Tanong 3: Sa mga pulong ng iglesia, madalas sabihin ng pastor at elder na ang pagsasabi ng Panginoong Jesus sa krus na “Naganap na” ay nagpapatunay na tapos na ang pagliligtas sa sangkatauhan, na sa pananalig lang sa Panginoong Jesus at pagkukumpisal ng ating mga kasalanan sa Kanyang harapan, napapatawad ang ating kasalanan, at hindi na tayo ituturing ng Panginoon na makasalanan. Napapawalang-sala tayo at inililigtas ng biyaya dahil sa ating pananampalataya. Tatanggapin tayo ng Panginoon sa kaharian ng langit pagbalik Niya, at hindi Siya posibleng magbalik para gumawa ng iba pang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan. Pakiramdam ko hindi katanggap-tanggap ang pagkaunawang ito ng pastor at elder. Pero, ano ba talaga ang tinutukoy ng Panginoong Jesus nang sabihin Niya sa krus na, “Naganap na”? Bakit kailangang magbalik ng Diyos sa mga huling araw para ipahayag ang katotohanan, at gawin ang gawain ng paghatol at pagdalisay sa tao?

Sagot: Nang sabihin ng Panginoong Jesus sa krus na “Naganap na,” ano ba talaga ang tinutukoy Niya? Ibig ba Niyang sabihin, tapos na ang gawain ng pagtubos, o tapos na ang gawain ng Diyos na lubos na iligtas ang sangkatauhan? Talaga kayang alam ng mga tao noon? Masasabi na walang nakaalam niyan. Ang sinabi lang ng Panginoong Jesus ay: “Naganap na.” Hindi Niya sinabi na tapos na ang gawain ng Diyos na iligtas ang sangkatauhan. Hindi talaga mauunawaan ng mga tao kailanman kung ano ang tinutukoy ng Panginoong Jesus nang sabihin Niyang: “Naganap na.” Bakit mangangahas ang sinuman na ipaliwanag ang mga salita ng Panginoon ayon sa sarili niyang mga ideya? Bakit kayo mangangahas na bigyang-kahulugan ang mga katagang “naganap na”? Ito’y walang iba kundi ang walang-habas na pagpapalit ng sariling mga ideya ng tao sa mga salita ng Panginoong Jesus. Isipin n’yong lahat ito, kung ang sinabi ng Panginoong Jesus na “Naganap na,” ay nagpapahiwatig na ang gawain ng Diyos na iligtas ang buong sangkatauhan ay kumpleto na, bakit nagpropesiya ang Panginoon, na nagsasabing: “Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi Siya magsasalita ng mula sa Kanyang Sarili; kundi ang anumang bagay na Kanyang marinig, ang mga ito ang Kanyang sasalitain: at Kanyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating(Juan 16:12–13). Ano’ng pagkaintindi mo ’run? Ayon din sa nakatala sa Evangelio ni Juan, Kapitulo 12, Bersikulo 47–48, sinabi ng Panginoong Jesus: “At kung ang sinumang tao’y nakikinig sa Aking mga pananalita, at hindi ingatan, ay hindi Ko siya hinahatulan: sapagka’t hindi Ako naparito upang humatol sa sanlibutan, kundi upang iligtas ang sanlibutan. Ang nagtatakwil sa Akin, at hindi tumatanggap sa Aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kanya: ang salitang Aking sinalita, ay siyang sa kanya’y hahatol sa huling araw.” Malinaw na sinasabi sa atin ng mga salita ng Panginoong Jesus na babalik ang Panginoon para ipahayag ang katotohanan at gawin ang gawain ng paghatol. May propesiya rin sa Biblia: “Sapagka’t dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Diyos(1 Pedro 4:17). Asa sinasabi ng pastor at elder, Kung kinumpleto ng pagpapako sa Panginoong Jesus sa krus ang buong gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan, paano magkakatotoo ang propesiya ng Panginoong Jesus na, “Gayon ma’y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan,” paano ito magkakatotoo? Hindi ba magkakatotoo ang propesiya ng Panginoong Jesus na babalik Siya para ipahayag ang katotohanan at gawin ang gawain ng paghatol? Kung gayon, malinaw na hindi tugma ang sinasabi ng pastor at elder sa mga salita ng Panginoong Jesus, at hindi tugma sa realidad ng gawain ng Diyos. Dapat nating malamang lahat na ang ginawa ng Panginoong Jesus ay gawain ng pagtubos sa sangkatauhan. Ang kailangan lang nating gawin ay tanggapin ang Panginoong Jesus, magkumpisal at magsisi sa Kanyang harapan, at mapapatawad ang ating mga kasalanan. Sa gayo’y karapat-dapat tayong manalangin sa Panginoon, at matatamasa natin ang biyayang kaloob ng Panginoon. Anuman ang kasalanan, hindi na tayo hahatulan ayon sa kautusan. Ito ang resulta ng gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus. Ito ang tunay na kahulugan ng mga katagang “kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya” na madalas nating sabihin. Mula sa resultang nakamit ng gawain ng Panginoong Jesus mas napapatunayan natin na ang gawain ng Panginoong Jesus ay pagtubos lamang. Hindi ito gawain ng paghatol, pagdalisay, at paggawang perpekto sa mga tao ng mga huling araw. Kahit napapatawad ang ating mga kasalanan sa pamamagitan ng pananalig sa Panginoong Jesus, at hindi na tayo gaanong nagkakasala, at mabuti na ang ating pag-uugali, hindi pa tayo lubos na lumalayo sa pagkakasala at hindi pa tayo dalisay, at lubos na naligtas, ’di ba? Madalas pa rin ba tayong nagsisinungaling at nagkakasala? Sakim pa rin ba tayo at masama ang ating iniisip? Naiinggit pa rin ba tayo at namumuhi sa iba? Puno ba ng kayabangan at pandaraya ang ating puso? Gumagaya pa rin ba tayo sa mga makamundong uso, kumakapit sa kayamanan, at nag-iimbot ng kaluwalhatian? Sinisisi pa ng ilang tao ang Diyos, kapag nahuli o pinahirapan sila ng komunistang gobyerno ng Tsina. Nagbibigay pa sila ng nakasulat na mga pahayag kung saan tinatanggihan at pinagtataksilan nila ang Diyos. Lalo’t patungkol sa pagpapahayag ng katotohanan at gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, hinuhusgahan at tinutuligsa ng mga tao ang gawain ng Diyos batay sa sarili nilang mga paniwala at kuru-kuro, ’di ba? Kung gayon, sa ating pananalig sa Panginoon, napapatawad lang ang ating mga kasalanan. Pero nananatili sa atin ang kalikasan ni Satanas at ang disposisyon ni Satanas. Kaya nagkakasala tayo at kinakalaban natin ang Diyos. Kung hindi mawawala ang ating likas na pagkamakasalanan, kakalabanin natin at pagtataksilan ang Diyos, at ituturing Siyang kaaway. Masasabi mo ba na nararapat ang taong ’yon na makapasok sa kaharian ng langit? Dapat ay malinaw na sa inyo ngayon na sa pagsasabi ng “Naganap na,” ang ibig sabihin lang ng Panginoong Jesus ay tapos na ang gawain ng pagtubos. Tiyak na hindi Niya sinabing tapos na ang buong gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan. Naparito ang Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw para ipahayag ang katotohanan, at para gawin ang gawain ng paghatol simula sa tahanan ng Diyos. Ang pagparitong ito ay para lubos na gawing dalisay ang mga tao, at lubos silang iligtas, para maalis ang ugat ng problema ng kasalanan sa kalooban ng mga tao, para mapalaya ang mga tao mula sa kasalanan at magtamo ng kadalisayan, para magtamo ng lubos na kaligtasan at makapasok sa kaharian ng Diyos. Basahin natin ang ilan pang talata ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, para mas malinaw natin itong maunawaan.

Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang isang makasalanang tulad mo, na katutubos pa lang, at hindi pa nabago, o nagawang perpekto ng Diyos, makakaayon ka ba ng puso ng Diyos? Para sa iyo, na ang dating ikaw pa rin, totoo na ikaw ay iniligtas ni Jesus, at na ikaw ay hindi itinuturing na isang makasalanan dahil sa pagliligtas ng Diyos, ngunit hindi ito nagpapatunay na ikaw ay hindi makasalanan, at hindi marumi. Paano ka magiging banal kung hindi ka pa nababago? Sa iyong kalooban, puno ka ng karumihan, sakim ka at masama, ngunit ninanais mo pa ring bumaba na kasama ni Jesus—hindi ka ganoon kasuwerte! Nalaktawan mo ang isang hakbang sa iyong pananalig sa Diyos: Natubos ka pa lang, ngunit hindi pa nabago. Para maging kaayon ka ng puso ng Diyos, kailangang ang Diyos Mismo ang gumawa ng gawain ng pagbabago at paglilinis sa iyo; kung ikaw ay tinubos lamang, wala kang kakayahang magtamo ng kabanalan. Dahil dito hindi ka magiging karapat-dapat na makibahagi sa magagandang biyaya ng Diyos, dahil nalaktawan mo ang isang hakbang sa gawain ng Diyos na pamamahala sa tao, na isang mahalagang hakbang sa pagbabago at pagperpekto. Kaya ikaw, na isang makasalanang katutubos pa lang, ay walang kakayahang direktang manahin ang pamana ng Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tungkol sa mga Pangalan at sa Pagkakakilanlan).

Kailangan mong malaman kung anong uri ng mga tao ang Aking nais; yaong mga hindi dalisay ay hindi pinapayagang makapasok sa kaharian, yaong mga hindi dalisay ay hindi pinahihintulutang dungisan ang banal na lupain. Bagama’t maaaring marami kang nagawang gawain, at gumawa ka sa loob ng maraming taon, sa huli kung kalunus-lunos pa rin ang iyong karumihan, hindi katanggap-tanggap sa batas ng Langit na nais mong pumasok sa Aking kaharian! Mula sa pundasyon ng mundo hanggang ngayon, hindi Ako kailanman nakapag-alok ng madaling daan patungo sa Aking kaharian para sa mga humihingi ng pabor sa Akin. Ito ay isang panuntunan sa langit, at walang sinumang makasusuway rito!(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Tagumpay o Kabiguan ay Depende sa Landas na Tinatahak ng Tao).

Bagama’t maraming gawaing ginawa si Jesus sa tao, kinumpleto lamang Niya ang pagtubos sa buong sangkatauhan at naging handog dahil sa kasalanan ng tao; hindi Niya inalis ang lahat ng tiwaling disposisyon ng tao. Ang lubos na pagliligtas sa tao mula sa impluwensya ni Satanas ay hindi lamang kinailangan ni Jesus na maging handog dahil sa kasalanan at pasanin ang mga kasalanan ng tao, kundi kinailangan din ng Diyos na gumawa ng mas malaki pang gawain upang ganap na alisin sa tao ang kanyang maka-Satanas na tiwaling disposisyon. Kaya nga, ngayong napatawad na ang tao sa kanyang mga kasalanan, nagbalik na ang Diyos sa katawang-tao upang akayin ang tao tungo sa bagong kapanahunan, at sinimulan ang gawain ng pagkastigo at paghatol. Ang gawaing ito ay naghatid sa tao sa isang mas mataas na dako. Lahat ng nagpapasakop sa Kanyang kapamahalaan ay magtatamasa ng mas mataas na katotohanan at tatanggap ng mas malalaking pagpapala. Tunay silang mabubuhay sa liwanag, at matatamo nila ang katotohanan, ang daan, at ang buhay(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita).

Bago tinubos ang tao, marami sa mga lason ni Satanas ang naitanim na sa kalooban niya at, pagkatapos ng libu-libong taon na paggawang tiwali ni Satanas, nasa kanyang kalooban ang matatag na kalikasang lumalaban sa Diyos. Samakatuwid, kapag natubos na ang tao, ito ay walang iba kundi isang kaso ng pagtubos kung saan ang tao ay binili sa mataas na halaga, ngunit ang may lason na kalikasan sa kanyang kalooban ay hindi pa naaalis. Ang tao na lubhang nadungisan ay kailangang sumailalim sa isang pagbabago bago maging karapat-dapat na maglingkod sa Diyos. Sa pamamagitan ng gawaing ito ng paghatol at pagkastigo, lubusang malalaman ng tao ang marumi at tiwaling diwa sa kanyang sariling kalooban, at magagawa niyang lubos na magbago at maging malinis. Sa ganitong paraan lamang maaaring maging karapat-dapat na bumalik ang tao sa harap ng luklukan ng Diyos. Lahat ng gawaing ginagawa sa araw na ito ay para malinis at mabago ang tao; sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo gamit ang salita, pati na rin ng pagpipino, makakaya ng tao na maiwaksi ang kanyang katiwalian at magawang dalisay. Sa halip na ituring ang yugtong ito ng gawain bilang pagliligtas, mas akmang sabihin na ito ay ang gawain ng pagdadalisay(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao 4).

Ang gawain ng mga huling araw ay upang pagbukud-bukurin ang lahat ayon sa kanilang uri, at upang tapusin ang plano ng pamamahala ng Diyos, sapagka’t ang oras ay malapit na at ang araw ng Diyos ay dumating na. Dinadala ng Diyos ang lahat ng nakapasok sa Kanyang kaharian—lahat ng naging tapat sa Kanya hanggang sa katapusan—tungo sa kapanahunan ng Diyos Mismo. Subali’t, bago ang pagdating ng kapanahunan ng Diyos Mismo, ang gawain ng Diyos ay hindi upang magmasid sa mga gawa ng tao, o magtanong tungkol sa buhay ng tao, kundi upang hatulan ang pagkasuwail ng tao, sapagka’t dadalisayin ng Diyos ang lahat ng lalapit sa harap ng Kanyang luklukan. Lahat ng nakasunod sa mga yapak ng Diyos hanggang sa araw na ito ay yaong mga nagsilapit sa harap ng luklukan ng Diyos, at yamang ganito, ang bawat isang tao na tumatanggap sa gawain ng Diyos sa huling yugto nito ang siyang pakay ng pagdadalisay ng Diyos. Sa ibang salita, ang lahat ng tumatanggap sa gawain ng Diyos sa huling yugto nito ang siyang pakay ng paghatol ng Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan).

Dumating na ang mga huling araw. Lahat ng bagay na nilikha ay pagbubukud-bukurin ayon sa uri nila, at hahatiin sa iba’t ibang kategorya ayon sa kanilang kalikasan. Ito ang sandali na ibubunyag ng Diyos ang kalalabasan at hantungan ng sangkatauhan. Kung hindi sasailalim sa pagkastigo at paghatol ang mga tao, walang paraan para mailantad ang kanilang pagsuway at pagiging di-matuwid. Sa pamamagitan lamang ng pagkastigo at paghatol mahahayag ang kalalabasan ng lahat ng nilikha. Ipinapakita lamang ng tao ang kanyang tunay na kulay kapag siya ay kinakastigo at hinahatulan. Ang masasama ay isasama sa masasama, ang mabubuti sa mabubuti, at ang buong sangkatauhan ay pagbubukud-bukurin ayon sa kanilang uri. Sa pamamagitan ng pagkastigo at paghatol, ang kalalabasan ng lahat ng nilikha ay mahahayag, para maparusahan ang masasama at magantimpalaan ang mabubuti, at lahat ng tao ay sasailalim sa pamamahala ng Diyos. Ang buong gawaing ito ay kailangang magawa sa pamamagitan ng matuwid na pagkastigo at paghatol. Dahil umabot na sa sukdulan ang katiwalian ng tao at napakalala na ng kanyang pagsuway, ang matuwid na disposisyon lamang ng Diyos, na pangunahing pinagsama ng pagkastigo at paghatol at inihahayag sa mga huling araw, ang ganap na babago at bubuo sa tao. Ang disposisyong ito lamang ang makapaglalantad sa kasamaan at sa gayon ay makapagbibigay nang matinding parusa sa lahat ng hindi matuwid(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos 3).

Ang mahalagang layunin ng gawain ng pagkastigo at paghatol ng Diyos ay upang linisin ang sangkatauhan at upang ihanda sila para sa kanilang huling pahinga. Kung walang ganitong paglilinis, wala sa sangkatauhan ang maaaring maiuri sa magkakaibang mga kategorya ayon sa uri, o pumasok sa pahinga. Ang gawaing ito ay ang tanging landas ng sangkatauhan upang pumasok sa pahinga. Tanging ang paglilinis ng Diyos ang magtatanggal ng kawalan ng katuwiran ng mga tao, at tanging ang gawain Niya ng pagkastigo at paghatol ang magdadala sa liwanag sa mga masuwaying bahagi ng sangkatauhan, naghihiwalay sa mga maaaring maligtas mula sa mga hindi maaari, at ang mga mananatili mula sa mga hindi. Kapag natapos ang gawaing ito, ang lahat ng mga taong pinayagang manatili ay lilinisin at papasok sa isang mas mataas na kalagayan ng sangkatauhan kung saan magtatamasa sila ng isang mas kamangha-manghang ikalawang buhay sa lupa; sa madaling salita, uumpisahan nila ang kanilang araw ng pahinga, at mabuhay kasama ang Diyos. Matapos makastigo at mahatulan ang mga hindi pinapayagang manatili, ang kanilang tunay na mga kulay ay ganap na maihahayag, pagkatapos nito ay wawasakin silang lahat at, kagaya ni Satanas, hindi na pahihintulutang mabuhay sa lupa. Ang sangkatauhan sa hinaharap ay hindi na magsasama ng alinman sa ganitong uri ng mga tao. Hindi angkop na pumasok sa lupain ng huling pahinga ang ganitong mga tao, at hindi sila angkop na sumali sa araw ng pahingang pagsasaluhan ng Diyos at ng sangkatauhan, dahil sila ang puntirya ng kaparusahan at mga makasalanan, hindi matuwid na mga tao. … Ang buong layunin sa likod ng huling gawain ng Diyos na pagpaparusa sa masama at pagbibigay ng gantimpala sa mabuti ay upang lubusang maging dalisay ang lahat ng mga tao upang maaari Siyang magdala ng isang ganap na banal na sangkatauhan sa walang hanggang pahinga. Ang yugtong ito sa gawain Niya ang pinakamahalaga. Ito ang huling yugto ng kabuuan ng Kanyang pamamahala(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Papasok sa Pahinga ang Diyos at ang Tao Nang Magkasama).

Napakalinaw ng sinabi ng Makapangyarihang Diyos tungkol sa kahalagahan at resultang nakamtan ng gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw. Natiyak namin na ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw ang gawaing lubos na nagpapadalisay at nagliligtas sa sangkatauhan. Ang gawain ng pagtubos na ginawa ng Panginoong Jesus ay nagbigay-daan nga sa gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw. Ginagawa ng Makapangyarihang Diyos ang gawain ng paghatol at pagdadalisay sa pundasyon ng gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus, na lubos na nagliligtas sa sangkatauhan mula sa kasalanan at nagdadala sa kanila sa kaharian ng Diyos. Hindi ba napaka-praktikal ng ginagawang ito ng Diyos? Kung ang tatanggapin lang natin ay ang gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus, at hindi natin tatanggapin ang gawain ng paghatol at pagdadalisay ng Diyos sa mga huling araw, paano tayo magiging marapat na makapasok sa kaharian ng Diyos? Mukhang sa pananalig sa Diyos, kailangan nating maunawaan ang gawain ng Diyos. Napakahalaga n’yan! Pero maraming relihiyosong tao ang nananangan sa paniniwala na maliligtas ka kung mananampalataya ka lang. Naniniwala sila na ang pananalig sa Panginoon ay nagpapatawad sa mga kasalanan, lumulutas sa lahat ng problema, sa paniniwalang pinatatawad ng maawain at mapagmahal na Panginoon ang anumang kasalanan ng tao. Itataas Niya silang lahat sa kaharian ng langit pagdating Niya. Sa gayo’y ayaw nilang tanggapin ang gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Anong problema ’to? Nauunawaan ba ng ganitong klaseng tao ang gawain ng Diyos? Nauunawaan ba nila ang matwid na disposisyon ng Diyos? Masasabi mo ba na papayagan ng Diyos na makapasok sa Kanyang kaharian ang makademonyong kategorya ng taong naghihimagsik laban sa Kanya at kumakalaban sa Kanya? Siguradong hindi! Ano ang magiging resulta ng pagpasok ng ganitong klaseng tao sa kaharian ng Diyos? Isipin natin ang isang halimbawa. Kung nadala ang mga Israelitang nanalig sa Diyos na si Jehova sa kaharian ng Diyos, ano sa palagay n’yo ang mangyayari? Ni hindi nila matanggap ang Diyos na nagkatawang-tao, ang Panginoong Jesus, at ginawa rin nila ang lahat para tuligsain ang Panginoong Jesus, at ipako Siya sa krus. Ang makademonyong klase ng taong ito na kumakalaban nang ganito sa Diyos, kung papasok sila sa kaharian ng Diyos, patuloy ba nilang kakalabanin ang Diyos? Mag-aalsa ba sila? Tatangkain ba nilang agawan ng kapangyarihan ang Panginoon? Bakit hindi nangaral ang Panginoong Jesus sa sinagoga? Dahil napakasama ng mga punong saserdote, eskriba, at Fariseong mga Judio. Kaya nilang gawin kahit ano. Alam nating lahat na matapos nilang hulihin ang Panginoong Jesus, binugbog, kinutya, at dinuraan nila Siya. Ibinigay pa Siya sa gobyernong Romano para ipako sa krus. Alam na ng Panginoong Jesus para silang mga ahas kaya hindi Siya nangaral sa sinagoga. Sa mga huling araw nagbalik na ang Panginoong Jesus. Bakit hindi Siya nangangaral sa mga iglesia? Dahil malulupit lahat ang mga pinuno sa mga iglesia. Kung nagpunta ang Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao sa mga iglesia, siguradong tatawag sila ng pulis. Siguradong ibibigay nila ang Makapangyarihang Diyos sa gobyernong CCP. Hindi ba totoo ’yan? Ngayon mangangahas ba tayong magpunta sa mga iglesia para hayagang magpatotoo para sa Makapangyarihang Diyos? Kung nagpatotoo ka sa kanila tungkol sa Makapangyarihang Diyos, Siguradong dudumugin at sisiraan ka nila, at ibibigay ka pa sa Public Security Bureau. Dahil dito, ang iglesia sa ngayon ay kapareho ng mga sinagoga ng mga Judio. Lahat ng iyon ay mga lugar na nagtataboy sa Diyos, kumakalaban sa Diyos, at tumutuligsa sa Diyos. Gan’on ba? Ipinapakita niyan ang laki ng katiwalian ng sangkatauhan. Sawa na sila at nasusuklam sa katotohanan. Itinatanggi nilang lahat ang pagdating ng Diyos, at naging katulad silang lahat ni Satanas at kontra sila sa Diyos. Kung hindi nagkatawang-tao ang Diyos sa mga huling araw para ipahayag ang katotohanan, hatulan ang mga tao, at padalisayin sila, nilipol na sana ng Diyos ang sangkatauhan dahil kinalaban nila ang Diyos.

mula sa iskrip ng pelikulang Huwag Kang Makialam

Sinundan: Tanong 2: Nasaksihan ninyo na nagbalik na ang Panginoong Jesus para ipahayag ang katotohanan at gawin ang gawain ng paghatol sa mga huling araw. Bakit hindi ko nakita iyon? Nananalig lang ako na magbabalik ang Panginoon sa ibabaw ng mga ulap; nananalig lang ako na pagbalik ng Panginoon, lahat ng nananalig sa Kanya ay babaguhin kaagad at iaangat sa ere para salubungin ang Panginoon. Nananalig lang ako na magbabalik ang Panginoon sa ibabaw ng mga ulap; nananalig lang ako na pagbalik ng Panginoon, lahat ng nananalig sa Kanya ay babaguhin kaagad at iaangat sa ere para salubungin ang Panginoon. Tulad ng sinabi ni Pablo: “Sapagka’t ang ating pagkamamamayan ay nasa langit; mula doon ay hinihintay naman natin ang Tagapagligtas, ang Panginoong Jesucristo: Na siyang magbabago ng katawan ng ating pagkamababa, upang maging katulad ng katawan ng kaniyang kaluwalhatian, ayon sa paggawa na maipagpapasuko niya sa lahat ng mga bagay sa kaniya” (Filipos 3:20–21). At sinasabi ninyo na ang pagbalik ng Panginoon ay para magkatawang-tao, para magpakita bilang Anak ng tao at maghayag ng katotohanan para sa paghatol sa mga huling araw. Palagay ko imposible iyan! Dahil makapangyarihan ang Diyos, isang salita ng Diyos ang lumikha sa langit at lupa at lahat ng bagay, at muling binuhay ang mga patay. Kaya tayong gawing banal ng Diyos sa isang salita. Bakit kailangang magkatawang-tao ang Diyos para ipahayag ang katotohanan para gawin ang gawain ng paghatol at paglilinis sa tao?

Sumunod: Tanong 4: Nabasa namin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos at nakita na may ilang mga bagay na napakabagsik. Ito ang paghatol ng sangkatauhan, at pagkondena at sumpa. Sa palagay ko, kung hinahatulan at isinusumpa ng Diyos ang mga tao, hindi ba sila huhusgahan at parurusahan? Paanong masasabi na ang uring ito ng paghatol ay upang dalisayin at iligtas ang sangkatauhan?

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Tanong 11: Pinatototohanan mo na si Jesus at ang Makapangyarihang Diyos ang parehong si Cristo, ang una at ang huling Cristo. Hindi ’yan tinatanggap ng ating CCP. Sa The Internationale, malinaw na sinabi “Walang sinumang naging tagapagligtas ng mundo kailanman.” Pilit n’yong pinatototohanan na dumating na si Cristong Tagapagligtas. Paanong hindi kayo tutuligsain ng CCP? Sa palagay namin, ang Jesus na pinananaligan ng mga Kristiyano ay isang karaniwang tao. Ipinako pa nga siya sa krus. Kahit ang Judaismo ay hindi kinilala na Siya si Cristo. Ang Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw na pinatototohanan n’yo ay isa lamang palang karaniwang tao. Malinaw na inilalarawan sa mga dokumento ng CCP na may apelyido at pangalan Siya. Totoo rin ’yan. Bakit n’yo pinatototohanan na ang gayong karaniwang tao ay si Cristo, ang pagpapakita ng Diyos? Mahirap paniwalaan ’yan! Gaano man n’yo patotohanan ang katotohanang naipahayag at kung paano nagawa ng Makapangyarihang Diyos ang gawain ng paghatol sa mga huling araw, hindi kikilalanin ng ating CCP na ang taong ito ay ang Diyos. Palagay ko katulad lang kayo ng mga tao ng Kristiyanismo, Katolisismo, at Eastern Orthodoxy na nananalig kay Jesus, na nananalig na Diyos ang isang tao. Hindi ba kamangmangan ’yan? Ano ba talaga ang Diyos at ang pagpapakita at gawain ng Diyos? Ibig sabihin ba nito ay ang pagpapahayag lang ng katotohanan at paggawa ng gawain ng Diyos ay pagpapakita ng tunay na Diyos? Yan ang hinding-hindi namin tatanggapin. Kung makakagawa ang Diyos ng mga himala at hiwaga, mapupuksa ang CCP at lahat ng kumakalaban sa Kanya, kikilalanin namin na Siya ang tunay na Diyos. Kung magpapakita ang Diyos sa kalangitan, gagawa ng madagundong na kulog na tatakot sa buong sanglibutan, yan ang pagpapakita ng Diyos. Sa gayo’y kikilalanin Siya ng ating CCP. Kung hindi, hinding-hindi tatanggapin ng CCP na may Diyos.

Sagot: Hindi ko lang maunawaan, bakit palaging galit ang CCP sa Diyos? Bakit nito palaging tinatanggihan ang Diyos? Bakit ito galit lalo na...

Tanong 17: Pinatotohanan n’yo na ang Makapangyarihang Diyos ang Diyos ng mga huling araw na nagpapakita at gumagawa, at sinabi n’yo ring naghahanap ng katotohanan ang paniniwala n’yo sa Kanya, at tinatahak n’yo ang tamang daan ng buhay. Pero sa pagkakaalam ko, marami sa mga naniniwala sa Kanya sa Makapangyarihang Diyos ay katulad ng mga misyonaryo ni Jesus, na sa layunin ng pagpapakalat ng ebanghelyo at pagpapatotoo sa Diyos, ay hindi nag-alinlangang iwan ang pamilya at propesyon, at ibinigay ang katawan at kaluluwa sa Diyos. Sa kanilang lahat marami sa mga kabataan ang hindi nagpapakasal, ginagawa nila ang tungkulin nila sa pagsunod kay Cristo ng mga huling araw. Hindi n’yo yata alam na, dahil iniiwan n’yo ang pamilya n’yo at kumikilos para ikalat ang ebanghelyo at magpatotoo sa Diyos, lalong dumarami ang mga taong naniniwala sa Diyos. Kapag ang lahat ng tao ay napalapit na sa Diyos, sino pang maniniwala sa Partido Komunista, at susunod sa kanila? Malinaw na dahil dito, pinipigilan kayo at inaaresto ng gobyerno. May nakikita ba kayong mali rito? Dahil naniniwala kayo sa Diyos sa ganitong paraan kaya maraming tao ang inaresto at sinintesyahang makulong, at marami ang umalis ng bahay at lumikas. Maraming mag-asawa ang nagdiborsyo, at maraming bata ang walang mga magulang na, magmamahal sa kanila. Maraming matatanda ang walang karamay para mag-alaga sa kanila. Sa paniniwala sa Diyos sa ganitong paraan, dinanas ng mga pamilya ninyo ang matinding paghihirap. Ano ba talagang gusto ninyong makamit? Hindi kaya ito ang tamang daan para sa buhay ng tao na sinasabi n’yo? Ang tradisyunal na kultura ng Tsina ay nagbibigay ng higit na pagpapahalaga sa kabanalan ng pamilya. Ayon sa kasabihan: “Sa lahat ng kabutihan, ang paggalang ng anak sa magulang ang pinakamahalaga.” Sabi ni Confucius: “Habang buhay pa ang mga magulang n’yo, huwag kayong maglalakbay nang malayo.” Ang pagrespeto sa mga magulang ang pundasyon ng pag-uugali ng tao. Sa paniniwala at pagsunod sa Diyos sa paraang ginagawa n’yo, hindi nyo magawang alagaan kahit na ang mga magulang n’yong nagbigay-buhay at nag-aruga sa inyo, pa’no ito naituring na tamang daan para sa buhay ng tao? Madalas kong marinig sa mga tao na, mabubuti ang lahat ng sumasampalataya. Hindi mali yon. Pero naniniwala kayong lahat sa Diyos, sumasamba at nagtatanghal sa Kanya bilang dakila. Ito ang dahilan para magpuyos sa galit ang Partido Komunista, at mapuno ng pagkamuhi. Ginagawa n’yo ang tungkulin n’yo para maikalat ang ebanghelyo, pero ni hindi n’yo maalagaan ang mga sarili n’yong pamilya. Paano ito maituturing na kagandahang asal? Anong masasabi n’yo? Posible kaya na kahit hindi nakikita ay nagkamali kayo ng tinahak na daan sa paniniwala sa Diyos? Sa pagpapakalat ng ebanghelyo at pagpapatotoo sa Diyos sa ganitong paraan, hindi ba’t sinisira n’yo ang pagkakaisa at katatagan ng lipunan? Nakikiusap ako sa inyo na itigil n’yo na ang paggawa ng mali. Bumalik na kayo sa lipunan sa lalong madaling panahon, samahan n’yo na ang pamilya n’yo, magkaro’n ng normal na buhay, at alagaang mabuti ang inyong pamilya. Dapat n’yong gawin ang tungkulin n’yo bilang mga anak at magulang. Ito lang ang pundasyon sa pag-uugali ng tao, at ito lang ang pinakapraktikal.

Sagot: Paulit-ulit mong sinasabi na maling daan ang tinahak namin sa paglisan sa mga pamilya at propisyon namin para maniwala sa Diyos at...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito