Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

Kabanata 6 Iba-ibang Anyo ng Pagkilala sa Pagkakaiba-iba na Dapat Mong Taglayin sa Iyong Pananalig sa Diyos

7. Ang Kaibhan sa Pagitan ng Nakikitang Mabubuting Gawa at ng mga Pagbabago sa Disposisyon

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang pagbabago sa disposisyon higit sa lahat ay tumutukoy sa isang pagbabago sa likas na pagkatao ng mga tao. Ang mga bagay tungkol sa kalikasan ng isang tao ay hindi makikita mula sa panlabas na mga paggawi; ang mga ito ay tuwirang may kinalaman sa halaga at kabuluhan ng kanilang pag-iral. Na ibig sabihin ay, tuwirang may kinalaman ang mga ito sa mga pananaw ng isang tao sa buhay at sa kanilang mga pinahahalagahan, sa mga bagay na nasa kaibuturan ng kanilang kaluluwa, at kanilang diwa. Ang isa na hindi kayang tumanggap ng katotohanan ay hindi magkakaroon ng pagbabago sa mga aspetong ito. Kapag lamang naranasan ng mga tao ang gawain ng Diyos, nakapasok nang lubusan sa katotohanan, binago ang kanilang mga pinahahalagahan at kanilang mga pananaw tungkol sa pag-iral at buhay, iniayon ang kanilang mga pananaw sa pananaw ng Diyos, at nakayang lubos na magpasakop at italaga ang kanilang mga sarili sa Diyos saka masasabi na ang kanilang mga disposisyon ay nagbago. Maaaring ikaw ay lumilitaw na nagsisikap nang kaunti, maaaring ikaw ay matatag sa harap ng mga kagipitan, maaaring nagagawa mong magsakatuparan ng mga pagsasaayos ng gawain mula sa itaas, o maaaring nagagawa mong makapunta saanmang dako ka pinapupunta, subali’t ang mga ito ay maliliit na pagbabago lamang sa iyong mga pagkilos, at ang mga ito ay hindi sapat na maging isang pagbabago sa iyong disposisyon. Maaaring nakakaya mong tumakbo sa maraming landasin, magdusa ng maraming mga kahirapan at magbata ng matinding kahihiyan; maaaring madama mo na napakalapit mo sa Diyos, at ang Banal na Espiritu ay maaaring gumagawa sa iyo nang kaunti. Gayunpaman, kapag hinihingi ng Diyos sa iyo na gumawa ng isang bagay na hindi kaayon sa iyong mga pagkaunawa, maaaring hindi ka pa rin nagpapasakop, kundi naghahanap ng mga dahilan, at naghihimagsik at lumalaban sa Diyos, kahit hanggang sa puntong pinupuna mo ang Diyos at nagproprotesta laban sa Kanya. Ito ay isang malalang suliranin! Ipinakikita nito na mayroon ka pa ring kalikasan ng paglaban sa Diyos at na hindi ka nagbago kahit na kaunti.

—mula sa “Kung Ano ang Dapat Mong Malaman Tungkol sa Pagbabago ng Iyong Disposisyon” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo

Maaaring magpakabait ang mga tao, nguni’t hindi ito nangangahulugan na taglay nila ang katotohanan. Magagawa lamang ng sigasig ng mga tao na sumunod sila sa doktrina at sundin ang patakaran; ang mga tao na walang katotohanan ay walang pag-asa sa paglutas ng mga makabuluhang suliranin, at hindi makakapanindigan ang doktrina para sa katotohanan. Yaong mga nakaranas ng pagbabago sa kanilang disposisyon ay naiiba. Yaong mga nakaranas ng pagbabago sa kanilang disposisyon ay naunawaan na ang katotohanan, nauunawaan nila ang lahat ng usapin, alam nila kung paano kumilos alinsunod sa kalooban ng Diyos, kung paano kumilos alinsunod sa mga prinsipyo ng katotohanan, kung paano kumilos upang mapalugod ang Diyos, at nauunawaan nila ang kalikasan ng katiwalian na kanilang ibinubunyag. Kapag ang kanilang sariling mga ideya at mga pagkaintindi ay naibubunyag, nagagawa nilang makakilala at tinatalikuran ang laman. Ganito ipinahahayag ang isang pagbabago sa disposisyon. Ang pangunahing bagay tungkol sa isang pagbabago sa disposisyon ay na malinaw na nilang naunawaan ang katotohanan, at kapag ipinatutupad ang mga bagay, isinasagawa nila ang katotohanan nang may kaugnay na kawastuan at ang kanilang katiwalian ay hindi ibinubunyag nang madalas. Karaniwan, ang mga tao na nagbago na ang disposisyon ay mukhang partikular na makatwiran at nakakaunawa, at dahil sa kanilang pagkaunawa sa katotohanan, hindi sila gaanong nagpapakita ng pagmamagaling at kayabangan. Nauunawaan at nahihiwatigan nila ang marami sa katiwaliang ibinunyag, kaya huwag kang magyabang. Nagagawa nilang magkaroon ng isang nasusukat na pagkaunawa sa kung ano ang kalagayan ng tao, kung paano gumawi nang may katwiran, kung paano maging masunurin, kung ano ang sasabihin at kung ano ang hindi sasabihin, at kung ano ang sasabihin at kung ano ang gagawin sa aling mga tao. Ito ang dahilan kung bakit sinasabi na ang mga uri ng mga taong ito ay medyo makatwiran. Tunay na isinasabuhay niyaong may pagbabago sa disposisyon ang kawangis ng isang tao, at taglay nila ang katotohanan. Lagi silang nasasabi at nakikita ang mga bagay alinsunod sa katotohanan, at may prinsipyo sila sa lahat ng ginagawa nila; hindi sila sumasailalim sa impluwensiya ng sinumang tao o bagay, at lahat sila ay may sariling pananaw at maaari nilang panatilihin ang mga prinsipyo ng katotohanan. Ang kanilang disposisyon ay medyo matatag, hindi sila sala sa init at sala sa lamig, at anuman ang kanilang sitwasyon, nauunawaan nila kung paano isagawa nang wasto ang kanilang tungkulin at kung paano gawin ang mga bagay upang mapalugod ang Diyos. Yaong nagbago ang mga disposisyon ay hindi nagtutuon ng pansin sa kung ano ang gagawin upang mapaganda ang kanilang mga sarili sa isang mababaw na antas—mayroon silang panloob na kaliwanagan sa kung ano ang gagawin upang mapalugod ang Diyos. Kung gayon, mula sa labas maaaring tila hindi sila ganoon kasigasig o parang hindi sila nakagawa ng anumang totoong dakila nguni’t ang lahat ng kanilang ginagawa ay makahulugan, mahalaga, at mayroong praktikal na mga resulta. Yaong nagbago ang mga disposisyon ay nakatitiyak na magtataglay ng napakaraming katotohanan—ito ay mapapatunayan sa pamamagitan ng kanilang mga pananaw sa mga bagay at sa kanilang mga pamantayan sa kanilang mga pagkilos. Yaong mga hindi nagtataglay ng katotohanan ay tiyak na hindi pa nagkaroon ng pagbabago sa disposisyon. Hindi niyon ibig sabihin na ang isang taong nasa hustong gulang na ang pagkatao ay nagkaroon na ng pagbabago sa disposisyon; tumutukoy ito una sa lahat sa panahon na ang ilan sa napakasasamang lason sa likas na pagkatao ng isang tao ay nagbabago dahil sa kanilang kaalaman tungkol sa Diyos at sa kanilang pagkaunawa sa katotohanan. Ibig sabihin, ang napakasasamang lason na iyon ay nalinis at ang katotohanang ipinahayag ng Diyos ay nag-uugat sa kalooban ng tao, nagiging buhay nila, at nagiging pundasyon ng kanilang pag-iral. Noon lamang sila nagiging bagong tao, at ang kanilang disposisyon kung gayon ay nagbabago. Ang isang pagbabago sa disposisyon ay hindi nangangahulugan na ang panlabas na disposisyon ng mga tao ay mas mapagkumbaba kaysa rati, na dati silang mapagmataas ngunit ngayo’y makatwiran na ang kanilang mga salita, na dati ay wala silang pinakikinggan ngunit ngayo’y kaya na nilang makinig sa iba—hindi masasabi na ang panlabas na mga pagbabagong ito ay mga pagbabago sa disposisyon. Mangyari pa kabilang nga ang mga kalagayang ito sa mga pagbabago sa disposisyon, ngunit ang pinakamahalagang bagay ay na nagbago ang kanilang puso’t isipan. Ang katotohanang ipinahayag ng Diyos ang kanilang nagiging pinakabuhay, ang napakasasamang lason sa kalooban ay naalis na, ang kanilang pananaw ay ganap nang nagbago, at hindi nakaayon ang anuman doon sa mundo. Nakikita nila nang malinaw ang mga pakana at lason ng malaking pulang dragon; naunawaan na nila ang tunay na diwa ng buhay. Kaya nagbago na ang kanilang mga pagpapahalaga sa buhay—ito ang pinaka-pangunahing pagbabago at ang diwa ng isang pagbabago sa disposisyon.

—mula sa “Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Panlabas na mga Pagbabago at mga Pagbabago sa Disposiyon” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo

Sa nasasakupan ng relihiyon, maraming tao ang nagdurusa nang hindi bahagya sa buong buhay nila, sinusupil ang kanilang katawan at pinapasan ang kanilang krus, kahit na nagdurusa at nagtitiis hanggang sa kanilang huling hininga! Ang ilan ay nag-aayuno pa rin sa umaga ng kanilang kamatayan. Buong buhay nila ay ipinagkaila nila sa kanilang sarili ang masasarap na pagkain at magarang mga kasuotan, binibigyang-diin lang ang pagdurusa. Kinaya nilang supilin ang kanilang katawan at iwaksi ang kanilang laman. Ang kanilang espiritu sa pagtitiis ng pagdurusa ay kapuri-puri. Ngunit ang kanilang pag-iisip, ang kanilang mga pagkaunawa, ang kanilang pangkaisipang saloobin, at ang kanilang lumang kalikasan—wala kahit isa sa mga ito ay pinakitunguhan sa paanuman. Wala silang tunay na pang-unawa sa kanilang mga sarili. Ang pangkaisipan nilang larawan ng Diyos ay ang tradisyunal na isang abstrak, malabong Diyos. Ang kanilang pasiyang magdusa para sa Diyos ay galing sa kanilang sigasig at mga positibong kalikasan. Kahit na sila ay naniniwala sa Diyos, hindi nila nauunawaan ang Diyos o alam ang Kanyang kalooban. Sila lang ay pikit-matang gumagawa at pikit-matang nagdurusa para sa Diyos. Hindi nila binibigyan ng kahit anong halaga ang pagiging mapanuri at halos walang pakialam kung paano matitiyak na ang kanilang paglilingkod ay talagang tumutupad sa kalooban ng Diyos. Lalong hindi nila alam kung paano makakamtan ang pag-unawa sa Diyos. Ang Diyos na kanilang pinaglilingkuran ay hindi ang Diyos na nasa Kanyang orihinal na larawan, kundi isang Diyos na sila mismo ang kumatha, isang Diyos na kanilang nabalitaan, o ang isang maalamat na Diyos na nababasa sa mga kasulatan. Sa gayon, ginagamit nila ang kanilang mga buhay na buhay na imahinasyon at ang kanilang maka-Diyos na mga puso upang magdusa para sa Diyos at balikatin para sa Diyos ang mga gawain na nais gawin ng Diyos. Ang kanilang paglilingkod ay masyadong di-eksakto, sa gayon halos wala kahit isang totoong naglilingkod sa Diyos sa paraang nakatutupad ng Kanyang kalooban. Kahit na gaano pa sila kahandang magdusa, ang kanilang orihinal na pananaw sa paglilingkod at kanilang pangkaisipang larawan ng Diyos ay nananatiling hindi nagbabago dahil hindi pa nila napagdadaanan ang paghatol at pagkastigo ng Diyos at ang Kanyang kapinuhan at pagperpekto, at dahil wala kahit isang umakay sa kanila sa katotohanan. Kahit na naniniwala sila kay Jesus na Tagapagligtas, wala kahit isa sa kanila ang nakakita kailanman sa Tagapagligtas. Napag-alaman lang nila ang tungkol sa Kanya sa pamamagitan ng mga alamat at sabi-sabi. Sa gayon, ang kanilang paglilingkod ay katumbas lang ng basta-bastang paglilingkod nang nakapikit, tulad ng isang bulag na naglilingkod sa kanyang sariling ama. Ano sa bandang huli ang makakamit sa ganitong uri ng paglilingkod? At sino ang magpapahintulot dito? Mula panimula hanggang katapusan, ang kanilang paglilingkod ay hindi kailanman nagbabago paanuman. Sila ay tumatanggap lamang ng mga aral na gawa ng tao at ibinabatay lang nila ang kanilang paglilingkod sa kanilang pagiging likas at kung ano ang kanila mismong kinahihiligan. Anong gantimpala ang aanihin nito? Kahit si Pedro, na nakakita kay Jesus, ay hindi nalaman kung paano maglingkod sa paraang nakatupad ng kalooban ng Diyos.Noon lamang nagtapos, sa kanyang katandaan, na kanya nang naunawaan. Ano ang ipinahihiwatig nito tungkol sa mga bulag na taong hindi pa nakakaranas ng kahit na anong pakikitungo o kahit na anong pagtatabas at wala kahit isang gumagabay sa kanila? Hindi ba ang paglilingkod ng karamihan sa inyo ngayon ay kagaya nang sa mga bulag na taong ito? Ang lahat ng hindi nakatanggap ng paghatol, hindi nakatanggap ng pagtatabas at pakikitungo, at hindi nagbago-hindi ba sila ang mga hindi lubusang nalupig? Anong silbi ng mga gayong tao? Kung ang iyong pag-iisip, ang iyong pag-unawa sa buhay, at ang iyong pag-unawa sa Diyos ay hindi nagpapakita ng pagbabago at hindi nagbunga ng kahit na munting tunay na pakinabang, hindi mo kailanman makakamtan ang kahit anumang pambihira sa iyong paglilingkod! Kung walang pangitain at walang bagong pag-unawa sa gawain ng Diyos, hindi ka magiging nalupig na tao. Ang iyong paraan ng pagsunod sa Diyos sa gayon ay tulad ng mga nagdurusa at nag-aayuno-magiging maliit na halaga ito! Talagang dahil may kaunting patotoo sa kanilang ginagawa na masasabi Kong ang kanilang paglilingkod ay walang kabuluhan! Sa kanilang buong buhay, nagdurusa ang mga taong ito, nabibilanggo, at sa bawat sandali, nagtitiis sila, binibigyang-diin ang pag-ibig at kabaitan, at pinapasan ang kanilang krus. Sila ay sinisiraang-puri at itinatakwil ng mundo at nakakaranas ng lahat ng paghihirap. Sila ay sumusunod hanggang katapusan, ngunit, sila ay hindi nalulupig at wala silang maibibigay na patotoo sa pagkalupig. Hindi kaunti ang kanilang napagdusahan, ngunit sa loob ay talagang hindi nila kilala paanuman ang Diyos. Wala sa kanilang makalumang pag-iisip, makalumang mga pagkaunawa, mga relihiyosong pagsasagawa, mga pagkaunawang gawa ng tao, at mga kuro-kuro ng tao ang napakitunguhan. Wala man lamang silang taglay na bagong pagkaunawa. Kahit ang katiting man ng kanilang pagkaunawa sa Diyos ay hindi totoo o tumpak. Mali ang pagkaunawa nila sa kalooban ng Diyos. Maaari kayang ito ay para maglingkod sa Diyos? Kung paano mo man naintindihan ang Diyos sa nakaraan, ipagpalagay na pananatilihin mo iyon ngayon at ipagpapatuloy ang pagbabatay ng iyong pagkaunawa sa Diyos sa iyong sariling mga paniwala at mga kuro-kuro kahit ano pa ang gawin ng Diyos. Iyan ay, ipagpalagay na wala kang taglay na bago at tunay na pagkaunawa sa Diyos at nabigo kang malaman ang tunay na larawan at tunay na disposisyon ng Diyos. Ipagpalagay na ang iyong pagkaunawa sa Diyos ay pinapatnubayan pa rin ng pyudal at mapamahiing pag-iisip at nanggaling pa rin sa mga likhang-isip at mga pagkaunawa ng tao. Kung ganito ang kaso, hindi ka pa nalupig kung gayon. Ang Aking adhikain sa pagsasabi ng mga salitang ito sa iyo ngayon ay upang tulutan kang maintindihan at gamitin ang kaalamang ito upang pangunahan ka sa tumpak at bagong pagkaunawa. Ang layunin din ng mga iyon ay ang pag-aalis niyaong mga lumang pagkaunawa at lumang kaalaman na iyong dala sa loob mo upang ikaw ay magkakaroon ng bagong pagkaunawa. Kung tunay mong kinakain at iniinom ang Aking mga salita, sa gayon ang iyong pagkaunawa ay lubhang magbabago. Hangga’t pinananatili mo ang isang masunuring puso habang kinakain at iniinom mo ang mga salita ng Diyos, ang iyong pananaw ay babalik. Hangga’t kaya mong tanggapin ang paulit-ulit na mga pagkastigo, ang iyong lumang kaisipan ay unti-unting magbabago. Hangga’t ang iyong lumang kaisipan ay lubos na napalitan ng bago, ang iyong pagsasagawa ay magbabago rin nang naaayon. Sa ganitong paraan, ang iyong paglilingkod ay magiging paayon nang paayon, lalo’t lalo pang makakayang tuparin ang kalooban ng Diyos. Kung kaya mong baguhin ang iyong buhay, ang pagkaunawa mo sa buhay, at ang iyong maraming paniwala tungkol sa Diyos, kung gayon ang iyong pagiging likas ay unti-unting mababawasan. Ito, at wala nang iba, ang bunga matapos malupig ng Diyos ang tao; ito ang pagbabago na makikita sa tao. Kung sa paniniwala sa Diyos, ang iyong alam lamang ay pagsupil ng iyong katawan at pagtitiis at pagdurusa, at ikaw ay nalalabuan hinggil sa kung ang ginagawa mo ay tama o mali, lalo na kung para kanino ito, kung gayon paano makahahantong sa pagbabago ang ganitong uri ng pagsasagawa?

—mula sa “Ang Katotohanang Nakapaloob sa Gawain ng Panlulupig (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sa tuwing nagtitipun-tipon ang mga naturang relihiyosong tao, tinatanong nila, “Kapatid, kumusta ka sa mga araw na ito?” Sumasagot siya, “Pakiramdam kong may utang na loob ako sa Diyos at hindi ko kayang tuparin ang nais ng Kanyang puso.” Sinasabi ng isa pa, “May utang na loob din ako sa Diyos nguni’t hindi ko Siya kayang bigyang-kasiyahan.” Sa mga pangungusap at salita lamang na ito ay ipinapahayag ang kasuklam-suklam na mga bagay na nasa loob ng kanilang mga puso. Ang mga naturang salita ang pinakanakapandidiri at lubusang kasuklam-suklam. Ang kalikasan ng naturang tao ay sumasalungat sa Diyos. Ang mga nakatuon sa realidad ay nakikipag-usap kung anuman ang nasa kanilang mga puso at binubuksan ang kanilang mga puso sa pakikipag-usap. Walang anumang bakas ng masamang gawa, walang kunwaring paggalang o mga walang katuturang pagbibiro. Lagi silang prangka at walang mga sinusunod na makamundong patakaran. May mga taong may pagkahilig sa pagkukunwari, kahit walang anumang kahulugan. Kapag kumakanta ang isa pa, nagsisimula siyang sumayaw, ni hindi man lang napapansin na sunog na ang kaning nasa kanyang palayok. Ang mga naturang uri ng tao ay hindi maka-Diyos o kagalang-galang, at masyadong mababaw. Ang lahat ng ito ay pagpapakita ng kakulangan ng realidad. Kapag ang ilang tao ay nakikipagniig tungkol sa mga bagay ng espiritwal na buhay, bagaman hindi nila binabanggit ang pagkakautang sa Diyos, pinananatili nila ang tunay na pagmamahal sa Kanya sa loob ng kanilang mga puso. Ang iyong pagkakautang sa Diyos ay walang kinalaman sa iba; may utang na loob ka sa Diyos, hindi sa tao. Kaya anong silbi na parati mo itong binabanggit sa iba? Kailangang bigyan mo ng halaga ang pagtanggap sa realidad, hindi panlabas na sigasig o pakitang-tao.

Ano ang kinakatawan ng panlabas na mabubuting gawa ng tao? Kinakatawan ng mga ito ang laman, at kahit na ang pinakamaganda sa panlabas na gawi ay hindi kumakatawan sa buhay, tanging ang iyong sariling indibidwal na pag-uugali. Hindi kayang tuparin ng mga panlabas na gawi ng tao ang nais ng Diyos. Lagi mong binabanggit ang iyong pagkakautang sa Diyos, ngunit hindi mo kayang tustusan ang buhay ng iba o pukawin ang iba na mahalin ang Diyos. Naniniwala ka bang ikalulugod ng Diyos ang mga naturang kilos? Naniniwala kang ito ang nakalulugod sa kalooban ng Diyos, na ito ay para sa espiritu, ngunit ang totoo ay isa itong kabaliwan! Naniniwala ka na kung ano ang kasiya-siya sa iyo at kung ano ang nais mo ay nakalulugod sa Diyos. Kaya bang katawanin ng mga kaligayahan mo ang sa Diyos? Kaya bang katawanin ng karakter ng tao ang Diyos? Ang kasiya-siya sa iyo ay ang tiyak na kinasusuklaman ng Diyos, at ang iyong mga gawi ay ang pinandidirihan at inaayawan ng Diyos. Kung pakiramdam mo na may utang na loob ka, kung gayon ay manalangin ka sa Diyos. Hindi kailangang banggitin ito sa iba. Kung hindi ka nananalangin sa Diyos at sa halip ay laging kumukuha ng pansin sa iyong sarili sa presensya ng iba, kaya ba nitong tuparin ang nais ng kalooban ng Diyos? Kung laging panlabas lamang ang iyong mga kilos, nangangahulugan na ikaw ang pinakahambog sa mga tao. Anong uri ng tao siya kung pakitang-tao lamang ang paggawa niya ng mabuti ngunit salat sa realidad? Ang mga naturang tao ay mga ipokritong Fariseo at relihiyosong tao! Kung hindi niyo iiwan ang inyong mga panlabas na gawi at hindi kayang gumawa ng mga pagbabago, mas lalong mananaig sa inyo kung gayon ang mga elemento ng pagka-ipokrito. Kung mas higit ang mga elemento ng pagka-ipokrito, mas higit ang pagsalungat sa Diyos, at sa katapusan, ang mga naturang uri ng tao ay siguradong itatakwil!

—mula sa “Dapat na Nakatuon sa Katotohanan ang Pananampalataya sa Diyos, Hindi sa mga Relihiyosong Ritwal” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sanggunian na mga Sipi ng Sermon at Pagbabahagi:

Sa relihiyosong mundo, maraming banal na tao na nagsasabing, “Nagbago na kami dahil sa aming pananampalataya sa Panginoong Jesus. Kaya naming gumugol para sa Panginoon, gumawa para sa Panginoon, tiisin ang bilangguan para sa Panginoon, at hindi namin ikinakaila ang Kanyang pangalan. Kaya naming gumawa ng maraming mabubuting bagay, magbigay sa kawanggawa, bigyan at tulungan ang mahihirap. Malalaking pagbabago ang mga ito! Kaya karapat-dapat kaming madala sa kaharian ng langit.” Ano ang palagay ninyo sa mga salitang ito? Mayroon ba kayong anumang pagkaunawa pagdating sa mga salitang ito? Ano ang ibig sabihin ng malinis? Sa tingin ba ninyo kung nagbago na ang inyong pag-uugali at gumagawa kayo ng mabubuting gawain ay nalinis na kayo? May nagsabi, “Iwinaksi ko na ang lahat. Iwinaksi ko ang aking trabaho, ang aking pamilya at mga ninanais ng aking laman upang gumugol para sa Diyos. Hindi ba ito katumbas ng pagkakalinis?” Kahit nagawa mo na ang lahat ng ito, hindi ito matibay na ebidensiya na nalinis ka na. Kaya, ano ang pangunahing punto? Sa aling aspeto kayo makakatamo ng paglilinis na maituturing na tunay na paglilinis? Ang paglilinis ng malasatanas na disposisyon na lumalaban sa Diyos ang nangangahulugan ng tunay na paglilinis. Ano ang mga palatandaan ng malasatanas na disposiyon na lumalaban sa Diyos? Ang mga pinakahalatang palatandaan ay ang kahambugan, pagiging mapagmataas, mapagmagaling at palalong pagpapahalaga sa sarili ng isang tao, pati na ang kanyang kabuktutan, kataksilan, pagsisinungaling, panlilinlang at pagpapaimbabaw. Kapag hindi na bahagi ang mga satanikong disposisyon na ito ng isang tao, kung gayon tunay silang nalinis na. Nasabi nang mayroong 12 pangunahing palatandaan sa malasatanas na disposisyon ng tao, gaya ng pagturing sa sarili bilang pinakakagalang-galang; pagpapahintulot sa paglago ng mga sumusunod sa akin at pagkapahamak ng mga lumalaban; pag-iisip na tanging ang Diyos lamang ang nakatataas sa iyo, hindi pagpapasakop sa sinuman, kawalan ng paggalang sa iba; paglikha ng hiwalay na kaharian sa sandaling magkaroon ka ng kapangyarihan; pagnanais na maging siyang tanging gumagamit ng kapangyarihan at ang panginoon ng lahat ng bagay at ipasya ang lahat ng bagay nang nag-iisa. Ang lahat ng ito’y palatandaan ng mga malasatanas na disposisyon. Ang mga malasatanas na disposisyong ito ay kailangang malinis bago makaranas ang isang tao ng pagbabago sa kanyang disposisyon sa buhay. Ang pagbabago sa disposisyon sa buhay ng isang tao ay isang muling pagkapanganak dahil nagbago na ang kanyang diwa. Dati, noong binigyan siya ng kapangyarian, nagawa niyang likhain ang kanyang sariling kaharian. Ngayon, kapag binibigyan siya ng kapangyarihan, naglilingkod siya sa Diyos, sumasaksi sa Diyos at nagiging lingkod para sa piniling bayan ng Diyos. Hindi ba ito isang tunay na pagbabago? Dati, ipinagyabang niya ang kanyang sarili sa lahat ng sitwasyon at ninais na hangaan at sambahin siya ng ibang mga tao. Ngayon, sumasaksi siya para sa Diyos sa lahat ng dako at hindi na pinangangalandakan ang kanyang sarili. Kahit paano siya tratuhin ng mga tao, ayos lang. Kahit gaano siya punahin ng mga tao, ayos lang. Wala siyang pakialam. Nakatuon lamang siya na parangalan ang Diyos, sumaksi para sa Diyos, tulungan ang mga iba na magkamit ng pagkaunawa sa Diyos, at tulungan ang mga iba na sumunod sa presensya ng Diyos. Hindi ba ito isang pagbabago sa disposisyon sa buhay? “Tatratuhin ko nang may pagmamahal ang mga kapatid. Magiging maunawain ako sa iba sa lahat ng sitwasyon. Hindi ko iisipin ang sarili ko, at magbibigay ako ng pakinabang sa iba. Tutulungan ko ang iba na isulong ang kanilang mga buhay at tuparin ang aking sariling mga responsibilidad. Tutulungan ko ang iba na maintindihan ang katotohanan at matamo ang katotohanan.” Ito ang ibig sabihin ng magmahal sa iba tulad sa iyong sarili! Pagdating kay Satanas, magagawa mong mauunawaan ito, magkaroon ng mga prinsipyo, gumuhit ng linya ng hangganan dito at ganap na ibunyag ang mga kasamaan ni Satanas upang iligtas ang piniling bayan ng Diyos mula sa pinsalang dulot nito. Ito ang pagprotekta sa piniling bayan ng Diyos, at lampas pa ito sa pagmamahal sa iba tulad sa iyong sarili. Dagdag pa, dapat mong mahalin ang minamahal ng Diyos at kamuhian ang kinamumuhian ng Diyos. Ang kinamumuhian ng Diyos ay ang mga anticristo, masasamang espiritu at masasamang tao. Ibig sabihin nito na kailangan din nating kamuhian ang mga anticristo, masasamang espiritu at masasamang tao. Kailangan nating pumanig sa Diyos. Hindi tayo maaaring makipagkasundo sa kanila. Sino ang minamahal ng Diyos? Minamahal ng Diyos ang mga gusto niyang iligtas at pagpalain. Para sa mga taong ito, kailangan tayong maging responsable, tratuhin sila nang may pagmamahal, tulungan, gabayan, paglaanan at suportahan sila. Hindi ba ito pagbabago sa disposisyon sa buhay ng isang tao? Dagdag pa, kapag nakagawa ka ng ilang paglabag o pagkakamali, o napabayaan mo ang mga prinsipyo sa paggawa ng isang bagay, matatanggap mo ang puna, pangungutya, pakikitungo at pagtatabas ng mga kapatid; matratrato mo ang lahat ng mga bagay na ito nang tama at makakamtan sila mula sa Diyos, tatanggapin ito nang may pagpapaubaya, hindi nagtatanim ng poot, at hahanapin ang katotohanan upang lutasin ang iyong sariling katiwalian. Hindi ba ito pagbabago sa iyong disposisyon sa buhay? Oo. …

Maaari bang ang pagbabago sa pag-uugali ng isa na pinag-uusapan sa relihiyosong mundo ang kumatawan sa pagbabago sa disposisyon sa buhay? Sinasabi ng lahat na hindi maaari. Bakit? Ang pangunahing dahilan ay dahil nilalabanan pa rin niya ang Diyos. Kagaya lang ng mga Fariseo na napakabanal sa panlabas. Madalas silang nagdasal, ipinaliwanag nila ang banal na kasulatan at sinunod nilang mabuti ang mga alituntunin ng batas. Masasabi na sa panlabas, walang makukutya sa kanila. Walang makita ang mga tao na mga pagkukulang. Gayunpaman, bakit nagawa pa rin nilang labanan at kondenahin si Cristo? Ano ang ipinahihiwatig nito? Gaano man kabuting tingnan ang mga tao, kung hindi nila taglay ang katotohanan at sa gayon ay hindi nila kilala ang Diyos, lalabanan pa rin nila ang Diyos. Sa panlabas, napakababait nila, nguni’t bakit hindi ito maituturing na pagbabago sa disposisyon sa buhay? Ito’y dahil ang kanilang tiwaling disposisyon ay hindi nagbago ni katiting, at hambog pa rin sila, palalo at lalong mapagmagaling. Naniwala sila sa kanilang sariling kaalaman, mga teoriya at naniwala sila na mayroon silang pinakamabuting pagkaunawa sa mga banal na kasulatan. Naniwala sila na naintindihan nila ang lahat at mas magaling sila kaysa sa mga ibang tao. Ito ang dahilan kaya nilabanan at kinondena nila ang Panginoong Jesus noong nangangaral Siya at ginagawa ang Kanyang gawain. Iyan ang dahilan kaya kapag naririnig ng relihiyosong mundo na ipinahayag ni Cristo ng mga huling araw ang lahat ng katotohanan, kinokondena nila Siya kahit na alam nilang ito ang katotohanan.

—mula sa Mga Sermon at Pagbabahagi Tungkol sa Pagpasok sa Buhay, Tomo 138

Sinundan:Paano Mo Masasabi ang Kaibhan sa Pagitan ng Totoo at ng Bulaang mga Pinuno, at ng Totoo at Bulaang mga Pastol?

Sumunod:Dapat Mong Malaman ang Pinagmumulan ng Pagkontra ng mga Tao sa Bagong Gawain ng Diyos sa Kanilang Pananalig sa Diyos

Baka Gusto Mo Rin