Tanong 3: Sabi mo ang mga sumusunod lamang sa kalooban ng Diyos ang makakatanggap ng daan ng walang hanggang buhay. Matapos naming magsimulang maniwala sa Panginoon, nagdusa kami at nagbayad para ipalaganap ang ebanghelyo ng Panginoon. Ipinastol namin ang kawan ng Panginoon, pinasan ang krus at sinundan ang Panginoon, nagpakababang-loob, nagtiyaga, at nagpaubaya. Sinasabi mo bang hindi namin sinusunod ang kalooban ng Diyos? Alam naming kung magpapatuloy kami, magiging banal kami, at madadala sa kaharian ng langit. Ibig mo bang sabihin mali ang ganitong paraan ng pag-intindi at pagsasagawa sa salita ng Panginoon?

Sagot: Ipinapalagay mo na kung magtatrabaho, magsasakripisyo, o gagawa ka ng mga kabutihan, sinusunod mo ang kalooban ng Diyos. Pero ito bang mga iniisip mong palagay ay naghahangad sa puso ng Diyos? May batayan ba ang mga ito sa salita ng Diyos? Tingnan natin kung ano ang sinabi ng Panginoong Jesus: Sinabi ng Panginoong Jesus: “Hindi ang bawa’t nagsasabi sa Akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng Aking Ama na nasa langit. Marami ang mangagsasabi sa Akin sa araw na yaon, Panginoon, Panginoon, hindi baga nagsipanghula kami sa Iyong pangalan, at sa pangalan Mo’y nangagpalayas kami ng mga demonyo, at sa pangalan Mo’y nagsigawa kami ng maraming gawang kamangha-mangha? At kung magkagayo’y ipahahayag Ko sa kanila, kailan ma’y hindi Ko kayo nangakilala: magsilayo kayo sa Akin, kayong manggagawa ng katampalasanan(Mateo 7:21–23). Mula sa mga salita ng Panginoong Jesus makikita natin na ang mga nagpopropesiya, nagpapalayas ng mga demonyo, at gumagawa ng mga kamangha-manghang gawain sa Kanyang pangalan ay siyang mga nagdurusa at gumagawa ng mga gawain para sa Panginoon. Naglilingkod sila sa Diyos, iniaalay ang lahat ng kanilang panahon sa Kanya, at maraming mabubuting ugali. Pero bakit tinatawag sila ng Panginoong Jesus na gumagawa ng katampalasanan? Paano namin maiintindihan ito? Ayon sa mga palagay ninyo, sinumang nagdurusa at gumagawa ng gawain para sa Panginoon at gumugugol at nagsasakripisyo para sa Kanya ay sumusunod sa kalooban ng Diyos. Mukhang napakabanal din noon ng mga dakilang saserdote, kalihim, at Fariseo sa Hudaismo. Naglakbay sila sa malayo para ipangaral ang ebanghelyo. Bakit kinondena at isinumpa sila ng Panginoong Jesus? Dapat nating pag-isipan ’yan, hindi ba? Hindi natin malalaman ang pagsunod sa kalooban ng Diyos gamit ang mga palagay ng tao. Ang totoong pagsunod sa kalooban ng Diyos ay tumutukoy sa mga taong nakakasunod sa gawain at mga salita ng Diyos, isinasagawa ang mga salita ng Diyos, at sinusunod ang mga utos ng Diyos, at tinutupad ang kanilang mga tungkulin ayon sa kalooban at mga hinihingi ng Diyos. Sabi mo sinumang nagdurusa at gumagawa ng gawain para sa Panginoon ay sumusunod sa kalooban ng Diyos. Kung gayon suriin natin sila gamit ang mga hinihingi ng Panginoong Jesus. Ano ang pinakamahalagang hinihingi ng Panginoong Jesus sa tao? “Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong pag-iisip mo. Ito ang dakila at pang-unang utos. At ang pangalawang katulad ay ito, Ibigin mo ang iyong kapwa na gaya ng iyong sarili(Mateo 22:37–39). Pero ginagawa ba natin ito? Ang pagsunod sa kalooban ng Diyos ay nangangahulugang pagmamahal sa Diyos nang buong puso, kaluluwa, at isipan. Kahit gaano pa karaming trabaho ang gawin natin, o gaano tayo magdusa, kailangang walang personal na ambisyon o karumihan, kailangang nakalaan lang tayo sa pagsunod at pagpapalugod sa Diyos, sa pagsasagawa sa kalooban ng Diyos. Kailangan nating maging masaya na isakripisyo ang lahat para sa Diyos, nang hindi humihingi ng kapalit. Sa harap ng maraming pagsubok at paghihirap mula sa Diyos, hindi tayo dapat magreklamo o magtaksil sa Kanya, at ilagay ang ating sarili sa awa ng mga kaayusan ng Diyos. Tulad ni Abraham, Job, at Peter, kapag dumarating ang mga pagsubok ng Diyos, kailangan nating tanggapin ito nang may ganap na pagsunod at walang reklamo o tanong, at magbigay ng mabuti at umaalingawngaw na pagpapatotoo para sa Diyos. Ito ay pagsunod sa kalooban ng Diyos. Batay sa mga hinihinging iyon, dapat malinaw tayo kung nga ay mga taong sumusunod talaga sa kalooban ng Ama sa langit o hindi.

Marami tayong nakikitang nakakakaya ng pagdurusa, pagtatrabaho, at pagsasakripisyo matapos maniwala sa Panginoon, pero may nakikita tayong personal na pagnanais at ambisyon sa kanilang pagdurusa at sakripisyo. Naghahanap sila ng mga gantimpala, at para makapasok sa kaharian ng langit. Hindi ba’t ito’y paggamit at panlilinlang sa Diyos? Paano ito pagsasagawa sa katotohanan para palugudan ang Diyos? Pero may nangyayaring mas malaki pang trahedya. Kahit na madalas na magtrabaho at mangaral sa kanilang mga iglesia ang mga pastor at elder ng mundo ng relihiyon, at parang gumagawa ng kabutihan sa panlabas, kapag gagawin ng Makapangyarihang Diyos ang gawaing paghatol sa mga huling araw, para protektahan ang kanilang sariling posisyon, impluwensiya, at kita, hahatulan, kokondenahin, at lalapastanganin nila ang Makapangyarihang Diyos, at susubukang pigilan ang mga naniniwala sa pagsisiyasat sa totoong daan. Hindi ba’t ginagawa nilang kaaway ng Diyos ang kanilang mga sarili sa paggawa ng ganito? Paano ito naiiba sa mga krimen ng mga Fariseo na tumutol sa Panginoong Jesus? Sapat ang mga katotohanang ito para patunayan na walang kaalaman ang mga tao tungkol sa Diyos, na nananatili ang malasatanas na kalikasan ng mga tao, at na hindi pa natatanggap ng mga tao ang katotohanan bilang buhay. Kahit ang mga kayang magdusa, magtrabaho, at magsakripisyo para sa Diyos ay ginagawa ito para makipagtawaran sa Diyos. Naniniwala sila sa Diyos na may layuning magtamo ng mga biyaya para sa kanilang mga sarili. Hindi isinasagawa ng ganoong mga tao ang kalooban ng Diyos, at walang pagpapahalaga sa kalooban ng Diyos, lalong hindi sila pagpapatotoo sa pagsunod at pagmamahal para sa Diyos. Paano sinusunod ng ganoong mga tao ang kalooban ng Diyos? At paano sila karapat-dapat na pumasok sa kaharian ng langit at makamit ang walang hanggang buhay? Basahin natin ang isang talata mula sa Makapangyarihang Diyos: “Pinagpapasyahan Ko ang hantungan ng bawat tao hindi batay sa gulang, katandaan, tindi ng pagdurusa, at lalong hindi batay sa kung gaano siya kaawa-awa, kundi batay sa kung taglay niya ang katotohanan. Wala nang ibang pagpipilian kundi ito. Dapat ninyong matanto na parurusahan din ang lahat ng hindi sumusunod sa kalooban ng Diyos. Ito ay isang di-nababagong katotohanan(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Maghanda ng Sapat na Mabubuting Gawa para sa Iyong Hantungan). Ipinagpasya ng Diyos ang hantungan ng bawat tao hindi batay sa dami ng ginawa niyang trabaho o pagdurusang dinaranas niya, kundi batay sa kung taglay ba niya ang katotohanan, isinasagawa ang salita ng Diyos, at sinusunod ang kalooban ng Diyos, dahil tanging ang mga sumusunod sa kalooban ng Diyos ang karapat-dapat pumasok sa kaharian ng langit at makamit ang walang hanggang buhay. Ipinapasya ito ng matuwid na disposisyon ng Diyos, at hindi mababago. Kaya kailangang pag-isipan nating lahat ang landas na tinahak natin para maniwala sa Diyos. Bagama’t naniniwala tayo at sinusunod natin ang Diyos, bakit nagkakasala at tinatanggihan din natin ang Diyos? Dulot ito ng makasalanang kalikasan na nakatago sa kalooban natin. Dahil sa makasalanang kalikasan natin, napakahirap sundin at mahalin talaga ang Diyos. Pinapahirap ng makasalanang kalikasan natin na iwasang makipagtawaran at makamit ang mga biyaya habang nagsasakripisyo tayo para sa Diyos. Lumilikha ang makasalanang kalikasan natin ng mga reklamo, pagkanegatibo, at pagtataksil sa atin kapag nahaharap tayo sa mga pagsubok ng Diyos. Kaya, dahil sa ating makasalanang kalikasan, hindi tayo posibleng magiging taong sumusunod sa kalooban ng Diyos, at hindi magiging banal. Ganap na imposible ito! Para sinusunod talaga natin ang kalooban ng Diyos at maging banal, kailangang malutas ang problema ng ating makasalanang kalikasan. Dahil dito, kung hindi natin matatanggap ang gawaing paghatol at pagkastigo ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, hindi tayo kailanman aaprubahan ng Diyos. Kung hindi natin mararanasan ang gawaing paghatol ng Diyos sa mga huling araw, hindi natin kailanman matatanggap ang katotohanan, makakamit ang pagbabago sa disposisyon natin sa buhay, o hahangarin ang puso ng Diyos. Katotohanan ito na walang makapagkakaila.

mula sa iskrip ng pelikulang Dumadaloy ang Tubig ng Buhay Mula sa Trono

Sinundan: Tanong 2: Ang Panginoong Jesus at Makapangyarihang Diyos ay iisang Diyos, pero gumagawa ng magkaibang gawain sa magkaibang mga panahon. Ginawa ng Panginoong Jesus ang gawaing pagtubos, at ipinangaral ang daan ng pagsisisi. Sa mga huling araw, ginagawa ng Makapangyarihang Diyos ang gawaing paghatol at pagdadalisay sa sangkatauhan, at dinadala sila sa daan ng walang hanggang buhay. May isa pa akong tanong, ano ang pagkakaiba ng daan ng pagsisisi at ng daan ng walang hanggang buhay?

Sumunod: Tanong 4: Kung tatanggapin natin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, paano tayo maghahanap para matanggap ang daan ng walang hanggang buhay?

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito