135 Ang Gawain ng Diyos ay Palaging Bago at Hindi Kailanman Luma

Sabi ni Jesus ang gawain ni Jehova’y

nahuli sa Kapanahunan ng Biyaya.

Ang Gawain ni Jesus ay nahuli

tulad ng sabi ng Diyos ngayon.

Kung mayro’n lang sanang

Panahon ng Kautusan,

at hindi Panahon ng Biyaya,

di na sana ‘pinako sa krus si Jesus,

at tao’y ‘di Niya sana natubos.

Di na uulitin pa ng Diyos parehong gawain;

gawain Niya’y laging nagbabago,

gaya ng bagong gawai’t salita Niya sa inyo.

Ito ang Kanyang gawain, at ang susi ay ang

mga salitang “kamangha-mangha” at “bago.”

Ang susi ay ang mga salitang

“kamangha-mangha” at “bago.”


Kung mayro’n lang Panahon ng Kautusan,

tao kaya’y umunlad sana ngayon?

Ang kasaysayan ay nagpapatuloy.

Di ba ‘to likas na batas ng gawain ng Diyos?

Di ba ‘to paglalarawan ng Kanyang

pamamahala sa tao sa sansinukob?

Kalooban ng Diyos ay patuloy na nagbabago;

sumusulong ang kasaysayan,

gaya ng gawain ng Diyos.

Parehong gawai’y ‘di Niya

pananatilihin sa anim na libong taon;

pagka’t Siya’y hindi luma, lagi Siyang bago.

Isang beses ‘pinako sa krus, mapapanatili ba Niya

ang gawaing ito habang-panahon?

Makalawang ‘pinako sa krus?

Ito’y pagkaunawa lamang ng kakatwang tao.

Di na uulitin pa ng Diyos parehong gawain;

gawain Niya’y laging nagbabago,

gaya ng bagong gawai’t salita Niya sa inyo.

Ito ang Kanyang gawain, at ang susi ay ang

mga salitang “kamangha-mangha” at “bago.”

Ang susi ay ang mga salitang

“kamangha-mangha” at “bago.”


“Diyos ‘di nagbabago at lagi Siyang Diyos”;

ito’y kasabihang totoo.

Diwa ng Diyos ay ‘di nagbabago,

at ‘di Siya magiging si Satanas.

Ngunit Kanyang gawai’y

‘di tulad ng Kanyang diwa,

palagian at walang pagbabago.

Pa’no mo ipapaliwanag Siya’y

laging bago’t ‘di luma

kung sinasabi mo’ng ‘di nababago ang Diyos?

Di na uulitin pa ng Diyos parehong gawain;

gawain Niya’y laging nagbabago,

gaya ng bagong gawai’t salita Niya sa inyo.

Ito ang Kanyang gawain, at ang susi ay ang

mga salitang “kamangha-mangha” at “bago.”

Ang susi ay ang mga salitang

“kamangha-mangha” at “bago.”

Gawain Niya’y patuloy na lumalaganap,

at ito’y laging nagbabago.

Kalooban ng Diyos ‘pinapaalam sa tao,

kalooban ng Diyos laging nagpapakita.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paano Maaaring Tumanggap ng mga Paghahayag ng Diyos ang Taong Nililimitahan ang Diyos sa Kanyang mga Kuru-kuro?

Sinundan: 134 Ang Diwa ng Diyos ay Hindi Nababago

Sumunod: 136 Ang Gawain ng Diyos ay Hindi Mananatiling ‘Di Nagbabago

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

281 Panahon

IIsang malungkot na kaluluwa’ng naglalakbay,sinusuri’ng bukas, hinahanap nakalipas,masipag na nagsisikap,naghahangad ng isang pangarap.‘Di...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito