213 Isang Pusong Nagsisisi

1 Sa pamamagitan ng paghatol ng mga salita ng Diyos, nakita ko ang tunay na mukha ng sarili kong katiwalian. Bagama’t naniwala ako sa Diyos at binasa ang Kanyang mga salita, hindi nasabik ang aking puso para sa katotohanan. Kung ano ang ibinigay ko, kung ano ang isinuko ko, kung ano ang ginugol ko—nabahiran ang lahat ng napakasamang mga motibo. Ninais ko lamang na pagpalain ako ng Diyos; hindi ko tunay na minahal ang Diyos kailanman. Ang walang awang paghatol at mga pagsubok ng Diyos ay inilantad ako. Ako ay negatibo, pasibo, mapaminsala sa sarili at abalang-abala pa rin sa aking mga inaasam at kapalaran. Tiningnan ko ang aking pagsama, ang kapangitan ng aking katiwalian, ang mga sakim kong hangarin, at ang huwad kong mukha—paano nga ba ako hindi kasusuklaman ng Diyos?

2 Habang nagmumuni-muni ako sa aking sarili na isinasaalang-alang ang mga salita ng Diyos, biglang nabigyan ng kaliwanagan ang aking isipan: Ang lahat ng mga salita ng Diyos ay ang katotohanan—naging pabaya nga lamang ako sa aking paghahanap. Walang naging pagbabago sa aking disposisyon, namumuhay pa rin ako sa mga lason ni Satanas. Makasarili ako, tuso, mapanlinlang at walang-ingat—nasaan ang aking takot sa Diyos? Lubha akong tiwali, wala akong pagkakahawig sa tao, subalit ninais ko pa ring pagpalain ako ng Diyos. Napakahangal ko! Hindi ko nalaman ang kabanalan at pagiging matuwid ng Diyos. Lumingon ako sa landas na tinahak ko: Saan mayroong anumang tunay na patotoo? May panghihinayang sa aking puso, tunay akong nagsisi sa Diyos. Ninais ko lamang na hanapin ang katotohanan at magsimulang muli.

3 Iniligtas ako ng paghatol ng Diyos, nilinis nito ang aking katiwalian. Hinatulan, kinastigo, at sinubok ako ng Kanyang mga salita, inaalis ang motibasyon kong pagpalain. Naunawaan ko na may halaga at kahulugan lamang ang buhay kapag nakamit ng isang tao ang katotohanan. Sa pagtitiwala na matuwid ang lahat ng ginagawa ng Diyos, dapat akong lubusang sumunod sa Kanya. Nagtiis ng sakit at kahihiyan ang Diyos, ipinapahayag Niya ang katotohanan upang iligtas ang tao. Subalit wala akong naisukli sa Kanya; napuno ang aking puso ng panghihinayang at pagkabalisa. Paano ko hahayaang ipagpatuloy ng Diyos ang Kanyang masakit na pananabik at paghihintay? Pagpalain man ako o magdusa ng kamalasan, nagpasya akong maayos na gampanan ang aking tungkulin, upang kumpletuhin ang aking misyon at magpatotoo sa Diyos.

Sinundan: 212 Isang Taos-Pusong Pagsisisi

Sumunod: 214 Mapalad Kaming Makapaglingkod sa Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito