindi dumating ang karaniwang taong ito, kung gayon hindi kayo kailanman magkakaroon ng pagkakataon o magiging karapat-dapat upang makita ang tunay na mukha ng Diyos, dahil lahat kayo ay matagal nang dapat na winasak. Dahil sa pagdating ng ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos, napatawad kayo ng Diyos at pinakitaan kayo ng habag. Sa kabila nito, ang mga salita na dapat Kong iwan sa inyo sa katapusan ay ang mga ito pa rin: Ang karaniwang taong ito, na Siyang Diyos na nagkatawang-tao, ay napakahalaga sa inyo. Ito ang dakilang bagay na nagáwâ na ng Diyos sa gitna ng mga tao” (“Alam Mo Ba? Nakagawa ang Diyos ng Isang Dakilang Bagay sa Gitna ng Mga Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

mula sa iskrip ng pelikulang Ang Hiwaga ng Kabanalan

Sinundan:Tanong 3: Sinasabi ninyong si Cristo ang katotohanan, ang landas, at ang buhay. Ito ang patotoo ng Banal na Espiritu at hindi ito mapag-aalinlanganan. Ngunit nakatala rin sa Biblia ang mga salita ng ilang dakilang espirituwal na mga eksperto at mga apostol ng Panginoong Jesus. Ang mga pagpapahayag ba nila ay maituturing na salita ng Diyos? Kung ang sinasabi nila ay tunay na maituturing na salita ng Diyos, kung gayon hindi ba sila rin ang katotohanan, ang landas, at ang buhay? Ang masasabi ko lang, walang pagkakaiba sa pagitan ng kanilang mga salita at sa mga salita ng Panginoong Jesus, lahat ay itinuturing na salita ng Diyos. Bakit hindi itinuturing ang mga ito bilang katotohanan, ang daan, at ang buhay?

Sumunod:Tanong 5: Naging tao na ngayon ang Makapangyarihang Diyos at bumaba na sa lupa. Sabi sa panalangin ng Panginoon: “Dumating nawa ang kaharian mo. Gawin nawa ang iyong kalooban, kung paano sa langit, gayon din naman sa lupa” (Mateo 6:10). Hindi ba natupad ang mga salitang ito sa gawain ng Makapangyarihang Diyos? May kaugnayan ba ang propesiya na “ang tabernakulo ng Dios ay nasa mga tao” mula sa Aklat ng Pahayag sa pagparito ng Makapangyarihang Diyos sa sangkatauhan? Ano ang mas malalim na kahulugan ng pagiging tao sa mga huling araw?

Baka Gusto Mo Rin