3. Sa Pananalig sa Diyos, Dapat Kang Magbuo ng Normal na Relasyon sa Diyos

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Sa pananampalataya sa Diyos, kahit paano ay kailangan mong lutasin ang isyu tungkol sa pagkakaroon ng isang normal na kaugnayan sa Diyos. Kung wala kang normal na kaugnayan sa Diyos, nawawalan ng kabuluhan ang iyong paniniwala sa Diyos. Ang pagtatatag ng isang normal na kaugnayan sa Diyos ay lubos na nagagawa sa pamamagitan ng pagpapatahimik sa iyong puso sa presensiya ng Diyos. Ang pagkakaroon ng normal na kaugnayan sa Diyos ay nangangahulugan ng kakayahang hindi pagdudahan o tanggihan ang anuman sa Kanyang gawain at magpasakop sa Kanyang gawain. Nangangahulugan ito ng pagkakaroon ng mga tamang layunin sa presensiya ng Diyos, hindi paggawa ng mga plano para sa sarili mo, at pagsasaalang-alang muna sa mga interes ng sambahayan ng Diyos sa lahat ng bagay; nangangahulugan ito ng pagtanggap sa pagsusuri ng Diyos at pagpapasakop sa mga pagsasaayos ng Diyos. Kailangan mong magawang patahimikin ang iyong puso sa presensiya ng Diyos sa lahat ng iyong ginagawa. Kahit hindi mo nauunawaan ang mga layunin ng Diyos, kailangan mo pa ring tuparin ang iyong mga tungkulin at responsabilidad sa abot ng iyong makakaya. Kapag nabunyag na sa iyo ang mga layunin ng Diyos, magsagawa ka ayon sa mga ito, at hindi pa magiging huli ang lahat. Kapag naging normal ang iyong kaugnayan sa Diyos, magkakaroon ka rin ng normal na mga kaugnayan sa mga tao. Para magkaroon ng isang normal na kaugnayan sa Diyos, dapat maitatag ang lahat sa pundasyon ng mga salita ng Diyos, dapat magawa mo ang iyong tungkulin alinsunod sa mga salita ng Diyos at sa kung ano ang hinihingi ng Diyos, dapat mong ituwid ang mga pananaw mo, dapat mong hanapin ang katotohanan sa lahat ng bagay, at dapat mong isagawa ang katotohanan kapag nauunawaan mo ito. Kahit ano pa ang mangyari sa iyo, dapat kang manalangin sa Diyos at maghanap nang may pusong nagpapasakop sa Diyos. Sa pagsasagawa nang ganito, mapapanatili mo ang isang normal na kaugnayan sa Diyos. Kasabay ng paggawa mo nang maayos sa iyong tungkulin, dapat mo ring tiyakin na wala kang ginagawang anumang bagay na hindi kapaki-pakinabang sa buhay pagpasok ng hinirang na mga tao ng Diyos, at wala kang sinasabi na hindi nakakapagpatibay sa mga kapatid. Kahit papaano man lang, dapat wala kang gawin na labag sa iyong konsensiya at hinding-hindi ka dapat gumawa ng anumang bagay na nakakahiya. Sa partikular, hinding-hindi mo dapat gawin iyong bagay na naghihimagsik o lumalaban sa Diyos, ni anumang bagay na nakakaabala sa gawain o buhay ng iglesia. Maging matuwid at marangal sa lahat ng bagay na ginagawa mo at tiyakin na bawat kilos mo ay kaaya-aya sa harap ng Diyos. Bagama’t maaaring mahina ang laman kung minsan, dapat mong magawang unahin ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, nang walang pag-iimbot para sa sarili mong kapakinabangan, nang walang ginagawang anumang bagay na makasarili o kasuklam-suklam, na madalas na pinagninilayan ang sarili. Sa ganitong paraan, magagawa mong madalas na mamuhay sa harap ng Diyos, at ang kaugnayan mo sa Diyos ay magiging normal na normal.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Kumusta ang Kaugnayan Mo sa Diyos?

Sa lahat ng ginagawa mo, kailangan mong siyasatin kung ang iyong mga layunin ay tama. Kung nagagawa mong kumilos ayon sa mga kinakailangan ng Diyos, ang iyong kaugnayan sa Diyos ay normal. Ito ang pinakamababang pamantayan. Usisain mo ang iyong mga layunin, at kung malaman mo na nagkaroon ng mga maling layunin, maghimagsik ka laban sa mga ito at kumilos ka ayon sa mga salita ng Diyos; sa gayon ay magiging isa kang tamang tao sa harap ng Diyos, na nagpapakita naman na ang iyong kaugnayan sa Diyos ay normal, at na lahat ng iyong ginagawa ay para sa kapakanan ng Diyos, hindi para sa iyong sariling kapakanan. Sa lahat ng iyong ginagawa at lahat ng iyong sinasabi, itama ang iyong puso at maging makatarungan sa iyong mga kilos, at huwag patangay sa iyong mga damdamin, ni huwag kumilos ayon sa sarili mong kalooban. Ito ang mga prinsipyong kailangang sundin ng mga sumasampalataya sa Diyos sa kanilang pag-asal. Ang maliliit na bagay ay maaaring ibunyag ang mga layunin at tayog ng isang tao, kaya nga, para makapasok ang isang tao sa landas ng pagpeperpekto ng Diyos, kailangan muna nilang ituwid ang kanilang mga layunin at ang kanilang kaugnayan sa Diyos. Kapag ang iyong kaugnayan sa Diyos ay normal, saka ka lamang Niya magagawang perpekto; saka lamang makakamit ang nilalayong epekto sa iyo ng pagpupungos, pagdidisiplina, at pagpipino ng Diyos. Ibig sabihin, kung nagagawa ng mga tao na panatalihin ang Diyos sa puso nila at hindi maghangad ng personal na pakinabang o isipin ang sarili nilang kinabukasan (sa makamundong kahulugan), bagkus ay dalhin nila ang pasanin ng buhay pagpasok, gawin nila ang lahat upang hangarin ang katotohanan, at magpasakop sa gawain ng Diyos—kung magagawa mo ito, ang mga layong hinahangad mo ay magiging tama, at ang iyong kaugnayan sa Diyos ay magiging normal. Ang pagtatama sa kaugnayan ng isang tao sa Diyos ay maaaring tawaging unang hakbang sa pagpasok sa espirituwal na paglalakbay. Bagama’t ang kapalaran ng tao ay nasa mga kamay ng Diyos at paunang itinakda ng Diyos, at hindi mababago ng tao, maaari ka mang gawing perpekto ng Diyos o makamit Niya ay nakasalalay sa kung normal ang iyong kaugnayan sa Diyos. Maaaring may mga bahagi kang mahina at mapaghimagsik—ngunit basta’t tama ang iyong mga pananaw at iyong mga intensyon, at basta’t tama at normal ang iyong kaugnayan sa Diyos, kalipikado kang gawing perpekto ng Diyos. Kung wala kang tamang relasyon sa Diyos, at kumikilos ka para sa kapakanan ng laman o ng iyong pamilya, gaano ka man magsikap sa paggawa, mawawalan iyon ng saysay. Kung ang iyong kaugnayan sa Diyos ay normal, lahat ng iba pa ay malalagay sa lugar. Wala nang ibang tinitingnan ang Diyos, kundi kung tama ang iyong mga pananaw sa iyong paniniwala sa Diyos: sino ang iyong pinaniniwalaan, para kaninong kapakanan ka naniniwala, at bakit ka naniniwala. Kung nagagawa mong makita nang malinaw ang mga bagay na ito at magsagawa nang may tamang pananaw, susulong ka sa buhay mo, at garantisado ka ring makakapasok sa tamang landas. Kung hindi normal ang iyong kaugnayan sa Diyos, at lihis ang mga pananaw sa iyong paniniwala sa Diyos, walang-saysay ang lahat ng iba pa, at gaano katatag ka man naniniwala, wala kang mapapala. Matapos maging normal ang iyong kaugnayan sa Diyos, saka mo lamang makakamit ang Kanyang pagsang-ayon kapag ikaw ay naghimagsik laban sa laman, nagdarasal, nagdurusa, nagtitiis, nagpapasakop, tumutulong sa iyong mga kapatid, gumugugol ng sarili mo nang higit pa para sa Diyos, at iba pa.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Kumusta ang Kaugnayan Mo sa Diyos?

Kapag pinananaligan, minamahal, at pinalulugod ng mga tao ang Diyos, hinahaplos nila ang Espiritu ng Diyos gamit ang kanilang puso at sa gayon ay nakakamit ang Kanyang kaluguran, nakikipag-ugnayan sila sa mga salita ng Diyos gamit ang kanilang puso, at sa gayon ay naaantig sila ng Kanyang Espiritu. Kung nais mong mamuhay ng isang normal na espirituwal na buhay at magtatag ng isang normal na kaugnayan sa Diyos, kailangan mo munang ibigay sa Kanya ang iyong puso. Pagkatapos mong mapatahimik ang iyong puso sa Kanyang harapan at maibuhos sa Kanya ang iyong buong puso, saka mo lamang magagawang unti-unting magkaroon ng isang normal na espirituwal na buhay. Kung sa pananalig ng mga tao sa Diyos ay hindi nila ibinibigay ang kanilang puso sa Kanya, kung ang kanilang puso ay wala sa Kanya, at hindi nila tinatrato ang Kanyang pasanin bilang sarili nilang pasanin, lahat ng kanilang ginagawa ay pandaraya sa Diyos, isang tipikal na kilos ng mga taong relihiyoso, at hindi nito matatanggap ang pagsang-ayon ng Diyos. Walang makakamit ang Diyos sa ganitong klaseng tao, maaari lamang silang magsilbing mapaghahambinganan ng Kanyang gawain. Ang mga taong ito ay gaya ng mga palamuti sa sambahayan ng Diyos—sila ay umookupa lamang ng lugar at sila ay basura, at hindi sila ginagamit ng Diyos. Hindi lamang walang pagkakataon na gagawaan sila ng Banal na Espiritu, wala ring halaga na gawin silang perpekto. Ang ganitong klaseng tao, sa totoo lang, ay isang naglalakad na bangkay. Walang bahagi nila ang magagamit ng Banal na Espiritu—lubusan na silang pinangibabawan at malalim na nagawang tiwali ni Satanas. Ititiwalag ng Diyos ang mga taong ito. Kapag gumagamit ng mga tao ang Banal na Espiritu sa kasalukuyan, hindi lamang Niya ginagamit ang mga kanais-nais nilang bahagi upang magawa ang mga bagay-bagay—pineperpekto at binabago rin Niya ang mga bahagi nilang hindi kanais-nais. Kung kaya mong ibuhos sa Diyos ang puso mo at mapatahimik ito sa Kanyang harapan, magkakaroon ka ng pagkakataon at mga kalipikasyon para magamit ng Banal na Espiritu, at matanggap ang Kanyang kaliwanagan at pagtanglaw. Bukod pa riyan, magkakaroon ka ng pagkakataon para mapunan ng Banal na Espiritu ang iyong mga pagkukulang. Kapag ibinigay mo sa Diyos ang puso mo, ang positibong panig, makapagtatamo ka ng mas malalim na pagpasok at makapagtatamo ka ng mas mataas na antas ng kabatiran. Ang negatibong panig, mas malalaman mo ang iyong mga pagkukulang at kamalian, at lalo kang mananabik at maghahangad na matugunan ang mga layunin ng Diyos. Higit pa roon, hindi ka magiging negatibo, magagawa mong aktibong pumasok. Ipinakikita nito na isa kang tamang tao.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Napakahalagang Magtatag ng Isang Normal na Kaugnayan sa Diyos

Kung nais mong magtatag ng normal na kaugnayan sa Diyos, kailangang nakabaling sa Kanya ang puso mo; sa pundasyong ito, magkakaroon ka na rin ng mga normal na kaugnayan sa ibang tao. Kung wala kang normal na kaugnayan sa Diyos, anuman ang gawin mo upang mapanatili ang iyong mga kaugnayan sa ibang tao, gaano ka man magpunyagi o gaano mang pagsisikap ang iyong ibuhos, ang lahat ng ito ay magiging isang pilosopiya ng tao para sa mga makamundong pakikitungo. Pananatilihin mo ang iyong katayuan sa mga tao at makakamit ang kanilang papuri sa pamamagitan ng mga perspektiba ng tao at mga pilosopiya ng tao, sa halip na magtatag ng mga normal na interpersonal na kaugnayan ayon sa salita ng Diyos. Kung hindi ka magtutuon ng pansin sa iyong mga kaugnayan sa ibang mga tao, kundi sa halip ay magpapanatili ng isang normal na kaugnayan sa Diyos, at handa kang ibigay sa Diyos ang puso mo at matutunang magpasakop sa Kanya, kung gayon ay natural lamang na magiging normal din ang iyong mga kaugnayan sa lahat ng tao. Sa gayon, hindi itatatag sa laman ang mga kaugnayang ito, kundi sa pundasyon ng pagmamahal ng Diyos. Halos wala kang magiging pakikipag-ugnayan sa laman sa ibang mga tao, ngunit magkakaroon ng pagbabahaginan sa espirituwal na antas, gayundin ng pagmamahalan, kapanatagan, at paglalaan sa pagitan ninyo. Lahat ng ito ay ginagawa sa pundasyon ng pagnanais na mapalugod ang Diyos—ang mga kaugnayang ito ay hindi pinananatili sa pamamagitan ng mga pilosopiya ng tao sa mga makamundong pakikitungo, likas na nabubuo ang mga ito kapag may pagpapahalaga ka sa pasanin para sa Diyos. Hindi ito nangangailangan ng anumang pantaong pagsisikap mula sa iyo, at kailangan mo lamang magsagawa ayon sa mga prinsipyo ng mga salita ng Diyos. Handa ka bang maging mapagsaalang-alang sa mga layunin ng Diyos? Handa ka bang maging isang taong “walang katwiran” sa harap ng Diyos? Handa ka bang ibigay nang lubusan sa Diyos ang puso mo at balewalain ang iyong katayuan sa ibang mga tao? Sa lahat ng taong nakakasalamuha mo, kanino ka may pinakamagagandang kaugnayan? Kanino ka may pinakamasasamang kaugnayan? Normal ba ang mga kaugnayan mo sa mga tao? Tinatrato mo ba nang pantay-pantay ang lahat ng tao? Pinananatili mo ba ang iyong mga kaugnayan sa iba ayon sa iyong pilosopiya sa mga makamundong pakikitungo, o nakatatag ba ang mga ito sa pundasyon ng pagmamahal ng Diyos? Kapag hindi ibinibigay ng mga tao sa Diyos ang kanilang puso, ang kanilang espiritu ay nagiging matamlay, manhid at walang malay. Hindi kailanman mauunawaan ng ganitong mga tao ang mga salita ng Diyos, hindi sila kailanman magkakaroon ng normal na kaugnayan sa Diyos, at hindi sila kailanman magkakaroon ng pagbabago sa kanilang disposisyon. Ang pagbabago sa disposisyon ng isang tao ay ang proseso ng lubusang pagbibigay ng isang tao ng kanyang puso sa Diyos, at ng pagtanggap ng kaliwanagan at pagtanglaw mula sa mga salita ng Diyos. Pinahihintulutan ng gawain ng Diyos ang mga tao na aktibong makapasok, at binibigyan-daan sila nitong maalis nila ang kanilang mga negatibong bahagi pagkatapos malaman ang mga ito. Kapag naibigay mo na sa Diyos ang puso mo, magagawa mong madama ang bawat beses na medyo naaantig ang iyong espiritu, at malaman ang bawat bahagi ng kaliwanagan at pagtanglaw ng Diyos. Kung magsusumikap ka, unti-unti kang papasok sa landas ng pagpeperpekto ng Banal na Espiritu. Habang mas tahimik ang puso mo sa harap ng Diyos, mas magiging sensitibo at maselan ang iyong espiritu, mas magagawa nitong madama kung paano ito inaantig ng Banal na Espiritu, at mas magiging normal ang iyong kaugnayan sa Diyos. Ang mga normal na interpersonal na kaugnayan ay itinatatag sa pundasyon ng pagbaling ng isang tao ng kanyang puso sa Diyos, hindi sa pamamagitan ng pagsisikap ng tao. Kung wala ang Diyos sa puso ng isang tao, ang mga kaugnayan ng taong ito sa iba ay mga kaugnayan lamang ng laman. Hindi normal ang mga ito, mga mapagnasang pagpapalayaw ang mga ito, at kinamumuhian at kinasusuklaman ng Diyos ang mga ito. Kung sasabihin mo na ang iyong espiritu ay naantig, ngunit handa ka lamang na makipagbahaginan sa mga taong gusto mo at nirerespeto mo, at may pagkiling ka laban sa mga taong hindi mo gusto at ayaw mo silang kausapin kapag lumalapit sila sa iyo para maghanap, lalo na itong patunay na pinaghaharian ka ng mga damdamin at wala kang anumang normal na kaugnayan sa Diyos. Ipinakikita nito na tinatangka mong lokohin ang Diyos at ikubli ang sarili mong kapangitan. Maaaring nakapagbabahagi ka ng ilan mong kaalaman, ngunit kung mali ang iyong mga intensyon, ang lahat ng ginagawa mo ay mabuti lamang ayon sa mga pamantayan ng tao, at hindi ka sasang-ayunan ng Diyos. Ang iyong mga kilos ay magiging tulak ng iyong laman, hindi ng pasanin ng Diyos. Angkop ka lamang gamitin ng Diyos kung kaya mong patahimikin ang puso mo sa Kanyang harapan at mayroon kang normal na mga pakikipag-ugnayan sa lahat ng nagmamahal sa Kanya. Kung kaya mong gawin iyon, paano ka man makisalamuha sa iba, hindi ka kikilos ayon sa isang pilosopiya sa mga makamundong pakikitungo, isasaalang-alang mo ang pasanin ng Diyos at mamumuhay ka sa Kanyang harapan.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Napakahalagang Magtatag ng Isang Normal na Kaugnayan sa Diyos

Basahin ang bawat pahayag ng Diyos at isagawa ang mga ito sa sandaling maunawaan mo ang mga ito. Marahil ay may mga pagkakataon na mahina ang iyong laman, o naging suwail ka, o lumaban ka; paano ka man kumilos noong araw, maliit na bagay lamang iyan, at hindi nito mahahadlangan ang paglago ng iyong buhay ngayon. Basta’t maaari kang magkaroon ng normal na kaugnayan sa Diyos ngayon, may pag-asa. Kung may pagbabago sa iyo tuwing babasahin mo ang mga salita ng Diyos, at masasabi ng iba na naging mas mabuti na ang iyong buhay, ipinakikita nito na normal na ang iyong kaugnayan sa Diyos, na naitama na ito. Hindi tinatrato ng Diyos ang mga tao ayon sa kanilang mga pagsalangsang. Kapag nakaunawa ka na at nagkaroon ng kamalayan, basta’t makakatigil ka sa pagsuway o paglaban, mahahabag pa rin ang Diyos sa iyo. Kung taglay mo ang pagkaunawa at matibay na pagpapasiya na patuloy na hangaring magawang perpekto ng Diyos, magiging normal ang iyong kalagayan sa presensiya ng Diyos. Anuman ang iyong ginagawa, isaalang-alang ang mga sumusunod habang ginagawa mo ito: Ano ang iisipin ng Diyos kapag ginawa ko ito? Makikinabang ba rito ang aking mga kapatid? Magiging kapaki-pakinabang ba ito sa gawain ng tahanan ng Diyos? Sa pagdarasal man, sa pagbabahagi, sa pananalita, sa gawain, o sa pakikisalamuha sa iba, suriin ang iyong mga layunin, at tingnan kung normal ang iyong kaugnayan sa Diyos. Kung hindi mo mahiwatigan ang sarili mong mga layunin at saloobin, ibig sabihin ay wala kang pagtatangi, na nagpapatunay na kakaunting katotohanan lamang ang iyong nauunawaan. Kung nagagawa mong maunawaan nang malinaw ang lahat ng ginagawa ng Diyos, at nahihiwatigan mo ang mga bagay-bagay alinsunod sa Kanyang mga salita, pumapanig sa Kanya, magiging tama na ang iyong mga pananaw. Samakatwid, ang pagtatatag ng mabuting kaugnayan sa Diyos ang pinakamahalaga sa sinumang naniniwala sa Diyos; dapat itong tratuhin ng lahat bilang isang gawaing napakahalaga at napakalaking kaganapan sa kanilang buhay. Lahat ng iyong ginagawa ay nasusukat sa kung ikaw ay may normal na kaugnayan sa Diyos. Kung normal ang iyong kaugnayan sa Diyos at tama ang iyong mga layunin, kumilos. Para mapanatili ang normal na kaugnayan sa Diyos, huwag kang matakot na makaranas ng mga kawalan sa iyong mga personal na interes; hindi mo maaaring tulutang manaig si Satanas, hindi mo maaaring tulutan si Satanas na maangkin ka, at hindi mo maaaring tulutan si Satanas na gawin kang katawa-tawa. Ang pagkakaroon ng gayong mga layunin ay isang tanda na ang iyong kaugnayan sa Diyos ay normal—hindi para sa kapakanan ng laman, kundi para sa kapayapaan ng espiritu, ito ay para matamo ang gawain ng Banal na Espiritu, at para mapalugod ang mga layunin ng Diyos. Para makapasok sa tamang kalagayan, kailangan mong magtatag ng mabuting kaugnayan sa Diyos at itama ang iyong mga pananaw tungkol sa iyong paniniwala sa Diyos. Ito ay upang maangkin ka ng Diyos, at upang maipakita Niya ang mga bunga ng Kanyang mga salita sa iyo at liwanagan at pagliwanagin ka pa. Sa ganitong paraan, makakapasok ka na sa tamang paraan. Patuloy na kumain at uminom ng mga salita ng Diyos sa ngayon, pumasok sa kasalukuyang paraan ng paggawa ng Banal na Espiritu, kumilos ayon sa mga kinakailangan ng Diyos sa ngayon, huwag sundin ang makalumang mga pamamaraan ng pagsasagawa, huwag kumapit sa dating mga paraan ng paggawa ng mga bagay-bagay, at pumasok sa kasalukuyang paraan ng paggawa sa lalong madaling panahon. Sa gayon, ang iyong kaugnayan sa Diyos ay magiging ganap na normal at makakapasok ka na sa tamang landas ng paniniwala sa Diyos.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Kumusta ang Kaugnayan Mo sa Diyos?

Sinundan: 2. Sa Paghahanap sa Tunay na Daan, Kailangan ay May Taglay Kang Katwiran

Sumunod: 4. Ang Banal na Asal na Dapat Taglayin ng mga Mananampalataya sa Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos  Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito