Tanong 2: Napakalinaw na sinabi ni Pablo sa 2 Timoteo 3:16 na “ang buong Biblia ay kinasihan ng Diyos”, at na lahat ng salita sa Biblia ay mga salita ng Diyos, ang Biblia ay kumakatawan sa Diyos. Sinusunod namin ang mga salita ni Pablo. Paano ito magiging mali?

Sagot: Maraming tao sa iba’t ibang relihiyon ang naniniwala na ang Biblia ay binigyang inspirasyon ng Diyos. Naniniwala sila sa sinabi ni Pablo tungkol dito. Pero walang sinumang nagsiyasat kung may batayan si Pablo sa pahayag na ito. Iyon ang tingin nila dahil lamang sa sobra ang pagsamba nila kay Pablo at pikit mata silang sumasampalataya kay Pablo. Naisip na ba ng sinuman kung nakaayon ang pahayag ni Pablo sa salita ng Diyos? Suportado ba ito ng mga salita ng Panginoong Jesus? Mga salita ba ito ng Banal na Espiritu bilang patunay? Ginagamit ng mga tao ang mga salita ni Pablo para pikit matang magsalita nang patapos na ang buong Biblia ay binigyang inspirasyon ng Diyos. Nakaayon ba ito sa salita ng Panginoon, nakaayon ba ito sa katotohanan? Kung ang pahayag na ito ni Pablo ay pinatutunayan ng mga salita ng Panginoong Jesus o ng Banal na Espiritu, dapat nating tanggapin at sundin iyan, na lubos na nakaayon sa mga intensyon ng Panginoon. Pero napakalinaw na alam nating lahat na dati rati ay nilabanan ni Pablo ang Diyos at kinontra ang Panginoong Jesus. Kinikilala ang katotohanan na siya ang pinuno ng oposisyon laban sa gawain ng Panginoong Jesus. Kahit pinili ng Panginoong Jesus si Pablo bilang apostol para ipalaganap ang ebanghelyo, si Pablo ay isa pa ring taong nilalang. Samakatwid, walang duda na ang kanyang mga salita ay pawang mga salita ng tao. Ang Panginoong Jesus ay Diyos, samantalang lahat ng apostol at disipulo ng Panginoong Jesus ay mga tao. Ang mga apostol at disipulo ng Panginoong Jesus ay hindi maaaring ikumpara sa Panginoong Jesus Mismo. Pagdating sa mga salita ng tao, kung hindi ito suportado ng mga salita ng Panginoong Jesus o ng Banal na Espiritu, anuman ang sabihin ng tao, hindi namin pikit matang tinatanggap ang mga ito. Kung hindi ay hindi mailalarawan ang ibubunga nito. Sa pag alaala sa panahon na nilabanan at tinuligsa ng mga Fariseo ang Panginoong Jesus, maraming taong tumanggi sa Panginoong Jesus dahil sinunod nila ang mga Fariseo. Sila ay inalis at hinatulan dahil nga sa nilabanan nila ang Panginoong Jesus. Hindi pa ba naiintindihan ng mga tao ang mga aral na ito? Ang too, sa Biblia, tanging ang mga salita ng Diyos na si Jehova, ang mga salitang sinabi ng Panginoong Jesus, ang mga salita ng Banal na Espiritu, ang mga salita ng Diyos na inihatid ng mga propeta, at ang mga propesiya sa Aklat ng Pahayag ay salita ng Diyos. Maliban dito, lahat ng iyon ay mga tala at sulat ng tao. Lahat ng ito ay itinuturing na mga patotoo tungkol sa gawain ng Diyos at kailangang itala sa Biblia, pero hindi natin kailangang ituring salita ng Diyos ang mga salita ng tao. Ang mga salita ng tao ay mga salita ng tao, at tanging ang mga salita ng Diyos ang tunay na salita ng Diyos. Kung ipipilit natin na ang mga salita ng tao at ni Satanas sa Biblia ay salita ng Diyos, paninirang puri at paglapastangan iyan sa Diyos! Samakatwid, ang kasabihan na “Ang buong banal na kasulatan ay binigyang inspirasyon ng Diyos at pawang salita ng Diyos”, ay hindi nakaayon sa mga tunay na pangyayari.

Basahin natin ang isang talata ng salita ng Makapangyarihang Diyos. “Sa katunayan, maliban sa mga aklat ng propesiya, karamihan sa Lumang Tipan ay talaan ng kasaysayan. Ang ilan sa mga sulat sa Bagong Tipan ay nagmula sa mga karanasan ng mga tao, at ang ilan ay nagmula sa kaliwanagan ng Banal na Espiritu; ang mga sulat ni Pablo, halimbawa, ay nagmula sa gawain ng isang tao, resulta lahat ito ng kaliwanagan ng Banal na Espiritu, at isinulat para sa mga iglesia, mga salitang nagpapayo at naghihikayat sa mga kapatid sa mga iglesia. Hindi ito mga salitang sinabi ng Banal na Espiritu—hindi makapagsasalita si Pablo sa ngalan ng Banal na Espiritu, at hindi siya isang propeta, at lalong hindi siya nakakita ng mga pangitain na nakita ni Juan. Ang kanyang mga sulat ay isinulat para sa mga iglesia ng Efeso, Filadelfia, Galacia, at iba pang mga iglesia. Sa gayon, ang mga sulat ni Pablo sa Bagong Tipan ay mga isinulat ni Pablo para sa mga iglesia, at hindi mga inspirasyon mula sa Banal na Espiritu, ni hindi ito mga tuwirang pagbigkas ng Banal na Espiritu. … Ginampanan niya ang gawain ng isang apostol ng mga iglesia noong panahong iyon, isa siyang manggagawa na ginamit ng Panginoong Jesus, at sa gayon ay kailangan niyang tanggapin ang responsabilidad para sa mga iglesia, at kailangan niyang gampanan ang gawain ng mga iglesia, kinailangan niyang malaman ang mga sitwasyon ng mga kapatid—at dahil dito, sumulat siya ng mga sulat para sa lahat ng kapatid na nasa Panginoon. Lahat ng sinabi niya na nakakapagpatibay at positibo sa mga tao ay tama, pero hindi nito kinatawan ang mga pagbigkas ng Banal na Espiritu, at hindi nito maaaring katawanin ang Diyos. Napakasamang pagkaunawa, at napakalaking kalapastangan sa Diyos, ang tratuhin ng mga tao ang mga talaan ng mga karanasan at mga sulat ng isang tao bilang mga salitang sinabi ng Banal na Espiritu sa mga iglesia! … Kung ituturing ng mga tao ang mga sulat o salita na katulad ng kay Pablo bilang mga pagbigkas ng Banal na Espiritu, at sinasamba ang mga ito bilang Diyos, masasabi lamang na masyado silang hindi maselan. Sa mas masakit na pananalita, hindi ba ito’y wala nang iba kundi paglapastangan sa Diyos? Paano makapagsasalita ang isang tao sa ngalan ng Diyos? At paano yuyukod ang mga tao sa mga talaan ng kanyang mga sulat at ng mga salitang kanyang sinabi na para bang ang mga ito ay isang banal na aklat, o isang makalangit na aklat? Maaari bang mapagwalang-bahalang bigkasin ng tao ang mga salita ng Diyos? Paano makapagsasalita ang isang tao sa ngalan ng Diyos?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tungkol sa Bibliya 3).

Nilinaw ito nang husto ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Ang Biblia ay naglalaman hindi lamang ng salita ng Diyos, kundi pati na ng mga salita ng iba’t ibang tao. Ito ang totoo at dapat nating igalang ito, paghambing hambingin ang mga ito, at tratuthin nang tama ang Biblia. Pero maraming nananalig ang pikit mata pa ring naniniwala sa Biblia at sumasamba sa Biblia. Lahat sila ay naniniwala sa pahayag ni Pablo na “Lahat ng mga kasulatan ay kinasihan ng Diyos.” Iniisip nila na basta’t nakatala sa Biblia dapat ay salita ito ng Diyos, at tratuhin ang iba’t ibang salita ng tao gayundin ni Satanas na tulad ng mga salita ng Diyos. Anong klaseng problema ito? Hindi ba ito paglaban at paglapastangan sa Diyos? Lahat ng salitang sinabi ng tao ay malinaw na nakamarka sa Biblia bilang mga salita ng tao. Bakit ba ipinipilit ng mga tao na mga salita ito ng Diyos? Magiging mga salita ba ng Diyos ang mga salita ng tao kung nakasulat ito sa Biblia? Anong klaseng katwiran iyan? Kasama rin sa Biblia ang mga salita ng sinaunang ahas, ang mga salita ni Satanas. Nangangahas ba ang mga tao na sabihing mga salita rin ito ng Diyos? Ipinapakita nito na lahat ng nag iisip na lahat ng nasa Biblia ay puro salita ng Diyos ay malaking kalokohan! Kahit hindi nauunawaan ng mga tao ang katotohanan dapat man lang nilang igalang ang mga tunay na pangyayari. Hindi nila dapat baligtarin ang mga bagay bagay.

Alam nating lahat na mga salita lang ng Diyos ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Ang mga salitang sinabi ng tao na nakaayon sa katotohanan ay nagmulang lahat sa kanilang karanasan at kaalaman tungkol sa salita ng Diyos. Pero kahit na sa pagliliwanag at paglilinaw ng Banal na Espiritu, mga salita pa rin ng tao ang mga ito, at hindi maikukumpara sa salita ng Diyos. Ang salita ng Diyos ay ang pagpapahayag ng disposisyon ng Diyos at lahat ng mayroon siya at kung ano Siya. Ito ang realidad ng positibong mga bagay at maaaring ipamuhay ng tao. Ang mga salitang sinabi ng tao na nakaayon sa katotohanan ay nagmulang lahat sa karanasan at pag unawa ng tao sa salita ng Diyos at sa katotohanan, at kumakatawang lahat sa katayuan ng tao sa panahong iyon. Pero dapat nating linawin na ang katotohanan ng mga salita ng Diyos ay hindi lubos na mararanasan ng tao kailanman. Gaano man kalalim ang kaalaman nila tungkol sa salita ng Diyos at sa katotohanan, hindi nila makakamtan ang orihinal na diwa ng katotohanan. Ibig sabihin niyan, ang mga salitang sinabi ng tao na nakaayon sa katotohanan ay hindi maaaring itumbas sa katotohanan. Hindi komo kayang sabihin ng tao ang mga salitang nakaayon sa katotohanan ay taglay na ng tao ang katotohanan. Bukod pa rito, hindi nito isinasagisag na ang tao ang katotohanan. Ito ay dahil ibinabatay ng Banal na Espiritu ang Kanyang gawain sa aktuwal na katayuan ng tao, naliliwanagan at ginagabayan ang tao na unti unting maunawaan ang katotohanan at pumasok sa realidad. Samakatwid, ang mga salitang nakaayon sa katotohanan na sinabi ng mga taong ginamit ng Diyos ay pawang mga limitadong karanasan at pag unawa sa katotohanan at ibang iba sa diwa ng katotohanan. Ang mga salitang nakaayon sa katotohanan ay maliit lamang ang tulong at pakinabang sa tao. Hindi ito maaaring ipamuhay ng tao at hindi maikukumpara sa salita ng Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang mga salitang binibigyang-liwanag ng Banal na Espiritu ay hindi kumakatawan sa mga salita ng Diyos, hindi kumakatawan ang mga ito sa katotohanan, hindi nabibilang ang mga ito sa katotohanan; ang mga ito ay kaunting kaalaman lamang tungkol sa katotohanan, kaunting kaliwanagan mula sa Banal na Espiritu. … Ang katotohanan ay ang buhay ng Diyos Mismo, kumakatawan ito sa Kanyang disposisyon, Kanyang diwa, at lahat-lahat na nasa Kanya(“Alam Mo Ba Kung Ano Talaga ang Katotohanan?” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Samakatwid, ang mga salita ng Diyos at mga salita ng tao sa Biblia ay hindi nakakalito. Ang pangangaral ng maraming pastor ng mga relihiyon ay hindi nakabatay sa salita ng Diyos kundi sa mga salitang sinabi ng tao sa Biblia. Itinuturing nilang katotohanan ang mga salita ng tao sa Biblia at inuutusan ang mga tao na isagawa at sundin ito. Madali itong makalito, dahil ang mga salita ng tao ay hindi maaaring ipamuhay ng tao at mga salita lamang ng Diyos ang maaaring ipamuhay ng tao. Laging itinuturing ng mga pastor na katotohanan ang mga salita ng tao sa Biblia at inuutusan ang mga tao na isagawa at pasukin ito. Hindi ba kabaligtaran ito? Pagpuri at pagpapatotoo ba ito sa Diyos? Bukod pa rito, ang mga salitang “Lahat ng mga kasulatan ay kinasihan ng Diyos.” ay si Pablo ang nagsabi. Hindi nagpatotoo ang Diyos kailanman sa Biblia sa ganitong paraan at hindi sinabi ng Banal na Espiritu ang ganitong mga salita kailanman. Bukod dito, walang mga propeta o apostol na nagsabi ng gayong mga salita. Ang mga salitang “Lahat ng mga kasulatan ay kinasihan ng Diyos” ayon sa sinabi ni Pablo ay maaari lamang kumatawan sa kanyang personal na pananaw at hindi suportado ng salita ng Diyos. Samakatwid, para isipin ng mga tao na ang buong Biblia ay binigyang inspirasyon ng Diyos, na puro salita ito ng Diyos, at na ang Biblia ay kumakatawan sa Diyos, lahat ng ito ay maling mali. Dapat nating makita ang katotohanang ito at tratuhin nang tama ang Biblia. Sa gayong paraan, masisiyahan ang Diyos.

mula sa iskrip ng pelikulang Kalagin ang mga Kadena at Tumakbo

Sinundan: Tanong 1: Sa Biblia, sinabi ni Pablo na “Lahat ng mga kasulatan ay kinasihan ng Diyos” (2 Timoteo 3:16), Nasa Biblia ang mga salita ni Pablo. Samakatuwid, Diyos ang nagbigay inspirasyon sa mga ito; mga salita ito ng Diyos. Paniniwala sa Panginoon ang paniniwala sa Biblia. Kahit ano pa ang denominasyon, kung lumalayo ito sa Biblia, ito’y heresiya! Naniniwala tayo sa Panginoon, kaya dapat lagi tayong kumilos ayon sa Biblia, sa madaling salita, kailangan nating panatilihin ang mga salita ng Biblia. Panuntunan ng Cristianismo ang Biblia, ang pundasyon ng ating pananalig. Ang paglisan sa Biblia ay hindi paniniwala sa Panginoon; kung lilisanin natin ang Biblia, paano tayo maniniwala sa Panginoon? Nakasulat sa Biblia ang mga salita ng Panginoon. May iba pa bang lugar kung saan natin makikita ang Kanyang mga salita? Kung hindi nakabatay sa Biblia ang pananalig natin sa Panginoon, saan ito nakabatay?

Sumunod: Tanong 3: Pero iniisip natin na ang salita at gawain ng Diyos ay nakatala sa Biblia. Walang salita at gawain ng Diyos maliban sa nasa Biblia. Samakatwid, kailangang ibatay sa Biblia ang ating pananampalataya sa Diyos. Mali ba iyan?

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Tanong 10: Matagal na akong nagtatrabaho para sa United Front, at napag-aralan ko na ang iba’t ibang relihiyon. Ang Kristiyanismo, Katolisismo at Eastern Orthodoxy ay pawang mga relihiyong orthodox na nananalig kay Jesus. Pero ibang-iba ang pananalig n’yo sa Makapangyarihang Diyos. Ayon sa mga dokumento ng CCP, ang Makapangyarihang Diyos ay ni hindi kabilang ng Kristiyanismo. Nangangaral kayo ng ebanghelyo sa iba’t ibang sekta sa ilalim ng Kristiyanismo na hindi kayo kinikilalang Kristiyano. Kaya hinding-hindi ko kayo papayagang manalig sa Makapangyarihang Diyos. Maaari lang kayong manalig sa Kristiyanismo kung gusto nyo. Mas magaan ang pagpapahirap ng gobyerno sa ganitong paraan. Kung maaresto at mabilanggo kayo dahil sa pananalig sa Makapangyarihang Diyos, manganganib ang buhay n’yo. Nakita na ng CCP na lahat ng nananalig sa Makapangyarihang Diyos ay walang salang mga alagad ni Cristo sa mga huling araw na mga disipulo at apostol ni Cristo. Ang lubhang pinangangambahan ng CCP ay ang mga pahayag at patotoo sa aklat na Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao na ipinahayag ni Cristo sa mga huling araw, pati na ang matatag na grupong sumusunod kay Cristo sa mga huling araw. Napag-aralan na namin ang kasaysayan ng Kristiyanismo. Ang lubhang pinangambahan ng imperyong Romano ay ang mga disipulo at apostol ni Jesus. Kaya nang hulihin ang mga taong ito, pinagpapatay sila sa iba’t ibang pamamaraan. Ngayon, kung hindi ginawa ang mga hakbang na ito para supilin at lubos na ipagbawal ang grupong ito ng mga tao na sumusunod sa Cristo ng mga huling araw, ilang taon pa lang, mapapailalim sa kanila ang lahat ng iba’t ibang relihiyon. Sa ngayon, ang ilang pangunahing grupong Kristiyano sa China ay napailalim na ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Kung hindi inimbento ng CCP ang ilang opinyon ng publiko at nagpakana ng Kaso sa Zhaoyuan, darating siguro ang araw na mapapailalim ang iba’t ibang relihiyon sa mundo sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Kapag napailalim sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ang lahat ng iba’t ibang relihiyon, lubhang makakasama ’yan sa pamamahala ng CCP. Sa gayon, matatag ang determinasyon ng Central Committee na gamitin ang lahat ng puwersa para lubos na ipagbawal ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa loob ng maikling panahon. Dapat n’yong malaman, ang paglitaw ng Kidlat ng Silanganan ay hindi lamang nabalita sa China, malaking balita rin ito sa mundo. Dahil gumawa kayo ng napakalaking hakbang, paanong hindi galit na maglulunsad ng malakihang pagsupil at pag-aresto ang CCP laban sa inyo? Kung kailangan n’yong maniwala sa Diyos, maaari lang kayong manalig sa Kristiyanismo. Talagang bawal kayong manalig sa Makapangyarihang Diyos. Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay hindi kabilang ng Kristiyanismo, hindi n’yo ba alam ’yan?

Sagot: Kasasabi n’yo lang ng mismong dahilan kaya sinusupil ng CCP ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Pero hindi ba n’yo alam kung...

Tanong 8: Ang sinabi mo tungkol sa pagpunta sa impiyerno dahil sa pagkalaban sa Diyos, hindi ako naniniwala d’yan. Sino na ang nakakita sa impiyerno? Ano ang hitsura ng impiyerno? Ni hindi ko alam kung mayroon ngang Diyos. Hindi ko kinikilala na mayroong Diyos. Mayroon nga bang Diyos? Sino na ang nakakita sa Diyos? Kung ang Makapangyarihang Diyos ang tunay na Diyos, kapag desperadong tinutuligsa at inaatake ng CCP ang Makapangyarihang Diyos, bakit hindi pa ito pinupuksa ng Diyos? Kung ibubunyag ng Diyos ang Kanyang walang-hanggang kapangyarihan at pupuksain ang Communist Party, Siya nga ang tunay na Diyos. Sa gayong paraan, kailangang kilalanin ng buong sangkatauhan na ang Makapangyarihang Diyos ang tunay na Diyos, kahit ang CCP ay kailangang manikluhod at sumamba sa tunay na Diyos. Sino ang mangangahas na kalabanin ang Diyos? Pero ano ang totoong nangyari? Ang nakita ko ay inaaresto ng mga pulis ng CCP ang mga nananalig sa Diyos sa lahat ng dako. Marami sa mga nananalig sa Diyos ang ibinilanggo, pinahirapan at nilumpo. Marami sa kanila ang pinatay. Gayunman, iniligtas ba sila ng Diyos n’yo? Paano nito mapapaniwala ang isang tao na totoo ang Diyos na pinananaligan n’yo? Hindi ko talaga kayo maunawaan. Tunay ba o huwad ang Diyos na pinananaligan n’yo? Nangangamba ako na ni hindi n’yo ito alam. Kung gayon, hindi ba kahangalan ’yan? Ano ang batayan n’yo sa pagsasabi na ang Diyos na pinananaligan n’yo ang tunay na Diyos? Malinaw ba n’yong maipapaliwanag ’yan?

Sagot: May karanasan na kayo. Tungkol sa pag-iral at pangingibabaw ng Diyos, talaga bang wala kayong alam? Mula nang likhain ang mundo,...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito