18. Pininsala ng Aking mga Maling Pagkaunawa at Pagiging Mapagbantay

Ni Suxing, Tsina

Ilang panahon na ang nakakaraan, nawala ang posisyon ng lider ng iglesia namin dahil hindi niya hinanap ang katotohanan o gumawa ng praktikal na gawain, at ako ang inihalal ng ibang mga kapatid para pumalit sa kanya. Nag-alala ako dahil sa kinalabasan ng eleksyon. Ang pagiging isang lider ay nangangailangan ng pagkaunawa sa katotohanan at ng kakayahan upang lutasin ang mga paghihirap ng iba sa kanilang pagpasok sa buhay. Nangangahulugan din iyon ng pagpasan sa pasanin at paggawa ng praktikal na gawain. Ilang beses na akong nakapaglingkod bilang isang lider noon, ngunit palagi akong pinapalitan dahil pangalan at katayuan ang hinahanap ko at nabigo akong gumawa ng praktikal na gawain. Alam ko na kung hindi ko gagawin nang mabuti ang trabaho ko sa pagkakataong ito, bukod sa hahadlangan ko ang gawain ng bahay ng Diyos at pagpasok sa buhay ng mga miyembro ng iglesia, ako ay aalisin, at ang malala, maaari akong ilantad at tanggalin. Wala akong interes na maging isang lider uli, sa paghahanap ng mas mataas na katayuan; Nais ko lang na manahimik at gawin nang mabuti ang aking tungkulin. Kaya, tinanggihan ko iyon doon din mismo, sinasabing, “Hindi, hindi ko iyon kayang gawin,” at gumawa ng lahat ng uri ng mga dahilan. Kompyansa ako na iyon ang makatwiran, may kamalayan sa sarili na dapat gawin, ngunit sa pamamagitan lang ng susunod na pagbabahagi kasama ang mga kapatid ko napagtanto na ang pag-aatubili kong tumanggap ng isang papel sa pamumuno ay dahil kontrolado ako ng mga satanikong lason gaya ng “Kapag mas malaki sila, mas mahirap kapag sila’y nahulog” at “Malungkot sa itaas.” Pakiramdam ko ay mapanganib ang pagiging isang lider, na ilalagay ako nito sa panganib ng pagkakalantad at pagkakatanggal sa anumang sandali. Naunawaan ko sa prinsipyo na ang opinyon ko roon ay hindi naaayon sa katotohanan, at tinanggap ko ang tungkulin ng pamumuno, ngunit hindi ko maalis ang aking mga pagkabalisa na pumapalibot sa aking tungkulin dahil hindi ko pa nalulutas ang katayuan kong iyon. Takot akong hindi makaganap nang mabuti at maalis at matanggal, kaya namumuhay ako sa kondisyon ng pagbabantay at maling mga pagkaunawa. Noong panahong iyon, nagpatuloy lang na lumala ang aking katayuan; walang inspirasyon ang aking mga panalangin, wala akong nakamit na liwanag mula sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos, at hindi ko makakalap ang ano mang sigasig para sa aking tungkulin. Nabubuhay ako sa ganap na pagkatulala. Sa aking paghihirap, tumawag ako sa Diyos: “O Diyos ko! Napakamapaghimagsik ko; hindi ko kayang magpasakop sa mukha ng tungkuling ito. Patnubayan Mo ako, tulutin Mong makilala ko ang aking sarili at sumunod.”

Nabasa ko ang siping ito ng mga salita ng Diyos matapos ang aking panalangin: “Kinalulugdan Ko yaong mga hindi mapaghinala sa iba, at gusto Ko yaong mga agarang tumatanggap ng katotohanan; nagpapakita Ako ng labis na pagkalinga sa dalawang uri ng mga taong ito, dahil matatapat silang mga tao sa Aking paningin. Kung mapanlinlang ka, magiging malihim at mapaghinala ka sa lahat ng mga tao at mga bagay, at sa gayon, ang pananampalataya mo sa Akin ay maitatayo sa isang pundasyon ng paghihinala. Hindi Ko kailanman maaaring kilalanin ang ganitong pananampalataya. Sa kakulangan ng tunay na pananampalataya, mas lalo kang salat sa tunay na pagmamahal. At kung may gawi kang pagdudahan ang Diyos at maghaka tungkol sa Kanya, kung gayon walang kaduda-dudang ikaw ang pinakamapanlinlang sa lahat ng mga tao. Ipinagpapalagay mo kung maaaring maging katulad ng tao ang Diyos: makasalanang di-mapapatawad, makitid ang isip, salat sa pagiging makatarungan at katwiran, walang muwang sa katarungan, mahilig sa mapanirang mga kaparaanan, taksil at tuso, nalulugod sa kasamaan at kadiliman, at iba pa. Hindi ba’t ang dahilan kaya may ganitong kaisipan ang mga tao ay sapagkat wala sila ni bahagyang kaalaman sa Diyos? Halos kasalanan ang ganitong uri ng pananampalataya! Mayroong pa ngang ibang naniniwala na ang mga nagbibigay-lugod sa Akin ay yaong mga palapuri at nanghihibo, at hindi tatanggapin sa tahanan ng Diyos at mawawalan ng lugar doon yaong mga walang kasanayan sa ganoong mga bagay. Ito lamang ba ang tanging kaalamang nakuha ninyo pagkatapos ng lahat ng mga taong ito? Ito ba ang nakamit ninyo? At hindi tumitigil sa mga maling pagkaunawang ito ang kaalaman ninyo sa Akin; mas malala pa ay ang kalapastanganan ninyo sa Espiritu ng Diyos at panlalait sa Langit. Ito ang dahilan kaya sinasabi Kong magdudulot lamang ng lalong paglayo ninyo sa Akin at mas higit pang pagsalungat sa Akin ang pananampalatayang tulad ng sa inyo(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paano Mababatid ang Diyos na Nasa Lupa). Nagdulot ng takot sa puso ko ang mga salita ng paghatol at pagpapahayag ng Diyos, lalo na ang parte kung saan sinasabi Niya, “At hindi tumitigil sa mga maling pagkaunawang ito ang kaalaman ninyo sa Akin; mas malala pa ay ang kalapastanganan ninyo sa Espiritu ng Diyos at panlalait sa Langit.” Napakatindi ng dating noon sa akin. Ang pagiging nasa katayuang iyon ng pagiging depensibo at mga delusyon ay paglaban at paglapastangan ko sa Diyos. Inisip ko kung paanong inalis ako mula sa papel ng pamumuno sa lahat ng panahong iyon, iyon ay dahil sa hindi ko hinanap ang katotohanan, ngunit pangalan at katayuan lang ang hinahabol ko, sinusubukang hikayatin ang mga tao na sambahin ako at tingalain ako. Nasa isang landas ako na salungat sa Diyos. Matapos matanggal sa aking posisyon, ang mga salita ng Diyos ang pumatnubay sa akin para maunawaan ang Kanyang kalooban; ang mga salita ng Diyos ang gumabay sa akin palabas sa aking kabiguan at pagiging negatibo. At kahit matapos iyon, binigyan pa rin ako ng Diyos ng pagkakataon para patuloy na gawin ang aking tungkulin, para hanapin ang katotohanan at matamo ang Kanyang pagliligtas habang isinasagawa ko ang aking tungkulin. Napagtanto ko na walang intensyon ang Diyos na ilantad at alisin ako, ngunit puno ako ng haka-haka at mga pagdududa, iniisip na gagamitin ng Diyos ang aking paglilingkod bilang isang lider upang ilantad at alisin ako. Iyon ay pawang maling pagkaunawa sa Diyos—iyon ay kalapastanganan! Pinukaw nito nang kaunti sa wakas ang aking mapaghimagsik na puso, at nakita ko na kahit na ilang beses na akong tinanggal, hindi ko kailanman ginamit ang mga karanasang iyon bilang isang oportunidad para hanapin ang katotohanan at magnilay sa aking sarili. Sa halip, lumaki lang ang mga maling pagkaunawa ko sa Diyos at ang aking pagiging mapagbantay. Napuno ako ng pagsisisi sa kasalanan at panghihinayang.

Nagbasa ako ng isa pang sipi ng mga salita ng Diyos matapos iyon: “Sa sandaling magtamo ang mga tiwaling tao ng katayuan—sino man sila—sila ba ay nagiging mga anticristo? (Kung hindi nila hinahabol ang katotohanan, kung gayon sila ay magiging mga anticristo, nguni’t kung hinahabol nga nila ang katotohanan, hindi sila magkakagayon.) Hindi talaga ito lubos na walang pasubali. Kung gayon, ang mga tumatahak ba sa landas ng mga anticristo ay pumipili sa landas na iyon dahil sa katayuan? Nangyayari iyan kapag hindi tinatahak ng mga tao ang tamang landas. May mabuting landas silang sinusundan, subalit hindi nila ito sinusunod; sa halip, ipinipilit nila ang pagsunod sa masama. Maitutulad ito sa paraan ng pagkain ng mga tao: May ilang hindi kumakain na nagpapalusog ng kanilang katawan at sumusuporta ng isang normal na buhay, ngunit sa halip ay ipinipilit ang pagkonsumo ng mga bagay na nakasasama sa kanila, na sa huli ay nakapananakit ng kanilang mga sarili. Hindi ba nila ito sariling pagpili? Ano ang ikinakalat ng ilan sa mga naglingkod bilang mga pinuno at pagkatapos ay naalis? ‘Huwag kang mamuno, at huwag hayaan ang sarili mong humawak ng anumang posisyon. Mapapahamak ang mga tao sa sandaling nagtamo sila ng posisyon, at ilalantad sila ng Diyos! Sa sandaling sila ay malantad, ni hindi sila magiging kwalipikado na maging mga karaniwang mananampalataya, at hindi na magkakaroon kailanman ng anumang pagkakataon.’ Ano ba namang klaseng pananalita iyan? Naglalarawan ito ng maling pagkaintindi sa Diyos, at ang malala pa, ito ay kalapastanganan sa Diyos. Kung hindi mo tinatahak ang tamang landas, hindi hinahanap ang katotohanan, at hindi sinusunod ang paraan ng Diyos, sa halip ay pinipilit mong tahakin ang daan ng mga anticristo at humantong sa landas ni Pablo, nagkaroon ng kaparehong katapusan sa huli, kaparehong katapusan gaya ng kay Pablo, sinisisi pa rin ang Diyos at hinahatulan ang Diyos bilang hindi matuwid, hindi ba ikaw ang tunay na pantukoy ng isang anticristo? Isinumpa ang gayong pag-uugali!(“Para Malutas ang Tiwaling Disposisyon ng Isang Tao, Dapat na Mayroon Siyang Tiyak na Landas ng Pagsasagawa” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Ipinakita sa akin ng siping ito ng mga salita ng Diyos na kapag tinahak ng mga tao ang landas ng isang anticristo at sila ay inalis, ito ay hindi dahil sa napinsala sila ng mga bitag ng katayuan. Ito ay nakaugat sa isang kabiguan na hanapin ang katotohanan; ito ay nakaugat sa patuloy na paghahanap ng katanyagan at pakinabang, sa pagpapakitang-gilas at pagnanais na labis na mapuri, minsan hanggang sa punto ng paggawa ng masama at paghadlang sa gawain ng iglesia. Sa malapitang pagtingin, nakita ko na ang mga nakaraan kong kabiguan ay hindi dahil sa aking posisyon, ngunit dahil sa mayroon akong mayabang na disposisyon at hindi ko hinanap ang katotohanan sa aking tungkulin. Sa halip, naghahanap ako ng pangalan at katayuan, at hindi ko pinanindigan ang aking mga tungkulin. Nagkaroon din ng posisyon ng isang lider ang marami sa ibang mga kapatid, ngunit tinahak nila ang tamang landas. Nagtuon sila sa pagninilay sa sarili at kaalaman sa sarili nang nagpahayag sila ng katiwalian, nakaranas ng pagkabigo, o nakagawa ng paglabag; nagtuon sila sa paghahanap ng katotohanan upang lutasin ang sarili nilang tiwaling disposisyon, sa paggawa ng mga bagay ayon sa mga katotohanang prinsipyo. Naging mas lalo rin silang matagumpay sa kanilang gawain sa paglipas ng panahon. Talagang ipinapakita ng pagkakaroon ng katayuan ang tunay na kulay ng isang tao. Para sa isang taong naghahanap ng katotohanan, kahit gaano man kataas ang posisyon na hinahawakan nila, hindi sila mahihimok na gumawa ng masama, ngunit sa mga hindi naghahanap ng katotohanan, aalisin sila sa huli kahit wala sila sa posisyon ng kapangyarihan. Ang pagkakamit ng pag-unawa sa lahat ng ito ay nakatulong din sa akin na mapagtanto kung bakit napakakontra ko sa pagkakapili na maging isang lider, at kung bakit ako gumawa ng mga dahilan para hindi iyon tanggapin. Iyon ay karaniwang dahil sa kahit matapos akong maalis nang ilang beses, hindi ko pa rin hinanap ang katotohanan o nagnilay sa ugat ng aking mga kabiguan, ngunit sa halip inakala ko na ang katayuang hawak ko ang dahilan kaya ako paulit-ulit na nadadapa. Kumapit din ako sa mga kamalian gaya ng “Kapag mas malaki sila, mas mahirap kapag sila’y nahulog” at “Malungkot sa itaas” na para bang ang mga iyon ang katotohanan. Kaya nang pinili ulit ako ng mga kapatid bilang isang lider, hindi ako nagpasakop at tinanggap iyon nang masaya, sa halip ay sinubukan kong protektahan ang aking sarili, takot na kung maglilingkod ako bilang isang lider malalantad ako at maaalis uli, o kaya ay hahantong ako sa paggawa ng masama at mapapalayas. Kakatwa talaga ako!

Nabasa ko rin ito sa mga salita ng Diyos: “Walang kaugnayan sa pagitan ng tungkulin ng tao at kung siya ay pinagpala o isinumpa. Ang tungkulin ay kung ano ang nararapat tuparin ng tao; ito ang tungkuling bigay sa kanya ng langit, at hindi dapat umasa sa gantimpala, mga kundisyon, o mga dahilan. Saka lamang niya nagagawa ang kanyang tungkulin. Ang mapagpala ay kapag ang isang tao ay nagawang perpekto at nagtatamasa ng mga biyaya ng Diyos matapos magdanas ng paghatol. Ang maisumpa ay kapag ang disposisyon ng isang tao ay hindi nagbabago matapos silang magdanas ng pagkastigo at paghatol, iyon ay kapag hindi pa sila nagawang perpekto kundi pinarusahan. Ngunit napagpala man sila o naisumpa, dapat tuparin ng mga nilalang ang kanilang tungkulin, gawin ang dapat nilang gawin, at gawin ang kaya niyang gawin; ito ang pinakamaliit na bagay na dapat gawin ng isang tao, isang taong naghahanap sa Diyos. Hindi mo dapat gawin ang iyong tungkulin para lamang mapagpala, at hindi ka dapat tumangging kumilos dahil sa takot na maisumpa. Sasabihin Ko sa inyo ang isang bagay na ito: Ang pagganap ng tao sa kanyang tungkulin ang dapat niyang gawin, at kung hindi niya kayang gampanan ang kanyang tungkulin, ito ang kanyang pagkasuwail(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Diyos na Nagkatawang-tao at ng Tungkulin ng Tao). Nakikita ko mula sa mga salita ng Diyos na hindi ang tungkulin ng isang tao ang nagpapasya kung sila ba ay pinagpala o sinumpa sa huli; sa halip, iyon ay karaniwang nakabatay sa kung hinanap ba nila ang katotohanan sa kanilang tungkulin, kung nakakamit ba nila ang katotohanan at natatamo ang pagbabago sa disposisyon sa huli. Hiyang-hiya ako matapos maisaalang-alang ang mga salita ng Diyos, at nakita ko na sa lahat ng mga taon ko sa pananampalataya, parang hibang ko lang na hinahabol ang aking pansariling kinabukasan at hantungan. Noong una, inakala ko na ang pagkakaroon ng posisyon sa pamumuno ang makakapagkamit ng paggalang ng iba at ng pagsang-ayon ng Diyos, na sa katapusan ako ay pagpapalain at magkakaroon ng mabuting huling hantungan. Pinilit ako noong masigasig na magsumikap, maghirap para sa aking tungkulin. Ngunit matapos maalis nang maraming beses, natakot ako na malantad at matanggal bilang isang lider, kaya nag-atubili ako na isagawa ang tungkuling iyon. Napagtanto ko na ginagawa ko ang aking tungkulin sa isang transaksyunal na paraan, upang makakuha ng isang magandang hantungan mula sa Diyos. Gusto ko pa nga na personal na ipangako ng Diyos na maliligtas ako bago ako pumayag na magsakripisyo at gumugol ng ilang pagsisikap. Tinanggihan ko ang atas ng Diyos sa akin upang maprotektahan ang aking sarili, binabaluktot ang katwiran at naghahagilap ng mga dahilan, sinasabing takot akong makahadlang sa gawain ng iglesia. Inakala ko pa nga na napakamakatwiran ko—kabaligtaran lang ito! Sa puntong iyon, labis akong nalungkot nang mabasa ko ito sa mga salita ng Diyos: “Ang pagganap ng tao sa kanyang tungkulin ang dapat niyang gawin, at kung hindi niya kayang gampanan ang kanyang tungkulin, ito ang kanyang pagkasuwail.” Isang simpleng katotohanan na wala akong katotohanang realidad at hindi sapat ang aking tayog. Ang pagbibigay sa akin ng Diyos ng pagkakataon na gumanap bilang isang lider ay hindi dahil sa may kakayahan akong gawin ang papel na iyon, ngunit iyon ay dahil sa pag-asa na hahanapin ko ang katotohanan sa pamamagitan ng paggawa ko sa aking tungkulin, na aayusin ko ang aking mga pansariling kapintasan at magawang gampanan ang aking tungkulin nang kasiya-siya. Ngunit sa halip, makasarili ako at kasuklam-suklam, iniisip lang ang aking sarili, takot na kung ako ay malantad at mapalitan bilang isang lider, mawawalan ako ng magandang kalalabasan at hantungan. Kaya nag-isip ako nang mabuti upang makaiwas doon. Ako ay labis na mapaghimagsik—paano ko naipapahayag na mayroon akong katiting na pagpapasakop sa Diyos?

Nagbasa pa ako ng ilan pang mga sipi ng mga salita ng Diyos sa aking paghahanap. “Ang gawain ni Pedro ay ang gampanan ang tungkulin ng isang nilalang ng Diyos. Hindi siya gumanap sa papel ng isang apostol, kundi gumawa habang pinagsisikapang mahalin ang Diyos. Ang gawain ni Pablo ay naglaman din ng personal na pinagsisikapan niyang matamo: Ang kanyang pinagsisikapan ay walang iba kundi para sa kapakanan ng kanyang mga inaasam para sa hinaharap, at ng kanyang paghahangad sa isang magandang hantungan. Hindi siya tumanggap ng pagpipino sa panahon ng kanyang gawain, ni hindi siya tumanggap ng pagtatabas at pakikitungo. Naniwala siya na basta’t ang gawaing kanyang ginawa ay nakatupad sa naisin ng Diyos, at lahat ng kanyang ginawa ay nakalugod sa Diyos, isang gantimpala ang naghintay sa kanya sa huli. Walang personal na mga karanasan sa kanyang gawain—lahat ng iyon ay para sa sariling kapakanan nito, at hindi isinagawa sa gitna ng paghahangad ng pagbabago. Lahat sa kanyang gawain ay isang transaksyon, hindi ito naglaman ng anuman sa tungkulin o pagpapasakop ng isang nilalang ng Diyos. Habang patuloy ang kanyang gawain, walang nangyaring pagbabago sa dating disposisyon ni Pablo. Ang kanyang gawain ay paglilingkod lamang sa iba, at hindi kayang magdulot ng mga pagbabago sa kanyang disposisyon. Isinagawa ni Pablo ang kanyang gawain nang tuwiran, nang hindi siya nagagawang perpekto o napapakitunguhan, at siya ay naganyak ng gantimpala. Iba si Pedro: Isa siyang taong sumailalim na sa pagtatabas at pakikitungo at sumailalim na sa pagpipino. Ang layunin at pangganyak ng gawain ni Pedro ay talagang naiiba kaysa kay Pablo(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Tagumpay o Kabiguan ay Depende sa Landas na Tinatahak ng Tao). “Bilang isang nilalang ng Diyos, dapat hangaring gampanan ng tao ang tungkulin ng isang nilalang ng Diyos, at hangaring mahalin ang Diyos nang hindi pumipili ng iba pa, sapagkat ang Diyos ay karapat-dapat sa pagmamahal ng tao. Yaong mga naghahangad na mahalin ang Diyos ay hindi dapat maghangad ng anumang personal na mga pakinabang o hangarin yaong personal nilang inaasam; ito ang pinakatamang paraan ng paghahangad. Kung hinahangad mo ang katotohanan, kung isinasagawa mo ang katotohanan, at kung nagtatamo ka ng pagbabago sa iyong disposisyon, tama ang landas na iyong tinatahak. Kung hinahangad mo ang mga pagpapala ng laman, at isinasagawa mo ang katotohanan ng sarili mong mga kuru-kuro, at kung walang pagbabago sa iyong disposisyon, at hindi ka masunurin kailanman sa Diyos na nasa katawang-tao, at nabubuhay ka pa rin sa kalabuan, siguradong dadalhin ka sa impiyerno ng iyong hinahangad, sapagkat ang landas na iyong tinatahak ay ang landas ng kabiguan. Kung gagawin kang perpekto o aalisin ay depende sa iyong sariling paghahangad, na ibig ding sabihin ay ang tagumpay o kabiguan ay depende sa landas na tinatahak ng tao(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Tagumpay o Kabiguan ay Depende sa Landas na Tinatahak ng Tao). Tinulungan ako ng pagbabasa sa mga siping ito na mas maunawaan ang landas sa tagumpay ni Pedro at ang landas sa kabiguan ni Pablo. Nakita ko na hinangad ni Pedro na gawin ang tungkulin ng isang nilikhang nilalang, at nagpasakop siya sa Diyos kung dadalhan man siya ng kanyang tungkulin ng mga pagpapala o hindi. Kumilos siya bilang isang bantog na saksi para sa Diyos, masunurin kahit hanggang sa kamatayan. Si Pablo naman, ay naghanap ng mga pagpapala at gantimpala, at ang kanyang pagsisikap ay para magkamit ng isang korona ng pagiging matuwid. Ginamit niya ang kanyang gawain bilang puhunan upang makipagpalitan sa Diyos, tinatahak ang landas ng isang anticristo at sa huli ay nagkamit ng kaparusahan ng Diyos. Nang ako ay magnilay sa aking sarili, nakita ko na sa aking pananampalataya, hindi ko sinusubukang gawin ang tungkulin ng isang nilikhang nilalang, ngunit ginagawa ko ito alang-alang sa mga pagpapala at sa isang magandang hantungan. Nais ko ring magbayad ng pinakamaliit na halaga hangga’t maaari bilang kapalit ng mga pagpapala ng kaharian ng langit. Nang makita kong napapaloob sa tungkulin ng pamumuno ang malalaking responsibilidad, naisip ko na kung mahadlangan ko nga ang gawain ng bahay ng Diyos, mawawalan ako pagkakataon para sa isang magandang kahihinatnan at hantungan. Iyon ang dahilan kaya talagang kontra ako rito. Hindi ba’t nasa kaparehong landas ng kabiguan ako gaya ni Pablo? Sa pamamagitan ng aking pananampalataya, nagawa kong tamasahin ang napakaraming katotohanang ipinahayag ng Diyos, ngunit hindi ko kailanman naisip na magbigay din. Sa halip, sinusubukan ko lang alamin kung ano ang aking magiging sariling kinabukasan, mapagkalkula at sinusubukang dayain ang Diyos. Ako ay napakamakasarili, kasuklam-suklam, tuso, at masama! Matapos kong mapagtanto ang lahat ng ito, hindi ko na nais na mamuhay sa ganoong paraan, ngunit talagang nais ko nang sundan ang halimbawa ni Pedro at tumungtong sa landas ng paghahanap ng katotohanan, ibigay ang aking sarili sa Diyos at magpasakop sa Kanyang pamumuno at mga pagsasaayos.

Nagpapasalamat ako sa Diyos para sa paghatol at pagkastigo ng Kanyang mga salita na tumuwid sa aking maling kuru-kuro na “Malungkot sa itaas” at tinulutan ako na malinaw na makita na ako ay nasa maling landas sa aking pananampalataya, ang landas ng paghahanap ng mga pagpapala, at nagkamit ng ilang pagkaunawa ng aking tusong satanikong kalikasan. Simula noon, itinigil ko na ang pagtatangkang umalis sa aking tungkulin bilang isang lider at pinasan ang responsibilidad. Nagsimula akong magtuon sa paghahanap ng katotohanan at paghahangad na magawa ang aking tungkulin bilang isang nilikhang nilalang.

Sinundan: 17. Hindi Dahilan ang Mahinang Kakayahan

Sumunod: 19. Natutuhan Ko Kung Paano Tratuhin nang Maayos ang mga Tao

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

70. Hindi Na Isang Pasikat

Ni Mo Wen, SpainNaalala ko noong taong 2018, nasa tungkuling ebanghelyo ako sa iglesia, at pagkatapos ay ginawang tagapamahala ng gawaing...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito