Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

287 Ang Tinig ng Puso ng Isang Nilalang

Bilis

287 Ang Tinig ng Puso ng Isang Nilalang

I

Madalas ay gusto kong humiyaw,

nguni't parang walang tamang lugar.

Gusto kong kumanta nang malakas,

nguni't walang matagpuang himig.

Ninanais kong ipahayag

pag-ibig ng isang nilalang.

Ako ay naghanap sa lahat ng dako,

nguni't nabigo ako ng mga salita.

Makapangyarihang Diyos,

ang pag-ibig sa aking puso.

Ito ang tinig ng puso ng isang nilalang.

II

Ang tao'y mula sa alabok,

walang buhay, mula sa alabok.

Nilikha Mo ang tao, binigyan ng hininga,

hininga ng buhay, Iyong ibinigay.

Nakakalungkot na si Satanas natiwali na kami,

nawalan ng katwiran at budhi.

Sa bawat henerasyon,

at maraming higit pa ang napabagsak na mula noon.

Makapangyarihang Diyos, ang pag-ibig sa aking puso.

Ito ang tinig ng puso ng isang nilalang.

Masigla ang kamay, puso'y lumulundag

upang purihin, Iyong pagparito.

Tiwali ako, pero niligtas Mo.

Ngayo'y nakikita maluwalhating mukha Mo.

Plano Mo'y sundin, kalooban ay gawin,

di pipili sarili ko lang.

Mula alabok; mahalin Ka'y malaking pagpapala.

Pa'nong di yuyuko't sasamba sa Iyo?

III

Tao'y nilikha Mo't minamahal.

Muling naging tao para iligtas kami.

Natiis Mo na lahat ng uri ng kahihiyan,

natiis na pag-usig,

nalasap na tamis at pait ng buhay,

upang ang tao ay may magandang hantungan.

Pa'nong di Ka pasasalamatan nang walang humpay

para sa aming kaligtasan?

Makapangyarihang Diyos,

ang pag-ibig sa aking puso.

Ito ang tinig ng puso ng isang nilalang.

IV

Ngayon ako'y ligtas at habol ay buhay

dahil lamang sa Iyong biyaya't pagtataas.

Ako'y natutuwa sa 'Yong

salita't tanggap paghatol Mo.

Nalaman ko Iyong katuwiran at kabanalan.

Tiniis lahat ng sakit at pag-uusig,

aking natanto, Ika'y kaibig-ibig.

Dahil gawain Mo'y pinagdadaanan ko,

ako ay nasa liwanag, nililinis.

Makapangyarihang Diyos,

ang pag-ibig sa aking puso.

Ito ang tinig ng puso ng isang nilalang.

Obligasyon ng nilalang, sambahin ang Diyos,

obligasyon ng nilalang, Ika'y sambahin.

Si Satanas aking kinamumuhian.

Dahil ako'y inaakit nito.

Mas gusto kong mahalin Ka sa Iyong paghatol,

mas gusto kong mahalin Ka

sa lahat ng pagkastigo Mo,

di na hinahangad luho ng laman,

di na namumuhay sa ilalim ni Satanas.

Makapangyarihang Diyos,

ang pag-ibig sa aking puso.

Ito ang tinig ng puso ng isang nilalang.

Sinundan:Hindi Ko Masasabi ang Lahat ng Nasa Puso Ko

Sumunod:Sino ang Nakakaunawa sa Kalungkutan ng Diyos?

Baka Gusto Mo Rin