Ang Pagsunod Ba sa mga Lider ng Relihiyon ay Pagsunod sa Diyos?

Disyembre 14, 2021

Ang Pagsunod Ba sa mga Lider ng Relihiyon ay Pagsunod sa Diyos?

Dalawang libong taon ang nakararaan, pumarito ang Panginoong Jesus na Tagapagligtas para gawin ang gawain ng pagtubos at lubhang kinondena ng mga punong saserdote, mga eskriba, at mga Fariseo, ng pananampalatayang Judio. Dahil karamihan ng mga naniniwala sa Judaismo ay sinasamba ang kanilang mga lider ng relihiyon, nakiayon sila sa mga anticristong iyon sa pagkondena at pagtanggi sa Panginoong Jesus, at sa huli’y nakisangkot sa pagpapapako sa Kanya. Isa itong napakalaking kasalanan at nagkamit sila ng pagsumpa at kaparusahan ng Diyos, pinarurusahan ang bayan ng Israel sa loob ng dalawang libong taon. Nagbalik na ang Panginoong Jesus sa mga huling araw bilang Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao, nagpapahayag ng mga katotohanan at ginagawa ang gawain ng paghatol para ganap na linisin at iligtas ang sangkatauhan. Hinaharap din Niya ang ‘di magkamayaw na pagkondena at paglaban ng mga lider ng relihiyon. Isinasarado nila ang kanilang mga simbahan, hinahadlangan ang mga mananampalataya na sinisiyasat ang tunay na daan, dahilan para matakot ang mga tao na mag-imbestiga at tanggapin ito kahit na malinaw nilang nakita na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan, na makapangyarihan ang mga ito, maawtoridad, at nanggaling sa Diyos. Bilang resulta, maraming nawawalan ng kanilang pagkakataon na salubungin ang Panginoon at nasasadlak sa mga sakuna. Saan sila nagkamali pagdating sa pagsalubong sa Panginoon? Ito’y dahil iniidolo nila nang husto ang kanilang mga lider sa relihiyon! Naniniwala silang ang mga lider ng relihiyon ay itinalaga ng Diyos at ginagamit ng Diyos, na ang pagsunod sa kanila ay pagsunod sa Diyos, kaya lubos silang sumusunod sa kanila, nagpapasakop sa kanilang mga salita na para bang nanggaling ang mga ito sa Diyos. Marami ring nag-iisip na tiyak na sa mga kaparian unang magsasabi ang Panginoong Jesus pagbalik Niya, kaya kung hindi sa kanila manggagaling ito, patunay lamang iyon na hindi pa Siya bumabalik. Ni hindi sila nagtatangkang siyasatin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos, sa halip ay sinusunod ang mga lider ng relihiyon sa pagkondena sa Kanya. Kaya naman nasasadlak sila sa mga sakuna at nawawalan ng pagkakataon na marapture. Kaninong kasalanan ito? Walang simpleng kasagutan. Isinumpa ng Diyos ang mga Fariseo na, noong unang panahon, ay nilabanan at kinondena ang Panginoong Jesus, at marami sa mundo ng relihiyon ngayon ang hindi pa natututuhan ang masakit na leksyong ito mula sa kanila. Dahil pikit-mata nilang sinasamba ang kanilang mga kaparian, sumusunod sila sa kanila sa pagkondena sa pagbabalik ng Panginoong Jesus, ipinapako na naman ang Diyos sa krus. Talagang isang kahihiyan ito! Kung gayon, talaga bang itinalaga ng Diyos ang mga lider ng relihiyon? Ang pagpapasakop ba sa kanila ay katulad ng pagsunod sa Diyos? Isang mahalagang bagay ang pagkakaroon ng kalinawan tungkol dito.

Maraming mananampalataya ang nag-aakala na ang mga lider ng relihiyon, mga kaparian tulad ng Papa, mga obispo, mga pastor, at mga elder, ay itinalaga at ginamit ng Panginoong Jesus at may awtoridad na pamunuan ang mga mananampalataya, kaya ang pagsunod sa kanila ay pagsunod sa Diyos. Ano ang basehan ng paniniwalang ito? Sinabi ba ng Panginoong Jesus kailanman na ang lahat ng lider ng relihiyon ay itinalaga ng Diyos? Hindi Niya kailanman sinabi. May patotoo ba sila ng Banal na Espiritu, o katunayan ng gawain ng Espiritu? Wala. Nangangahulugan ito na ang ideyang ito ay pawang kuru-kuro ng tao. Pag-isipan natin ito. Ayon sa ideyang ito ng tao na ang lahat ng lider ng relihiyon ay itinalaga ng Diyos, totoo rin kaya ‘yon sa mga mga Judiong punong saserdote, eskriba, at Fariseo na nilabanan at kinondena ang Panginoong Jesus? Ang pagsunod ba sa kanila sa pagpapapako sa Panginoong Jesus ay pagpapasakop din sa Diyos? Malinaw na isa itong kakatwang paraan para tratuhin ang kaparian! Makikita rin natin sa Biblia na sa gawain ng Diyos sa bawat kapanahunan, nagtatalaga nga Siya ng mga tao para tumulong sa Kanyang gawain. Ang lahat ng taong iyon ay personal na tinawag at pinatotohanan ng Diyos at ipinapakita ito ng mga salita ng Diyos. Hindi sila kailanman itinalaga ng ibang tao, at hindi sinanay ng mga tao. Isipin n’yo ang Kapanahunan ng Kautusan, nang ginamit ng Diyos si Moises para pamunuan ang mga Israelita paalis ng Ehipto. Ang mga salita mismo ng Diyos na si Jehova ang nagpatotoo rito. Sinabi ng Diyos na si Jehova kay Moises, “At ngayon narito, ang daing ng mga anak ng Israel ay umabot sa Akin: at nakita Ko rin ang pang-aapi na ginamit sa kanila ng mga Egipcio. Halika nga ngayon, at ikaw ay Aking isusugo kay Faraon, upang iyong ilabas sa Egipto ang Aking bayan na mga anak ng Israel(Exodo 3:9–10). Sa Kapanahunan ng Biyaya, ginamit ng Panginoong Jesus si Pedro para magpastol sa mga iglesia, at nagpatotoo rin Siya kay Pedro. Sinabi ng Panginoong Jesus kay Pedro, “Simon, anak ni Juan, iniibig mo baga Ako? … Pakainin mo ang Aking mga tupa(Juan 21:17). “At sinasabi Ko naman sa iyo, na ikaw ay si Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo Ko ang Aking iglesia; at ang mga pintuan ng impiyerno ay hindi magsisipanaig laban dito. At ibibigay Ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng langit: at anumang iyong talian sa lupa ay tatalian sa langit: at anumang iyong kalagan sa lupa ay kakalagan sa langit(Mateo 16:18–19). Personal na itinatalaga at pinapatotohanan ng Diyos ang mga taong ginagamit Niya sa bawat Kapanahunan, at pinatunayan ito ng gawain ng Banal na Espiritu. Sa Kapanahunan ng Kautusan at Biyaya, minsan, ‘yong mga ginagamit ng Diyos ay personal Niyang itinaguyod at pinatotohanan. Minsan, gumagamit Siya ng ibang pamamaraan. Kung wala ang Kanyang direktang pagtatalaga, ibubunyag Niya ito sa pamamagitan ng mga propeta, o kaya’y may patunay ng gawain ng Banal na Espiritu. Hindi ito maitatanggi. Sa kasalukuyang mundo ng relihiyon, sino ang nagbigay sa Papa, mga obispo, pari, pastor, at elder ng posisyong pinanghahawakan nila? Meron ba itong katibayan ng mga salita ng Diyos o gawain ng Banal na Espiritu? Nagpatotoo ba sa kanila ang Espiritu? Talagang hindi! Sa katunayan, ang lahat ng lider ng relihiyon na iyon sa loob ng mga simbahan ay nagtapos karamihan sa mga seminaryo at mga teolohikang eskuwelahan at may mga degree sa teolohiya. Dahil may hawak na diploma, sila’y itinalaga sa mga simbahan para pamunuan ang mga mananampalataya. Ang ilan ay likas na matalino at magaling magsalita, at natututuhan nang mabuti ang kanilang gawain, kaya sila’y itinalaga o inirekomenda ng nakatataas na pamunuan at umaangat ang mga ranggo. Halos lahat ng kaparian sa mundo ng relihiyon ay nakakamit ang kanilang mga puwesto sa ganitong paraan, pero karamihan ay walang gawain ng Banal na Espiritu. Maaaring ang maliit na porsyento nila ay may kaunting gawain ng Espiritu, pero wala sila ng Kanyang patotoo. Kaya makasisiguro tayo na hindi sila mga taong pinapatotohanan o ginagamit ng Diyos. Napakalinaw na sila’y nilinang at pinili ng ibang tao, kaya bakit nila ipipilit na itinalaga sila ng Diyos? Hindi ba’t pagsalungat iyon sa mga katotohanan? Hindi ba’t walang pakundangang pagsisinungaling iyon at pagpapatotoo sa kanilang sarili? Ano ang mga kahihinatnan nito? Hindi ba’t panlilinlang at pagpapahamak iyon sa mga mananampalataya? Binabanggit pa nga ng ilang lider ng relihiyon ang mga salita ng Panginoong Jesus, tinatawag si Pedro para walang pakundangang ihayag na ang awtoridad na ipinagkaloob ng Panginoong Jesus kay Pedro ay ipinasa sa Papa, kaya ang Papa ay pinahintulutan ng Diyos at pwedeng katawanin ang Panginoong Jesus, at dahil sinusunod ng mga pari ang Papa, sila’y pinahintulutan din ng Diyos, kaya maaari silang magpatawad ng mga kasalanan. Hindi ba’t katawa-tawa iyon? Sinabi ba ng Panginoong Jesus kahit minsan kay Pedro na ipasa ang awtoridad na ipinagkaloob sa kanya sa mga henerasyon ng kaparian? Hindi ‘yon kailanman sinabi ng Panginoong Jesus! Ipinabatid ba ni Pedro kahit minsan ang gayong mga bagay? Talagang hindi! Walang gayong nasusulat sa Biblia. Isa ring katotohanan na walang Papa, walang mga pari nang panahong iyon. Kung gayon, ‘yong mga lider ng relihiyon na nagpapahayag na sila’y pinahintulutan ng Diyos at pwedeng katawanin ang Panginoong Jesus ay nagpapanggap na Diyos at inililigaw ang mga tao, hindi ba? Hindi ba’t ‘yong mga sumusunod at yumuyuko sa kanila ay sumasamba sa mga idolo? Hindi ba’t paggawa iyon laban sa Diyos? Maraming tao ang hindi nakakaunawa nito, at patuloy nilang pikit-matang sinasamba ang kanilang mga lider, iniisip na sila’y itinalaga ng Diyos. Nakikita n’yo ba kung gaano kahangal at kamangmang ito? Paano ito naiiba sa mga ‘di mananampalatayang sumasamba sa mga idolo? Kung isa kang mananampalataya pero hindi sinusunod ang salita ng Diyos, kung sumasamba at lumuluhod ka sa harap ng ibang tao para ikumpisal ang iyong mga kasalanan na para bang sila’y Diyos, hindi ba’t binabastos at nilalapastangan mo ang Diyos? ‘Yun bang mga hangal na gumagawa nito ay maliligtas ng Diyos? Malamang hindi. Hindi makakamit ng mga hangal na gumagawa nito ang pagsang-ayon ng Diyos.

Kailangan nating maging malinaw na ang pagtatalaga ng Diyos sa isang tao ay hindi kaswal o basta-basta. Kailangang may katunayan. May katunayan ang pagtatalaga ng Diyos kay Moises, at kahit papaano ay alam ito ng mga Israelita. Ang pagtatalaga ng Panginoong Jesus kay Pedro ay totoo rin, na nalalaman ng mga apostol. Kung kaya, ang isang pahayag na itinalaga ng Diyos ang isang tao ay nangangailangan ng totoong basehan. Walang tao ang maaaring basta na lamang ipahayag ito. Makikita rin natin na sinumang itinatalaga ng Diyos ay magkakaroon ng patnubay ng Banal na Espiritu at kumpirmasyon ng Banal na Espiritu. Kayang isakatuparan ng kanilang gawain ang kalooban ng Diyos at magkakamit ito ng napakalinaw na mga resulta. Kaya nilang isakatuparan ang atas ng Diyos. Tingnan natin kung ano’ng sasabihin ng Makapangyarihang Diyos. “Kung ang pag-uusapan ay ang diwa ng kanyang gawain at ang nasa likod ng paggamit sa kanya, ang tao na ginagamit ng Diyos ay itinataas Niya, inihahanda siya ng Diyos para sa gawain ng Diyos, at siya ay nakikipagtulungan sa gawain ng Diyos Mismo. Walang sinumang tao ang maaaring gumawa ng kanyang gawain para sa kanya—ito ay pakikipagtulungan ng tao na kailangang-kailangang kaagapay ng banal na gawain. Samantala, ang gawaing isinasakatuparan ng ibang mga manggagawa o mga apostol ay paghahatid at pagsasakatuparan lamang ng maraming aspeto ng mga pagsasaayos para sa mga iglesia sa bawat panahon, o kaya nama’y gawain ng ilang payak na pantustos ng buhay upang mapanatili ang buhay-iglesia. Ang mga manggagawa at mga apostol na ito ay hindi hinirang ng Diyos, lalong hindi sila matatawag na mga ginagamit ng Banal na Espiritu. Sila ay pinipili mula sa mga iglesia at, pagkatapos silang sanayin at linangin sa loob ng ilang panahon, silang mga angkop ay pinananatili, habang iyong mga hindi angkop ay pinababalik kung saan sila nanggaling. Sapagkat ang mga taong ito ay pinili mula sa mga iglesia, ipinakikita ng ilan ang kanilang totoong mga kulay pagkatapos maging mga pinuno, at ang ilan ay gumagawa pa nga ng maraming masasamang bagay at naaalis sa bandang huli. Ang taong ginagamit ng Diyos, sa kabilang dako, ay siyang inihanda ng Diyos, at siyang nagtataglay ng partikular na kakayahan, at mayroong pagkatao. Maaga siyang naihanda at nagawang perpekto ng Banal na Espiritu, at ganap na pinangunahan ng Banal na Espiritu, at, lalo na pagdating sa kanyang gawain, siya ay tinagubilinan at inutusan ng Banal na Espiritu—bilang resulta, walang paglihis sa landas ng pangunguna sa mga hinirang ng Diyos, sapagkat tiyak na pananagutan ng Diyos ang Kanyang sariling gawain, at ginagawa ng Diyos ang Kanyang sariling gawain sa lahat ng pagkakataon” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tungkol sa Paggamit ng Diyos sa Tao).

Ipinapakita sa atin ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos na maagang inihahanda ng Diyos ‘yong mga itinatalaga at ginagamit Niya para sa Kanyang gawain, na sila ‘yong mga itinataas ng Diyos para pamunuan ang Kanyang hinirang na mga tao. Ang kanilang gawain at mga sermon ay ganap na sa pamamagitan ng pagtustos at patnubay ng Banal na Espiritu, at sinumang hindi personal na itinalaga ng Diyos ay hindi sila kailanman mapapalitan. Si Moises sa Kapanahunan ng Kautusan at si Pedro sa Kapanahunan ng Biyaya ay mahigpit na sumunod sa mga salita at hinihingi ng Diyos para pamunuan ang Kanyang hinirang na mga tao, at laging kasama nila ang Diyos, ginagabayan sila palagi. Hindi kailanman gumagamit ang Diyos ng maling tao o isang tao na gumagawa ng laban sa Kanya. Palagi Siyang responsable para sa Kanyang sariling gawain. ‘Yong mga ginagamit ng Diyos ay patuloy na binibigyang-liwanag ng Banal na Espiritu sa kanilang gawain at mga salita, at kayang magbahagi ng dalisay na pagkakaunawa sa mga salita ng Diyos para tulungan ang hinirang na mga tao ng Diyos na maunawaan ang Kanyang mga pagbigkas, ang Kanyang kalooban, at ang Kanyang mga hinihingi. Kaya nilang gamitin palagi ang katotohanan para tulungan ang hinirang na mga tao ng Diyos sa kanilang praktikal na pakikibaka sa pagpasok sa realidad ng mga salita ng Diyos at sa tamang daan sa kanilang pananampalataya. Kapag tinatanggap at nagpapasakop ang hinirang na mga tao ng Diyos sa pagpapastol ng mga ginamit ng Diyos maaari silang magkamit ng tunay na panustos para sa kanilang buhay, unti-unting magkakamit ng higit na pagkaunawa sa katotohanan, malaman ang gawain at disposisyon ng Diyos nang mas mabuti, at palawakin ang kanilang pananampalataya at pagmamahal sa Diyos. Kaya naman sila ay sinusuportahan ng hinirang na mga tao ng Diyos na alam sa kanilang puso na ang mga taong iyon ay itinalaga ng Diyos at kaayon ng puso ng Diyos. Kapag tinatanggap at nagpapasakop tayo sa kanilang pamumuno, ito’y pagsunod at pagpapasakop sa Diyos at naaayon sa kalooban ng Diyos. ‘Yong mga ginagamit ng Diyos ay itinalaga para pamunuan ang Kanyang hinirang na mga tao para maranasan ang Kanyang gawain at sundan Siya, at ang kanilang gawain at mga sermon ay ganap na mula sa pamumuno at pagbibigay-liwanag ng Banal na Espiritu. Ang pagtanggap at pagpapasakop sa kanilang pamumuno, ay talagang pagpapasakop sa Diyos. Ang paglaban sa kanila ay paglaban sa Diyos, at magreresulta sa pagkakalantad at pag-aalis ng Diyos, o baka maisumpa pa nga at maparusahan. Tulad na lang noong inakay ni Moises ang mga Israelita palabas ng Ehipto, ang pangkat nina Korah at Dathan na lumaban sa kanya ay pinarusahan ng Diyos. Ito’y isang malinaw na katotohanan.

Tingnan natin ang mga kasalukuyang lider ng relihiyon, ang Papa, mga obispo at mga pari sa Katolisismo, at ang mga pastor at elder, at ibang kaparian sa Kristiyanismo. Sila ba’y itinalaga ng Diyos? Nagpahayag ba ng suporta ang Diyos sa kanila? May katunayan ba sila mula sa gawain ng Banal na Espiritu? May katunayan ba sila mula sa mga bunga ng kanilang gawain? Wala sila ng anuman dito. Pinatutunayan nito na sila’y pinili ng mga tao, hindi itinalaga ng Diyos. Bilang nakita na natin na sila’y nilinang sa loob ng mga seminaryo at itinalaga ng mga opisyal na institusyong panrelihiyon, alam nating kailangang maging maingat. Karamihan sa kanila ay hindi naniniwala sa katotohanan o may tunay na pananampalataya sa Diyos. Naniniwala sila sa teolohiya, sa kanilang posisyon at titulo, sa ikinabubuhay nila mula rito. Gaano man kataas ang kanilang biblikal na kaalaman o kung gaano man kaganda ang kanilang mga sermon, wala silang gawain at patnubay ng Banal na Espiritu, o ng kaliwanagan ng Espiritu. Ipinapakita nito sa atin na may mga huwad na pastol, mga walang pananampalataya at hindi sila kinikilala ng Diyos. Kung gayon, hindi ba’t ang pagsamba at pagsunod sa kanila ay talagang kahangalan? Bukod sa wala sila ng patotoo ng mga salita ng Diyos at katunayan mula sa Banal na Espiritu, may isang mahalagang piraso ng ebidensya na maaaring makatulong sa atin na makita kung ano talaga sila. Nagpahayag ng napakaraming katotohanan ang Makapangyarihang Diyos, hayagang ibinubunyag ang tunay na kulay ng mga tao, kung mahal nila ang katotohanan o hindi, kung kinikilala nila ang katotohanan o hindi, kung tinatanggap nila ang katotohanan o hindi, at kung kinamumuhian at tinatanggihan nila ang katotohanan. Ang lahat ng ito ay ibinubunyag. ‘Yong mga kinikilala na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan, na Siya ang Diyos sa katawang-tao, ay ‘yong mga nagmamahal sa katotohanan at may pagsang-ayon ng Diyos. Sila ang matatalinong dalaga na nakaririnig sa tinig ng Diyos at narapture sa harap ng Kanyang trono. Kung nakikita ng isang tao na nagpahayag ang Makapangyarihang Diyos ng napakaraming katotohanan pero patuloy na sinasalungat, kinokondena, at itinatatwa ang pagpapakita at gawain ng Diyos, nangangahulugan ito na kinasusuklaman nila ang katotohanan, at sila’y mga anticristong lumalaban at kumokondena sa Diyos. Nasadlak na sila sa mga sakuna at nakatakdang maparusahan ng Diyos. Hindi lang ito mga Katoliko at Kristiyanong lider, kundi mga lider at personalidad mula sa lahat ng denominasyon na gumagawa laban sa Makapangyarihang Diyos, nang halos walang pinapalagpas. Ang mundo ng relihiyon ay nasa mga kamay ng grupong ito ng mga anticristo. Isa itong alam na alam na katotohanan na hindi maitatanggi nang sinuman. Kaya kung alam natin na ang mga obispo, pari, pastor at elder na ito ay parte ng isang grupo ng mga anticristong lumalaban at kumokondena sa gawain ng Makapangyarihang Diyos, paano natin haharapin iyon? Dapat natin silang tanggihan at isumpa, at palayain ang ating sarili mula sa kanilang mga paghihigpit. Ito ay pagiging matalino. Kung patuloy nating hahanapin sa kanila ang tunay na daan, patuloy na aasang sasabihin nila sa atin kung ano ang tama o mali, ‘yon ay talagang kahangalan, at ito’y pagkabulag at kamangmangan! Ang bulag na umaakay sa isa pang bulag ay mapapahamak sa huli. Tinutupad nito ang mga bersikulo sa Biblia: “Ang mangmang ay namamatay sa kakulangan ng pag-unawa” (Kawikaan 10:21). “Ang Aking bayan ay nasira dahil sa kakulangan ng kaalaman(Hosea 4:6).

Malinaw na malinaw na ang mga Katoliko at Kristiyanong lider, kasama ang mga lider mula sa lahat ng ibang denominasyon ay hayagang kinokondena ang Makapangyarihang Diyos. Para panatilihin ang kanilang katayuan at sweldo, ikinukulong nila sa kanilang mga palad ang mga mananampalataya, kinukuha ang kanilang mga salapi, pineperahan ang mga mananampalataya na parang mga parasitiko, na parang mga demonyong pinagpipyestahan ang kanilang bangkay. Nagpapakalat ang mga anticristong ito ng lahat ng uri ng masamang kasinungalingan para mapanatili ang kanilang posisyon at kabuhayan, sinasabing anumang balita ng pagparito ng Panginoon ay hindi totoo, na ang Panginoong Jesus ay talagang dapat pumarito sakay ng isang ulap, na ang pagtanggap sa pangalawang pagkakatawang-tao ng Panginoon ay pagtanggap sa isang huwad na Cristo. Nagsasabi sila ng mga kasinungalingan para iligaw ang mga tao, ginagawa ang lahat ng kanilang makakaya para pigilan ang mga mananampalataya sa pagsisiyasat sa tunay na daan. Nakikipagtulungan pa nga sila sa CCP para arestuhin at usigin ‘yong mga nagbabahagi ng ebanghelyo ng kaharian. Paanong naiiba ang mga lider ng relihiyon na ito sa mga Fariseong lumaban sa Panginoong Jesus noong Kanyang panahon? Hindi ba’t silang lahat ay mga taong nagpapako sa Diyos? Hindi ba’t silang lahat ay mga huwad na pastol at anticristo na inililigaw at ipinapahamak ang mga tao? Alalahanin n’yo ang mga salita ng Panginoong Jesus na kinokondena ang mga Fariseo: “Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Pariseo, mga mapagpaimbabaw! Sapagkat sinasarhan ninyo ang kaharian ng langit laban sa mga tao: sapagkat kayo ay hindi na nagsisipasok, at ang nagsisipasok man ay ayaw ninyong bayaang mangakapasok(Mateo 23:13). “Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Pariseo, mga mapagpaimbabaw! Sapagkat inyong nililibot ang dagat at ang lupa sa paghanap ng isa ninyong mapagbabalik-loob; at kung siya ay magkagayon na, ay inyong ginagawa siyang makaibayo pang anak ng impiyerno kaysa sa inyong sarili(Mateo 23:15). Nakikita natin na karamihan sa mga kasalukuyang lider ng relihiyon ay hindi naiiba mula sa mga Fariseo na hibang na nilabanan ang Panginoong Jesus at humadlang sa mga mananampalataya. Kinamumuhian nilang lahat ang Diyos at gumagawa nang laban sa Kanya, at sila ang mga demonyong anticristo ng mga huling araw.

Ito ang ilan pang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Masdan mo ang mga lider ng bawat denominasyon—lahat sila ay mapagmataas at nag-aakalang mas matuwid sila kaysa sa iba, at binibigyang-kahulugan nila ang Bibliya nang wala sa konteksto at ginagabayan ng kanilang sariling mga kuru-kuro at imahinasyon. Lahat sila ay umaasa sa mga kaloob at pag-aaral sa paggawa ng kanilang gawain. Kung sila ay wala talagang kakayahang mangaral, susunod ba sa kanila ang mga tao? Sila, kung sa bagay, ay nagtataglay ng kaunting kaalaman at makakapangaral ng ilang doktrina, o alam nila kung paano makaakit ng iba at kung paano gumamit ng ilang pakana. Ginagamit nila ang mga ito para linlangin ang mga tao at dalhin sila sa harapan nila. Sa pangalan, ang mga taong iyon ay naniniwala sa Diyos, ngunit sa realidad, sinusunod nila ang kanilang mga pinuno. Kung nakakatagpo sila ng isang taong nangangaral ng tunay na daan, ang ilan sa kanila ay nagsasabing, ‘Kailangang konsultahin namin ang aming lider tungkol sa aming pananampalataya.’ Tingnan kung paanong kailangan pa rin ng mga tao ang pagpayag at pagsang-ayon ng iba kapag naniniwala sila sa Diyos at tinatanggap ang tunay na daan—hindi ba ito problema? Nagiging ano na kung gayon ang mga lider na iyon? Hindi ba sila nagiging mga Pariseo, huwad na mga pastol, mga anticristo, at mga katitisuran sa pagtanggap ng mga tao sa tunay na daan?” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi).

Mayroong mga nagbabasa ng Bibliya sa mga malalaking iglesia at nagsasalaysay nito nang buong araw, ngunit wala ni isa sa kanila ang nakauunawa sa layon ng gawain ng Diyos. Wala ni isa sa kanila ang nakakilala sa Diyos, lalong wala ni isa sa kanila ang nakaayon sa kalooban ng Diyos. Lahat sila ay walang halaga, masasamang tao, bawat isa ay nagpapakataas upang pangaralan ang Diyos. Sadya nilang sinasalungat ang Diyos kahit na dala-dala nila ang Kanyang bandila. Sinasabi nilang sila ay nananampalataya sa Diyos, subalit kumakain pa rin sila ng laman at umiinom ng dugo ng tao. Ang lahat ng ganitong tao ay mga diyablong lumalamon sa kaluluwa ng tao, mga pinunong demonyo na sadyang humahadlang sa mga sumusubok na tumapak sa tamang landas, at mga balakid na nakasasagabal sa mga naghahanap sa Diyos. Sila ay tila may ‘magagandang konstitusyon,’ ngunit paano malalaman ng kanilang mga tagasunod na sila ay walang iba kundi mga anticristo na umaakay sa mga tao na manindigan laban sa Diyos? Paano malalaman ng kanilang mga tagasunod na sila ay mga nabubuhay na diyablo na nakatuon sa paglamon ng mga kaluluwa ng tao?” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Lahat ng Taong Hindi Nakakakilala sa Diyos ay mga Taong Sumasalungat sa Diyos).

Ang pinakamapaghimagsik sa lahat ay ang mga sadyang lumalabag at lumalaban sa Diyos. Sila ang mga kaaway ng Diyos, ang mga anticristo. Palaging may poot ang saloobin nila sa bagong gawain ng Diyos; hindi sila kailanman nagkaroon ng ni katiting na kagustuhang magpasakop, ni hindi sila kailanman nagalak na magpasakop o magpakumbaba ng sarili nila. Dinadakila nila ang mga sarili nila bago ang iba at hindi kailanman nagpapasakop sa sinuman. Sa harap ng Diyos, itinuturing nila ang mga sarili nilang pinakamahusay sa pangangaral ng salita, at ang pinakabihasa sa paggawa sa iba. Hindi nila kailanman itinatapon ang mga ‘kayamanang’ nasa pag-aari nila, kundi itinuturing ang mga ito bilang mga pamana ng pamilya para sambahin, para ipangaral sa iba ang tungkol dito, at ginagamit nila ang mga ito para magsermon sa mga hangal na umiidolo sa kanila. Tunay ngang may ilang taong tulad nito sa loob ng iglesia. Masasabing sila ay mga ‘hindi palulupig na mga bayani,’ na bawat salinlahi ay pansamantalang nananahan sa tahanan ng Diyos. Ipinapalagay nila ang pangangaral ng salita (doktrina) bilang pinakamataas nilang tungkulin. Bawat taon, bawat salinlahi, masigasig nilang ipinatutupad ang ‘sagrado at hindi malalabag’ na tungkulin nila. Walang nangangahas na salingin sila; wala kahit isang tao ang nangangahas na lantarang sawayin sila. Nagiging ‘mga hari’ sila sa tahanan ng Diyos, nagwawala habang sinisiil nila ang iba sa bawat kapanahunan. Naghahangad ang pangkat ng mga demonyong ito na makipagsanib at gibain ang gawain Ko; paano Ko mapahihintulutang umiral ang mga buhay na diyablong ito sa harap ng mga mata Ko?” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Sumusunod sa Diyos Nang may Tapat na Puso ay Tiyak na Makakamit ng Diyos).

Ngayon sigurado akong malinaw na sa atin na karamihan sa mga lider ng relihiyon ay mga anticristong kinamumuhian ang katotohanan, kinamumuhian ang Diyos, masasamang tagapaglingkod at mga huwad na tagapagpastol na nagliligaw sa mga tao. Ang pakikinig at pagpapasakop sa kanila ay hindi pagpapasakop sa Diyos, at hindi ito pagsunod sa Diyos. Ito’y pagsunod kay Satanas at pagsalungat sa Diyos, pagiging kasabwat ni Satanas, isang taong kinasusuklaman at isinusumpa ng Diyos. Kaya bilang mga mananampalataya, kailangan nating mabatid na kailangan nating dakilain ang Diyos, katakutan Siya, at magpasakop sa Kanya at sa katotohanan. Hindi natin kailanman pwedeng sambahin o sundin ang mga tao. Gaya na lang ng sinabi ng Panginoong Jesus, “Sa Panginoon mong Diyos ay dapat sumamba ka, at Siya lamang ang iyong dapat paglingkuran(Mateo 4:10). Kung ang isang lider ng relihiyon ay isang taong nagmamahal sa katotohanan, kung ang kanyang mga salita ay naaayon sa mga salita ng Panginoon at inaakay niya tayo na matakot sa Diyos at lumayo sa kasamaan, kung gayon ang pagsunod at pagpapasakop sa mga salitang iyon na naaayon sa katotohanan ay pagpapasakop sa Diyos. Kung ang kanyang mga salita ay ‘di naaayon sa katotohanan, kung siya’y sumasalungat sa mga salita ng Panginoon, kailangan natin siyang tanggihan. Kung patuloy natin siyang susundin, ‘yon ay pagsunod sa isang tao, pagsunod kay Satanas. Kung tinatanggihan at kinamumuhian ng isang lider ng relihiyon ang katotohanan, at pinipigilan ang iba sa pagsisiyasat sa tunay na daan, siya’y isang anticristo at dapat tayong pumanig sa Diyos, ibunyag at tanggihan siya, at mangahas na “Humindi,” takasan ang kanyang kontrol, hanapin at tanggapin ang tunay na daan, at sumabay sa mga yapak ng Diyos. ‘Yon ang tunay na pananampalataya, ang totoong pagsunod sa Diyos, at naaayon sa Kanyang kalooban. Gaya na lang ng sinabi ni Pedro nang siya’y dakipin ng mga punong saserdote at mga Fariseo: “Dapat muna kaming magsitalima sa Diyos bago sa mga tao” (Mga Gawa 5:29).

Basahin natin ang isa pang sipi mula sa Makapangyarihang Diyos. “Ang pinakamahalaga sa pagsunod sa Diyos ay na dapat alinsunod ang lahat sa mga salita ng Diyos ngayon: Maging ikaw man ay naghahangad ng pagpasok sa buhay o ng katuparan ng kalooban ng Diyos, ang lahat ay dapat nakasentro sa mga salita ng Diyos ngayon. Kung ang iyong pakikipagniig at hinahangad ay hindi nakasentro sa mga salita ng Diyos ngayon, isa kang estranghero sa mga salita ng Diyos, at ganap na nawalan ng gawain ng Banal na Espiritu. Ang gusto ng Diyos ay ang mga taong sumusunod sa Kanyang mga yapak. Gaano man kahanga-hanga at kadalisay ang naunawaan mo noon, hindi ito gusto ng Diyos, at kung hindi mo magagawang isantabi ang gayong mga bagay, ang mga ito ay magiging napakalaking hadlang sa iyong pagpasok sa hinaharap. Lahat niyaong nagagawang sumunod sa kasalukuyang liwanag ng Banal na Espiritu ay mga pinagpala. Sinundan din ng mga tao sa mga kapanahunang lumipas ang mga yapak ng Diyos, ngunit hindi sila nakasunod hanggang sa kasalukuyan; ito ang pagpapala ng mga tao sa mga huling araw. Yaong mga nagagawang sumunod sa kasalukuyang gawain ng Banal na Espiritu, at nagagawang sumunod sa mga yapak ng Diyos, na sumusunod sa Diyos saanman Niya sila akayin—ito ang mga tao na pinagpala ng Diyos. Yaong mga hindi sumusunod sa kasalukuyang gawain ng Banal na Espiritu ay hindi pa nakapasok sa gawain ng mga salita ng Diyos, at gaano man sila gumawa, o gaano man katindi ang kanilang pagdurusa, o gaano man sila magparoo’t parito, walang anuman dito ang may kabuluhan sa Diyos, at hindi Niya sila pupurihin. … Ang ‘pagsunod sa gawain ng Banal na Espiritu’ ay nangangahulugan ng pagkaunawa sa kalooban ng Diyos sa kasalukuyan, ang magawang kumilos alinsunod sa kasalukuyang mga hinihingi ng Diyos, ang magawang sumunod at sundan ang Diyos sa kasalukuyan, at pagpasok alinsunod sa pinakabagong mga pagpapahayag ng Diyos. Tanging ito ang isang tao na sumusunod sa gawain ng Banal na Espiritu at nasa daloy ng Banal na Espiritu. Ang gayong mga tao ay hindi lamang may kakayahan na matanggap ang papuri ng Diyos at makita ang Diyos, kundi malalaman din nila ang disposisyon ng Diyos mula sa pinakabagong gawain ng Diyos, at malalaman din ang mga kuru-kuro at pagsuway ng tao, at kalikasan at diwa ng tao, mula sa Kanyang pinakabagong gawain; bukod dito, nagagawa nilang unti-unting matamo ang mga pagbabago sa kanilang disposisyon sa panahon ng kanilang paglilingkod. Ang mga tao lamang na kagaya nito ang nagagawang kamtin ang Diyos, at tunay na nakasumpong na sa tunay na daan” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Alamin ang Pinakabagong Gawain ng Diyos at Sumunod sa Kanyang mga Yapak).

Ngayon sigurado ako na mas malinaw na sa atin na ang pagkakaroon ng pananampalataya at pagsunod sa Diyos ay tungkol sa pagpapasakop at pagtanggap sa katotohanan, pagtanggap sa kasalukuyang gawain at mga salita ng Diyos, at pagsabay sa Kanyang mga yapak. Gaano man kalayo ang gawain ng Diyos sa mga kuru-kuro ng mga tao o gaano man karaming tao ang lumaban at kumondena rito, hangga’t ito ang katotohanan at gawain ng Diyos, kailangan natin itong tanggapin at magpasakop dito. Tanging ‘yon ang pagkakaroon ng pananampalataya at pagsunod sa Diyos. Gaya ng sinasabi sa Pahayag: “At ang mga ito’y ang nagsisisunod sa Kordero saan man Siya pumaroon(Pahayag 14:4). Ngayong mga huling araw, narito ang Makapangyarihang Diyos na gumagawa at nagpahayag ng maraming katotohanan. Ginagawa Niya ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa sambahayan ng Diyos para ganap na linisin at iligtas ang sangkatauhan, inililigtas tayo mula sa masama at mga puwersa ni Satanas. Ito’y isang ‘di mapapalagpas na pagkakataon at ang tangi nating landas para mailigtas at makapasok sa kaharian ng Diyos. Ngayon, parami nang paraming tao sa buong mundo na nananabik sa pagpapakita ng Diyos ang nagsisiyasat online sa mga gawain ng Makapangyarihang Diyos. Nakita na nilang ang Kanyang mga salita ay katotohanan lahat, na ang mga ito ay ang tinig ng Diyos. Pinapalaya nila ang kanilang sarili mula sa gapos ng mga lider ng relihiyon, kumakawala sa kontrol ng kanilang mga simbahan, at lumalapit sa harap ng trono ng Diyos para dumalo sa piging ng kasal ng Cordero. Pero marami pa rin sa mundo ng relihiyon ang pikit-matang sumusunod at sumasamba sa kaparian, na pinipigilan at nalilinlang ng mga puwersang anticristo. Mahigpit silang kinokontrol sa loob ng kaparangan, walang saysay na hinihintay na pumarito ang Panginoon sakay ng isang ulap, matagal na panahon nang tinanggihan at inalis ng Diyos, tumatangis at nagngangalit ang mga ngipin sa mga sakuna. Ito ang katuparan ng mga salita ng Panginoong Jesus “At kung ang bulag ay umakay sa bulag, ay kapwa sila mangahuhulog sa hukay(Mateo 15:14). Inihahayag nilang naniniwala sila sa Diyos, pero sa katunayan, sinasalungat nila ang Diyos at sumusunod sa mga tao. Ang tingin ng Diyos sa kanila ay mga walang pananampalataya. Ang Diyos ay banal na Diyos na kinamumuhian ang kasamaan at ang Kanyang pagiging matuwid ay hindi nalalabag. Hindi Niya kailanman ililigtas ‘yong mga pumupuri nang husto sa mga tao, na sumusunod sa mga anticristo sa pagsalungat at paglapastangan sa Diyos. Hindi kailanman ililigtas ng Diyos ang sinumang hindi nagmamahal o tumatanggap sa katotohanan, sa halip ay pikit-matang kumakapit sa Biblia. Ang kalooban ng Diyos ay palayain ang mga tao mula sa relihiyosong Babilonia, para hindi na tayo napipigilan ng mga paghihigpit ng mga puwersang anticristo ng mundo ng relihiyon, at makakaalis tayo sa relihiyon para hanapin ang katotohanan at ang gawain ng Diyos upang mayroon tayong pag-asa na masalubong ang pagpapakita at gawain ng Diyos.

Tingnan natin ang mas marami pang salita ng Makapangyarihang Diyos. “Hindi ang pagpapakumbaba ni Cristo ang hinahangaan mo, kundi ang mga huwad na pastol na may bantog na katayuan. Hindi mo minamahal ang pagiging kaibig-ibig o ang karunungan ni Cristo, kundi iyong mahahalay na nakalublob sa karumihan ng mundo. Tinatawanan mo ang pasakit ni Cristo na walang lugar na mapagpapahingahan ng Kanyang ulo, ngunit hinahangaan mo ang mga bangkay na naghahanap ng mga alay at namumuhay sa kabuktutan. Hindi ka handang magdusa sa tabi ni Cristo, ngunit masayang inihahagis ang sarili sa mga bisig ng mga walang habas na anticristo, kahit na tinutustusan ka lamang nila ng laman, mga salita, at kontrol. Kahit ngayon, bumabaling pa rin sa kanila ang puso mo, tungo sa kanilang reputasyon, sa kanilang katayuan, sa kanilang impluwensya. Gayunpaman patuloy kang nagtataglay ng saloobin na nahihirapan kang paniwalaan ang gawain ni Cristo at mabigat sa kalooban mong tanggapin ito. Ito ang dahilan kung bakit sinasabi Kong kulang ka sa pananampalataya upang kilalanin si Cristo. Ang dahilan kung bakit ka sumunod sa Kanya hanggang ngayon ay dahil lamang wala kang ibang pagpipilian. Nangingibabaw sa puso mo magpakailanman ang isang serye ng matatayog na imahe; hindi mo makakalimutan ang kanilang bawat salita at gawa, ni ang kanilang maimpluwensiyang mga salita at mga kamay. Sa mga puso ninyo, sila ay kataas-taasan at mga bayani magpakailanman. Ngunit hindi ganito para sa Cristo ng kasalukuyan. Wala Siyang halaga sa puso mo magpakailanman, at hindi karapat-dapat sa paggalang magpakailanman. Sapagkat napakakaraniwan Niya, may lubhang napakaliit na impluwensya, at malayo sa pagiging napakatayog.

Magkagayunman, sinasabi Kong ang lahat ng hindi nagpapahalaga sa katotohanan ay mga walang pananampalataya at mga taksil sa katotohanan. Ang mga ganoong tao ay hindi kailanman makatatanggap ng pagsang-ayon ni Cristo. Natukoy mo na ba ngayon kung gaano kalaki ang kawalan ng paniniwalang nasa kalooban mo, at kung gaano kalaki ang pagtataksil kay Cristo na mayroon ka? Ikaw ay Aking pinapayuhan nang ganito: Dahil pinili mo na ang daan ng katotohanan, dapat mong ilaan ang sarili mo nang buong puso; huwag maging salawahan o mahina ang loob. Dapat mong maunawaan na ang Diyos ay hindi nabibilang sa mundo o sa sinumang tao, kundi sa lahat ng totoong nananampalataya sa Kanya, sa lahat ng sumasamba sa Kanya, at sa lahat ng nagmamahal at tapat sa Kanya” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Isa Ka bang Tunay na Mananampalataya sa Diyos?).

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Ano Talaga ang Marapture?

Dalawang libong taon na ang nakalilipas, matapos ipako sa krus ang Panginoong Jesus at makumpleto ang Kanyang gawain ng pagtubos, nangako...

Sino ang Nag-iisang Tunay na Diyos?

Mismo sino ang tunay na Diyos? Ito ay isang tanong na nakalilito sa maraming tao. Basahin ang artikulong ito para malaman kung sino ang nag-iisang tunay na Diyos.