Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

312 Pananabik sa Diyos

1

Sa panonood ng pag-alis ang Diyos, ang puso koy’ nadudurog.

Ang mga nakaraang sandali ay nagbabalik sa aking isipan, ang mga turo ng Diyos ay umaalingawngaw sa aking mga tainga.

Huwag malungkot, huwag mabalisa.

Sa sandali ng ating paghihiwalay, napakarami ng mga salita sa aking puso na nais kong ipagtapat.

O Diyos, o Diyos, mahal na Diyos!

Kailan tayo muling magkikita, kailan namin muling maririnig ang Iyong mga turo?

2

Nasasabik ako sa Diyos, ang aking puso’y labis na nagsisisi.

Napakaraming paglabag na mahirap bumawi, isang utang na naiwan sa aking puso.

Ang salita ng Diyos ay humahatol, at sila’y umaaliw sa akin.

Pinapalakas Niya ako, nang paulit-ulit, at matiyagang nagtuturo sa akin;

Ang Kanyang mga salita ay gumagabay sa akin nang pasulong sa bawat hakbang.

O Diyos, o Diyos, mahal na Diyos!

Ang aming mga puso ay naghahangad sa Iyo, aming sinasalubong ang Iyong pagpapakita sa madla.

3

Nasasabik ako sa biyaya ng Diyos, naghahangad sa Diyos.

Lumalakad akong kasama ang Diyos sa malalaking kahirapan at panganib; sa kagipitan, dama ko ang pag-ibig Niya nang mas malalim.

Kahihiyan at luha, sakit at kirot.

Sa gitna ng kahirapan at pagpipino, ang mga Salita ng Diyos ay nasa akin; naninindigan ako sa aking patotoo, at matagumpay laban kay Satanas.

O Diyos, o Diyos, mahal na Diyos!

Nawa’y palagi Kang magbantay sa amin, upang kami ay mamuhay sa yakap ng Iyong pagmamahal.

4

Kaya kong sabihin ang nakaraang pinagsaluhan nang walang katapusan.

Ngunit luha’y pumupuno sa aking mga mata at ako’y walang masabi, ang pagpapalakas ng Diyos ay naalala sa aking puso.

Pupunta ako sa dulo ng mundo, sa lalim ng karagatan.

Gaano man kahirap ang paglalakbay, hindi ako dapat lumihis sa pagtupad sa aking misyon.

O Diyos, o Diyos, mahal na Diyos!

Ikaw ang Diyos namin magpakailanman, kami ay walang hanggang magmamahal at nabibilang sa Iyo.

Sinundan:Walang Hanggang Pananabik

Sumunod:Saan Ka man Pumunta Magiging Kasama Mo Ako

Kaugnay na Content