Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

903 Paano Nagsisimula ang Pasakit ng Sangkatauhan?

1 Dahil hindi nakikilala ng mga tao ang pagsasaayos ng Diyos at ang dakilang kapangyarihan ng Diyos, palagi nilang hinaharap ang kapalaran nang pasuwail, na may mapanghimagsik na saloobin, at palaging nais isantabi ang awtoridad at dakilang kapangyarihan ng Diyos at ang mga bagay na inilaan ng kapalaran, umaasa nang walang-saysay na mababago ang kanilang kasalukuyang mga kalagayan at mapapalitan ang kanilang kapalaran. Subalit hindi sila kailanman magtatagumpay; nahahadlangan sila sa bawat liko. Ang pakikibakang ito na nagaganap sa kaibuturan ng sariling kaluluwa, ay masakit; ang sakit ay di-malilimutan; samantala unti-unti niyang inaaksaya ang kanyang buhay.

2 Ano ang sanhi ng sakit na ito? ito ay dahil sa mga landas na tinatahak ng mga tao, sa mga paraan na pinili ng mga tao na isabuhay ang kanilang mga buhay. May ilang tao na maaaring hindi nakatanto ng mga bagay na ito. Subalit kapag tunay mong nalalaman, kapag tunay mong nakikilala na ang Diyos ay may kapangyarihan sa kapalaran ng tao, kapag tunay mong nauunawaan na ang lahat ng naplano at napagpasyahan ng Diyos para sa iyo ay isang malaking benepisyo, at isang malaking proteksyon, kung gayon unti-unting gagaan ang iyong sakit, at ang buo mong pagkatao ay magiging maalwan, malaya, napalaya.

3 Ang kalungkutan ng tao ay hindi ang paghahanap ng tao ng maligayang buhay, hindi sa hinahangad niya ang katanyagan at tagumpay o mga pakikibaka laban sa kanyang sariling kapalaran sa kalituhan, kundi pagkatapos niyang makita ang pag-iral ng Lumikha, matapos niyang matutuhan ang katotohanan na ang Lumikha ang may kapangyarihan sa kapalaran ng tao, hindi pa rin niya maiwasto ang kanyang mga paraan, hindi maalis ang kanyang mga paa sa pusali, ngunit pinatitigas ang kanyang puso at nagpupumilit sa kanyang mga pagkakamali. Mas nanaisin pa niyang magpatuloy sa paghahaplit sa putikan, matigas ang ulong nakikipagpaligsahan sa dakilang kapangyarihan ng Lumikha, tinututulan ito hanggang sa mapait na katapusan, wala ni katiting na pagsisisi, at tanging kapag siya’y nakahigang wasak at nagdurugo saka siya magpapasyang sumuko at bumalik. Ito ang tunay na pighati ng tao. Kaya sinasabi Ko, yaong pinipili ang magpasailalim ay matatalino, at yaong pinipili ang tumakas ay suwail.

Hango sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinundan:Hindi Makokontrol ng Sangkatauhan ang Sarili Nilang Kapalaran

Sumunod:Dinodomina at Ipinaplano ng Diyos ang Kapalaran ng Sangkatauhan

Baka Gusto Mo Rin