Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

762 Ang Dahilan Kaya Likas sa Tao ang Pagkakanulo

1 Ang pag-iral ng sangkatauhan ay nababatay naman sa pagkakatawang-tao ng kaluluwa. Sa ibang salita, bawat tao ay nagtatamo ng isang pantaong buhay ng laman sa pagkakatawang-tao ng kanilang kaluluwa. Pagkatapos na ang katawan ng isang tao ay naipanganak, ang buhay na iyon ay nagpapatuloy hanggang sa pinakamalaking limitasyon ng laman, iyan ay, ang pangwakas na sandali kung kailan nililisan ng kaluluwa ang balat nito. Ang prosesong ito ay muli’t muling nauulit sa kaluluwa ng isang tao na dumarating at umaalis, at dumarating at umaalis, sa gayon ay napapanatili ang pag-iral ng buong sangkatauhan. Ang buhay ng laman ay ang buhay din ng kaluluwa ng tao, ang kaluluwa ng tao ay sumusuporta sa pag-iral ng laman ng tao. Na ang ibig sabihin, ang buhay ng bawat tao ay nagmumula sa kanilang kaluluwa; hindi ang kanilang laman ang orihinal na may buhay. Sakamatuwid, ang kalikasan ng tao ay nanggagaling mula sa kanilang kaluluwa, hindi mula sa kanilang laman.

2 Tanging ang kaluluwa ng bawat tao ang nakakaalam kung paano sila napasailalim na sa mga tukso, mga paghihirap, at katiwalian ni Satanas. Hindi ito malalaman ng laman ng tao. Kaya, ang sangkatauhan ay hindi-sinasadyang nagiging parumi nang parumi, pasámâ nang pasámâ at padilim nang padilim, habang ang distansiya sa pagitan Ko at ng tao ay palákí nang palákí, at ang mga araw ng sangkatauhan ay nagiging padilim nang padilim. Ang mga kaluluwa ng sangkatauhan ay lahat nasa abot-kamay ni Satanas. Sa gayon, hindi na kailangang sabihin pa na ang laman ng tao ay nasakop na rin ni Satanas. Paano maaaring ang laman na tulad nito at mga taong tulad nito ay hindi lumaban sa Diyos at maging likas na kaayon sa Kanya? Ang dahilan kung bakit si Satanas ay inihulog Ko sa hangin ay sapagka’t ipinagkanulo nito Ako, kung kaya paano mapapalaya ng mga tao ang kanilang mga sarili mula sa mga bunga nito? Ito ang dahilan kaya ang kalikasan ng tao ay pagkakanulo.

Hango sa “Isang Napakaseryosong Problema: Pagkakanulo (2)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinundan:Dapat Ninyong Pahalagahan ang Araw ng Kaluwalhatian ng Diyos

Sumunod:Yaong mga Sumusuway sa Diyos ay Ipinagkakanulo Siya

Baka Gusto Mo Rin