136 Sana Araw-Araw Kong Nakakasama ang Diyos

1 Sa araw ng paghihiwalay natin sa Diyos, may ngiti sa Kanyang mukha. Lumingon Siya at kumaway sa atin, at tahimik na lumuluhang pinanood natin Siyang papalayo. Dahil kailangan siya ng mga iglesia, hindi ko Siya mahimok na manatili. Pinanood ko ang likod Niya habang Siya’y papalayo. Itinago ko ang mga pangaral Niya sa puso ko. Sa tuwing ako’y nanghihina, iniisip ko ang halagang ibinayad ng Diyos. Ang maalalahanin at magiliw na pag-ibig ng Diyos at ang Kanyang makapangyarihang mga salita ang humihikayat at nagpapainit sa puso ko, dinodoble ang pakiramdam kong may pagkakautang ako sa Diyos. Namumuhi ako sa sarili ko dahil masyado akong nag-aalala para sa laman, at ramdam kong hindi ako karapat-dapat na mamuhay sa harapan Niya.

2 Sa tuwing iniisip ko ang pag-ibig ng Diyos, lalong sumisigla ang puso ko. Gusto kong gawin ang aking tungkulin upang suklian ang pag-ibig ng Diyos, ngunit nararamdaman kong napakababa ng tayog ko. Kailan ako lalago at magagawang magpatotoo sa Diyos at maglingkod sa Kanya? Desidido akong isagawa ang salita ng Diyos para mabilis na lumago ang buhay ko. Talagang nais kong nasa tabi ng Diyos at magtapat sa Kanya ng napakaraming mga bagay. Sa pag-alala sa mga panahong kami’y magkasama, napuno ang puso ko ng matamis na kaligayahan. Mapagpakumbabang namumuhay ang Diyos kasama ng tao, tinutustusan tayo ng katotohanan at buhay. Tinitingala natin Siya sa ating mga puso; minamahal natin Siya nang labis at naghahangad tayo na makasama Siya araw-araw.

Sinundan: 135 Pananabik sa Diyos

Sumunod: 137 Mamahalin Ko ang Diyos Magpasawalang-hanggan

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

610 Tularan ang Panginoong Jesus

ⅠTinapos ni Jesus ang misyon ng Diyos,ang pagtubos sa lahat ng taosa paglalagak sa Diyos ng alalahanin N’ya,nang walang pansariling layunin...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito