Ano ang tunay na pagsamba sa Diyos?

Enero 27, 2022

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

“Ang Dios ay Espiritu: at ang mga sa kaniya'y nagsisisamba ay kinakailangang magsisamba sa espiritu at sa katotohanan(Juan 4:24).

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Upang magamit ang iyong puso at katapatan sa pagsamba sa Diyos, kailangan mong magkaroon ng puso na tahimik at taos; kailangan mong matutunang hanapin ang kalooban ng Diyos at ang katotohanan sa pinakakaibuturan ng iyong puso, at kailangan mong pagnilayan kung paano gawin nang maayos ang iyong tungkulin, pagnilayan kung aling mga bahagi ng iyong tungkulin ang hindi mo pa nauunawaan at kung paano mo mas mapabubuti ang paggawa ng iyong tungkulin. Matatamo mo ang katotohanan sa pamamagitan lamang ng madalas na pag-iisip sa mga bagay na ito sa iyong puso. Kung hindi ang mga bagay na ito ang madalas mong pinagninilayan sa iyong puso, at sa halip ay puno ang iyong puso ng mga bagay ng isipan o ng mga panlabas na bagay, abala sa mga ganitong bagay na walang kinalaman sa paggamit ng iyong puso at katapatan sa pagsamba sa Diyos—walang anumang kinalaman dito—natatamo mo ba ang katotohanan? Mayroon ka bang kaugnayan sa Diyos?

mula sa “Sa Pamamagitan Lamang ng Pagiging Matapat Maaaring Makapamuhay na Tulad ng Isang Tunay na Tao” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo

Bagamat ang lumuhod upang manalangin ay para makipag-usap sa Diyos nang mula sa puso, talastasin mo ito: Ang mga panalangin ng mga tao ay daluyan para sa gawain ng Banal na Espiritu. Habang nananalangin at naghahanap ang isang taong nasa tamang kalagayan, gumagawa rin ang Banal na Espiritu. Isa itong magandang koordinasyon sa pagitan ng Diyos at ng tao mula sa dalawang magkaibang pananaw, kung hindi, masasabing tinutulungan ng Diyos ang tao na lutasin ang ilan sa kanilang mga isyu, at isa itong uri ng pagtutulungan kapag humaharap ang mga tao sa Diyos. Isa rin ito sa mga paraan ng Diyos sa pagliligtas at paglilinis sa mga tao, at bukod pa riyan, ito ang landas para sa normal na pagpasok sa buhay. Hindi ito isang ritwal. Ang panalangin ay hindi lang isang bagay na nagpapasigla sa mga tao; kung ganoon, magiging sapat na ang gumawa nang wala sa loob at sumigaw ng mga salawikain, at hindi na kakailanganin na magsumamo sa Diyos para sa kahit na ano, o ng pagsamba, o ng kabanalan. Ang panalangin ay isang bagay na mayroong malalim na kabuluhan! Kung marunong kang manalangin at madalas kang manalangin, sa madalas na pananalangin na mapagpasakop at makatwiran, mas madalas kaysa hindi na magiging napakanormal ng kalagayan ng iyong kalooban. Kung, sa kabilang banda, ang iyong mga panalangin ay madalas na naglalaman lang ng kaunting salawikain, at hindi ka nagpapasan ng dalahin, at hindi pinagninilayan kung ano ang magiging makatwiran o hindi makatwirang sabihin sa panalangin, ni kung ano ang hindi magiging tunay na puno ng pagsamba na sasabihin, at hindi kailanman sineryoso ang mga bagay na ito, kung ganoon ay hindi ka kailanman magkakaroon ng tagumpay sa iyong pananalangin, at ang iyong panloob na kalagayan ay palaging magiging hindi normal. Hindi ka kailanman mas matututo sa leksyon ng, at hindi mapalalalim ang pagpasok mo sa, kung ano ang normal na katwiran, tunay na pagpapasakop, tunay na pagsamba, at pananaw kung ano ang dapat ipanalangin ng isang tao. Ang lahat ng ito ay mga sensitibong bagay.

mula sa “Ang Kahalagahan ng Panalangin at Pagsasagawa Nito” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo

May mga pagkakataon, kapag tinatamasa mo ang mga salita ng Diyos, ang iyong espiritu ay inaantig, at nadarama mo na hindi mo mapigilang ibigin ang Diyos, na mayroong matinding lakas sa kalooban mo, at na walang anumang bagay ang hindi mo maisasantabi. Kung ganito ang nadarama mo, ikaw ay naantig na ng Espiritu ng Diyos, at ang iyong puso ay nakabaling na nang ganap sa Diyos, at mananalangin ka sa Diyos at sasabihing: “O Diyos! Kami ay tunay na itinalaga at pinili Mo. Ang Iyong kaluwalhatian ay nagbibigay sa akin ng karangalan, at nakaluluwalhati para sa akin na maging isa sa Iyong mga tao. Gugugulin ko ang anumang bagay at ibibigay ang anumang bagay upang gawin ang Iyong kalooban, at ilalaan ko ang lahat ng aking mga taon, at ang habambuhay na pagsisikap, sa Iyo.” Kapag ikaw ay nananalangin sa ganitong paraan, magkakaroon ng walang-katapusang pag-ibig at tunay na pagsunod sa Diyos sa iyong puso. Nagkaroon ka na ba ng isang karanasang kagaya nito? Kung ang mga tao ay madalas antigin ng Espiritu ng Diyos, sila ay lalong nakahanda na ilaan ang kanilang mga sarili sa Diyos sa kanilang mga panalangin: “O Diyos! Nais kong makita ang Iyong araw ng kaluwalhatian, at nais kong mabuhay para sa Iyo—walang anuman ang higit na karapat-dapat o makahulugan kaysa sa mabuhay para sa Iyo, at wala akong taglay ni katiting na pagnanais na mabuhay para kay Satanas at sa laman. Itinataas Mo ako sa pamamagitan ng pagtutulot sa akin na mabuhay para sa Iyo sa kasalukuyan.” Kapag nanalangin ka na sa ganitong paraan, madarama mo na hindi mo mapigilang ibigay ang iyong puso sa Diyos, na dapat mong makamit ang Diyos, at kasusuklaman mong mamatay nang hindi nakakamit ang Diyos habang ikaw ay nabubuhay. Pagkasabi ng gayong panalangin, magkakaroon ng di-nauubos na lakas sa kalooban mo, at hindi mo malalaman kung saan ito nagmumula; sa iyong puso ay magkakaroon ng walang-hanggang kapangyarihan, at magkakaroon ng pakiramdam na ang Diyos ay labis na kaibig-ibig, at Siya ay nararapat ibigin. Ito ay kapag naantig ka na ng Diyos. Lahat niyaong nagkaroon na ng gayong karanasan ay naantig na ng Diyos. Para sa kanila na madalas antigin ng Diyos, ang mga pagbabago ay nangyayari sa kanilang mga buhay, nagagawa nilang gawin ang kanilang pagpapasya at nakahandang ganap na kamtin ang Diyos, ang pag-ibig para sa Diyos sa kanilang mga puso ay higit na malakas, ang kanilang mga puso ay ganap nang bumaling sa Diyos, wala silang pagpapahalaga sa pamilya, sa mundo, sa mga kaugnayan, o sa kanilang kinabukasan, at nakahanda silang maglaan ng habambuhay na pagsisikap sa Diyos. Lahat niyaong naantig na ng Espiritu ng Diyos ay mga taong naghahangad sa katotohanan, at mayroong taglay na pag-asa na gagawing perpekto ng Diyos.

— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Alamin ang Pinakabagong Gawain ng Diyos at Sumunod sa Kanyang mga Yapak

Sa kapanahunan ngayon inaantig pa rin ng Banal na Espiritu ang mga tao upang tulutan silang makadama ng kasiyahan, at Siya ay namumuhay kasama ng tao. Ito ang pinagmumulan ng espesyal, nakasisiyang mga damdaming iyon[a] na madalas mangyari sa iyong buhay. Paminsan-minsan, dumarating ang araw na nadarama mo na ang Diyos ay talagang kaibig-ibig at hindi mo mapigilang manalangin sa Kanya: “Oh Diyos! Napakaganda ng Iyong pag-ibig at ang Iyong imahe ay napakadakila. Nais kong ibigin Ka nang mas malalim. Nais kong ilaan ang lahat ng aking sarili upang gugulin ang kabuuan ng aking buhay. Ihahandog ko ang lahat sa Iyo, basta ito ay para sa Iyo, basta sa paggawa nito ay magagawa kong mahalin Ka….” Ito ay isang damdamin ng kasiyahan na ibinigay sa iyo ng Banal na Espiritu. Hindi ito kaliwanagan, ni ito man ay pagpapalinaw; ito ang karanasan ng pagiging inaantig. Ang mga karanasang kapareho nito ay mangyayari paminsan-minsan: Minsan kapag papunta ka na sa iyong gawain, mananalangin ka at mapapalapit sa Diyos, at maaantig ka hanggang sa mababasa na ng luha ang iyong mukha at mawawala ang lahat ng iyong pagpipigil sa sarili, at mababalisa ka na maghanap ng isang angkop na lugar kung saan maipahahayag mo ang lahat ng alab sa loob ng iyong puso…. May mga pagkakataon na kapag ikaw ay nasa isang pampublikong lugar, at madarama mo na masyado kang nasisiyahan sa pag-ibig ng Diyos, na ang iyong kapalaran ay hindi karaniwan, at na bukod pa rito ay isinasabuhay mo ang iyong buhay nang mas makabuluhan kaysa kaninuman. Lubos mong malalaman na itinaas ka na ng Diyos at na ito ang dakilang pag-ibig ng Diyos para sa iyo. Sa kaibuturan ng iyong puso madarama mo na mayroong isang uri ng pag-ibig sa Diyos na di-maipahahayag at di-maarok ng tao, na parang alam mo ito nguni’t walang paraan para ilarawan ito, palagi kang pinag-iisip nang mabuti nguni’t iiwan kang hindi ito maipahayag nang lubos. Sa mga panahong kagaya nito, makakalimutan mo pa nga kung nasaan ka, at mananawagan ka: “Oh Diyos! Napakahirap Mong arukin, at talagang minamahal!” Dahil dito ay magugulumihanan ang mga tao, nguni’t lahat ng gayong mga bagay ay medyo madalas mangyari. Napakaraming beses na ninyong naranasan ang ganitong klaseng bagay. Ito ang buhay na naibigay sa iyo ng Banal na Espiritu ngayon at ang buhay na dapat mong ipinamumuhay ngayon.

— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagsasagawa 1

Noong siya ay kinakastigo ng Diyos, nanalangin si Pedro, “O Diyos! Ang aking laman ay masuwayin, at kinakastigo Mo ako at hinahatulan ako. Ako ay nagagalak sa Iyong pagkastigo at paghatol, at kahit hindi Mo ako nais, sa Iyong paghatol ay nakikita ko ang Iyong banal at matuwid na disposisyon. Kapag hinahatulan Mo ako, upang makita ng iba ang Iyong matuwid na disposisyon sa Iyong paghatol, ako ay nasisiyahan. Kung maipapahayag nito ang Iyong disposisyon at mapahihintulutan ang Iyong matuwid na disposisyon na makita ng lahat ng nilalang, at kung gagawin nitong mas dalisay ang aking pagmamahal sa Iyo, upang maging kawangis ko ang isang matuwid, ang paghatol Mo ay mabuti, sapagkat gayon ang Iyong mapagpalang kalooban. Batid ko na puno pa rin ako ng panghihimagsik, at na ako ay hindi pa rin nararapat na lumapit sa harap Mo. Nais kong ako ay mas hatulan Mo pa, sa pamamagitan man ng isang malupit na kapaligiran o matitinding kapighatian. Anuman ang ginagawa Mo, para sa akin ito ay napakahalaga. Ang Iyong pag-ibig ay napakalalim, at handa akong ilagay ang aking sarili sa Iyong pagsasaayos nang walang munti mang pagdaing.” Ito ang kaalaman ni Pedro pagkatapos niyang maranasan ang gawain ng Diyos, at ito rin ay isang patotoo sa kanyang pag-ibig sa Diyos. … Noong malapit na siyang mamatay, matapos siyang gawing perpekto, sinabi ni Pedro, “O Diyos! Kung ako ay mabubuhay ng ilan pang mga taon, nais kong magkaroon ng mas higit na dalisay at higit na malalim na pag-ibig sa Iyo.” Noong siya ay ipapako na sa krus, nanalangin siya sa kanyang puso, “O Diyos! Ang Iyong panahon ay dumating na ngayon, ang panahong Iyong inihanda para sa akin ay dumating na. Ako ay dapat na maipako sa krus para sa Iyo, dapat akong magpatotoo nito sa Iyo, at umaasa ako na ang aking pag-ibig ay makatutugon sa Iyong mga pamantayan, at na ito ay mas higit pang magiging dalisay. Ngayon, ang mamatay para sa Iyo, at maipako sa krus para sa Iyo, ay nagbibigay kaginhawahan at katiyakan sa akin, sapagkat wala nang higit pang kasiya-siya sa akin kaysa sa mapako sa krus para sa Iyo at matugunan ang Iyong mga nais, at maibigay ang aking sarili sa Iyo, maialay ang aking buhay sa Iyo. O Diyos! Ikaw ay lubhang kaibig-ibig! Kung pahihintulutan Mo akong mabuhay, lalo pa akong magiging handang ibigin Ka. Habang ako ay nabubuhay, iibigin Kita. Nais kong ibigin Ka pa nang higit na malalim. Hinahatulan Mo ako, at kinakastigo at sinusubukan dahil ako ay hindi matuwid, dahil ako ay nagkasala. At ang Iyong matuwid na disposisyon ay nagiging higit na maliwanag sa akin. Ito ay isang pagpapala sa akin, sapagkat nagagawa kong ibigin Ka nang higit na malalim, at handa akong ibigin Ka sa ganitong paraan kahit na hindi Mo ako iniibig. Handa akong makita ang Iyong matuwid na disposisyon, sapagkat mas nagkakaroon ako ng kakayahan upang isabuhay ang isang makabuluhang buhay. Nararamdaman ko na ang pamumuhay ko ngayon ay higit na may kabuluhan, sapagkat ipinapako ako sa krus para sa Iyong kapakanan, at makabuluhan ang mamatay para sa Iyo. Gayon pa man hindi pa rin ako nakakaramdam ng kasiyahan, sapagkat lubhang kakaunti ang nalalaman ko tungkol sa Iyo, batid ko na hindi ko ganap na matutupad ang Iyong mga nais, at kakaunti lamang ang napagbayaran ko sa Iyo. Sa aking buhay, hindi ko nakayang ibigay ang buong sarili ko sa Iyo. Malayo pa ako roon. Habang lumilingon ako sa sandaling ito, nararamdaman ko ang lubhang pagkakautang ko sa Iyo, at ang sandaling ito lamang ang mayroon ako upang makabawi sa lahat ng pagkakamali ko at lahat ng pag-ibig na hindi ko naibalik sa Iyo.”

— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol

Talababa:

a. Ang nakasaad sa orihinal na teksto ay “May ilan.”

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman