Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

702 Protektado Kayo Dahil Kayo ay Kinastigo at Hinatulan

1 Sa kasalukuyan, sapagkat kayo ay kinastigo, hinatulan, at sinumpa kaya kayo ay binigyan ng proteksyon. Sapagkat kayo ay nagdusa nang husto kaya kayo ay protektado. Kung hindi, matagal na sana kayong nahulog sa kabulukan. Hindi sinasadyang gawing mahirap ang mga bagay para sa inyo—ang kalikasan ng tao ay mahirap baguhin, at ito ay kailangang maging ganito para magbago ang mga disposisyon ng mga tao. Sa kasalukuyan, ni hindi ninyo taglay ang konsiyensya ng pagkamakatuwiran ni Pablo, ni hindi pa ninyo taglay ang kanyang pansariling kamalayan. Palagi kayong kailangang pilitin, at kailangan kayong palaging kastiguhin at hatulan upang gisingin ang inyong mga espiritu. Ang pagkastigo at paghatol ay kung ano ang pinakamahusay para sa inyong buhay. At kapag kinakailangan, dapat ding magkaroon ng pagkastigo ng mga katotohanang dumarating sa inyo; sa gayon lamang kayo lubos na pasasakop.

2 Ang inyong mga kalikasan ay ganoon na kapag walang pagkastigo at pagsusumpa, kayo ay hindi handang iyuko ang inyong mga ulo, at hindi handang pasakop. Kung wala ang mga katotohanan sa harapan ninyo, walang makakamit na mga resulta. Masyado kayong mababa at walang kabuluhan sa pag-uugali! Kung wala ang pagkastigo at paghatol, magiging mahirap para sa inyo na malupig, at mahirap para sa inyong mapagtagumpayan ang pagiging di-matuwid at pagiging masawayin. Ang inyong dating kalikasan ay napakalalim na nakaugat. Kung kayo ay ilalagay sa luklukan, wala kayong ideya sa taas ng kalangitan at lalim ng lupa, lalong wala sa kung saan kayo patungo. Ni hindi ninyo nalalaman kung saan kayo nagmula, kaya paano ba ninyo maaaring makikilala ang Panginoon ng paglikha?

3 Kung wala ang napapanahong pagkastigo at mga sumpa sa kasalukuyan, ang inyong huling araw ay matagal na sanang dumating. Huwag nang banggitin pa ang inyong kapalaran—hindi ba iyon mas nalalapit sa panganib? Kung wala ang napapanahong pagkastigo at paghatol na ito, sino ang nakakaalam kung gaano kayabang kayo lalaki, at kung gaano kayo magiging masama. Wala kayong ganap na kakayahan na makontrol at magbulay-bulay sa inyong mga sarili. Dinala kayo ng pagkastigo at paghatol na ito hanggang sa kasalukuyan, at pinamalagi nito ang inyong pag-iral. Hindi ba lalo kayong dapat magsumikap sa pagtanggap ng pagkastigo at paghatol sa kasalukuyan? Mayroon ba kayong iba pang mga pagpipilian?

Hango sa “Pagsasagawa (6)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinundan:Danasin ang Paghatol ng Diyos upang Maiwaksi ang Impluwensya ni Satanas

Sumunod:Ang Paghatol ng Diyos ay Naghahayag ng Kanyang Katuwiran at Kabanalan

Baka Gusto Mo Rin