Tanong 2: Yamang sinasabi mong ang pangalan ng Diyos sa bawat panahon ay hindi maaaring kumatawan sa Kanyang kabuuan, kung gayon, ano ang kahalagahan ng Kanyang pangalan sa bawat kapanahunan?

Sagot: Napakahalaga ng tanong na ito, Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “‘Jehova’ ang pangalang ginamit Ko noong panahon ng Aking gawain sa Israel, at ang ibig sabihin nito ay ang Diyos ng mga Israelita (mga taong hinirang ng Diyos) na maaaring maawa sa tao, sumpain ang tao, at gabayan ang buhay ng tao; ang Diyos na nagtataglay ng dakilang kapangyarihan at puspos ng karunungan. Si ‘Jesus’ ay si Emmanuel, na ang ibig sabihin ay ang handog dahil sa kasalanan na puspos ng pagmamahal, puspos ng habag, at tumutubos sa tao. Ginawa Niya ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya, at kumakatawan Siya sa Kapanahunan ng Biyaya, at maaari lamang Niyang katawanin ang isang bahagi ng gawain ng plano ng pamamahala. Ibig sabihin, si Jehova lamang ang Diyos ng mga taong hinirang sa Israel, ang Diyos ni Abraham, ang Diyos ni Isaac, ang Diyos ni Jacob, ang Diyos ni Moises, at ang Diyos ng lahat ng tao sa Israel. Kaya nga, sa kasalukuyang kapanahunan, lahat ng Israelita, maliban sa mga Judio, ay sumasamba kay Jehova. Nag-aalay sila sa Kanya ng mga hain sa altar at naglilingkod sa Kanya sa templo na suot ang balabal ng mga saserdote. Ang inaasahan nila ay ang pagpapakitang muli ni Jehova. Si Jesus lamang ang Manunubos ng sangkatauhan, at Siya ang handog dahil sa kasalanan na tumubos sa sangkatauhan mula sa kasalanan. Ibig sabihin, ang pangalan ni Jesus ay nanggaling sa Kapanahunan ng Biyaya at umiral dahil sa gawain ng pagtubos sa Kapanahunan ng Biyaya. Ang pangalan ni Jesus ay umiral upang tulutan ang mga tao sa Kapanahunan ng Biyaya na muling maisilang at maligtas, at isang partikular na pangalan para sa pagtubos sa buong sangkatauhan. Sa gayon, ang pangalang Jesus ay kumakatawan sa gawain ng pagtubos, at ipinahihiwatig ang Kapanahunan ng Biyaya. Ang pangalang Jehova ay isang partikular na pangalan para sa mga tao ng Israel na namuhay sa ilalim ng kautusan. Sa bawat kapanahunan at bawat yugto ng gawain, ang Aking pangalan ay hindi walang batayan, kundi may kinakatawang kabuluhan: Bawat pangalan ay kumakatawan sa isang kapanahunan. Ang ‘Jehova’ ay kumakatawan sa Kapanahunan ng Kautusan at ito ang pamimitagan na ipinantawag ng mga tao ng Israel sa Diyos na kanilang sinamba. Ang ‘Jesus’ ay kumakatawan sa Kapanahunan ng Biyaya, at ito ang pangalan ng Diyos ng lahat ng tinubos noong Kapanahunan ng Biyaya. Kung nananabik pa rin ang tao sa pagdating ni Jesus na Tagapagligtas sa mga huling araw, at inaasahan pa rin na darating Siya sa imaheng Kanyang tinaglay sa Judea, tumigil na sana ang buong anim-na-libong-taong plano ng pamamahala sa Kapanahunan ng Pagtubos, at hindi na susulong pa. Ang mga huling araw, bukod diyan, ay hindi sana darating, at hindi sana nawakasan ang kapanahunan kailanman. Iyon ay dahil si Jesus na Tagapagligtas ay para lamang sa pagtubos at pagliligtas sa sangkatauhan. Ginamit Ko ang pangalang Jesus para lamang sa kapakanan ng lahat ng makasalanan sa Kapanahunan ng Biyaya, at hindi ito ang pangalang gagamitin Ko upang wakasan ang buong sangkatauhan(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Nakabalik Na ang Tagapagligtas Sakay ng Isang “Puting Ulap”).

Mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos, naunawaan natin ang ibig sabihin ng mga pangalang ginamit ng Diyos sa bawat panahon. Sa Kapanahunan ng Kautusan, ang Kanyang pangalan ay Jehova, at kinatawan ng pangalan ang ipinahayag Niya sa sangkatauhan sa panahong iyon: isang disposisyon ng pagkamaharlika, poot, sumpa, at awa. Pagkatapos ay sinimulan ng Diyos ang gawain ng Kapanahunan ng Kautusan sa pangalang Jehova. Ibinigay Niya ang Kanyang batas at mga kautusan at opisyal na pinamunuan ang bagong silang na sangkatauhan sa kanilang buhay sa lupa. Hiniling Niya sa mga tao na mahigpit na sundin ang batas at matutong sumamba sa Kanya, na igalang Siya bilang dakila. Mga pagpapala at biyaya ang makakamit ng sinumang sumusunod sa kautusan. Ang sinumang lumabag sa kautusan ay babatuhin hanggang sa kamatayan, o susunugin ng apoy ng langit. Kaya nga ang mga Israelita na namuhay ayon sa kautusan ay mahigpit na sumunod dito, at itinuring na banal ang pangalang Jehova. Namuhay sila sa ilalim ng pangalan ni Jehova sa loob ilang libong taon, hanggang sa matapos ang Kapanahunan ng Kautusan. Pagkatapos ng Kapanahunan ng Kautusan, dahil lalong naging tiwali ang sangkatauhan at lalo pang nagkakasala, wala nang paraan para patuloy na sundin ng mga tao ang kautusan. Lahat ay palaging nahaharap sa panganib na maparusahan sa paglabag sa kautusan, kaya nga isinagawa ng Diyos ang Kanyang gawain ng pagtubos sa ilalim ng pangalan ni Jesus. Binuksan Niya ang Kapanahunan ng Biyaya at winakasan ang Kapanahunan ng Kautusan, ipinapahayag ang disposisyon ng Diyos ukol sa pag-ibig at awa. Ipinagkaloob din Niya sa tao ang Kanyang saganang biyaya, at sa huli ay ipinako sa krus alang-alang sa tao, kaya tinubos tayo sa ating mga kasalanan. Magmula noon, nagsimula tayong manalangin sa pangalan ni Jesus at igalang ang Kanyang banal na pangalan, para matamasa ang Kanyang pagpapatawad sa ating mga kasalanan, at ang Kanyang saganang biyaya. Ang pangalang “Jesus” ay gayon upang ang mga tao sa Kapanahunan ng Biyaya ay muling maisilang at magkamit ng kaligtasan. Ang kahulugan nito ay bilang alay ng awa at pag-ibig sa kasalanan para sa pagtubos ng sangkatauhan. Ang pangalang “Jesus” ay kumakatawan sa gawain ng pagtubos ng Diyos, at kumakatawan din ito sa Kanyang disposisyon ng awa at pag-ibig. Makikita natin mula sa dalawang yugto ng gawain na nakumpleto na ng Diyos na ang pangalang tinataglay Niya sa bawat kapanahunan ay may sariling kahalagahan. Bawat pangalan ay kumakatawan sa gawain ng Diyos sa panahong iyon at sa disposisyong ipinapahayag Niya sa panahong iyon. Sa Kapanahunan ng Biyaya, nang dumating ang Panginoon, kung hindi Siya tinawag na Jesus, kundi tinawag na Jehova, ang gawain ng Diyos ay maaaring tumigil sana sa Kapanahunan ng Kautusan, at hindi na sana nakamit ng tiwaling sangkatauhan ang pagtubos ng Diyos. Sa huli, kinondena at pinarusahan sana ang tao sa paglabag sa kautusan, at nang dumating ang Diyos sa mga huling araw, kung Jesus pa rin ang tawag sa Kanya, makakamit lamang ng tiwaling sangkatauhan ang katubusan ng kanilang mga kasalanan, ngunit hindi kailanman malilinis at maliligtas upang makapasok sa kaharian ng Diyos. Ito’y dahil sa pinatatawad ang ating mga kasalanan sa pamamagitan ng paniniwala sa Panginoong Jesus, ngunit umiiral pa rin ang ating likas na pagkamakasalanan. Palagi pa rin tayong nagkakasala, kaya hindi tayo lubusang nakamit ng Diyos. Kaya’t upang lubusang mailigtas ang sangkatauhan mula sa kasalanan, isinasagawa ngayon ng Diyos ang isa pang yugto ng gawain ng ganap na pagdalisay at pagliligtas sa sangkatauhan, na nakasalig sa gawain ng Panginoong Jesus. Kailangang magbago ang pangalan ng Diyos. Tungkol sa Diyos na tinatawag na Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, talagang ipinropesiya ito noon pa. Makikita natin ito sa pamamagitan ng maingat na pagrerepaso. Basahin natin sa Pahayag 1:8. “Ako ang Alpha at ang Omega, sabi ng Panginoong Diyos, ngayon at nang nakaraan at sa darating, ang Makapangyarihan sa lahat.” Ngayon, buklatin ninyong lahat sa kabanata 11:16-17. “At ang dalawangpu’t apat na matatanda na nakaupo sa kanikaniyang luklukan sa harapan ng Diyos, ay nangagpatirapa, at nangagsisamba sa Diyos, Na nangagsasabi, Pinasasalamatan ka namin, Oh Panginoong Diyos, na Makapangyarihan sa lahat, na ikaw ngayon, at naging ikaw nang nakaraan; sapagka’t hinawakan mo ang iyong dakilang kapangyarihan, at ikaw ay naghari.” Iprinopesiya din ito sa Pahayag 4:8, 16:7, 19:6 at sa marami pang lugar sa Biblia. Ang bagong pangalan ng Diyos sa mga huling araw ay Makapangyarihan, ibig sabihin, Makapangyarihang Diyos.

Ang Diyos ay matalinong Diyos, at bawat bagay na ginagawa Niya ay may malaking kahalagahan. Ganap na kinakatawan ng pangalang Makapangyarihang Diyos ang Kanyang gawain at ang ipinapahayag Niyang disposisyon sa mga huling araw. Kung hindi personal na ibinunyag ng Diyos ang mga hiwagang ito sa atin, kahit ilang taon ang ginugol natin sa pagbabasa ng Biblia, hindi natin malalaman ang mga bagay na ito. Sama-sama nating basahin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos.

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang gawain ng Diyos sa kabuuan ng Kanyang pamamahala ay lubos na malinaw: Ang Kapanahunan ng Biyaya ay ang Kapanahunan ng Biyaya, at ang mga huling araw ay ang mga huling araw. Mayroong malilinaw na pagkakaiba sa pagitan ng bawat kapanahunan, dahil sa bawat kapanahunan ay nagsasagawa ang Diyos ng gawain na kumakatawan sa kapanahunang iyon. Para magawa ang gawain sa mga huling araw, dapat ay may pagsunog, paghatol, pagkastigo, poot, at pagwasak upang matapos na ang kapanahunan. Ang mga huling araw ay tumutukoy sa pangwakas na kapanahunan. Sa pangwakas na kapanahunan, hindi ba’t tatapusin ng Diyos ang kapanahunan? Upang mawakasan ang kapanahunan, dapat dalhin ng Diyos ang pagkastigo at paghatol kasama Niya. Tanging sa ganitong paraan Niya mawawakasan ang kapanahunan. … Samakatuwid, sa Kapanahunan ng Kautusan, Jehova ang pangalan ng Diyos, at sa Kapanahunan ng Biyaya, ang pangalan ni Jesus ang kumatawan sa Diyos. Sa mga huling araw, ang Kanyang pangalan ay Makapangyarihang Diyos—ang Makapangyarihan sa lahat, na gumagamit sa Kanyang kapangyarihan upang gabayan ang tao, lupigin ang tao at makamit ang tao, at sa huli, wakasan ang kapanahunan(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos 3).

Minsan na Akong nakilala bilang Jehova. Tinawag din Akong ang Mesiyas, at tinawag Akong minsan ng mga tao na Jesus na Tagapagligtas nang may pagmamahal at paggalang. Gayunman, ngayon ay hindi na Ako ang Jehova o Jesus na nakilala ng mga tao noong araw; Ako ang Diyos na bumalik na sa mga huling araw, ang Diyos na magbibigay-wakas sa kapanahunan. Ako ang Diyos Mismo na nagbabangon mula sa dulo ng daigdig, puno ng Aking buong disposisyon, at puspos ng awtoridad, karangalan, at kaluwalhatian. Hindi nakipag-ugnayan sa Akin ang mga tao kailanman, hindi Ako nakilala kailanman, at palagi nang walang-alam tungkol sa Aking disposisyon. Mula sa paglikha ng mundo hanggang ngayon, wala ni isa mang tao na nakakita sa Akin. Ito ang Diyos na nagpapakita sa tao sa mga huling araw ngunit nakatago sa tao. Nananahan Siya sa piling ng tao, tunay at totoo, tulad ng nagniningas na araw at naglalagablab na apoy, puspos ng kapangyarihan at nag-uumapaw sa awtoridad. Wala ni isa mang tao o bagay na hindi hahatulan ng Aking mga salita, at wala ni isa mang tao o bagay na hindi padadalisayin sa pamamagitan ng pagliliyab ng apoy. Sa huli, lahat ng bansa ay pagpapalain dahil sa Aking mga salita, at dudurugin din nang pira-piraso dahil sa Aking mga salita. Sa ganitong paraan, makikita ng lahat ng tao sa mga huling araw na Ako ang Tagapagligtas na nagbalik, at na Ako ang Makapangyarihang Diyos na lumulupig sa buong sangkatauhan. At makikita ng lahat na minsan na Akong naging handog dahil sa kasalanan para sa tao, ngunit na sa mga huling araw ay nagiging mga ningas din Ako ng araw na tumutupok sa lahat ng bagay, gayundin ang Araw ng katuwiran na nagbubunyag sa lahat ng bagay. Ito ang Aking gawain sa mga huling araw. Ginamit Ko ang pangalang ito at taglay Ko ang disposisyong ito upang makita ng lahat ng tao na Ako ay isang matuwid na Diyos, ang nagliliyab na araw, ang nagniningas na apoy, at upang lahat ay sambahin Ako, ang iisang tunay na Diyos, at upang makita nila ang Aking tunay na mukha: Hindi lamang Ako ang Diyos ng mga Israelita, at hindi lamang Ako ang Manunubos; Ako ang Diyos ng lahat ng nilalang sa buong kalangitan at sa lupa at sa karagatan(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Nakabalik Na ang Tagapagligtas Sakay ng Isang “Puting Ulap”).

Sa mga huling araw, ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain ng paghatol ng Kapanahunan ng Kaharian sa ilalim ng pangalan ng Makapangyarihang Diyos. Inilantad Niya ang katiwalian ng sangkatauhan at hinatulan ang ating di pagkamatuwid sa pamamagitan ng Kanyang mga salita upang malaman natin ang ating likas na pagkatao at ating diwa sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salitang ito, makita ang katotohanan kung gaano tayo ginawang tiwali ni Satanas, maunawaan ang ugat ng ating katiwalian, at malaman ang pagkamatuwid ng Diyos, at ang Kanyang disposisyon na hindi magpapahintulot sa mga maling nagagawa ng sangkatauhan. Itinuturo din Niya sa atin ang landas at direksiyon para baguhin ang ating mga disposisyon upang talikuran natin ang masama, hanapin ang katotohanan, kamtin ang pagbabago ng disposisyon at mailigtas ng Diyos. Dumating ang Diyos para gawin ang paghatol at dalisayin ang sangkatauhan, hinahati tayo ayon sa ating uri, at ginagantimpalaan ang mabuti at pinarurusahan ang masama, upang lubusang iligtas ang tiwaling sangkatauhan mula sa nasasakupan ni Satana at wakasan ang anim na libong taon ng plano ng pamamahala ng Diyos. Nagpakita ang Diyos sa sangkatauhan sa mga huling araw taglay ang disposisyon ng pagkamatuwid, kamaharlikahan, at poot na hindi magpapahintulot sa kamalian. Hayagan Niyang ipinakita ang Kanyang likas na disposisyon, at kung ano ang mayroon Siya at kung ano Siya sa lahat, Dumating Siya para hatulan at kastiguhin ang kasamaan, at kabuktutan ng tao, upang lubusan tayong iligtas mula sa kasalanan at ibalik ang orihinal na kabanalan ng tao. Nais Niyang makita ng lahat ng tao hindi lamang ang Kanyang karunungan sa paglikha ng kalangitan, ng lupa, at ng lahat ng bagay, kundi lalo na ang karunungan ng Kanyang praktikal na gawain sa sangkatauhan. Hindi lang Niya nilikha ang lahat ng bagay, kundi Siya rin ang namumuno sa lahat ng bagay. Hindi lamang Siya naging alay para sa kasalanan ng sangkatauhan, kundi kaya rin Niyang gawing perpekto, baguhin, at dalisayin tayo. Siya ang Una, at ang Huli. Wala ni isang makaaarok sa Kanyang paging kahanga-hanga o sa Kanyang mga aksiyon. Kaya’t angkop lang na tawagin ang Diyos sa Kanyang pangalan na Makapangyarihang Diyos. Ang gawain ng Banal na Espiritu ngayon ay ipagtanggol ang gawain sa ilalim ng pangalan ng Makapangyarihang Diyos. Ang sinumang nagdarasal sa pangalan ng Makapangyarihang Diyos at tunay na sumasamba sa Makapangyarihang Diyos ay makakamit ang gawain ng Banal na Espiritu, at matatamasa ang mayamang pagtustos sa buhay at pagdidilig na bigay ng Diyos. Dahil kung hindi sila’y mahuhulog sa kadiliman at maliligaw ng landas. Sa ngayon, ang mga iglesiang nakadikit pa rin sa Kapanahunan ng Biyaya ay dumaranas ng kapanglawan. Ang mga nananalig ay nawawalan ng malasakit sa kanilang pananampalataya, walang maipangaral ang mga mangangaral, at hindi naaantig ang mga tao kapag nagdarasal sila sa Diyos. Dagdag pa rito, dumarami ang mga tao na nagpapatangay sa mga tukso ng daigdig. Ang pangunahing dahilan nito ay hindi nila tinanggap ang pangalan ng Makapangyarihang Diyos, at hindi sila nakaagapay sa bagong gawain ng Diyos.

mula sa iskrip ng pelikulang Nagbago ang Pangalan ng Diyos?!

Sinundan: Tanong 1: Malinaw itong nasusulat sa banal na kasulatan: “Si Jesucristo ay Siya ring kahapon at ngayon, at magpakailanman” (Mga Hebreo 13:8). Kaya ang pangalan ng Panginoon ay hindi nagbabago, pero sinasabi mo na ang pangalan ng Panginoong Jesus ay magbabago sa mga huling araw. Paano mo ito ipaliliwanag?

Sumunod: Tanong 1: Pero sabi mo nagkatawang-tao ang Diyos sa mga huling araw para gawin ang gawaing paghatol. May batayan ba ito sa Biblia, o tinutupad ang anumang mga propesiya sa biblia? Kung walang batayan sa biblia, hindi natin dapat paniwalaan ito kaagad.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito