Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

701 Danasin ang Paghatol ng Diyos upang Maiwaksi ang Impluwensya ni Satanas

1 Ang buong buhay ng tao ay nasa ilalim ng sakop ni Satanas, at walang isa mang tao ang kayang palayain ang sarili mismo mula sa impluwensiya ni Satanas. Lahat ay nabubuhay sa isang maruming sanlibutan, sa katiwalian at kahungkagan, wala ni katiting mang kahulugan o kahalagahan, namumuhay sila ng gayong walang-pananagutang buhay para sa laman, para sa pagnanasa, at para kay Satanas. Walang kahit katiting mang halaga sa kanilang pag-iral. Hindi kaya ng tao na hanapin ang katotohanang magpapalaya sa kanya mula sa impluwensya ni Satanas. Kahit na naniniwala ang tao sa Diyos at nagbabasa ng Biblia, hindi niya nauunawaan kung paano siya makalalaya mula sa pagpipigil ng impluwensya ni Satanas. Sa mga nakalipas na mga kapanahunan, napakakaunti ang mga taong nakatuklas ng lihim na ito, napakakaunti ang nakahipo rito. Sa gayon, bagaman kinamumuhian ng tao si Satanas, at kinamumuhian ang laman, hindi niya nalalaman kung paano alisin ang kanyang sarili mula sa bumibitag na impluwensya ni Satanas.

2 Kung ang tao ay hindi nalilinis, siya ay sa karumihan; kung hindi siya iniingatan at kinakalinga ng Diyos, kung gayon siya ay nananatili pang bihag ni Satanas; kung hindi siya hinahatulan at kinakastigo, kung gayon hindi siya magkakaroon ng daan upang makalaya sa pang-aalipin ng madilim na impluwensya ni Satanas. Kung ang iyong isipan at mga iniisip ay hindi nalinis, at ang iyong disposisyon ay hindi pa nahatulan at nakastigo, kung gayon ang iyong kabuuan ay pigil pa rin ng sakop ni Satanas, ang iyong isipan ay pigil ni Satanas, ang iyong mga iniisip ay pinaiikot ni Satanas, at ang lahat sa iyo ay kontrolado ng mga kamay ni Satanas. Kung gusto mo na magawang perpekto, dapat mong maunawaan ang gawain ng Diyos. Sa partikular, dapat mong maunawaan ang kahalagahan ng Kanyang pagkastigo at paghatol, at bakit ang gawaing ito ay isinasagawa sa tao. Kaya mo bang tanggapin? Sa panahon ng ganitong uri ng pagkastigo, kaya mo bang makamit ang mga karanasan at kaalaman na kapareho ng kay Pedro? Kung ikaw ay maghahabol ng isang kaalaman sa Diyos at ng gawain ng Banal na Espiritu, at maghahabol ng mga pagbabago sa iyong disposisyon, kung gayon mayroon kang pagkakataon na magawang perpekto.

Hango sa “Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinundan:Lahat ng Tunay na Naghahanap sa Diyos ay Matatamo ang Kanyang mga Pagpapala

Sumunod:Protektado Kayo Dahil Kayo ay Kinastigo at Hinatulan

Baka Gusto Mo Rin

  • Pag-ibig ng Diyos ang Pinakatunay

    I Ang gawaing panlulupig ng Diyos sa inyo, ay gayong dakilang kaligtasan. Bawa't isa sa inyo ay puno ng kasalanan at kahalayan. Ngayon nakikita ninyo…

  • Ang Tunay na Pagpapamalas ng Awtoridad ng Manlilikha

    I Ang kapalaran ng tao at ng sansinukob ay mahigpit na nakaugnay sa kapangyarihan ng Manlilikha. Ito'y 'di mahihiwalay sa Kanyang awtoridad at lahat n…

  • Pananabik

    I Ang mundo’y madilim, ang demonyo’y naghahari. Ang pinakamahabang gabi’y lumalaganap na. Ang landas sa paniniwala sa tunay na Diyos at pagpapatuloy n…

  • Dapat Mong Iwan ang Lahat para sa Katotohanan

    I Dapat kang magdusa ng kahirapan sa iyong landas tungo sa katotohanan. Dapat mong ibigay nang lubos ang sarili mo. Magtiis ng kahihiyan, yakapin ang …