Tanong 3: Simula nang pag-aralan natin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, Kapatid na Zhang, Kapatid na Xu, simula nang pag-aralan natin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, mas lalong kinokondena ng mga pastor at elder ng relihiyon ang Makapangyarihang Diyos, ginagawa nila ang lahat para hadlangan tayo sa pag-aaral ng totoong daan. Hindi ito naiba sa pagkalaban at pagkondena noon ng mga Judiong Fariseo sa Panginoong Jesus! Nag-iisip-isip ako nitong, bakit dalawang beses na nagpakita ang Diyos sa katawang-tao para gumawa at makalawang nakaharap ang pagkondena at pang-uusig ng lahat ng relihiyon at ng gobyernong ateista? Sa mga huling araw, nagpapakita at gumagawa ang Makapangyarihang Diyos para lamang ipahayag ang katotohanan, sa pagsasalita at paggawa para linisin at iligtas ang sangkatauhan. Bakit matindi ang galit kay Cristo ng mga relihiyon at ng gobyernong Komunista ng Tsina? na pinakikilos pa nila ang media corp at sandatahang puwersa ng pulisya para ikondena, lapastanganin, hulihin at patayin si Cristo? Dahil dito naaalala ko noong narinig ni Haring Herodes na ang Hari ng mga Judio, o ang Panginoong Jesus ay isinilang, ipinapatay niya ang lahat ng lalaking sanggol sa Bet-lehem na wala pang dalawang taong gulang. Mas gugustuhin niyang ipapatay ang libu-libong inosenteng mga sanggol kaysa hayaang mabuhay si Cristo. Noong dumating ang Diyos sa katawang-tao para sa kaligtasan ng sangkatauhan, bakit hindi tinanggap ng mga relihiyon at gobyerno ang Kanyang pagdating kundi galit na galit na kinondena at nilapastangan ang pagpapakita at gawain ng Diyos? Bakit inubos niya ang kabuhayan ng buong bansa para lang maipako sa krus si Cristo? Bakit napakasama ng sangkatauhan at matindi ang galit laban sa Diyos?

Sagot: Ang tanong na ito ay napakahalaga, at iilan lamang sa buong sangkatauhan ang makauunawa dito nang lubusan! Ang dahilan ng matinding pagkalaban ng sangkatauhan sa Diyos ay naging ulo ng mga balita, at ang makasaysayang trahedya ng pagkapako sa krus ng Cristong nagkatawang-tao ay muling ipinapakita; hindi ba’t totoo ito? Sinabi ng Panginoong Jesus, “At ito ang kahatulan, na naparito ang ilaw sa sanglibutan, at inibig pa ng mga tao ang kadiliman kay sa ilaw, sapagka’t masasama ang kanilang mga gawa. Sapagka’t ang bawa’t isa na gumagawa ng masama ay napopoot sa ilaw, at hindi lumalapit sa ilaw, upang huwag masaway ang kaniyang mga gawa(Juan 3:19–20). “Kung kayo’y kinapopootan ng sanlibutan, alam niyo na Ako’y unang kinapootan nito bago kayo(Juan 15:18). “Ang lahing ito’y isang masamang lahi(Lucas 11:29). At sinasabi sa 1 Juan 5:19: “Ang buong sanlibutan ay nakahilig sa masama.” Ang mga gawain ng sangkatauhan at saloobin nila sa paglapit kay Cristo ay sapat na para mapatunayan na ang buong mundo ay lubusang nakokontrol ni Satanas at nasa ilalim ng kapangyarihan nito. Sa panahong ito, karamihan sa atin ay malinaw na nakikita na ang karamihan sa mga pastor at elder ng mga relihiyon ang mga taong kumakalaban, nagkokondena at nagtatatwa kay Cristo, at na ang mga relihiyon ay matagal nang nasa kontrol ng mga hipokritong Fariseo at anticristo. Samakatwid, kapag ang Diyos na nagkatawang-tao ay nagpapakita at gumagawa, ang mga pastor at elder ng mga relihiyon ang unang nag-aalsa at nagkokondena at kumakalaban sa Kanya—ganito talaga. Ang gobyernong CCP ay makademonyong rehimen na karamihan ay napopoot sa katotohanan at kinakalaban ang Diyos, at palagi nitong inaaresto at inaapi ang mga Kristiyano. Nang ang Cristo ng mga huling araw ay dumating para magpakita at gawin ang Kanyang gawain sa Tsina, walang konsensya at buong bangis na sinikap ng gobyernong CCP na tugisin, dakpin at puksain si Cristo, na nagkaroon ng epekto sa buong mundo. Ang katotohanang ito’y nagsakatuparan sa propesiya ng Panginoong Jesus: “Sapagka’t gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa Kanyang kaarawan. Datapuwa’t kailangan muna Siyang magbata ng maraming bagay at itakwil ng lahing ito(Lucas 17:24–25). Ang Diyos ay dalawang beses nang nagkatawang-tao sa mga tao upang magsalita at gumawa, upang tubusin at iligtas ang sangkatauhan, sa kapwa pagkakataon ay dumanas ng pagkondena, paglapastangan, pagtugis, at pagpigil na isinagawa ng mga pinuno ng relihiyon at ng namumunong partido; sapat na ang katotohanang ito para mapatunayan na ang mundong ito’y napakadilim at masama at ang sangkatauhan ay natiwali nang napakatindi! Ang sangkatauhan ay naging tiwali at naging masama hanggang sa ayaw na nila ng katotohanan, galit sila sa katotohanan, pinahahalagahan nila ang masama at kalaban sila ng Diyos, nagiging kauri, at kalahi ni Satanas, na hindi kayang tanggapin ang pag-iral ng Diyos. Kung gayon, kailangang dumanas ng pang-aapi at pagpapabaya ang manipestasyon at gawain ng Diyos na nagkatawang-tao. Kung bakit kinakalaban ng sangkatauhan ang Diyos, ibinunyag ng Makapangyarihang Diyos ang aspetong ito ng katotohanan, at magiging malinaw sa atin ang tungkol dito kapag nabasa natin ang ilang mga salita ng Makapangyarihang Diyos.

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Libu-libong taon ng kasaysayan ang kinailangan upang marating ng sangkatauhan ang kinalalagyan nila ngayon, subalit ang sangkatauhang nilikha Ko sa simula ay matagal nang nabaon sa pagkabulok. Ang sangkatauhan ay hindi na ang sangkatauhang hangad Ko, at sa gayon, sa Aking paningin, ang mga tao ay hindi na karapat-dapat na tawaging sangkatauhan. Sa halip, sila ang basura ng sangkatauhan na nabihag ni Satanas, ang bulok na mga bangkay na naglalakad na sinasapian ni Satanas at ginagamit nitong bihisan. Walang tiwala ang mga tao sa Aking pag-iral, ni hindi sila sumasalubong sa Aking pagdating(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Kahulugan ng Maging Isang Tunay na Tao).

Ang ugat ng pagsalungat at pagiging mapanghimagsik ng tao laban sa Diyos ay ang kanyang katiwalian sa pamamagitan ni Satanas. Dahil sa katiwalian ni Satanas, naging manhid ang konsensiya ng tao; imoral siya, masama ang kanyang mga saloobin, at paurong ang kanyang pangkaisipang pananaw. Bago siya ginawang tiwali ni Satanas, likas na tumatalima sa Diyos ang tao at sumusunod sa Kanyang mga salita pagkatapos marinig ang mga ito. Siya ay likas na may maayos na katinuan at konsensiya, at may normal na pagkatao. Matapos gawing tiwali ni Satanas, pumurol at pinahina ni Satanas ang orihinal na katinuan, konsensiya, at pagkatao ng tao. Sa gayon, nawala niya ang kanyang pagkamasunurin at pag-ibig sa Diyos. Nalihis ang katinuan ng tao, naging katulad na ng sa hayop ang kanyang disposisyon, at nagiging mas madalas at mas matindi ang kanyang pagiging mapanghimagsik sa Diyos. Nguni’t hindi pa rin ito batid ni kinikilala ng tao, at basta na lamang siyang sumasalungat at naghihimagsik(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hindi Pagbabago ng Disposisyon ay Pakikipag-alitan sa Diyos).

Ang sangkatauhan ay walang iba kundi ang Aking kaaway. Ang sangkatauhan ay ang masama na lumalaban at sumusuway sa Akin. Ang sangkatauhan ay walang iba kundi ang anak ng masama na Aking isinumpa. Ang sangkatauhan ay walang iba kundi ang inapo ng arkanghel na nagkanulo sa Akin. Ang sangkatauhan ay walang iba kundi ang pamana ng diyablo, na tinanggihan Ko nang may pagkamuhi noong unang panahon, na naging kaaway Ko na hindi ko nakasundo simula noon(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Kahulugan ng Maging Isang Tunay na Tao).

Ginagawang tiwali ni Satanas ang mga tao sa pamamagitan ng edukasyon at impluwensiya ng mga pambansang pamahalaan at ng mga sikat at dakila. Ang kanilang mga malademonyong salita ay naging buhay kalikasan na ng tao. Ang ‘Bawat tao para sa kanyang sarili at bahala na ang iba’ ay isang sikat na satanikong kasabihan na naikintal na sa lahat at iyan ay naging buhay na ng tao. May iba pang salita ng pilosopiya para sa pamumuhay na katulad din nito. Ginagamit ni Satanas ang tradisyunal na kultura ng bawat bayan para turuan, linlangin, at gawing tiwali ang mga tao, nagsasanhi sa sangkatauhan na mahulog at masadlak sa isang walang-hanggang bangin ng pagkawasak, at sa huli ay winawasak ng Diyos ang tao dahil naglilingkod sila kay Satanas at nilalabanan ang Diyos(“Paano Malalaman ang Kalikasan ng Tao” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw).

Isinilang sa gayong napakaruming lupain, labis nang naimpluwensiyahan ng lipunan ang tao, naimpluwensiyahan na siya ng mga etikang pyudal, at naturuan na siya sa ‘mga institusyon ng mas mataas na pag-aaral.’ Ang kaisipang paurong, tiwaling moralidad, masamang pananaw sa buhay, kasuklam-suklam na pilosopiya sa pamumuhay, lubos na hungkag na pag-iral, at napakabuktot na uri ng pamumuhay at mga kaugalian—lubhang nanghimasok na sa puso ng tao ang lahat ng mga bagay na ito, at lubhang nagpahina at sumalakay sa kanyang konsensiya. Bilang resulta, mas lalong lumayo ang tao mula sa Diyos, at mas lalong naging tutol sa Kanya(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hindi Pagbabago ng Disposisyon ay Pakikipag-alitan sa Diyos).

Mula nang unang magkaroon ang tao ng agham panlipunan, ang isip ng tao ay naging abala sa agham at kaalaman. Ang agham at kaalaman ay naging mga kagamitan para sa pamumuno ng sangkatauhan, at doon ay wala nang sapat na puwang para sa tao upang sambahin ang Diyos, at walang kanais-nais na mga kondisyon para sa pagsamba sa Diyos. Ang posisyon ng Diyos ay lumubog nang lalo pang mas mababa sa puso ng tao. Kung wala ang Diyos sa kanyang puso, ang panloob na mundo ng tao ay madilim, walang pag-asa, at walang kabuluhan. Dahil dito, lumitaw ang maraming panlipunang siyentipiko, mananalaysay, at mga pulitiko upang magpahayag ng mga teorya ng agham panlipunan, teorya ng ebolusyon ng tao, at iba pang mga teorya na sumasalungat sa katotohanan na nilikha ng Diyos ang tao upang punuin ang puso at isip ng tao. At sa ganitong paraan, ang mga naniniwala na ang Diyos ang lumikha ng lahat ng bagay ay lalo pang nangaunti, at ang mga naniniwala sa teorya ng ebolusyon ay lalo pang dumami ang bilang. Parami nang parami ang mga tao na itinuturing ang mga talaan ng gawain ng Diyos at Kanyang mga salita sa kapanahunan ng Lumang Tipan bilang mga alamat at mga kathang-isip. Sa kanilang mga puso, ang mga tao ay nagwalang-bahala sa karangalan at kadakilaan ng Diyos, sa doktrina na ang Diyos ay umiiral at namamahala sa lahat ng bagay. Ang pagpapanatili ng sangkatauhan at ang kapalaran ng mga bayan at mga bansa ay hindi na mahalaga sa kanila. Nakatira ang tao sa isang walang kabuluhang mundo na ang iniintindi lamang ay pagkain, pag-inom, at ang paghahangad ng kasiyahan(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 2: Ang Diyos ang Namumuno sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan).

Walang sinumang aktibong naghahanap sa mga yapak at pagpapakita ng Diyos, at walang sinumang handang mabuhay sa pangangalaga at pagkalinga ng Diyos. Sa halip, nais nilang umasa sa paninira ni Satanas, ang diyablo, para makaangkop sa mundong ito, at sa mga patakaran ng buhay na sinusunod ng masamang sangkatauhan. Sa puntong ito, ang puso’t espiritu ng tao ay naging parangal na niya kay Satanas at siyang bumubuhay rito. Higit pa rito, ang puso’t espiritu ng tao ay naging lugar na kung saan si Satanas ay makakapanirahan at naging akmang palaruan niya ito. Sa gayon hindi alam ng tao na nawawala ang kanyang pag-unawa sa mga prinsipyo ng pagiging tao, at ang halaga at kahulugan ng buhay ng tao. Ang mga batas ng Diyos at ang tipan sa pagitan ng Diyos at ng tao ay unti-unting naglalaho sa puso ng tao, at tumitigil siya sa paghahanap o pakikinig sa Diyos. Sa paglipas ng panahon, hindi na nauunawaan ng tao kung bakit siya nilikha ng Diyos, ni hindi niya nauunawaan ang mga salitang nagmumula sa bibig ng Diyos at lahat ng nagmumula sa Diyos. Sa gayo’y nagsisimula ang tao na labanan ang mga batas at utos ng Diyos, at nagiging manhid ang kanyang puso’t espiritu…. Nawawala sa Diyos ang tao na orihinal Niyang nilikha, at nawawala sa tao ang ugat na orihinal niyang taglay: Ito ang pighati ng sangkatauhang ito(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao).

Sa loob ng libu-libong taon, ito ang naging lupain ng karumihan. Hindi matitiis ang karumihan nito, napakalungkot dito, naglipana ang mga multo sa buong paligid, nanlalansi at nanlilinlang, nagpaparatang nang walang batayan,[1] walang-awa at malupit, niyuyurakan ang bayang ito ng mga multo at iniiwan itong nagkalat ang mga patay na katawan; ang amoy ng pagkabulok ay bumabalot sa lupain at kumakalat sa hangin, at ito ay mahigpit na binabantayan.[2] Sino ang makakakita sa mundo sa kabila ng himpapawid? Mahigpit na ginagapos ng demonyo ang buong katawan ng tao, binubulag nito ang pareho niyang mga mata, at siniselyuhan nang mahigpit ang kanyang mga labi. Nagwala na ang hari ng mga diyablo sa loob ng ilang libong taon, magpahanggang sa ngayon, kung kailan patuloy pa rin nitong mahigpit na binabantayan ang bayan ng mga multo, na para bang ito ay di-mapapasok na palasyo ng mga demonyo; samantala, ang pangkat na ito ng mga asong-tagapagbantay ay nakatitig nang nanlilisik ang mga mata, takot na takot na mahuhuli sila ng Diyos nang hindi nila namamalayan at lilipulin silang lahat, at iiwan sila na walang lugar ng kapayapaan at kaligayahan. Paano kaya nakita kailanman ng mga taong nakatira sa ganitong bayan ng mga multo ang Diyos? Natamasa na ba nila kahit kailan ang pagiging kagiliw-giliw at ang pagiging kaibig-ibig ng Diyos? Anong pagpapahalaga ang mayroon sila para sa mga bagay sa mundo ng tao? Sino sa kanila ang maaaring makaunawa sa sabik na kalooban ng Diyos? Hindi na gaanong nakapagtataka, kung gayon, na nananatiling ganap na nakatago ang Diyos na nagkatawang-tao: Sa isang madilim na lipunang tulad nito, kung saan ang mga demonyo ay walang puso at hindi makatao, paanong matitiis ng hari ng mga diyablo, na pumapatay ng mga tao nang walang pakundangan, ang pag-iral ng isang Diyos na kaibig-ibig, mabait, at banal din? Paano nito maaaring papurihan at ipagsaya ang pagdating ng Diyos? Ang mga sunud-sunurang ito! Sinusuklian nila ng poot ang kabaitan, matagal na nilang hinamak ang Diyos, inaabuso nila ang Diyos, sukdulan ang kanilang kalupitan, wala sila ni bahagyang pagsasaalang-alang para sa Diyos, nandarambong sila at nanloloob, nawalan na silang lubusan ng budhi, wala silang konsensya, at tinutukso nila ang mga walang-muwang upang mawalan ng katwiran. Mga ninuno ng sinauna? Minamahal na mga lider? Tinututulan nilang lahat ang Diyos! Iniwan ng kanilang panghihimasok ang lahat sa silong ng langit sa isang kalagayan ng kadiliman at ganap na kaguluhan! Kalayaang pangrelihiyon? Lehitimong mga karapatan at mga interes ng mga mamamayan? Ang mga iyon ay mga panlalansing lahat para pagtakpan ang kasalanan! … Bakit naglalagay ng isang di-mapapasok na balakid sa gawain ng Diyos? Bakit gumagamit ng iba’t ibang pandaraya upang linlangin ang mga tao ng Diyos? Nasaan ang tunay na kalayaan at lehitimong mga karapatan at mga interes? Nasaan ang katarungan? Nasaan ang kaaliwan? Nasaan ang init? Bakit gumagamit ng madayang mga pakana upang linlangin ang mga tao ng Diyos? Bakit gumagamit ng puwersa para pigilin ang pagdating ng Diyos? Bakit hindi hinahayaan ang Diyos na malayang gumala sa ibabaw ng lupa na nilikha Niya? Bakit tinutugis ang Diyos hanggang wala na Siyang mapagpahingahan man lamang ng Kanyang ulo? Nasaan ang init sa gitna ng mga tao? Nasaan ang pagsalubong sa gitna ng mga tao? Bakit nagdudulot ng gayon katinding pananabik sa Diyos? Bakit patatawagin ang Diyos nang paulit-ulit? Bakit pinipilit ang Diyos na mag-alala para sa Kanyang minamahal na Anak? Sa madilim na lipunang ito, bakit hindi hinahayaan ng nakakaawang mga asong-bantay nito na malayang dumating at umalis ang Diyos sa gitna ng mundong nilikha Niya?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Gawain at Pagpasok 8).

Nagsalita ang Makapangyarihang Diyos tungkol sa mga pinagmumulan at katayuan sa ngayon ng katiwalian ng sangkatauhan. Kapag binabasa natin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, nauunawaan natin nang kaunting ang mga isyu gaya ng bakit napakarami ng kadiliman at kasamaan sa daigdig, bakit lubhang panatiko ang sangkatauhan sa pagkalaban sa Diyos, at ano ang katotohanan at diwa ng katiwalian ng sangkatauhan na dulot ni Satanas, tama? Ang kasamaan at kadiliman ngayon ay patunay na ganap ang katiwalian ng sangkatauhan sa mga kamay ni Satanas, kaya’t ilan tao sa sangkatauhan ang uhaw sa pagpapakita ng Diyos at umaasam sa Kanyang pagdating? Ilang tao ang gustong marinig ang salita ng Diyos at tanggapin ang katotohanan? Ilang tao ang nag-aaral at naghahangad sa gawain ng Diyos sa mga huling araw? Hindi lamang ito binabalewala ng maraming tao; sa halip, nakikinig sila sa mga bulung-bulungan at kasinungalingan ng malademonyong gobyernong CCP at nakikipagsabwatan sila sa mga puwersa ni Satanas para labanan at ikondena ang Makapangyarihang Diyos. Ito’y mga katotohanang malinaw na nauunawaan ng bawat isa. Kahit maraming tao ang nananalig sa Diyos, ilan ang makatatanggap sa katotohanan, hahanapin ang katotohanan, at susunod sa Diyos? Kung gugunitain natin noong nagpakita ang Panginoong Jesus para gawin ang Kanyang gawain, lahat ng Judio ay sumunod sa mga punong saserdote, mga eskriba, at mga Fariseo para kalabanin at kondenahin ang Panginoong Jesus. Sa mga huling araw habang nagpapakita ang Makapangyarihang Diyos para gawin ang Kanyang gawain, ang karamihan sa mga pastor at elder ng relihiyon ay kinakalaban at kinokondena ang Makapangyarihang Diyos; isinasara pa nila ang kanilang mga iglesia at hindi pinapayagan ang mga nananalig na pag-aralan ang totoong daan. Sapat na ito para ipakita na ang mundong ito ngayon ay puno na ng kadiliman at kasamaan. Nagsawa na ang sangkatauhan sa katotohanan, napopoot sila sa katotohanan, at tinalikuran nila ang Diyos at kinakalaban Siya. Ang ugat nitong kadiliman at kasamaan ng mundo ay ang pagkontrol ni Satanas sa mga tao at ang buong mundo ay nasa pananakop ng masama. Sa huling ilang libong taon, ginamit ni Satanas ang ateismo, ang teoriya ng ebolusyon, at materyalismo bilang iba pang nakapipinsalang mga turo at maling akala para linlangin at gawing tiwali ang tao. Dahil dito ang sangkatauhan ay sumamba at bulag na nanalig sa iba’t ibang kasinungalingan at mga maling akala ng hari ng mga demonyo at “magigiting na tao,” na nagsabi ng mga bagay-bagay na tulad ng: “Walang Diyos o Tagapagligtas”; “Maaaring kalabanin ng tao ang langit at lupa at lupigin ang kalikasan”; “Ang tadhana ng tao ay nasa kanyang sariling kamay”; “Bawat tao ay kanya-kanya at kukunin ng demonyo ang pinakahuli”; “Ang matatalino ang namumuno sa mga may matipunong katawan”; “Pera ang nagpapaikot sa mundo”; “Gaya ng ang isang maliit na utak ay hindi makagagawa ng isang maginoo, ang tunay na lalaki ay hindi walang kamandag,” at marami pang iba. Ang sangkatauhan ay nalinlang at natiwali ng masasamang turo at maling akala, kaya sila naging arogante, mapanlinlang, makasarili, sakim at masama; walang taong nagsasalita tungkol sa pagkatao at moralidad, walang taong nagsasalita tungkol sa konsensya at katwiran, at walang taong makapagsasalita tungkol sa pagiging matapat. Sa paghahangad ng katanyagan at katayuan sa lipunan, ang mga tao’y nag-aaway na parang mga aso at nagbabalak sila at dinadaya ang isa’t isa; nagpapatayan pa sila. Para sa ibang mga interes, ang mga bansa ay naglalabanan sa walang tigil na pagtatalo. Hindi ba ito ang bunga ng paggawang tiwali ni Satanas sa sangkatauhan? Ipinapakita ng katotohanang ito na lubusang tiniwali ni Satanas ang tao at ang sangkatauhan ay naging katulad ni Satanas, mga inapo ni Satanas. Ang sangkatauhan ay naging masamang puwersa na kumakalaban sa Diyos. Dahil dito, nang dalawang beses na magkatawang-tao ang Diyos para mangusap at gawin ang Kanyang gawain sa mga tao, tinutulan, kinondena, at tinalikuran ang Diyos sa kapwa pagkakataon ng tiwaling sangkatauhan, na humantong sa pagpapako sa Kanya sa krus. Ito ang ilan sa mga katotohanan kung bakit kinakalaban ng sangkatauhan ang Diyos.

Ang Partidong Komunista ng Tsina ay mahigit animnapung taon na sa Tsina, galit na galit na pinipigilan at inaapi ang mga paniniwala sa relihiyon sa lahat ng pagkakataon, tinatawag na mga kulto ang Kristiyanismo at Katolisismo, binabansagan ang Biblia na aklat ng kulto para sa pagsusunog at pangwawasak, ginigiba ang mga iglesia at mga krus sa lahat ng dako, at walang-habas na inaaresto, pinipigilan at ikinukulong ang mga Kristiyano, na sanhi para mawalan ng tahanan ang maraming Kristiyano. Maraming tao ang hinahadlangan sa mga paniniwala sa relihiyon at pinagkakaitan pa ng karapatang mabuhay. Ang mga miyembro ng pamilya ng napakaraming mga Kristiyano ay natanggal sa pagseserbisyo sa publiko, ang mga anak nila’y pinagbawalang mag-aral sa mga unibersidad, magtrabaho at pati unalis sa bansa. Ang Tsina ay nagmistulang impiyernong bilangguan kung saan hindi umiiral ang kalayaan sa relihiyon, maging ang karapatang mabuhay ay hinahadlangan. Hindi hinahayaan ng Partidong Komunista ng Tsina ang mga mananampalataya ng Diyos na mabuhay; sa halip ay mamarapatin nitong ipapatay silang lahat. Ang kabaliwang pagpigil at mga pagsalakay ng CCP sa Kidlat ng Silanganan ay lumikha ng gulo sa buong mundo. Walang ideya ang maraming tao kung bakit galit na galit sila, at lumalaban at tutol sa Diyos. Ito’y dahil sa bumigkas ng maraming katotohanan ang Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao at ito ang aklat na nagpayanig sa bawat sekta ng relihiyon. Narinig na ng maraming nananalig sa Panginoon ang mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos at sa pagpapatunay na ito ang tinig ng Diyos at Kanyang gawain ay bumaling sa Kanya. Ang patuloy na pagdami ng mga tao na nagsasabi at sumasaksi sa Makapangyarihang Diyos ay naging sanhi ng pagkataranta ng CCP. Inaresto ng CCP ang napakaraming mga taong sumaksi sa Diyos sa kanilang pangangaral, at kinumpiska ang maraming kopya ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao. Sinasaliksik nila ang aklat na ito sa bawat araw, at lalong nadarama kung gaano ito kahirap talunin. May kakayahan itong lupigin ang lahat. Kahit gaano pa siraan, hatulan at pabulaanan ng CCP ang Makapangyarihang Diyos, hindi sila nangangahas na ipaalam sa publiko ang Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao. Hindi nila binabanggit kahit kaunti ang binigkas ng Makapangyarihang Diyos. Bakit masyado silang nanlalamig bilang tugon sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao? Natatakot sila na makita ng buong mundo na nagpakita ang Diyos na ginagawa ang Kanyang gawain sa Silangan, na ang Tagapagligtas ng sangkatauhan ay nagpakita sa Silangan, at may pag-asa ang sangkatauhan. Bakit natatakot ang CCP na mababasa ng sangkatauhan ang Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao? Dahil ang aklat na ito ang tinig ng Diyos, ito ang pagbigkas ng katotohanan, at ito ay tunay na liwanag na lumitaw sa Silangan! Ang CCP ang pinakamasama sa lahat ng rehimen ni Satanas at nasusuklam sa katotohanan. Higit sa lahat natatakot ito na darating sa mundo ng tao ang katotohanan, na tatanggapin ng tao ang katotohanan, na magkakaroon ang Diyos ng kapangyarihan bilang Hari na pamunuan ang daigdig ng tao, at na ang kaharian ni Cristo ay lilitaw sa mundo. Kaya nga, nababaliw ang CCP sa pagtugis at paghuli kay Cristo, at ginagamit ang mga media network para sa propaganda upang walang pakundangan na magpakana, paratangan nang mali at siraan Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Ni hindi sila nangingiming pakilusin ang sandatahang puwersa ng pambansang pulisya upang mapigilan, maaresto at mausig nang labis ang mga pinili ng Diyos. Dahil walang mapagtaguan, ang Kanyang mga pinili ay napilitang umalis ng bansa dahil sa pang-aapi ng CCP, at ang gobyerno ng Tsina sa ilalim ng CCP ay iniunat ang masamang kamay nito sa bawat bansa sa ibayong-dagat at gamit ang paraan sa pulitika, ekonomiya at diplomatiko ay pinilit ang ilan sa kanila na pabalikin sa Tsina ang mga Kristiyanong tumakas papunta sa ibang bansa upang parusahan at usigin sila. Ang mas nakapopoot pa ay na inaaresto at inuusig din ng CCP ang mga kamag-anak ng mga Kristiyanong iyon na nangibang-bansa at itinuturing silang mga bihag para takutin Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Pinipilit sila nitong kunin ang kanilang mga pasaporte para mangibang bansa at buwagin Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa bawat bansa, at sa diplomatikong mga paraan ay tinatangkang magpakana at siraan Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, upang iligaw sa pamamagitan ng bulung-bulungan, upang imanipula ang opinyon ng publiko at siraan ito. Binubuyo ng CCP kapwa ang mga gobyerno at mga tao ng ibang mga bansa na kalabanin at tanggihan Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, at pauwiin ang mga miyembro ng Iglesia na nasa ibayong dagat; ang masamang pakay nito ay magtagumpay sa paghadlang, pagbabawal, at pagpigil sa paglaganap ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos at ng gawain ng ebanghelyo nito sa ibang bansa. Ang CCP ay ang demonyong Satanas-na ayaw sa katotohanan at sa Diyos. Ang CCP ay eksperto sa malupit na pang-aabuso sa mga tao at sa paglamon ng mga kaluluwa; ito ay demonyo na kumakain sa mga tao nang hindi iniluluwa ang kanilang mga buto.

mula sa iskrip ng pelikulang Mapanganib ang Landas Papunta sa Kaharian sa Langit

Mga Talababa:

1. Ang “nagpaparatang nang walang batayan” ay tumutukoy sa mga paraan kung paano pinipinsala ng diyablo ang mga tao.

2. Ang “mahigpit na binabantayan” ay nagpapahiwatig na ang mga paraan kung saan pinahihirapan ng diyablo ang mga tao ay lalo nang malupit, at kontrolado nang labis ang mga tao na wala na silang makilusan.

Sinundan: Tanong 2: Nalaman ng mga elder at pastor na ikaw ay sumasaksi sa Makapangyarihang Diyos sa amin. Umiikot silang nagkakalat ng mga heresiya at kasinungalingan at binabatikos ang Makapangyarihang Diyos. Sinara nila ang iglesia at nagsimulang manggipit at magpigil sa ating mga kapatiran na sumusubok makinig sa iyong mga sermon. Nakikita nila kami bilang mga tinik sa kanilang mga mata, at pinaka-kinapopootan ng lahat. Sinasabi rin nila na ang lahat ng mga tatanggap sa Makapangyarihang Diyos ay ititiwalag sa iglesia. Malinaw na naghiwalay sa dalawang pangkat ang iglesia. Ang ilan sa mga kapatiran ay gustong kasama kami na pag-aralan ang tunay na daan. Ang iba ay sumusunod sa mga pastor at elder sa paglaban at pagbatikos sa Kidlat ng Silanganan. Itinuturing din nila kami bilang mga kaaway nila. Bakit ang laki ng pinagbago ng iglesia sa loob lang ng ilang mga araw?

Sumunod: Tanong 1: Ang Biblia ay isang patotoo sa gawain ng Diyos, napakalaki ng pakinabang nito sa sangkatauhan. Sa pagbabasa ng Biblia, nauunawaan natin na ang Diyos ang Lumikha ng lahat ng bagay, nakikita natin ang kamangha-mangha at makapangyarihang mga gawa, at ang walang-hanggang kapangyarihan ng Diyos. Biblia ay isang talaan ng salita ng Diyos at patotoo ng tao sa Diyos, hindi matatanggap ng isang tao ang buhay na walang hanggan sa pagbabasa ng Biblia. Wala bang daan ng buhay na walang hanggan sa Biblia?

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Tanong 13: Lahat kayo ay naniniwala sa Diyos; Ako naman ay kina Marx at Lenin. Dalubhasa ako sa pagsasaliksik ng iba’t ibang paniniwala sa relihiyon. Sa ilang taon ng pagsasaliksik ko, may nadiskubre akong isang problema. Ayon sa relihiyosong paniniwala ay mayroon talagang Diyos. Pero sa dami ng naniniwala sa Diyos, wala pa namang nakakakita sa Kanya. Ang paniniwala nila ay base sa sarili nilang nararamdaman. Kaya nga nakabuo ako ng konklusyon tungkol sa relihiyosong paniniwala: Purong imahinasyon lang ang relihiyosong paniniwala; yun ay isang pamahiin, at walang matibay na basehan sa syensya. Ang modernong lipunan, ay isang lipunan kung saan napakaunlad na ng syensya. Kailangang, nakabase ang lahat sa syensya, para hindi na magkaro’n ng kamalian. Kaming mga miyembro ng Partidong Komunista ay naniniwala sa Marxismo-Leninismo. Hindi kami naniniwalang may Diyos. Ano bang sabi sa The Internationale? “Kailanma’y di nagkaro’n ng Tagapagligtas ang mundo, o ng diyos at emperador na kailangang asahan. Upang magkaro’n ng kaligayahan ang tao, mga sarili lamang natin ang ating asahan!” Malinaw sa The Internationale na “Kailanma’y di nagkaro’n ng Tagapagligtas ang mundo.” Ang sangkatauhan ay naniwala noon sa Diyos at naging mapamahiin dahil ang sangkatauhan nung mga panahong iyon, ay humaharap sa kababalaghan ng natural na mundo na ang araw, buwan, mga bituin; hangin, ulan, kulog at kidlat, ay hindi makapagbibigay ng siyentipikong paliwanag. Samakatuwid, sumibol sa mga utak nila ang takot at pagtataka tungkol sa di-pangkaraniwang kapangyarihan. Kung kaya nabuo ang mga pinakaunang konsepto ng relihiyon. Bukod ditto, nung hindi malutas ng mga tao ang kahirapang dulot ng mga kalamidad at sakit, umasa silang makakuha ng ginhawang pangkaluluwa sa pamamagitan ng mataimtim na pagsunod sa Diyos. Ito ang dahilan kaya nabuhay ang relihiyon. Kitang-kita naman, Hindi ito makatwiran at hindi siyentipiko! Sa panahong ito, moderno na ang tao, at namamayagpag na ang siyensya. Sa mga larangang gaya ng aerospace industry, biotechnology, genetic engineering at medisina, mabilis na naging maunlad ang lahat ng tao. Noon hindi ito naintindihan ng sangkatauhan, at hindi nila kayang lutasin ang mga problema. Pero ngayon kaya ng ipaliwanag ng siyensya ang mga problemang ito, at pwede ng umasa sa siyensya para magbigay ng mga solusyon. Ngayong maunlad na ang agham at teknolohiya, kung naniniwala pa rin ang tao sa Diyos, at naging mapamahiin, hindi ba’t ito ay kabaliwan at kamangmangan? Hindi ba’t napag-iwanan na ang mga tao sa panahong ito? Ang pinakapraktikal na gawin ay ang maniwala tayo sa siyensya.

Sagot: Sabi n’yo ang relihiyosong paniniwala ay dahil sa napag-iwanan na ang tao sa siyentipikong kaalaman, at nabuo mula sa takot at...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito