3. Pinatototohanan mo na ang Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao ay personal na binigkas ng Diyos, subalit may mga naniniwala na ang mga salitang ito ay sinalita ng isang taong naliwanagan ng Banal na Espiritu. Ano talaga ang pagkakaiba sa pagitan ng mga salitang ipinahayag ng nagkatawang-taong Diyos, at ng mga salitang binigkas ng isang taong naliwanagan ng Banal na Espiritu?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang katotohanan ay nagmumula sa mundo ng tao, subalit ang katotohanang nasa tao ay ipinapasa ni Cristo. Ito ay nagmumula kay Cristo, ibig sabihin, mula sa Diyos Mismo, at hindi ito isang bagay na kaya ng tao.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Tagumpay o Kabiguan ay Depende sa Landas na Tinatahak ng Tao

Ang katotohanan ang pinakatunay na talinghaga ng buhay, at ang pinakamataas sa gayong mga talinghaga sa buong sangkatauhan. Sapagkat hinihiling ito ng Diyos sa tao, at ito ang gawaing personal na ginagampanan ng Diyos, kaya’t tinatawag itong “talinghaga ng buhay”. Hindi ito isang talinghagang binuo mula sa kung anong bagay, o hindi rin ito isang tanyag na banggit mula sa isang dakilang tao. Sa halip, ito ang binibigkas sa sangkatauhan mula sa Panginoon ng kalangitan at ng lupa at ng lahat ng bagay; hindi ito ilang salita na nilagom ng tao, kundi ang likas na buhay ng Diyos. Kaya nga ito ang tinatawag na “pinakamataas sa lahat ng talinghaga ng buhay.”

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging ang mga Nakakikilala sa Diyos at Nakaaalam sa Kanyang Gawain ang Makapagbibigay-lugod sa Diyos

Simple man o malalim sa tingin ang mga salitang sinasambit ng Diyos, lahat ng iyon ay mga katotohanang kailangang-kailangan ng tao habang pumapasok siya sa buhay; ang mga iyon ang pinagmumulan ng tubig na buhay na nagbibigay sa tao ng kakayahang mabuhay kapwa sa espiritu at laman. Ipinagkakaloob ng mga ito ang kailangan ng tao para manatiling buhay; ang mga prinsipyo at doktrina para pangasiwaan ang kanyang pang-araw-araw na buhay; ang landas na kailangan niyang tahakin para maligtas, pati na rin ang layunin at direksyon nito; bawat katotohanan na dapat niyang taglayin bilang isang nilikha sa harapan ng Diyos; at bawat katotohanan tungkol sa kung paano sumusunod ang tao at sumasamba sa Diyos. Ang mga iyon ang garantiya na tumitiyak ng pananatiling buhay ng tao, ang mga iyon ang pang-araw-araw na tinapay ng tao, at ang mga iyon din ang matibay na suportang nagbibigay-kakayahan sa tao na maging malakas at manindigan. Sagana ang mga iyon sa katotohanang realidad na ginagamit ng nilikhang sangkatauhan para isabuhay ang normal na pagkatao, sagana sa katotohanang nagpapalaya sa sangkatauhan mula sa katiwalian at iniiwas sila sa mga patibong ni Satanas, sagana sa walang-pagod na pagtuturo, pangaral, paghihikayat, at pag-aliw na ibinibigay ng Lumikha sa nilikhang sangkatauhan. Ang mga iyon ang mga parolang gumagabay at nagbibigay liwanag sa mga tao para maunawaan ang lahat ng positibo, ang garantiya na tumitiyak na isasabuhay at tataglayin ng mga tao ang lahat ng matuwid at mabuti, ang pamantayan kung saan lahat ng tao, kaganapan, at bagay ay sinusukat, at pananda rin sa paglalakbay na nag-aakay sa mga tao tungo sa kaligtasan at sa landas ng liwanag.

—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Paunang Salita

Ang salita ng Diyos ay hindi maaaring ituring na salita ng tao, at lalong hindi maaaring ituring ang salita ng tao na salita ng Diyos. Ang isang taong kinakasangkapan ng Diyos ay hindi ang Diyos na nagkatawang-tao, at ang Diyos na nagkatawang-tao ay hindi ang taong kinakasangkapan ng Diyos. Dito, mayroong malaking pagkakaiba. Marahil, matapos basahin ang mga salitang ito, hindi mo tinatanggap ang mga iyon bilang mga salita ng Diyos, kundi bilang kaliwanagan lamang na natamo ng tao. Kung gayon, binubulag ka ng kamangmangan. Paano magiging kapareho ng kaliwanagang natamo ng tao ang mga salita ng Diyos? Ang mga salita ng Diyos na nagkatawang-tao ay nagpapasimula ng isang bagong kapanahunan, ginagabayan ang buong sangkatauhan, naghahayag ng mga hiwaga, at ipinapakita sa tao ang direksyong dapat niyang sundan sa bagong kapanahunan. Ang kaliwanagang natamo ng tao ay simpleng tagubilin lamang na isasagawa o para sa kaalaman. Hindi nito magagabayan ang buong sangkatauhan sa isang bagong kapanahunan o maihahayag ang mga hiwaga ng Diyos Mismo. Pagkatapos ng lahat, ang Diyos ay Diyos, at ang tao ay tao. Ang Diyos ay may diwa ng Diyos, at ang tao ay may diwa ng tao. Kung ituturing ng tao ang mga salitang sinambit ng Diyos bilang simpleng kaliwanagan ng Banal na Espiritu, at ituturing ang mga salita ng mga apostol at propeta bilang mga salitang personal na sinambit ng Diyos, pagkakamali iyan ng tao. Ano’t anuman, kailanma’y hindi mo dapat pagkamalang tama ang mali, o ibaba ang mataas, o pagkamalang mababaw ang malalim; ano’t anuman, kailanma’y hindi mo dapat sadyang pabulaanan ang alam mong katotohanan. Lahat ng naniniwala na mayroong Diyos ay dapat siyasatin ang mga problema mula sa tamang pananaw, at tanggapin ang bagong gawain ng Diyos at Kanyang bagong mga salita mula sa pananaw ng Kanyang nilalang; kung hindi, aalisin sila ng Diyos.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita

Ang mga paraan ng pagsasagawa ng tao at ang kanyang kaalaman tungkol sa katotohanan ay angkop lahat sa isang partikular na saklaw. Hindi mo masasabi na ang landas na tinatahak ng tao ay ganap na kalooban ng Banal na Espiritu, dahil maaari lamang liwanagan ng Banal na Espiritu ang tao, at hindi maaaring ganap na mapuspos ng Banal na Espiritu. Lahat ng bagay na maaaring maranasan ng tao ay nasa saklaw ng normal na pagkatao at hindi maaaring lumampas sa saklaw ng mga saloobin ng normal na tao. Lahat ng makapagsasabuhay ng katotohanang realidad ay dumaranas sa loob ng saklaw na ito. Kapag nararanasan nila ang katotohanan, palagi itong isang karanasan sa normal na buhay ng tao na niliwanagan ng Banal na Espiritu; hindi ito isang paraan ng pagdanas na lihis sa normal na buhay ng tao. Nararanasan nila ang katotohanang niliwanagan ng Banal na Espiritu sa pundasyon ng kanilang pamumuhay bilang tao. Bukod pa rito, ang ganitong katotohanan ay iba-iba sa bawat tao, at ang lalim nito ay nauugnay sa kalagayan ng tao. Masasabi lamang ng isang tao na ang landas na kanilang tinatahak ay ang normal na buhay ng isang taong naghahanap sa katotohanan, at maaari itong tawaging landas na tinahak ng isang normal na tao na niliwanagan ng Banal na Espiritu. Hindi niya masasabi na ang landas na kanilang tinatahak ay ang landas na tinatahak ng Banal na Espiritu. Sa normal na karanasan ng tao, dahil hindi pare-pareho ang mga taong naghahanap, hindi rin pare-pareho ang gawain ng Banal na Espiritu. Dagdag pa rito, dahil hindi pare-pareho ang mga sitwasyong nararanasan ng mga tao at ang mga saklaw ng kanilang karanasan, at dahil magkakahalo ang kanilang isipan at mga saloobin, halu-halo ang kanilang karanasan sa iba’t ibang antas. Nauunawaan ng bawat tao ang katotohanan ayon sa kanilang iba’t ibang indibiduwal na kundisyon. Ang pagkaunawa nila sa tunay na kahulugan ng katotohanan ay hindi ganap at iisa o ilang aspeto lamang nito. Ang saklaw ng katotohanang nararanasan ng tao ay nagkakaiba sa bawat tao ayon sa mga kundisyon ng bawat tao. Sa ganitong paraan, ang kaalaman tungkol sa iisang katotohanan, ayon sa ipinahayag ng iba’t ibang tao, ay hindi pare-pareho. Ibig sabihin, ang karanasan ng tao ay laging may mga limitasyon at hindi maaaring lubos na kumatawan sa kalooban ng Banal na Espiritu, ni hindi mahihiwatigan ang gawain ng tao bilang gawain ng Diyos, kahit lubhang nakaayon ang ipinahayag ng tao sa kalooban ng Diyos, at kahit napakalapit ng karanasan ng tao sa pagpeperpektong isinasagawa ng Banal na Espiritu. Maaari lamang maging lingkod ng Diyos ang tao, na ginagawa ang gawaing ipinagkakatiwala sa kanya ng Diyos. Maaari lamang ipahayag ng tao ang kaalamang niliwanagan ng Banal na Espiritu at ang mga katotohanang natamo mula sa kanyang mga personal na karanasan. Ang tao ay hindi karapat-dapat at hindi tumutugon sa mga kundisyon upang maging daluyan ng Banal na Espiritu. Wala siyang karapatang magsabi na ang kanyang gawain ay gawain ng Diyos.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Gawain ng Diyos at Gawain ng Tao

Ang direktang ipinapahayag ng Diyos ay katotohanan. Ang anumang umuusbong mula sa kaliwanagan ng Banal na Espiritu ay umaayon lang sa katotohanan, dahil nagbibigay-liwanag ang Banal na Espiritu sa mga tao batay sa kanilang tayog at hindi nito maaaring direktang ipahayag ang katotohanan sa tao. Ito ay isang bagay na dapat mong maunawaan. At kapag, batay sa mga salita ng katotohanan, nagtatamo ang mga tao ng mga kabatiran, at kaalaman mula sa pagdanas, itinuturing ba ang ganitong mga kabatiran at kaalaman bilang ang katotohanan? Sa sukdulan, ito ay kaunting kaalaman tungkol sa katotohanan. Ang mga salitang binibigyang-liwanag ng Banal na Espiritu ay hindi kumakatawan sa mga salita ng Diyos, hindi kumakatawan ang mga ito sa katotohanan, hindi nabibilang ang mga ito sa katotohanan; ang mga ito ay kaunting kaalaman lamang tungkol sa katotohanan, kaunting kaliwanagan mula sa Banal na Espiritu. Kapag nagtamo ang mga tao ng kaunting kaalaman tungkol sa katotohanan at pagkatapos ay itinustos iyon sa iba, ito rin ay pagtustos ng pansariling kaalaman at mga karanasan. Hindi nila tinutustusan ang mga tao ng katotohanan. Masasabi na ito ay pagbabahagi ng katotohanan—isa itong angkop na paraan para ilarawan iyon. Dahil hindi ito isang simpleng bagay at karamihan sa mga tao ay hindi ito kayang lubusang maarok, dapat ninyo itong maunawaan nang malinaw; hindi lang ito tungkol sa tumpak na pananalita, o na kailangan lang ninyong umunawa ng ilang interpretasyon, at wala nang iba. Maaaring nagtamo ka na ng ilang bagay mula sa katotohanan, mga bagay na dapat taglayin ng tao, pero hindi ito nangangahulugang natamo mo na ang katotohanan. At maaaring nagtamo ka na ng iba pang mga bagay mula sa katotohanan, pero hindi ito nangangahulugang taglay mo na ngayon ang buhay ng katotohanan, lalong hindi masasabi na ikaw ay sa katotohanan—hinding-hindi iyon ang kaso. Nakakuha ka lang ng isang masustansyang bagay mula sa katotohanan upang tustusan ang iyong buhay, kaya mayroon kang laman, isang bagay na dapat mong taglayin, na naniniwala sa Diyos at nagbibigay-lugod sa Diyos. Ginagamit ng Diyos ang katotohanan para tustusan ang mga tao, pinahihintulutan sila, sa pamamagitan ng katotohanan, na bigyang-lugod Siya at umayon sa puso Niya. Sa huli, kahit na lubos nang nabigyang-lugod ng mga tao ang kalooban ng Diyos, hindi pa rin masasabi na sila ay sa katotohanan, lalong hindi masasabi na mayroong buhay ng katotohanan sa loob nila. … Nararanasan ng lahat ng tao ang katotohanan, nguni’t nararanasan ito ng bawat isa sa magkakaibang kondisyon, at bawat isa ay nagtatamo ng magkakaibang bagay. Nguni’t kahit na pagsama-samahin pa ang kaalaman nila, hindi pa rin nila magagawang ganap na maipaliwanag ang isang katotohanan. Ganoon kalalim ang katotohanan! Bakit sinasabi na ang mga bagay na natamo mo at ang iyong kaalaman ay hindi makahahalili para sa katotohanan? Ibinabahagi mo sa iba ang iyong kaalaman, at dalawa o tatlong araw lang ng pagninilay-nilay ang kailangan para ganap nilang maranasan ito. Nguni’t maaaring igugol ng mga tao ang buong buhay nila ngunit hindi pa rin lubusang maranasan ang katotohanan; kahit pa pagsama-samahin ang naranasan ng bawat tao, hindi pa rin lubusang mararanasan ang katotohanan. Kaya makikita na lubhang malalim ang katotohanan! Hindi lubusang maipaliliwanag ang katotohanan gamit ang mga salita. Sa wika ng tao, ang katotohanan ang tunay na diwa ng sangkatauhan. Hindi kailanman magagawang ganap na maranasan ng tao ang katotohanan. Dapat mabuhay sa katotohanan ang tao. Mapapanatiling buhay ng isang katotohanan ang sangkatauhan sa loob ng libu-libong taon.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi

Ang katotohanan ay ang buhay ng Diyos Mismo, kumakatawan ito sa Kanyang disposisyon, Kanyang diwa, at lahat-lahat na nasa Kanya. Kung sinasabi mo na ang pagkakaroon ng kaunting karanasan ay nangangahulugan na taglay mo ang katotohanan, kaya mo bang katawanin ang disposisyon ng Diyos? Maaaring may ilang karanasan o liwanag ka tungkol sa isang aspeto o panig ng isang katotohanan, ngunit hindi mo ito maibibigay sa iba magpakailanman, kaya itong liwanag na natamo mo ay hindi katotohanan; isang punto lamang ito na maaaring maabot ng mga tao. Ito lamang ang tamang karanasan at tamang pagkaunawa na dapat taglay ng isang tao: ilang aktuwal na karanasan at kaalaman sa katotohanan. Ang liwanag, kaliwanagan at pagkaunawang ito na batay sa karanasan ay hindi kailanman makakahalili sa katotohanan; kahit pa ganap nang naranasan ng lahat ng tao ang katotohanang ito, at pinagsama-sama ang lahat ng kanilang mga pagkaunawang batay sa karanasan, hindi pa rin nito mapapalitan ang nag-iisang katotohanang iyon. Gaya nang nasabi na sa nakalipas, “Binubuod Ko ito sa isang kasabihan para sa mundo ng tao: Sa gitna ng mga tao, walang sinumang nagmamahal sa Akin.” Ito ay pangungusap ng katotohanan: ito ang totoong diwa ng buhay. Ito ang pinakamalalim sa mga bagay; ito ay sariling pagpapahayag ng Diyos Mismo. Maaaring patuloy mong mararanasan ito at kung mararanasan mo ito sa loob ng tatlong taon magkakaroon ka ng mababaw na pagkaunawa nito; kung mararanasan mo ito sa loob ng pito o walong taon magtatamo ka ng higit pang pagkaunawa nito—nguni’t anumang pagkaunawa na matamo mo ay hindi kailanman makakahalili sa nag-iisang pangungusap ng katotohanang iyan. Ang isa pang tao, matapos maranasan ito sa loob ng dalawang taon ay maaaring magtamo ng kaunting pagkaunawa at pagkatapos ay bahagyang mas malalim na pagkaunawa matapos maranasan ito sa loob ng sampung taon at pagkatapos ay ilang higit pang pagkaunawa matapos maranasan ito sa buong buhay—nguni’t kung pagsasamahin ninyo kapwa ang pagkaunawa na natamo na ninyo, magkagayunman—gaano man kalaking pagkaunawa, gaano karaming karanasan, gaano karaming kaunawaan, gaano kalaking liwanag, o gaano karaming halimbawang kapwa mayroon kayo—lahat ng iyan ay hindi pa rin makakahalili sa nag-iisang pangungusap ng katotohanan na iyan. Sa madaling salita, ang buhay ng tao ay palaging magiging buhay ng tao, at gaano man kaayon sa katotohanan, sa mga intensyon ng Diyos at Kanyang mga kahilingan ang iyong pagkaunawa, hindi nito kailanman makakayang humalili sa katotohanan. Ang sabihing ang katotohanan ay natamo na ng mga tao ay nangangahulugan na mayroon silang kaunting realidad, na may natamo na silang kaunting pagkaunawa sa katotohanan, na naabot na nila ang kaunting tunay na pagpasok sa mga salita ng Diyos, na nagkaroon na sila ng kaunting tunay na karanasan sa mga ito, at na sila ay nasa tamang landasin sa kanilang pananampalataya sa Diyos. Ang isa lamang na pahayag ng Diyos ay sapat na para maranasan ng isang tao habambuhay; kahit maranasan pa ito ng mga tao nang ilang habambuhay o kahit na ilang milenyo, hindi pa rin nila ganap at lubusang mararanasan ang isang katotohanan.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi

Sinundan: 2. Pinatototohanan mo na ang Panginoong Jesus ay bumalik, na Siya ay ang Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao, na nagpapahayag ng lahat ng katotohanan na kayang linisin at iligtas ang sangkatauhan, at ginagawa Niya ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa sambahayan ng Diyos. Kaya paano natin makikilala ang tinig ng Diyos, at paano natin masisiguro na ang Makapangyarihang Diyos ay ang pagbabalik ng Panginoong Jesus?

Sumunod: 4. Ano ang pagkakaiba sa pagitan ng mga salita ng Diyos na ipinaabot ng mga propeta na sina Isaias, Ezequiel, at Daniel sa Kapanahunan ng Kautusan, at ng mga salita ng Diyos na ipinahayag ng nagkatawang-taong Diyos?

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Tanong 8: Ang sinabi mo tungkol sa pagpunta sa impiyerno dahil sa pagkalaban sa Diyos, hindi ako naniniwala d’yan. Sino na ang nakakita sa impiyerno? Ano ang hitsura ng impiyerno? Ni hindi ko alam kung mayroon ngang Diyos. Hindi ko kinikilala na mayroong Diyos. Mayroon nga bang Diyos? Sino na ang nakakita sa Diyos? Kung ang Makapangyarihang Diyos ang tunay na Diyos, kapag desperadong tinutuligsa at inaatake ng CCP ang Makapangyarihang Diyos, bakit hindi pa ito pinupuksa ng Diyos? Kung ibubunyag ng Diyos ang Kanyang walang-hanggang kapangyarihan at pupuksain ang Communist Party, Siya nga ang tunay na Diyos. Sa gayong paraan, kailangang kilalanin ng buong sangkatauhan na ang Makapangyarihang Diyos ang tunay na Diyos, kahit ang CCP ay kailangang manikluhod at sumamba sa tunay na Diyos. Sino ang mangangahas na kalabanin ang Diyos? Pero ano ang totoong nangyari? Ang nakita ko ay inaaresto ng mga pulis ng CCP ang mga nananalig sa Diyos sa lahat ng dako. Marami sa mga nananalig sa Diyos ang ibinilanggo, pinahirapan at nilumpo. Marami sa kanila ang pinatay. Gayunman, iniligtas ba sila ng Diyos n’yo? Paano nito mapapaniwala ang isang tao na totoo ang Diyos na pinananaligan n’yo? Hindi ko talaga kayo maunawaan. Tunay ba o huwad ang Diyos na pinananaligan n’yo? Nangangamba ako na ni hindi n’yo ito alam. Kung gayon, hindi ba kahangalan ’yan? Ano ang batayan n’yo sa pagsasabi na ang Diyos na pinananaligan n’yo ang tunay na Diyos? Malinaw ba n’yong maipapaliwanag ’yan?

Sagot: May karanasan na kayo. Tungkol sa pag-iral at pangingibabaw ng Diyos, talaga bang wala kayong alam? Mula nang likhain ang mundo,...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito