136 Ang Gawain ng Diyos ay Hindi Mananatiling ‘Di Nagbabago

I

Laging nais ng Diyos na gawain Niya’y

maging bago’t buhay, ‘di luma’t patay.

Pinasusunod Niya sa tao’y

naiiba sa bawat panahon at yugto.

Ito’y ‘di magpakailanman at pwedeng magbago.

Siya’y Diyos na dulot sa tao’y

maging bago’t buhay,

‘di diyablong dulot sa tao’y

maging luma’t mamatay.


II

May palagay ka sa Diyos na ‘di mabitawan;

dahil masyadong sarado’ng isip mo, ‘di dahil

gawain Niya’y ‘di makatwiran,

malayo sa hangad ng tao,

o pabaya Siya sa tungkulin Niya.


Ika’y masyadong salat sa pagsunod

at wala ni katiting na wangis ng tao.

Kaya ‘di mo mabitawan mga palagay mo.

‘Di ka pinapahirapan ng Diyos.


Ikaw ang sanhi nito, walang kaugnayan sa Diyos.

Likha ng tao ang pagdurusa.


Laging nais ng Diyos na gawain Niya’y

maging bago’t buhay, ‘di luma’t patay.

Pinasusunod Niya sa tao’y

naiiba sa bawat panahon at yugto.

Ito’y ‘di magpakailanman at pwedeng magbago.

Siya’y Diyos na dulot sa tao’y

maging bago’t buhay,

‘di diyablong dulot sa tao’y

maging luma’t mamatay.


III

Saloobin ng Diyos ay laging mabuti.

Ayaw Niyang bumuo ka ng mga palagay.

Nais Niyang magbago ka’t

gawing bago sa panahong dadaan.

Ngunit ‘di mo alam ano’ng mabuti sa ‘yo.


Lagi kang nagsisiyasat, nagsusuri.

Hindi ka pinapahirapan ng Diyos,

ngunit wala kang paggalang sa Diyos,

pagsuway mo’y napakatindi.


Maliit na nilalang, nangangahas kunin ang

ilang walang-kwentang bigay Niya,

saka babaling upang salakayin Siya,

‘di ba ‘to’ng pagsuway ng tao?

Tao’y ‘di nararapat magpahayag

ng pananaw sa harap Niya,

ni ipangalandakan ang walang halagang wika,

ni banggitin yaong inaamag na mga palagay.

‘Di ba ito’y mas lalong walang halaga,

oh, walang halaga?


Laging nais ng Diyos na gawain Niya’y

maging bago’t buhay, ‘di luma’t patay.

Pinasusunod Niya sa tao’y

naiiba sa bawat panahon at yugto.

Ito’y ‘di magpakailanman at pwedeng magbago.

Siya’y Diyos na dulot sa tao’y

maging bago’t buhay,

‘di diyablong dulot sa tao’y

maging luma’t mamatay.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging Yaong mga Nakababatid Lamang ng Gawain ng Diyos Ngayon ang Maaaring Paglingkuran ang Diyos

Sinundan: 135 Ang Gawain ng Diyos ay Palaging Bago at Hindi Kailanman Luma

Sumunod: 137 Ang Lahat ng Gawain ng Diyos ay Pinakapraktikal

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

610 Tularan ang Panginoong Jesus

ⅠTinapos ni Jesus ang misyon ng Diyos,ang pagtubos sa lahat ng taosa paglalagak sa Diyos ng alalahanin N’ya,nang walang pansariling layunin...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito