Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Mga Klasikong Tanong at Sagot sa Ebanghelyo ng Kaharian

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

`

Tanong 13: Lahat kayo ay naniniwala sa Diyos; Ako naman ay kina Marx at Lenin. Dalubhasa ako sa pagsasaliksik ng iba’t ibang paniniwala sa relihiyon. Sa ilang taon ng pagsasaliksik ko, may nadiskubre akong isang problema. Ayon sa relihiyosong paniniwala ay mayroon talagang Diyos. Pero sa dami ng naniniwala sa Diyos, wala pa namang nakakakita sa Kanya. Ang paniniwala nila ay base sa sarili nilang nararamdaman. Kaya nga nakabuo ako ng konklusyon tungkol sa relihiyosong paniniwala: Purong imahinasyon lang ang relihiyosong paniniwala; yun ay isang pamahiin, at walang matibay na basehan sa syensya. Ang modernong lipunan, ay isang lipunan kung saan napakaunlad na ng syensya. Kailangang, nakabase ang lahat sa syensya, para hindi na magkaro’n ng kamalian. Kaming mga miyembro ng Partidong Komunista ay naniniwala sa Marxismo-Leninismo. Hindi kami naniniwalang may Diyos. Ano bang sabi sa The Internationale? “Kailanma’y di nagkaro’n ng Tagapagligtas ang mundo, o ng diyos at emperador na kailangang asahan. Upang magkaro’n ng kaligayahan ang tao, mga sarili lamang natin ang ating asahan!” Malinaw sa The Internationale na “Kailanma’y di nagkaro’n ng Tagapagligtas ang mundo.” Ang sangkatauhan ay naniwala noon sa Diyos at naging mapamahiin dahil ang sangkatauhan nung mga panahong iyon, ay humaharap sa kababalaghan ng natural na mundo na ang araw, buwan, mga bituin; hangin, ulan, kulog at kidlat, ay hindi makapagbibigay ng siyentipikong paliwanag. Samakatuwid, sumibol sa mga utak nila ang takot at pagtataka tungkol sa di-pangkaraniwang kapangyarihan. Kung kaya nabuo ang mga pinakaunang konsepto ng relihiyon. Bukod ditto, nung hindi malutas ng mga tao ang kahirapang dulot ng mga kalamidad at sakit, umasa silang makakuha ng ginhawang pangkaluluwa sa pamamagitan ng mataimtim na pagsunod sa Diyos. Ito ang dahilan kaya nabuhay ang relihiyon. Kitang-kita naman, Hindi ito makatwiran at hindi siyentipiko! Sa panahong ito, moderno na ang tao, at namamayagpag na ang siyensya. Sa mga larangang gaya ng aerospace industry, biotechnology, genetic engineering at medisina, mabilis na naging maunlad ang lahat ng tao. Noon hindi ito naintindihan ng sangkatauhan, at hindi nila kayang lutasin ang mga problema. Pero ngayon kaya ng ipaliwanag ng siyensya ang mga problemang ito, at pwede ng umasa sa siyensya para magbigay ng mga solusyon. Ngayong maunlad na ang agham at teknolohiya, kung naniniwala pa rin ang tao sa Diyos, at naging mapamahiin, hindi ba’t ito ay kabaliwan at kamangmangan? Hindi ba’t napag-iwanan na ang mga tao sa panahong ito? Ang pinakapraktikal na gawin ay ang maniwala tayo sa siyensya.

Sagot: Sabi n’yo ang relihiyosong paniniwala ay dahil sa napag-iwanan na ang tao sa siyentipikong kaalaman, at nabuo mula sa takot at pagtataka sa harap ng di-pangkaraniwang kapangyarihan, at yon ay pamahiin. Walang katotohanan ang argumentong ito, at walang batayan. Ang relihiyosong paniniwala at ang sinasabi mong pyudal na pamahiin ay dalawang magkaibang bagay. Kinukondena n’yong mga Komunista at binabawalan ang relihiyosong paniniwala sa pamamagitan ng pagkukunwaring pagtutol sa pyudal na pamahiin. Isa itong napakalaking kabaliwan. Sa mga relihiyon sa buong mundo, ang Hudaismo, Katolisismo, ang Simbahang Ortodokso ng Silangan, ang Kristiyanismo ay naniniwala sa Diyos at sa Panginoong Jesus. Ito lamang ang tunay at totoong relihiyosong paniniwala. Tatlong libong taon na ang nagdaan, ang gawain ng Diyos nung Kapanahunan ng Kautusan ang bumuhay sa Hudaismo. Nung unang panahon, narinig ng mga Israelita ang tinig ng Diyos, at alam nila ang pangalan ng Diyos. Nagdasal sila sa Diyos na si Jehova, sinunod nila ang mga panuntunan at kautusan na sinabi ni Jehova. Sinamba nilang lahat ang Diyos na si Jehova. Kung ganon nasisiguro nating nabuhay ang Hudaismo dahil sa gawain ng Diyos nung Kapanahunan ng Kautusan. Nung dumating ang Kapanahunan ng Biyaya, nagkatawang-tao ang Diyos bilang ang Panginoong Hesus, at nagsimulang kumilos. Natamo Niya ang pagbabalik-loob ng sangkatauhan nung ipinako Siya sa krus. Lalong dumami ang naghayag ng paniniwala sa Panginoong Jesus at nabuo ang iglesia ng Panginoong Jesus. Sa paglipas ng daan-daang taon, lumitaw ang Kristiyanismo, Katolisismo at ang Simbahang Ortodokso ng Silangan. Sila ang pinakamalalaking relihiyon sa buong mundo. Nabuo silang lahat dahil sa gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus. Ipinakita ng Makapagyarihang Diyos ng mga huling araw ang katotohanan at ginawa ang gawain ng paghatol, at iniligtas ang mga tao ng iba’t ibang sekta at samahan. Narinig ng mga taong tunay na naniniwala sa Diyos ang tinig Niya, at nag-alay ng katapatan sa luklukan ng Diyos. Kaya nabuo Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Ipinapakita ng katotohanang ito na ang relihiyosong paniniwala ay nabuo mula sa pagpapakita at gawain ng Diyos. Pinatunayan ang pagpapakita at gawain ng Diyos sa mga karanasan sa buhay ng napakaraming Kristiyano. Walang pwersa ang, makapagpapabagsak at makapagbabawal sa iglesia ng Diyos o sa mga taong hinirang Niya. Ito ang katotohanan. Mula sa umpisa ng kasaysayan ng sangkatauhan, patuloy sa paggawa ang Diyos para gabayan ang mga tao, para matubos ang tao at mailigtas ang sangkatauhan. Ang pagpapakita at gawain ng Diyos, ang nagpatatag sa mga tao para maging maunlad. Hindi maitatanggi ng sinuman ang mga katotohanang ito. Dalubhasa kayo sa pagsasaliksik sa relihiyosong paniniwala. Dapat naiintindihan n’yo ang mga bagay na ito. Bakit iniiba n’yo, ang naganap sa kasaysayan, sa pagsasabing bunga ng mga ignorante at napag-iwanang tao ang relihiyosong paniniwala? Hindi ba’t, kabaliwan ang mga pinagsasasabi ninyo?

Ilang taon n’yong pinag-aralan ang relihiyosong paniniwala. Ni hindi n’yo kayang sabihin ang pagkakaiba ng pyudal na pamahiin at relihiyosong paniniwala. Pinatutunayan lang nito na hindi n’yo naiintindihan ang relihiyosong paniniwala. Sa ngayon marami ng tao ang naniniwala sa Diyos. Lampas na sa isang-katlo ng populasyon ang naniniwala. Marami sa mga magagaling na siyentipiko ang naging Kristiyano, Gaya nina, Newton, Galileo, Copernicus, at iba pa. Masasabi n’yo bang mapamahiin sila, at hindi naniwala sa siyensya? Makapagbibigay ang siyensya ng mga resulta sa pagsasaliksik sa materyal na mundo, pero hindi nito kayang siyasatin, at pag-aralan ang espiritwal na mundo. Hindi base sa siyensya ang paniniwala namin sa Diyos. Kung hindi base sa mga salita at gawain Niya. Saksi ang Banal na Biblia sa gawain ng Diyos, at yun ang makasaysayang tala ng karanasan ng sangkatauhan sa gawain ng Diyos. Nahulaan ng mga propeta sa Biblia ilang libong taon na ang nagdaan kung anong mangyayari sa mga huling araw. Nagkatotoo ang lahat ng mga propesiyang iyon, na siyang nagpapatunay na totoo ang pagpapakita at gawain ng Diyos, na tanging, ang Diyos ang namumuno sa mga tao, at naghahari sa buong daigdig. Hindi maitatanggi ng sinuman ang mga katotohanang ito.

Sabi n’yo dahil hindi nakikita ng tao ang Diyos, hindi umiiral ang Diyos. Kung ganon bakit kayo nagsusunog ng pekeng pera at yumuyuko sa lapida ng namayapang ninuno, nakikita n’yo ba ang kaluluwa ng namatay na tao? Sa pagtawag sa masasamang espiritu at pagpapahula, nakikita n’yo ba ang mundo ng mga yumaong espiritu? Kung hindi, bakit kayo nagsusunog ng pekeng pera, yumuyuko, nanghuhula at nagsasabi ng mga kapalaran? Paulit-ulit n’yong sinasabing hindi umiiral ang Diyos, at malawakang itinuturo ang ateismo, pero palihim kayong naniniwala sa mga pekeng diyos at sumasamba sa mga masasamang espiritu. Hindi ba’t kasinungalingan at panloloko ng tao ang mga ginagawa n’yong panlilinlang? Nakikita n’yong ang mga salita at gawain ng tunay na Diyos ang katotohanan, at ang mga yon ang nagdadala sa sangkatauhan ng liwanag at kaligtasan, pero tahasan n’yong itinatanggi, iniiwasan at kinakalaban ang paniniwala ng mga tao sa tunay na Diyos sa ngalan ng ateismo, pinipigilan n’yo ang relihiyosong paniniwala, at walang-awang pinahihirapan ang mga Kristiyano. Napakatindi ng problemang ito hindi po ba? Ang Diyos ay isang espiritu, Kahit nakikita ng tao ang espiritwal Niyang katawan, naririnig naman nila mga salita ng Diyos, at nakikita ang gawain ng Diyos. Ito ang katotohanang hindi maitatanggi ng lahat. Sa ilang taong nagdaan, nagsasalita ang Diyos, ginagabayan ang mga tao, inililigtas ang sangkatauhan, at pinamumunuan ang tadhana ng tao. Marami na ring ipinakitang gawa ang Diyos. Ang karanasan ng tao at praktikal na karunungan sa mga bagay na ito ang bumuhay sa maraming kawikaan, gaya ng “Magtiwala sa kaloob ng Langit,” “Ang tao ang nagmumungkahi, Diyos ang nagbibigay,” “Maaaring ipunla ng tao ang buto, ngunit nakadepende sa Langit ang ani,” “Palaging may paraan ang Langit,” “Pinapalitan ng mga plano ng Langit ang sa atin,” “Ang kapalaran ng tao ay nakasulat sa mga bituin” at iba pa. Pinatutunayan ng lahat ng ito na may Tagapamahalang namumuno at nag-aayos sa mundo ng tao, nangunguna, nagbabasbas at nag-aaruga sa sangkatauhan. May mga kasabihan ding malimit marinig, “May isang espiritung nagbabantay sa iyo,” “Sa pagkilos ng tao, nagmamasid ang Langit,” at “Ang ginawa mo sa kapwa ay bumabalik din sa iyo.” Ipinakikita ng mga ito na, ang Diyos ang Panginoon ng paglikha, at ang Diyos ang naghahari sa lahat ng bagay. Ang espiritu ng Diyos ang nagbabantay sa lahat. Ang Diyos ang nagpaparusa batay sa mga kilos ng tao, at nagpapasya ng kapalaran ng sangkatauhan.

Sabi mo dahil walang nakakakita sa Diyos, hindi Siya umiiral. Masasabi kong mali ang pananaw mo! Hinangad mo na ba ang pagpapakita at gawain ng Diyos? Nabasa mo na ba Ang Banal na Biblia at Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao? Sabi sa Biblia, “Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios” (John 1:1). Kahit hindi nakita ng mga tao ang Espiritu ng Diyos, naririnig naman nila ang tinig Niya, nakikita ang mga salitang winika ng Diyos, at nararanasan ang mga gawain ng Diyos sa sarili nila. Sa ilang libong taon, tatlong yugto na ng gawain ang nagawa ng Diyos. Sa Israel, ginawa Niya ang gawain ng Kapanahunan ng Kautusan, inihayag ang Kanyang mga batas at kautusan sa mga tao ng Israel. Sa Kapanahunan ng Biyaya, isinagawa ng Diyos ang gawain ng pagtubos. Pinatawad ang mga kasalanan ng di-mabilang na tao sa pamamagitan ng paniniwala nila sa Panginoong Jesus. Nabuhay sila sa presensya ng Diyos, at tinamasa ang kapayapaan at kaligayahang ibinigay ng Diyos. Sa Kapanahunan ng Kaharian, muling nagkatawang-tao ang Diyos at inihayag ang katotohanan para gawin ang gawain ng paghatol, na nagdadalisay at nagliligtas sa sangkatauhan. Gumawa ang Diyos ng napakaraming bagay. Bakit hindi yon nakikita ng mga tao? Bakit panay pa rin ang pagpuna nila at sinasabi pa nilang hindi umiiral ang Diyos? Hindi lang sa nakikita nakadepende ang paniniwala namin sa Diyos. Ang pagpapakita at gawain Niya ang pinakabasehan namin. Maraming sinabing salita ang Diyos na nagkatawang-tao. Ang mga salita Niya ay ibang-iba sa salita ng mga tao. Walang makapagsasabi ng mga ganung salita. May awtoridad at kapangyarihan ang mga salita ng Diyos. Araw-araw yung nagkakatotoo at natutupad. Nagliligtas ng maraming tao ang bawat yugto ng gawain ng Diyos at dinadala sila sa harapan Niya, yun ang nagpapakita sa kanila na umiiral ang Diyos at nagtuturo sa disposisyon Niya. Ito ang mga dahilan kaya dumarami ang tumatalima sa Diyos. Anong dahilan at hindi mo nakikita ang katotohanang ito? Gusto kong ibahagi ang ilang talata ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Kapag narinig n’yo na ang mga salita Niya, maiintindihan n’yo nang mabuti ang mga katotohanan tungkol sa malawakang paglikha at paghahari ng Diyos sa lahat ng bagay.

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Gaano karaming nilalang ang naroong namumuhay at nagpaparami sa malawak na kalawakan ng sansinukob, paulit-ulit na sumusunod sa batas ng buhay, sumusunod sa isang palagiang alituntunin. Yaong mga namamatay ay dinadalang kasama nila ang mga kwento ng nabubuhay, at yaong mga nabubuhay ay inuulit ang kaparehong kalunus-lunos na kasaysayan niyaong mga namatay. Kaya’t hindi mapigil ng sangkatauhan na magtanong sa kanyang sarili: Bakit tayo nabubuhay? At bakit kailangan nating mamatay? Sino ang namamahala sa mundong ito? At sino ang lumikha nitong sangkatauhan? Ang sangkatauhan ba ay tunay na nilikha ng Inang Kalikasan? Ang sangkatauhan ba talaga ang kumukontrol sa kanyang sariling kapalaran? … Hindi alam ng sangkatauhan kung sino ang Kataas-taasan sa lahat ng mga bagay sa sansinukob, mas lalong hindi niya alam ang simula at hinaharap ng sangkatauhan. Ang sangkatauhan ay namumuhay lamang, nang sapilitan, sa gitna ng batas na ito. Walang maaaring makatakas dito at walang maaaring makapagbago rito, sapagka’t sa gitna ng lahat ng bagay at sa mga kalangitan ay mayroon lamang Isa na mula sa kawalang-hanggan tungo sa kawalang-hanggan na siyang nagtataglay ng paghahari sa lahat ng mga bagay. Siya ang Isa na hindi kailanman nakita ng tao, ang Isa na hindi kailanman nakilala ng sangkatauhan, na sa kanyang pag-iral ay hindi kailanman naniwala ang sangkatauhan, gayunma’y Siya ang Isa na huminga ng hininga tungo sa mga ninuno ng sangkatauhan at nagbigay ng buhay sa sangkatauhan. Siya ang Isa na nagtutustos at nagpapalusog sa sangkatauhan para sa kanyang pag-iral, at gumagabay sa sangkatauhan hanggang sa kasalukuyang panahon. Higit pa rito, Siya at Siya lamang ang inaasahan ng sangkatauhan para sa pananatiling buháy nito. Tinataglay Niya ang paghahari sa lahat ng mga bagay at namamahala sa lahat ng nilalang na may buhay sa ilalim ng sansinukob. Siya ang nag-uutos sa apat na panahon, at Siya ang tumatawag sa hangin, hamog na nagyelo, niyebe, at ulan. Siya ang nagbibigay ng sikat ng araw sa sangkatauhan at nagpapasapit ng gabi. Siya ang naglatag ng mga kalangitan at lupa, nagkakaloob sa tao ng mga kabundukan, mga lawa at mga ilog at ng lahat ng mga nabubuhay na bagay sa loob nila. Ang Kanyang gawa ay nasa lahat ng dako, ang Kanyang kapangyarihan ay nasa lahat ng dako, ang Kanyang karunungan ay nasa lahat ng dako, at ang Kanyang awtoridad ay nasa lahat ng dako. Ang bawa’t isa sa mga batas at patakarang ito ang pagsasakatawan ng Kanyang gawain, at ang bawa’t isa sa mga ito ay nagbubunyag ng Kanyang karunungan at awtoridad. Sino ang makakapagpalaya ng kanilang mga sarili sa Kanyang paghahari? At sino ang makapag-aalis ng kanilang sarili mula sa Kanyang mga disenyo? Ang lahat ng mga bagay ay umiiral sa ilalim ng Kanyang titig, at higit pa rito, ang lahat ng mga bagay ay namumuhay sa ilalim ng Kanyang paghahari. Ang Kanyang gawa at ang Kanyang kapangyarihan ay pumipilit sa sangkatauhan na kilalanin ang katunayan na Siya ay talagang umiiral at Siyang nagtataglay sa paghahari sa ibabaw ng lahat ng mga bagay” (“Ang Tao ay Maliligtas Lamang sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Mula ng araw na dumating ang pag-iral ng tao, ang Diyos ay naging matatag sa Kanyang gawain, namamahala sa sansinukob at nangangasiwa sa pagbabago at paggalaw ng lahat ng mga bagay. Tulad ng lahat ng mga bagay, tahimik at hindi alintanang tinatanggap ng tao ang sustansya ng katamisan at ng ulan at hamog mula sa Diyos. Tulad ng lahat ng mga bagay, hindi alam ng tao na siya’y namumuhay sa ilalim ng pagsasaayos ng kamay ng Diyos. Ang puso at espiritu ng tao ay tangan ng kamay ng Diyos, at lahat ng buhay ng tao ay nakikita ng mga mata ng Diyos. Ikaw man ay naniniwala rito o hindi, anuman at lahat ng mga bagay, buhay o patay, ay magpapalipat-lipat, magbabago, manunumbalik, at maglalaho ayon sa mga saloobin ng Diyos. Ganito mamahala sa lahat ng bagay ang Diyos” (“Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Bagaman hindi tinatanggap ng sangkatauhan na ang Diyos ay umiiral, hindi tinatanggap ang katotohanan na ang Maylalang ang gumawa at may dominyon sa lahat ng bagay, at dagdag pa ang pag-iral ng awtoridad ng Maylalang, ang mga taong siyentipiko, mga astronomer, at mga pisisista ay mas higit na natatagpuan na ang pag-iral ng lahat ng mga bagay sa sansinukob, ang mga prinsipyo at mga disenyo na nagdidikta ng kanilang mga pagkilos, ay lahat napapamahalaan at kinokontrol ng malawak at di-nakikitang madilim na enerhiya. Ang katalagahang ito ang pumipilit sa tao na harapin at kilalanin na may isang Makapangyarihan sa gitna ng mga disensyong ito ng pagkilos, nagsasaayos sa lahat ng bagay. Ang Kanyang kapangyarihan ay di-pangkaraniwan, at bagaman walang sinuman ang maaaring makakita sa Kanyang tunay na mukha, Siya ang namahahala at kumukontrol sa lahat ng bagay sa bawa’t sandali. Walang tao o puwersa ang maaaring makalampas sa Kanyang dakilang kapangyarihan. Sa pagkakaharap sa ganitong katotohanan, dapat makilala ng tao na ang mga batas na ito na namamahala sa pag-iral ng lahat ng bagay ay di-maaaring makontrol ng mga tao, di-maaaring mapalitan ninuman; kasabay nito dapat tanggapin ng tao na ang mga nilalang na tao ay di-maaaring ganap na makaunawa sa mga batas na ito. At ang mga ito’y hindi natural na nangyayari, subalit nadidiktahan ng isang Panginoon at Maestro” (“Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

mula sa iskrip ng pelikulang Ang Paglalantand ng Komunismo

Sinundan:Tanong 12: Ayon sa mga propaganda ng gobyerno, Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng isang nagngangalang Zhao sa hilagang-silangang China. Ang lalaking ito ay mataas na saserdote ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Siya ang namumuno sa Iglesia. Sinasabi ng mga nananalig sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos na siya ay isang taong ginagamit ng Banal na Espiritu. Madalas silang makinig sa pangangaral ng taong ito na ginagamit ng Banal na Espiritu, at nakikinig sila sa kanya sa pangangasiwa sa iglesia. Bagama’t binabasa ninyong mga nananalig sa Makapangyarihang Diyos ang salita ng Makapangyarihang Diyos, nagdarasal kayo sa pangalan ng Makapangyarihang Diyos, itinuturing n’yong banal na kasulatan ang Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao na ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos, at ibinabahagi ang salita ng Makapangyarihang Diyos sa inyong kongregasyon, ano’t anuman, ang taong ito ang nagdedesisyon sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Kaya natitiyak namin na ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay nilikha ng taong ito. Ang CCP at ang iba’t ibang relihiyon ay inilalarawan ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos bilang isang organisasyon ng tao. Palagay ko totoo ‘yan. Nauunawaan n’yo ba ito?

Sumunod:Tanong 14: Sa paniniwala n’yo sa Kanya, lahat kayo ay may mga sariling ideya at opinyon. Sa tingin ko ang mga ideya nyo at teyorya, ay pawang mga pakiramdam ng pansariling kamalayan, at puro ilusyon lamang ninyo sa mga bagay-bagay. Naniniwala kaming mga Komunista na ang materyalismo at teorya ng ebolusyon ang katotohanan, dahil naayon ang lahat ng yon sa syensya. Malinaw na nagbibigay ang ating bansa ng materyalista at ebolusyonistang edukasyon mula paaralang elementarya hanggang sa unibersidad. Sa tingin n’yo bakit? Yun ay para ipalaganap ang ateista at ebolusyonistang pag-iisip sa lahat ng kabataan sa murang edad, para lumayo sila sa relihiyon at ganun na rin sa pamahiin, at ng sa ganun siyentipiko at maayos nilang maipaliwanag ang lahat ng katanungan. Isang halimbawa ang, tanong tungkol sa pinagmulan ng buhay. Ignorante at makaluma ang mga tao sa nakaraan, at naniwala sa mga kwentong gaya ng paghihiwalay ni Pangu sa langit at lupa, at paglikha ni Nüwa sa mga tao. Ang mga taga-kanluran naman, ay naniwalang ang Diyos ang lumikha sa sangkatauhan. Ang totoo, mitolohiya lang at alamat ang lahat ng ito, at hindi naaayon sa syensya. Mula nang lumitaw ang teorya ng ebolusyon na nagpaliwanag sa pinagmulan ng sangkatauhan, kung paano nagmula ang tao sa mga unggoy, pinabulaanan ng teorya ng ebolusyon ang alamat ng paglikha ng Diyos sa tao. Nalikha ang lahat ng bagay sa natural na pamamaraan. Yun lamang ang katotohanan. Kaya nga Kailangan nating maniwala sa syensya, at sa teorya ng ebolusyon. Kayong lahat ay mga edukado at maraming nalalaman. Kaya bakit kayo naniniwala sa Diyos? Kaya n’yo bang sabihin sa’min ang inyong pananaw?

Baka Gusto Mo Rin