Totoo Bang Lahat ng Gawain at mga Salita ng Diyos ay Nasa Biblia?
Ang Makapangyarihang Diyos na Tagapagligtas ay nagpakita at gumagawa sa mga huling araw, at nagpahayag Siya ng milyun-milyong salita. Ginagawa Niya ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa sambahayan ng Diyos para ganap na linisin at iligtas ang sangkatauhan. Ang Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao na koleksyon ng Kanyang mga salita ay maaaring makita online. Hindi lang nito ginimbal ang relihiyosong mundo, kundi ang buong mundo mismo. Ang ilan sa mga nagmamahal sa katotohanan at inaasam ang pagpapakita ng Diyos, mula sa bawat bansa at denominasyon, ay nabasa na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, at nakita nilang ang mga ito ay ang katotohanan at ang mga pagbigkas ng Banal na Espiritu. Narinig na nila ang tinig ng Diyos, kinilala ang Makapangyarihang Diyos bilang ang Panginoong Jesus na nagbalik, at lumapit sa harap ng trono ng Diyos. Gaya na lang ng sinabi ng Panginoong Jesus, “Dinirinig ng Aking mga tupa ang Aking tinig, at sila’y Aking nakikilala, at sila’y nagsisisunod sa Akin” (Juan 10:27). Pero kahit na marami sa relihiyosong mundo ang kumikilalang ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan, na makapangyarihan at maawtoridad ang mga ito, dahil hindi nakatala ang Kanyang mga salita sa Biblia, tumatanggi silang tanggapin ang mga ito. Naniniwala silang ang gawain at mga salita ng Diyos ay nasa Biblia lahat, at walang matatagpuan sa labas nito. Ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan, pero dahil wala ang mga ito sa Biblia, paano magiging gawain at mga salita ito ng Diyos? At ang ilan, na nakikitang ang binabasa ng mga miyembro ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay ang Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao sa halip na ang Biblia, ay kinokondena ito, sinasabing ang paglayo sa Biblia ay pagtataksil sa Panginoon, na ito’y maling pananampalataya. Ipinapaalala sa akin nito ang mga Fariseong Judio, na hinatulan, kinondena, at nilabanan ang Panginoong Jesus dahil lang ang Kanyang gawain at mga salita ay lumagpas sa kanilang Kasulatan at Siya’y ‘di tinawag na Mesiyas. Ipinapako pa nga nila Siya sa krus, at sa huli’y pinarusahan at isinumpa ng Diyos, na nagwasak sa bayan ng Israel. Isa itong nakakapukaw na leksyon! Maraming relihiyosong tao ngayon ang iginigiit na ang gawain at mga salita ng Diyos ay nasa Biblia lahat, at walang matatagpuan sa labas nito. Itinatanggi at kinokondena nila ang gawain at mga salita ng Makapangyarihang Diyos, kumakapit sa maling ideya na ito. May iba pa ngang tahasang inaamin na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan, pero hindi pa rin sinisiyasat ang mga ito, at bilang resulta ay napapalagpas ang kanilang pagkakataong salubungin ang Panginoon bago ang mga sakuna. Nakalulungkot na nasadlak sila sa mga sakuna. “Ang gawain at mga salita ng Diyos ay nasa Biblia lahat, at walang matatagpuan sa labas nito.” Ang ideyang ito ay nagdulot na malampasan ng ‘di mabilang na tao ang kanilang pagkakataong salubungin ang Panginoon, gumagawa ng ubod ng samang kapahamakan. Ano ba talagang mali sa ideyang ito? Mauuna na ako’t magbabahagi kung anong nalalaman ko tungkol dito.
Bago saliksikin ito, linawin natin kung saan nanggaling ang Biblia. Binubuo ito ng dalawang bahagi: ang Lumang Tipan at ang Bagong Tipan. Ang mga Judio ay may pananalig kay Jehova, at ginagamit ang mga Kasulatan ng Lumang Tipan, habang ang mga Kristiyanong naniniwala sa Panginoong Jesus ay ginagamit ang Bagong Tipan. Ang Luma at Bagong Tipan ay kapwa pinagsama-sama ng mga tao ilang siglo matapos tapusin ng Diyos ang Kanyang gawain. Hindi nalaglag mula sa langit ang Biblia, at syempre, hindi ito personal na isinulat ng Diyos at ibinigay sa atin. Ito’y pinagsama-sama sa pamamagitan ng pagtutulungan ng mga lider ng relihiyon ng panahong iyon. Syempre, may kaliwanagan at patnubay sila ng Banal na Espiritu—walang duda. Dahil ang Biblia ay pinagsama-sama ng mga tao, imposibleng maisama sa Lumang Tipan ang nilalaman ng Bagong Tipan, at imposibleng maisama sa Bagong Tipan ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. ‘Yon ay dahil hindi nakikita ng mga tao ang hinaharap. Ang mga bersikulo at librong nakasama sa Biblia ay pinili, at hindi lahat ng mga isinulat ng mga propeta’t mga apostol ay nakasama sa Biblia. Marami-rami ang tinanggal o inalis. Pero hindi ito nakakapagtaka. Dahil pinagsama-sama ito ng mga tao, normal na may ilang pamimili, pag-aalis, at pagtatanggal. Kung saan nagkakamali ang tao rito ay sa pagpupumilit na ang lahat ng gawain at salita ng Diyos ay nasa Biblia, na para bang iyon lang ang sinabi at ginawa ng Diyos sa mga panahong iyon. Anong uri ng problema ito? May ilang libro ng mga propeta na hindi naitala sa Lumang Tipan, at ang dalawang librong alam natin, tulad ng kay Enoch at Ezra, ay wala sa Biblia. At makakasiguro tayo na malamang na may iba pang libro ng mga apostol na hindi nakasama sa Bagong Tipan, bukod pa na ang Panginoong Jesus ay nangaral sa loob ng tatlong taon at tiyak na maraming sinabi, pero napakakaunti lamang nito ang nasa Biblia. Tulad ng sinabi ng apostol na si Juan, “At mayroon ding iba’t ibang bagay na ginawa si Jesus, na kung susulating isa-isa, ay sa palagay ko kahit sa sanlibutan ay hindi magkakasya ang mga aklat na susulatin” (Juan 21:25). Malinaw na ang tala ng Biblia ng gawain at mga salita ng Diyos ay napakalimitado! Walang dudang alam natin na wala sa alinman sa Luma o Bagong Tipan ang naglalaman ng kabuuan ng gawain at mga salita ng Diyos para sa kapanahunang iyon. Ito’y isang katotohanang kikilalanin ng lahat. Maraming tao sa relihiyosong mundo ang hindi nakakaunawa sa Biblia o kung paano ito pinagsama-sama. Naniniwala sila na ang lahat ng gawain at salita ng Diyos ay nasa Biblia, at itinatanggi at kinokondena ang anumang labas sa Biblia. Umaayon ba ito sa mga totoong nangyari sa kasaysayan? Hindi ba’t ang paggigiit na ito ay humahatol sa gawain ng Diyos? Hindi ba’t paglaban ito sa Diyos? Ang Biblia ay pinagsama-sama pagkatapos ng mga pangyayari at ito’y ginawa ng mga tao, kaya paanong mauunang mailagay ng mga tao ang susunod na yugto ng gawain ng Diyos sa Biblia? Imposible iyon, dahil walang kapangyarihang manghula ang tao. ‘Yong mga nagsama-sama ng Lumang Tipan ay hindi na buhay noong panahon ng Panginoong Jesus at hindi nila naranasan ang gawain ng Panginoong Jesus. Paano nila mauunang mailagay ang Kanyang gawain at mga salita, at ang mga libro ng mga apostol sa Lumang Tipan? Imposible ring mailalagay ng mga nagsama-sama ng Bagong Tipan ang gawain at mga salita ng Diyos para sa mga huling araw, pagkaraan ng dalawang libong taon, sa Kasulatan sa simula pa man. Nasaksihan ng buong relihiyosong mundo ngayon ang gawain at mga salita ng Makapangyarihang Diyos. May ilang sumiyasat sa mga ito at kinilalang ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang lahat ng katotohanan at nagtataglay ng awtoridad. Pero dahil hindi naglalaman ang Biblia ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos at ng Kanyang pangalan, at hindi matatagpuan ang mga ito roon, itinatanggi nilang ang Makapangyarihang Diyos ay ang pagpapakita ng Diyos Mismo. Hindi ba’t ang kanilang pagkakamali ay katulad ng sa mga Fariseo nang nilabanan at kinondena nila ang Panginoong Jesus? Inisip ng mga Fariseo na dahil hindi Mesiyas ang pangalan ng Panginoong Jesus, at ang Kanyang gawain at mga salita ay hindi akma sa kanilang mga Kasulatan, pwede nilang itanggi na Siya ang Mesiyas. Nakikita ng mga relihiyosong tao ngayon na ang pangalan ng Makapangyarihang Diyos ay hindi ipinropesiya sa Biblia at ang Kanyang mga salita ay hindi rin matatagpuan dito, kaya itinatanggi at kinokondena nila ang gawain at mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Ginagawa na naman nila ulit ang kasalanang iyon ng pagpapako sa Diyos sa krus. Sa katunayan, kahit na hindi naglalaman ang Biblia ng gawain at mga salita ng Diyos sa mga huling araw, may mga propesiya tungkol sa bagong pangalan ng Diyos sa mga huling araw, tulad ng isang ito sa Isaias: “At makikita ng mga Hentil ang iyong katuwiran, at ng lahat ng hari ang iyong kaluwalhatian; at ikaw ay tatawagin sa bagong pangalan, na ipangangalan ng bibig ni Jehova” (Isaias 62:2). At makikita natin sa Pahayag: “Ang magtagumpay, ay gagawin Kong haligi sa templo ng Aking Diyos, at hindi na siya lalabas pa doon: at isusulat Ko sa kanya ang pangalan ng Aking Diyos, at ang pangalan ng bayan ng Aking Diyos, ang bagong Jerusalem, na mananaog buhat sa langit mula sa Aking Diyos, at ang Aking sariling bagong pangalan” (Pahayag 3:12). “Ako ang Alpha at ang Omega, … ngayon at nang nakaraan at sa darating, ang Makapangyarihan sa lahat” (Pahayag 1:8). “Aleluya: sapagkat naghahari ang Panginoong ating Diyos na Makapangyarihan sa lahat” (Pahayag 19:6). Ipinropesiya rin ng Biblia na ang Diyos ay higit na magsasalita at gagawa sa mga huling araw, tulad ng sinabi ng Panginoong Jesus: “Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, ngunit ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan: sapagkat hindi Siya magsasalita ng mula sa Kanyang sarili; kundi ang anomang bagay na Kanyang marinig, ang mga ito ang Kanyang sasalitain: at Kanyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating” (Juan 16:12–13). May isang babala rin na pitong beses na lumabas sa Pahayag: “Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia” (Pahayag Mga Kabanata 2, 3). Ipinropesiya rin ng Pahayag na bubuksan ng Diyos ang selyadong balumbon sa mga huling araw. Malinaw na ang Diyos ay nakapropesiya na magsasalita sa mga iglesia sa mga huling araw at aakayin ang sangkatauhan tungo sa lahat ng katotohanan. Paanong ang gawain at mga salitang ito mula sa Diyos para sa mga huling araw ay lalabas sa Biblia sa simula pa man? Imposible iyon! Sa lahat ng propesiya at maliwanag na katotohanang ito, bakit napakaraming tao ang bulag, na bukas na bukas ang kanilang mga mata, hinahatulan at ipinagpipilitang ang gawain at mga salita ng Diyos ay nasa Biblia lahat, at walang matatagpuan sa labas nito? Malinaw na sa pagkakaroon ng lakas ng loob na hatulan at labanan ang Diyos ngayon na Siya’y nagpakita at gumagawa, hindi nauunawaan ng mga taong ito ang gawain ng Diyos, at ni katiting ay ‘di nauunawaan ang katotohanan. Sila’y kinondena at inalis ng Diyos, at nasadlak na sila sa mga sakuna. Isinasakatuparan nito ang mga biblikal na bersikulo: “Ang mangmang ay namamatay sa kakulangan ng pag-unawa” (Kawikaan 10:21). “Ang Aking bayan ay nasira dahil sa kakulangan ng kaalaman” (Hosea 4:6).
Tingnan natin ang ilan sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang mga naitala sa Bibliya ay limitado; hindi nito kayang kumatawan sa kabuuan ng gawain ng Diyos. Ang Apat na Ebanghelyo sa kabuuan ay wala pang isang daang kabanata, kung saan nakasulat ang takdang bilang ng mga pangyayari, tulad ng pagsumpa ni Jesus sa puno ng igos, tatlong pagtatwa ni Pedro sa Panginoon, pagpapakita ni Jesus sa mga alagad kasunod ng Kanyang pagkapako sa krus at muling pagkabuhay, pagtuturo tungkol sa pag-aayuno, pagtuturo tungkol sa panalangin, pagtuturo tungkol sa diborsiyo, ang kapanganakan at talaangkanan ni Jesus, ang paghirang ni Jesus sa mga alagad, at iba pa. Subalit, pinahahalagahan ang mga ito ng tao bilang mga kayamanan, at ikinukumpara pa sa mga ito ang gawain sa ngayon. Naniniwala pa nga sila na gumawa lamang nang gayon karami si Jesus sa Kanyang buhay, na para bang gayon lamang karami ang kayang gawin ng Diyos at wala nang iba pa. Hindi ba ito katawa-tawa?” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao 1).
“Kung tutuusin, alin ang mas dakila: ang Diyos o ang Bibliya? Bakit kailangang gumawa ang Diyos nang naaayon sa Bibliya? Maaari kaya na walang karapatan ang Diyos na higitan ang Bibliya? Hindi ba maaaring lumihis ang Diyos sa Bibliya at gumawa ng ibang gawain? Bakit hindi ipinangilin ni Jesus at ng Kanyang mga disipulo ang araw ng Sabbath? Kung magsasagawa Siya nang isinasaalang-alang ang araw ng Sabbath at nang ayon sa mga utos ng Lumang Tipan, bakit hindi nangilin si Jesus sa Sabbath nang dumating Siya, at sa halip ay naghugas ng mga paa, nagtaklob ng ulo, naghati-hati ng tinapay, at uminom ng alak? Hindi ba wala itong lahat sa mga utos ng Lumang Tipan? Kung iginalang ni Jesus ang Lumang Tipan, bakit Niya hindi isinagawa ang mga doktrinang ito? Dapat mong malaman kung alin ang nauna, ang Diyos o ang Bibliya! Bilang Panginoon ng Sabbath, hindi ba Siya maaaring maging Panginoon din ng Bibliya?” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tungkol sa Bibliya 1).
“Walang sinumang nakakaalam sa realidad ng Bibliya: na ito’y wala nang iba kundi isang talaan ng kasaysayan ng gawain ng Diyos, at isang patotoo sa nakaraang dalawang yugto ng gawain ng Diyos, at na hindi ito nagbibigay sa iyo ng pagkaunawa sa mga minimithi ng gawain ng Diyos. Alam ng lahat na nakabasa na sa Bibliya na idinodokumento nito ang dalawang yugto ng gawain ng Diyos noong Kapanahunan ng Kautusan at Kapanahunan ng Biyaya. Isinasalaysay sa Lumang Tipan ang kasaysayan ng Israel at ang gawain ni Jehova mula sa panahon ng paglikha hanggang sa katapusan ng Kapanahunan ng Kautusan. Nakatala sa Bagong Tipan ang gawain ni Jesus sa lupa, na nasa Apat na Ebanghelyo, pati na rin ang gawain ni Pablo—hindi ba mga talaan ng kasaysayan ang mga ito? Ang pagbanggit ngayon sa mga bagay na lumipas na ang dahilan kaya kasaysayan ang mga ito, at hindi mahalaga kung gaano katotoo o tunay ang mga ito, ang mga ito ay kasaysayan pa rin—at ang kasaysayan ay hindi magpapatungkol sa kasalukuyan, sapagkat ang Diyos ay hindi lumilingon sa kasaysayan! Kaya kung iyo lamang nauunawaan ang Bibliya, at walang nauunawaan sa gawain na nilalayong isakatuparan ngayon ng Diyos, at kung naniniwala ka sa Diyos ngunit hindi mo hinahanap ang gawain ng Banal na Espiritu, kung gayon ay hindi mo nauunawaan kung ano ang ibig sabihin ng hanapin ang Diyos. Kung binabasa mo ang Bibliya upang pag-aralan ang kasaysayan ng Israel, upang saliksikin ang kasaysayan ng paglikha ng Diyos sa buong kalangitan at kalupaan, kung gayon ay hindi ka naniniwala sa Diyos. Ngunit ngayon, dahil naniniwala ka sa Diyos, at hinahangad mo ang buhay, dahil hinahangad mo ang pagkakilala sa Diyos, at hindi hinahangad ang mga walang-buhay na titik at doktrina, o ang pagkaunawa ng kasaysayan, dapat mong hanapin ang kalooban ng Diyos ngayon, at dapat mong hanapin ang direksyon ng gawain ng Banal na Espiritu. Kung ikaw ay isang arkeologo maaari mong mabasa ang Bibliya—ngunit ikaw ay hindi, ikaw ang isa sa mga naniniwala sa Diyos, at pinakamainam na hanapin mo ang kalooban ng Diyos sa ngayon” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tungkol sa Bibliya 4).
“Kung nais mong makita ang gawain ng Kapanahunan ng Kautusan, at makita kung paano sinundan ng mga Israelita ang landas ni Jehova, dapat mong basahin ang Lumang Tipan; kung nais mong maunawaan ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya, dapat mong basahin ang Bagong Tipan. Ngunit paano mo makikita ang mga gawain sa mga huling araw? Kailangan mong tanggapin ang pamumuno ng Diyos ng kasalukuyan, at pumasok sa gawain sa kasalukuyan, dahil ito ang bagong gawain, at wala pang nakapagtatala nito sa Bibliya. Ngayon, ang Diyos ay naging tao at pumili ng ibang hinirang na mga tao sa Tsina. Ang Diyos ay gumagawa sa mga taong ito, nagpapatuloy Siya mula sa Kanyang gawain sa daigdig, at nagpapatuloy mula sa gawain sa Kapanahunan ng Biyaya. Ang gawain sa kasalukuyan ay isang daan na hindi pa kailanman nalakaran ng tao, at daan na wala pang sinuman ang nakakita. Ito ay gawain na hindi pa kailanman nagawa—ito ang pinakabagong gawain ng Diyos sa mundo. Kaya ang gawain na hindi pa nagawa noon ay hindi kasaysayan, dahil ang ngayon ay ngayon, at hindi pa nagiging nakaraan. Hindi alam ng mga tao na ang Diyos ay nakagawa nang mas nakahihigit at mas bagong gawain sa mundo, at sa labas ng Israel, na lumampas na ito sa saklaw ng Israel, at lampas sa mga propesiya na ibinigay ng mga propeta, na ito ay bago at kahanga-hangang gawain na hindi sakop ng mga propesiya, at mas bagong gawain na lampas sa Israel, at gawain na hindi makikita o kaya ay magawang akalain ng mga tao. Paanong ang Bibliya ay naglalaman ng malinaw na mga talaan ng nasabing gawain? Sino ang maaaring makapagtala ng bawat isang bahagi ng gawain ngayon bago ito maganap, nang walang makakaligtaan? Sino ang maaaring makapagtala nitong mas makapangyarihan at mas may karunungang gawain na sumasalungat sa kinaugalian na nasa lumang inaamag na libro na iyon? Ang gawain sa kasalukuyan ay hindi kasaysayan, at dahil dito, kung nais mong lumakad sa bagong landas ngayon, kailangan mong lisanin ang Bibliya, dapat mong lagpasan ang mga aklat ng propesiya o kasaysayan na nasa Bibliya. Sa ganitong paraan ka lamang maaaring makalakad sa bagong landas nang maayos, at sa ganitong paraan ka lamang makakapasok sa bagong kaharian at sa bagong gawain. … Yamang mayroong mas mataas na daan, bakit pag-aaralan ang mas mababa at makalumang daan? Yamang may bagong mga pagbigkas, at mas bagong gawain, bakit ka mamumuhay batay sa lumang mga talaan ng kasaysayan? Ang mga bagong pagbigkas ay maaaring makapagtustos sa inyo, na nagpapatunay na ito ang bagong gawain; ang mga lumang talaan ay hindi ka mabibigyang-kasiyahan, o hindi makatutugon sa iyong kasalukuyang pangangailangan, na nagpapatunay na kasaysayan na ang mga ito, at hindi gawain ng dito at ngayon. Ang pinakamataas na daan ay ang pinakabagong gawain, at sa bagong gawain, kahit gaano pa kataas ang daan ng nakaraan, ito ay kasaysayan lamang na ginugunita ng mga tao, at kahit ano pa ang halaga nito bilang sanggunian, ito ay lumang daan pa rin. Kahit na ito ay naitala sa ‘banal na aklat,’ ang lumang daan ay kasaysayan; kahit na walang nakatala tungkol dito sa ‘banal na aklat,’ ang bagong daan ay para sa naririto at sa ngayon. Ang daan na ito ay maaari kang iligtas, at ang daan na ito ay maaari kang baguhin, dahil ito ang gawain ng Banal na Espiritu” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tungkol sa Bibliya 1).
“Ang katotohanan na nais Kong ipaliwanag dito ay ito: Kung ano at kung anong mayroon ang Diyos ay di-nauubos magpakailanman at walang katapusan. Ang Diyos ang pinagmumulan ng buhay at ng lahat ng bagay; hindi Siya maaaring maarok ng anumang nilalang. Ang panghuli, dapat Kong patuloy na ipaalala sa lahat: Huwag na muling lagyan ng limitasyon ang Diyos batay sa mga aklat, mga salita, o sa Kanyang nakaraang mga pagbigkas kahit kailan. Mayroon lamang iisang salita na naglalarawan ng katangian ng gawain ng Diyos: bago. Ayaw Niyang tahakin ang lumang mga landas o ulitin ang Kanyang gawain; higit pa riyan, ayaw Niyang sambahin Siya ng mga tao sa pamamagitan ng paglalagay sa Kanya ng limitasyon sa loob ng partikular na saklaw. Ito ang disposisyon ng Diyos” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pangwakas na Pananalita).
Nililinaw ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang lahat, hindi ba? Ang Biblia ay isa lang talaan ng dalawang yugto ng gawain sa Kapanahunan ng Kautusan at sa Kapanahunan ng Biyaya. Isa itong librong pangkasaysayan, at lubos na hindi ito pwedeng kumatawan sa lahat ng gawain at salita ng Diyos. Ang Diyos ay ang Lumikha, ang pinagmumulan ng buhay ng tao. Siya’y nagsasalita at gumagawa na sa loob ng libu-libong taon, at Siya’y isang ‘di nauubos na bukal ng panustos para sa sangkatauhan, palagi tayong pasulong na inaakay. Ang Kanyang mga salita ay ang bukal ng buhay na tubig, palaging umaagos. Ang gawain at mga salita ng Diyos ay ‘di maaaring pigilan ng sinumang tao o anumang bagay, lalo na ang limitahan ng Biblia. ‘Di Siya kailanman tumigil sa pagsasalita at pagsasagawa ng bagong gawain ayon sa Kanyang plano ng pamamahala at mga pangangailangan ng sangkatauhan. Inilabas ng Diyos na si Jehova ang batas para gabayan ang buhay ng sangkatauhan sa lupa sa Kapanahunan ng Kautusan, noong wala pa talagang Biblia. Ipinangaral ng Panginoong Jesus ang paraan ng pagsisisi sa Kapanahunan ng Biyaya at ginawa ang gawain ng pagtubos, nilagpasan ang Lumang Tipan. Pumarito ang Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at ginagawa ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa sambahayan ng Diyos. Binuksan Niya ang pitong selyo at ang balumbon, ipinapahayag ang lahat ng katotohanan na naglilinis at ganap na nagliligtas sa sangkatauhan. Ito’y isang bago, mas mataas na yugto ng gawain na ginawa sa pundasyon ng gawain ng pagtubos ng Kapanahunan ng Biyaya. Mas bago ito at mas praktikal na gawain, at imposibleng malathala sa Biblia sa simula pa man. Makikita natin mula rito na ang gawain ng Diyos ay palaging bago at ‘di kailanman luma, palaging sumusulong, hindi kailanman umuulit. Nilalagpasan ng Kanyang bagong gawain ang kung ano ang nasa Biblia, binibigyan ang tao ng isang bagong landas at maging ng mas mataas na mga katotohanan. Kaya ang ating pananampalataya ay hindi maaaring nakabatay sa Biblia lamang, at tiyak na ‘di natin masasabi na ang lahat ng gawain at salita ng Diyos ay nasa Biblia. Kailangan nating hanapin ang gawain ng Banal na Espiritu at sumabay sa mga yapak ng gawain ng Diyos, para matanggap ang panustos at pagpapastol ng mga kasalukuyang salita ng Diyos. Gaya na lang ng sinasabi sa Pahayag: “At ang mga ito’y ang nagsisisunod sa Kordero saan man Siya pumaroon” (Pahayag 14:4). Ito’y ang matatalinong dalaga na maaaring dumalo sa piging ng kasal ng Cordero at makamit ang kaligtasan ng Diyos sa mga huling araw.
Ginagawa na ng Makapangyarihang Diyos ang Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw sa loob ng tatlumpung taon at nagpahayag na Siya ng milyun-milyong salita. Ang Kanyang mga pagbigkas ay sagana at walang anumang kulang. Inilalantad ng mga ito ang mga misteryo ng Biblia kasama ang lahat ng misteryo ng anim na libong taong plano ng pamamahala ng Diyos, tulad ng Kanyang mga layunin sa pamamahala sa sangkatauhan, paano ginagawang tiwali ni Satanas ang mga tao, paano inililigtas ng Diyos nang paisa-isang hakbang ang sangkatauhan mula sa mga puwersa ni Satanas, paano dinadalisay ng Diyos ang sangkatauhan at ginagawang banal ang tao sa pamamagitan ng mga pagsubok at pagpipino, ang kabuluhan ng Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw, ang mga misteryo ng mga pagkakatawang-tao at ng Kanyang mga pangalan, ang tunay na kuwento ng Biblia, ang lahat ng uri ng kahihinatnan ng mga tao, ang huling destinasyon ng sangkatauhan, at kung paano naisakatuparan ang kaharian ni Cristo sa lupa. Hinahatulan at ibinubunyag din ng Makapangyarihang Diyos ang katotohanan ng katiwalian ng sangkatauhan at ang kanilang laban sa Diyos na satanikong kalikasan. Ipinapakita Niya sa atin ang landas para makawala sa kasalanan at ganap na mailigtas ng Diyos, tulad ng kung paano totoong magsisi, paano talikdan ang laman at isagawa ang katotohanan, paano maging isang tapat na tao, paano gawin ang kalooban ng Diyos, paano matakot sa Diyos at lumayo sa kasamaan, paano makamit ang karunungan tungkol sa Diyos at pagpapasakop sa Kanya, pagmamahal sa Diyos, at marami pa. Ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay mas masagana at mataas kaysa sa mga salita ng Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan at Kapanahunan ng Biyaya, at ang lahat ng ito ay katotohanang dapat nating taglayin para makamit ang kaligtasan ng Diyos. Lubos na nakapagbibigay ng kaliwanagan at kasiya-siya ang mga ito at binibigyan tayo ng isang paraan ng pagsasagawa sa lahat ng bagay. Sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos, nahahanap natin ang bawat sagot at solusyon sa lahat ng ating pagpupumiglas at katanungan sa ating pananampalataya. Ang Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao mula sa Makapangyarihang Diyos ay ang Biblia para sa Kapanahunan ng Kaharian, at ito ang daan ng walang hanggang buhay na ipinagkaloob ng Diyos sa tao sa mga huling araw. Sa pamamagitan ng pagkain, pag-inom, at pagsasagawa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, ang mahatulan, makastigo sa pamamagitan ng Kanyang mga salita at pag-unawa sa ilang katotohanan, nagkakamit ng tunay na pagkaunawa sa Diyos ang hinirang na mga tao ng Diyos. Ang kanilang mga tiwaling disposisyon ay nalinis at nabago sa iba’t ibang antas, at sa huli’y nakawala sila sa gapos ng kasalanan at nagpatotoo sa pagkatalo ni Satanas. Sila ang mga mananagumpay na kinumpleto ng Diyos bago ang mga sakuna. Ang pangalan ng Makapangyarihang Diyos, ang gawain at mga salita Niya ay maaaring hindi nakatala sa Biblia, pero ang bunga, ang tunay na mga kinahinatnang nakamit ng gawain at mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay ganap na isinasakatuparan ang mga propesiya ng Biblia. May mga video at pelikula na ngayon online ng mga patotoo ng hinirang na mga tao ng Diyos, tumatayong saksi sa mundo tungkol sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos. Ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay tulad ng isang malaking liwanag, nagniningning mula sa Silangan hanggang sa Kanluran, tinatanglawan ang buong mundo. Parami nang paraming tao mula sa bawat sulok ng mundo na nagmamahal sa katotohanan ang nasisiyasat sa tunay na daan, at bumabaling sa Makapangyarihang Diyos. Isa itong malaking alon na tinatangay ang mundo na walang puwersa ang maaaring makapigil. Tulad na lang ng sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, “Isang araw, kapag nagbabalik sa Diyos ang buong sansinukob, susunod sa mga pagbigkas Niya ang sentro ng gawain Niya sa buong kosmos; sa ibang dako, may ilang mga taong gagamit ng telepono, ang ilan ay sasakay sa eroplano, ang ilan ay sasakay sa bangka patawid sa dagat, at ang ilan ay gagamit ng mga sinag upang makatanggap ng mga pagbigkas ng Diyos. Magiging masintahin ang lahat, at mapanabik, mapapalapit silang lahat sa Diyos, at magtitipun-tipon tungo sa Diyos, at sasamba lahat sa Diyos—at ang lahat ng ito ay magiging ang mga gawa ng Diyos. Tandaan ito! Tiyak na hindi kailanman magsisimulang muli ang Diyos sa ibang dako. Gagawin ng Diyos ang katotohanang ito: Gagawin Niyang pumunta sa harapan Niya ang lahat ng mga tao sa buong sansinukob at sambahin ang Diyos sa lupa, at titigil ang gawain Niya sa ibang mga lugar, at mapipilitan ang mga tao na hangarin ang tunay na daan. Magiging katulad ito ni Jose: Lumapit ang lahat sa kanya para sa pagkain, at yumukod pababa sa kanya, sapagkat mayroon siyang mga bagay na makakain. Upang maiwasan ang taggutom, mapipilitan ang mga tao na hangarin ang tunay na daan. Magdurusa ng matinding taggutom ang buong relihiyosong pamayanan, at tanging ang Diyos ng ngayon ang bukal ng buhay na tubig, na nagtataglay ng walang-hanggang umaagos na bukal na inilaan para sa pagtatamasa ng tao, at darating ang mga tao at aasa sa Kanya. Iyon ang oras kung kailan mabubunyag ang mga gawa ng Diyos at kung kailan magtatamo ng kaluwalhatian ang Diyos; sasamba sa hindi kapansin-pansing ‘taong’ ito ang lahat ng mga tao sa buong sansinukob. Hindi ba ito ang magiging araw ng luwalhati ng Diyos? … Kapag nagagalak ang buong kaharian ay magiging araw ng luwalhati ng Diyos, at kung sinuman ang darating sa inyo at tatanggap sa mabuting balita ng Diyos ay pagpapalain ng Diyos, at ang mga bansa at ang mga taong gagawin ito ay pagpapalain at aalagaan ng Diyos. Magiging ganito ang hinaharap na pangangasiwa: Yaong mga makakamit ang mga pagbigkas mula sa bibig ng Diyos ay magkakaroon ng landas na lalakaran sa lupa, at maging sila man ay mga mangangalakal o mga siyentipiko, o mga tagapagturo o mga industriyalista, mahihirapang gumawa kahit isang hakbang yaong mga walang mga salita ng Diyos, at mapipilitan silang hangarin ang tunay na daan. Ito ang ibig sabihin ng, ‘Kasama ang katotohanan ay lalakarin mo ang buong mundo; nang walang katotohanan, wala kang mararating’” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dumating Na ang Milenyong Kaharian). Ang Kapanahunan ng Kaharian ay ang Kapanahunan ng Salita. Ginagamit ng Diyos ang Kanyang mga salita para lupigin, linisin, at iligtas ang sangkatauhan, at nakumpleto na ang isang grupo ng mananagumpay. Lubos na ipinapakita nito ang awtoridad at kapangyarihan ng mga salita ng Diyos. Pero kumakapit ang relihiyosong mundo sa Biblia, tumatangging tanggapin ang paghatol at paglilinis ng Makapangyarihang Diyos. Ang mga taong ito ay ‘di makaalis sa kanilang dating buhay ng pagkakasala, pangungumpisal, at pagkakasalang muli, at naalis na sa pamamagitan ng gawain ng Diyos, nasasadlak sa mga sakuna, tumatangis at nagngangalit ang mga ngipin. Hinihintay pa rin nilang pumarito ang Panginoon sakay ng isang ulap at dalhin sila paakyat sa kaharian ng langit para sa walang hanggang buhay. Hindi ba’t isa itong hindi magkakatotoong pangarap? Gaya na lang ng sinabi ng Panginoong Jesus, “Saliksikin ninyo ang mga kasulatan, sapagkat iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan; at ang mga ito’y siyang nangagpapatotoo tungkol sa Akin. At ayaw ninyong magsilapit sa Akin, upang kayo’y magkaroon ng buhay” (Juan 5:39–40). Hindi makakamit ng mga kumakapit sa Biblia ang katotohanan o buhay. Tanging ‘yong mga naniniwala kay Cristo, sumusunod at nagpapasakop kay Cristo ang magkakamit ng katotohanan at buhay. Ang Cristo ng mga huling araw, ang Makapangyarihang Diyos, ay nagpapahayag na ngayon ng mga katotohanan para linisin at ganap na iligtas ang sangkatauhan. Kung gusto natin ang katotohanan at buhay, kailangan nating lagpasan ang Biblia at sumabay sa mga yapak ng Diyos, tanggapin at magpasakop sa paghatol at paglilinis ng Makapangyarihang Diyos. Ito lang ang paraan para makawala sa kasalanan at ganap na mailigtas ng Diyos, at ang tanging paraan para maprotektahan ng Diyos sa mga sakuna at makapasok sa Kanyang kaharian. ‘Yong mga ayaw bumitiw sa Biblia, sa halip ay ‘di makaalis sa nakaraang gawain at mga salita ng Diyos, ‘yong mga tumatangging tanggapin ang landas ng katotohanang ipinagkakaloob ng Diyos sa atin sa mga huling araw, ay lubos na mapapalampas ang gawain ng Diyos para ganap na iligtas ang sangkatauhan, at masasadlak lamang sa mga sakuna at mapaparusahan. Gaya na lang ng sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang gawain ng Diyos ay hindi kailanman naghihintay sa sinumang hindi nakakasabay sa Kanya, at ang matuwid na disposisyon ng Diyos ay hindi nagpapakita ng awa sa sinumang tao” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan).
Tapusin natin ito sa isa pang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos: “Ang Cristo ng mga huling araw ay naghahatid ng buhay, at naghahatid ng walang maliw at walang katapusang daan ng katotohanan. Ang katotohanang ito ang landas kung saan makakamit ng tao ang buhay, at ito lamang ang tanging landas kung saan makikilala ng Diyos at masasang-ayunan ng Diyos ang tao. Kung hindi mo hinahanap ang daan ng buhay na ibinigay ni Cristo ng mga huling araw, kung gayon ay hindi mo kailanman makakamit ang pagsang-ayon ni Jesus, at hindi ka kailanman magiging karapat-dapat pumasok sa pintuan ng kaharian ng langit, sapagkat kapwa ka bulag na tagasunod at bilanggo ng kasaysayan. Ang mga kontrolado ng mga tuntunin, ng mga titik, at iginapos ng kasaysayan ay hindi kailanman makakamit ang buhay ni makakamit ang walang-hanggang daan ng buhay. Ito ay sapagkat ang mayroon lamang sila ay malabong tubig na kinapitan ng libu-libong taon sa halip na tubig ng buhay na dumadaloy mula sa trono. Mananatili magpakailanman na mga bangkay, mga laruan ni Satanas, at mga anak ng impiyerno ang mga hindi natustusan ng tubig ng buhay. Kung gayon, paano nila mapagmamasdan ang Diyos? Kung nagsisikap ka lamang na panghawakan ang nakaraan, nagsisikap lamang na panatilihin ang mga bagay sa kung ano sila sa pamamagitan ng hindi paggalaw, at hindi sinusubukang baguhin ang nakasanayan na at itapon ang kasaysayan, kung gayon hindi ka ba magiging palaging laban sa Diyos? Malawak at makapangyarihan ang mga hakbang ng gawain ng Diyos, tulad ng rumaragasang mga alon at dumadagundong na mga kulog—subalit nakaupo kang walang imik na naghihintay ng pagkawasak, nakakapit sa kahangalan mo at walang ginagawa. Sa ganitong paraan, paano ka maituturing na isang taong sumusunod sa mga yapak ng Kordero? Paano mo mabibigyang-katwiran na ang Diyos na kinakapitan mo ay isang Diyos na laging bago at hindi kailanman naluluma? At paano ka maihahatid ng mga salita sa mga nanilaw mong mga libro patawid sa panibagong kapanahunan? Paano ka maaakay ng mga ito para mahanap mo ang mga hakbang ng gawain ng Diyos? At paano ka nila madadala paakyat sa langit? Ang hawak mo sa mga kamay mo ay ang mga titik na magbibigay lamang ng panandaliang ginhawa, hindi ang mga katotohanang kayang magbigay ng buhay. Ang mga banal na kasulatang binabasa mo ay pinagyayaman lamang ang dila mo at hindi mga salita ng pilosopiyang makatutulong sa pag-unawa mo sa buhay ng tao, lalong hindi mga landas na makapaghahatid sa iyo sa pagiging perpekto. Hindi ba nagdudulot sa iyo na magmuni-muni ang pagkakaibang ito? Hindi ba nito naipapaunawa sa iyo ang mga hiwagang napapaloob dito? May kakayahan ka bang dalhin ang sarili mo sa langit upang makipagkita sa Diyos nang ikaw lang? Kung walang pagdating ng Diyos, kaya mo bang dalhin ang sarili mo sa langit upang matamasa ang kasiyahang pampamilya kasama ang Diyos? Nananaginip ka pa rin ba ngayon? Imumungkahi Ko, kung gayon, na ihinto mo ang pananaginip at tingnan kung sino ang gumagawa ngayon—tingnan para makita kung sino ngayon ang nagpapatupad sa gawain ng pagliligtas sa tao sa mga huling araw. Kung hindi mo gagawin, hindi mo kailanman makakamit ang katotohanan, at hindi mo kailanman makakamit ang buhay” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan).
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.