49. Isang Magandang Paraan Para Mabuhay

Ni Xunqiu, Japan

Noong bata pa ako, sinabihan ako na huwag akong magsalita nang tahasan sa iba, at kailanma’y huwag gagawa ng bagay na ikagagalit nila. Iyon ang naging diskarte ko sa buhay. Kaya palagi akong namuhay sa mga pilosopiya ni Satanas gaya ng “Tumatagal at gumaganda ang pagkakaibigan sa pananahimik sa mga kasalanan ng mabubuting kaibigan” at “Huwag kailanman sampalin sa mukha ang ibang tao o pagalitan sila sa kanilang pagkukulang” sa pakikisama ko sa mga kaklase, kaibigan, kapit-bahay—lahat. Kapag nakakakita ako ng tao na may ginagawang mali, ayaw kong ipahiya sila o ibunyag ang kanilang mga pagkakamali. Pinupuri ako ng mga tao sa pagiging maunawain at maalalahanin ko sa iba, at naisip ko na ito ay mabuti, na ito ang pangunahing prinsipyo ng mga relasyon. Sa pamamagitan ng pagdanas ng paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos napagtanto kong hindi iyon pagiging mabuting tao, sa halip ito ay ayon sa mga pilosopiya ni Satanas. Hindi ito nakakatulong sa kahit sino, at maaaring makasakit pa ng ibang tao. Nagbago ang pananaw ko sa mga bagay at binigyan ako ng mga salita ng Diyos ng mga prinsipyo ng tamang pag-uugali.

Nang mapili ako bilang pinuno ng iglesia noong 2019, laking pasasalamat ko sa pagkakataon na iyon. Napagpasiyahan kong akuin ang responsibilidad na ito. Paglaon, may napansin akong ilang mga mali sa trabaho ng aking mga kapatid. Ang ilan sa kanila ay pabaya sa kanilang tungkulin, na humahantong sa mga problemang nahahalata sa mga video na pinagtrabahuan nila. Ang ilan sa kanila ay hindi kayang makisama nang maayos sa iba, na naging sanhi ng hindi pagkakatugna ng kanilang trabaho, at hindi ito naging maayos. Nang makita ko ito, naisip ko, “Nagpapakita sila ng katiwalian sa kanilang tungkulin. Maaapektuhan ang gawain ng tahanan ng Diyos kung hindi ito bibigyan ng pansin. Kailangan kong magbahagi sa kanila upang maunawaan nila ito at sila’y magbago.” Pagkatapos ay naisip ko, “Kung ibubunyag ko ang kanilang mga problema sa simula pa lamang, ano ang iisipin nila sa akin? Sasabihin ba nilang labis akong mahigpit sa kanila, at sobrang hirap kong pakisamahan? Hindi ba’t magwawatak-watak ang lahat kung ganoon ang maiisip nila? Hindi bale. Hindi ko na lang babanggitin ito. Dapat makabuo ako ng mabuting ugnayan sa lahat sa kanila.” Kaya’t pinalampas ko na lamang ang lahat ng kamalian at problema ng aking mga kapatid. Natatakot akong masira ang aming ugnayan kapag pinahiya ko sila.

Minsan, may nagsabi sa akin na si Brother Wang ay matigas ang ulo sa kanyang tungkulin at hindi tumatanggap ng mga mungkahi, at ito’y nagpapabagal sa pagsulong ng aming gawain. Nagtanung-tanong ako upang makakuha ng iba pang mga opinyon, at lahat ay nagsasabi na si Brother Wang ay mayabang, palautos at mapanghamak. Karamihan sa mga taong nakatrabaho niya ay nalilimitahan. Nang marinig ko ang mga punang ito, napagtanto kong may seryosong problema si Brother Wang at ang hindi pagharap dito agad ay hindi makatutulong sa kanyang pagpasok sa buhay o sa gawain ng tahanan ng Diyos. Kinailangan kong hanapin siya para bahaginan at tulungan siyang maunawaan ang kabigatan ng problemang ito. Ngunit nang makausap ko si Brother Wang, gusto ko na lamang umatras. Naisip ko, “Ang lahat ng mga kamaliang ito na sinabi ng iba ay siyang pinakamasasamang kaugalian ni Brother Wang. Kung iisa-isahin ko ang bawat problema, hindi kaya’t maramdaman niyang minamaliit ko siya na para bang wala siyang kuwenta? Hindi ba magiging kahiya-hiya iyon? Kung pakiramdam niya ay personal ko siyang inaatake, hindi ba sasama ang loob niya sa akin? Madalas kaming nagkikita, sa mga pagtitipon, na ginagawa ang aming mga tungkulin. Paano kami magkakasundo kung magkakalamat ang aming ugnayan?” Pagkatapos ay naisip ko iyong palagi niyang sinabi na mayroon siyang mayabang na disposisyon, kung doon ko sisimulan, nang hindi tinatamaan ang mga parte na sensitibo, hindi masyadong nakahihiya para sa kanya at hindi magkakalamat ang aming samahan. Kaya sa aming pagbabahagi bahagya kong binanggit ito, at sinabing mayabang siya at nangmamaliit ng iba. Pinakinggan niya ako at inamin na mayroon nga siyang ganoong mga problema, at alam niya ito. Alam kong hindi pa niya namamalayan ang kabigatan ng problema, pero wala na akong iba pang sinabi. Dahil hindi niya nakamit ang totoong pag-unawa sa sarili, nanatili siyang matigas ang ulo sa kanyang tungkulin. Dahil hindi siya makapagtrabaho kasama ang iba, at nagdulot ng mga pagkaantala sa gawain ng iglesia, inilipat siya kalaunan. Siya ay binigyan ng ibang tungkulin, ngunit dahil nasa kanya pa rin ang bigat ng kanyang tiwaling disposisyon, hindi rin siya naging epektibo. Isang araw, galit na sinabi sa akin ng kanyang tagapangasiwa, “Alam mo ba ang problema ni Brother Wang? Bakit hindi ka nakipagbahagi sa kanya? Nagkaroon siya ng matinding epekto sa pagsulong ng gawain namin.” Sa bigat ng kanyang pananalita, pakiramdam ko ay pinagagalitan ako ng Diyos sa pamamagitan niya dahil hindi ko naisagawa ang katotohanan. Nakonsensya talaga ako. Kung binigyang pansin ko lamang ang kanyang mga kamalian at pinagnilayan niya ang mga ito, maaaring nagawa niyang maayos ang kanyang tungkulin. Ngunit wala siyang naging anumang tunay na pag-unawa sa likas niyang mala-satanas, hindi lamang siya nabigo noong nakaraang tungkulin, bagkus ay hindi rin siya nakapagbago pagkatapos niyang malipat. Hinahadlangan niya pa rin ang gawain ng iglesia. Hindi ba’t ipinapahamak ko ang gawain ng tahanan ng Diyos? Akala ko dati’y mayroon akong mabuting pagkatao, ngunit ngayon, napansin kong iniingatan ko lang ang aking relasyon sa iba upang hindi sila maipahiya at bigyan sila ng masamang impresyon. Ngunit hindi ito maganda para sa pagpasok sa buhay ng iba, o sa gawain ng tahanan ng Diyos. Iyon ba ang may mabuting pagkatao?

Pagkatapos ay binasa ko ang mga salita ng Diyos: “Kailangang may pamantayan para sa pagkakaroon ng mabuting pagkatao. Hindi kasama rito ang pagtahak sa landas ng pagtitimpi, hindi pagkapit sa mga prinsipyo, pagsisikap na huwag makasakit ng sinuman, pagsipsip kahit saan ka magpunta, pag-aayos at pagpapaganda para sa lahat ng iyong nakakasalubong, at pagpapagaan sa pakiramdam ng lahat. Hindi ito ang pamantayan. Ano kung gayon ang pamantayan? Kinabibilangan ito ng pagtrato sa Diyos, sa ibang tao, at sa mga pangyayari nang may isang tunay na puso, pagkakaroon ng kakayahang umako ng pananagutan, at paggawa ng lahat ng ito sa paraang maliwanag para makita at maramdaman ng lahat. Bukod doon, sinisiyasat ng Diyos ang mga puso ng mga tao at kinikilala sila bawat isa. Palaging ipinagyayabang ng ilang tao na nagtataglay sila ng mabuting pagkatao, sinasabing hindi sila kailanman nakagawa ng anumang masama, nakapagnakaw ng mga pag-aari ng iba, o nakapaghangad ng mga pag-aari ng ibang tao. Umaabot pa sila sa puntong pinahihintulutan nila ang iba na makinabang sa kanilang sariling kapinsalaan kapag mayroong pagtatalo sa mga interes, pinipiling dumanas ng pagkatalo, at hindi sila nagsasabi ng anumang masama tungkol sa sinuman para lamang isipin ng lahat na mabubuti silang tao. Gayunpaman, kapag ginagampanan ang kanilang mga tungkulin sa bahay ng Diyos, tuso at madaya sila, palaging nagbabalak para sa kanilang sarili. Hindi nila kailanman iniisip ang kapakanan ng bahay ng Diyos, hindi nila kailanman tinatrato na madalian ang mga bagay na tinatrato ng Diyos na madalian o nag-iisip gaya ng pag-iisip ng Diyos, at hindi nila kailanman kayang isantabi ang mga sarili nilang kapakanan upang magampanan ang kanilang mga tungkulin. Hindi nila kailanman tinalikdan ang sarili nilang kapakanan. Kahit na nakikita nilang gumagawa ng kasamaan ang masasamang tao, hindi nila inilalantad ang mga ito; wala silang mga prinsipyo o kung anuman. Hindi ito isang halimbawa ng mabuting pagkatao(“Ipagkaloob ang Iyong Tunay na Puso sa Diyos, at Makakamit Mo ang Katotohanan” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Ipinakita ng mga salita ng Diyos ang mga prinsipyo ng pag-uugali. Ang isang mabuting tao ay hindi dinadaan sa pagtitimpi o kaya’y nanatiling tahimik patungkol sa mga problema ng iba. Hindi nila hinahangad ang lubusang pagkakasundo, o sinusubukang mapanatili ang perpektong ugnayan sa iba. Ang pamantayan para sa isang tunay na mabuting tao ay nakasalalay sa pagiging maprinsipyo at pagkakaroon ng pagpapahalaga sa katarungan. Sinusuportahan nito ang mga prinsipyo nang walang takot na masaktan ang ibang tao upang protektahan ang tahanan ng Diyos kapag ang mga interes nito ay napapahamak. Sa pakikipag-ugnayan ko sa aking mga kapatid, nakatuon lamang ako sa hindi pagpapahiya o makasakit sa sinuman, na iniisip na mabuti ang magiging tingin ng lahat sa akin kung panatilihin ko ang aking mga relasyon sa kanila. Hindi talaga ito naaayon sa mga prinsipyo ng katotohanan. Nakita ko ang iba na gumagawa mula sa katiwalian at ginagambala ang gawain ng tahanan ng Diyos. Ngunit sa kagustuhan kong protektahan ang maganda kong imahe, hindi ko naprotektahan ang mga interes ng iglesia at nagbulag-bulagan. Pinalampas ko ang mga problemang nakikita ko naman nang malinaw. Lalo na kay Brother Wang, alam ko na ang kanyang mga kamalian ay lubhang nakaapekto sa gawain ng tahanan ng Diyos. Ngunit natakot ako na baka isipin niya na inaatake ko siya nang personal, na hindi niya tatanggapin ang sinabi ko at gagamitin iyon laban sa akin. Kaya’t nang nakipagbahagi ako sa kanya, bahagya ko lang binanggit ang mga ito, at hindi masyadong binigyang pansin. Bilang resulta, hindi niya sineryoso ang kanyang mga problema. Sa panlabas, napanatili ko ang aking mabuting imahe, ngunit sa katunayan, napipinsala ko ang gawain ng iglesia at ang pagpasok sa buhay ng iba. Napansin ko na masyado kong inaalala ang iisipin sa akin ng iba, isang ganap na manlilinlang.

Nabasa ko ang mga salita ng Diyos sa aking mga debosyonal pagkatapos noon: “Hindi pinagsasabihan ng ilang lider ng iglesia ang mga kapatid na nakikita nilang walang-ingat at wala sa puso kung tumupad ng kanilang tungkulin, bagama’t dapat nila iyong gawin. Kapag nakakakita sila ng isang bagay na malinaw na makapipinsala sa mga interes ng bahay ng Diyos, nagbubulag-bulagan sila at hindi nag-uusisa, upang hindi makapagdulot ng bahagya mang sama ng loob sa iba. Ang tunay nilang layunin at pakay ay hindi ang magpakita ng pagsasaalang-alang sa mga kahinaan ng iba—alam na alam naman nila kung ano ang kanilang intensyon: ‘Kapag ipinagpatuloy ko ito at hindi ako nakapagdulot ng sama ng loob sa kahit kanino, iisipin nila na mabuti akong lider. Magkakaroon sila ng mabuti at mataas na pagtingin sa akin. Papaboran at magugustuhan nila ako.’ Gaano man kalaki ang magiging pinsala sa mga interes ng bahay ng Diyos at gaano man katinding mahahadlangan ang pagpasok sa buhay ng mga hinirang na tao ng Diyos, o gaano man katinding magagambala ang kanilang buhay-iglesia, namamalagi ang gayong mga tao sa sataniko nilang pilosopiya na hindi makapagdulot ng sama ng loob. Kailanman ay walang diwa ng paninisi sa sarili sa kanilang mga puso; at kung mayroon man, maaaring pahapyaw na kaswal nilang mabanggit ang isang usapin, at hanggang doon na lamang. Hindi nila ibinabahagi ang katotohanan, ni hindi rin nila sinasabi ang diwa ng mga suliranin ng iba, at lalong hindi nila sinusuri ang kalagayan ng mga tao. Hindi nila ginagabayan ang mga tao na makapasok sa katotohanang realidad, at hindi nila kailanman ipinababatid kung ano ang kalooban ng Diyos, o ang mga pagkakamaling madalas na ginagawa ng mga tao, o ang mga uri ng tiwaling disposisyong ibinubunyag ng mga tao. Hindi nila nilulutas ang mga praktikal na suliraning ito; sa halip, lagi nilang pinalalagpas ang mga kahinaan at pagiging negatibo ng iba, maging ang kawalan nila ng ingat at kawalan ng malasakit. Palagi nilang pinalalagpas ang mga kilos at pag-uugali ng mga taong ito nang hindi natutukoy kung ano ang mga iyon, at, dahil nga ginagawa nila iyon, naiisip ng karamihan sa mga tao na, ‘Parang ina na natin ang ating lider. Mas malawak pa nga ang pang-unawa nila sa mga kahinaan natin kaysa sa Diyos. Maaaring napakaliit ng ating tayog upang makatugon sa mga hinihingi ng Diyos, pero sapat iyon para makatugon tayo sa mga hinihingi ng ating lider. Mabuti silang lider para sa atin. Kapag dumating ang araw na papalitan na ng Itaas ang ating lider, dapat tayong magsalita, at imungkahi ang iba’t-iba nating opinyon at kahilingan. Dapat nating subukang makipagnegosasyon sa Itaas.’ Kapag nagkimkim ng ganoong saloobin ang mga tao—kapag mayroon silang ganitong kaugnayan sa kanilang lider, at ganoong impresyon tungkol sa kanila, at may namuong ganoong damdamin ng pag-asa, paghanga, paggalang, at pagtingala sa kanilang lider—ano, kung gayon, ang dapat na maramdaman ng lider? Kung, sa bagay na ito ay makaramdam sila ng kaunting pagsisisi sa sarili, kaunting pagkabagabag, at makaramdam ng utang na loob sa Diyos, kung ganoo’y hindi sila dapat tumuon sa kanilang katayuan o imahe sa puso ng iba. Dapat silang magpatotoo sa Diyos at purihin Siya, nang sa gayon ay magkaroon Siya ng lugar sa puso ng mga tao, at sa gayon ay igalang Siya ng mga tao bilang dakila. Sa gayoon lang tunay na magiging payapa ang kanilang puso, at ang taong gumagawa noon ay isang taong naghahanap sa katotohanan. Gayunman, kung hindi ito ang layunin sa likod ng kanilang mga kilos, at sa halip ay ginagamit nila ang mga pamamaraan at taktikang ito upang hikayatin ang mga taong lumihis sa tunay na daan at tumalikod sa katotohanan, sukdulang pagbigyan ang walang-ingat, wala sa puso, at iresponsableng pagtupad sa kanilang mga tungkulin, nang may pakay na magkaroon ng isang partikular na lugar sa puso ng mga tao at makuha ang kanilang kagandahang-loob, hindi ba’t isa itong pagtatangkang makuha ang loob ng mga tao? At hindi ba’t isa itong masama at karima-rimarim na bagay? Kasuklam-suklam ito!(“Para sa mga Lider at Manggagawa, ang Pagpili ng Isang Landas ang Pinakamahalaga (1)” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Inilahad ng mga salita ng Diyos ang pinakabuod at mga motibo sa likod ng aking mga kilos. Mula nang maging pinuno ako, naging maingat ako sa pakikisama sa mga tao sa paligid ko. Hindi ko pinupuna ang mga kamalian ng tao, upang maprotektahan ang kanilang dignidad. Wala nga akong anumang naramdamang pagmamadali noong makita si Brother Wang na nakagagambala at nakahahadlang sa gawain ng iglesia. Sa halip, binantayan ko lang ang aking pananalita sa lahat, sa pagnanais na manatiling kabilang nila. Tila parang napakaamo at hindi nakapipinsala ang aking panlabas na anyo, ngunit ito’y pakitang tao lamang na nakapanlinlang sa aking mga kapatid. Ginamit ko iyong inaakala ng mga tao bilang magandang pag-uugali at mga salita upang makuha ang loob ng iba para magustuhan at tingalain nila ako. Sa ganoong paraan, mas mapapatibay nito ang aking posisyon. Ninais kong maging maayos ang sarili kong landas at ginawa ko iyon kapalit ang mga kapakanan ng tahanan ng Diyos. Sumalungat ako sa mga prinsipyo ng katotohanan at naipahamak ang gawain ng tahanan ng Diyos. Ako ay nasa landas ng mga anticristo. Sa puntong ito, sumagi sa isip ko ang mga salita ng Diyos: “Maaaring napakabait mo at tapat ka sa iyong mga kamag-anak, kaibigan, asawa, anak, at magulang, at hindi ka nagsasamantala sa iba kailanman, ngunit kung hindi mo kayang umayon kay Cristo, kung hindi mo magawang makihalubilo sa Kanya nang maayos, kahit gugulin mo pa ang iyong lahat-lahat sa pagtulong sa iyong mga kapitbahay o sa masusing pag-aalaga sa iyong ama, ina, at mga miyembro ng inyong sambahayan, sasabihin Ko na masama ka pa rin, at bukod dito ay puno ka ng mga tusong panlilinlang(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Yaong mga Hindi Kaayon ni Cristo ay Tiyak na mga Kalaban ng Diyos). Hinayaan akong mamuno ng tahanan ng Diyos upang gabayan ang iba na maisagawa ang katotohanan, gawin ang kanilang tungkulin, itaguyod ang gawain ng Diyos, makipagbahagi sa katotohanan upang lutasin ang mga problema ng iba para maunawaan nila ang kanilang tiwaling diposisyon at matutunang gawin ang kanilang tungkulin na may prinsipyo. Iyon ang aking tungkulin. Ngunit hindi ko ito ginawa ayon sa hinihiling ng Diyos. Nakatuon ako sa aking mga ugnayan at katayuan sa iba, na sa huli’y ipinahamak ang gawain ng tahanan ng Diyos at hinadlangan ang pagpasok sa buhay ng iba. Kumikilos ako sa panig ni Satanas. Ako mismo iyong inilantad ng Diyos sa Kanyang mga salita. Hindi lamang ako masama, kundi madaya, makasarili, at kasuklam-suklam ako. Kung hindi ako nagsisi at nagbago, magiging hadlang ako sa pagpasok sa buhay ng aking mga kapatid. Sa wakas naintindihan ko ang mga patakaran ng aking buhay sa aking pakikipag-ugnayan sa iba. Napagtanto kong mabuti na ang “Tumatagal at gumaganda ang pagkakaibigan sa pananahimik sa mga kasalanan ng mabubuting kaibigan” at “Huwag kailanman sampalin sa mukha ang ibang tao o pagalitan sila sa kanilang pagkukulang” ay mga mala-satanas na lason, hindi mga prinsipyo para sa tamang pag-uugali. Humarap ako sa Diyos sa panalangin, upang magsisi at itama ang aking maling gawain.

Paglaon ay binasa ko ito ayon sa mga salita ng Diyos: “Kung nais mong magkaroon ng normal na kaugnayan sa Diyos, kailangang bumaling ang puso mo sa Diyos. Sa pundasyong ito, magkakaroon ka rin ng normal na kaugnayan sa ibang tao. Kung wala kang normal na kaugnayan sa Diyos, anuman ang gawin mo upang mapanatili ang iyong kaugnayan sa ibang tao, gaano ka man magsumikap o gaanong lakas man ang iyong ibuhos, tutukoy lamang ang lahat ng ito sa isang pilosopiya ng tao sa pamumuhay. Pinananatili mo ang iyong katayuan sa mga tao sa pamamagitan ng isang pananaw ng tao at isang pilosopiya ng tao upang purihin ka ng mga tao, ngunit hindi mo sinusunod ang salita ng Diyos para magtatag ng mga normal na kaugnayan sa mga tao. Kung hindi ka magtutuon ng pansin sa iyong mga kaugnayan sa mga tao kundi magpapanatili ng isang normal na kaugnayan sa Diyos, kung handa kang ibigay ang puso mo sa Diyos at matututong sundin Siya, natural lamang na magiging normal ang iyong mga kaugnayan sa lahat ng tao. Sa ganitong paraan, hindi itinatatag ang mga kaugnayang ito sa laman, kundi sa pundasyon ng pagmamahal ng Diyos. Halos walang pakikipag-ugnayan sa laman, ngunit sa espiritu ay may pagsasamahan, pagmamahalan, kapanatagan sa isa’t isa, at paglalaan para sa isa’t isa. Lahat ng ito ay ginagawa sa pundasyon ng isang pusong nakakalugod sa Diyos. Ang mga kaugnayang ito ay hindi pinananatili sa pag-asa sa pilosopiya ng tao sa pamumuhay, kundi likas na likas na nabubuo sa pamamagitan ng pagdadala ng isang pasanin para sa Diyos. Hindi nito kinakailangan ang pagsisikap na gawa ng tao. Kailangan mo lamang magsagawa ayon sa prinsipyong salita ng Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Napakahalagang Magtatag ng Isang Normal na Kaugnayan sa Diyos). Ipinakita sa akin ng mga salita ng Diyos na ang tamang mga pag-uuganayan ay hindi maitatatag gamit ang mga makasanlibutang pilosopiya. Dapat nating alagaan ang kalooban ng iba alinsunod sa mga salita ng Diyos, at sa ganitong paraan lamang mapakikinabangan ng lahat. Nang makita kong ginagawa ng iba ang kanilang tungkulin na may tiwaling disposisyon na nakaapekto sa kanilang gawain, hindi dapat ako nagtuon sa sarili kong imahe. Dapat ay ginamit ko ang mga salita ng Diyos sa problema upang matulungan silang maunawaan ang kanilang mga tiwaling disposisyon, at nagbahagi tungkol sa kalooban ng Diyos upang maisagawa nila nang maayos ang kanilang tungkulin. Sasang-ayunan sana ito ng Diyos. Madalas na naiintindihan ni Brother Wang ang kanyang sarili ayon sa mga salita ng Diyos, na nangangahulugang nais niyang tugunan ang kanyang mga problema. Ngunit hindi niya naintindihan ang ugat ng kanyang kamalian at hindi niya tunay na kinamuhian ang kanyang sarili kaya’t siya’y nabuhay pa rin sa kanyang tiwaling disposisyon noong nagbangon ang mga suliranin. Kung ginamit ko ang mga salita ng Diyos para suriin ang problema upang makahanap siya ng isang landas ng pagsasagawa, matutulungan sana siya nito. Noong napagtanto ko ito, ninais kong baguhin ang aking gawain at kumilos alinsunod sa mga hinihiling ng Diyos. Pagkatapos noon, ibinuod ko ang mga kamalian ni Brother Wang sa kanyang tungkulin at isa-isa kong inilista. Nakipagbahagi ako sa kanya, pinag-aaralan ang ugat ng kanyang mga problema. Pagkatapos, hindi niya ako kinamuhian o iniwasan tulad ng inakala kong gagawin niya, bagkus ay tinanggap niya ang aking pagbabahagi. Nagpadala siya sa akin ng mensahe na nagsasabing “Salamat sa pagpuna nito, dahil kung hindi ay hindi ko sana malalaman kung gaano kaseryoso ang problema.” Naantig talaga ako. Sa sandaling naitama ko ang aking mga motibo at hindi sa aking imahe nakatuon, at naisagawa ang mga salita at mga prinsipyo ng Diyos, maaari akong magbigay ng praktikal na suporta sa iba. Nakaramdam din ako ng kapayapaan.

Paglaon, napansin ko ang isang kapatid na nagpaliban sa kanyang tungkulin, na humantong sa maraming mga problema. Naging negatibo siya nang makita ang mga problemang ito. Napagtanto ko na ang mga problemang ito ay nagmula sa pag-uugali niya sa kanyang tungkulin, kaya ginusto kong magsalita. Ngunit naisip ko, “Pinanghihinaan na siya ng loob. Kung pag-uusapan pa namin ang kanyang mga problema, hindi ba’t parang nilalagyan ko ng asin ang sugat niya? Kung mas magiging negatibo siya, maaaring sabihin ng mga tao na napakasama ng pagkatao ko, at pagkatapos ay ibubukod nila ako.” Naisip ko na kung makakahanap ako ng paraan upang maayos ang mga problema sa kanyang tungkulin, ay hindi ko na kakailanganing banggitin ang mga ito. Pagkatapos ay napagtanto ko na kumikilos akong muli ayon sa mga pilosopiya ni Satanas, at kung hindi ko pupunahin ang kanyang mga kamalian, hindi niya makikita ang kanyang tiwaling disposisyon at hindi iyon makakatulong sa kanya. Nanalangin ako sa Diyos at hinanap ang mga prinsipyo ng katotohanan. Pagkatapos, binasa ko ang mga salita ng Diyos: “Ang Diyos ay hindi kailanman nag-aalangan o nag-aatubili sa Kanyang mga kilos; ang mga prinsipyo at mga layunin sa likod ng Kanyang mga pagkilos ay malinaw at nakikita ng lahat, dalisay at walang kapintasan, lubos na walang mga daya o mga balakin na nakahalo sa loob. Sa madaling salita, walang nakahalong kadiliman o kasamaan sa diwa ng Diyos(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II). “Hindi namamagitan ang Diyos; hindi Siya nadudungisan ng mga ideya ng tao. Para sa Kanya, ang isa ay isa at ang dalawa ay dalawa; ang tama ay tama at ang mali ay mali. Walang anumang kalabuan(“Tanging ang Pagiging Totoong Masunurin ang Tunay na Paniniwala” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Ipinakita nito sa akin na ang Diyos ay napakamaprinsipyo sa Kanyang mga salita at gawa, na alam Niya kung ano ang gusto Niya at kung ano ang ayaw Niya. Sinasang-ayunan ng Diyos kapag gumawa ang mga tao ng mga positibong bagay, ngunit kapag nilabag nila ang katotohanan at ipinahamak ang tahanan ng Diyos, kinamumuhian Niya ito. Ang Diyos ay tiyak sa Kanyang mga kilos—walang kalabuan. Dahil dito’y napaisip ako kung paano bago ipinako sa krus ang Panginoong Jesus, sinabi ni Pedro, “Panginoon, malayo ito sa Iyo: kailan man ay hindi mangyayari ito sa Iyo” (Mateo 16:22). Ngunit sinabi ng Panginoon, “Lumagay ka sa likuran Ko, Satanas(Mateo 16:23). Sa pagsasabi nito, pinipigilan ni Pedro ang gawain ng Diyos, kung kaya’t kinilala ito ng Diyos bilang nagmumula kay Satanas. Hindi nagpigil ang Panginoong Jesus sa takot na masaktan ang pagsasaalang-alang sa sarili ni Pedro. Malinaw ang ginawa Niyang pagpapasiya batay sa mga ikinilos ni Pedro upang makita niya ang pag-uugali ng Diyos na tiyak at may kamalayan sa likas ng kanyang mga kilos. Ipinakita sa akin ng pag-uugali ng Diyos ang mga prinsipyo ng pagsasagawa. Ang pagpapaubaya at pagpasensya ay katanggap-tanggap para sa ilang mga problema, ngunit kung may makakaapekto o makapipigil sa gawain ng tahanan ng Diyos, ay kinakailangan na ng pakikipagbahagi at pagtupad sa mga prinsipyo ng katotohanan. Hindi puwedeng isaalang-alang ko palagi ang iba. Alam kong negatibo ang pakiramdam ng aking kapatid, ngunit sa tamang mga motibo, na hindi minamaliit o pinagagalitan siya, bagkus ay sa mapagmahal na pakikipagbahagi sa katotohanan upang makatulong na pag-aralan ang kanyang mga problema, maiintindihan niya ang kanyang tiwaling disposisyon. Sa gayo’y maaari naming hangarin ang landas ng pagsasagawa at magagawa ko ang aking tungkulin ayon sa kalooban ng Diyos. Pagkatapos ay hinanap ko siya upang magpagbahagi sa kanyang mga problema at talakayin ang kanyang mga maling pananaw. Nagbahagi rin ako ng aking karanasan upang magsilbing gabay. Natakot ako na baka masyadong malupit ang ganitong uri ng pakikipagbahagi at baka hindi niya ito kayanin. Ngunit nang matapos ako, hindi siya nalumbay o sumama ang loob sa akin tulad ng naisip ko, sa halip ay taos-puso niyang sinabi na hindi niya naintindihan ang kanyang mga problema noon at maaari niyang tanggapin ang ganitong pakikitungo. Naging mabuti ang kanyang pag-uugali sa kanyang tungkulin pagkatapos noon at nagsimula siyang hanapin ang mga prinsipyo ng katotohanan. Masaya akong nakita ito. Ang pagsasagawa ng katotohanan at paggawa ng aking tungkulin alinsunod sa mga salita ng Diyos ay napakasarap sa pakiramdam.

Sa aking pakikipag-ugnayan sa iba, palagi akong natatakot na mapahiya ang mga tao sa pagiging agresibo ko, kung kaya’t ang aking mga ugnayan ay nakabatay sa mga makamundong pilosopiya. Isang nakapapagod na paraan upang mabuhay. Sa pamamagitan ng mga karanasang ito at ng patnubay ng mga salita ng Diyos, nalaman ko kung ano talaga ang pagiging mabuting tao. Naranasan ko rin na mahalaga na mapanindigan ang mga prinsipyo ng katotohanan at isagawa ang mga salita ng Diyos kapag nakikipag-ugnayan sa iba. Iyon ang tunay na prinsipyo ng mabuting pag-uugali. Salamat sa Diyos!

Sinundan: 48. Isagawa ang Katotohanan upang Maisabuhay ang Pagiging Kawangis ng Tao

Sumunod: 50. Ang Nasa Likod ng Isang “Magandang Imahe”

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito