37. Ang Pumigil sa Akin sa Pagsasagawa ng Katotohanan

Ni Si Ai, Italya

Nakipagpareha ako sa ibang mga kapatid sa iglesia para gumawa ng graphic design. Isang araw, sinabi sa akin ng lider na nakapagbanggit ang dalawang sister ng mga problema tungkol kay Brother Oliver, sinasabi nilang gusto nitong ang mga bagay ay nagagawa batay sa kanyang pamamaraan at pinapabagal ang takbo ng gawain. Tinanong ako ng lider kung nakatuklas ba ako ng mga ganitong problema kapag nakikipagtrabaho kay Oliver. Naalala ko kung paanong noong nakatrabaho ko si Oliver, nakikita ko na talagang kumakapit siya sa sarili niyang mga opinyon. Kapag natalakay at napagdesisyunan na ng lahat ang isang ideya ayon sa mga prinsipyo, palagi siyang may ibang opinyon, pero hindi niya maipaliwanag nang malinaw ang kanyang ideya. Kailangan sabayan ng lahat ang pag-iisip niya at maraming oras ang naaksaya nun. Mayroon ding ilang medyo maliliit na isyu sa mga larawan na pwede namang itama sa ibang pagkakataon, at hindi naman namin kailangang kunin ang oras ng lahat para pag-usapan, pero iginiit niyang lutasin namin ang mga ito bago magpatuloy. Inaantala niya ang mga bagay hanggang sa may mapagkasunduan ang lahat, na relatibong nagpabagal sa pag-usad. Kaya, sinabi ko sa lider ang tungkol sa mga problemang nakita ko. Pinagsabihan ako ng lider nang malaman niyang umpisa pa lang ay alam ko na ang tungkol sa mga problemang ‘yon, ang sabi niya, “Alam mong ginagawa ni Oliver ang mga bagay-bagay ayon sa gusto nito at inaantala ang gawain, kaya bakit hindi mo siya pinaghigpitan sa halip na pagbigyan siya at makiayon sa kanya? Hindi ba’t nakakaantala ito sa gawain?” Nalungkot ako sa sinabi ng lider.

Inalala ko noong tinatalakay ko ang konsepto ng larawan kay Oliver. nakita kong kumakapit siya sa sarili niyang mga opinyon at nag-alala ako dahil dito. Gusto kong ipaalam ang problema niya, pero naalala ko kung paanong mayabang din naman ako. Iwinasto rin ako ng lider noon, sinasabing talikdan ko ang sarili ko at makipagtulungan sa iba, dahil mayabang ako at mapagmagaling, kumakapit sa sarili kong mga opinyon at nakikipagtalo sa mga kapareha ko, na nakakaantala sa gawain. Kung tinukoy ko ang mga problema ni Oliver sa harap ng lahat, o hinamon ang kanyang mga opinyon, baka isipin ng mga tao na masyado pa rin akong mayabang at walang katinuan, na hindi ko kayang mahinahon na tumanggap ng mga mungkahi ng iba o makipagtulungan sa iba. Kaya, gaano man katagal naantala ang mga bagay-bagay, matiyaga akong nakinig sa mga sinasabi ni Oliver. Minsan, kapag isinasaalang-alang namin ang mga mungkahi ni Oliver ayon sa mga prinsipyo, pakiramdam namin ay hindi ito kayang magawa. Ituturo namin kung nasaan ang isyu, pero hindi niya ito tatanggapin nang maayos, igigiit niya ang kanyang mga pananaw. Kung hindi namin ginagawa ang iminumungkahi niya, magagalit siya at hindi magsasalita, kaya sobrang nakakaasiwa at nahihinto ang gawain. Nung una, gusto ko talagang sabihin sa lider. Pero nag-alala ako na dahil kakawasto lang ng lider sa aking kayabangan, kung iuulat ko ang mga problema ng iba, baka isipin ng lider na tumututok ako sa mga problema ng ibang tao, at naghahanap ng mali, na walang nagbago matapos akong maiwasto. Kung magkagayon, hanggang kailan ko magagampanan ang aking tungkulin? Kaya naman, hindi ko iniulat o ipinaalam ang problema ni Oliver. Bilang resulta, dahil hindi kami magkasundo at palaging nagnenegosasyon at paulit-ulit na nagtatalakayan, sa huli ay gumugol kami ng isang araw sa isang bagay na kaya naman sanang matapos nang kalahating araw, na nagpapabagal sa takbo ng gawain. Nakonsensya ako sa pag-iisip ng mga bagay na ‘to at sinisi ko ang sarili ko. Hindi naman sa hindi ko napansin ang problema ni Oliver, kundi nagpigil ako at hindi ito kailanman ipinaalam sa kanya. Sa puntong ito, naisip ko ang isang sipi mula sa salita ng Diyos. “Kapag naging buhay na ang katotohanan sa iyo, kapag inobserbahan mo ang isang taong lapastangan sa Diyos, walang takot sa Diyos, at walang ingat at walang gana habang ginagampanan ang kanyang tungkulin, o inaabala at pinakikialaman ang gawain ng iglesia, tutugon ka ayon sa mga prinsipyo ng katotohanan, at matutukoy at mailalantad mo sila ayon sa kinakailangan. Kung hindi mo naging buhay ang katotohanan, at nabubuhay ka pa rin sa loob ng iyong satanikong disposisyon, kapag nakatuklas ka ng masasamang tao at diyablong nagdudulot ng mga pagkaantala at paggambala sa gawain ng iglesia, magbubulag-bulagan at magbibingi-bingihan ka; isasantabi mo sila, nang walang paninisi mula sa iyong budhi. Iisipin mo pa nga na ang sinumang nagdudulot ng mga kaguluhan sa gawain ng iglesia ay walang kinalaman sa iyo. Gaano man nagdurusa ang gawain ng iglesia at ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, wala kang pakialam, hindi ka nakikialam, o nakokonsiyensiya—ginagawa ka nitong isang taong walang budhi o pakiramdam, isang walang pananalig, isang tagapagserbisyo. Kinakain mo ang sa Diyos, iniinom ang sa Diyos, at tinatamasa ang lahat ng nagmumula sa Diyos, ngunit pakiramdam mo ay walang kinalaman sa iyo ang anumang pinsala sa mga interes ng sambahayan ng Diyos—ginagawa ka nitong isang traydor na kumakagat sa kamay na nagpapakain sa iyo. Tao ka ba kung hindi mo pinoprotektahan ang mga interes ng sambahayan ng Diyos? Isa itong demonyo na isiniksik ang sarili sa iglesia. Nagpapanggap kang naniniwala sa Diyos, nagkukunwaring isang hinirang na tao, at nais mong samantalahin ang sambahayan ng Diyos. Hindi mo isinasabuhay ang buhay ng isang tao, at malinaw na isa ka sa mga walang pananalig. Kung isa kang taong tunay na naniniwala sa Diyos, kahit na hindi mo pa nakakamit ang katotohanan at buhay, kahit papaano’y magsasalita at kikilos ka na nasa panig ng Diyos; kahit papaano, hindi ka tatayo lang nang walang ginagawa kapag nakikita mong nakokompromiso ang mga interes ng sambahayan ng Diyos; kapag nauudyok kang magbulag-bulagan, makokonsiyensiya ka, at hindi mapapalagay, at sasabihin mo sa iyong sarili, ‘Hindi ako puwedeng maupo lang dito at walang gawin, kailangan kong tumayo at magsalita, kailangan kong umako ng responsibilidad, kailangan kong ibunyag ang masamang pag-uugaling ito, kailangan kong itigil ito, upang hindi mapinsala ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, at hindi maabala ang buhay-iglesia.’ Kung naging buhay mo na ang katotohanan, hindi ka lamang magkakaroon ng ganitong tapang at pagpapasya, at magagawa mong maunawaan nang lubusan ang pangyayari, kundi matutupad mo rin ang pananagutan na dapat mong pasanin para sa gawain ng Diyos at para sa mga kapakinabangan ng Kanyang sambahayan, at ang iyong tungkulin ay matutupad(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang mga Tunay Lamang na Nagpapasakop sa Diyos ang May Pusong May Takot sa Kanya). Mula sa mga salita ng Diyos, nakita ko na ang mga may konsensya na tunay na nananalig sa Diyos ay kaisa sa puso ang Diyos at pumapanig sa Kanya sa mga problema. Kung may nakikita silang gumagambala at gumugulo sa gawain ng iglesia, naninindigan sila at inilalantad at pinipigilan ito. Pinoprotektahan nila ang gawain ng iglesia. Pero ako? Malinaw kong nakita na kumakapit si Oliver sa kanyang mga opinyon at hindi tumatanggap ng opinyon ng iba. Paulit-ulit niyang pinapabagal ang takbo ng gawain, pero upang maiwasang sabihin ng mga tao na mayabang ako at nakikipag-away, bukod sa hindi ko ito pinigilan o nilutas, o nag-alok ng mga payo at tulong, wala pa akong ginawa, nagbulag-bulagan, iniisip ko lang na protektahan ang sarili kong mga interes, kaysa sa pagiging epektibo ng aming gawain. Bilang resulta, naantala ang gawain. Sa panlabas, abalang-abala ako sa pagganap ng tungkulin ko araw-araw. Pero sa katunayan, hindi ako totoong nagdadala ng pasanin sa aking tungkulin, at hindi talaga ako naging tapat sa Diyos. Dumarami ang mga sakuna, at maraming tao ang nagsisimulang maghanap at magsiyasat sa tunay na daan. Kung mapapabilis natin ang ating kilos at makakagawa ng mas maraming larawan ng ebanghelyo, magagawa natin ang ating munting parte para sa gawain ng ebanghelyo. Pero hindi ko sinusunod ang kalooban ng Diyos. Napakatagal kong nanonood lang habang naaantala ang takbo ng gawain, at hindi ko pinigilan o nilutas ito sa tamang oras. Labis akong walang konsensya at pagkatao, tulad ng “taksil na nangangagat sa kamay na nagpapakain sa iyo,” na inilantad sa salita ng Diyos. Ginamit ko ang iglesia bilang mapapakinabangan, at wala akong silbi sa mga kritikal na sandali. Nang mapagtanto ko ito, napuno ako ng pagsisisi, at nanalangin sa Diyos, “Diyos ko, pinabayaan ko ang gawain ng iglesia para protektahan ang sarili ko. Handa akong magsisi sa Iyo, at pakiusap gabayan Mo po ako para magkaroon ng tunay na kamalayan sa sarili.”

Kalaunan, nagsimula akong magnilay-nilay kung bakit napakahirap para sa akin na isagawa ang katotohanan, at kung ano ang pumipigil sa akin. Kumain at uminom ako ng dalawang sipi ng mga salita ng Diyos na angkop sa aking kalagayan. “Sinusunod ng ilang tao ang sarili nilang kagustuhan kapag kumikilos sila. Nilalabag nila ang mga prinsipyo, at pagkatapos matabasan at maiwasto, sa salita lamang nila inaamin na sila ay mayabang, at na nakagawa sila ng pagkakamali dahil lamang sa wala sa kanila ang katotohanan. Pero sa kanilang puso, nagrereklamo pa rin sila na, ‘Walang ibang nangangahas na magsalita o kumilos, ako lamang—at sa huli, kapag may nangyaring mali, ipinapasa nila sa akin ang lahat ng responsibilidad. Hindi ba’t ang hangal ko naman? Hindi ko na pwedeng ulitin iyon sa susunod, na mangahas na magsalita o kumilos nang ganoon. Napupukpok ang mga pakong nakausli!’ Ano ang tingin mo sa ganitong saloobin? Saloobin ba ito ng pagsisisi? (Hindi.) Anong saloobin ito? Hindi ba’t naging madaya at mapanlinlang na sila? Sa kanilang mga puso, iniisip nila na, ‘Mapalad ako na sa pagkakataong ito ay hindi ito humantong sa isang sakuna. Isang pagkahulog sa bitag, isang dagdag-katalinuhan, sabi nga. Kailangan kong maging mas maingat sa hinaharap.’ Hindi nila hinahanap ang katotohanan, gamit ang kanilang walang-kuwenta at tusong mga pakana sa pag-aasikaso at pagharap sa usapin. Kaya ba nilang tamuhin ang katotohanan sa ganitong paraan? Hindi nila kaya, dahil hindi sila nagsisi(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Paghahanap Lamang sa Katotohanan Malulutas ng Tao ang Kanilang mga Kuru-kuro at Maling Pagkaunawa sa Diyos). “Anong disposisyon ba ito kapag hindi umaako ng responsibilidad ang mga tao sa kanilang tungkulin, ginagawa ito sa paraang walang-ingat at pabasta-basta, kumikilos na parang mga taong oo lang nang oo, at hindi pinoprotektahan ang mga interes ng sambahayan ng Diyos? Katusuhan ito, ito ang disposisyon ni Satanas. Ang pinaka-kapansin-pansing bagay sa mga pilosopiya ng tao sa pamumuhay ay ang pagiging tuso. Iniisip ng mga tao na masasaktan nila ang damdamin ng iba at hindi mapangangalagaan ang kanilang mga sarili kung hindi sila tuso; iniisip nila na kailangan nilang maging tuso upang hindi makapanakit o makapagpasama ng loob ng sinuman, sa gayon ay mapananatili nilang ligtas ang kanilang mga sarili, mapangangalagaan ang kanilang mga kabuhayan at magkakaroon ng matatag na katatayuan sa mga tao. Ang mga hindi mananampalataya ay namumuhay lahat ayon sa pilosopiya ni Satanas. Silang lahat ay mga taong oo lang nang oo at hindi nila pinapasama ang loob ng sinuman. Narito ka na sa sambahayan ng Diyos, binasa ang salita ng Diyos, at nakinig sa mga sermon ng sambahayan ng Diyos. Kaya bakit lagi ka na lang oo nang oo? Pinoprotektahan lang ng mga taong oo lang nang oo ang sarili nilang mga interes, at hindi ang mga interes ng iglesia. Kapag may nakikita silang isang taong gumagawa ng masama at pinipinsala ang mga interes ng iglesia, hindi nila ito pinapansin. Nais nilang maging mga taong oo lang nang oo, at ayaw nilang makapagpasama ng loob ng sinuman. Iresponsable ito, at ang ganoong uri ng tao ay masyadong tuso at hindi mapagkakatiwalaan(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Naramdaman ko ang bigat ng mga salita ng Diyos sa puso ko, at sa wakas ay nakita ko na ang ugat kung bakit hindi ko maisagawa ang katotohanan o maitaguyod ang mga prinsipyo nito ay dahil masyadong mapanlinlang ang kalikasan ko. Mula nang iwasto ng lider ang kayabangan ko, hindi ako kailanman totoong nagnilay-nilay sa sarili ko o naghanap ng landas para ayusin ang mapagmataas kong disposisyon. Sa halip, nagpakana ako at gumamit ng panlabas na pagpaparaya at paggalang para protektahan ang sarili ko, kaya maling iniisip ng iba na mapagpakumbaba ako at nagbago na ang aking mayabang na disposisyon. Sa ganoong paraan ay hindi na ako iwawastong muli o tatanggalin ng lider. Nakita ko na ang pamumuhay ayon sa mga satanikong ideya at pananaw tulad ng, “Ang punong hitik sa bunga ay binabato,” “Ang pag-iingat ay mas matimbang kaysa sa mahusay na pananalita, at madalas magkamali yaong panay ang salita,” at “Hangarin lang na maiwasan ang mga pagkakamali, hindi dakilang pagkilala,” ay ginawa akong napakamakasarili, masama, tuso at mapanlinlang. Malinaw kong nakita na nakaapekto na sa gawain namin ang problema ni Oliver. Dapat sana’y nanindigan ako at inilantad at pinigilan ito. Pero sa halip, kumilos ako para malugod sa akin ang mga tao para mawala ang alitan. Kapag nahaharap sa mga problema o hindi pagkakasundo, hangga’t maaari’y hindi ako gaanong nagsasalita. Hindi ako kailanman nakikipagtalo sa mga tao, at hindi ko pinaninindigan ang mga prinsipyo. Pinoprotektahan kong mabuti ang aking mga interes, pero hinahayaan kong mapinsala ang gawain ng iglesia. Napakahuwad ko at napakamapanlinlang. Talagang natamo ko ang pagkasuklam at pagkamuhi ng Diyos. Lalo na nang mabasa ko na sinasabi ng Diyos, “Hindi nila hinahanap ang katotohanan, gamit ang kanilang walang-kuwenta at tusong mga pakana sa pag-aasikaso at pagharap sa usapin. Kaya ba nilang tamuhin ang katotohanan sa ganitong paraan? Hindi nila kaya, dahil hindi sila nagsisi.” Lalo akong nakaramdam ng pagsisisi. Dati, ginampanan ko ang tungkulin ko nang may mayabang na disposisyon. Palagi kong itinataguyod ang sarili kong mga pananaw, at hindi nakikinig sa mga mungkahi ng iba. Hindi lamang nito nahigpitan ang iba, naapektuhan din nito ang gawain ng iglesia. Iwinasto ako ng lider para makapagnilay-nilay ako sa sarili ko at magkaroon ng kamalayan sa sarili, para mabago ko ang aking mga gawi sa tamang oras at magawa ko nang maayos ang tungkulin ko. Pero hindi ako nagsisi. Sa halip, pinrotektahan ko ang sarili ko mula sa Diyos at sa iba. Hindi ko lang hindi ginampanang mabuti ang tungkulin ko, wala pa nga akong pakialam kung naabala ang gawain ng iglesia. Nakita ko na hindi ako isang taong tumatanggap sa katotohanan. Kung magpapatuloy ito, lalala ang tiwali kong disposisyon, at sa huli ay mabubunyag at mapapalayas ako! Natakot ako sa isiping ito, at mabilis na nagdasal sa Diyos, “Diyos ko, ayoko nang protektahan ang sarili kong mga interes sa pamamagitan ng mga makamundong pilosopiyang ito. Handa na akong hanapin ang katotohanan at ayusin ang aking tiwaling disposisyon. Hinihiling ko po sa Iyo na tulungan Mo akong makahanap ng landas sa pagsasagawa.”

Pagkatapos nun, nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos. “Kung nais mong umiwas sa mga pagtatalo, ang makipagkompromiso ba ang tanging paraan? Sa anong mga sitwasyon ka maaaring makipagkompromiso? Kung may kinalaman ito sa maliliit na bagay, tulad ng sarili mong interes o iyong reputasyon, hindi na kailangang makipagtalo tungkol dito. Maaari mong piliing magparaya o makipagkompromiso. Ngunit sa mga bagay na maaaring makaapekto sa gawain ng iglesia at makapinsala sa mga interes ng sambahayan ng Diyos, dapat mong sundin ang mga prinsipyo. Kung hindi mo sinusunod ang paniniwalang ito, hindi ka tapat sa Diyos. Kung pipiliin mong makipagkompromiso at talikuran ang mga prinsipyo upang umiwas sa kahihiyan o pangalagaan ang iyong mga interpersonal na ugnayan, hindi ka ba makasarili at mababa? Hindi ba ito tanda ng pagiging iresponsable at hindi tapat sa iyong tungkulin? (Tanda nga ito.) Kaya, kung dumating ang oras sa panahon ng iyong tungkulin na ang lahat ay hindi nagkakasundo, paano ka dapat magsagawa? Malulutas ba ang problema kung makikipagtalo ka nang husto tungkol dito? (Hindi.) Kung gayon, paano mo dapat lutasin ang problema? Sa sitwasyong ito, ang isang taong nakakaunawa sa katotohanan ay dapat mangunang lutasin ang isyu, ipresenta muna ang isyu at hayaan ang magkabilang panig na ipahayag ang kanilang opinyon. Pagkatapos, dapat hanapin ng lahat ang katotohanan nang sama-sama, at pagkatapos manalangin sa Diyos, dapat ilabas ang mga nauugnay na salita ng Diyos at katotohanan para pagbahaginan. Pagkatapos nilang magbahaginan ng mga prinsipyo ng katotohanan at magkaroon ng kalinawan, magagawa na ng magkabilang panig na magpasakop. … Kung ang isang tao ay nakipagtalo at nakipagdebate sa iba upang protektahan ang mga interes ng sambahayan ng Diyos at ang pagiging epektibo ng gawain ng iglesia, at ang kanyang saloobin ay medyo hindi sumusuko, masasabi ba ninyong problema iyan? (Hindi.) Dahil tama ang kanyang layunin; ito ay upang protektahan ang mga interes ng sambahayan ng Diyos. Ito ay isang tao na tumatayo sa panig ng Diyos at sumusunod sa mga prinsipyo, isang taong kinalulugdan ng Diyos. Ang pagkakaroon ng isang malakas at determinadong saloobin kapag pinoprotektahan ang mga interes ng sambahayan ng Diyos ay isang tanda ng isang matatag na paninindigan at pagsunod sa mga prinsipyo, at sinasang-ayunan ito ng Diyos. Maaaring madama ng mga tao na may problema sa saloobing ito, ngunit hindi ito malaki; wala itong kinalaman sa pagpapakita ng tiwaling disposisyon. Tandaan, ang pagsunod sa mga prinsipyo ang pinakamahalaga(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pagsasagawa Lamang ng Katotohanan Mayroong Pagpasok sa Buhay). Matapos basahin ang mga salita ng Diyos, naunawaan ko. Kahit kailan, ang kakayahang talikdan ang pansariling pakinabang, itaguyod ang mga prinsipyo ng katotohanan, at protektahan ang gawain ng iglesia ay ang pinakamahalagang bagay. Kahit na minsan ay nagkakaroon ka ng mga alitan sa mga tao dahil dito, o nagsasalita ka nang medyo malupit, hindi ito malalaking isyu. Ang tinitingnan ng Diyos ay ang saloobin natin sa katotohanan. Tinitingnan Niya kung kaya nating itaguyod ang mga prinsipyo ng katotohanan, at kung isinasagawa natin ang katotohanan. Noon, lagi kong iniisip na kung nagdudulot ng alitan ang pagtataguyod ng mga prinsipyo, tiyak na nagpapakita ako ng mayabang na disposisyon at hindi nakikipagtulungan nang maayos sa iba. Kaya, para maiwasang sabihin ng iba na mayabang ako, ikinompromiso ko ang lahat, at walang ginawa para itaguyod ang mga prinsipyo. Ngayon naunawaan ko na sa wakas na ang pinakamainam na landas ng pagsasagawa para maiwasan ang mga pagtatalo at alitan ay ang pagsasagawa ayon sa mga prinsipyo, na hikayatin ang bawat tao na sabihin ang kanilang pananaw, at pagkatapos ay sama-samang hanapin ang katotohanan. Kung, pagkatapos maghanap, nakakasiguro kang naaayon sa mga prinsipyo ng katotohanan ang mga kilos mo, dapat mong itaguyod ang mga ito. Ito ang nararapat. Kung malinaw na mali ang pananaw mo, pero iginigiit mong panindigan ito, at pinipilit ang mga tao na makinig sa’yo at tanggapin ito, ito ay pagpapakita ng pagmamataas at pagmamatuwid sa sarili. Sa puntong ito, dapat mong matutunang talikdan ang sarili mo at makipagpareha nang maayos sa iba. Pagkatapos, nang makipagpareha ako kay Oliver, sinubukan kong isagawa ang mga salita ng Diyos.

Isang araw, pumipili ako ng mga larawan at tinatalakay ang mga ideya kasama sina Elliana at Oliver. Nagpahayag ng ideya si Oliver. Naramdaman namin na ang mensaheng ipinararating ng kanyang pangkalahatang disenyo ay hindi naaakma sa tema, pero hindi talaga kami sigurado. Nung una, gusto kong sundin ito at makipagkompromiso. Naisip ko, “Kung gayon, subukan muna natin ang ideya mo at tingnan, para hindi sabihin ng lahat na mayabang ako, mapagmagaling, at kumakapit sa sarili kong mga opinyon.” Pero naalala ko nun ang ilan sa mga prinsipyo at kinakailangan para sa disenyo, at naramdamang may mga problema talaga sa konsepto ni Oliver. Kung gagawin namin ang disenyo ayon sa kanyang konsepto at tapos ay kailangang ulitin ito, hindi ba’t aksaya ‘yon ng oras at maaantala ang gawain namin? Sa puntong ito, napagtanto ko na kailangan kong itaguyod ang mga prinsipyo, kaya ipinaliwanag ko kay Oliver ang mga problema sa konsepto niya, at pinaalalahanan siyang sundin ang orihinal na konsepto, sa halip na kumapit sa sarili niyang pananaw. Sumang-ayon si Elliana, at wala nang sinabi pa si Oliver. Pero maraming beses na nangyayari ang mga ganitong sitwasyong sa isang buong araw. Sa tuwing nagkakaiba ang mga opinyon namin, palaging pinapanigan ni Oliver ang sarili niya, na nagpapabagal sa gawain namin. At saka, dahil hindi namin binago ang mga bagay-bagay ayon sa iminungkahi niya, sumama uli ang loob niya at halos hindi na nagsalita. Napagtanto ko na kung magpapatuloy ito, tiyak na maaantala nito ang gawain namin, kaya sinabi ko sa lider ang nangyayari. Nagplano ang lider na hanapin si Oliver kasama kami para ilantad ang problema nito, magbahagi sa katotohanan, at tulungan ito. Alam kong ito na ang pagkakataon ko para isagawa ang katotohanan, kaya binasa ko ang dalawang sipi ng mga salita ng Diyos bago makipag-usap kay Oliver. “Ang lahat ng gawain ng iglesia ay direktang konektado sa gawain ng pagpapalaganap ng ebanghelyo ng kaharian ng Diyos. Sa partikular, ang gawain ng pag-eebanghelyo at ang bawat aytem ng gawain na may kinalaman sa propesyonal na kaalaman ay may mahalaga at hindi mapaghihiwalay na koneksyon sa gawain ng pagpapalaganap ng ebanghelyo. Samakatuwid, kung ano ang may kinalaman sa gawain ng pagpapalaganap ng ebanghelyo ay may kinalaman sa mga interes ng Diyos at sa mga interes ng sambahayan ng Diyos. Kung mauunawaan nang tama ng mga tao ang gawain ng pagpapalaganap ng ebanghelyo, dapat ay magkaroon sila ng tamang diskarte sa tungkuling ginagampanan nila at sa tungkulin ng iba. At ano ang tamang diskarte? Ang ibig nitong sabihin ay susubukan nila ang lahat ng kanilang makakaya upang gawin ang hinihingi ng Diyos. Kahit papaano ang kanilang pag-uugali at mga kilos ay hindi dapat sadyang nakasasama o nakakagambala. Hindi sila dapat sadyang lumalabag. Kung alam nila na sila ay nakakagambala at nakakagulo sa gawain ng iglesia, ngunit pinipilit nilang gawin ito kahit sino pa ang humimok sa kanila na huwag gawin, ito ay paggawa ng masama at pagnanais na mamatay; ito ay ang diyablo na iniaangat ang ulo. Agad na ipakilatis ito sa mga kapatid, pagkatapos ay alisin ang masamang tao sa iglesia. Kung ang masamang tao ay pansamantala lang na magulo ang isip at hindi sinasadyang gumawa ng masama, paano dapat tratuhin ang isyu? Hindi ba dapat natin siyang turuan at tulungan? Kung tinuturuan siya ngunit hindi pa rin nakikinig, ano ang dapat gawin? Magsama-sama ang mga kapatid at pagsabihan siya(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasiyam na Aytem: Ginagawa Nila ang Kanilang Tungkulin para Lamang Maging Tanyag Sila at Maisakatuparan ang Kanilang Sariling mga Interes at Ambisyon; Hindi Nila Iniisip Kailanman ang mga Interes ng Sambahayan ng Diyos, at Ipinagpapalit pa ang mga Interes na Iyon para sa Kanilang Personal na Kaluwalhatian (Unang Bahagi)). “Dapat ninyong pagtuunan ang katotohanan—pagkatapos saka lamang kayo makapapasok sa buhay, at kapag nakapasok na kayo sa buhay, saka lamang kayo makapagtutustos para sa iba at maaakay sila. Kung natuklasan na ang mga ikinikilos ng iba ay sumasalungat sa katotohanan, dapat natin silang mapagmahal na tulungan upang pagpunyagian ang katotohanan. Kung nagagawa ng iba na isagawa ang katotohanan, at may mga prinsipyo sa kung paano nila ginagawa ang mga bagay-bagay, dapat tayong matuto mula sa kanila at gayahin sila. Ito ang ibig sabihin ng pagmamahalan sa isa’t isa(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Tanging ang Isang Tao na Gumaganap sa Kanyang Tungkulin nang Buong Puso, Isipan, at Kaluluwa ang Nagmamahal sa Diyos). Malinaw ang salita ng Diyos. Kapag napapansin natin ang mga problema ng ibang tao, dapat tayong magbahagi kaagad, at ilantad at pagsabihan sila kung kinakailangan. Lahat ito’y para protektahan ang gawain ng iglesia, at nakakatulong din ito sa mga tao na makita ang kanilang mga problema, mabilis na malutas ang mga ito, at magawa nang maayos ang kanilang tungkulin. May ilang talento nga naman si Oliver sa pagguhit ng mga larawan, pero dahil sa kanyang tiwaling disposisyon, di-sinasadyang nakakagawa siya ng mga bagay-bagay na gumagambala at gumugulo sa gawain namin. Kung magagawa niyang magkaroon ng kamalayan sa sarili, hanapin ang katotohanan, baguhin ang kanyang tiwaling disposisyon, makipagtulungan nang maayos sa lahat, at gamitin ang kanyang mga kalakasan, makakabuti ito sa gawain ng iglesia at sa kanyang sariling pagpasok sa buhay. Kaya, nakakita ako ng ilang sipi ng mga salita ng Diyos na tumutugon sa mga problema ni Oliver, kalakip ang sarili kong mga karanasan, at nagbahagi tungkol dito kay Oliver. Pagkatapos makinig, nagkaroon ng kamalayan si Oliver sa kanyang tiwaling disposisyon, sinabi pa nga niya na minsan ay alam niyang mali siya, pero hindi niya kayang talikdan ang sarili. Ngayon na tinukoy ko ito, sa wakas ay nakonsensya siya tungkol dito, at handang hanapin ang katotohanan at umasa sa Diyos para baguhin ang kanyang tiwaling disposisyon. Nang marinig ko ito, natuwa ako para kay Oliver. Pero kasabay nun, pinagsisihan kong namuhay ako ayon sa makamundong pilosopiya at hindi ko sinabi sa kanya nang mas maaga. Talagang napahamak ko siya at napinsala ang gawain ng iglesia.

Pagkatapos ng kaganapang ‘yon, sa panahon ng aking tungkulin, kung may nakikita akong gumagawa ng isang bagay na hindi naaayon sa mga prinsipyo ng katotohanan at nakakaantala sa gawain, sadya kong isinasagawa ang katotohanan at tinutukoy ang problemang nakikita ko para matupad ang responsibilidad ko. Mapayapa at magaan ang loob ko sa pagsasagawa sa ganitong paraan. Salamat sa Diyos!

Sinundan: 36. Mga Pagninilay Matapos Lumaban sa Pangangasiwa

Sumunod: 42. Ang Pagkakilala Gamit ang mga Salita ng Diyos ay Hinding-hindi Nabibigo

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito