Tanong 1: Ang Biblia ay isang patotoo sa gawain ng Diyos, napakalaki ng pakinabang nito sa sangkatauhan. Sa pagbabasa ng Biblia, nauunawaan natin na ang Diyos ang Lumikha ng lahat ng bagay, nakikita natin ang kamangha-mangha at makapangyarihang mga gawa, at ang walang-hanggang kapangyarihan ng Diyos. Biblia ay isang talaan ng salita ng Diyos at patotoo ng tao sa Diyos, hindi matatanggap ng isang tao ang buhay na walang hanggan sa pagbabasa ng Biblia. Wala bang daan ng buhay na walang hanggan sa Biblia?

Sagot: Sa pagbabasa ng Biblia nauunawaan natin na ang Diyos ang Lumikha ng lahat ng bagay at sinisimulan nating makilala ang Kanyang kamangha-manghang mga gawa. Ito ay dahil ang Biblia ay isang patotoo sa unang dalawang yugto ng gawain ng Diyos. Ito ay isang talaan ng mga salita at gawain ng Diyos at ang patotoo ng tao noong Kapanahunan ng Kautusan at Kapanahunan ng Biyaya. Kaya, napakahalaga ng Biblia sa ating pananampalataya. Pag-isipan n’yo ito, kung hindi dahil sa Biblia, paano mauunawaan ng tao ang salita ng Panginoon at makikilala ang Panginoon? Paano pa sasaksi ang tao sa mga gawa ng Diyos at magkakaroon ng tunay na pananampalataya sa Diyos? Kung hindi nagbabasa ng Biblia ang tao, paano pa siya sasaksi sa tunay na patotoo ng lahat ng banal sa lahat ng panahon na sumusunod sa Diyos? Kaya, ang pagbabasa ng Biblia ay mahalaga sa pagsampalataya, at walang sinumang nananalig sa Panginoon na dapat lumihis sa Biblia kailanman. Masasabi mong, siya na lumilihis mula sa Biblia ay hindi maaaring manalig sa Panginoon. Napatunayan na ito sa mga karanasan ng mga banal sa lahat ng panahon. Wala ni isang mangangahas na ikaila ang kahalagahan at kahulugan ng pagbabasa ng Biblia sa pagsampalataya. Kaya, ang tingin ng lahat ng banal at nananalig sa lahat ng panahon sa pagbabasa ng Biblia ay isa itong napakahalagang bagay. Sasasabihin pa nga ng ilan na, ang pagbabasa ng Biblia at pagdarasal ay kasinghalaga ng dalawang paa natin para makalakad, na kung wala ang alinman dito ay hindi tayo uusad. Pero sinabi na ng Panginoong Jesus: “Saliksikin ninyo ang mga kasulatan, sapagka’t iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan; at ang mga ito’y siyang nangagpapatotoo tungkol sa Akin. At ayaw ninyong magsilapit sa Akin, upang kayo’y magkaroon ng buhay(Juan 5:39–40). Nalilito ang ilang tao, iniisip nila, kung ang Biblia ay isang talaan ng salita ng Diyos at patotoo ng tao, ang pagbabasa ng Biblia ay dapat magbigay ng buhay na walang hanggan sa tao! Kung gayon bakit sinabi ng Panginoong Jesus na walang buhay na walang hanggan sa Biblia? Ang totoo, hindi ito isang napakahirap na ideya. Basta’t nauunawaan natin ang tunay na pangyayari at diwa ng mga salita at gawain ng Diyos noong Kapanahunan ng Batas at noong Kapanahunan ng Biyaya gayundin ang epekto nito, likas nating matatanto kung bakit hindi maaaring tumanggap ang isang tao ng buhay na walang hanggan sa pagbabasa ng Biblia. Una, tingnan natin ang Kapanahunan ng Batas. Sa panahong ito, si Jehova higit sa lahat ang nag-abalang magpalaganap ng mga batas, utos at ordenansang susundin ng tao. Ang kanyang mga salita ay karaniwang isang uri ng gabay para sa sangkatauhan, mula pa sa kanilang kamusmusan, sa buhay sa lupa. Hindi kasama sa mga salitang ito ang pagbabago ng disposisyon sa buhay ng tao. Kaya ang mga salita ng Diyos noong Kapanahunan ng Kautusan ay pawang nakatuon sa pagpapasunod sa mga tao sa mga batas at kautusan. Bagama’t katotohanan ang mga salitang ito, kinakatawan ng mga ito ang napakapayak na katotohanan. Noong Kapanahunan ng Biyaya, Ang mga salita at gawa ng Panginoong Jesus ay nakatuon sa gawain ng pagtubos. Ang mga salitang ibinigay Niya ay tungkol sa katotohanan ng pagtubos at itinuro nito sa mga tao na dapat nilang ipagtapat ang kanilang mga kasalanan at pagsisihan at iwasang magkasala at gumawa ng masama. Itinuro din ng mga salitang ito sa mga tao ang tamang paraan ng pagdarasal sa Panginoon at sinabi sa mga tao na kailangan nilang mahalin ang Panginoon nang buong puso’t kaluluwa, mahalin ang kanilang kapwa gaya ng kanilang sarili maging mapagparaya at matiyaga, at patawarin ang iba nang makapitumpong pitong beses, atbp. Lahat ng ito ay kasama sa daan tungo sa pagsisisi. Kaya, sa pagbabasa ng Biblia, nauunawaan lamang natin ang gawain ng Diyos noong Kapanahunan ng Batas at Kapanahunan ng Biyaya. Natatanto natin na lahat ng bagay ay nilikha ng Diyos at natututunan nila kung paano mabuhay sa lupa at sumamba sa Diyos. Nauunawaan natin kung ano ang kasalanan, sino ang mga pinagpala ng Diyos at sino ang isinumpa ng Diyos. Nalalaman natin kung paano ipagtapat ang ating mga kasalanan at magsisi sa Diyos. Natututo tayo magpakumbaba, magtiis at magpatawad, at alam natin na nararapat silang magpasan ng krus upang masundan ang Panginoon. Nakikita natin mismo ang walang-hangganang awa at habag ng Panginoong Jesus, at natatanto nila na sa paglapit lamang sa Panginoong Jesus nang may pananampalataya matatamasa natin ang Kanyang saganang biyaya at katotohanan. Ang mga salita at gawa ng Diyos noong Kapanahunan ng Batas at Kapanahunan ng Biyaya ayon sa nakatala sa Biblia ang katotohanang sinambit ng Diyos ayon sa plano ng pagliligtas sa sangkatauhan at sa mga pangangailangan ng sangkatauhan sa panahong iyon. Ang mga katotohanang ito ay kaya lamang tulungan ang tao na magkaroon ng ilang paimbabaw na mabubuting asal pero lubos itong walang kakayahang lutasin ang mga ugat ng pagiging makasalanan ng tao, baguhin ang disposisyon sa buhay ng tao, at tulutan ang tao na maging dalisay, maligtas at maging sakdal. Sa gayon, ang mga salitang ibinigay ng Panginoong Jesus noong Kapanahunan ng Biyaya ay maaari lamang tawaging daan tungo sa pagsisisi, pero hindi ang daan tungo sa buhay na walang hanggan. Ang daan tungo sa buhay na walang hanggan ang landas ng katotohanan na nagtutulot sa tao na mabuhay magpakailanman, na ibig sabihin ay, ito ang landas na nagtutulot sa tao na iwaksi ang mga gapos at kontrol ng kanyang pagiging likas na makasalanan, na baguhin ang kanyang disposisyon sa buhay, at tulutan siyang mamuhay sa katotohanan, at lubusang makalaya sa impluwensya ni Satanas at kaayon ni Cristo. Tinutulutan nito ang tao na makilala, masunod at pagpitaganan ang Diyos upang hindi na sila muling magkamaling kontrahin o ipagkanulo ang Diyos. Ang tanging paraan para makamit ang epektong ito ay maaaring tawaging ang daan tungo sa buhay na walang hanggan. Ang tao ay namamatay dahil sa kasalanan. Kung mamumuhay ang tao sa katotohanan at lulutasin ang lahat ng kasalanang bumabagabag sa kanya, bibiyaan siya ng Diyos ng buhay na walang hanggan. Kaya, sa pamamagitan lamang ng pagtanggap ng pagliligtas ng Diyos sa mga huling araw masisiyahan tayo sa daan tungo sa buhay na walang hanggan na ipinagkakaloob ng Diyos sa sangkatauhan.

mula sa iskrip ng pelikulang Sino ang Aking Panginoon

Sinundan: Tanong 3: Simula nang pag-aralan natin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, Kapatid na Zhang, Kapatid na Xu, simula nang pag-aralan natin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, mas lalong kinokondena ng mga pastor at elder ng relihiyon ang Makapangyarihang Diyos, ginagawa nila ang lahat para hadlangan tayo sa pag-aaral ng totoong daan. Hindi ito naiba sa pagkalaban at pagkondena noon ng mga Judiong Fariseo sa Panginoong Jesus! Nag-iisip-isip ako nitong, bakit dalawang beses na nagpakita ang Diyos sa katawang-tao para gumawa at makalawang nakaharap ang pagkondena at pang-uusig ng lahat ng relihiyon at ng gobyernong ateista? Sa mga huling araw, nagpapakita at gumagawa ang Makapangyarihang Diyos para lamang ipahayag ang katotohanan, sa pagsasalita at paggawa para linisin at iligtas ang sangkatauhan. Bakit matindi ang galit kay Cristo ng mga relihiyon at ng gobyernong Komunista ng Tsina? na pinakikilos pa nila ang media corp at sandatahang puwersa ng pulisya para ikondena, lapastanganin, hulihin at patayin si Cristo? Dahil dito naaalala ko noong narinig ni Haring Herodes na ang Hari ng mga Judio, o ang Panginoong Jesus ay isinilang, ipinapatay niya ang lahat ng lalaking sanggol sa Bet-lehem na wala pang dalawang taong gulang. Mas gugustuhin niyang ipapatay ang libu-libong inosenteng mga sanggol kaysa hayaang mabuhay si Cristo. Noong dumating ang Diyos sa katawang-tao para sa kaligtasan ng sangkatauhan, bakit hindi tinanggap ng mga relihiyon at gobyerno ang Kanyang pagdating kundi galit na galit na kinondena at nilapastangan ang pagpapakita at gawain ng Diyos? Bakit inubos niya ang kabuhayan ng buong bansa para lang maipako sa krus si Cristo? Bakit napakasama ng sangkatauhan at matindi ang galit laban sa Diyos?

Sumunod: Tanong 2: Pero naniniwala kami na sa pamamagitan ng pagsampalataya at pagsunod sa Panginoon, makakamtan natin ang buhay na walang hanggan. Suportado ito ng salita ng Panginoon: Sinabi ng Panginoong Jesus, “Ako ang pagkabuhay na mag-uli, at ang buhay: ang siyang sumasampalataya sa Akin, bagama’t siya’y patay, gayunma’y siya ay mabubuhay; At ang sinumang nabubuhay at sumasampalataya sa Akin ay hindi mamamatay magpakailanman(Juan 11:25–26). “Datapuwa’t ang sinomang umiinom ng tubig na sa kaniya’y aking ibibigay ay hindi mauuhaw magpakailan man; nguni’t ang tubig na sa kaniya’y aking ibibigay ay magiging isang balon ng tubig na bubukal sa kabuhayang walang hanggan(Juan 4:14). Ang mga talatang ito ang pangako ng Panginoong Jesus. Ang Panginoong Jesus ay makapagbibigay sa atin ng buhay na walang hanggan, ang landas ng Panginoong Jesus ay ang daan tungo sa buhay na walang hanggan. Sabi sa Biblia, “Ang sumasampalataya sa Anak ay may buhay na walang hanggan: nguni’t ang hindi nananalig sa Anak ay hindi makakakita ng buhay, kundi ang poot ng Diyos ay sumasa kaniya(Juan 3:36). Hindi nga ba ang Panginoong Jesus Anak ng tao, hindi ba Siya ang Cristo? Sa pananalig sa Panginoong Jesus, dapat ding mapasaatin ang daan tungo sa buhay na walang hanggan. Ngunit nagpapatotoo kayo na ipapakita sa atin ni Cristo sa mga huling araw ang daan tungo sa buhay na walang hanggan. Lahat tayo ay alagad ng Panginoong Jesucristo. Bakit hindi pa ito sapat para makita ang daan tungo sa buhay na walang hanggan? Kaya bakit namin kailangang tanggapin ang mga salita at gawain ni Cristo sa mga huling araw?

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Tanong 8: Ang sinabi mo tungkol sa pagpunta sa impiyerno dahil sa pagkalaban sa Diyos, hindi ako naniniwala d’yan. Sino na ang nakakita sa impiyerno? Ano ang hitsura ng impiyerno? Ni hindi ko alam kung mayroon ngang Diyos. Hindi ko kinikilala na mayroong Diyos. Mayroon nga bang Diyos? Sino na ang nakakita sa Diyos? Kung ang Makapangyarihang Diyos ang tunay na Diyos, kapag desperadong tinutuligsa at inaatake ng CCP ang Makapangyarihang Diyos, bakit hindi pa ito pinupuksa ng Diyos? Kung ibubunyag ng Diyos ang Kanyang walang-hanggang kapangyarihan at pupuksain ang Communist Party, Siya nga ang tunay na Diyos. Sa gayong paraan, kailangang kilalanin ng buong sangkatauhan na ang Makapangyarihang Diyos ang tunay na Diyos, kahit ang CCP ay kailangang manikluhod at sumamba sa tunay na Diyos. Sino ang mangangahas na kalabanin ang Diyos? Pero ano ang totoong nangyari? Ang nakita ko ay inaaresto ng mga pulis ng CCP ang mga nananalig sa Diyos sa lahat ng dako. Marami sa mga nananalig sa Diyos ang ibinilanggo, pinahirapan at nilumpo. Marami sa kanila ang pinatay. Gayunman, iniligtas ba sila ng Diyos n’yo? Paano nito mapapaniwala ang isang tao na totoo ang Diyos na pinananaligan n’yo? Hindi ko talaga kayo maunawaan. Tunay ba o huwad ang Diyos na pinananaligan n’yo? Nangangamba ako na ni hindi n’yo ito alam. Kung gayon, hindi ba kahangalan ’yan? Ano ang batayan n’yo sa pagsasabi na ang Diyos na pinananaligan n’yo ang tunay na Diyos? Malinaw ba n’yong maipapaliwanag ’yan?

Sagot: May karanasan na kayo. Tungkol sa pag-iral at pangingibabaw ng Diyos, talaga bang wala kayong alam? Mula nang likhain ang mundo,...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito