Tanong 2: Kababanggit lang ang tungkol sa ilang labag sa batas na gawain, kaya anong mga partikular na gawain ang ibig mong sabihin kapag sinasabi mong lumalala ang katampalasanan?

Sagot: Ang pangunahing ibig sabihin ng paglala ng katampalasanan ay ang pagsuway ng mga pinuno at pastor ng relihiyon, at mga elder sa kalooban ng Diyos at sa halip ay pagtahak sa sarili nilang daan. Hindi nila sinusunod ang mga utos ng Diyos, at binibigyan nila ng maling kahulugan ang Biblia para igapos, kontrolin, at linlangin ang mga tao, nilulunod sila sa teolohiya ng biblia, at inilalayo sila sa Diyos, ginagawa ang mga iglesia na mga lugar ng ritwal panrelihiyon, at itinuturing nila ang kanilang mga responsibilidad at tungkulin bilang paraan tungo sa katayuan at kita, na dahilan para gumawa ang marami ng mga mapagpaimbabaw na gawaing tumututol sa Diyos sa iglesia. Maraming tao ang nagbunyag sa kanilang mga sarili bilang mga hindi mananampalataya. Hinahanap nila ang mga makamundong kasiyahan, lumalayo sa daan ng Panginoon, at itinuturing pa ang mga salita ng Diyos bilang mga kuwentu-kuwento lang. Hindi talaga sila naniniwala na babalik muli ang Panginoong Jesus para magsalita at magsagawa ng gawain. Lalo na ang mga pinuno ng relihiyon na walang anumang paggalang sa Diyos sa kanilang mga puso, at lahat ng uri ng masasamang tao at hindi naniniwala na hindi nagmamahal sa katotohanan ay nailalantad. Lantaran silang gumagawa ng masasama, itinatanggi ang gawain ng Diyos ng mga huling araw, at tinatanggihan ang katotohanan. Ipinangangaral ng mga pastor at elder ng relihiyon na ito ang kaalaman at teolohiya ng biblia. Nagsisikap silang protektahan ang kanilang sariling katayuan, impluwensiya, at kita, pero tumatanggi silang sundin ang daan ng Panginoon o ipalaganap ang salita ng Panginoon. Hindi talaga sila nagpaparangal o nagpapatotoo sa Panginoon. Sa halip ipinangangaral nila ang mga bagay na nagtataksil sa katotohanan sa salita ng Diyos, at ginagamit ang mga kamalian at tradisyon ng tao para linlangin at kontrolin ang mga tao, ipinagpipilitang tahakin ang landas ng mga Fariseo na pagtutol sa Diyos. Marami ring pastor at elder ng relihiyon ang nahahanap ng mga makamundong kasiyahan, naghahanap sila ng moda, pagnanasa para sa pera, at pakikibaka para sa posisyon. Lubos silang mga makamundong tao, lubos na hindi naniniwala. Ang pinaka-nakakagalit ay ginagamit ng mga pinuno, pastor at elder ng relihiyon na ito ang kanilang labis na pagkokondena sa gawain ng Diyos sa mga huling araw para linlangin at kontrolin ang mga naniniwala, at nakikipagsabwatan pa sila sa rehimeng CCP, kasama si Satanas laban sa Diyos, nagsisikap na bumuo ng kanilang sariling mga kaharian at muling ipinapako ang Diyos, kung kaya kinamumuhian at isinusumpa sila ng Diyos. Ang mga labag sa batas na gawaing ito ay mga katotohanang maliwanag sa ating lahat. Hindi ito naiiba sa pagtataksil mula sa salita ng relihiyon. At dahil sa paglala ng mga labag sa batas na gawaing ito, lumamig na ang pananampalataya at pagmamahal ng maraming mananampalataya, at negatibo at mahina sila. Dahil pinili ng mga pinuno ng relihiyong ito ang kanilang sariling landas, at hindi na sinusunod ang daan ng Diyos, binawi ang gawain ng Banal na Espiritu, at naabandona ang mga lugar ng relihiyon. Lumipat ang gawain ng Banal na Espiritu sa mga tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw. At nakikita natin sa mga bagay na ito na hindi nagpaparaya ang matuwid na disposisyon ng Diyos sa pagkakasala ng tao.

Katatapos lang naming magbahagi ng ilang dahilan ng kalungkutan ng mundo ng relihiyon. Ngayon gusto kong idagdag ang sarili kong pananaw at opinyon sa mga ugat ng kalungkutan sa mundo ng relihiyon. Magbasa tayo ng dalawang talata mula sa Makapangyarihang Diyos, makakatulong ito para mas maintindihan ninyo kung bakit may kalungkutan sa relihiyon. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Gagawin ng Diyos ang katotohanang ito: Gagawin Niyang pumunta sa harapan Niya ang lahat ng mga tao sa buong sansinukob at sambahin ang Diyos sa lupa, at titigil ang gawain Niya sa ibang mga lugar, at mapipilitan ang mga tao na hangarin ang tunay na daan. Magiging katulad ito ni Jose: Lumapit ang lahat sa kanya para sa pagkain, at yumukod pababa sa kanya, sapagkat mayroon siyang mga bagay na makakain. Upang maiwasan ang taggutom, mapipilitan ang mga tao na hangarin ang tunay na daan. Magdurusa ng matinding taggutom ang buong relihiyosong pamayanan, at tanging ang Diyos ng ngayon ang bukal ng buhay na tubig, na nagtataglay ng walang-hanggang umaagos na bukal na inilaan para sa pagtatamasa ng tao, at darating ang mga tao at aasa sa Kanya(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dumating Na ang Milenyong Kaharian). “Nagawa ng Diyos na nag-iisang tuon ng Kanyang gawain ang grupong ito ng mga tao sa buong sansinukob. Isinakripisyo na Niya ang lahat ng dugo sa Kanyang puso para sa inyo; binawi at ibinigay na Niya sa inyo ang buong gawain ng Espiritu sa buong sansinukob. Ito ang dahilan kung bakit kayo ang mapapalad(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Simple ba ang Gawain ng Diyos na Tulad ng Inaakala ng Tao?). Nilinaw na ng Makapangyarihang Diyos kung bakit may taggutom sa mundo ng relihiyon. Pinahihintulutan tayo nito na makita ang walang hanggang kapangyarihan at karunungan ng Diyos. Hindi inabandona ng Diyos ang mga nagmamahal sa katotohanan at nauuhaw sa Kanyang pagpapakita. Ginamit ng Diyos ang taggutom para pilitin silang hanapin ang totoong daan, at para hanapin nila ang kalooban at mga yapak ng Diyos sa kalungkutan sa mga iglesia. Ginawa Niya ito para tulungan ang nasa bawat sekta at denominasyon na nagmamahal sa katotohanan at talagang naniniwala sa Diyos na pumunta sa harapan ng Kanyang trono. Sabi ng Diyos, “Nagawa ng Diyos na nag-iisang tuon ng Kanyang gawain ang grupong ito ng mga tao sa buong sansinukob.” Mula dito makikita natin na naantig ang mga tumatanggap sa gawain ng Diyos sa mga huling araw sa gawain ng Banal na Espiritu. At ito ang katibayan ng katotohanan na gusto ng Diyos na lahat ng lumalapit sa harapan ng Kanyang trono ay hangarin ang puso ng Diyos. Ito ang mga tao na gagawin ng Diyos na mananagumpay bago ang sakuna, at mapatutunayan ang mga propesiya ng Panginoong Jesus sa matatalinong dalagang dumadalo sa piging ng kasalan kasama ang Cordero. Ang mga mangmang na dalaga, na kahit gaano pa kalungkot o kadilim ang kanilang mga iglesia, ay mananatili sila sa mga ito at maghihintay ng kamatayan, ay tulad ng mga Israelita na namatay sa parang matapos akayin palabas ng Egipto. Naging lugar ng kasiraan ang buong mundo ng relihiyon, unang-una dahil sinusunod ng mga pinuno ng mundo ng relihiyon ang landas ng mga Fariseo, at nagtataksil sa intensyon ng Panginoon. Hindi nila sinusunod ang kalooban ng Diyos, hindi sinusunod ang mga utos ng Panginon, at matagal nang inabandona ng Diyos. Sa pamamagitan ng katotohanan na ipinahahayag ng Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw, nailalantad ang kanilang anticristong kalikasan at buod, at sila ang muling nagpapako sa Diyos, at isinusumpa sila ng Diyos. Ano ang layunin ng Diyos sa pagdudulot ng taggutom sa mundo ng relihiyon? Gusto niyang puwersahin ang mga tao na hanapin ang totoong daan. Ang mga gustong maghanap sa tinig ng Diyos, at tumatanggap sa gawaing paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw lamang ang muling makakatanggap sa gawain ng Banal na Espiritu, pagtutustos ng tubig na buhay na dumadaloy mula sa Kanyang trono, at sa wakas ay maililigtas at mapahihintulutang pumasok sa kaharian ng langit. Ito ang mga tao na iprinopesiya ng Panginoong Jesus na madadala sa kaharian ng langit. Kung itatanggi natin ang paghatol, pagkastigo, pagdadalisay, at pagliligtas ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, walang hanggan tayong maaabandona at maaalis. Tulad ng sinabi ng Makapangyarihang Diyos: “Kapag nilalabanan mo si Cristo ng mga huling araw, kung tatanggihan mo nang may paghamak si Cristo ng mga huling araw, wala nang sinuman ang makapagpapasan sa mga kahihinatnan alang-alang sa iyo. Higit pa rito, simula sa araw na ito at sa mga susunod pa hindi ka magkakaroon ng isa pang pagkakataong makamit ang pagsang-ayon ng Diyos; kahit na subukin mo pang makabawi, hindi mo muling mapagmamasdan ang mukha ng Diyos. Sapagkat hindi isang tao ang nilalabanan mo, hindi isang mahinang nilalang ang tinatanggihan mo nang may paghamak, kundi si Cristo. Alam mo ba ang kahihinatnan nito? Hindi isang maliit na pagkakamali ang magagawa mo, kundi isang karumal-dumal na krimen. Kaya naman pinapayuhan Ko ang lahat na huwag ilabas ang mga pangil ninyo sa harap ng katotohanan, o gumawa ng bulagsak na mga pamumuna, dahil ang katotohanan lamang ang makapagdadala sa iyo ng buhay, at wala kundi ang katotohanan ang makapagpapahintulot na muli kang isilang at mapagmasdang muli ang mukha ng Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan).

mula sa iskrip ng pelikulang Dumadaloy ang Tubig ng Buhay Mula sa Trono

Sinundan: Tanong 1: Naramdaman ko ang kalungkutan sa ating iglesia nitong mga nakaraang taon. Nawala natin ang pananampalataya at pagmamahal na taglay natin noong simula, at naging mas mahina at mas negatibo. Kahit ang mga nangangaral, hindi alam ang gagawin kung minsan, at hindi alam kung ano ang pag-uusapan. Pakiramdam nami’y nawala namin ang gawain ng Banal na Espiritu. Naghanap din kami sa lahat ng dako ng iglesia na nagtataglay ng gawain ng Banal na Espiritu, pero bawat iglesiang makita nami’y kasinglungkot ng sa amin. Bakit napakaraming iglesia ang nagugutom at nalulungkot?

Sumunod: Tanong 3: Sa ngayon, laganap ang mapapanglaw na simbahan sa lahat ng relihiyon, pero hindi pa namin lubos na nauunawaan ang pangunahing dahilan. Kaya nga masigasig naming binabasa ang Lumang Tipan at pinagtutuunan namin kung paano humantong sa kapanglawang iyon sa relihiyon ang mga ikinilos ng mga punong saserdote, eskriba at Fariseong Judio noong mga huling araw ng Kapanahunan ng Kautusan. Bagama’t may natuklasan na ang ilang problema, hindi naging malinaw ang kabuuan nito. Nagpunta na rin kami sa mga simbahan sa maraming iba’t ibang lugar at mula sa iba’t ibang sekta, pero hindi pa namin nakikita ang gawain ng Banal na Espiritu. Hindi gaanong malinaw sa amin kung bakit napakapanglaw ng lahat ng relihiyon. Ano ang tunay na dahilan nito?

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Tanong 1: Nananalig na tayo sa Panginoon sa loob ng napakaraming taon. Kahit maaari tayong mangaral at kumilos para sa Panginoon at magdusa nang husto, maaari pa rin tayong palaging magsinungaling, manloko at mandaya. Araw-araw, ipinagtatanggol natin ang ating sarili. Napakadalas, mayabang tayo, mapagmataas, pasikat, at mapanghamak sa iba. Namumuhay tayo sa sitwasyon ng pagkakasala at pagsisisi, at hindi tayo makaalpas sa pang-aalipin ng laman, at dumaranas at nagsasagawa ng salita ng Panginoon. Hindi pa natin nararanasan ang anumang realidad ng salita ng Panginoon. Sa kaso natin, madadala man lang ba tayo sa kaharian ng langit? Sabi ng ilang tao, gaano man tayo magkasala, gaano man tayo inaalipin ng laman, ang tingin sa atin ng Panginoon ay walang kasalanan. Sumusunod sila sa salita ni Pablo: “Sa isang sangdali, sa isang kisap-mata, sa huling pagtunog ng trumpeta: sapagka’t tutunog ang trumpeta, at ang mga patay ay mangabubuhay na maguli na walang kasiraan, at tayo’y babaguhin” (1 Corinto 15:52). At ipinapalagay nila na agad babaguhin ng Panginoon ang ating anyo pagdating Niya at dadalhin tayo sa kaharian ng langit. Naniniwala ng ilang tao na ang mga tumatanggap ng kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya pero patuloy pa ring nagkakasala ay hindi karapat-dapat na makapasok sa kaharian ng langit. Nakabatay ito unang-una na sa salita ng Panginoong Jesus: “Hindi ang bawa’t nagsasabi sa Akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng Aking Ama na nasa langit” (Mateo 7:21). “Kayo nga’y magpakabanal, sapagka’t Ako’y banal” (Levitico 11:45). Ito ay dalawang magkakumpitensyang pananaw na hindi malinaw na masasabi ng sinuman, Makipag-usap naman kayo para sa amin.

Sagot: Noong araw, dati-rati’y itinuturing nating salita ng Diyos ang mga salita ng mga apostol na kagaya ni Pablo at sumusunod tayo sa...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito