Tanong 6: Ang CCP ay ateistang partido, isang grupong makademonyo na pinakamalupit sa Diyos at sa katotohanan. Ang demonyo ay ang pagsasatao ni Satanas. Ang muling pag-aanyong tao ni Satanas at ng masasamang espiritu ay demonyo, ang mga kalaban ng Diyos. Samakatwid, kapag ang Diyos ay nagpapakita sa katawang-tao at gumagawa sa Tsina sa mga huling araw, ang baliw na pagpigil at pang-aapi sa Kanya ng gobyernong CCP, ay hindi maiiwasan. Ngunit ang karamihan sa mga pastor at elder sa mga relihiyon ay mga lingkod ng Diyos na maalam sa Biblia. Hindi lang sa hindi nila hinahanap at pinag-aaralan ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, sa halip sila’y humahatol, nagkokondena at galit na galit na kumakalaban. Hindi ito kapani-paniwala! Hindi nakakagulat na kinokondena ng gobyernong CCP ang gawain ng Diyos. Bakit kinakalaban at kinokondena rin ng mga pastor at elder ng mga relihiyon ang gawain ng Diyos?

Sagot: Ang Diyos ay dalawang beses na nagkatawang-tao. Dalawang beses Niyang nakaharap ang mga pagkalaban, pagkondena at pang-aapi ng mga relihiyon at ng mga gobyerno ng mundo. Patunay ito na “Ang totoong daan ay inaapi na noon pa mang unang panahon.” Maraming tao ang hindi makahiwatig sa bagay na ito. Lalo silang hindi makapaniwala sa galit na galit na pagkondena ng mga pinuno ng relihiyon sa gawain ng Diyos. Ang totoo, wala namang kakaiba tungkol dito. Noong una, nang nagpakita ang Panginoong Jesus para gumawa, noon Siya unang galit na galit na kinondena, nilapastangan at inaresto ng mga punong saserdote, eskriba, at Fariseo ng Judaismo. Ang mga katotohanang ito ay malinaw na nasusulat sa Biblia. Ang mga punong saserdote, eskriba, at Fariseo na iyon, ay dapat itinuturo ang Biblia at naglilingkod sa Diyos. Bakit nila kinondena, inapi, at tinugis ang Panginoong Jesus na nagkatawang-tao? Maaari bang dahil sa ang paniniwala nila sa Diyos ay naglayong ipako sa krus ang Panginoong Jesus noong dumating Siya? Talagang hindi. Bakit ginawa nila iyon laban sa Diyos? Ibinunyag ng Makapangyarihang Diyos ang hiwaga dito. Basahin natin ang ilang talata ng salita ng Makapangyarihang Diyos.

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Nais ba ninyong malaman ang pinag-ugatan ng pagkontra ng mga Fariseo kay Jesus? Nais ba ninyong malaman ang diwa ng mga Fariseo? Puno sila ng mga pantasya tungkol sa Mesiyas. Bukod pa riyan, naniwala lamang sila na darating ang Mesiyas, subalit hindi nila hinahangad ang katotohanan ng buhay. Kaya nga, kahit ngayon ay hinihintay pa rin nila ang Mesiyas, sapagkat wala silang kaalaman tungkol sa landas ng buhay, at hindi nila alam kung ano ang landas ng katotohanan. Paano ninyo nasasabi na matatamo ng gayon kahangal, katigas ang ulo at kamangmang na mga tao ang pagpapala ng Diyos? Paano nila mamamasdan ang Mesiyas? Kinalaban nila si Jesus dahil hindi nila alam ang direksyon ng gawain ng Banal na Espiritu, dahil hindi nila alam ang landas ng katotohanang binanggit ni Jesus, at, bukod pa riyan, dahil hindi nila naunawaan ang Mesiyas. At dahil hindi pa nila nakita ang Mesiyas kailanman at hindi pa nila nakasama ang Mesiyas kailanman, nagawa nila ang pagkakamali na kumapit lamang sa pangalan ng Mesiyas habang kinakalaban ang diwa ng Mesiyas sa lahat ng posibleng paraan. Ang diwa ng mga Fariseong ito ay mga sutil, mayabang, at hindi sumunod sa katotohanan. Ang prinsipyo ng kanilang paniniwala sa Diyos ay: Gaano man kalalim ang pangangaral Mo, gaano man kataas ang Iyong awtoridad, hindi Ikaw si Cristo maliban kung Ikaw ang tinatawag na Mesiyas. Hindi ba katawa-tawa at kakatwa ang paniniwalang ito? Tinatanong Ko pa kayo: Hindi ba napakadali para sa inyo ang gawin ang mga pagkakamali ng mga sinaunang Fariseo, yamang wala kayo ni katiting na pagkaunawa kay Jesus? Kaya mo bang mahiwatigan ang daan ng katotohanan? Talaga bang magagarantiyahan mo na hindi mo kinalaban si Cristo? Nagagawa mo bang sundan ang gawain ng Banal na Espiritu? Kung hindi mo alam kung kinalaban mo si Cristo, sinasabi Ko na nabubuhay ka na sa bingit ng kamatayan. Yaong mga hindi nakakilala sa Mesiyas ay may kakayahang lahat na kalabanin si Jesus, na tanggihan si Jesus, na siraan Siya. Lahat ng taong hindi nakakaunawa kay Jesus ay kaya Siyang itatwa at laitin. Bukod pa riyan, kaya nilang ituring na panlilinlang ni Satanas ang pagbalik ni Jesus, at mas maraming tao ang huhusga kay Jesus na nagbalik sa katawang-tao. Hindi ba kayo natatakot sa lahat ng ito? Ang kinakaharap ninyo ay magiging kalapastanganan sa Banal na Espiritu, pagwasak ng mga salita ng Banal na Espiritu sa mga iglesia, at pagtanggi sa lahat ng ipinapahayag ni Jesus. Ano ang mapapala ninyo kay Jesus kung litung-lito kayo? Paano ninyo mauunawaan ang gawain ni Jesus kapag bumalik Siya sa katawang-tao sakay ng puting ulap, kung nagmamatigas kayong huwag kilalanin ang inyong mga pagkakamali? Sinasabi Ko ito sa inyo: Ang mga taong hindi tumatanggap ng katotohanan, subalit pikit-matang naghihintay sa pagdating ni Jesus sakay ng puting mga ulap, ay tiyak na lalapastangan sa Banal na Espiritu, at sila ang kategoryang pupuksain(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Kapag Namasdan Mo Na ang Espirituwal na Katawan ni Jesus, Napanibago na ng Diyos ang Langit at Lupa).

Mayroong mga nagbabasa ng Biblia sa mga malalaking iglesia at nagsasalaysay nito nang buong araw, ngunit wala ni isa sa kanila ang nakauunawa sa layunin ng gawain ng Diyos. Wala ni isa sa kanila ang nakakilala sa Diyos, lalong wala ni isa sa kanila ang nakaayon sa kalooban ng Diyos. Lahat sila ay walang halaga, masasamang tao, bawat isa ay nagpapakataas upang pangaralan ang Diyos. Sadya nilang sinasalungat ang Diyos kahit na dala-dala nila ang Kanyang bandila. Sinasabi nilang sila ay nananampalataya sa Diyos, subalit kumakain pa rin sila ng laman at umiinom ng dugo ng tao. Ang lahat ng ganitong tao ay mga diyablong lumalamon sa kaluluwa ng tao, mga pinunong demonyo na sadyang humahadlang sa mga sumusubok na tumapak sa tamang landas, at mga balakid na nakasasagabal sa mga naghahanap sa Diyos. Sila ay tila may ‘mahuhusay na konstitusyon,’ ngunit paano malalaman ng kanilang mga tagasunod na sila ay walang iba kundi mga anticristo na umaakay sa mga tao na manindigan laban sa Diyos? Paano malalaman ng kanilang mga tagasunod na sila ay mga nabubuhay na diyablo na nakatuon sa paglamon ng mga kaluluwa ng tao?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Lahat ng Taong Hindi Nakakakilala sa Diyos ay mga Taong Sumasalungat sa Diyos).

Masdan mo ang mga pinuno ng bawat denominasyon—lahat sila’y mapagmataas at nag-aakalang mas matuwid sila kaysa sa iba, at binibigyang-kahulugan nila ang Biblia nang wala sa konteksto at ginagabayan ng kanilang sariling imahinasyon. Lahat sila’y umaasa sa mga kaloob at pag-aaral sa paggawa ng kanilang gawain. Kung sila’y wala talagang kakayahang mangaral, susunod ba sa kanila ang mga tao? Sila, kung sa bagay, ay nagtataglay ng kaunting kaalaman at makakapangaral ng ilang doktrina, o alam nila kung paano makaakit ng iba at kung paano gumamit ng ilang pakana. Ginagamit nila ang mga ito para dalhin ang mga tao sa harapan nila at linlangin sila. Sa pangalan, ang mga taong iyon ay naniniwala sa Diyos, ngunit sa realidad, sinusunod nila ang kanilang mga pinuno. Kung nakakatagpo sila ng isang taong nangangaral ng tunay na daan, ang ilan sa kanila’y nagsasabing, ‘Kailangang konsultahin namin ang aming lider tungkol sa aming pananampalataya.’ Isang tao ang daanan ng kanilang pananampalataya sa Diyos; hindi ba problema iyan? Nagiging ano na kung gayon ang mga lider na iyon? Hindi ba sila nagiging mga Fariseo, huwad na mga pastol, mga anticristo, at mga katitisuran sa pagtanggap ng mga tao sa tunay na daan?(“Tanging ang Paghahabol sa Katotohanan ang Tunay na Paniniwala sa Diyos” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw).

Ang dahilan kung bakit sumasalungat ang tao sa Diyos ay nagmumula, sa isang banda, sa kanyang tiwaling disposisyon, at sa kabilang banda, sa kamangmangan tungkol sa Diyos at sa kakulangan ng pagkaunawa sa mga prinsipyo kung paano gumagawa ang Diyos, at sa Kanyang kalooban para sa tao. Ang dalawang aspetong ito, kung pagsasamahin, ay bumubuo sa isang kasaysayan ng paglaban ng tao sa Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Lahat ng Taong Hindi Nakakakilala sa Diyos ay mga Taong Sumasalungat sa Diyos).

Ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay malinaw na nagbanggit tungkol sa pinag-ugatan ng mga Fariseo, ng pagkalaban ng mga pastor at elder sa Diyos. Ang mga pastor at elder ng relihiyon ay nakatuon lang sa paghahanap ng kaalaman sa Biblia at mga teoriya ng teolohiya, pero hindi hinahanap ang katotohanan. Ang mga pastor at elder ay nagsawa na at kinakalaban ang katotohanan. Kapag nakikita nila na ang mga pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos ay katotohanang lahat, puno sila ng kalupitan, at sinisimulan nilang hatulan, ikondena at kalabanin ang Diyos. Noong pinakinggan ng mga Fariseo ng Judaismo ang salita ng Panginoong Jesus, hayagan nilang kinilala na ang salita ng Panginoong Jesus ay may awtoridad at kapangyarihang nagmula sa Diyos. Bakit kinondena, ibinilanggo at ipinako pa rin nila sa krus ang Panginoong Jesus? Batay sa pangangatwiran, yamang natuklasan nilang katotohanan ang salita ng Panginoong Jesus, dapat ay nanalangin sila sa Diyos para mahanap ang sagot: Ang Panginoong Jesus po ba ang Mesiyas? Tiyak na liliwanagan sana sila ng Diyos. Pero hindi sila nanalangin sa Diyos ni naghanap. Agad nilang kinondena ang Panginoong Jesus sa panlalapastangan. Partikular na paulit-ulit nilang tinanong ang Panginoong Jesus, “Ikaw ba ang Mesiyas?” Nang diretsahan silang sinagot ng Panginoong Jesus, hindi sila naniwala. Sapat na ito para ipakita na ang mga Fariseo ay napaka-arogante! Masyado nilang sinamba ang Biblia! Wala silang pakialam kay Cristo na nagpapahayag noon ng katotohanan. Katwiran nila, gaano mang katotohanan ang maipahayag ng Panginoong Jesus, gaano man ang awtoridad at kapangyarihan ng salitang ipinahayag ng Panginoon, hangga’t hindi Siya pinapangalanan na Mesiyas, ikokondena, kakalabanin at ipapako nila sa krus ang Panginoong Jesus. Sinasabi ba ninyo na ang mga pinuno ng Judaismo ay mga demonyong napoot sa katotohanan? Kung hindi maipapahayag ng Panginoong Jesus ang katotohanan, magiging ganoon ba katindi ang galit nila sa Kanya? Inilantad nito ang makademonyong kalikasan ng mga Fariseo na kumalaban sa katotohanan. Dito nag-ugat ang pagkalaban ng mga Fariseo sa Panginoong Jesus! Tulad ng kung paano inilantad ng Panginoong Jesus ang mga Fariseo: “Datapuwa’t ngayo’y pinagsisikapan ninyo akong patayin, na taong sa inyo’y nagsaysay ng katotohanan, na aking narinig sa Diyos…. Kung sinasabi ko ang katotohanan, bakit hindi ninyo ako sinasampalatayanan? Ang sa Diyos ay nakikinig ng mga salita ng Diyos: dahil dito’y hindi ninyo dinirinig, sapagka’t kayo’y hindi sa Diyos(Juan 8:40, 46–47). Malinaw nating nakikita kung bakit kinalaban at pinatay ng mga pinunong Judio ang Panginoong Jesus. Kaya nga ang dahilan kung bakit galit na galit na kinakalaban at kinokondena ng mga pastor at elder ng mga relihiyon sa mga huling araw ang Makapangyarihang Diyos ay hindi mahirap maunawaan. Tayo na mga nakaranas sa gawain ng Diyos ay matatanto na ang mga kumakalaban sa katotohanan ay di-maiiwasang hinahatulan, kinokondena at kinakalaban ang Diyos. Ang gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ay upang linisin ang makademonyong disposisyon ng tao. Ito’y sa pagpapahayag ng katotohanan para hatulan at linisin ang tao. Ang mga tumatanggap sa katotohanan ay tatanggap ng paglilinis at kaligtasan. Ang makademonyong disposisyon ng mga tumatanggi sa katotohanan ay hindi mababago. Kakalabanin at pagtataksilan pa rin nila ang Diyos. Sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, ang ilang tao na nagsawa na at kinakalaban ang katotohanan ay ganap na ibinunyag. Ang mga hindi naniniwala at anticristo na ito ay pinurga na at pinatalsik. Tungkol naman sa mga pastor at elder ng relihiyon, bakit nila tahasang kinokondena at nilalapastangan ang Makapangyarihang Diyos? Hindi ba dahil sa nagpapahayag ang Makapangyarihang Diyos ng maraming katotohanan, at nilupig at iniligtas Niya ang isang grupo ng mga tao? Ibinunyag sila ng gawain ng Makapangyarihang Diyos, kaya’t napopoot sila at kinokondena ang Diyos. Ang likas nilang pagkademonyo ay ganap na inilantad. Bakit kinakalaban at isinusumpa ng Diyos ang nalantad na mga anticristo na ito? Ito’y dahil sa nakikipagkumpetensya sila sa Diyos para sa Kanyang piniling mga tao sa pamamagitan ng mahigpit na pagkontrol sa mga tupa ng Diyos na nasa kamay nila, at pinagbabawalan ang mga tao na pag-aralan at tanggapin ang totoong daan. Kabahagi sila sa independiyenteng pagtatayo ng kaharian at naging mga demonyo na pumipinsala at lumalamon sa buhay ng mga tao. Sila ay kinokondena at isinusumpa ng Diyos, dahil sa pagkakasala laban sa disposisyon ng Diyos.

Ano ang basehan ng pagkondena ng mga pastor at elder sa Makapangyarihang Diyos? Una, umaasa lang sila sa kakulangan ng tala tungkol sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa Biblia. Naniniwala lang sila na ang salita ng Diyos ay naisulat lahat sa Biblia at ang salita ng Diyos ay hindi umiiral sa labas ng Biblia. Kaya itinatatwa nila ang gawain ng Makapangyarihang Diyos. Hindi nila nauunawaan kung paano natutupad ang mga propesiya ng Biblia. Gaya ng mga Fariseo, sumusunod lamang sila sa mga patakaran. Kahit gaano kalalim at gaano ang awtoridad ng sermon na binigkas ng Panginoong Jesus noon, gaano ang katotohanang mayroon Siya, basta’t ang Panginoon ay hindi tinawag na Mesiyas, ikokondena, kakalabanin at ipapako nila sa krus ang Panginoong Jesus. Pangatlo, hindi nila nakikilala si Cristo sa katawang-tao, ni hindi nila inaamin na magkakatawang-tao. Sang-ayon kay apostol Juan, sila ay mga anticristo. Pang-apat, pinaniniwalaan nila ang mga bulung-bulungan at kasinungalingang tinahi-tahi ng gobyernong CCP upang itatwa at ikondena ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Pumapanig pa sila sa CCP. Hindi sila makahintay na lubusang ipagbawal ng CCP Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Dahil dito napapaisip tayo, bakit hindi nagpunta ang Panginoong Jesus sa sinagoga nang Siya ay nangaral at gumawa? Bakit Niya hinanap sa ilang ang isang taong naghahangad sa puso ng Diyos? Kung nagpunta ang Panginoong Jesus sa sinagoga, tiyak na ilalayo Siya ng mga pinunong Judio at isusuko sa mga taong nasa kapangyarihan. Kung nagpunta Siya sa iglesia para magbigay-saksi para sa Makapangyarihang Diyos, ano kaya ang magiging resulta? Tiyak na magsusumbong sila sa pulis. Ang mga paraan ng pagkalaban ng mga pastor at elder sa Makapangyarihang Diyos ay katulad ng paraan ng pagkalaban noon ng mga Fariseo sa Panginoong Jesus. Sila ang mga anticristo at masasamang lingkod na kumakalaban sa katotohanan. Sila ang mga demonyong humahadlang sa atin sa pagpasok sa kaharian ng langit!

mula sa iskrip ng pelikulang Mapanganib ang Landas Papunta sa Kaharian sa Langit

Sinundan: Tanong 5: Nang malaman ng pastor at elder na tinanggap namin ang Makapangyarihang Diyos, walang-tigil ang panggugulo nila sa amin, walang-tigil ang paliwanag nila sa amin sa Biblia. Kahit pabulaanan namin sila, at tanggihan sila, ayaw nila kaming tantanan. Matinding panliligalig ’yan sa mga mamamayan. Noong araw, kapag nanghihina o negatibo kami, hindi sila ganito kasigasig. Pero ngayon, nang tanggapin na namin ang Makapangyarihang Diyos, galit na galit sila, sa pagbibigay ng pabuya at parusa, panay ang pang-iinis nila sa amin. Parang hindi sila titigil sa kasamaan nila hangga’t hindi nila kami naihuhulog sa impiyerno na kasama nila! Hindi ko lang maintindihan. Ang pastor at elder, bilang mga taong naglilingkod sa Panginoon, at madalas magsalita tungkol sa Biblia, dapat nilang makita na lahat ng salitang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos ay katotohanan. Bakit hindi nila hanapin ang katotohanan? Bakit hindi nila siyasatin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, sa halip na mabangis na tuligsain, kalabanin, at lapastanganin ang Makapangyarihang Diyos? Ginagawa ng pastor at elder ang lahat para hadlangan ang pagtanggap namin sa Makapangyarihang Diyos. Nahihirapan kaming makita ang likas na katangian ng bagay na ito. Pakipaliwanag ito nang kaunti sa amin.

Sumunod: Tanong 1: Sa Biblia, sinabi ni Pablo na kailangan nating sundin iyong mga nasa awtoridad. Kung isasabuhay natin ang mga salita ni Pablo, dapat lagi tayong makinig sa namumunong rehimen. Hindi lang ipinagbabawal ng CCP na manampalataya tayo sa Panginoon, hinuhuli at inuusig din iyong mga nagkakalat ng ebanghelyo ng Diyos. Ngunit laging inuusig ng walang kinikilalang Diyos na CCP ang mga taong relihiyoso at kumikilos bilang isang kalaban ng Diyos. Kung susundin natin ito at hindi manampalataya sa Panginoon o ikakalat ang Kanyang ebanghelyo, hindi ba’t tayo’y kumakampi kay Satanas sa panlalaban at pagtataksil sa Panginoon? Hindi ba tayo magiging iyong mga nakatadhanang mapuksa? Hindi ko talaga maintindihan ito. Pagdating sa kung paano natin ituturing ang namumunong awtoridad, ano ang dapat nating gawin para masiguro na tayo’y naaayon sa kalooban ng Diyos?

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Tanong 8: Ang sinabi mo tungkol sa pagpunta sa impiyerno dahil sa pagkalaban sa Diyos, hindi ako naniniwala d’yan. Sino na ang nakakita sa impiyerno? Ano ang hitsura ng impiyerno? Ni hindi ko alam kung mayroon ngang Diyos. Hindi ko kinikilala na mayroong Diyos. Mayroon nga bang Diyos? Sino na ang nakakita sa Diyos? Kung ang Makapangyarihang Diyos ang tunay na Diyos, kapag desperadong tinutuligsa at inaatake ng CCP ang Makapangyarihang Diyos, bakit hindi pa ito pinupuksa ng Diyos? Kung ibubunyag ng Diyos ang Kanyang walang-hanggang kapangyarihan at pupuksain ang Communist Party, Siya nga ang tunay na Diyos. Sa gayong paraan, kailangang kilalanin ng buong sangkatauhan na ang Makapangyarihang Diyos ang tunay na Diyos, kahit ang CCP ay kailangang manikluhod at sumamba sa tunay na Diyos. Sino ang mangangahas na kalabanin ang Diyos? Pero ano ang totoong nangyari? Ang nakita ko ay inaaresto ng mga pulis ng CCP ang mga nananalig sa Diyos sa lahat ng dako. Marami sa mga nananalig sa Diyos ang ibinilanggo, pinahirapan at nilumpo. Marami sa kanila ang pinatay. Gayunman, iniligtas ba sila ng Diyos n’yo? Paano nito mapapaniwala ang isang tao na totoo ang Diyos na pinananaligan n’yo? Hindi ko talaga kayo maunawaan. Tunay ba o huwad ang Diyos na pinananaligan n’yo? Nangangamba ako na ni hindi n’yo ito alam. Kung gayon, hindi ba kahangalan ’yan? Ano ang batayan n’yo sa pagsasabi na ang Diyos na pinananaligan n’yo ang tunay na Diyos? Malinaw ba n’yong maipapaliwanag ’yan?

Sagot: May karanasan na kayo. Tungkol sa pag-iral at pangingibabaw ng Diyos, talaga bang wala kayong alam? Mula nang likhain ang mundo,...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito