212 Isang Taos-Pusong Pagsisisi

1 Sa gabing di-makatulog, tagpo-tagpo ng mga alaala ang pumapasok sa aking isipan. Sa maraming taon ng paniniwala sa Panginoon, sumusunod pa rin ako sa makamundong uso; Patuloy akong namumuhay sa kasalanan, nakibahagi sa kalokohan, at nagpakasasa sa mga kasiyahan ng laman. Inisip ko na kung magpapakasipag ako, hindi ako tatalikuran ng Panginoon. Pagkatapos ay narinig ko ang tinig ng Diyos, at natanto na nagpakita na ang Panginoon. Inakala ko na ang pagtataas sa akin sa harap ng Diyos ay ginagarantiyahan ako ng isang bahagi sa kaharian ng langit. Hindi ko kailanman tinanggap ang paghatol at pagbubunyag ng mga salita ng Diyos o nagnilay-nilay sa sarili ko. Sinunod ko ang mga hangarin ko at kusang kumilos, itinuring ang Kanyang mga pagbigkas nang may paghamak. Sa pagbabahagi tungkol sa mga salita ng Diyos, doktrina lamang ang binigkas ko, ngunit pakiramdam ko ay magaling ako. Nang pinungusan at iwinasto, lumaban ako at gumawa ng mga pagdadahilan; Kapag puno ng mga pagsubok, gusto ko palaging tumakas. Hindi ko nakilala ang kaligtasan ng Diyos. Ngayon, nakikita kong hindi ko talaga hinahanap ang katotohanan. Naging napakalayo ko sa mga salita ng Diyos, at nahulog ako sa walang katapusang kadiliman. Hindi magawang madama ang presensiya ng Diyos, napuno ako ng pangamba at pagkabalisa. May takot at panginginig, yumukod ako sa harap ng Diyos, takot na mawala Siya sa akin. Binabasa ko ang mga salita ng Diyos at nagdarasal sa Diyos, inaasam ang Kanyang awa.

2 O Diyos ko! Naririnig Mo ba ang puso ko na sumisigaw sa pagsisisi? Napakadilim at napakasakit ng pagkawala ng Iyong presensiya! Kung wala ang Iyong mga salita, walang alam na liwanag ang puso ko. Nabubuhay ako sa tiwaling disposisyon at pinaglalaruan ako ni Satanas. O Diyos ko! Nais kong magsisi at magsimulang muli. Sana ay hatulan at kastiguhin Mo pa ako. Kahit pa dumating ang mas matitinding pagsubok at pagpipino, basta’t makapamumuhay ako sa harap Mo, makakaya kong pagdusahan ang kahit ano. Malalim ang aking pagkatiwali; hindi ako madadalisay kung wala ang Iyong paghatol. Tanging paghatol ang makapagliligtas sa akin mula kay Satanas. O Diyos ko! Natikman ko na ang katotohanan na ang paghatol at pagkastigo ay pagmamahal. Ang Iyong mga salita ang katotohanan; Ikaw lamang ang makapagliligtas sa akin. Nais kong itangi ang Iyong mga salita at isabuhay ang aking buhay sa mga ito. Hindi na ako muling mabibigo na isabuhay ang Iyong pag-ibig at napakaingat na mga pagsisikap. Isasagawa ko ang katotohanan at isasabuhay ang wangis ng isang tao, magpapatotoo sa Iyong pag-ibig.

Sinundan: 211 May Kirot sa Kaibuturan ng Puso Ko

Sumunod: 213 Isang Pusong Nagsisisi

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

74 O Minamahal Ko, Hinahanap Kita

INasa’n Ka, minamahal ko?Alam Mo bang hanap-hanap Kita?‘Pag walang liwanag, kay sakit mabuhay.Sa kadiliman, hinahanap Kita.Di ako nawawalan...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito