256 Paano Pinamamahalaan ng Diyos ang Lahat ng mga Bagay

I

Sa sandaling isilang kang

umiiyak sa mundong ito,

inuumpisahan mo’ng gawin ang iyong tungkulin.

Sa plano’t ordinasyon ng Diyos,

tungkuli’y ginagampanan mo,

at sinisimulan ang paglalakbay sa buhay.

Anumang pinagmulan mo

o paglalakbay sa iyong hinaharap,

walang makakaalpas sa pangangasiwa

at pagsasaayos na inihanda ng Langit,

at walang may kontrol ng kanilang tadhana,

‘pagkat Siya lamang

na namumuno sa lahat ng bagay

ang may kakayahan sa ganoong gawain.


II

Mula noong araw na umiral ang tao,

nagpapatuloy ang Diyos sa Kanyang gawain,

sa pamamahala nitong sansinukob at pagdidirekta

sa pagbabago at paggalaw ng lahat ng bagay.

Tulad ng lahat ng bagay,

tahimik at walang malay ang taong

nakakatanggap ng sustansya ng tamis

at ulan at hamog mula sa Diyos.

Tulad ng lahat ng bagay,

namumuhay ang tao sa ilalim ng pangangasiwa

ng kamay ng Diyos nang ‘di namamalayan.


III

Puso’t espiritu ng tao’y

hawak-hawak ng kamay ng Diyos,

at ang buong buhay ng tao’y

namamasdan ng mata ng Diyos.

‘Di alintana kung naniniwala ka man dito o hindi,

anuman at lahat ng bagay, buhay man o patay,

lilipat, magbabago, magpapanibago, at maglalaho

ayon sa kaisipan ng Diyos.

Ganito pinamamahalaan ng Diyos

ang lahat ng bagay.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao

Sinundan: 255 Siya na May Kapangyarihan sa Lahat

Sumunod: 257 Ang Buhay ng Lahat ng Nilalang na Nilikha ay Nagmumula sa Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

418 Ang Kahulugan ng Dasal

ⅠAng panalangin ay isa sa mga paraankung paano nakikipagtulungan ang tao sa Diyos,upang tumawag sa Kanyang Espiritu at maantig ng...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito