137 Mamahalin Ko ang Diyos Magpasawalang-hanggan

O Diyos! Mga salita Mo’y nagpabalik sa akin sa Iyo.

Tanggap ko na sanayin sa Iyong kaharian araw at gabi.

Kayraming pagsubok at sakit, kayraming mga paghihirap.

Malimit ako ay umiyak at ramdam puso’y nasugatan,

at maraming ulit nahulog sa bitag ni Satanas.

Nguni’t ‘di Mo ako iniwan kailanman.

Inakay Mo ‘ko sa maraming hirap.

Iningatan sa maraming panganib.

Ngayo’y batid ko na iniibig Mo ako.


O Diyos! Inakay mo ako sa isang bagong buhay.

Lasap Iyong mga salita, naunawaan ko Iyong kalooban.

Salita mo’y humatol at kumastigo, at nilinis aking katiwalian.

Sa pagsubok, natutunan kong sundin Ka.

Sa salita ng Diyos ako’y lumago, Diyos aking nakilala.

Tungkuli’y gagawin bilang patunay at pagluwalhati sa Iyo.

Iibigin Kita magpakailanman.

Pagpalain man o isumpa, magsasaya ako sa habag Mo.

Iibigin kang tunay, ‘di Ka hahayaang maghintay.

Ibibigay sa’Yo dalisay na pag-ibig, tamasahin aking pag-ibig.

Ibibigay lahat ng aking pag-ibig,

hahayaan Kang kamtin aking pag-ibig.

Iibigin Ka habang panahon, nais ko ay masiyahan Ka.

Sinundan: 136 Sana Araw-Araw Kong Nakakasama ang Diyos

Sumunod: 138 Saan Ka man Pumunta Magiging Kasama Mo Ako

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Kontakin Kami Gamit ang Messenger