Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Mga Klasikong Tanong at Sagot sa Ebanghelyo ng Kaharian

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

`

Tanong 2: Ang Panginoong Jesus at Makapangyarihang Diyos ay iisang Diyos, pero gumagawa ng magkaibang gawain sa magkaibang mga panahon. Ginawa ng Panginoong Jesus ang gawaing pagtubos, at ipinangaral ang daan ng pagsisisi. Sa mga huling araw, ginagawa ng Makapangyarihang Diyos ang gawaing paghatol at pagdadalisay sa sangkatauhan, at dinadala sila sa daan ng walang hanggang buhay. May isa pa akong tanong, ano ang pagkakaiba ng daan ng pagsisisi at ng daan ng walang hanggang buhay?

Sagot: Iisa lang ang Diyos, at hindi maisasagawa sa isa o dalawang yugto ang Kanyang gawaing pagliligtas sa sangkatauhan. Dahil may tatlong yugto ang gawain sa plano sa pamamahala ng Diyos para iligtas ang sangkatauhan, magkaiba ang katotohanang ipinapahayag ng Diyos sa bawat yugto, at unti-unting lumalalim, kaya sa bandang huli nagiging perpekto ito. Gumagawa ang Diyos ng magkakaibang gawain sa mga panahon batay sa mga pangangailangan ng tao sa panahong iyon, kaya magkaiba ang daang ibinibigay ng Diyos sa tao sa bawat panahon. Tinatanong mo kung ano ang pagkakaiba ng daan ng pagsisisi at ng daan ng walang hanggang buhay, na isang mahalagang tanong. Ito ay katotohanang dapat maintindihan ng bawat tunay na naniniwala sa Diyos, dahil nauugnay ito sa kung paano nalalaman ng tao ang katotohanan at nakakamit ang walang hanggang buhay. Ngayon alam na nating lahat na ginawa ng Panginoong Jesus ang gawaing pagtubos sa Kapanahunan ng Biyaya, at ibinigay sa tao ang daan ng pagsisisi. Tulad ng sinabi ng Panginoong Jesus: “Mangagsisi kayo; sapagka’t malapit na ang kaharian ng langit” (Mateo 4:17). Ibig sabihin, dapat ikumpisal ng tao ang kanyang mga kasalanan at magsisi sa harapan ng Diyos kung gusto niyang makapasok sa kaharian ng langit. Matapos ikumpisal ang mga dating kasalanan, mapapatawad ang ganoong mga kasalanan. Hindi na magkakasala ang tao, magsisisi at maisisilang muli. Ito ang pagsisisi. Pero sa panahong iyon, tinuruan lamang ng Panginoong Jesus ang tao na ikumpisal ang kanyang mga kasalanan at magsisi, hindi gumawa ng mga kasalanan, hindi gumawa ng masama, para pagkaitan ang kanyang sarili, pasanin ang krus, at sundin ang Panginoon, para mahalin ang Panginoon nang buong uso, kaluluwa, at isipan, para mahalin ang mga ibang tao tulad ng kanyang sarili, nang may pagpapakumbaba, pagtitiis at pasensiya, at patawarin ang mga ibang tao nang hanggang sa makapitumpung pito. Ang mga ito'y paraan ng pagsisisi ng tao. Kapag ikinukumpisal ng tao ang kanyang mga kasalanan at magsisisi sa harapan ng Panginoong Jesus, mapapatawad ang mga kasalanang ito, na nagbibigay-karapatan sa taong magdasal sa harapan ng Diyos at makipagsamahan sa Kanya, at tamasahin ang saganang biyaya at katotohanang ibinibigay ng Diyos. Pero ang hindi natin maitatanggi ay na kahit pa napatawad na ang mga kasalanan ng tao, naroroon pa rin ang kanyang makasalanang kalikasan, at magagawa pa rin niyang pagtaksilan at tutulan at Diyos. Pinatutunayan nito na kahit napatawad na ang mga kasalanan ng tao, magagawa pa rin niyang magkasala, at hindi magiging banal. Ginawa lang ng Panginoong Jesus ang gawaing pagtubos, na nagpapahintulot lang sa taong ikumpisal ang kanyang mga kasalanan, magsisi, bumalik sa Diyos, at tamasahin ang biyayang ibinibigay ng Diyos. Ipinapakita nito na ang katotohanang ipinahayag ng Panginoong Jesus ang daan para magsisi ang tao. Tulad ng sinabi ng Makapangyarihang Diyos: “Nang panahong iyon, binigkas lamang ni Jesus sa Kanyang disipulo ang isang hanay ng sermon sa Kapanahunan ng Biyaya, tulad ng kung paano isagawa, kung paano magtipun-tipon, kung paano humingi sa panalangin, kung paano makitungo sa iba, at iba pa. Ang gawain na Kanyang isinagawa ay para sa Kapanahunan ng Biyaya, at Kanyang pinalawig lamang kung paano dapat magsagawa ang mga disipulo at iyong mga sumusunod sa Kanya. Ginawa lamang Niya ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya at wala na sa mga huling mga araw. … Ang gawain ng Diyos sa bawat kapanahunan ay mayroong malinaw na hangganan; ginagawa Niya lamang ang gawain ng kasalukuyang kapanahunan at hindi Niya kailanman isinasagawa ang kasunod na yugto ng gawain nang pauna. Sa ganitong paraan lamang ang Kanyang kumakatawang gawain ng bawat kapanahunan ay maaaring mailantad. Binigkas lamang ni Jesus ang mga patalandaan ng huling mga araw, kung paano maging mapagpasensya at kung paano maligtas, kung paano magsisi at mangumpisal, pati na rin kung paano kayanin ang krus at tiisin ang pasakit; hindi Siya kailanman nagsalita kung ano ang papasukin ng mga tao sa huling mga araw o kung paano hanapin ang makapagbibigay kasiyahan sa kalooban ng Diyos…” (“Paano Makatatanggap ng mga Pahayag ng Diyos ang Taong Ipinakahulugan ang Diyos sa Kanyang Pagkaintindi?” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). “Ang mga kasalanan ng tao ay maaaring mapatawad sa pamamagitan ng handog sa kasalanan, nguni’t hindi magawang lutasin ng tao ang suliranin kung paano siya hindi na muling magkakasala at kung paanong ang kanyang makasalanang kalikasan ay ganap na maiwawaksi at mababago. Ang mga kasalanan ng tao ay napatawad dahil sa gawain ng pagpapapako sa krus ng Diyos, nguni’t ang tao ay patuloy na namuhay sa dating tiwaling maka-satanas na disposisyon. Dahil dito, ang tao ay dapat na ganap na mailigtas mula sa tiwaling maka-satanas na disposisyon upang ang makasalanang kalikasan ng tao ay ganap na maiwaksi at hindi na muling mabubuo, at sa gayon ay tinutulutang mabago ang disposisyon ng tao. Kinakailangan nito na maunawaan ng tao ang landas ng paglago sa buhay, ang landas ng buhay, at ang paraan upang baguhin ang kanyang disposisyon. Kinakailangan din na ang tao ay kumilos alinsunod sa landas na ito nang sa gayon ang disposisyon ng tao ay unti-unting mababago at makakapamuhay siya sa ilalim ng pagsikat ng liwanag, at upang magawa niya ang lahat ng bagay ayon sa kalooban ng Diyos, iwaksi ang tiwaling maka-satanas na disposisyon, at lumaya mula sa impluwensya ng kadiliman ni Satanas, at dahil dito ganap na makakalaya mula sa kasalanan. Doon lamang matatanggap ng tao ang ganap na kaligtasan” (“Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Sinasabi sa atin ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos na ginawa ng Panginoong Jesus ang gawaing pagtubos, at ang daan ng pagsisisi lamang ang ibinigay Niya sa atin, hindi Niya ibinigay sa tao ng daan ng walang hanggang buhay para iwaksi ang kanyang malasatanas na kalikasan at maging banal. Kaya sa mga huling araw, dumating ang Makapangyarihang Diyos, at batay sa gawaing pagtubos ng Panginoong Jesus, ginawa Niya ang gawaing “paghatol simula sa bahay ng Diyos” at ibinigay sa atin ang daan ng walang hanggang buhay. Tanging sa pamamagitan ng pagtanggap sa daan ng walang hanggang buhay na ibinigay ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw magiging masunurin ang mga tao sa kalooban ng Diyos, ganap na makakawala sa madilim na impluwensiya ni Satanas, marating ang katayuan ng kabanalan, at makapasok sa kaharian ng Diyos.

Ngayon lang nagbahagi kami tungkol sa daan ng pagsisisi, at sa palagay ko naiintindihan niyong lahat 'yan. Ngayon gusto kong pag-usapan kung ano ang daan ng walang hanggang buhay, at pagkatapos, ipaliliwanag ko ang tungkol sa mga pagkakaiba ng daan ng pagsisisi at ng daan ng walang hanggang buhay. Kapag pinag-uusapan natin ang daan ng walang hanggang buhay, hindi natin pinag-uusapan ang simpleng pangungumpisal ng kasalanan at pagsisisi, pinag-uusapan natin ang tungkol sa daan ng katotohanan na nagbibigay sa mga tao ng walang hanggang buhay. Para mas tiyak, paano makakamit ng mga tao ang kaligtasan, makawala sa impluwensiya ni Satanas, paano nila makakamit ang katotohanan bilang buhay, maging akma sa Diyos, at makamit ng Diyos. Ito ang daan ng walang hanggang buhay. Kaya ang mga nagkakamit ng daan ng walang hanggang buhay ay ang mga tumatanggap sa katotohanan, nagkakamit ang katotohanan bilang buhay, at sila ang mga taong kinumpleto ng Diyos na makakapasok sa kaharian ng langit. Hindi ba ang mga taong ito ang nagkakamit ng daan ng walang hanggang buhay? Tututulan o pagtataksilan ba ng mga nagkakamit ng katotohanan bilang kanilang buhay ang Diyos? Mamamatay ba, o maipadadala sa impiyerno ang mga papasok ba sa kaharian ng langit? Kaya sinumang magkakamit ng katotohanan bilang buhay ay makikilala ang Diyos, ay makakamit ang daan ng walang hanggang buhay, tama? Tingnan natin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos tungkol sa paksa.

Si Cristo ng mga huling araw ay naghahatid ng buhay, at naghahatid ng nananatili at magpakailanmang daan ng katotohanan. Ang katotohanang ito ay ang landas na sa pamamagitan nito ay makakamit ng tao ang buhay, at ang tanging landas sa pamamagitan niyao’y makikilala ng tao ang Diyos at upang masangayunan ng Diyos” (“Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Ang gawain sa mga huling araw ay naglalantad sa gawain ni Jehova at ni Jesus at sa lahat ng hiwaga na hindi naintindihan ng tao. Ginagawa ito upang ibunyag ang hantungan at ang katapusan ng sangkatauhan at tapusin ang lahat ng gawain ng pagliligtas sa gitna ng sangkatauhan. Itong yugtong ito ng gawain sa mga huling araw ay naghahatid sa lahat ng bagay sa katapusan. Lahat ng hiwaga na hindi naintindihan ng tao ay dapat malutas upang pahintulutan ang tao na magkaroon ng panloob-na-pananaw sa bagay na ito at magkaroon ng malinaw na pagkaunawa sa kanilang mga puso. Doon pa lamang maaaring mahati ang mga tao ayon sa kanilang mga uri. … ang lahat ng hiwaga na hindi naunawaan ng tao ay mabubunyag, ang lahat ng katotohanan na dati’y hindi naintindihan ay magiging malinaw, at ang sangkatauhan ay masasabihan tungkol sa kanyang hinaharap na landas at hantungan. Ito ang lahat ng gawaing gagawin sa yugtong ito” (“Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Sa huling yugtong ito ng gawain, ang mga resulta ay nakakamit sa pamamagitan ng salita. Sa pamamagitan ng salita, dumarating ang tao sa pagkaunawa sa maraming mga hiwaga at sa gawain ng Diyos sa buong nakaraang mga henerasyon; sa pamamagitan ng salita, naliliwanagan ang tao sa pamamagitan ng Banal na Espiritu; sa pamamagitan ng salita, dumarating ang tao sa pagkaunawa sa mga hiwaga na kailanman ay hindi pa nalutas ng mga nagdaang henerasyon, pati na rin sa gawain ng mga propeta at mga apostol ng mga nakaraang panahon, at sa mga prinsipyo na kung saan sila ay gumawa; sa pamamagitan ng salita, dumarating ang tao sa pagkaalam sa disposisyon ng Diyos Mismo, pati na rin sa pagka-mapanghimagsik at paglaban ng tao, at dumarating sa pagkaalam ng kanilang sariling sangkap. Sa pamamagitan ng mga hakbang na ito ng gawain at lahat ng mga salitang winika, dumarating ang tao sa pagkakilala sa gawain ng Espiritu, sa gawain ng nagkatawang-taong laman ng Diyos, at lalo na, sa Kanyang buong disposisyon” (“Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Sa mga huling araw, Si Cristo ay gumagamit ng sari-saring mga katotohanan upang turuan ang tao, ibunyag ang diwa ng tao, at suriin ang kanyang mga salita at mga gawa. Ang mga salitang ito ay binubuo ng iba’t-ibang mga katotohanan, gaya ng tungkulin ng tao, paano dapat sundin ng tao ang Diyos, paano dapat maging tapat ang tao sa Diyos, paano dapat isabuhay ng tao ang normal na pagkatao, gayundin ang karunungan at disposisyon ng Diyos, at iba pa. Ang mga salitang ito ay nakatuon lahat sa diwa ng tao at sa kanyang tiwaling disposisyon. Lalung-lalo na, yaong mga salitang naglalantad kung papaanong tinatanggihan ng tao ang Diyos ay sinalita patungkol sa kung paanong ang tao ay isang pagsasakatawan ni Satanas at isang pwersa ng kaaway laban sa Diyos. Sa pagsasakatuparan ng Kanyang gawain ng paghatol, hindi lamang basta nililinaw ng Diyos ang kalikasan ng tao sa pamamagitan ng ilang mga salita; inilalantad Niya, pinakikitunguhan, at pinupungusan ito nang pangmatagalan. Ang ganitong mga pamamaraan ng paglalantad, pakikitungo, at pagpupungos ay hindi maaaring mahalinhinan ng mga ordinaryong salita kundi ng katotohanan na hindi tinataglay ng tao kailanman. Ang ganitong uri ng mga pamamaraan lamang ang itinuturing na paghatol; sa pamamagitan lamang ng ganitong uri ng paghatol masusupil ang tao at makukumbinsi nang husto na magpasakop sa Diyos, at higit pa ay makamtam ang tunay na pagkakilala sa Diyos. Ang idinudulot ng gawain ng paghatol ay ang pagkaunawa ng tao sa tunay na mukha ng Diyos at sa katotohanan tungkol sa kanyang sariling pagiging-mapanghimagsik. Ang gawain ng paghatol ay nagbibigay-daan sa tao na makatamo ng malawak na pagkaunawa sa kalooban ng Diyos, sa layunin ng gawain ng Diyos, at sa mga hiwaga na hindi niya maunawaan. Tinutulutan din nito ang tao na makilala at malaman ang kanyang tiwaling diwa at ang mga ugat ng kanyang katiwalian, gayundin ay matuklasan ang kapangitan ng tao. Ang mga epektong ito ay bunga lahat ng gawain ng paghatol, sapagka’t ang diwa ng ganitong gawain ay ang mismong gawain ng pagbubukas ng katotohanan, ng daan, at ng buhay ng Diyos sa lahat ng may pananampalataya sa Kanya” (“Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos makikita natin na ang daan ng walang hanggang buhay ay hindi isang bagay na maituturo ng ilang patakaran lamang, hindi rin malulutas ang gawi ng tao na magkasala at tutulan ang Diyos gamit ang ilang talata lamang. Malalim ang pagpapasama ni Satanas sa sangkatauhan, at puno ng lahat ng uri ng lason ni Satanas. Masyado silang arogante, mapagmataas, at makasarili, at puno ng mga palagay, hindi kapani-paniwalang ideya, at mga labis-labis na hinihingi sa Diyos. Wala silang totoong kaalaman sa Diyos, lalo na ang totoong takot, pagsunod, o pagmamahal. Kung gustong makawala ng mga tao sa kanilang malasatanas na mga disposisyon at maging banal, o talagang makilala, sundin, katakutan, at mahalin ang Diyos, at maging akma sa Diyos, kailangang maintindihan nila ang maraming aspeto ng katotohanan. Tulad ng kinakailangan ng masamang sangkatauhan, sa mga huling araw, ginagawa ng Diyos ang “paghatol simula sa bahay ng Diyos,” at ipinahahayag ang lahat ng katotohanang kailangan ng tao para ganap na makawala sa impluwensiya ni Satanas at makamit ang kaligtasan. Kaya ang daan ng walang hanggang buhay ay higit sa isa o dalawang mukha ng katotohanan, binubuo ito ng maraming aspeto ng katotohanan. Habang nararanasan ng mga tao ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, maintindihan nila ang kabuuan ng mga katotohanang ipinahayag Niya para iligtas ang sangkatauhan, at pumasok sa realidad ng katotohanan, kung gayon walang dudang makakamit nila ang pagbabago sa disposisyon sa kanilang buhay, at maging mga taong sumusunod at sumasamba talaga sa Diyos. Sila ang magkakamit ng daan ng walang hanggang buhay. Ano ang daan ng walang hanggang buhay? Lahat ito’y katotohanang ipinahahayag ng Diyos sa mga huling araw para iligtas ang sangkatauhan. Ang gawain ng Diyos sa mga huling araw ay ang ituro ang mga katotohanang ito sa tao para maging buhay ng tao ang mga ito. Makakamit ng mga taong nabubuhay batay sa mga salita ng Diyos na ito ang daan ng walang hanggang buhay. Kahit gaano pa kalalim ang pagkakaranas ng isang tao sa katotohanan ng mga salita ng Diyos. basta't taglay natin ang mga realidad ng sari-saring katotohanan, mabuhay nang tulad ng tunay na tao, matapat, sumusunod talaga sa Diyos, kumikilos sa maprinsipyong paraan, kinatatakutan ang Diyos, at iniiwasan ang kasamaan, magiging mga tao tayong nagtataglay ng katotohanan at pagkatao, at samakatuwid makakamit ang daan ng walang hanggang buhay. Kapag makakamit natin ang daan ng walang hanggang buhay makakatakas tayo sa kasalanan at impluwensiya ni Satanas, at hindi na tayo magkakasala, tututol sa Diyos, at magtataksil sa Diyos. Kapag may totoong kaalaman sa Diyos, makakamit natin ang pagbabago sa disposisyon. Masusunod natin ang Diyos, masasamba ang Diyos, mamahalin ang Diyos, magiging akma sa Diyos, at magiging taong sumusunod sa kalooban ng Diyos. Kapag nakamit natin ang daan ng walang hanggang buhay, hindi tayo kailanman mamamatay. Tatamasahin natin ang mga biyaya ng Diyos, at pangangakuan ng pagpasok sa kaharian ng langit.

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Pagkatapos pumasok ng sangkatauhan sa tamang landas, ang mga tao ay magkakaroon ng normal na pamumuhay ng tao. Lahat sila ay gagawa ng kani-kanilang sariling kaukulang tungkulin at nagiging ganap na tapat sa Diyos. Lubos nilang bibitawan ang kanilang pagsuway at ang kanilang masamang disposisyon, at mabubuhay sila para sa Diyos at dahil sa Diyos. Mawawalan sila ng pagsuway at paglaban. Magagawa nilang lubos na sumunod sa Diyos. Ito ang buhay ng Diyos at tao at ang buhay ng kaharian, at ito ang buhay ng kapahingahan” (“Ang Diyos at ang Tao ay Magkasamang Papasok sa Kapahingahan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Namamahinga Ako sa trono, sumasandig Ako patawid sa buong sansinukob, at Ako’y lubos na nasisiyahan, dahil naibalik ang lahat ng mga bagay sa kanilang kabanalan, at muli Akong maninirahan nang mapayapa sa Sion, at ang mga tao sa mundo ay makapamumuhay ng mapayapa, kuntentong mga buhay sa ilalim ng Aking paggabay. Pinangangasiwaan ng lahat ng mga tao ang lahat ng bagay sa Aking kamay, nabawi na ng lahat ng mga tao ang dati nilang katalinuhan at orihinal na anyo; hindi na sila nababalutan ng alabok, ngunit, sa Aking kaharian, dalisay sila na tulad ng mamahaling-batong luntian, bawat isa ay may mukha na gaya ng sa banal na nilalang sa kaibuturan ng puso ng tao, dahil naitatag na ang Aking kaharian sa kalagitnaan ng mga tao” (“Ang Ikaanim na Pagbigkas” ng mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Sa kaharian, ang buhay ng bayan ng Diyos kasama ang Diyos ay walang katulad sa saya. Ang katubigan ay sumasayaw para sa mga pinagpalang buhay ng mga tao, tinatamasa ng mga bundok kasama ng mga tao ang Aking kasaganaan. Ang lahat ng tao ay nagsisikap, nagsusumikap, ipinapakita ang kanilang katapatan sa Aking kaharian. Sa kaharian, wala nang paghihimagsik, wala nang paglaban; ang langit at ang lupa ay umaasa sa isa’t isa, ang tao at Ako ay magkalapit at nakadarama nang matindi, sa pamamagitan ng mga kasiyahan ng buhay, magkasamang nakasandig….” (mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

mula sa iskrip ng pelikulang Dumadaloy ang Tubig ng Buhay Mula sa Trono

Sinundan:Tanong 1: Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan.” Naalala ko ang minsang sinabi ng Panginoong Jesus, “Datapuwa’t ang sinomang umiinom ng tubig na sa kaniya’y aking ibibigay ay hindi mauuhaw magpakailan man; nguni’t ang tubig na sa kaniya’y aking ibibigay ay magiging isang balon ng tubig na bubukal sa kabuhayang walang hanggan” (Juan 4:14). Alam na nating ang Panginoong Jesus ang pinagmumulan ng tubig na buhay, at ang daan ng walang hanggang buhay. Posible kayang ang Makapangyarihang Diyos at ang Panginoong Jesus ay ang parehong pinagmumulan? Ang kanilang gawain at mga salita ba ay parehong sa Banal na Espiritu? Ang kanilang gawain ba’y sa iisang Diyos?

Sumunod:Tanong 3: Sabi mo ang mga sumusunod lamang sa kalooban ng Diyos ang makakatanggap ng daan ng walang hanggang buhay. Matapos naming magsimulang maniwala sa Panginoon, nagdusa kami at nagbayad para ipalaganap ang ebanghelyo ng Panginoon. Ipinastol namin ang kawan ng Panginoon, pinasan ang krus at sinundan ang Panginoon, nagpakababang-loob, nagtiyaga, at nagpaubaya. Sinasabi mo bang hindi namin sinusunod ang kalooban ng Diyos? Alam naming kung magpapatuloy kami, magiging banal kami, at madadala sa kaharian ng langit. Ibig mo bang sabihin mali ang ganitong paraan ng pag-intindi at pagsasagawa sa salita ng Panginoon?

Baka Gusto Mo Rin