38. Pag-uulat sa Masasamang Tao
Binoto ako bilang lider ng grupo noong Pebrero ng 2021, at hindi nagtagal pagkatapos niyon, kinausap ako ni Sister Xin Yi tungkol sa pag-uugali ni Liu Hua, ang lider ng kanyang grupo. Napansin ni Xin Yi na hindi gumagawa ng anumang tunay na gawain si Liu Hua at na sinusupil at ibubukod nito ang mga taong may mga pananaw na hindi umaayon sa sarili niyang pananaw. Nang ilantad ng isang brother ang ilang problema ni Liu Hua, sinunggaban nito ang pinakamaliit na pagkakamali sa tungkulin ng brother at gumawa ng malaking kaguluhan mula roon, pinupuntirya ang brother at ibinubukod hangga’t maaari, na naging dahilan para masadlak ito sa pagkanegatibo. May isang sister na hindi sumang-ayon kay Liu Hua at tumangging makinig sa kanya sa isang talakayan sa gawain. Nagkimkim ng sama ng loob si Liu Hua sa sister at madalas niya itong batikusin. Sa tuwing hindi sumasang-ayon sa kanya ang sister at tumatangging sundin ang kanyang mga ideya, pinapagalitan at pinagsasabihan ito ni Liu Hua. Minsan pa nga ay dinuro niya nito at marahas na sinabing, “Mahina ang kakayahan mo pero napakapakialamero mo pa rin!” Walang humpay niyang sinaway ang kapatid na iyon hanggang sa puntong napipigilan ito at natatakot nang gawin ang tungkulin nito kasama si Liu Hua. Inatake at ginantihan din ni Liu Hua ang iba pang mga kapatid na nagtangkang magbigay sa kanya ng mga mungkahi o tumangging sundin ang kanyang mga utos. Inakusahan niya ang ilan sa mga ito na tumatahak sa landas ng isang anticristo at pinarusahan ang iba sa pamamagitan ng sadyang hindi pagtatalaga ng mga tungkulin sa mga ito. Bilang resulta, talagang nagdusa ang mga kapatid na ito at pakiramdam nila ay inapi sila. Ang kanyang walang ingat na pagsupil at pagpaparusa sa mga kapatid na iyon ay lubhang nakaapekto sa pagiging epektibo ng gawain ng iglesia. Galit na galit ako nang mabalitaan ko ang pag-uugali ni Liu Hua. Pagkatapos niyon, nakipag-usap kami sa mga sangkot o nakakaalam sa sitwasyon at napatunayan namin na totoo nga ang lahat ng bagay na ito. Si Liu Hua ay may isang masama, mapaminsalang kalikasan at matinding pagnanais para sa katayuan. Nagkikimkim siya ng sama ng loob at naghihiganti sa sinumang nagbabanta sa kanyang katayuan at reputasyon sa pamamagitan ng hindi pagsunod sa nais niya o hindi pagsang-ayon sa kanya, at inaatake, ibinubukod, at pinarurusahan niya ang mga ito. Nabasa ko ang ilang salita ng Diyos na nagsasabing: “Ang masasamang tao at mga anticristo lamang ang nagtataglay ng gayon kalupit na disposisyon. Kapag naharap ang isang malupit na tao sa anumang uri ng pagpapayo, akusasyon, turo, o tulong na may mabuting layunin, ang saloobin nila ay hindi ang magpasalamat o tanggapin ito nang mapagpakumbaba, kundi, ang magalit nang husto dahil sa kahihiyan, at makaramdam ng matinding pagkamapanlaban, pagkamuhi, at maghiganti pa nga. … Siyempre, kapag gumaganti sila sa iba dahil sa pagkamuhi, hindi ito dahil may pagkamuhi sila o dating sama ng loob sa taong iyon, kundi dahil inilantad ng taong iyon ang mga pagkakamali nila. Ipinapakita nito na ang simpleng paglalantad sa isang anticristo, kahit sino pa ang gumawa nito, at kahit ano pa ang ugnayan nila sa anticristo, ay pwedeng makapukaw sa pagkamuhi nila at mag-udyok ng paghihiganti nila. Kahit sino pa ito, nauunawaan man ng taong ito ang katotohanan, o isa man itong lider o manggagawa, o isang ordinaryong miyembro ng hinirang na mga tao ng Diyos, hangga’t may naglalantad at nagpupungos sa anticristo, ituturing nila ang taong iyon bilang kaaway. Hayagan pa ngang sasabihin ng mga anticristo na, ‘Pahihirapan ko ang sinumang magpupungos sa akin. Ang sinumang nagpupungos sa akin, naglalantad sa mga kahiya-hiyang sikreto ko, nagpapatalsik sa akin sa sambahayan ng diyos, o aagaw sa aking parte ng mga pagpapala, hinding-hindi ko siya tatantanan’” (Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasiyam na Aytem (Ikawalong Bahagi)). “Anuman ang mga pagkakamali o masamang bagay na nagawa nila, hindi papayag ang mga taong iyon na may malulupit na disposisyon na may maglantad o magpungos sa kanila. Kapag may naglantad at sumalungat sa kanila, labis silang magagalit, gaganti, at hindi nila kailanman titigilan ang isyu. Wala silang pasensya at pagtitimpi sa ibang tao, at wala silang pagpaparaya sa iba. Ano ang prinsipyo kung saan nakabatay ang kanilang asal? “Gugustuhin ko pang magkanulo kaysa ipagkanulo.” Sa madaling salita, hindi nila kayang tiisin na masalungat ng kahit sino. Hindi ba’t ito ang lohika ng masasamang tao? Ito mismo ang lohika ng masasamang tao. Walang sinuman ang pwedeng sumalungat sa kanila. Para sa kanila, hindi katanggap-tanggap na galitin sila ng sinuman kahit kaunti, at kinamumuhian nila ang sinumang gumawa nito. Patuloy nilang tutugisin ang taong iyon at hindi titigilan ang isyu—ganito ang masasamang tao” (Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa 14). Sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, nakita ko na may partikular na mapaminsalang kalikasan ang masasamang tao at na kinamumuhian nila ang katotohanan at ang mga naghahangad nito. Nagkikimkim sila ng sama ng loob sa sinumang nakakasakit sa kanila, at naghahanap ng mga pagkakataon para atakihin at gantihan ito, ibinubukod at pinarurusahan ang taong iyon hanggang sa maging negatibo at mapabagsak ito. Batay sa palagiang pag-uugali ni Liu Hua, malinaw na aatakihin at ibubukod niya ang sinumang hindi sasang-ayon sa kanya o nagbabanta sa kanyang mga interes. Binabaluktot din niya ang mga katunayan para husgahan at kondenahin ang mga tao nang walang humpay hanggang sa maging negatibo sila. Nakita ko na si Liu Hua ay may mapaminsalang pagkatao at na, sa diwa, isa siyang masamang tao na napopoot sa katotohanan at hindi tumatanggap nito. Kailangan siyang patalsikin mula sa iglesia. Alam ko na hindi ako pwedeng walang gawin at manood lang habang ang isang masamang tao na tulad ni Liu Hua ay nagdudulot ng kaguluhan sa iglesia, at kinailangan kong iulat ito, kaya iniulat namin ang mga problema ni Liu Hua sa aming superbisor.
Pero, laking gulat ko, pagkaraan lamang ng ilang araw, nakatanggap ako ng sulat mula sa aming superbisor, si Meng Ran, na nagsasabing: “May kakayahan si Liu Hua at kaya niyang lutasin ang ilang tunay na isyu. Bagamat kumikilos siya ayon sa kanyang tiwaling disposisyon kung minsan, na pumipigil sa mga tao, basta’t handa siyang magbago, dapat siyang bigyan ng pagkakataong magsisi.” Hindi ko talaga maintindihan ito. Malinaw na gumagawa ng masama si Liu Hua. Hindi ito isang beses lang na pagsalangsang, palagian siyang kumikilos nang ganoon. Gaano man siya bahaginan at payuhan ng mga kapatid, hindi talaga siya nagsisisi, at sinusupil at pinarurusahan pa nga niya ang mga ito. Ayon sa mga salita ng Diyos, masamang tao si Liu Hua sa diwa, kaya bakit walang ginagawa si Meng Ran tungkol sa kanya? Tila lantarang pinoprotektahan ni Meng Ran ang isang masamang tao. Noong panahong iyon, iniulat ng ilang kapatid ang ilan sa mga kasamaang ginagawa ni Meng Ran. Ilang taon na ang nakalilipas, nag-udyok ng alitan sa iglesia si Meng Ran, bumuo ng isang paksyon, nakakita ng mga bagay na magagamit laban sa mga lider at manggagawa, at inatake ang mga ito para makakuha ng posisyon sa pamumuno para sa sarili niya. Nakagambala sa buhay-iglesia ang mga kilos niya at sinabihan siya na magnilay-nilay siyang mag-isa nang naaayon. Nang mangyari ito, nalaman ni Xin Yi ang pag-uugali ni Meng Ran, at pagkatapos ay ibinahagi at kinilatis ito kasama ng mga kapatid. Dahil dito, nagtanim ng sama ng loob si Meng Ran sa kanya. Kalaunan, nagpanggap si Meng Ran na nagsisisi para makamit muli ang tiwala ng mga kapatid, at naging superbisor siya. Pagkatapos niyon, pumasok siya sa trabaho para maghiganti kay Xin Yi. Isang beses, nang tukuyin ni Xin Yi ang ilang paglihis at isyu sa gawain ni Liu Hua, ayaw magpatalo ni Liu Hua at nakipagtalo ito sa kanya. Alam ni Meng Ran na may mga isyu si Liu Hua sa tungkulin nito, pero pinili niyang pumanig kay Liu Hua at ibukod at supilin si Xin Yi. Dahil dito, labis na napipigilan at miserable si Xin Yi, at nagkaroon siya ng malubhang sakit. Pagkatapos, bukod sa hindi nagnilay-nilay si Meng Ran sa kanyang sarili, sinamantala pa niya ang pagkakataon para kutyain si Xin Yi, at hindi makatwirang binansagan ito bilang isang anticristo sa pamamagitan ng maling paggamit ang mga salita ng Diyos. Malupit niyang sinaway si Xin Yi sa pagtahak sa landas ng isang anticristo at iniligaw niya ang iba pang mga kapatid para husgahan din si Xin Yi. Batay sa mga pagkilos na ito, malinaw na may malupit na disposisyon si Meng Ran.
Pagkaraan ng ilang araw, sumali sa amin si Meng Ran sa isang pagtitipon at ipinagtanggol si Liu Hua, sinasabing: “Hindi mo maaaring sabihin na problema lang ito ni Liu Hua, may kasalanan din ang ibang tao. Dapat natin siyang bigyan ng pagkakataong magsisi! Mukha namang maayos ang ikinikilos niya sa mga araw na ito at napakaaktibo niya sa kanyang tungkulin….” Nang subukan kong magbahagi kay Meng Ran tungkol sa mga prinsipyo ng pagkilatis sa masasamang tao, tila hindi talaga siya nakikinig sa sinasabi ko. Dahil dito, lalo kaming nakumbinsi na sinasadyang protektahan ni Meng Ran si Liu Hua. Superbisor si Meng Ran at malinaw niyang nakikita na isang masamang tao si Liu Hua, pero wala siyang ginagawa tungkol dito, at sa halip ay kumilos siya bilang tagapagtanggol ni Liu Hua. Higit pa rito, si Meng Ran mismo ay may partikular na mapaminsalang kalikasan—hindi niya tinanggap ang katotohanan, patuloy niyang ginagambala at ginugulo ang gawain ng iglesia, at pinipigilan at pinarurusahan niya ang mga kapatid. Ayon sa mga prinsipyo, malamang na isa rin siyang masamang tao. Sa ganitong kasalukuyang sitwasyon, alam ko na dapat kong iulat ito sa lider ko, at ilantad ang mga kilos nina Meng Ran at Liu Hua para protektahan ang mga interes ng iglesia. Pero naisip ko na superbisor si Meng Ran—maaari niya akong supilin tulad ng ginawa niya sa iba kapag sinalungat ko siya sa pamamagitan ng pag-uulat ng kanyang mga problema. Maaari akong matanggal bago pa man malutas ang mga isyung ito. Kung makahahanap ng dahilan si Meng Ran para pigilan ako sa paggawa ng tungkulin ko, paano ko ipagpapatuloy na hangarin ang katotohanan at kamtin ang kaligtasan? Nang mapagtanto ko ito, napabuntong-hininga ako at naisip na: “Buweno, gaya ng kasabihan, ‘Ang ibong nag-uunat ng kanyang leeg ang unang nababaril.’ Dapat hayaan ko na lang ito. Mas kakaunti ang gulo, mas mainam. Ang pagprotekta sa sarili ko ang mahalaga.” Nagsimula akong makaramdam ng pag-urong at pagkompromiso, at wala akong lakas ng loob a isagawa ang katotohanan. Pero nang maisip ko ang mga kapatid na sinusupil nina Liu Hua at Meng Ran, at kung paanong namumuhay sila sa walang tigil na pagdurusa, nakonsensya ako. Nag-alinlangan ako, hindi makapagpasya—kung hindi ko iuulat ang bagay na ito, hindi ko mapoprotektahan ang mga interes ng iglesia, pero kung iuulat ko nga ito, maaaring matanggal ako sa tungkulin ko, at pagkatapos ay hindi ako magkakaroon ng magagandang pagkakataon o isang magandang hantungan. Noong panahong iyon, napagtanto ko na may mali sa kalagayan ko—hindi ba ako kumikilos na parang duwag? Wala akong pagpapahalaga sa katarungan at hindi ako nagpapakita ng pagsasaalang-alang sa kalooban ng Diyos. Hindi ako pwedeng maging mahina ang loob at walang konsensya, kailangan kong manindigan para protektahan ang mga interes ng iglesia. Pero nang talagang dumating ang oras para iulat sina Liu Hua at Meng Ran, nahiyatakot at nangamba ako, kaya lumapit ako sa Diyos at nagdasal, hinihiling sa Kanya na gabayan ako at bigyan ako ng pananalig at lakas ng loob. Pagkatapos niyon, naalala ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Lahat kayo’y nagsasabi na isinasaalang-alang ninyo ang pasanin ng Diyos at ipagtatanggol ang patotoo ng iglesia, ngunit sino ba sa inyo ang talagang nagsaalang-alang sa pasanin ng Diyos? Itanong sa iyong sarili: Ikaw ba’y isang tao na nagpakita ng pagsasaalang-alang para sa pasanin Niya? Magagawa mo bang maging matuwid para sa Kanya? Makakapanindigan ka ba at makakapagsalita para sa Akin? Maisasagawa mo ba nang matatag ang katotohanan? Ikaw ba’y may sapat na lakas ng loob na labanan ang lahat ng gawa ni Satanas? Makakaya mo bang isantabi ang iyong mga damdamin at ilantad si Satanas para sa kapakanan ng Aking katotohanan? Mapahihintulutan mo ba ang Aking mga layunin na matugunan sa iyo? Naihandog mo na ba ang iyong puso sa pinakamahahalagang sandali? Ikaw ba’y taong sumusunod sa Aking kalooban? Itanong mo sa iyong sarili ang mga katanungang ito at madalas mong isipin ang mga ito” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 13). Nang pag-isipan ko ang mga katanungan ng Diyos, labis kong sinisi ang sarili ko. Madalas kong sabihin sa iba na dapat naming isaalang-alang ang pasanin ng Diyos at magkaroon ng pagpapahalaga sa katarungan, na dapat naming isagawa ang katotohanan, ilantad at iulat ang mga anticristo at masasamang tao para maprotektahan ang mga interes ng iglesia. Pero nang may nangyari na nagbanta sa sarili kong mga interes, natakot ako at umurong. Nakilatis ko na masamang tao si Liu Hua, pero nang makita kong pinoprotektahan siya ni Meng Ran, natakot ako sa katayuan at awtoridad ni Meng Ran at hindi ako nangahas na panghawakan ang mga prinsipyo. Nag-alala ako na baka masupil ako, matanggal sa aking tungkulin, at mawalan ng pagkakataong makamit ang kaligtasan, kaya nagpaubaya ako sa kanyang katayuan at awtoridad. Hindi ba’t nakikipagkompromiso ako kay Satanas at iniyuyuko ang ulo ko sa kanya? Hindi ko pinoprotektahan ang mga interes ng iglesia sa aking tungkulin, isinasaalang-alang ko lamang ang sarili kong kinabukasan at kapalaran. Sa mahalagang sandali na ito, hindi ko inuna ang mga interes ng iglesia, at wala akong ginawa habang ginagambala ng masasamang tao ang gawain ng iglesia at sinusupil ang mga kapatid. Hindi ba’t kinakagat ko ang kamay na nagpapakain? Masyado akong makasarili at kasuklam-suklam—nasaan ang aking konsensya at katwiran? Habang pinag-iisipan ko ang lahat ng ito, labis akong nagsisi at alam kong kailangan kong manindigan at protektahan ang mga interes ng iglesia. Kailangan kong iulat ang kasamaan nina Liu Hua at Meng Ran; hindi ko sila pwedeng hayaang magpatuloy sa paggawa ng kasamaan sa iglesia. Pagkatapos niyon, iniulat namin sina Liu Hua at Meng Ran sa aming lider.
Nang matanggap ng lider ang liham namin, sinabi niya na pupunta siya para asikasuhin ang isyu sa lalong madaling panahon, pero naantala siya ng iba pang mga bagay. Lumipas ang mga araw at nainip na ako. Nagsimula akong hindi mapalagay at napaisip ako sa sarili ko, “Bakit ba napakatagal dumating ng lider at ayusin ang mga isyung ito? Kung magtatanong muna siya tungkol sa sitwasyon sa ibang tao at malaman ni Meng Ran na iniulat namin siya, parurusahan ba kami ni Meng Ran?” Habang mas lalo akong nahihirapan, bigla kong naalala ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Kapag nahaharap sa mga problema sa tunay na buhay, paano mo dapat alamin at unawain ang awtoridad ng Diyos at ang Kanyang kataas-taasang kapangyarihan? Kapag naharap ka sa ganitong mga problema at hindi mo alam kung paano unawain, harapin, at danasin ang mga ito, anong saloobin ang dapat mong angkinin upang ipakita ang iyong intensyong magpasakop, ang iyong pagnanais na magpasakop, at ang realidad ng iyong pagpapasakop sa kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos? Una, dapat mong matutuhan ang maghintay; sunod, dapat mong matutuhang maghanap; kasunod, dapat mong matutuhang magpasakop” (Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III). Habang pinagninilayan ko ang mga salita ng Diyos, napahiya ako. Inakala ko na nang iulat ko ang isyu, mabilis na mabilis itong maasikaso, kaya nagsimula akong mag-alala noong palaging naaantala ang pagdating ng lider. Namuhay ako sa isang kalagayan ng pagkabalisa, iniisip lang na protektahan ang sarili ko nang wala kahit katiting na tunay na pananalig sa Diyos. Sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos, naunawaan ko na nangyayari ang lahat ng bagay dahil sa kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos. Kapag nararanasan natin ang mga bagay, dapat tayong manalig sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos at matutong maghintay at magpasakop. Matapos itong mapagtanto, nagdasal ako sa Diyos, ipinagkakatiwala sa Kanya ang bagay na ito at bumabaling sa Kanya. Sa gulat ko, hindi nagtagal, napilitan si Liu Hua na magbitiw bunga ng maraming dahilan, kabilang na ang kawalan niya ng kakayahang gumawa ng tunay na gawain. Pagkatapos nito, napalaya ang mga kapatid mula sa kanyang pagsupil at nagagawa na nila nang normal ang kanilang mga tungkulin. Nakita ko na nasa mga kamay ng Diyos ang lahat ng bagay, na lahat ito ay resulta ng Kanyang kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos, at mas tumibay ang pananalig ko. Subalit bagamat nagbitiw na si Liu Hua, hindi pa rin naiuri at napangasiwaan ang kanyang kasamaan, at ang mga isyu ni Meng Ran ay hindi pa rin nalutas. Alam ko na dapat naming patuloy na iulat ito hanggang sa tuluyang malutas ang mga problemang ito.
Pagkalipas ng ilang araw, dumating si Xia Yu, ang lider namin, para suriin ang sitwasyon at ipinaalam namin sa kanya ang mga detalye ng kasamaan nina Liu Hua at Meng Ran. Gayumpaman, nang pag-usapan namin ang pag-uugali ni Meng Ran, nagulat kami nang makitang hindi sumang-ayon si Xia Yu sa pagtatanggal kay Meng Ran. Ipinahayag niya na may kakayahan si Meng Ran at sinabi pa nga na: “Sa tingin mo ba ay madaling maglinang ng isang superbisor? Halos dalawang taon naming nilinang si Meng Ran. Kung tatanggalin namin siya dahil lang sa utos mo, saan tayo dapat maghanap ng mga kapalit niya? Sa tingin mo ba madaling gawin ang trabaho namin?” Nang marinig ko ito, naisip ko: “Isinasaalang-alang mo lamang ang panlabas na galing ni Meng Ran at nabigo kang ikonsidera ang kanyang pagkatao at kanyang kalikasang diwa. Kung hindi mo kikilatisin at pangangasiwaan ang mga tao batay sa kanilang diwa, nasaan ang mga prinsipyo doon?” Pagkatapos niyon, sinabi ni Xia Yu na kailangan niyang mas siyasatin pa ang isyu at agad na natapos ang pagtitipon. Kalaunan, dalawang beses pa kaming nagbahagi kay Meng Ran, pero bukod sa ayaw niya iyong tanggapin, pinungusan pa niya kami. Nakita ko na patuloy na tumatanggi si Meng Ran na tumanggap ng pagpupungos at tinututulan at kinamumuhian niya ang katotohanan—ipinapakita niya na isa siyang masamang tao. Gayumpaman, nang iulat namin ang sitwasyon sa aming lider, muli kaming nabigla nang husto sa tugon nito. Sumulat sa amin si Xia Yu na nagsasabing talaga ngang nakagawa ng ilang kasamaan si Liu Ha, pero nagpapakita ito ng kahandaang magsisi. Sinabi ni Xia Yu na sa tingin niya ay hindi masamang tao sa diwa si Liu Hua, kundi mayroon lang itong napakatiwaling disposisyon. Sinabi niya sa amin na dapat bigyan ng isa pang pagkakataon si Liu Hua para magsisi. Nakasaad din sa liham na bagamat nagpapakita si Meng Ran ng ilang pag-uugali ng isang masamang tao, ito ay mga pagbubunyag lang ng tiwaling disposisyon nito. Sa dulo ng liham, hinimok kami ni Xia Yu na pagnilayan at kilalanin ang aming sarili, tratuhin nang patas ang mga tao, at gumawa nang higit pa para matulungan ang iba. Matapos kong basahin ang sulat, natigilan ako, at napigilan at nanlumo. Kung hindi payag si Xia Yu na may gawin tungkol kina Liu Hua at Meng Ran, magiging malaya silang ipagpatuloy ang paniniil sa iglesia, parurusahan at susupilin ang mga kapatid, at gagambalain ang gawain ng iglesia. Hindi ba’t kinukunsinti ni Xia Yu ang kasamaan ng masasamang tao? Inakala ko na dahil lider si Xia Yu, tutulungan niya kaming pakitunguhan ang masasamang taong ito at protektahan ang mga kapatid. Hindi ko akalain na sa ganitong paraan niya haharapin ang isyu. Masyadong nakadidismaya na makita na walang ginagawa tungkol kina Liu Hua at Meng Ran, at hindi ko alam kung ano ang susunod na gagawin. Mahirap ang sitwasyong kinalalagyan ko—ayaw ko nang masangkot sa bagay na ito, pero hindi rin ako mapalagay at pakiramdam ko ay dapat akong magpumilit sa pag-uulat nito sa mas matataas na antas. Pero lalong nagiging mas kumplikado ang mga bagay-bagay; hindi ko kayang salungatin ang isang superbisor, lalo na ang isang lider. Kung patuloy kong iuulat ang mga isyung ito, haharapin ko ba ang mga kahihinatnan sa huli? Ang pagpapahirap nila sa akin ay magiging pinakamaliit sa mga alalahanin ko—maaari pa ngang tanggalin nila ako sa aking tungkulin, supilin, at patalsikin ako. Paano ko makakamit ang kaligtasan kung gayon? Habang mas pinag-iisipan ko ito, mas lalo akong nag-aalala, natatakot, napipigilan, at nahihirapan. Napagtanto ko na mali ang kalagayan ko at dali-dali akong nagdasal sa Diyos, hinihiling sa Kanya na patnubayan ako para maisagawa ang katotohanan.
Isang araw, nakita ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos na nagsasabing: “Ano ang saloobing dapat taglayin ng mga tao pagdating sa kung paano tratuhin ang isang pinuno o manggagawa? Kung tama at alinsunod sa katotohanan ang ginagawa ng isang pinuno o manggagawa, maaari mo siyang sundin; kung mali at hindi alinsunod sa katotohanan ang ginagawa niya, hindi mo siya dapat sundin at maaari mo siyang ibunyag, salungatin at maaari kang maghayag ng ibang opinyon. Kung hindi siya nakakagawa ng aktuwal na gawain o gumagawa siya ng masasamang gawa na nagsasanhi ng kaguluhan sa gawain ng iglesia, at nabunyag na isang huwad na lider, isang huwad na manggagawa o isang anticristo, maaari mo siyang kilatisin, ilantad at iulat. Gayunman, hindi nauunawaan ng ilang taong hinirang ng Diyos ang katotohanan at lalo nang napakaduwag; natatakot silang masupil at mapahirapan ng mga huwad na lider at anticristo, kaya hindi sila nangangahas na itaguyod ang mga prinsipyo. Sinasabi nila, ‘Kung patatalsikin ako ng lider, tapos na ako; kung hihikayatin niyang ibunyag o talikuran ako ng lahat, hindi ko na magagawang maniwala sa Diyos. Kung patatalsikin ako sa iglesia, hindi ako gugustuhin at hindi ako ililigtas ng Diyos. At hindi ba’t mawawalan ng saysay ang aking pananalig?’ Hindi ba katawa-tawa ang gayong pag-iisip? May tunay bang pananalig sa Diyos ang gayong mga tao? Kakatawanin ba ng isang huwad na lider o anticristo ang Diyos kapag pinatalsik ka niya? Kapag pinahirapan at pinatalsik ka ng isang huwad na lider o anticristo, kagagawan ito ni Satanas, at wala itong kinalaman sa Diyos; kapag inaalis o pinatatalsik ang mga tao mula sa iglesia, nakaayon lamang ito sa mga layunin ng Diyos kapag magkasamang nagdesisyon ang iglesia at ang lahat ng taong hinirang ng Diyos, at kapag ang pag-aalis o pagpapatalsik ay lubos na nakaayon sa mga pagsasaayos ng gawain ng sambahayan ng Diyos at sa mga katotohanang prinsipyo ng mga salita ng Diyos. Paanong ang mapatalsik ng isang huwad na lider o anticristo ay mangangahulugan na hindi ka maliligtas? Pag-uusig ito ni Satanas at ng anticristo, at hindi nangangahulugan na hindi ka maililigtas ng Diyos. Maliligtas ka man o hindi ay depende na sa Diyos. Walang taong kwalipikadong magdesisyon kung maaari ka bang iligtas ng Diyos. Dapat malinaw ito sa iyo. At para tratuhin ang pagpapatalsik sa iyo ng isang huwad na lider o anticristo bilang pagpapatalsik ng Diyos—hindi ba ito maling pag-unawa sa Diyos? Maling pag-unawa ito. At hindi lamang ito maling pag-unawa sa Diyos, kundi paghihimagsik din laban sa Diyos. Medyo paglapastangan din ito sa Diyos. At hindi ba’t kamangmangan at kahangalan ang maling pagkaunawa sa Diyos sa ganitong paraan? Kapag pinatalsik ka ng isang huwad na lider o anticristo, bakit hindi mo hanapin ang katotohanan? Bakit hindi ka maghanap ng isang taong nakauunawa sa katotohanan upang magkamit ka ng kaunting pagkakilala? At bakit hindi mo ito ipinaaalam sa mga nakatataas? Pinatutunayan nito na hindi ka naniniwalang naghahari ang katotohanan sa sambahayan ng Diyos, ipinapakita nito na wala kang tunay na pananampalataya sa Diyos, na hindi ka isang taong tunay na naniniwala sa Diyos. Kung nagtitiwala ka sa pagkamakapangyarihan sa lahat ng Diyos, bakit ka natatakot sa pagganti ng isang huwad na lider o anticristo? Mapagpapasyahan ba niya ang iyong kapalaran? Kung may kakayahan kang makakilala, at natukoy mong salungat ang kanilang mga ikinikilos sa katotohanan, bakit hindi ka makipagbahaginan sa mga taong hinirang ng Diyos na nakauunawa sa katotohanan? May bibig ka naman, kaya bakit hindi ka naglalakas-loob na magsalita? Bakit takot na takot ka sa isang huwad na lider o anticristo? Pinatutunayan nitong duwag ka, walang silbi, isang kampon ni Satanas. … Kung nananampalataya ka sa Diyos, pero sa halip na magpasakop sa Diyos ay bumibigay ka at sumisilong sa mga kaaway ng Diyos—sa mga anticristo—at ang kinalabasan ay minamanipula at inaabuso ka ng mga anticristong ito, ikaw ang may gawa nito sa iyong sarili. Hindi ba’t karapat-dapat ito sa iyo? Kung itinuturing mo ang anticristo bilang iyong panginoon, bilang iyong lider, bilang taong masasandalan, kung gayon ay naghahanap ka ng kanlungan kay Satanas, sumusunod ka kay Satanas, na nangangahulugang ikaw ay napariwara, at naligaw ng landas, at humantong sa puntong hindi ka na makakabalik sa dati. Ano ang saloobing dapat mong taglayin hinggil sa mga anticristo? Dapat mo silang isiwalat, at kalabanin. Kung iisa o dadalawa lang kayo at masyado kang mahina para harapin nang mag-isa ang mga anticristo, dapat kang makipagsanib-puwersa sa ilang taong nauunawaan ang katotohanan upang isumbong at isiwalat ang mga anticristong ito, at magpatuloy hanggang sa mapaalis sila” (Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikatlong Aytem: Inihihiwalay at Binabatikos Nila ang mga Naghahangad sa Katotohanan). Inilantad ng mga salita ng Diyos ang aking mga maling pananaw. Pagdating sa pag-uulat sa masasamang taong ito, nabigo akong itaguyod ang mga prinsipyo, isagawa ang katotohanan, at protektahan ang mga interes ng iglesia nang paulit-ulit, dahil natatakot ako na susupilin ako ng mga lider at manggagawa, pahihirapan ako, o kokondenahin pa nga at patatalsikin, at sa gayon ay ipagkakait sa akin ang pagkakataong matamo ang kaligtasan. Dahil dito, nagbulag-bulagan na lang ako sa kanilang mga kilos, at hindi ako naglakas-loob na itaguyod ang mga prinsipyo at patuloy na iulat at ilantad sila. Madalas kong talakayin kung paanong naghahari ang katotohanan at si Cristo sa sambahayan ng Diyos, pero nang maharap sa isang totoong sitwasyon, wala akong tunay na kaalaman at pananalig sa Diyos, at hindi ako naniwala na ang Diyos ang naghahari sa lahat ng bagay at namamahala sa ating mga kapalaran. Tiningnan ko ang katayuan at kapangyarihan ng masasamang taong iyon bilang napakahalaga at kinatakutan ko sila. Sa katunayan, gaano man kalaki ang katayuan at awtoridad na natatamo ng mga huwad na lider, mga anticristo, at masasamang tao, hindi pa rin nila makokontrol ang ating mga kapalaran o mapagpapasyahan kung makakamit ba natin ang kaligtasan. Gaano man sila kalupit, hindi nila malalampasan ang awtoridad ng Diyos. Kahit na pigilan ako ng masasamang tao at hindi ko magawa pansamantala ang aking tungkulin, hindi iyon nangangahulugan na mawawalan ako ng pagkakataong maligtas. Sinisiyasat ng Diyos ang lahat ng bagay—kaya hangga’t hinahangad at isinasagawa ko ang katotohanan, sa huli ay makakamit ko pa rin ang kaligtasan ng Diyos. Higit pa rito, hindi magkakaroon ng matatag na posisyon sa iglesia ang masasamang taong ito at lahat sila ay malalantad at matitiwalag sa huli. Pero nagkamali ako ng paniniwala na kontrolado ng isang lider ang aking kinabukasan at kapalaran, at na sa sandaling salungatin ko siya, mawawala sa akin ang aking tungkulin at anumang pagkakataon para makamit ang kaligtasan. Napakahangal ko at gulung-gulo ako! Sa anong paraan ako nagkaroon ng tunay na pananalig sa Diyos? Sa puntong iyon, nagnilay-nilay ako kung bakit hindi ko naisagawa ang katotohanan sa bagay na ito, at kung ano ang pinagmumulan ng aking isyu.
Kalaunan, nakita ko ang siping ito ng mga salita ng Diyos: “Ginagawang tiwali ni Satanas ang mga tao sa pamamagitan ng edukasyon at impluwensiya ng mga pambansang pamahalaan at ng mga sikat at dakila. Ang kanilang mga malademonyong salita ay naging buhay at kalikasan na ng tao. ‘Ang bawat tao para sa kanyang sarili at bahala na ang iba’ ay isang sikat na satanikong kasabihan na naikintal na sa lahat at ito ay naging buhay na ng tao. May iba pang salita ng pilosopiya para sa mga makamundong pakikitungo na katulad din nito. Ginagamit ni Satanas ang tradisyunal na kultura ng bawat bayan para turuan, iligaw, at gawing tiwali ang mga tao, nagsasanhi sa sangkatauhan na mahulog at masadlak sa isang walang-hanggang bangin ng pagkawasak, at sa huli, winawasak ng Diyos ang tao dahil naglilingkod sila kay Satanas at nilalabanan ang Diyos. … Marami pa ring satanikong lason sa buhay, pag-uugali at asal ng mga tao. Halimbawa, ang mga pilosopiya nila para sa mga makamundong pakikitungo, ang kanilang mga paraan ng paggawa ng mga bagay-bagay, at kanilang mga kasabihan ay pawang puno ng mga lason ng malaking pulang dragon, at lahat ng ito ay galing kay Satanas. Kaya, lahat ng dumadaloy sa mga buto at dugo ng mga tao ay kay Satanas. Lahat ng opisyal na iyon, na may kapangyarihan, at yaong mga nagtatagumpay ay may sarili nilang mga landas at lihim sa tagumpay. Hindi ba lubos na kumakatawan ang mga lihim na iyon sa kanilang likas na pagkatao? Napakalaki ng mga nagawa nila sa mundo, at walang sinumang nakakakita nang malinaw sa mga pakana at intrigang nasa likod ng mga iyon. Nagpapakita ito na lubhang masama at makamandag ang kanilang likas na pagkatao. Labis nang nagawang tiwali ni Satanas ang sangkatauhan. Ang kamandag ni Satanas ay dumadaloy sa dugo ng bawat tao, at masasabi na ang kalikasan ng tao ay tiwali, buktot, lumalaban, at salungat sa Diyos, puno ng at lubos na nakalubog sa mga pilosopiya at lason ni Satanas. Ito ay naging ganap na kalikasang diwa ni Satanas. Ito ang dahilan kaya nilalabanan at sinasalungat ng mga tao ang Diyos. Madaling makikilala ng tao ang kanyang sarili kung masusuri ang kanyang kalikasan sa ganitong paraan” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Paano Malalaman ang Kalikasan ng Tao). Sa pamamagitan ng paglalantad ng mga salita ng Diyos, natuklasan ko ang ugat ng aking kawalan ng kakayahan na isagawa ang katotohanan: Labis akong ginawang tiwali ni Satanas. Mula sa murang edad, nakapag-aral ako sa paaralan at nakondisyon ng lipunan, na nagkintal sa akin ng maraming lason ni Satanas, tulad ng: “Ang bawat tao para sa kanyang sarili, bahala na ang iba,” “Mas kakaunti ang gulo, mas mainam,” “Hayaan lang ang mga bagay-bagay kung hindi naman personal na nakakaapekto ang mga ito sa iyo,” at “Matitinong tao’y mabuti’t maingat sa sarili, tanging hangad nila’y hindi magkamali.” Dahil namumuhay ako ayon sa mga satanikong lason ito, lagi kong pinoprotektahan ang sarili kong mga interes at isinasaalang-alang muna ang aking kinabukasan at tadhana kapag may nangyayari sa akin, sa halip na isipin ang mga interes ng iglesia. Nakilala ko na masasamang tao sina Liu Hua at Meng Ran, na hinadlangan at pininsala nila ang gawain ng iglesia, at na nagdusa nang husto ang mga kapatid dahil sa kanilang panunupil, pero pinili kong iwasan at balewalain ang sitwasyon para protektahan ang sarili kong mga interes. Hindi ko pinoprotektahan ang gawain ng iglesia. Layunin ng Diyos na ang lahat ng anticristo, masasamang tao, at mga walang pananampalataya ay maalis sa iglesia, para makapamuhay ng normal na buhay-iglesia ang mga kapatid, hangarin nila ang katotohanan, at gawin ang kanilang mga tungkulin. Gayumpaman, takot ako at sobrang maingat, at hindi ako naglakas-loob na manindigan at ilantad ang masasamang taong iyon, kahit na pagkatapos kong makitang sinusupil nila ang iba at ginagambala ang gawain ng iglesia, para lamang maprotektahan ko ang sarili kong mga interes. Hindi ba’t pumapanig ako kay Satanas at kinukunsinti ang masasamang taong ito habang sinisiil nila ang iglesia? Hindi ba’t umaakto akong kasabwat nila? Nananalig at sumusunod ako kunwari sa Diyos, pero ang totoo, pinoprotektahan ko si Satanas at pinapanigan ang masasamang tao. Sa isang napakahalagang sandali, tinalikuran ko ang iglesia at pinrotektahan ko lang ang sarili ko, sa halip na isaalang-alang ang mga interes ng iglesia. Napagtanto ko na naging napakamapanlinlang at makasarili ako. Ninanais ng kaharian ng Diyos ang matatapat at mga may pagpapahalaga sa katarungan. Ang mga mapanlinlang, makasariling mga tao na nagpoprotekta lang sa sarili nilang mga interes ay nabibilang kay Satanas at hindi sila ililigtas ng Diyos.
Pagkatapos nito, nakita ko ang sumusunod na sipi ng mga salita ng Diyos: “Ang mga anticristo ay nagtataglay ng lubhang malulupit na disposisyon. Kung susubukan mo silang pungusan o ilantad, kamumuhian ka nila at ibabaon nila sa iyo ang mga ngipin nila na para bang sila ay mga makamandag na ahas. Hindi mo sila maiwawaksi o maiaalis kahit anong pilit mo. Kapag nakakatagpo kayo ng mga gayong anticristo, natatakot ba kayo? May ilang tao na natatakot at nagsasabi, ‘Hindi ako nangangahas na pungusan sila. Masyado silang mabangis, para silang mga makamandag na ahas, at kung pupulupot sila sa akin, magiging katapusan ko na.’ Anong uri ng mga tao ang mga ito? Masyadong mababa ang tayog nila, wala silang silbi sa anumang bagay, hindi sila mabubuting sundalo ni Cristo, at hindi nila kayang magpatotoo sa Diyos. Kaya, ano ang dapat ninyong gawin kapag nakatagpo kayo ng mga gayong anticristo? Kung pinagbabantaan ka nila o tinatangka nilang kitilin ang buhay mo, matatakot ka ba? Sa mga gayong sitwasyon, dapat mabilis kang makipagkaisa sa mga kapatid mo at manindigan, magsiyasat, magtipon ng ebidensiya, at maglantad sa anticristo hanggang maalis siya sa iglesia. Lubusan itong paglutas sa problema. … Dapat palaging tandaan ng hinirang na mga tao ng Diyos ang atas ng Diyos. Ang pag-aalis ng masasamang tao at mga anticristo ang pinakamahalagang laban sa pakikipagsagupa kay Satanas. Kung maipapanalo ang labang ito, magiging patotoo ito ng isang mananagumpay. Ang pakikipaglaban sa mga Satanas at diyablo ay isang patotoong batay sa karanasan na dapat taglayin ng hinirang na mga tao ng Diyos. Isa itong katotohanang realidad na dapat taglayin ng mga mananagumpay. Pinagkalooban ng Diyos ang mga tao ng napakaraming katotohanan, inakay ka Niya sa loob ng napakahabang panahon, at napakarami niyang itinustos para sa iyo, para patotohanan at pangalagaan mo ang gawain ng iglesia. Pero lumalabas na kapag gumagawa ng masasamang gawa ang masasamang tao at ang mga anticristo at kapag ginugulo nila ang gawain ng iglesia, nagiging duwag ka at umaatras ka, tumatakbo nang nakatakip ang mga kamay sa ulo—wala kang kwenta. Hindi mo madaig si Satanas, hindi ka nakapagpatotoo, at kinasusuklaman ka ng Diyos. Sa kritikal na sandaling ito, kailangan mong manindigan at makipagdigma sa mga Satanas, ilantad ang masasamang gawa ng mga anticristo, kondenahin at isumpa sila, huwag silang bigyan ng lugar na mapagtataguan, at alisin sila palayo sa iglesia. Ito lang ang maituturing na pagkamit ng tagumpay laban sa mga Satanas at pagwawakas sa kapalaran nila. Isa ka sa hinirang na mga tao ng Diyos, isang tagasunod ng Diyos. Hindi ka pwedeng matakot sa mga hamon; dapat kang kumilos ayon sa mga katotohanang prinsipyo. Ito ang ibig sabihin ng pagiging isang mananagumpay. Kung natatakot ka sa mga hamon at nakikipagkompromiso ka dahil natatakot ka sa paghihiganti ng masasamang tao o mga anticristo, kung gayon, hindi ka isang tagasunod ng Diyos, at hindi ka kabilang sa hinirang na mga tao ng Diyos. Wala kang kwenta, mas mababa ka pa kaysa sa mga tagapagserbisyo” (Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasiyam na Aytem (Ikawalong Bahagi)). Ang mga salita ng Diyos ay nagtanim sa akin ng pananalig at lakas. Kailangan kong ihinto ang pagkatakot sa mga puwersa ng kadiliman ni Satanas, kailangan kong ihinto ang pagprotekta sa sarili ko at pagiging walang silbi. Kailangan kong manindigan para ilantad ang masasamang tao sa iglesia at protektahan ang mga interes nito—iyon ang aking tungkulin at responsabilidad. Ipinakita rin sa akin ng mga salita ng Diyos ang isang landas ng pagsasagawa: Limitado ang mga kapangyarihan ng isang taong nag-iisa, pero maaari akong makiisa sa iba pang mga kapatid na may pagpapahalaga sa katarungan para iulat at ilantad ang masasamang taong iyon, at sa gayon ay maprotektahan ang aming buhay-iglesia, mapigilan ang mga kapatid na magambala ng mga puwersa ni Satanas, at masiguro na matutugunan sa wastong paraan ang masasamang tao. Kahit pa supilin at parusahan ako, hindi ako susuko sa mga puwersa ni Satanas. Pagkatapos niyon, hindi na ako napipigilan ng madilim na impluwensya ni Satanas, at hindi ko na isinasaalang-alang ang sarili kong kinabukasan at tadhana. Nakiisa ako sa iba pang mga kapatid at iniulat ang mga isyu ni Meng Ran sa isa pang lider. Matapos suriin ang sitwasyon, tinanggal ng lider si Meng Ran. Tuwang-tuwa ako nang makita kong natanggal si Meng Ran sa wakas at napuno ako ng pasasalamat sa Diyos. Pagkatapos niyon, tinulungan namin ang lider na suriin ang lahat ng kasamaan nina Liu Hua at Meng Ran. Pareho silang inuri bilang masasamang tao at pinatalsik, habang si Xia Yu ay tinanggal dahil sa pagiging huwad na lider sapagkat nabigo siyang gumawa ng tunay na gawain at pinahintulutan ang masasamang tao na mag-amok sa paggawa ng masasamang bagay sa iglesia. Malaya mula sa paggambala ng masasamang taong iyon, bumalik ang mapayapang katahimikan sa aming buhay-iglesia, at normal nang nagagawa ng mga kapatid ang kanilang mga tungkulin. Hindi nagtagal pagkatapos niyon, nagsimulang magbunga ang bawat proyekto sa iglesia.
Sa pamamagitan ng karanasang ito, nakita ko na ang lahat ng bagay ay nasasailalim ng kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos, at nasaksihan ko rin ang katuwiran ng Diyos. Ang masasamang puwersa ni Satanas ay hindi makakapagkamit ng matatag na posisyon sa sambahayan ng Diyos—ang mga dapat ilantad ay malalantad at matitiwalag sa huli. Sa pagbabalik-tanaw sa kung paano kami hinadlangan ni Meng Ran nang iulat at ilantad namin si Liu Hua, at kung paano tinangka ni Xia Yu na harangan kami sa pag-uulat kay Meng Ran—hindi ko naunawaan noong panahong iyon kung bakit pinahihintulutan ng Diyos na mangyari iyon, pero ngayon ay nakikita ko na sa pamamagitan ni Liu Hua, inilantad ng Diyos ang isang masamang tao at isang huwad na lider na nakatago nang mas malalim, nang paisa-isa. Sa pamamagitan nito, nagkaroon ako ng pagkilatis at natuto ng mahahalagang aral. Tunay na matalino ang Diyos! Bagamat puno ng pasikot-sikot ang proseso ng pag-uulat sa kanila, ginabayan ako ng mga salita ng Diyos sa bawat hakbang, at itinanim sa akin ng kaalaman tungkol sa karunungan at pagkamakapangyarihan-sa-lahat ng Diyos. Nakita ko na tunay na naghahari ang katotohanan at ang katuwiran sa sambahayan ng Diyos. Binigyan ako nito ng mas malalim na pananalig sa Diyos at tinulungan akong maunawaan ang makasarili at mapanlinlang na kalikasan ko. Hindi ko sana natutunan ang alinman sa mga ito sa isang komportableng kapaligiran. Salamat sa Diyos!