74 O Minamahal Ko, Hinahanap Kita

I

Nasa’n Ka, minamahal ko?

Alam Mo bang hanap-hanap Kita?

‘Pag walang liwanag, kay sakit mabuhay.

Sa kadiliman, hinahanap Kita.

Di ako nawawalan ng puso, o pag-asa,

bagkus mas masigasig na hinahanap Ka.

Inaasam ko na magpakita Kang muli,

‘pag mukha Mo’y nakikita ko.

Oh Diyos, minamahal ko, pinakamaganda,

tulad Ka ng maningning na buwan.

Oh Diyos, minamahal Ko, nabibihag Mo puso ko.

Wala akong ibang mahal bukod sa ‘Yo.

Sa ‘Yo ang puso ko.


II

Narinig Mong tinatawag Kita,

kumakatok sa pinto ng aking puso.

Tinig Mo’y narinig ko at binuksan ang pinto,

sinasalubong ko ang ‘Yong pagbabalik.

Nangyari na ang matagal ko ng inaasahan,

nahaluan ng ligaya ang mga luha.

Katotohana’y dinadala Mo sa sangkatauhan,

nakita ko ang paglitaw ng tunay na liwanag.

Oh Diyos, minamahal ko, pinakamaganda,

tulad Ka ng maningning na buwan.

Oh Diyos, minamahal Ko, nabibihag Mo puso ko.

Wala akong ibang mahal bukod sa ‘Yo.

Sa ‘Yo ang puso ko.


III

Nabubuhay ako sa ‘Yong pamilya,

dumadalo sa pista ng Cordero.

Araw-araw kong tinatamasa salita Mo,

walang kasing saya ang puso ko.

Nawa’y gabayan ako ng ‘Yong mga kamay,

patakbuhin Mo ‘ko nang mabilis sa likuran Mo.

Uhaw akong maging isang matalik Mo,

at makasama Ka sa lahat ng oras.

Oh Diyos, minamahal ko, pinakamaganda,

tulad Ka ng maningning na buwan.

Oh Diyos, minamahal Ko, nabibihag Mo puso ko.

Wala akong ibang mahal bukod sa ‘Yo.

Sa ‘Yo ang puso ko.


IV

Sa ‘Yong paghatol at pagkastigo,

nakikita ko kabanala’t kat’wiran Mo.

Sa salita Mo’y nalinis ako

at napangyari Mo na maipanganak muli.

Katotohana’y nagiging buhay ko,

tinamasa ko pagmamahal Mong tunay.

Mamahalin Kita, paglilingkuran,

laging malapit sa ‘Yo puso ko.

Oh Diyos, minamahal ko, pinakamaganda,

tulad Ka ng maningning na buwan.

Oh Diyos, minamahal Ko, nabibihag Mo puso ko.

Wala akong ibang mahal bukod sa ‘Yo.

Sa ‘Yo ang puso ko.

Sa ‘Yo ang puso ko.

Sinundan: 73 Tingnan Kung Sino ang May Magandang Patotoo sa Diyos

Sumunod: 75 Lumalaganap sa Buong Mundo ang Pagmamahal ng Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

966 Ang Diyos ay Matuwid Sa Lahat

IKung ang tanongay paano hanapin o tratuhin ang Diyos.Ang saloobin mo ang pinakamahalaga.Ang Diyos ay ‘di mapapabayaano maiiwan sa likod ng...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito