379 Likas sa Tao ang Pagkakanulo sa Diyos

1 Sakamatuwid, ang kalikasan ng tao ay nanggagaling mula sa kanilang kaluluwa, hindi mula sa kanilang laman. Tanging ang kaluluwa ng bawat tao ang nakakaalam kung paano sila napasailalim na sa mga tukso, mga paghihirap, at katiwalian ni Satanas. Hindi ito malalaman ng laman ng tao. Kaya, ang sangkatauhan ay hindi-sinasadyang nagiging parumi nang parumi, pasámâ nang pasámâ at padilim nang padilim, habang ang distansiya sa pagitan Ko at ng tao ay palákí nang palákí, at ang mga araw ng sangkatauhan ay nagiging padilim nang padilim. Ang mga kaluluwa ng sangkatauhan ay lahat nasa abot-kamay ni Satanas. Sa gayon, hindi na kailangang sabihin pa na ang laman ng tao ay nasakop na rin ni Satanas. Paano maaaring ang laman na tulad nito at mga taong tulad nito ay hindi lumaban sa Diyos at maging likas na kaayon sa Kanya? Ang dahilan kung bakit si Satanas ay inihulog Ko sa hangin ay sapagka’t ipinagkanulo nito Ako, kung kaya paano mapapalaya ng mga tao ang kanilang mga sarili mula sa mga bunga nito? Ito ang dahilan kaya ang kalikasan ng tao ay pagkakanulo.

2 Hindi mahalaga kung gaano ka na katagal na tagasunod Niya—ang kalikasan mo ay ipagkanulo pa rin ang Diyos. Iyon ay, nasa kalikasan ng mga tao ang ipagkanulo ang Diyos dahil walang lubusang paggulang ang mga tao sa kanilang buhay, mayroon lamang silang mga kaukulang pagbabago sa disposisyon. Ipinaaalala ng Diyos sa lahat ng tao sa pamamagitan ng dalawang kabanatang ito na gaano man kagulang ang iyong buhay, gaano man kalalim ang iyong karanasan, gaano man kalaki ang kumpiyansa mo, at saan ka man ipinanganak at saan ka man patungo, maaaring lumabas anumang oras at saanmang lugar ang kalikasan mong ipagkanulo ang Diyos. Ang ibig sabihin ng Diyos sa bawat tao ay ito: Pantaong kalikasan ang pagkakanulo sa Diyos. Sabihin pa, ang intensiyon ng Diyos sa pagpapahayag ng dalawang kabanatang ito ay hindi ang maghanap ng mga dahilan para alisin o kondenahin ang sangkatauhan, kundi ito’y para gawin silang mas may kamalayan sa kanilang sariling kalikasan at sa gayon mamuhay nang napakaingat sa harap ng Diyos sa lahat ng panahon upang makamtan ang Kanyang paggabay, iniiwasang mawala ang Kanyang presensiya at humahakbang sa daan ng walang balikan.

Hango sa “Isang Napakaseryosong Problema: Pagkakanulo (2)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinundan: 378 Ang Dahilan Kaya Likas sa Tao ang Pagkakanulo

Sumunod: 380 Ang Mapanganib na mga Bunga ng Pagkakanulo sa Diyos

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.
Makipag-ugnayan sa Amin
Kontakin Kami Gamit ang Messenger

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito