Palagi kong iniisip na ang paniniwala sa Diyos ay ang pagbabasa lamang ng mga salita ng Diyos at pagdalo sa mga pulong; sapat na na panghawakan sa loob ng aking puso ang Diyos at hindi ko na kailangang seryosohin pa ang aking pananampalataya. Kaya’t gumugol ako ng maraming oras at pagsisikap sa pagtatrabaho nang husto para matustusan ang aking pamilya, at hindi kailanman naging tagapagtaguyod ng katotohanan. Ngayon ay kitang-kita na ang mga sakuna ay lumalala na. Nag-aalala ako: Kung patuloy akong maniniwala sa Diyos sa ganitong paraan, aabandonahin ba ako ng Diyos at matatangay sa mga sakuna?

Enero 27, 2022

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

“Sapagka’t ano ang pakikinabangin ng tao, kung makamtan niya ang buong sanglibutan at mawawalan siya ng kaniyang buhay? o ano ang ibibigay ng tao na katumbas sa kaniyang buhay?” (Mateo 16:26).

“Ang kaharian ng langit ay nagbabata ng karahasan, at kinukuha nang sapilitan ng mga taong mararahas” (Mateo 11:12).

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Bagama’t maraming taong naniniwala sa Diyos, kakaunti ang nakakaunawa kung ano ang kahulugan ng pananampalataya sa Diyos, at kung ano ang kailangan nilang gawin upang makaayon sa kalooban ng Diyos. Ito ay dahil, bagama’t pamilyar ang mga tao sa salitang “Diyos” at sa mga pariralang tulad ng “ang gawain ng Diyos,” hindi nila kilala ang Diyos, at lalong hindi nila alam ang Kanyang gawain. Hindi nakapagtataka, kung gayon, na lahat ng hindi nakakakilala sa Diyos ay nalilito sa kanilang paniniwala sa Kanya. Hindi sineseryoso ng mga tao ang kanilang paniniwala sa Diyos, at ito ay dahil lamang sa masyado silang hindi pamilyar sa paniniwala sa Diyos, masyado itong kakaiba para sa kanila. Sa ganitong paraan, hindi sila makaabot sa mga hinihiling ng Diyos. Sa madaling salita, kung hindi kilala ng mga tao ang Diyos at hindi alam ang Kanyang gawain, hindi sila akmang kasangkapanin ng Diyos, at lalong hindi nila magagawang palugurin ang Kanyang kalooban. Ang “paniniwala sa Diyos” ay nangangahulugan ng paniniwala na mayroong Diyos; ito ang pinakasimpleng konsepto patungkol sa paniniwala sa Diyos. Bukod pa riyan, ang paniniwala na mayroong Diyos ay hindi kapareho ng tunay na paniniwala sa Diyos; sa halip, ito ay isang uri ng simpleng pananampalataya na may matitinding kahulugang pangrelihiyon. Ang ibig sabihin ng tunay na pananampalataya sa Diyos ay ang mga sumusunod: Batay sa paniniwala na ang Diyos ang may kapangyarihan sa lahat ng bagay, dinaranas ng isang tao ang Kanyang mga salita at Kanyang gawain, inaalis ang tiwaling disposisyon ng isang tao, pinalulugod ang kalooban ng Diyos, at nakikilala ang Diyos. Ganitong uri lamang ng paglalakbay sa buhay ang matatawag na “pananampalataya sa Diyos.” Subalit madalas ituring ng mga tao ang paniniwala sa Diyos bilang isang simple at walang-kabuluhang bagay. Nawala na sa mga taong naniniwala sa Diyos sa ganitong paraan ang kahulugan ng maniwala sa Diyos, at bagama’t maaari silang patuloy na maniwala hanggang sa kahuli-hulihan, hindi nila kailanman matatamo ang pagsang-ayon ng Diyos, dahil tumatahak sila sa maling landas. Mayroon pa ring mga naniniwala sa Diyos ngayon ayon sa mga titik at sa hungkag na doktrina. Hindi nila alam na wala silang diwa ng paniniwala sa Diyos, at hindi nila matatanggap ang pagsang-ayon ng Diyos. Nagdarasal pa rin sila sa Diyos para mapagpala ng kapayapaan at sapat na biyaya. Huminto tayo, patahimikin natin ang ating puso, at itanong sa ating sarili: Maaari kaya na ang paniniwala sa Diyos talaga ang pinakamadaling bagay sa lupa? Maaari kaya na ang paniniwala sa Diyos ay nangangahulugan lamang ng pagtanggap ng maraming biyaya mula sa Diyos? Talaga bang ang mga taong naniniwala sa Diyos nang hindi Siya nakikilala o naniniwala sa Diyos subalit kinakalaban Siya ay napapalugod ang kalooban ng Diyos?

— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita

Palaging iniisip ng ilang mga tao: “Hindi ba’t ang paniniwala sa Diyos ay isang bagay lamang ng pagdalo sa mga pagtitipon, pag-awit ng mga kanta, pakikinig sa salita ng Diyos, pananalangin, at pagtupad ng ilang mga tungkulin? Hindi ba iyan lamang lahat ang pinatutungkulan nito?” Gaano man katagal na kayong naniniwala sa Diyos, hindi pa rin kayo nakakatamo ng lubos na pagkaunawa tungkol sa kabuluhan ng paniniwala sa Diyos. Sa katunayan, ang kabuluhan ng paniniwala sa Diyos ay napakalalim kaya hindi ito naaarok ng mga tao. Sa bandang huli, ang mga bagay sa loob ng mga tao na mula kay Satanas at ang mga bagay ukol sa kanilang kalikasan ay dapat mabago at dapat maging kaayon sa mga kinakailangan ng katotohanan; tanging sa paraang ito lamang tunay na nakakamit ng isa ang kaligtasan. Kung, kagaya ng nakasanayan mo noong nasa relihiyon ka, nagsasalita ka lamang ng ilang mga salita ng doktrina o sumisigaw ng mga sawikain, at pagkatapos ay gumagawa ng kaunting mabubuting gawa, nagpapakita ng higit pang mabuting mga paggawi, at umiiwas sa paggawa ng ilang kasalanang halata, hindi pa rin ito nangangahulugan na nakatungtong ka na sa tamang landas ng paniniwala sa Diyos. Ang kakayanan ba na makasunod sa mga tuntunin ay nagpapahiwatig na lumalakad ka sa tamang landas? Nangangahulugan ba ito na nakapili ka nang tama? Kung ang mga bagay sa loob ng iyong kalikasan ay hindi pa nagbago, at sa bandang huli nilalabanan mo pa rin at pinagkakasalahan ang Diyos, kung gayon ito ang pinakamalaki mong suliranin. Kung, sa iyong paniniwala sa Diyos, hindi mo nilulutas ang suliraning ito, maaari ka ba kung gayong ibilang na naligtas na? Ano ang ibig Kong sabihin sa pagsasalita nang ganito? Ibig Kong ipaunawa sa inyong lahat sa inyong mga puso na ang isang paniniwala sa Diyos ay hindi maihihiwalay mula sa mga salita ng Diyos, mula sa Diyos, o mula sa katotohanan. Dapat mong piliing mabuti ang iyong landas, pagsikapan ang katotohanan, at pagsikapan ang mga salita ng Diyos. Huwag ka lamang magtamo ng ilang hilaw na kaalaman, o magkaroon ng kung papaano mang pagkaunawa, at pagkatapos ay ipapalagay na ayos ka na. Kung niloloko mo ang iyong sarili, sasaktan mo lamang ang iyong sarili. Hindi dapat lumihis ang mga tao sa kanilang pananalig sa Diyos; sa huli, kung wala sa puso nila ang Diyos at hawak lamang nila ang isang aklat at sinusulyap-sulyapan lamang ito nang mabilis, subalit walang puwang ang Diyos sa puso nila, tapos na sila.

mula sa “Yaong mga Nawalan ng Gawain ng Banal na Espiritu ang Pinaka-nasa Panganib” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo

Kung nais mong maniwala sa Diyos, at kung nais mong matamo ang Diyos at ang Kanyang kasiyahan, maliban kung magtiis ka ng partikular na antas ng sakit at maglaan ng partikular na pagsisikap, hindi mo makakamtan ang mga bagay na ito. Marami na kayong narinig na pangaral, ngunit ang marinig lamang ito ay hindi nangangahulugan na inyo ang sermon na ito; kailangan mong namnamin ito at gawin itong isang bagay na pag-aari mo. Kailangan mong ilangkap ito sa iyong buhay at isama ito sa iyong pag-iral, na tinutulutan ang mga salita at pangaral na ito na gabayan ang paraan ng iyong pamumuhay at maghatid ng kabuluhan at kahulugan sa iyong buhay. Kapag nangyari iyon, magiging sulit ang pakikinig mo sa mga salitang ito. Kung ang mga salitang Aking sinasambit ay hindi naghahatid ng anumang pagbabago sa iyong buhay o nagdaragdag ng anumang halaga sa iyong pag-iral, walang dahilan para pakinggan mo ang mga ito. Nauunawaan ninyo ito, hindi ba? Dahil naunawaan ninyo ito, nakasalalay na sa inyo ang susunod na mangyayari. Kailangan ninyong kumilos! Kailangan kayong magsumigasig sa lahat ng bagay! Huwag magpatumpik-tumpik; lumilipas ang oras! Karamihan sa inyo ay naniwala na sa Diyos sa loob ng mahigit sampung taon. Lingunin ang sampung taong ito: Gaano karami na ang inyong natamo? At ilang dekada pa ang natitira sa inyo sa buhay na ito? Hindi na mahaba. Kalimutan kung naghihintay man sa iyo ang gawain ng Diyos, kung nag-iwan Siya ng pagkakataon sa iyo, o kung gagawin Niyang muli ang kaparehong gawain—huwag banggitin ang mga bagay na ito. Maibabalik mo ba ang takbo ng nakaraang sampung taon ng iyong buhay? Sa bawat araw na lumilipas, at sa bawat hakbang na ginagawa mo, isang araw ang nababawas sa iyo. Hindi naghihintay ang oras kaninuman! Mayroon ka lamang matatamo mula sa iyong pananampalataya sa Diyos kung ituturing mo itong pinakadakilang bagay sa iyong buhay, mas mahalaga pa kaysa pagkain, damit, o anupaman! Kung naniniwala ka lamang kapag may panahon ka, at hindi mo kayang ilaan ang buong pansin mo sa iyong pananampalataya, at kung palagi kang nakalublob sa kalituhan, wala kang mapapala. Nauunawaan ninyo ito, hindi ba?

— Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi X

Ngayon ang panahon na tinutukoy Ko ang katapusan ng bawat tao, hindi ang yugto na sinimulan Kong hubugin ang tao. Isinusulat Ko sa Aking talaang aklat, isa-isa, ang mga salita at kilos ng bawat tao, ang kanyang piniling landas sa pagsunod sa Akin, ang kanyang likas na mga katangian, at kung paano sila umasal sa dakong huli. Sa ganitong paraan, anumang uri ng tao sila, walang sinumang makatatakas sa kamay Ko, at ang lahat ay makakasama ng kanilang kauri ayon sa itinalaga Ko. Pinagpapasyahan Ko ang hantungan ng bawat tao hindi batay sa gulang, katandaan, tindi ng pagdurusa, at lalong hindi batay sa kung gaano siya kaawa-awa, kundi batay sa kung taglay niya ang katotohanan. Wala nang ibang pagpipilian kundi ito. Dapat ninyong matanto na parurusahan din ang lahat ng hindi sumusunod sa kalooban ng Diyos. Ito ay isang di-nababagong katotohanan. Samakatuwid, lahat ng pinarurusahan ay pinarurusahan nang gayon para sa katuwiran ng Diyos at bilang ganti sa kanilang maraming masasamang gawa.

— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Maghanda ng Sapat na Mabubuting Gawa para sa Iyong Hantungan

Ngayon ang panahon kung kailan ang Aking Espiritu ay gumagawa ng dakilang gawain, at ang panahon na sinisimulan Ko ang Aking gawain sa mga bansang Gentil. Higit pa riyan, ito ang panahon na pinagbubukud-bukod Ko ang lahat ng nilalang, inilalagay ang bawat isa sa kanya-kanyang kaukulang uri, upang ang Aking gawain ay maaaring magpatuloy nang mas mabilis at mas mabisa. At kaya nga, ang Aking hinihingi pa rin sa inyo ay ang ialay mo ang iyong buong pagkatao para sa lahat ng Aking gawain, at, higit pa, na malinaw mong mabatid at tiyakin ang lahat ng gawaing Aking nagawa na sa iyo, at ibuhos ang lahat ng iyong lakas tungo sa Aking gawain nang ito ay maging mas mabisa. Ito ang dapat mong maunawaan. Tigilan ang pakikipaglaban sa isa’t isa, ang paghahanap ng daang pabalik, o paghahabol sa mga kaaliwan ng laman, na makakaantala sa Aking gawain at sa iyong magandang kinabukasan. Ang paggawa ng gayon, sa halip na pangalagaan ka, ay magdudulot sa iyo ng kapahamakan. Hindi ba kahangalan ito para sa iyo? Iyang buong pag-iimbot mong kinahuhumalingan ngayon ay ang mismong bagay na sumisira sa iyong kinabukasan, samantalang ang sakit na iyong pinagdurusahan ngayon ay ang mismong bagay na nangangalaga sa iyo. Dapat mong malinaw na malaman ang mga bagay na ito, upang maiwasang mabiktima ng mga tukso kung saan mahihirapan kang makawala, at iwasang mangapa sa makapal na hamog at hindi makita ang araw. Kapag nahawi ang makapal na hamog, masusumpungan mo ang iyong sarili na nasa paghatol ng dakilang araw.

— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Gawain ng Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ay ang Gawain Din ng Pagliligtas sa Tao

Sa landas na ito, maraming tao ang makapagsasalita ng maraming kaalaman, nguni’t sa oras ng kanilang kamatayan, ang kanilang mga mata ay umaapaw sa mga luha, at kinapopootan nila ang kanilang mga sarili sa pagkakasayang sa isang buong buhay at pagkabuhay hanggang sa katandaan nang para sa wala. Nauunawaan lang nila ang mga doktrina nguni’t hindi nila kayang isagawa ang katotohanan o magpatotoo sa Diyos; sa halip ay tumatakbo lang sila paroo’t parito, abala na tulad ng isang bubuyog, at kapag naghihingalo na sila saka lang nila nakikita sa wakas na kulang sila sa tunay na patotoo, na hindi nila tunay na kilala ang Diyos. Hindi ba’t ito ay masyadong huli na? Bakit hindi mo samantalahin ang araw at hanapin ang katotohanan na iyong minamahal? Bakit maghihintay ka pa hanggang kinabukasan? Kung habang buhay ka ay hindi ka nagdurusa para sa katotohanan o naghahangad na makamit ito, maaari kayang ninanais mong maramdaman ang panghihinayang sa oras ng iyong paghihingalo? Kung gayon, bakit ka pa maniniwala sa Diyos? Sa katunayan, maraming bagay na kung saan ang mga tao, kung sila’y mag-uukol lamang ng katiting na pagsisikap, ay makapagsasagawa ng katotohanan at sa gayon ay mapalulugod ang Diyos. Dahil lamang ang puso ng mga tao ay palagiang nilulukuban ng mga demonyo kung kaya’t hindi sila makakilos para sa kapakanan ng Diyos, at palaging nagmamadali para sa kapakanan ng kanilang laman, nang walang anumang nakakamit mula rito sa katapusan. Dahil dito kung kaya’t ang mga tao ay palaging may mga problema at paghihirap. Hindi ba’t ito ang mga pagpapahirap ni Satanas? Hindi ba’t ito ang katiwalian ng laman? Hindi mo dapat subukang linlangin ang Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya sa salita lamang. Sa halip, dapat kang gumawa ng aktwal na pagkilos. Huwag mong linlangin ang iyong sarili—ano ang magiging punto niyon? Ano ang iyong makakamit sa pamumuhay para sa kapakanan ng iyong laman at pagpapagal para sa kapakinabangan at katanyagan?

— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dapat Kang Mamuhay Para sa Katotohanan Yamang Naniniwala Ka sa Diyos

Lagi kang naniniwala na matatanggap mo Siya[a] sa pamamagitan lang ng pagsunod sa Kanya, o makita mo lang Siya, at wala nang sinuman ang makapagpapaalis sa iyo. Huwag mong akalain na napakadali lang ng pagsunod sa Diyos. Ang susi ay kailangan mo Siyang makilala, kailangan mong malaman ang gawain Niya, at kailangan mong magkaroon ng kagustuhang magtiis ng paghihirap alang-alang sa Kanya, isakripisyo ang iyong buhay para sa Kanya, at magawa Niyang perpekto. Ito ang pangitain na dapat mong taglay. Hindi maaari na laging nakatuon lang ang isip mo sa pagtatamasa ng biyaya. Huwag mong ipagpalagay na narito ang Diyos para lang sa kasiyahan ng mga tao, o upang magkaloob lang ng biyaya sa kanila. Magiging mali ka! Kung hindi maitataya ng isa ang kanyang buhay upang sumunod sa Kanya, at kung hindi maiiwanan ng isa ang lahat ng kanyang pag-aari sa mundo upang sumunod, tiyak na hindi nila makakayang sumunod hanggang sa huli! Kailangang mga pangitain ang iyong pundasyon. Kung isang araw ay dumating sa iyo ang kasawian, ano ang dapat mong gawin? Magagawa mo pa rin bang sumunod sa Kanya? Huwag mong basta sabihin kung makakasunod ka hanggang sa huli. Mas mabuting imulat mo muna nang maigi ang iyong mga mata upang makita kung ano ang panahon ngayon. Bagaman sa kasalukuyan, maaaring kayo ay tulad ng mga haligi ng templo, darating ang isang sandali kung kailan lahat ng gayong haligi ay ngangatngatin ng mga uod, na magdudulot ng pagguho ng templo, dahil sa kasalukuyan, napakaraming pangitain ang kulang sa inyo. Pinag-uukulan lang ninyo ng pansin ang sarili ninyong maliliit na mundo, at hindi ninyo alam kung ano ang pinakamaaasahan at pinakaangkop na paraan ng paghahanap. Hindi ninyo pinapansin ang pangitain ng gawain sa kasalukuyan, hindi rin ninyo isinasapuso ang mga bagay na ito. Naisip na ba ninyo na isang araw ilalagay kayo ng inyong Diyos sa isang lubos na di-pamilyar na lugar? Maguguni-guni ba ninyo kung anong mangyayari sa inyo isang araw kung kailan maaari Kong agawin ang lahat sa inyo? Magiging pareho ba ang kalakasan ninyo sa araw na iyon sa ngayon? Muli bang lilitaw ang inyong pananampalataya?

— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Kailangan Ninyong Maunawaan ang Gawain—Huwag Kayong Sumunod Nang May Pagkalito!

Maaaring nagdusa ka nang matindi sa iyong panahon, ngunit wala ka pa ring nauunawaan; ikaw ay mangmang sa lahat ng bagay tungkol sa buhay. Kahit na ikaw ay nakastigo at nahatulan na, hindi ka pa rin nagbago sa anumang paraan, at sa iyong kaibuturan, hindi ka nakatamo ng buhay. Pagdating ng panahon para subukin ang iyong gawain, makararanas ka ng isang pagsubok na kasingbangis ng apoy at higit pang matinding kapighatian. Gagawing abo ng apoy na ito ang iyong buong pagkatao. Bilang isa na hindi nagtataglay ng buhay, isa na wala ni isang onsang dalisay na ginto sa loob, isa na nakakapit pa rin sa dating tiwaling disposisyon, at isa na ni hindi makagawa ng isang mahusay na trabaho bilang isang hambingan, paanong hindi ka maaalis? Mayroon bang silbi sa gawaing panlulupig ang isa na mas mababa pa ang halaga kaysa sa isang kusing, isa na hindi nagtataglay ng buhay? Kapag dumating ang panahong iyon, ang inyong mga araw ay magiging mas mahirap kaysa roon nina Noe at ng Sodoma! Ang iyong mga panalangin ay walang magagawang mabuti para sa iyo sa panahong iyon. Kapag natapos na ang gawaing pagliligtas, paano ka makakabalik kalaunan at mag-uumpisang muli na magsisi? Sa sandaling ang lahat ng gawaing pagliligtas ay nagawa na, hindi na magkakaroon pa; ang magaganap ay ang simula ng gawain ng pagpaparusa sa mga yaon na masama. Ikaw ay lumalaban, ikaw ay naghihimagsik, at ikaw ay gumagawa ng mga bagay na alam mong masama. Hindi ba ikaw ang pinatutungkulan ng mabigat na kaparusahan? Nililinaw Ko ito sa iyo ngayon. Kung pipiliin mong huwag makinig, kapag sumapit sa iyo ang sakuna kinalaunan, hindi ba magiging huli na kung noon mo lamang sisimulang madama ang pagsisisi at sisimulang maniwala? Ibinibigay Ko sa iyo ang isang pagkakataon na magsisi ngayon, nguni’t ayaw mo. Gaano katagal mo nais maghintay? Hanggang sa araw ba ng pagkastigo? Hindi Ko natatandaan ngayon ang iyong nakaraang mga paglabag; pinapatawad Kita nang paulit-ulit, tinatalikdan ang iyong negatibong panig upang tumingin lamang sa iyong positibong panig, sapagka’t lahat ng Aking salita at gawain sa kasalukuyan ay upang iligtas ka at wala Akong masamang layunin sa iyo. Nguni’t tumatanggi kang pumasok; hindi mo makita ang pagkakaiba ng mabuti sa masama at hindi mo alam kung paano pahalagahan ang kagandahang-loob. Hindi ba ang gayong mga tao ay naghihintay lamang sa pagdating ng kaparusahan at matuwid na kagantihan?

— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Katotohanang Nakapaloob sa Gawain ng Paglupig 1

Dapat sikapin ng tao na isabuhay ang isang makabuluhang buhay, at hindi dapat masiyahan na lamang sa kanyang kasalukuyang mga kalagayan. Upang maisabuhay ang imahe ni Pedro, dapat niyang taglayin ang kaalaman at mga karanasan ni Pedro. Dapat pagsikapan ng tao ang mga bagay na mas matatayog at mas malalalim. Dapat niyang pagsikapan ang isang mas malalim, mas dalisay na pag-ibig sa Diyos, at isang buhay na may kabuluhan at kahulugan. Ito lamang ang buhay, sa ganito lamang magiging katulad ng tao si Pedro. Dapat kang tumuon sa pagiging maagap tungo sa iyong pagpasok sa positibong panig, at huwag basta na lang hayaan ang iyong sarili sa dumausdos pabalik para sa pagkakaroon ng panandaliang ginhawa habang binabalewala ang mas malalim, mas tiyak, at mas praktikal na mga katotohanan. Ang iyong pag-ibig ay dapat maging praktikal, at dapat kang humanap ng mga paraan upang mapalaya ang iyong sarili mula sa masama at walang-inaalalang uri ng pamumuhay na walang pinagkaiba sa pamumuhay ng isang hayop. Dapat mong isabuhay ang isang buhay na may kahulugan, isang buhay na may kabuluhan at hindi mo dapat linlangin ang iyong sarili, o ituring ang iyong buhay na parang isang laruan na dapat paglaruan. Para sa bawat isa na naghahangad na ibigin ang Diyos, walang katotohanang hindi matatamo at walang katarungan na hindi nila mapaninindigan. Paano ka ba dapat mamuhay? Paano mo ba dapat ibigin ang Diyos, at gamitin ang pag-ibig na ito para bigyang-kasiyahan ang Kanyang kagustuhan? Walang bagay na hihigit pa sa iyong buhay. Higit sa lahat, ikaw ay dapat magkaroon ng ganitong mga hangarin at pagtitiyaga, at hindi dapat maging tulad ng mga walang gulugod, mga mahihinang nilalang. Dapat mong matutunan kung paano maranasan ang isang makahulugang buhay, at maranasan ang makahulugang mga katotohanan, at hindi dapat ituring ang iyong sarili na walang sigla sa ganitong paraan. Ang iyong buhay ay lilipas nang hindi mo namamalayan. At pagkatapos, magkakaroon ka pa ba ng isa pang pagkakataon para ibigin ang Diyos? Maaari bang ibigin ng tao ang Diyos pagkatapos niyang bawian ng buhay? Dapat kang magkaroon ng mga hangarin at ng konsensya na katulad ng kay Pedro. Ang buhay mo ay dapat na maging makahulugan, at hindi mo dapat pinaglalaruan ang iyong sarili. Bilang isang tao, at bilang isang tao na naghahangad sa Diyos, dapat mong magawang maingat na isaalang-alang kung paano mo itinuturing ang iyong buhay, kung paano mo dapat ihandog ang iyong sarili sa Diyos, kung paano ka magkakaroon ng isang mas makabuluhang pananampalataya sa Diyos, at paano, dahil sa iniibig mo ang Diyos, mo Siya dapat ibigin sa paraang mas dalisay, mas mainam, at mas mabuti.

— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol

Nananangis ang Diyos sa hinaharap ng sangkatauhan, nagdadalamhati sa pagkahulog ng sangkatauhan, at nasasaktan dahil naglalakad ang sangkatauhan, nang dahan-dahan, patungo sa pagkabulok at sa landas na wala nang balikan. Wala pang nakakaisip kung saan ang maaaring patunguhan ng isang sangkatauhan na bumigo sa puso ng Diyos at nagtakwil sa Kanya para hanapin ang diyablo. Ito mismo ang dahilan kung bakit walang nakadarama sa galit ng Diyos, kung bakit walang naghahanap ng paraan para mapalugod Siya o nagsisikap na mapalapit sa Kanya, at bukod pa riyan, kung bakit walang naghahangad na maunawaan ang Kanyang dalamhati at pasakit. Kahit matapos marinig ang tinig ng Diyos, patuloy na tumatahak ang tao sa sarili niyang landas, pilit na lumalayo sa Diyos, umiiwas sa biyaya at kalinga ng Diyos, at lumalayo sa Kanyang katotohanan, mas ginugustong ibenta ang kanyang sarili kay Satanas, ang kaaway ng Diyos. At sino na ang nakapag-isip—dapat bang ipilit ng tao ang katigasan ng kanyang ulo—tungkol sa kung paano kikilos ang Diyos sa sangkatauhang ito na nagpaalis na sa Kanya nang hindi man lang lumilingon? Walang nakakaalam na ang dahilan ng paulit-ulit na mga paalala’t pangaral ng Diyos ay dahil inihanda na Niya sa Kanyang mga kamay ang isang walang-katulad na kalamidad, yaong hindi kakayanin ng katawan at kaluluwa ng tao. Ang kalamidad na ito ay hindi lamang isang kaparusahan sa katawan, kundi pati na rin sa kaluluwa. Kailangan mong malaman ito: Kapag nabigo ang plano ng Diyos, at kapag walang tumugon sa Kanyang mga paalala at pangaral, anong klaseng galit ang Kanyang ipamamalas? Isang bagay ito na hindi pa nararanasan o naririnig ng sinumang nilalang. Kaya sinasabi Ko, ang kalamidad na ito ay walang katulad, at hindi na mauulit kailanman. Sapagkat ang plano ng Diyos ay minsan lamang likhain ang tao, at minsan lamang iligtas ang sangkatauhan. Ito ang unang pagkakataon, at ito rin ang huli. Samakatuwid, walang makakaunawa sa matitiyagang intensyon at taimtim na pag-asam ng Diyos na iligtas ang sangkatauhan sa pagkakataong ito.

— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao

Talababa:

a. Wala sa orihinal na teksto ang salitang “Siya.”

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman