Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

484 Basahin ang mga Salita ng Diyos na May Kaugnayan sa Inyong Kalagayan

1 Kapag kumakain ka at umiinom ng mga salita ng Diyos, dapat mong sukatin ang iyong totoong kalagayan laban sa mga ito. Iyon ay, pagkatapos mong matuklasan ang mga pagkukulang sa iyong sarili sa panahon ng iyong totoong mga karanasan, dapat may kakayahan ka sa paghahanap ng isang landas upang magsagawa, at pagtalikod sa iyong mga maling pagganyak at mga pagkaunawa. Kung palagi kang magsusumikap sa ganito, at palagi mong ibinubuhos ang iyong puso sa mga bagay na ito, magkakaroon ka ng isang landas na susundin, hindi ka makadarama ng kawalan, at sa gayon mapananatili mo ang isang wastong kalagayan. Sa gayon ka lamang magiging isang tao na nagdadala ng isang pasanin sa iyong sariling buhay, at sa gayon ka lamang magiging isang tao na mayroong pananampalataya.

2 Bakit ganoon ito na, pagkatapos basahin ang mga salita ng Diyos, hindi magawa ng ilang tao na isagawa ang mga ito? Hindi ba ito dahil nakikipaglaro sila sa buhay? Hindi nila mauunawaan kung ano ang mahalaga, at walang landas para magsagawa, ito ay dahil hindi nila magawang sukatin ang kanilang sariling mga kalagayan laban sa mga salita ng Diyos at hindi nila magawang makabisado ang kanilang sariling mga kalagayan kapag binasa nila ang mga ito. Nakita mo pa lamang ang mismong ibabaw; ang tungkol naman sa kung paano isantabi ang mga kasiyahan ng laman, kung paano isantabi ang pagmamagaling, kung paano baguhin ang iyong sarili, kung paano pumasok sa ganitong mga bagay, kung paano paunlarin ang iyong kakayahan, kung saang aspeto magsisimula—ang lahat ng ito ay totoong mga bagay na hindi mo alam.

Hango sa “Pagsasagawa (7)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinundan:Ang Unang Prayoridad ng Pananampalataya sa Diyos

Sumunod:Ipamuhay ang mga Salita ng Diyos upang Mapasainyo ang Gawain ng Banal na Espiritu

Baka Gusto Mo Rin