5. Ang Kaibhan sa Pagitan ng Pagsunod sa Diyos at ng Pagsunod sa mga Tao

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang pinakamahalaga sa pagsunod sa Diyos ay na dapat alinsunod ang lahat sa mga salita ng Diyos ngayon: Maging ikaw man ay naghahangad ng pagpasok sa buhay o ng katuparan ng kalooban ng Diyos, ang lahat ay dapat nakasentro sa mga salita ng Diyos ngayon. Kung ang iyong pakikipagniig at hinahangad ay hindi nakasentro sa mga salita ng Diyos ngayon, isa kang estranghero sa mga salita ng Diyos, at ganap na nawalan ng gawain ng Banal na Espiritu. Ang gusto ng Diyos ay ang mga taong sumusunod sa Kanyang mga yapak. Gaano man kahanga-hanga at kadalisay ang naunawaan mo noon, hindi ito gusto ng Diyos, at kung hindi mo magagawang isantabi ang gayong mga bagay, ang mga ito ay magiging napakalaking hadlang sa iyong pagpasok sa hinaharap. Lahat niyaong nagagawang sumunod sa kasalukuyang liwanag ng Banal na Espiritu ay mga pinagpala. Sinundan din ng mga tao sa mga kapanahunang lumipas ang mga yapak ng Diyos, ngunit hindi sila nakasunod hanggang sa kasalukuyan; ito ang pagpapala ng mga tao sa mga huling araw. Yaong mga nagagawang sumunod sa kasalukuyang gawain ng Banal na Espiritu, at nagagawang sumunod sa mga yapak ng Diyos, na sumusunod sa Diyos saanman Niya sila akayin—ito ang mga tao na pinagpala ng Diyos. Yaong mga hindi sumusunod sa kasalukuyang gawain ng Banal na Espiritu ay hindi pa nakapasok sa gawain ng mga salita ng Diyos, at gaano man sila gumawa, o gaano man katindi ang kanilang pagdurusa, o gaano man sila magparoo’t parito, walang anuman dito ang may kabuluhan sa Diyos, at hindi Niya sila pupurihin.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Alamin ang Pinakabagong Gawain ng Diyos at Sumunod sa Kanyang mga Yapak

Hindi nagagalak sa katotohanan ang ilang tao, lalo na sa paghatol. Sa halip, nagagalak sila sa kapangyarihan at mga kayamanan; ang mga taong ganoon ay tinatawag na mga mapaghanap ng kapangyarihan. Hinahanap lamang nila ang mga denominasyon sa mundo na may impluwensya, at hinahanap lamang nila ang mga pastor at mga gurong galing sa mga seminaryo. Bagaman tinanggap na nila ang daan ng katotohanan, hindi sila lubos na naniniwala; wala silang kakayahang ibigay ang lahat ng puso at isip nila, ang mga bibig nila ay nagsasalita ng paggugol ng mga sarili nila para sa Diyos, ngunit ang kanilang mga mata ay nakatuon sa mga dakilang pastor at guro, at hindi nila binibigyan si Cristo ng karagdagang pansin. Nakatuon ang kanilang mga puso sa katanyagan, kayamanan, at karangalan. Hindi sila naniniwalang ang isang ganoon kaliit na tao ay may kakayahang lupigin ang napakarami, na ang isang hindi kapansin-pansin ay mapeperpekto ang tao. Iniisip nilang imposibleng ang mga hamak na kasama ng alikabok at mga tambak ng dumi ay ang mga taong hinirang ng Diyos. Naniniwala silang kung ang gayong mga tao ang mga pakay ng pagliligtas ng Diyos, ang langit at lupa ay mababaliktad, at ang lahat ng tao ay tatawa nang tatawa. Naniniwala silang kung pinili ng Diyos ang gayong mga hamak upang perpektuhin, kung gayon ang mga dakilang taong iyon ay magiging Diyos Mismo. Ang mga pananaw nila ay may bahid ng kawalan ng paniniwala; higit pa sa hindi paniniwala, sila ay mga hibang na hayop lamang. Sapagkat pinahahalagahan lamang nila ang katayuan, katanyagan, at kapangyarihan, at pinahahalagahan lamang nila ang malalaking grupo at denominasyon. Wala silang ni katiting na pagmamalasakit para sa mga inakay ni Cristo; sila ay mga taksil lamang na tumalikod kay Cristo, sa katotohanan, at sa buhay.

Hindi ang pagpapakumbaba ni Cristo ang hinahangaan mo, kundi ang mga huwad na pastol na may bantog na katayuan. Hindi mo minamahal ang pagiging kaibig-ibig o ang karunungan ni Cristo, kundi iyong mahahalay na nakalublob sa karumihan ng mundo. Tinatawanan mo ang pasakit ni Cristo na walang lugar na mapagpapahingahan ng Kanyang ulo, ngunit hinahangaan mo ang mga bangkay na naghahanap ng mga alay at namumuhay sa kabuktutan. Hindi ka handang magdusa sa tabi ni Cristo, ngunit masayang inihahagis ang sarili sa mga bisig ng mga walang habas na anticristo, kahit na tinutustusan ka lamang nila ng laman, mga salita, at kontrol. Kahit ngayon, bumabaling pa rin sa kanila ang puso mo, tungo sa kanilang reputasyon, sa kanilang katayuan, sa kanilang impluwensya. Gayunpaman patuloy kang nagtataglay ng saloobin na nahihirapan kang paniwalaan ang gawain ni Cristo at mabigat sa kalooban mong tanggapin ito. Ito ang dahilan kung bakit sinasabi Kong kulang ka sa pananampalataya upang kilalanin si Cristo. Ang dahilan kung bakit ka sumunod sa Kanya hanggang ngayon ay dahil lamang wala kang ibang pagpipilian. Nangingibabaw sa puso mo magpakailanman ang isang serye ng matatayog na imahe; hindi mo makakalimutan ang kanilang bawat salita at gawa, ni ang kanilang maimpluwensiyang mga salita at mga kamay. Sa mga puso ninyo, sila ay kataas-taasan at mga bayani magpakailanman. Ngunit hindi ganito para sa Cristo ng kasalukuyan. Wala Siyang halaga sa puso mo magpakailanman, at hindi karapat-dapat sa paggalang magpakailanman. Sapagkat napakakaraniwan Niya, may lubhang napakaliit na impluwensya, at malayo sa pagiging napakatayog.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Isa Ka bang Tunay na Mananampalataya sa Diyos?

Sanggunian na mga Sipi ng Sermon at Pagbabahagi:

Ang pagsunod sa Diyos ay nangangahulugang pakikinig sa Diyos sa lahat-lahat, pagtalima sa lahat ng mga pagsasaayos ng Diyos, pagkilos ayon sa mga salita ng Diyos, at pagtanggap sa lahat na nagmumula sa Diyos. Kung naniniwala ka sa Diyos, kung gayon dapat kang sumunod sa Diyos; datapwat, sa di-pagtanto nito, kapag sila’y naniniwala sa Diyos karamihan sa mga tao’y sumusunod sa mga tao, na kapwa katawa-tawa at nakapanlulumo. Sa mahigpit na pananalita, ang sinumang sinusundan ng mga tao angsiyang pinaniniwalaan nila. Bagaman ilang mga tao ang tinatayang naniniwala sa Diyos, sa kanilang mga puso ay walang Diyos; sa kanilang mga puso, sinasamba nila ang kanilang mga pinuno. Ang pakikinigsa sariling mga pinuno, kahit hanggang sa sukdulang itatwa ang mga pagsasaayos ng Diyos, ay ang pagpapakita ng paniniwala sa Diyos ngunit pagsunod sa mga tao. Bago nila matamo ang katotohanan, ang paniniwala ng bawat isa ay kasing pagkataranta at pagkalito tulad nito. Ganap silang mangmang pati sa kung ano ang kahulugan ng sumusunod sa Diyos, at di-maaaring makapagsabi ng pagkakaiba sa pagitan ng pagsunod sa Diyos at pagsunod sa mga tao. Naniniwala lamang sila na sinumang nangungusap ng mga doktrina na mabuti, at mataas, ay kanilang ama o ina; para sa kanila, sinumang may gatas ay kanilang ina, at sinumang may kapangyarihan ay kanilang ama. Ganoon sila kalunus-lunos. Maaaring masabi na, sa iba’t-ibang antas, ito ang espirituwal na estado ng karamihan.

Ano ang ibig sabihin ng pagsunod sa Diyos? At paano mo ito isasagawa? Ang pagsunod sa Diyos ay hindi lamang kinabibilangan ng pagdarasal sa Diyos at pagpupuri sa Diyos; ang pinaka-importante ay ang kumain at uminom ng mga salita ng Diyos at mamuhay ayon sa mga salita ng Diyos, ang kumilos ayon sa katotohanan, ang humanap ng landas ng karanasan sa buhay sa mga salita ng Diyos, tanggapin ang tagubilin ng Diyos, isagawa nang tama ang bawat isa sa iyong mga tungkulin, at lumakad sa landas na nasa harapan mo ayon sa gabay ng Banal na Espiritu. Lalo na, sa kritikal na mga sugpungan, kapag may pangunahing mga problema na sumapit sa iyo, may higit pang mas malaking pangangailangan na maghanap sa mga layunin ng Diyos, maging maingat na hindi maloko ng mga doktrina ng tao, at hindi mahulog sa ilalim ng kontrol ninuman. “Ang nagmumula sa Diyos ang aking sinusunod at sinusundan, nguni’t kapag ito’y nanggaling mula sa kalooban ng tao matatag kong tinatanggihan ito; kung ang ipinangangaral ng mga pinuno at mga manggagawa ay salungat sa mga pagsasaayos ng Diyos, samakatuwid ako’y walang pasubali na sumusunod sa Diyos at tinatanggihan ang mga tao. Kung ito’y ganap na ayon sa mga pagsasaayos at kalooban ng Diyos, kung gayon maaari akong makinig dito.” Ang mga taong nagsasagawa sa ganitong paraan ay yaong mga sumusunod sa Diyos.

Ano ang ibig sabihin ng pagsunod sa mga tao? Ang pagsunod sa mga tao ay nangangahulugan na ang isa ay sumusunod sa isa na kanyang sinasamba. Ang Diyos ay walang gaanong katayuan sa kanyang puso; may suot lamang siyang tanda ng pagiging naniniwala sa Diyos. Sa lahat ng ginagawa niya ginagaya niya ang mga tao at sinusunod ang kanilang halimbawa. Lalo na sa mga pangunahing bagay, hinahayaan niya ang mga tao na magpasya at hinahayaan ang mga tao na manduhan ang kanyang kapalaran. Siya mismo ay hindi naghahanap sa ninanais ng Diyos, at hindi niya iniintindi ang mga salitang sinasabi ng mga tao. Habang ang sinasabi nila ay mukhang may katwiran, hindi alintana kung ito ay sumasang-ayon sa katotohanan, tinatanggap niya ang lahat ng ito at sinusunod ito. Ito ang pag-uugali ng isang sumusunod sa mga tao. Ang kanyang pananampalataya sa Diyos ay walang prinsipyo, at walang katotohanan sa kanyang mga pagkilos. Sumusunod siya sa sinumang nagsasalita nang may katwiran. Kung ang kanyang idolo ay maling landas ang tinatahak, siya ay susunod hanggang sa dulo. Kung kinokondena ng Diyos ang kanyang idolo, siya ay magkakaroon ng mga pagkaintindi sa Diyos, mahigpit na kumakapit sa kanyang idolo. Ang kanyang katuwiran ay na dapat siyang sumunod sa sinumang namumuno sa kanya. Ang mataas na opisyal ay walang laban sa malapit na tagapamahala. Ito ay ang lohika ng isang hangal. Ang mga sumusunod sa tao ay talagang ganito kalito. Ang mga taong sumusunod sa mga tao ay walang lugar sa puso nila para sa Diyos at wala silang katotohanan, at sila ay sumasamba sa mga diyus-diyusan, sila’y nailigaw na ng ibang tao, at hindi mga tunay na mananampalataya sa Diyos. Tanging yaong mga sumusunod sa Diyos ang tunay na naniniwala sa Diyos.

—Ang Pagbabahagi mula sa Itaas

Maraming tao ang naniniwala sa Diyos ngunit hindi alam kung ano ang kahulugan ng pagtalima sa Diyos, at nag-iisip na ang pakikinig sa kanilang mga pinuno sa lahat ng bagay ay pareho sa pagtalima sa Diyos. Ang ganoong mga pananaw ay ganap na kakatwa, sapagkat ang pinagmumulan ng kanilang pagtalima ay mali. Isinasaalang-alang nila na ang pakikinig sa kanilang mga pinuno ay ang pagtalima sa Diyos. Ang maniwala sa Diyos ayon sa ganitong mga pagtanaw ay ang maniwala sa Diyos sa pangalan lamang; sa katunayan ang mga taong ito’y naniniwala sa mga tao. …

Kapag tayo’y naniniwala sa Diyos, ang Diyos ay dapat magkaroon ng pangunahing posisyon sa ating mga puso, dapat tayong sumuko sa kontrol ng Diyos sa lahat ng bagay, dapat nating hanapin ang pakahulugan ng Diyos sa lahat-lahat, ang ating mga pagkilos ay dapat ayon sa mga salita ng Diyos, at ayon sa gabay ng Banal na Espiritu, at dapattayong tumalima sa lahat ng nagmumula sa Diyos. Kapagnakikinig ka sa mga tao, samakatuwid ito’y nagpapatunay na ang Diyos ay walang lugar sa iyong puso, na tanging ang mga tao ang may lugar sa iyong puso. Walang mas mahalaga para sa mga tao kaysa sa pagtugis ng katotohanan at maunawaan ang kalooban ng Diyos. Kapag hindi ka nakapokus sa paghahanap sa mga intensyon ng Diyos at pag-unawa sa kalooban ng Diyos, samakatuwid ang sa iyo’y hindi tunay na pagtalima. Gaano man kainam na sila’y tama, kapag palagi kang nakikinig sa mga tao, samakatuwid sa tinatangkilik ikaw ay tumatalima sa mga tao—na kung saan ay hindianupamankatulad ng pagtalima sa Diyos. Sa katunayan, kapag yaong mga naniniwala sa Diyos ay nakakaunawa sa pakahulugan ng Diyos direkta mula sa Kanyang mga salita, kapag natatagpuan nila ang sariling nilang landas na isagawa ang Kanyang mga salita, at sila’y nakikipagniig sa katotohanan, at nauunawaan ang katotohanan, sa Kanyang salita, na kung saan pagkatapos ay kanila itong isinasagawa, at kapag sa pinakamahalagang sandali, sila’y mas nagdarasal pa, at hinahanap ang gabay ng Banal na Espiritu, at sumusunod sa mga intensyon ng Banal na Espiritu, ito ang tunay na pagtalima sa Diyos. Yaong mga tumatalima sa Diyos ay naghahanap ng landas sa mga salita ng Diyos, ang kanilang mga problema ay nalulutas sa mga salita ng Diyos, at sila’y kumikilos sa gitna ng paggabay ng Banal na Espiritu; ito ang tunay na pagtalima sa Diyos. Yaong mga nakikinig sa kanilang mga pinuno sa lahat ng bagay ay tiyak na napalayo sa Diyos sa kanilang mga puso. Bukod pa dito, sila ay walang kapayapaan sa harap ng Diyos, hindi sila yaong nabubuhay sa harap ng Diyos at naghahanap ng katotohanan, wala silang kaugnayan sa Diyos, at ang prinsipyo sa likod ng kanilang mga pagkilos ay ang pakinggan ang sinumang nagsasabi ng tamang mga bagay—hangga’t ito ay isang pinuno, sila ay susunod. Ang ganoong pagsasagawa ay katawa-tawa. Wala sa kanila ang katotohanan ni ang kakayahang makita ang pagkakaiba, at maaari lamang magpatunay kung ano ang tama o mali ayon sa kanilang mga pagkakaintindi o mga utak, kung kaya paano nila maaaring malaman kung ito ay umaalinsunod sa katotohanan? Kapag sila ay naniniwala sa Diyos ayon sa ganoong mga pananaw, samakatuwid sa kanilang buong buhay hindi nila mauunawaan ang katotohanan o makikilala ang Diyos. Ang ganoong mga anyo ng paniniwala ay maaaring masabi na naniniwala sa kanilang sariling utak at lumalakad sa kanilang sariling landas, at hindi silanagkakaroon ng ugnayan sa praktikal na Diyos.

—Ang Pagbabahagi mula sa Itaas

Sinundan: 4. Pagkilala sa Pagkakaiba ng Tunay na Daan sa mga Maling Daan, at ng Tunay na Iglesia sa mga Maling Iglesia

Sumunod: 6. Pagkilala sa Pagkakaiba ng Tunay na Pinuno sa mga Huwad na Pinuno, at ng Tunay na Pastol sa mga Huwad na Pastol

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Tanong 13: Lahat kayo ay naniniwala sa Diyos; Ako naman ay kina Marx at Lenin. Dalubhasa ako sa pagsasaliksik ng iba’t ibang paniniwala sa relihiyon. Sa ilang taon ng pagsasaliksik ko, may nadiskubre akong isang problema. Ayon sa relihiyosong paniniwala ay mayroon talagang Diyos. Pero sa dami ng naniniwala sa Diyos, wala pa namang nakakakita sa Kanya. Ang paniniwala nila ay base sa sarili nilang nararamdaman. Kaya nga nakabuo ako ng konklusyon tungkol sa relihiyosong paniniwala: Purong imahinasyon lang ang relihiyosong paniniwala; yun ay isang pamahiin, at walang matibay na basehan sa syensya. Ang modernong lipunan, ay isang lipunan kung saan napakaunlad na ng syensya. Kailangang, nakabase ang lahat sa syensya, para hindi na magkaro’n ng kamalian. Kaming mga miyembro ng Partidong Komunista ay naniniwala sa Marxismo-Leninismo. Hindi kami naniniwalang may Diyos. Ano bang sabi sa The Internationale? “Kailanma’y di nagkaro’n ng Tagapagligtas ang mundo, o ng diyos at emperador na kailangang asahan. Upang magkaro’n ng kaligayahan ang tao, mga sarili lamang natin ang ating asahan!” Malinaw sa The Internationale na “Kailanma’y di nagkaro’n ng Tagapagligtas ang mundo.” Ang sangkatauhan ay naniwala noon sa Diyos at naging mapamahiin dahil ang sangkatauhan nung mga panahong iyon, ay humaharap sa kababalaghan ng natural na mundo na ang araw, buwan, mga bituin; hangin, ulan, kulog at kidlat, ay hindi makapagbibigay ng siyentipikong paliwanag. Samakatuwid, sumibol sa mga utak nila ang takot at pagtataka tungkol sa di-pangkaraniwang kapangyarihan. Kung kaya nabuo ang mga pinakaunang konsepto ng relihiyon. Bukod ditto, nung hindi malutas ng mga tao ang kahirapang dulot ng mga kalamidad at sakit, umasa silang makakuha ng ginhawang pangkaluluwa sa pamamagitan ng mataimtim na pagsunod sa Diyos. Ito ang dahilan kaya nabuhay ang relihiyon. Kitang-kita naman, Hindi ito makatwiran at hindi siyentipiko! Sa panahong ito, moderno na ang tao, at namamayagpag na ang siyensya. Sa mga larangang gaya ng aerospace industry, biotechnology, genetic engineering at medisina, mabilis na naging maunlad ang lahat ng tao. Noon hindi ito naintindihan ng sangkatauhan, at hindi nila kayang lutasin ang mga problema. Pero ngayon kaya ng ipaliwanag ng siyensya ang mga problemang ito, at pwede ng umasa sa siyensya para magbigay ng mga solusyon. Ngayong maunlad na ang agham at teknolohiya, kung naniniwala pa rin ang tao sa Diyos, at naging mapamahiin, hindi ba’t ito ay kabaliwan at kamangmangan? Hindi ba’t napag-iwanan na ang mga tao sa panahong ito? Ang pinakapraktikal na gawin ay ang maniwala tayo sa siyensya.

Sagot: Sabi n’yo ang relihiyosong paniniwala ay dahil sa napag-iwanan na ang tao sa siyentipikong kaalaman, at nabuo mula sa takot at...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito