200 Ang Salita ng Diyos ang Liwanag

Kidlat mula sa Silangan, ginising ako,

nakita ko ang salita ng Diyos na nagpapakita sa katawang-tao.

Mga salita ng paghatol, pagkastigo nilupig at iniligtas ako.

Kabiguan, pagsubok at hirap sinaktan ang puso ko.

Inihayag ang katiwalian ko at akong mayabang, nagyuko ng ulo.

‘Di pagkamarapat, nakita sa aking karungisan.

Sa aking katayuan at dating mga utang,

ako kaya, masama ma’t tiwali, ay nararapat maglingkod sa Diyos?

Kabigua’t problema ay itinama landas ng pananampalataya ko.

Dagok, pagpipino, kahirapan bumubuo sa aking katubusan.

Inilalapit ako nito sa pag-ibig ng Diyos,

at pagpapala ang malaman ang Kanyang matuwid na disposisyon.

Mga salita ng Diyos nililinis at inililigtas ako,

para ako ay mabubuhay nang tunay.

Pagkilala sa Diyos at pagiging saksi Niya,

iibigin Siya’t paglilingkuran.


Diyos sa katawang-tao,

Tagapagligtas ay dumarating, muling dumarating.

Sa paghatol, hirap at pagsubok, nakaharap ko na ang Diyos.

Praktikal na Diyos ay nakilala na, pagliligtas ay natikman na.

Sa pamumuhay sa impiyerno ng kadiliman,

nalaman ko ang mamahalin o kamumuhian.

Naliwanagan ng mga salita ng Diyos,

mga hiwaga ng buhay, naunawaan.

Katawan ng tao’y tiwali, ito’y mga Satanas sa laman.

Mga salita ng Diyos nililinis at inililigtas ako,

para ako ay mabubuhay nang tunay.

Pagkilala sa Diyos at pagiging saksi Niya,

iibigin Siya’t paglilingkuran.


Dahil sa pagdadakila ng Diyos,

maaari kong mahalin at saksihan Siya.

Tangi kong hangarin, pag-ibig Niya’y suklian.

Kanyang paghatol at pagkastigo’y may kahulugan,

Kanyang pag-ibig ay ipinapakita.

Tungkulin kong sundin at mahalin ang Diyos nang may pitagan.

Dapat akong magpatotoo’t maging tapat sa Kanya.

Alay ko ang sarili para sa kalooba’t kaluwalhatian Niya.

Mga salita ng Diyos nililinis at inililigtas ako,

para ako ay mabubuhay nang tunay.

Pagkilala sa Diyos at pagiging saksi Niya,

iibigin Siya’t paglilingkuran.

Mga salita ng Diyos nililinis at inililigtas ako,

para ako ay mabubuhay nang tunay.

Pagkilala sa Diyos at pagiging saksi Niya,

iibigin Siya’t paglilingkuran.

Sinundan: 199 Sa Paggising Ko sa Pagkalito

Sumunod: 201 Lubhang Makabuluhan ang Paghahanap sa Katotohanan

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

74 O Minamahal Ko, Hinahanap Kita

INasa’n Ka, minamahal ko?Alam Mo bang hanap-hanap Kita?‘Pag walang liwanag, kay sakit mabuhay.Sa kadiliman, hinahanap Kita.Di ako nawawalan...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito