97 Naglalakad Ako sa Daan Papunta sa Kaharian
I
Wow~ wow~
Naglalakad papunta sa kaharian,
nagbabasa ng mga salita ng Diyos, tinitingala ko Siya.
O, napakamakahulugang mga salita,
lubhang maalab, nakaukit sa aking puso.
Diyos ko, nag-aalala Kang
baka ako malinlang, madurog ni Satanas.
Pinatnubayan ako ng mga salita Mo,
binigyan ako ng tunay na buhay, nilagay ako sa landas na ito.
II
Wow~ wow~
Sa pamamagitan ng Iyong mga salita,
nakita ko ang kasamaan at kadiliman ng mundong ito.
Hinampas ng sunud-sunod na hangin at ulan,
sinusundan ang masasamang kalakaran, naiwala ko ang wangis ng tao.
Doon nilibot ko ang mundo,
wala ni katiting na pag-asa, puno ng kadiliman ang puso.
Ikaw ang Siyang nagligtas sa akin!
Nababalot ng mga salita Mo, lumaki akong maayos at malakas.
III
Ibinubunyag ng mga salita ng Diyos ang katotohanan,
ang katiwalian ko, ang pagiging kasuklam-suklam ko.
Makasarili, sakim at mayabang,
puno ng kasinungalingan, halos hindi na tao!
Lumalagapak ako sa mga paa ng Diyos,
puno ng pagsisisi, yumuyuko sa paghatol Niya.
Determinado akong hanapin ang katotohanan
at maging bagong tao, isagawa ang mga salita ng Diyos at isabuhay ang wangis ng tao.
IV
Naglalakad papunta sa kaharian,
masaya ako, ibinabahagi ang ebanghelyo.
Isang daang napakahirap tahakin,
tumitindi ang pag-uusig bawat araw!
Hindi ako makagalaw ni isang hakbang;
ginagabayan ako ng mga salita ng Diyos, binibigyan ako ng lakas at tapang.
Sundin ang Diyos hanggang sa katapusan,
pinagtibay ng Diyos, mamamatay akong masaya.
Oh~ oh~ oh~ oh~
Pinagtibay ng Diyos, mamamatay akong masaya.