Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Ang Mga Tupa ng Diyos ay Naririnig ang Tinig ng Diyos

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

Kabanata 6 Iba-ibang Anyo ng Pagkilala sa Pagkakaiba-iba na Dapat Mong Taglayin sa Iyong Pananalig sa Diyos

6. Paano Mo Masasabi ang Kaibhan sa Pagitan ng Totoo at ng Bulaang mga Pinuno, at ng Totoo at Bulaang mga Pastol?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang gawain ng karapat-dapat na manggagawa ay maaaring magdala sa mga tao sa tamang daan at tinutulutan silang mas lumalim pa sa katotohanan. Ang gawain na ginagawa niya ay maaaring magdala sa mga tao sa harap ng Diyos. Idagdag pa, ang gawain na ginagawa niya ay maaaring maiba sa bawat indibiduwal at hindi nakatali sa mga alituntunin, anupa’t tinutulutan ang mga tao na makawala at makalaya. Bukod dito, maaari silang unti-unting lumago sa buhay, umunlad nang mas malalim tungo sa katotohanan. Ang gawain ng isang hindi karapat-dapat na manggagawa ay malayung-malayo; ang kanyang gawain ay kahangalan. Maaari lamang niyang dalhin ang mga tao sa mga alituntunin; ang hinihingi niya sa mga tao ay hindi naiiba sa bawat indibiduwal; hindi siya gumagawa ayon sa aktuwal na pangangailangan ng mga tao. Sa ganitong uri ng gawain, mayroong napakaraming alituntunin at napakaraming doktrina, at hindi nito madadala ang mga tao sa realidad o sa normal na pagsasagawa ng paglago sa buhay. Maaari lamang itong magbigay-kakayahan sa mga tao na makatayo sa kaunti at walang-halagang mga tuntunin. Ang ganitong uri ng paggabay ay maaaring magdulot lamang sa mga tao na maligaw. Inaakay ka niya na maging katulad ng kung ano siya; madadala ka niya tungo sa kung anong mayroon siya at kung ano siya. Upang matalos ng mga tagasunod kung ang mga pinuno ay karapat-dapat, ang susi ay tumingin sa landas na pinangungunahan nila at sa mga bunga ng kanilang gawain, at tingnan kung ang mga tagasunod ay nakakatanggap ng mga panuntunang kaayon sa katotohanan, at kung nakakatanggap sila ng mga daan ng pagsasagawa na angkop sa kanila para mabago. Kailangan mong alamin ang pagkakaiba sa pagitan ng iba’t ibang gawain ng iba’t ibang uri ng mga tao; huwag kang maging hangal na tagasunod. Ito ay makakaapekto sa usapin ng iyong pagpasok. Kung hindi mo kayang makilala kung aling pamunuan ng tao ang may daan at alin ang wala, madali kang madadaya. Lahat ng mga ito ay may tuwirang kaugnayan sa iyong sariling buhay.

—mula sa “Ang Gawain ng Diyos at ang Gawain ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Kailangan mong magkaroon ng pagkaunawa ukol sa maraming kalagayan na kalalagyan ng mga tao kapag ginagampanan ng Banal na Espiritu ang gawain sa kanila. Lalo na, yaong mga nakikipagtulungan upang paglingkuran ang Diyos ay kailangang magkaroon ng isang mas mabuting pagkaunawa sa maraming kalagayan na dulot ng gawain na ginagampanan ng Banal na Espiritu sa mga tao. Kung nagsasalita ka lamang tungkol sa maraming karanasan at maraming pamamaraan ng pagpasok, ipinakikita nito na ang karanasan mo ay masyadong may kinikilingan. Kung hindi nalalaman ang tunay mong kalagayan o nauunawaan ang mga prinsipyo ng katotohanan, hindi posibleng matamo ang pagbabago sa disposisyon. Kung hindi nalalaman ang mga prinsipyo ng gawain ng Banal na Espiritu o nauunawaan ang bungang nadala nito, magiging mahirap na makilala ang gawain ng masasamang espiritu. Kailangan mong ihayag ang gawain ng masasamang espiritu at ang mga pagkaunawa ng mga tao at tumbukin ang pinakapuso ng usapin; kailangan mo ring banggitin ang maraming paglihis sa pagsasagawa ng mga tao o ang mga suliranin sa paniniwala sa Diyos upang maaaring makilala nila ang mga ito. Kahit papaano, hindi mo dapat maidulot sa kanila ang pakiramdam na negatibo o walang kibo. Gayunpaman, kailangan mong maunawaan ang mga kahirapan na talagang umiiral para sa karamihan ng mga tao, hindi mo kailangang maging di-makatuwiran o “tangkaing turuang kumanta ang isang baboy”; yaon ay isang kamangmangang asal. Para lutasin ang maraming kahirapan ng mga tao, kailangan mong maunawaan ang mga dinamiko ng gawain ng Banal na Espiritu, kailangan mong maunawaan kung paano ginagampanan ng Banal na Espiritu ang gawain sa iba’t ibang mga tao, kailangan mong maitindihan ang mga kahirapan ng mga tao, ang mga pagkukulang ng mga tao, makita nang malinaw ang pangunahing mga usapin ng suliranin, at makarating sa pinagmulan ng suliranin, nang walang mga paglihis o mga pagkakamali. Ang ganitong uri lamang ng tao ang karapat-dapat na makipagtulungan para paglingkuran ang Diyos.

—mula sa “Ano ang Nararapat na Isangkap sa Isang Katanggap-tanggap na Pastol” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Yaong mga naglilingkod sa Diyos ay dapat maging mga kaniig ng Diyos, dapat ay nakasisiya sila sa Diyos, at may kakayahan ng sukdulang katapatan sa Diyos. Hindi alintana kung ikaw ay kumikilos sa likod ng mga tao, o sa harap nila, ikaw ay nakakatamo ng kagalakan ng Diyos sa harap ng Diyos, ikaw ay may kakayahang tumindig nang matatag sa harap ng Diyos, at paano ka man tratuhin ng ibang mga tao, lagi mong tinatahak ang sarili mong landas, at masusing nangangalaga sa pasanin ng Diyos. Tanging ito ang isang kaniig ng Diyos. Na nakakaya ng mga kaniig ng Diyos na direktang maglingkod sa Kanya ay dahil nabigyan na sila ng malaking tagubilin ng Diyos, at pasanin ng Diyos, nagagawa nilang damahin ang puso ng Diyos bilang kanila, at ang pasanin ng Diyos bilang kanila, at hindi mahalaga sa kanila kung magkamit man sila o mawalan ng pagkakataon: Kahit na wala silang mga pagkakataon, at wala silang makukuha, sila ay palaging maniniwala sa Diyos na may mapagmahal na puso. At dahil dito, ang ganitong uri ng tao ay kaniig ng Diyos. Ang mga kaniig ng Diyos ay Kanya ring mga pinagkakatiwalaan; ang mga pinagkakatiwalaan lamang ng Diyos ang makakagawang makibahagi sa Kanyang pagkabalisa, at sa Kanyang mga nais, at bagaman ang kanilang laman ay makirot at mahina, natitiis nila ang kirot at tinatalikdan yaong kanilang sariling kasiyahan upang mapasaya ang Diyos. Nagbibigay ang Diyos ng mas maraming pasanin sa nasabing mga tao, at kung ano ang gagawin ng Diyos ay ipinapahayag gamit ang mga taong ito. Sa gayon, nakasisiya ang mga taong ito sa Diyos, sila ay mga lingkod ng Diyos na kaayon ng Kanyang sariling puso, at ang mga tao lamang na tulad nito ang maaaring mamuno kasama ng Diyos.

—mula sa “Paano Maglingkod Nang Kaayon sa Kalooban ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang gayong tao ay patuloy na nagtataglay ng palabang saloobin tungo sa bagong gawain ng Diyos, hindi pa kailanman nagpakita ng pinakamaliit na hangaring magpasakop, at hindi pa kailanman galak na nagpakita ng pagpapasakop o nagpakumbaba sa kanyang sarili. Itinataas niya ang kanyang sarili sa harap ng iba at hindi kailanman nagpapakita ng pagpapasakop sa kaninuman. Sa harap ng Diyos, ipinapalagay niya ang sarili niya na pinakasanay sa pangangaral ng salita at ang pinakamahusay sa paggawa sa iba. Hindi niya kailanman itinatapon ang mga “kayamanang” nasa kanya nang pag-aari, kundi itinuturing ang mga iyon bilang mga pamana ng pamilya para sambahin, para ipangaral sa iba ang tungkol dito, at ginagamit ang mga iyon para bigyan ng aral yaong mga hangal na umiidolo sa kanya. Talagang may ilang taong ganito sa loob ng iglesia. Masasabi na sila ay mga “di-nalulupig na mga bayani,” na ang bawat lumilipas na mga salinlahi ay nananahang pansamantala sa tahanan ng Diyos. Ipinapalagay nila ang pangangaral ng salita (doktrina) bilang kanilang pinakamataas na tungkulin. Taun-taon at sa paglipas ng bawat salinlahi, masigasig nilang ipinatutupad ang kanilang “banal at di-malalabag” na tungkulin. Walang sinumang nangangahas na salingin sila at wala kahit isang tao ang nangangahas na lantarang sawayin sila. Sila ay nagiging “mga hari” sa tahanan ng Diyos, nagwawala habang tinatakot nila ang iba sa bawat lumilipas na mga kapanahunan.

—mula sa “Yaong mga Sumusunod sa Diyos Nang may Tapat na Puso ay Tiyak na Makakamit ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang gawain sa isip ng tao ay napakadaling makamit ng tao. Ang mga pastor at mga pinuno sa relihiyosong mundo, halimbawa, ay umaasa sa kanilang mga kaloob at mga katungkulan upang gawin ang kanilang gawain. Ang mga tao na sumusunod sa kanila sa mahabang panahon ay mahahawa sa kanilang mga kaloob at maiimpluwensiyahan ng ilan sa kung ano sila. Nakatuon sila sa mga kaloob, mga kakayahan, at kaalaman ng mga tao, at nagbibigay sila ng pansin sa mga higit-sa-karaniwang mga bagay at sa maraming malalalim na di-makatotohanang doktrina (mangyari pa, ang ganitong malalalim na doktrina ay hindi matatamo). Hindi sila nagtutuon ng pansin sa mga pagbabago sa disposisyon ng mga tao, sa halip ay nakatuon sila sa pagsasanay sa pangangaral ng mga tao at mga kakayahan sa paggawa, pinabubuti ang kaalaman ng mga tao at saganang relihiyosong mga doktrina. Hindi sila nakatuon sa kung gaano kalaki sa disposisyon ng mga tao ang nababago o gaano karaming tao ang nakauunawa sa katotohanan. Hindi sila nagmamalasakit sa diwa ng mga tao, ni sinusubukang alamin ang normal at di-normal na mga kalagayan ng mga tao. Hindi nila sinasalungat ang mga pagkaunawa ng mga tao o ibinubunyag ang kanilang mga pagkaunawa, lalong hindi inaayos ang kanilang mga kakulangan o mga katiwalian. Karamihan sa mga tao na sumusunod sa kanila ay naglilingkod sa pamamagitan ng likas nilang mga kaloob, at ang kanilang ipinahahayag ay kaalaman at malabong relihiyosong katotohanan, na hindi makatotohanan at lubusang hindi nakapagbibigay ng buhay sa mga tao. Sa totoo lang, ang diwa ng kanilang gawain ay pag-aalaga sa kakayahan, pag-aalaga sa isang tao na walang kahit ano tungo sa isang matalinong nagtapos sa seminaryo na nang maglaon ay gumagawa at nangunguna.

—mula sa “Ang Gawain ng Diyos at ang Gawain ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang paglilingkod sa Diyos ay hindi simpleng gawain. Yaong mga nananatiling hindi nagbabago ang tiwaling disposisyon ay hindi kailanman maaaring maglingkod sa Diyos. Kung ang iyong disposisyon ay hindi nahatulan at nakastigo na ng salita ng Diyos, sa gayon ang iyong disposisyon ay kumakatawan pa rin kay Satanas. Ito ay sapat para patunayan na ang iyong paglilingkod sa Diyos ay nagmumula sa iyong sariling mabuting hangarin. Ito ay paglilingkod batay sa iyong makademonyong kalikasan. Ikaw ay naglilingkod sa Diyos gamit ang iyong likas na karakter, at ayon sa iyong personal na mga kagustuhan; ano pa nga ba, patuloy mong iniisip na nalulugod ang Diyos sa anumang nais mong gawin, at napopoot sa anumang hindi mo nais gawin, at lubusan kang ginagabayan ng iyong sariling mga kagustuhan sa iyong gawain. Maaari bang matawag itong paglilingkod sa Diyos? Sa huli, ang iyong disposisyon sa buhay ay hindi magbabago ni katiting; sa halip, ikaw ay lalong magiging mas matigas ang ulo sapagka’t napaglilingkuran mo ang Diyos, at gagawin nito ang iyong tiwaling disposisyon na nakatanim nang malalim. Sa paraang ito, bubuo ka sa iyong loob ng mga alituntunin tungkol sa paglilingkod sa Diyos na pangunahing batay sa iyong sariling karakter, at sa karanasang nakuha mula sa iyong paglilingkod ayon sa iyong sariling disposisyon. Ito ang aral mula sa karanasan ng tao. Ito ang pilosopiya ng tao sa buhay. Ang mga taong katulad nito ay nabibilang sa mga Fariseo at mga relihiyosong namumuno. Kung hindi sila kailanman magising at magsisi, sa kahuli-hulihan sila ay magiging mga huwad na Cristo na lilitaw sa mga huling araw, at magiging mga manlilinlang ng mga tao. Ang sinabi noon na mga huwad na Cristo at manlilinlang ay magmumula sa ganitong uri ng tao. Kung yaong mga naglilingkod sa Diyos ay sumusunod sa kanilang sariling karakter at kumikilos ayon sa kanilang sariling kalooban, kung gayon sila ay nasa panganib na mapalayas anumang oras. Yaong mga gumagamit ng maraming taon ng karanasan nila sa paglilingkod sa Diyos upang mahalin sila ng iba, pangaralan at sawayin nila ang iba, at manatili sa mataas na posisyon—at hindi nagsisisi kailanman, hindi kailanman nangungumpisal ng kanilang mga kasalanan, hindi kailanman nagtatatwa sa mga benepisyo ng posisyon—ang mga taong ito ay mahuhulog sa harapan ng Diyos. Sila ang mga uri ng tao na katulad ni Pablo, ipinangangahas ang kanilang pagiging nauna sa panunungkulan at ipinagmamagaling ang kanilang mga kwalipikasyon. Hindi dadalhin ng Diyos ang mga taong tulad nito sa pagkaperpekto. Ang ganitong uri ng paglilingkod ay humahadlang sa gawain ng Diyos. Ang mga tao ay mahilig kumapit sa luma. Sila ay kumakapit sa mga pagkaunawa ng nakaraan, sa mga bagay mula sa nakaraan. Ito ay isang malaking sagabal sa kanilang paglilingkod. Kung hindi mo kayang itakwil ang mga iyon, magiging hadlang ang mga bagay na ito ng buong buhay mo. Hindi ka pupurihin ng Diyos, kahit katiting, kahit pa mabali mo ang iyong mga binti sa pagtakbo o ang iyong likod sa paggawa, kahit pa mapatay ka sa iyong paglilingkod sa Diyos. Sa kabaligtaran: sasabihin Niya na ikaw ay isang gumagawa ng masama.

—mula sa “Dapat Ipagbawal ang Relihiyosong Paraan ng Paglilingkod” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Iniisip mo ba na ang pagkakaroon ng kaalaman ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng katotohanan? Hindi ba iyon isang litong pananaw? Nakakapangusap ka ng maraming kaalaman na kasingdami ng buhangin sa dalampasigan, datapwa’t wala sa mga ito ang naglalaman ng anumang tunay na landas. Sa ganito, hindi mo ba niloloko ang mga tao? Hindi ka ba gumagawa ng hungkag na palabas na walang anumang sumusuporta rito? Ang lahat ng ganyang asal ay nakapipinsala sa mga tao! Mas mataas ang teorya, mas walang-wala itong realidad, at mas walang kakayahan ito na dalhin ang mga tao sa realidad; mas mataas ang teorya, mas ginagawa ka nitong lumaban at sumalungat sa Diyos. Huwag mong tratuhin ang pinakamatatayog na teorya tulad ng mahalagang kayamanan; sila ay mapaminsala at walang silbi! Marahil may ilang tao na kayang makapagsalita sa pinakamatatayog na teorya—nguni’t ang mga ganoong teorya ay hindi naglalaman ng realidad, sapagka’t ang mga taong ito ay hindi personal na nakaranas sa kanila, at sa gayon wala silang landas sa pagsasagawa. Ang mga ganoong tao ay walang kakayahang dalhin ang tao sa tamang daanan, at ihahantong lamang ang mga tao na maligaw. Hindi ba ito nakapipinsala sa mga tao? Sa pinakamababa, dapat mong makayanang lutasin ang kasalukuyang mga gulo at hayaan ang mga tao na makamit ang pagpasok; ito lamang ang maituturing bilang debosyon, at tanging sa gayon ikaw ay magiging kwalipikadong gumawa para sa Diyos. Huwag palaging nangungusap ng mararangya, mabulaklak na mga salita, at huwag itali ang mga tao at gawin silang sumunod sa iyo kasama ang iyong maraming hindi-angkop na mga pagsasagawa. Ang magsagawa ng ganoon ay walang epekto, at maaari lamang makadagdag sa pagkalito ng mga tao. Ang pangunahan ang mga tao sa ganitong paraan ay makapagdudulot ng maraming piraso ng regulasyon, na kung saan gagawin ang mga tao na kasuklaman ka. Ito ay pagkukulang ng tao, at ito ay tunay na kahiya-hiya.

—mula sa “Magtuon nang Higit na Pansin sa Realidad” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang sinumang hindi nauunawaan ang layunin ng gawain ng Diyos ay yaong naninindigan laban sa Diyos, at lalo na yaong mga alam ang layunin ng gawain ng Diyos ngunit hindi hinahangad na bigyang kasiyahan ang Diyos. Yaong mga nagbabasa ng Biblia sa mga engrandeng iglesia ay nagsasalaysay ng Biblia araw-araw, nguni’t ni isa ay hindi nauunawaan ang layunin ng gawain ng Diyos. Wala ni isa ang kayang makilala ang Diyos; bukod dito, wala ni isa ang nakaaayon sa puso ng Diyos. Lahat sila ay mga walang silbi, masasamang tao, bawat isang tumatayo nang mapagmataas para turuan ang Diyos. Kahit iwinawagayway nila ang ngalan ng Diyos, kusang-loob nila Siyang sinasalungat. Kahit tinatawag nila ang kanilang mga sarili na mananampalataya ng Diyos, sila yaong mga kumakain ng laman at umiinom ng dugo ng tao. Ang lahat ng taong iyon ay mga demonyong lumalamon sa kaluluwa ng tao, mga pinunong diyablong sinasadyang manggambala sa mga sumusubok lumakad sa tamang landas, at mga balakid na humahadlang sa landas ng mga naghahanap sa Diyos. Kahit sila ay may “matipunong laman”, paano malalaman ng kanilang mga tagasunod na sila ay mga anticristo na umaakay sa tao sa pagsalungat sa Diyos? Paano nila malalaman na sila ay mga demonyong nabubuhay na sadyang naghahanap ng mga kaluluwang lalamunin?

—mula sa “Ang Lahat ng Hindi Kilala ang Diyos ay Yaong Sumasalungat sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinundan:Ang Kaibhan sa Pagitan ng Pagsunod sa Diyos at ng Pagsunod sa mga Tao

Sumunod:Ang Kaibhan sa Pagitan ng Nakikitang Mabubuting Gawa at ng mga Pagbabago sa Disposisyon

Baka Gusto Mo Rin