715 Ito ang Wangis ng Isang Tunay na Tao

1 Ang isang naniniwala sa Diyos ay dapat magbasa ng maraming mga salita Niya bago mauunawaan ang katotohanan; sa pamamagitan lamang ng pag-unawa sa katotohanan na makikilala ng isang tao ang kanyang sarili at matutukoy at makikita nang malinaw kung anong mga tiwaling disposisyon mayroon siya. Upang isagawa ang katotohanan at mamuhay sa harap ng Diyos, ang isang tao’y dapat ipagkanulo ang kanyang laman at magsimula ng isang pakikidigma laban sa kanyang mga kagustuhan, kanyang mga pagnanasa, at kanyang mga satanikong disposisyon. Kung talagang kinamumuhian ng mga tao ang kanilang mga satanikong disposisyon at tunay na kinamumuhian ang mga kagustuhan ng laman, makakaya nilang magsagawa nang naaayon sa katotohanan nang may kamalayan, at ang mga kilos nila ay magkakaroon ng prinsipyo, magkakaroon ng saklaw, at mga limitasyon; ang mga ito ang mga bungang nakamit sa pamamagitan ng pag-unawa sa katotohanan. Kung hindi nauunawaan ng mga tao ang katotohanan, palagi silang pamumunuan at igagapos ng laman, nang walang daan pasulong.

2 Kung nakakaranas ang mga tao hanggang sa dumating ang araw kung kailan ang kanilang pananaw sa buhay at ang kabuluhan at ang batayan ng kanilang pag-iral ay lubusang nabago na, kapag naiba na sila hanggang sa kanilang pinaka-buto, at naging ibang tao na, hindi ba ito magiging hindi kapani-paniwala? Ito ay malaking pagbabago, isang kamangha-manghang pagbabago. Tanging kapag ikaw ay di-interesado sa katanyagan at kayamanan, katayuan, salapi, kasiyahan, at karangyaan ng mundo, at madaling napalalampas ang mga ito, magkakaroon ka ng wangis ng isang tao. Ang mga sa bandang huli ay magagawang ganap ay isang grupong katulad nito; nabubuhay sila para sa katotohanan, nabubuhay para sa Diyos, at nabubuhay para sa kung ano ang makatarungan. Ito ang wangis ng isang tunay na tao.

Hango sa Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi

Sinundan: 714 Mabubuhay Yaong May Pagbabago sa Disposisyon na Kawangis ng Isang Tao

Sumunod: 716 Tanging Yaong Mga May Katotohanan ang Makakapagsabuhay ng Isang Tunay na Buhay

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

147 Awit ng Taos-pusong Pagkapit

ⅠNarito ang Isa, S’ya ay D’yos sa katawang-tao.Wika’t gawa N’ya, lahat katotohanan.Dunong N’ya at pagkamat’wid ay aking mahal.Nakita’t...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito