19. Natutuhan Ko Kung Paano Tratuhin nang Maayos ang mga Tao

Ni Siyuan, France

Ilang taon na ang nakalilipas, ginagawa ko noon ang tungkulin ng isang lider ng iglesia. May isang kapatid sa iglesia na ang apelyido ay Chen na may mahusay na kakayahan. Ngunit lubhang mapagmataas ang kanyang disposisyon, at ugali niyang pigilin ang ibang tao. Mahilig siyang magpasikat, kaya nagsimula na akong magkaroon ng mga pagkiling laban sa kanya at bumuo ako ng opinyon tungkol sa kanya. Isang araw, lumapit sa akin si Brother Chen at sinabi niyang gusto niyang diligan ang mga bagong mananampalataya. Bago pa lang siyang mananampalataya sa Diyos at may mababaw na pagkaunawa sa katotohanan kaya tumanggi ako. Nang makita niyang hindi ako papayag, sinabi niya, “Mahusay ang kakayahan ko, bakit hindi ako nararapat sa tungkulin ng pagdidilig? Kung hindi ko iyon gagawin, masasayang lang ang aking mga talento.” Hindi ko ito matanggap nang maayos, at naisip ko, “Sa tingin mo napakadali ng tungkulin ng pagdidilig? Kaya mo bang gawin nang mabuti ang tungkulin na ito gamit lang ang iyong angking talento at kakayahan, nang hindi nauunawaan ang katotohanan? Huwag kang masyadong bilib sa sarili mo.” Tinanggihan ko ang pakiusap ni Brother Chen at sinabihan ko ang ibang mga kapatid kung gaano siya kamapagmataas. Binigyan ko sila ng mga halimbawa ng kanyang katiwalian. Ang ilan sa kanila ay sumang-ayon sa akin.

Pagkalipas ng dalawang linggo, gumawa ng pagsasaayos ang iglesia na sa mga susunod na pagtitipon, maaari kaming manood ng mga pelikulang pang-simbahan at magbasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Ang mga pelikulang ito ay nagbahagi ng katotohanan at nagpatotoo sa Diyos, kaya ang panonood sa mga ito ay makatutulong sa amin na mas maintindihan ang katotoohan. Sa sumunod na pagtitipon, sinabi ni Brother Chen, “Isa itong magandang plano. Ang ilang mga pinuno at manggagawa ay nagbabahagi lang nang pagkahaba-haba sa mga pagtitipon, kaya mas mabuting manood ng mga pelikula. Noong umpisa nahirapan ako talaga sa tungkulin ko dahil hindi ko nauunawaan ang katotohanan. Pero nagdasal at umasa ako sa Diyos, at mas nagbasa ng mga salita ng Diyos, at ang mga pelikulang pang-simbahang ito ay malaki rin ang naitulong sa akin. May naunawaan akong ilang katotohanan mula sa mga ito. Ngayon ay mas bihasa na ako sa aking tungkulin at mayroon akong pangunahing pang-unawa sa mga prinsipyo. Mas marami akong nakakamit sa aking tungkulin.” Ang kanyang pagbabahagi ay nakakainis at hindi katanggap-tanggap para sa akin, at naisip ko, “Talagang kinukuha mo ang bawat pagkakataon na magpasikat, ano? Napakamapagmataas mo!” Maya-maya ay inilatag namin ang ilan sa mga isyu na kailangan naming iwasto sa susunod na pagtitipon at bigla na lang nakisali si Brother Chen para pakialaman ang tatlo sa mga ito. Itinalaga rin niya ang mga natitirang isyu sa iba upang mabigyan ng pagbabahagi. Noong itatalaga ko na ang isang pinuno ng grupo para pangasiwaan ang isang pagtitipon, tinanong siya ni Brother Chen nang may pagdududa, “Sigurado ka bang kaya mong gawin ito?” Nang marinig kong sinabi niya iyon na para bang siya lang ang posibleng mangasiwa ng pagtitipon, nagalit ako, at naisip ko, “Hindi ka makatwiran. Nagpapasikat ka lang para tingalain ka ng iba. Kung iyon lang ang gusto mong makuha, kalimutan mo na ito.” Kaya isinaayos ko ulit ang lahat at hindi ko siya pinayagang mangasiwa ng pagtitipon. Sa panahong iyon, nakakaramdam ako ng pagkainis kay Brother Chen sa tuwing naiisip ko ang kanyang pag-uugali, lalo na't ilang beses ko nang nabanggit sa kanya ang mapagmataas niyang pag-uugali at hindi pa rin siya nagbabago. Pakiramdam ko ay ubod siya ng yabang, at hindi niya alam ang kanyang limitasyon. Kaya ginawa ko siyang halimbawa ng isang taong hindi na magbabago at naisip ko na ang isang taong kasing yabang niya ay hindi nararapat sa kanyang tungkulin. Akala ko kailangan ko lang siyang palitan at iyon na iyon.

Nang matapos ang pagtitipon, naisip ko ang sarili kong kalagayan at pag-uugali, at bahagya akong nakonsiyensiya. Pakiramdam ko’y masyado akong naging malupit kay Brother Chen, kaya nagdasal ako sa Diyos, sinabi kong, “O Diyos, alam kong mali ang kalagayan ko, pero hindi ko alam kung ano ang problema ko o kung anong prinsipyo ng katotohanan ang kailangan kong ipamuhay. Pakiusap, bigyang-liwanag at gabayan mo po ako.” Nang sumunod na araw habang nasa debosyonal, binasa ko ang mga salitang ito ng Diyos: “Ayon sa anong prinsipyo mo dapat tratuhin ang mga miyembro ng pamilya ng Diyos? (Tratuhin ang bawat isang kapatid nang patas.) Paano mo sila tinatrato nang patas? Lahat ay may maliliit na pagkakamali at pagkukulang, maging ng ilang kakatwang gawi; lahat ng tao ay may taglay na pagmamagaling, kahinaan, at mga aspeto kung saan sila nagkukulang. Dapat kang tumulong sa kanila nang may pusong mapagmahal, maging mapagparaya at matiisin, at huwag maging masyadong malupit o huwag mong palakihin ang bawat maliit na detalye. Sa mga taong bata pa o bago pa lang na nananalig sa Diyos, o kailan lang nagsimulang gumanap sa kanilang mga tungkulin at may ilang espesyal na kahilingan, kung basta mo na lang sasamantalahin ang mga bagay na ito at gagamitin ang mga ito laban sa kanila, ito ang tinatawag na pagmamalupit. Hindi mo pinapansin ang kasamaang ginawa ng mga bulaang lider at anti-cristong iyon, subali’t kapag namataan mo ang maliliit na pagkukulang at pagkakamali ng iyong mga kapatid, ayaw mo silang tulungan, sa halip ay pinipili mong palakihin ang mga bagay-bagay at hinuhusgahan sila nang talikuran, sa gayo’y dumarami pa ang mga taong kumokontra, hindi nagsasali, at nagbubukod sa kanila. Anong klaseng pag-uugali iyan? Paggawa lamang iyan ng mga bagay-bagay ayon sa sarili mong kagustuhan, at hindi pagtrato nang patas sa mga tao; nagpapakita iyan ng isang tiwali at napakasamang disposisyon! Paglabag iyan! Kapag gumagawa ang mga tao ng mga bagay-bagay, nakamasid ang Diyos; anuman ang ginagawa mo at paano ka man nag-iisip, nakikita Niya iyon!(“Para Tamuhin ang Katotohanan, Dapat Matuto Ka Mula sa Mga Tao, Mga Pangyayari, at Mga Bagay sa Paligid Mo” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Ipinakita sa akin ng mga salita ng Diyos ang aking kalagayan at nakaramdam ako ng hiya. Nakita ko na pinakikitunguhan ko si Brother Chen gamit ang aking tiwaling disposisyon. Nang balikan ko ang mga panahon mula nang makilala ko siya, nakita ko na palagi niyang ibinubunyag ang kanyang pagiging mapagmataas sa kanyang mga salita at gawa, kaya pakiramdam ko ay masyado siyang bata at bastos, at hindi niya kilala ang kanyang sarili. Mabanggit lang nang kaunti ang pangalan niya, wala akong ibang naiisip kundi ang kanyang mga pagkakamali. Ang pagpapahayag lang niya ng katiwalian ang pinagtuunan ko at iniisip na hindi na makatwiran ang kanyang kayabangan, at ang mga taong tulad niya ay hindi na magbabago. Kaya kailanman ay hindi ko siya trinato nang patas. Kinalaban at kinontra ko ang anumang pananaw na kanyang ipinahayag. Hinusgahan ko siya at minaliit sa harap ng iba, at nagpakalat ng mga bagay na laban sa kanya, at inudyukan ang iba na lumayo at tanggihan siya katulad ng ginawa ko. Ginusto ko pang alisin siya sa kanyang tungkulin. Hindi ba’t ginagamit ko ang aking posisyon bilang lider upang hadlangan at pabagsakin siya? Itinuring ko ang aking mga pananaw at paniniwala bilang ang katotohanan, bilang sukatan ko sa paghusga ng tao, na para bang sa isang sulyap ay alam ko na ang lahat tungkol sa isang tao, at nakikita ko na ang kanilang pinakadiwa. Labis akong mapagmataas at may labis na pagtingin sa sarili. Ako ay lubhang nagawang tiwali ni Satanas, walang mga prinsipyo ng katotohanan, at madalas na may kakaibang pananaw, ngunit walang pasubali ko pa ring hinusgahan at kinondena ang iba. Wala akong ano mang katuturan! Wala ako ni katiting na paggalang sa Diyos. Tinrato ko ang aking mga kapatid sa kahit na anong paraang gusto ko at isinabuhay ang isang mala-demonyong kalikasan. Nakapangingilabot ito para sa Diyos, sobrang nakasusuklam para sa iba. Sising-sisi ako sa isiping iyon.

Pagtapos noon, naghanap ako sa mga salita ng Diyos ng mga prinsipyo kung papaano patas na pakitunguhan ang mga tao. May nahanap akong dalawang sipi ng mga salita ng Diyos: “Malinaw na ipinapakita at ipinahihiwatig sa mga salita ng Diyos kung paano mo dapat tratuhin ang iba; ang saloobin ng Diyos sa pagtrato sa sangkatauhan ang saloobing dapat taglayin ng mga tao sa pagtrato nila sa isa’t isa. Paano tinatrato ng Diyos ang bawat isang tao? Ang ilang tao ay isip-bata, o bata pa, o nanalig na sa Diyos sa loob ng maikling panahon. Maaring nakikita ng Diyos ang mga taong ito bilang hindi masama ni malisyoso ang kalikasan at esensya; medyo mangmang lang sila o kulang sa kakayahan, o narumihan na sila nang husto ng lipunan. Hindi pa sila nakapasok sa realidad ng katotohanan, kaya hindi nila maiwasang gumawa ng ilang kalokohan o kamangmangan. Gayunman, sa pananaw ng Diyos, hindi mahalaga ang gayong mga bagay; tumitingin lamang Siya sa puso ng mga tao. Kung desidido silang pumasok sa realidad ng katotohanan, patungo sila sa tamang direksyon, at ito ang kanilang layon, sa gayo’y nakamasid sa kanila ang Diyos, naghihintay, at nagbibigay ng panahon at mga pagkakataon para makapasok sila. Hindi naman sa pinababagsak sila ng Diyos sa isang suntok, ni sinasamantala ang isang pagkakamaling minsan nilang nagawa at hindi na sila binibitawan; hindi Niya natrato nang ganito ang mga tao kahit kailan. Ngayong nabanggit iyan, kung ganyan ang pagtrato ng mga tao sa isa’t isa, hindi ba nagpapakita iyan ng kanilang tiwaling disposisyon? Iyan mismo ang kanilang tiwaling disposisyon. Kailangan mong tingnan kung paano tinatrato ng Diyos ang mga taong mangmang at loko-loko, kung paano Niya tinatrato ang mga isip-bata, kung paano Niya tinatrato ang normal na mga pagpapakita ng tiwaling disposisyon ng sangkatauhan, at kung paano Niya tinatrato yaong mga may masamang hangarin. Iba-iba ang mga paraan ng Diyos sa pagtrato sa iba’t ibang tao, at iba-iba rin ang mga paraan ng Kanyang pamamahala sa napakaraming kundisyon ng iba’t ibang mga tao. Kailangan mong maunawaan ang katotohanan ng mga bagay na ito. Kapag naunawaan mo na ang mga katotohanang ito, malalaman mo na kung paano danasin ang mga ito(“Para Tamuhin ang Katotohanan, Dapat Matuto Ka Mula sa Mga Tao, Mga Pangyayari, at Mga Bagay sa Paligid Mo” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). “Maaaring hindi ka kaayon sa personalidad ng isang tao, at maaaring ayaw mo sa kanya, ngunit kapag nakikipagtulungan ka sa kanya, nananatili kang walang pinapanigan at hindi mo ibubunton ang mga pagkadismaya mo sa paggawa ng iyong tungkulin, isasakripisyo ang iyong tungkulin, o ilalabas ang mga pagkadismaya mo sa mga interes ng pamilya ng Diyos. Magagawa mo ang mga bagay-bagay ayon sa prinsipyo; sa gayon, mayroon kang pangunahing pagpipitagan sa Diyos. Kung mayroon kang medyo higit pa riyan, kapag nakita mo na may ilang kamalian o kahinaan ang isang tao—kahit nagkasala siya sa iyo o napinsala niya ang iyong sariling mga interes—kaya mo pa rin siyang tulungan. Mas makabubuti pang gawin iyon; mangangahulugan iyon na ikaw ay isang taong may taglay na pagkatao, katotohanang realidad, at pagpipitagan sa Diyos(“Ang Limang Kinakailangang Kalagayan Upang Mapunta sa Tamang Landas ng Pananampalataya ng Isang Tao” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw).

Ang mga salita ng Diyos ay napakalinaw tungkol sa mga prinsipyo at landas sa patas na pagtrato sa mga tao, pati na ang Kanyang saloobin ukol sa mga tao. Ang Kanyang saloobin sa mga anticristo at masasamang tao ay may poot, sumpa, at parusa. Para naman sa mga may mababang tayog, mahinang kakayahan, at may iba’t ibang tiwaling disposisyon at pagkakamali, hangga’t tunay silang naniniwala sa Diyos, nagnanais na hanapin ang katotohanan, at kayang tanggapin ang katotohanan, ang saloobin ng Diyos ay may pagmamahal, awa, at kaligtasan. Nakikita natin na ang Diyos ay maprinsipyo sa Kanyang pagtrato sa bawat tao, at hinihiling Niya na tratuhin natin ang iba nang ayon sa mga prinsipyo ng katotohanan. Halimbawa, dapat tayong maging mapagparaya at mapagpatawad sa mga tunay na naniniwala sa Diyos. Dapat natin silang tulungan nang may pagmamahal at bigyan sila ng pagkakataon na magsisi at magbago. Hindi natin sila maaaring pabagsakin dahil lang nagpapahayag sila ng ilang katiwalian. Hindi iyan ang kalooban ng Diyos. Tingnan mo si Brother Chen—mayroon siyang mahusay na kakayahan at responsable siya sa kanyang tungkulin. Handa rin siyang hanapin ang katotohanan. Iyon nga lang, isa siyang bagong mananampalataya, ang kanyang karanasan ay mababaw, at siya’y medyo mas mapagmataas kaysa sa iba. Dapat ay itinrato ko siya nang patas ayon sa prinsipyo ng katotohanan at buong pagmamahal na ibinahagi sa kanya ang katotohanan para matulungan ko siya. Gayunman, hindi ko lang siya hindi tinutulungan, binabalewala ko rin ang kanyang kalakasan at magagandang punto, sa halip ay hinusgahan at hindi ko pa siya ibinilang, at ginusto kong mawala siya noong makita ko ang kanyang mga kakulangan. Nagkaroon ako ng likas na masamang hangarin! Inisip ko kung paano ba ako bilang lider. Sa oras na iyon, palagi kong iniisip na mas magaling ako sa iba, gusto ko na palaging ako ang masusunod, ginagawa ang kahit na anong gusto ko, at hindi ako nakikinig sa opinyon ng iba. Bilang resulta, may mga bagay akong nagawa na nakagambala sa gawain ng simbahan. Gayunpaman, hindi pa rin ako inalis ng Diyos, sa halip ay ginamit Niya ang kanyang mga salita para hatulan, disiplinahin, at iwasto ako para magnilay-nilay ako sa aking sarili, binibigyan ako ng pagkakataon na magsisi at magbago. Nakita ko na ang Diyos ay hindi sumusuko sa atin o inaalis tayo dahil lang sa pagpapahayag ng ilang katiwalian, kundi ginagawa Niya ang lahat upang iligtas tayo. Talagang may napakabuting puso ang Diyos! At nang isipin ko ang aking sariling pag-uugali at kung papaano ko tinatrato si Brother Chen, nagdulot sa akin ito ng sobrang kahihiyan na gusto kong lamunin ako ng lupa.

Pagkatapos ay binasa ko ang mga salitang ito ng Diyos: “Tungkol naman sa kung mabuti o masama ang isang tao, at kung paano siya dapat tratuhin, dapat magkaroon ang mga tao ng sarili nilang mga prinsipyo ng pag-uugali; gayunman, tungkol sa kahihinatnan ng taong iyon—kung siya ba ay mauuwing parurusahan ng Diyos, o kung siya ba ay mauuwing hahatulan at kakastiguhin—Diyos na ang bahala roon. Hindi dapat makialam ang mga tao; hindi ka tutulutan ng Diyos na manguna para sa Kanya. Diyos na ang bahala kung paano tatratuhin ang taong iyon. Hangga’t hindi pa nagpapasiya ang Diyos kung ano ang kahihinatnan ng gayong mga tao, hindi pa sila pinapaalis, at hindi pa sila pinarurusahan, at inililigtas sila, dapat mo silang tulungan nang buong tiyaga, dahil sa pagmamahal; hindi mo dapat asamin na malaman ang kahihinatnan ng gayong mga tao, ni hindi mo dapat gamitin ang paraan ng tao upang sugpuin o parusahan sila. Maaaring pinakikitunguhan o pinupungusan mo ang gayong mga tao, o maaaring binubuksan mo ang puso mo at nakikisali ka sa taos-pusong pakikibahagi upang tulungan sila. Gayunman, kung binabalak mong parusahan, layuan, at mapagbintangan ang mga taong ito, magkakaproblema ka. Magiging kaayon ba ng katotohanan ang paggawa niyon? Ang pagkakaroon ng gayong mga ideya ay manggagaling sa pagiging mainit ang dugo; ang mga ideyang iyon ay nagmumula kay Satanas at nanggagaling sa hinanakit ng tao, pati na rin sa inggit at pagkamuhi ng tao. Ang gayong pag-uugali ay hindi umaayon sa katotohanan. Ito ay isang bagay na magbababa ng paghihiganti sa iyo, at hindi ito naaayon sa kalooban ng Diyos(“Ang Limang Kinakailangang Kalagayan Upang Mapunta sa Tamang Landas ng Pananampalataya ng Isang Tao” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Ipinakita sa akin ng mga salita ng Diyos na dapat akong maging maprinsipyo sa paraan ng pagtrato ko sa ibang tao. Hindi ko maaaring basta na lang ihiwalay ang iba gamit lang ang aking mga kuru-kuro at imahinasyon o pagtuunan lang ang kanilang mga paglabag, at kondenahin sila. Sa halip ay dapat tratuhin ko sila nang ayon sa kanilang kalikasan at diwa, at tulungan sila sa mga praktikal na paraan base sa kanilang iba’t ibang mga kalagayan at pagkakamali. Depende sa kalagayan ng ibang tao, ang isang tao na may realidad ng katotohanan ay alam kung kailan magiging mapagpasensiya at matulungin, kung kailan magpupungos at magwawasto nang malupit, at kung kailan sila dapat sawayin. Palagi silang kumikilos nang tama at nang may prinsipyo. Hindi nila kailanman basta na lang lilimitahan ang isang tao o tatratuhin ang isang brother o sister na nagpapahayag ng katiwalian bilang isang kaaway. Pero papaano ko nga ba tinatrato si Brother Chen? Nang makita ko siyang naghayag ng mapagmataas na disposisyon, binanggit ko lang ito nang bahagya sa kanya at nang hindi iyon gumana, inalis, hinusgahan, at kinondena ko siya, at siniraan habang siya’y nakatalikod. Wala akong pagpaparaya o pasensiya. Hinding-hindi ito pagtulong sa kanya nang may mapagmahal na puso. Pagkatapos ay nagdasal ako at nagsisi sa Diyos. Gusto kong isagawa ang mga prinsipyo ng katotohanan at tulungan si Brother Chen nang may mapagmahal na puso.

Kaya pinuntahan ko si Brother Chen at nagbahagi sa kanya ng ilang sipi ng mga salita ng Diyos at sinabi ko ang kanyang mga pagkakamali. Nagsimula na niyang maintindihan ang sarili niyang mapagmataas na disposisyon at napagtanto niya ang panganib kung iiwan niya ito na hindi nalulutas. Sinabi niya na ang aking pagbabahagi at babala ay talagang nakatulong, at gusto niyang magnilay-nilay sa sarili at hanapin ang katotohanan para lutasin ang kanyang tiwaling disposisyon. Sobra akong naantig nang marinig kong sabihin niya ito, pero sumama rin ang pakiramdam ko. Hindi totoong hindi niya kayang magbago gaya nang naisip ko. Ako talaga ang hindi maayos na gumawa ng aking tungkulin. Hindi ko naman talaga siya tinulungan nang may pusong mapagmahal. Labis akong mapagmataas at hindi makatao!

Kalaunan, sa isang pagtitipon, narinig ko ang sermong ito ng brother mula sa Itaas: “Ang buong tiwaling sangkatauhan ay nagtataglay ng mayabang na disposisyon. Kahit yaong mga nagmamahal sa katotohanan at naghahabol sa pagiging pineperpekto ay pawang may mayabang at mapagmagaling na disposisyon, bagaman hindi ito nakakaapekto sa kanilang kakayahan na maabot ang kaligtasan at maging perpekto. Hangga’t nagagawa ng mga tao na tanggapin ang katotohanan at tumatanggap ng pagtatabas at pakikitungo, at nagagawang lubos na magpasakop sa katotohanan ano man ang sitwasyon, kung gayon sila ay lubos na may kakayahang magkamit ng kaligtasan at maperpekto. Sa katunayan, sa gitna ng mga taong talagang may mabuting kakayahan at talagang may paninindigan, walang sinuman na hindi mayabang. Ito ay isang katunayan. Dapat tratuhin ng mga taong hinirang ng Diyos ang iba sa wastong paraan. Hindi nila dapat sabihin na hindi mabuting tao ang sinuman at hindi siya maliligtas at mapeperpekto dahil ang taong iyon ay sukdulang mayabang at mapagmagaling. … Sa puntong ito, kailangang maunawaan ng isang tao ang kalooban ng Diyos. Walang gayong tao na maganda ang kakayahan, at mayroong paninindigan at hindi man lamang mayabang at mapagmagaling; kung nagkaroon, tiyak na iyon ay isa na nagkukunwari o isang huwad na panlabas na hitsura. Kailangang malaman ng isang tao na ang buong tiwaling sangkatauhan ay may mayabang at palalong kalikasan. Hindi maikakaila ang katunayang ito” (Ang Pagbabahagi mula sa Itaas). Tinulungan ako nito na mas maintindihan kung paano tratuhin ang isang tao na may mapagmataas na disposisyon. Hindi naman sa hindi nila kayang magbago. Ang susi ay ang makita ko kung kaya nilang hanapin at tanggapin ang katotohanan. Kung kaya nilang tanggapin ang katotohanan, at tanggapin ang paghatol, pagkastigo, pagpungos, at pagwasto ng Diyos, kung gayon walang dahilan kung bakit hindi nila kayang magbago at magawang perpekto ng Diyos. Si Brother Chen ay bagong mananampalataya pa lang, kaya hindi siya masyadong nakaranas ng paghatol at pagkastigo. Normal lang na ang kanyang pagiging mapagmataas ay mas malala nang bahagya. Pero noong nakita ko na siyang ihayag ang kanyang disposisyon, hinusgahan at hindi ko siya isinali, at ginusto ko pang alisin siya sa kanyang tungkulin. Mas mapagmataas ako kaysa sa kanya! Akala ko basta’t hinahanap ko ang katotohanan, ang mapagmataas kong disposisyon ay mababago, kaya bakit inisip ko agad na hindi kayang magbago ni Brother Chen? Hindi ako humingi ng sobra sa aking sarili, kaya bakit ako umaasa nang sobra mula kay Brother Chen? Talagang hindi patas na tratuhin ang isang tao sa ganoong paraan. Sa realidad, ang mga taong may kaloob, kalakasan, at kakayahan ay medyo mapagmataas lahat. Pero dahil mahusay ang kanilang kakayahan, mabilis nilang naiintindihan ang katotohanan at mas maraming nagagawa sa kanilang tungkulin. Kapag ang mga taong ganito ay naiintindihan ang katotohanan at kumikilos nang may prinsipyo, talagang nakikinabang dito ang gawain ng bahay ng Diyos. Si Brother Chen ay may mahusay na kakayahan, kaya dapat ay tinutulungan ko siya nang mas may pagmamahal, at mas nagbabahagi para suportahan siya. Tanging iyon lang ang magsasaalang-alang sa kalooban ng Diyos. Ang karanasang ito ay tinuruan akong pahalagahan na ang pagtrato ng mga tao sa pamamagitan ng ating satanikong tiwaling disposisyon nang wala ang katotohanan ay maaari lang ikapahamak ng mga kapatid, at maaaring maantala ang kanilang pagpasok sa buhay at ang gawain ng simbahan. Iyon ay isang paglabag; iyon ay paggawa ng masama. Nakita ko kung gaano kaimportante na itrato ang ibang tao ayon sa prinsipyo ng katotohanan. Nagkaroon ako nang bahagyang pag-unawa salamat sa paggabay ng mga salita ng Diyos.

Sinundan: 18. Pininsala ng Aking mga Maling Pagkaunawa at Pagiging Mapagbantay

Sumunod: 20. Ang Pagsasagawa ng Katotohanan ang Susi sa Maayos na Koordinasyon

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito