Tanong 1: Sabi ng Panginoong Jesus, “Dinirinig ng Aking mga tupa ang Aking tinig(Juan 10:27). Ang Panginoon ay nagbabalik para bumigkas ng mga salita upang tawagin ang Kanyang mga tupa. Ang susi sa paghihintay sa Panginoon ay hangaring marinig ang Kanyang tinig. Pero ngayon, ang mahirap ay di namin alam kung paano pakikinggan ang Kanyang tinig. Di rin namin nakikilala ang tinig ng Diyos, at ang tinig ng tao. Sabihin mo naman sa amin kung paano makatitiyak sa tinig ng Panginoon.

Sagot: Paano natin maririnig ang tinig ng Diyos? Ang kataasan ng ating mga katangian o tagal ng ating karanasan ay hindi kabilang dito. Sa paniniwala kay Panginoong Jesus, ano ang nadarama natin sa pakikinig sa Kanyang salita? Kahit wala tayong alam o karanasan sa salita ng Panginoon, kapag narinig natin ito, dama nating totoo ito, na may kapangyarihan at awtoridad ito. Paano ito nadarama? Dahil ba sa ating karanasan? Epekto ito ng inspirasyon at intuwisyon. Sapat na patunay ito na nadarama ng taong may puso’t diwa na may kapangyarihan at awtridad ang salita ng Diyos; ito ang pagdinig sa tinig ng Diyos. At ang pinakamalaking pagkakaiba ng tinig ng Diyos at tinig ng tao ay ang tinig ng Diyos ang katotohanan at may kapangyarihan at awtoridad; agad natin itong nadarama. Kahit nailalarawan natin ito sa salita, damang-dama ito. Mas madaling makilala ang tinig ng tao; pagkarinig natin dito ay dama nating nauunawaan at nakakamit ito. Wala tayong nadaramang kapangyarihan o awtoridad sa salita ng tao, at ni di natin mapagtitibay na katotohanan nito. Ito ang malaking kaibhan ng salita ng Diyos at salita ng tao. Halimbawa, nakikita nating may kapangyarihan at awtoridad ang salita ng Panginoong Jesus; pagkarinig dito’y alam nating katotohanan ito, malalim at mahiwaga ang mga ito. Ngayon, ang salita naman ng mga apostol sa Biblia. Kahit karamihan ay mula sa liwanag na dulot ng Banal na Espiritu, wala itong awtoridad o kapangyarihan. Tama lang ang mga ito, mga salitang pakikinabangan ng tao. Talakayin din natin, mabibigkas ba ng tao ang mga salita ng Panginoong Jesus? Walang makagagawa nito. Ang salita ng Panginoong Jesus ang tinig ng Diyos. Sa ganitong paghahambing, di ba natin nakikita ang kaibhan ng tinig ng Diyos, at ng tinig ng tao?

Kaya panoorin naitn ang video ng salita ng Makapangyarihang Diyos. Makinig tayo at tingnan kung katotohanan at tinig ng Makapangyarihang Diyos ang salita ng Makapangyarihang Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Sa buong sansinukob ginagawa Ko ang Aking gawain, at sa Silangan, walang humpay ang mga dagundong ng kulog, niyayanig ang lahat ng bansa at denominasyon. Ang Aking tinig ang nag-akay sa lahat ng tao sa kasalukuyan. Sinasanhi Ko na malupig ng Aking tinig ang lahat ng tao, upang madala sila sa daloy na ito, at magpasakop sa Aking harapan, sapagkat matagal Ko nang binawi ang Aking kaluwalhatian mula sa buong mundo at muli itong inilabas sa Silangan. Sino ang hindi nasasabik na makita ang Aking kaluwalhatian? Sino ang hindi sabik na naghihintay sa Aking pagbabalik? Sino ang hindi nauuhaw sa Aking muling pagpapakita? Sino ang hindi nananabik sa Aking kariktan? Sino ang hindi lalapit sa liwanag? Sino ang hindi hahanga sa kasaganaan ng Canaan? Sino ang hindi nananabik sa pagbabalik ng Manunubos? Sino ang hindi sumasamba sa Kanya na dakila ang kapangyarihan? Ang Aking tinig ay lalaganap sa buong mundo; haharapin Ko ang mga taong Aking hinirang at sasambit Ako ng iba pang mga salita sa kanila. Gaya ng malalakas na kulog na yumayanig sa mga bundok at ilog, sinasambit Ko ang Aking mga salita sa buong sansinukob at sa sangkatauhan. Kaya naman ang mga salita sa Aking bibig ay naging yaman na ng tao, at itinatangi ng lahat ng tao ang Aking mga salita. Kumikidlat mula sa Silangan hanggang sa Kanluran. Ang Aking mga salita ay ayaw isuko ng tao at kasabay nito ay hindi rin niya ito maarok, kundi mas nagagalak dito. Natutuwa at nagagalak ang lahat ng tao, ipinagdiriwang ang Aking pagparito, na tila ba kasisilang lamang ng isang sanggol. Sa pamamagitan ng Aking tinig, dadalhin Ko ang lahat ng tao sa Aking harapan. Mula roon, pormal Akong papasok sa lahi ng mga tao para lumapit sila upang sambahin Ako. Taglay ang kaluwalhatiang nababanaag sa Akin at ang mga salita sa Aking bibig, Pahaharapin Ko ang lahat ng tao sa Akin at makikita nila na kumikidlat mula sa Silangan at na bumaba na rin Ako sa ‘Bundok ng mga Olibo’ sa Silangan. Makikita nila na matagal na Akong nasa lupa, hindi na bilang Anak ng mga Judio kundi bilang Kidlat ng Silanganan. Sapagkat matagal na Akong nabuhay na muli, at nahiwalay sa sangkatauhan, pagkatapos ay muli Akong nagpakita nang may kaluwalhatian sa mga tao. Ako Siya na sinamba napakahabang panahon na ang nakalipas bago ngayon, at Ako rin ang sanggol na tinalikuran ng mga Israelita napakahabang panahon na ang nakalipas bago ngayon. Bukod dito, Ako ang napakamaluwalhating Makapangyarihang Diyos ng kasalukuyang panahon! Hayaang lumapit ang lahat sa Aking luklukan at makita ang Aking maluwalhating mukha, marinig ang Aking tinig, at mamasdan ang Aking mga gawa. Ito ang kabuuan ng Aking kalooban; ito ang wakas at kasukdulan ng Aking plano, gayon din ang layunin ng Aking pamamahala: ang gawin Akong sambahin ng bawat bansa, kilalanin Ako ng bawat wika, ipahingalay sa Akin ng bawat tao ang kanyang pananampalataya, at magpailalim sa Akin ang bawat tao!(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dumadagundong ang Pitong Kulog—Nagpopropesiya na ang Ebanghelyo ng Kaharian ay Lalaganap sa Buong Sansinukob).

Kapag ibinabaling Ko ang Aking mukha sa sansinukob upang magsalita, naririnig ng buong sangkatauhan ang Aking tinig, at pagkatapos ay nakikita ang lahat ng Aking nagawa sa buong sansinukob. Yaong mga lumalaban sa Aking kalooban, ibig sabihin, yaong mga kumokontra sa Akin sa mga gawa ng tao, ay sasailalim sa Aking pagkastigo. Kukunin Ko ang napakaraming bituin sa kalangitan at paninibaguhin ang mga ito, at dahil sa Akin, ang araw at ang buwan ay mapapanibago—ang kalangitan ay hindi na magiging gaya ng dati at ang napakaraming bagay sa lupa ay mapapanibago. Lahat ay magiging ganap sa pamamagitan ng Aking mga salita. Ang maraming bansa sa loob ng sansinukob ay muling hahati-hatiin at papalitan ng Aking kaharian, kaya ang mga bansa sa ibabaw ng lupa ay maglalaho magpakailanman at lahat ay magiging isang kaharian na sumasamba sa Akin; lahat ng bansa sa lupa ay mawawasak at titigil sa pag-iral. Sa mga tao sa loob ng sansinukob, lahat ng nabibilang sa diyablo ay lilipulin, at lahat ng sumasamba kay Satanas ay isasadlak sa Aking naglalagablab na apoy—ibig sabihin, maliban doon sa mga sumusunod sa agos, lahat ay magiging abo. Kapag kinakastigo Ko ang maraming tao, yaong mga nasa relihiyosong mundo, sa iba’t ibang lawak, ay babalik sa Aking kaharian, na nalupig ng Aking mga gawa, dahil nakita na nila ang pagdating ng Banal na nakasakay sa isang puting ulap. Lahat ng tao ay paghihiwa-hiwalayin ayon sa sarili nilang uri, at tatanggap ng mga pagkastigo na nararapat sa kanilang mga kilos. Lahat ng kumalaban sa Akin ay masasawi; yaon namang mga hindi Ako kasali sa kanilang mga gawa sa lupa, sila, dahil sa paraan ng pagpapawalang-sala nila sa kanilang sarili, ay patuloy na iiral sa lupa sa ilalim ng pamamahala ng Aking mga anak at Aking mga tao. Ihahayag Ko ang Aking sarili sa napakaraming tao at sa napakaraming bansa, at sa sarili Kong tinig, maririnig Ako sa ibabaw ng lupa, na ipinapahayag ang pagkumpleto ng Aking dakilang gawain para makita ng buong sangkatauhan sa sarili nilang mga mata.

… Nang likhain Ko ang mundo, ginawa Ko ang lahat ng bagay ayon sa kanilang uri, na isinasama ang lahat ng bagay na magkakapareho ang anyo sa kauri ng mga ito. Habang nalalapit ang pagtatapos ng Aking plano ng pamamahala, ipanunumbalik Ko ang dating kalagayan ng paglikha; ipanunumbalik Ko ang lahat ng bagay sa orihinal nitong ayos, na gumagawa ng malaking pagbabago sa lahat ng bagay, upang lahat ng bagay ay mabalik sa pinagmulan ng Aking plano. Dumating na ang panahon! Ang huling yugto ng Aking plano ay malapit nang matupad. Ah, maruming lumang mundo! Tiyak na sasailalim ka sa Aking mga salita! Tiyak na mawawalan ka ng halaga ayon sa Aking plano! Ah, ang napakaraming bagay ng paglikha! Magtatamo kayong lahat ng bagong buhay ayon sa Aking mga salita—mapapasainyo ang inyong Panginoong makapangyarihan sa lahat! Ah, dalisay at walang-bahid dungis na bagong mundo! Tiyak na muli kang mabubuhay sa loob ng Aking kaluwalhatian! Ah, Bundok ng Sion! Huwag nang manahimik—nakabalik na Ako nang matagumpay! Mula sa gitna ng paglikha, sinisiyasat Ko ang buong daigdig. Sa lupa, nagsimula na ng bagong buhay at nagkamit na ng bagong pag-asa ang sangkatauhan. Ah, Aking mga tao! Paanong hindi kayo muling mabubuhay sa loob ng Aking liwanag? Paanong hindi kayo magtatalunan sa galak sa ilalim ng Aking patnubay? Nagsisigawan sa saya ang mga lupain, namamaos sa masayang paghalakhak ang katubigan! Ah, ang nabuhay na mag-uling Israel! Paanong hindi ka magmamalaki dahil sa Aking itinakdang hantungan? Sino ang napaiyak? Sino ang napahagulgol? Ang dating Israel ay nawala na, at ang Israel sa ngayon ay nagbangon na, nang tuwid at matayog sa mundo, at nakatayo sa puso ng buong sangkatauhan. Tiyak na matatamo ng Israel ngayon ang pinagmumulan ng pag-iral sa pamamagitan ng Aking mga tao! Ah, kasuklam-suklam na Egipto! Siguro naman ay hindi ka na laban sa Akin? Paano mo nagagawang samantalahin ang Aking awa at sinusubukang takasan ang Aking pagkastigo? Paanong hindi ka makairal sa loob ng Aking pagkastigo? Lahat ng Aking minamahal ay tiyak na mabubuhay nang walang hanggan, at lahat ng laban sa Akin ay tiyak na kakastiguhin Ko nang walang hanggan. Sapagkat Ako ay isang mapanibughuing Diyos at hindi Ko basta patatawarin ang mga tao sa lahat ng kanilang nagawa. Babantayan Ko ang buong daigdig at, habang nagpapakita sa Silangan ng mundo nang may katuwiran, kamahalan, poot, at pagkastigo, ihahayag Ko ang Aking sarili sa napakaraming hukbo ng sangkatauhan!(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 26).

Sa pagbabasa ng salita ng Makapangyarihang Diyos; dama nating nagsasalita Siya sa lahat ng tao. Bukod sa Diyos, sino ang makapagsasalita sa sangkatauhan? Sino ang makapagsasabi sa mga tao tungkol sa pakay Niyang iligtas ang mga tao? Sino ang makapagsasabi sa mga tao tungkol sa plano ng Diyos sa Kanyang gawain sa mga huling araw at sa resulta a t destinasyon ng tao? Sino ang makapagsasabi ng mga batas ng pamamahala ng Diyos? Wala, maliban sa Diyos. Ang Makapangyarihang Diyos ay nagsasalita sa lahat ng tao at ipinadarama sa tao ang kapangyarihan at awtoridad ng salita ng Diyos; ang Kanyang salita ay direktang pahayag ng Diyos, ito ang tinig ng Diyos! Lahat ng salita ng Makapangyarihang Diyos ay parang ang Diyos ay nakatayo sa ikatlong langit at nagsasalita sa lahat, nagsasalita ang Makapangyarihang Diyos sa sangkatauhan bilang Manlilikha, ipinakikita sa tao ang Kanyang di nasasaktang disposisyon ng pagkamakatwiran at pagkamaharlika. Kapag naririnig ng tupa ng Diyos ang salita ng Makapangyarihang Diyos, kahit na di nila nauunawaan ang katotohanan nito sa simula, at kahit wala silang karanasan ukol dito, dama nila na bawat salita ng Makapangyarihang Diyos ay may kapangyarihan at awtoridad at natitiyak na ito ang tinig ng Diyos at ang direktang pagbigkas ng Espiritu ng Diyos. Kailangan lang marinig ng taong hinirang ng Diyos ang salita ng Diyos para matiyak na ito ay Kanyang tinig. Bakit kinokondena ng mga pastor at elder na iyon ang Makapangyarihang Diyos? Tungkol sa mga anticristo na di kumikilala sa pagkakatawang-tao ng Diyos, at di inaamin na kayang bigkasin ng Diyos ang katotohanan, kahit nakikita nila ng katotohanang binibigkas ng Diyos at damang may kapangyarihan at awtoridad ang Kanyang salita, di pa rin sila naniniwala na makapagsasalita ang Diyos sa ganitong paraan at hindi inaamin na lahat ng sinasabi ng Diyos ay totoo. Ano ang isyu dito? Alam ba ninyo? Ang Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao sa huling araw ay nangungusap sa lahat, ngunit ilan ang nakaririnig sa tinig ng Diyos? Sa ngayon maraming relihiyon ang nakakakita na nagsasalita ang Makapangyarihang Diyos, pero di nila mahiwatigan na ito ang tinig ng Diyos; itinuturing pa nilang salita ng tao ang salita ng Diyos, at lumalayo pa na ginagamit ang mga pagkaintindi ng tao para hatulan, siraan at ikondena Siya. Ang mga tao bang ito’y may takot sa Diyos? Hindi ba sila katulad ng mga Fariseo noon? Galit silang lahat sa katotohanan at kinokondena ang Diyos. Ang salita ng Diyos ay may awtoridad, kapangyarihan, at di nila naririnig kahit kaunti na ito ang tinig ng Diyos. Ang ganito bang tao ay maaaring maging tupa ng Diyos? Ang bulag ang kanilang puso; kahit naririnig nila, hindi nila alam, at kahit nakikita nila, di nila nauunawaan. Paano magiging marapat man lang na madala ang gayong mga tao? Ang Diyos na nagkatawang-tao sa huling araw ay bumigkas ng katotohanan, at inilantad ang tao sa mga relihiyon: ang mga tunay na mananampalataya at ang huwad, ang mga nagmamahal sa katotohanan at ang mga nasusuklam dito, ang matatalino at mangmang na dalaga. Lahat ng tao ay nahahati, bawat isa sa kanilang mga uri. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Kakastiguhin ng mga salitang sinabi mula sa bibig ng Diyos ang lahat ng buktot, pagpapalain ng mga salitang sinabi mula sa bibig Niya ang lahat ng matuwid…(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dumating Na ang Milenyong Kaharian). Dahil dito, ang mga nakakarinig sa tinig ng Diyos ay nakasalubong sa ikalawang pagdating ng Panginoon, at dinala sa harapan ng trono ng Diyos at dumadalo sa hapunan ng kasal ng Cordero. Ang mga taong ito ang matatalinong dalaga, at ang pinaka-mapalad sa sangkatauhan.

Para marinig ang tinig ng Diyos dapat tayong makinig sa puso at diwa. Katulad ng mga kaisipan na madaling nauunawaan ng bawat isa. Ang mga salita ng Diyos ay ang katotohanan, may kapangyarihan at awtoridad ang mga ito; ang mga may puso at diwa ay tiyak na madarama ito. Maraming tao, matapos basahin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos sa loob lamang ng ilang araw, ay mapagtitibay na ito ang tinig ng Diyos at ang Kanyang mga pagbigkas. Sa tuwing nagkakatawang-tao ang Diyos dumarating Siya upang gawin ang isang yugto ng gawain; hindi tulad ng mga propeta na, sa pamamagitan ng mga utos ng Diyos, ay inihahatid ang kaunting salita sa isang partikular na konteksto. Kapag nagkakatawang-tao ang Diyos para gumawa, bumibigkas Siya ng maraming salita; ng maraming katotohanan, ibinbunyag ang mga hiwaga at propesiya. Kailangan ng maraming taon o mga dekada para makumpleto. Halimbawa, ang gawain ng pagtubos, unang sinabi ng Panginoong Jesus “Mangagsisi kayo: sapagka’t malapit na ang kaharian ng langit(Mateo 4:17), at tinuruan ang tao ng pagkumpisal, pagsisisi, pagpapatawad, pagtitiis at pagdurusa at pagpasan ng kanyang krus, at ng iba pang dapat sundin ng tao sa Kapanahunan ng Biyaya. Ipinakita Niya ang disposisyon ng pag-ibig at awa ng Diyos, at ibinunyag din ang hiwaga ng kaharian ng langit, at mga kondisyon kung paano tayo papasok dito; noon lang ipako Siya sa krus, nang muli Siyang mabuhay, at umakyat sa langit nakumpleto ang gawain ng pagtubos ng Diyos. Ang mga salita ng Panginoong Jesus ay lahat ng katotohanang bigay ng Diyos sa tao sa Kanyang gawain ng pagtubos. Ang Makapangyarihang Diyos ay dumating sa mga huling araw, at binigkas ang lahat ng katotohanan na naglilinis at nagliligtas sa tao. Ginawa Niya ang paghatol na nagsisimula sa bahay ng Diyos, at ibinunyag sa tao ang Kanyang likas na disposisyon at pagkamatuwid. Ibinunyag Niya ang lahat ng hiwaga ng Kanyang plano ng pamamahala na umabot ng anim na libong taon. Binuksan Niya ang Kapanahunan ng Kaharian at winakasan ang Kapanahunan ng Biyaya. Ang salita ng Makapangyarihang Diyos ay likas na pagbuhos ng diwa ng buhay ng Diyos at pagpapahayag ng Kanyang disposisyon; ito ang buong gawain ng salita ng Diyos sa mga huling araw para lubusang linisin at iligtas ang tao. Basahin natin ang ilan sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos, at pakinggan kung ito ang katotohanan at tinig ng Diyos.

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang gawain ng Diyos sa kasalukuyang pagkakatawang-tao ay upang ipahayag ang Kanyang disposisyon una sa lahat sa pamamagitan ng pagkastigo at paghatol. Batay sa pundasyong ito, naghahatid Siya ng dagdag na katotohanan sa tao at nagtuturo sa kanya ng iba pang mga paraan ng pagsasagawa, sa gayon ay nakakamit ang Kanyang layuning lupigin ang tao at iligtas siya mula sa kanyang sariling tiwaling disposisyon. Ito ang nasa likod ng gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita).

Ang Cristo ng mga huling araw ay gumagamit ng iba’t ibang katotohanan para maturuan ang tao, para ibunyag ang diwa ng tao, at suriin ang kanyang mga salita at gawa. Ang mga salitang ito ay binubuo ng iba’t ibang katotohanan, gaya ng tungkulin ng tao, paano dapat sundin ng tao ang Diyos, paano dapat maging tapat ang tao sa Diyos, paano dapat isabuhay ang normal na pagkatao, gayundin ang karunungan at disposisyon ng Diyos, at iba pa. Ang mga salitang ito ay nakatuon lahat sa diwa ng tao at sa kanyang tiwaling disposisyon. Partikular na, yaong mga salitang naglalantad kung paano tinatanggihan ng tao ang Diyos ay sinasabi patungkol sa kung paano kinakatawan ng tao si Satanas, at naging puwersa ng kaaway laban sa Diyos. Sa pagsasakatuparan ng Kanyang gawain ng paghatol, hindi lamang basta nililinaw ng Diyos ang likas na pagkatao ng tao sa iilang salita lamang; inilalantad, pinakikitunguhan, at tinatabas Niya nang pangmatagalan. Ang lahat ng ganitong mga pamamaraan ng paglalantad, pakikitungo, at pagpupungos ay hindi maaaring mahalinhan ng mga ordinaryong salita, kundi ng katotohanang hindi man lang taglay ng tao. Ang ganitong klaseng mga pamamaraan lamang ang matatawag na paghatol; sa pamamagitan lamang ng ganitong uri ng paghatol masusupil ang tao at makukumbinsi nang husto tungkol sa Diyos, at bukod pa riyan ay makamtan ang tunay na pagkakilala sa Diyos. Ang idinudulot ng gawain ng paghatol ay ang pagkaunawa ng tao sa tunay na mukha ng Diyos at sa katotohanan tungkol sa kanyang sariling pagkasuwail. Ang gawain ng paghatol ay nagbibigay-daan sa tao na magtamo ng malawak na pagkaunawa sa kalooban ng Diyos, sa layunin ng gawain ng Diyos, at sa mga hiwagang hindi niya maunawaan. Tinutulutan din nito ang tao na makilala at malaman ang kanyang tiwaling diwa at ang mga ugat ng kanyang katiwalian, gayundin para matuklasan ang kapangitan ng tao. Ang mga epektong ito ay bunga lahat ng gawain ng paghatol, sapagkat ang diwa ng gawaing ito ay ang mismong gawain ng pagbubukas ng katotohanan, ng daan, at ng buhay ng Diyos sa lahat ng may pananampalataya sa Kanya. Ang gawaing ito ay ang gawain ng paghatol na ginagawa ng Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan).

Dumating na ang mga huling araw. Lahat ng bagay na nilikha ay pagbubukud-bukurin ayon sa uri nila, at hahatiin sa iba’t ibang kategorya ayon sa kanilang kalikasan. Ito ang sandali na ibubunyag ng Diyos ang kalalabasan at hantungan ng sangkatauhan. Kung hindi sasailalim sa pagkastigo at paghatol ang mga tao, walang paraan para mailantad ang kanilang pagsuway at pagiging di-matuwid. Sa pamamagitan lamang ng pagkastigo at paghatol mahahayag ang kalalabasan ng lahat ng nilikha. Ipinapakita lamang ng tao ang kanyang tunay na kulay kapag siya ay kinakastigo at hinahatulan. Ang masasama ay isasama sa masasama, ang mabubuti sa mabubuti, at ang buong sangkatauhan ay pagbubukud-bukurin ayon sa kanilang uri. Sa pamamagitan ng pagkastigo at paghatol, ang kalalabasan ng lahat ng nilikha ay mahahayag, para maparusahan ang masasama at magantimpalaan ang mabubuti, at lahat ng tao ay sasailalim sa pamamahala ng Diyos. Ang buong gawaing ito ay kailangang magawa sa pamamagitan ng matuwid na pagkastigo at paghatol. Dahil umabot na sa sukdulan ang katiwalian ng tao at napakalala na ng kanyang pagsuway, ang matuwid na disposisyon lamang ng Diyos, na pangunahing pinagsama ng pagkastigo at paghatol at inihahayag sa mga huling araw, ang ganap na babago at bubuo sa tao. Ang disposisyong ito lamang ang makapaglalantad sa kasamaan at sa gayon ay makapagbibigay nang matinding parusa sa lahat ng hindi matuwid. … Sa mga huling araw, ang matuwid na paghatol lamang ang makapaghihiwalay sa tao ayon sa kanilang uri at makapagdadala sa kanila sa isang bagong kaharian. Sa ganitong paraan, ang buong kapanahunan ay dadalhin sa katapusan sa pamamagitan ng matuwid na disposisyon ng paghatol at pagkastigo ng Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos 3).

Nauunawaan mo na ba ngayon kung ano ang paghatol at ano ang katotohanan? Kung naunawaan mo na, ipinapayo Ko na masunuring magpasakop sa pagpapahatol, kung hindi ay hindi ka magkakaroon ng pagkakataon kailanman na papurihan ng Diyos o madala Niya sa Kanyang kaharian. Yaong mga tumatanggap lamang ng paghatol ngunit hindi kailanman maaaring mapadalisay, ibig sabihin, yaong mga nagsisitakas sa gitna ng gawain ng paghatol, ay kamumuhian at itatakwil ng Diyos magpakailanman. Ang kanilang mga kasalanan ay mas marami, at mas mabigat, kaysa roon sa mga Fariseo, sapagkat napagtaksilan nila ang Diyos at naghimagsik sila laban sa Diyos. Ang gayong mga tao na ni hindi karapat-dapat na magsagawa ng paglilingkod ay tatanggap ng mas mabigat na parusa, isang parusang bukod diyan ay pangwalang-hanggan. Hindi patatawarin ng Diyos ang sinumang taksil na minsan ay nagpakita ng katapatan sa mga salita subalit ipinagkanulo Siya pagkatapos. Ang ganitong mga tao ay gagantihan sa pamamagitan ng kaparusahan ng espiritu, kaluluwa, at katawan. Hindi ba ito mismo ang paghahayag ng matuwid na disposisyon ng Diyos? Hindi ba ito ang layunin ng Diyos sa paghatol sa tao, at pagbubunyag sa kanya? Ipapadala ng Diyos ang lahat ng gumagawa ng lahat ng uri ng masamang gawa sa panahon ng paghatol sa isang lugar na pinamumugaran ng masasamang espiritu, at hahayaan ang masasamang espiritung ito na wasakin ang kanilang katawang laman ayon sa gusto nila at ang kanilang katawan ay mangangamoy bangkoy. Iyon ang nararapat na ganti sa kanila. Isinusulat ng Diyos sa kanilang mga talaang aklat ang bawat isa sa mga kasalanan niyaong mga nananalig na hindi tapat at huwad, mga huwad na apostol, at mga huwad na manggagawa; pagkatapos, sa tamang panahon, itatapon Niya sila sa gitna ng maruruming espiritu, at hahayaan ang maruruming espiritung ito na dungisan ang kanilang buong katawan ayon sa gusto nila, upang hindi na sila makapagkatawang-taong muli kailanman at hindi na makitang muli ang liwanag kailanman. Yaong mga ipokrito na minsang naglingkod ngunit hindi nanatiling tapat hanggang sa huli ay ibinibilang ng Diyos sa masasama, kaya bumabagsak sila sa pakikipagsosyo sa mga masasama at nagiging bahagi ng kanilang magulong grupo; sa huli, pupuksain sila ng Diyos. Isinasantabi at hindi pinapansin ng Diyos yaong mga hindi kailanman naging tapat kay Cristo o hindi naglaan ng anumang pagsisikap, at pupuksain silang lahat sa pagbabago ng mga kapanahunan. Hindi na sila iiral sa lupa, at lalong hindi makapapasok sa kaharian ng Diyos. Yaong hindi kailanman naging tapat sa Diyos ngunit napilitan dahil sa kanilang kalagayan na humarap sa Kanya nang madalian ay ibinibilang sa mga yaong naglilingkod para sa Kanyang bayan. Iilan lamang sa mga taong iyon ang mananatiling buhay, samantalang ang karamihan ay mamamatay na kasama ng mga nagbigay ng serbisyo na hindi umabot sa pamantayan. Sa huli, dadalhin ng Diyos sa Kanyang kaharian ang lahat ng tao na ang isipan ay kaayon ng Diyos, ang mga tao at ang mga anak ng Diyos pati na yaong mga itinakda ng Diyos na maging mga saserdote. Sila ang magiging bunga ng paglilinis na mula sa gawain ng Diyos. Patungkol sa mga yaong hindi kabilang sa anumang kategoryang inilatag ng Diyos, ibibilang sila sa mga di-mananampalataya—at tiyak na maiisip ninyo kung ano ang kanilang kahihinatnan. Nasabi Ko na sa inyo ang lahat ng dapat Kong sabihin; kayo ang magpapasiya kung aling landas ang inyong pipiliin. Ang dapat ninyong maunawaan ay ito: Ang gawain ng Diyos ay hindi kailanman naghihintay sa sinumang hindi nakakasabay sa Kanya, at ang matuwid na disposisyon ng Diyos ay hindi nagpapakita ng awa sa sinumang tao(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan).

Sa mga huling araw binibigkas ng Makapangyarihang Diyos ang katotohanan at ginagawa ang Kanyang paghatol. Ibinubunyag ng Kanyang salita ang diwa at tunay na kalagayan ng katiwalian ng lahat ng tao; ganap nilang inilalantad ang bawat pagkalaban ng tao sa Diyos at ang pagkababad ng tao sa makademonyong disposisyon, at ipinakikita nito sa tao ang di nasasaktang disposisyon ng kabanalan at pagkamatuwid ng Diyos. Nakita ng tao ang pagpapakita at gawain ng Diyos, at isa-isang bumaling sa Diyos, at tinanggap ang pagliligtas ng Diyos. Ang Makapangyarihang Diyos ay nagpapahayag ng katotohanan para hatulan ang tao, at nagpapatupad muna ng paghatol at pagkastigo sa Kanyang mga salita sa lahat ng sumasampalataya sa Diyos, at inilalantad ang tunay na kalikasan at totoong pangyayari sa relihiyon na nagsasabing naniniwala sila sa Diyos pero kinakalaban ang Diyos. Tingnan natin kung paano ito ipinaliwanag ng salita ng Makapangyarihang Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Tinitingala Ako ng tao sa langit at nagtutuon ng natatanging malasakit sa pag-iral Ko sa langit, subalit walang nagmamalasakit sa Akin sa katawang-tao, dahil Ako na namumuhay kasama ng tao ay sobrang walang halaga. Yaong mga tanging naghahangad lamang ng pagiging-magkaayon sa mga salita sa Biblia at tanging naghahangad lamang ng pagiging-magkaayon sa malabong Diyos ay mga kahabag-habag sa paningin Ko. Iyon ay dahil ang sinasamba nila ay patay na mga salita, at isang Diyos na may kakayahang bigyan sila ng hindi mabilang na kayamanan; ang sinasamba nila ay isang Diyos na inilalagay ang sarili Niya sa awa ng tao—isang Diyos na hindi umiiral. Ano, kung gayon, ang makakamit ng ganitong mga tao mula sa Akin? Masyadong mababa ang tao para sa mga salita. Yaong mga laban sa Akin, na gumagawa ng walang katapusang mga paghingi sa Akin, na mga walang pagmamahal sa katotohanan, na mga mapanghimagsik tungo sa Akin—paano sila magiging kaayon sa Akin?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dapat Mong Hangarin ang Daan ng Pagiging Kaayon ni Cristo).

Ang inyong puso ay puno ng kasamaan, pagkakanulo, at panlilinlang—at yamang ganoon, gaano sa pag-ibig ninyo ang marumi? Iniisip ninyong sapat na ang naisuko ninyo para sa Akin; iniisip ninyong ang inyong pagmamahal para sa Akin ay sapat na. Ngunit kung ganoon, bakit ang mga salita at kilos ninyo ay lagi pa ring mapanghimagsik at mapanlinlang? Sumusunod kayo sa Akin, datapuwa’t hindi ninyo kinikilala ang Aking salita. Itinuturing ba itong pag-ibig? Sumusunod kayo sa Akin, ngunit isinasantabi naman Ako. Itinuturing ba itong pag-ibig? Sumusunod kayo sa Akin, ngunit hindi kayo nagtitiwala sa Akin. Itinuturing ba itong pag-ibig? Sumusunod kayo sa Akin, ngunit hindi ninyo tinatanggap ang Aking pag-iral. Itinuturing ba itong pag-ibig? Sumusunod kayo sa Akin, ngunit hindi ninyo Ako itinuturing nang angkop sa kung sino Ako, at pinahihirapan Ako sa bawat banda. Itinuturing ba itong pag-ibig? Sumusunod kayo sa Akin, ngunit sinusubukan ninyo Akong lokohin at nililinlang Ako sa bawat pagkakataon. Itinuturing ba itong pag-ibig? Naglilingkod kayo sa Akin, ngunit hindi kayo takot sa Akin. Itinuturing ba itong pag-ibig? Tinututulan ninyo Ako sa lahat ng paraan at sa lahat ng bagay. Itinuturing ba ang lahat ng ito bilang pag-ibig? Totoo, malaki na ang naisakripisyo ninyo, gayon pa man ay hindi ninyo kailanman isinagawa kung ano ang kinakailangan Ko sa inyo. Maituturing ba itong pag-ibig? Ipinapakita ng maingat na pagninilay-nilay na wala kahit katiting na pahiwatig ng pag-ibig para sa Akin sa loob ninyo. Pagkatapos ng napakaraming taon ng gawain at sa dami ng mga salitang naitustos Ko, gaano ba karami ang tunay ninyong natamo? Hindi ba ito karapat-dapat sa isang maingat na pagbabalik-tanaw?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Marami ang Tinawag, Datapuwa’t Kakaunti ang Nahirang).

Ang layunin ng pananampalataya ninyo sa Diyos ay gamitin Siya upang makamit ang inyong mga layunin. Hindi ba ito, sa karagdagan, na isang katunayan na pinasasakitan ninyo ang disposisyon ng Diyos? Naniniwala kayo sa pag-iral ng Diyos na nasa langit at itinatatwa yaong sa Diyos na nasa lupa, subalit hindi Ko kinikilala ang mga pananaw ninyo; pinapupurihan Ko lamang yaong mga taong pinananatili ang mga paa nila sa lupa at naglilingkod sa Diyos na nasa lupa, ngunit hindi kailanman yaong mga hindi kumikilala sa Cristo na nasa lupa. Gaano man katapat sa Diyos na nasa langit ang ganitong mga tao, sa huli ay hindi pa rin nila matatakasan ang Aking kamay na nagpaparusa sa mga buktot. Buktot ang mga taong ito; sila ang mga masasamang sumasalungat sa Diyos at hindi kailanman masayang sumunod kay Cristo. Mangyari pa, kasama sa kanilang bilang lahat yaong mga hindi nababatid, at, dagdag pa, hindi kinikilala si Cristo(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paano Mababatid ang Diyos na Nasa Lupa).

Naging tiwali ang tao at namumuhay sa bitag ni Satanas. Nabubuhay sa laman ang lahat ng mga tao, nabubuhay sa mga makasariling pagnanasa, at walang ni isa man sa kanila ang kaayon sa Akin. Mayroong yaong mga nagsasabing kaayon sila sa Akin, ngunit ang ganitong mga tao ay sumasamba lahat sa mga malalabong diyos-diyosan. Bagamat kinikilala nilang banal ang pangalan Ko, tumatahak sila sa landas na taliwas sa Akin, at puno ang mga salita nila ng pagmamataas at kumpiyansa sa sarili. Ito ay dahil, sa ugat, laban silang lahat sa Akin at hindi kaayon sa Akin(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dapat Mong Hangarin ang Daan ng Pagiging Kaayon ni Cristo).

Nakilala natin mula sa paghatol ng salita ng Makapangyarihang Diyos at nakita ang ating pagmamataas, pagpapahalaga sa sarili at panlilinlang at sa lahat ay pinagtataksilan natin ang ating makademonyong disposisyon. Kahit maaari nating gugulin ang ating sarili, magtiis, at bayaran ang halaga para sa Diyos, wala tayong tunay na pagsunod sa Diyos, at mas lalong wala tayong tunay na pagmamahal para sa Kanya. Kapag may pagsubok at kahirapan, maaaring magreklamo pa tayo sa Diyos, at paghinalaan ang Diyos, at ikaila Siya. Itinutulot nito na makilala natin na tayong lubhang natiwaling mga tao ay mayroon lahat ng likas ni Satanas. Kung ang ating makademonyong likas, at makademonyong disposisyon ay hindi madadalisay, walang paraan para makamit ang tunay na pagsunod sa Diyos, at tunay na pagmamahal sa Diyos. Noon, akala natin naniwala tayo sa Diyos nang maraming taon, isinuko ang mga bagay at ginugol ang ating sarili para sa Diyos, nagtrabahong mabuti, kaya naging mabuti tayo, at naging mga taong nagmahal at sumunod sa Diyos. Pagkatapos lang maranasan ang paghatol at pagkastigo ng Makapangyarihang Diyos natin nabatid, bagamat sa panlabas ay nagtrabaho tayong mabuti para sa Panginoon, gayunman madalas pa rin tayong nagsisinungaling at nililinlang ang Diyos, naglilingkod sa Diyos sa ating bibig, nananatiling matigas sa ating palagay, nang-aagaw ng pansin, at nagyayabang. Sa huli natanto natin na ang pagsisikap at paggugol natin ay para lang mapagpala, makapasok sa kaharian ng langit, na lahat ng ito ay pakikipagtawaran sa Diyos. Paano ito magiging tunay na pagsunod sa Diyos! Lalong hindi ito pagpapakita ng pagmamahal sa Diyos! At, di tayo nahiyang magsabi na mahal na mahal natin ang Diyos, at na masunurin tayo sa Diyos. Talagang wala itong saysay; hindi ito tungkol sa Diyos. Sa pahayag at paghatol ng mga salita ng Diyos, nakikita natin na nakikita ng Diyos ang lahat ng bagay, at natatakot at nanginginig ang ating puso kapag nadarama natin ang Kanyang matinding kabanalan, pagkamatuwid at na ang Kanyang disposisyon ay di nasasaktan. Dama nating dahil makademonyo tayo, nahihiya tayong makita ang Diyos, hindi marapat na mamuhay sa Kaniyang harapan, at lumuluhod tayo sa lupa, tumatangis sa pagsisisi, na isinusumpa pa ang ating sarili, at sinasampal ang sarili. Noon lang natin nakikita na namumuhay tayo sa makademonyong disposisyon araw-araw, at di talaga namuhay na tulad ng isang tao, at hindi karapat-dapat na tawaging tao. Kapag naranasan natin ang maraming paghatol at pagkastigo, pagsubok at pagpipino, at ang ilang pagpupungos at pakikitungo, doon natin unti-unting mauunawaan ang ilang katotohanan, at tunay na makikita ang katotohanan ng ating katiwalian. Sa oras na iyon mayroon tayong tunay na kaalaman sa Diyos, at sa wakas ay magsisimulang magpitagan sa Diyos at isuko ang ating puso sa Diyos. Ito lamang ang pagpasok sa tamang landas ng paniniwala sa Diyos. Lahat ng ito ay bunga ng pagdanas ng paghatol at pagkastigo ng Diyos. Kung di dahil sa paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos, di sana natin nakita ang tunay na larawan ng ating matinding katiwalian na gawa ni Satanas, di sana natin nalaman ang pinagmumulan ng ating pagkakasala at pagkalaban sa Diyos, at di rin sana natin nalaman kung paano palalayain ang ating sarili sa mga gapos ng kasalanan at ng pamumuno nito sa atin upang maging masunurin sa Diyos. Kung hindi dahil sa istriktong paghatol ng salita ng Diyos, di natin malalaman ang Kanyang matuwid, maringal at di nasasaktang disposisyon; ni hindi tayo magkakaroon ng pusong may takot sa Diyos, at ni hindi magiging isang taong may takot sa Diyos at lumalayo sa kasamaan. Ito ang totoo. Kung hindi nagkatawang-tao ang Diyos, sino ang makagagawa ng paghatol sa mga huling araw? Sino ang makapagpapakita sa tao ng banal, matuwid, at hindi nasasaktang disposisyon ng Diyos? Kung hindi nagkatawang-tao ang Diyos, kaninong salita ang magkakaroon ng gayong kapangyarihan at awtoridad para tayo mahatulan, linisin, at iligtas sa ating matinding katiwalian sa kasalanan? Ang salita at gawain ng Diyos ay ganap na nagpapakita ng Kanyang katayuan at identidad bilang Diyos, at nagpapakita sa Kanya bilang Manlilikha, at ang pagpapakita ng isang tunay na Diyos! Nakilala natin ang tinig ng Diyos sa pananalita ng Makapangyarihang Diyos, at nakita ang pagpapakita ng Diyos. Bakit napakaraming tao sa ilang taon na nakalilipas na iniiwan ang lahat para ipalaganap at magbigay saksi para sa salita ng Makapangyarihang Diyos? Bakit napakaraming tao ang nagsasapalaran kahit mahuli, apihin, at patayin pa ng gobyernong CCP habang wala silang sinasayang na pagsisikap sa pagpapalaganap at pagbibigay ng saksi para sa gawain ng Makapangyarihang Diyos? Bakit mas minabuti ng napakaraming tao na tiisin ang maiwanan, mapahiya, maglaho, at makondena ng mga tao ng relihiyon para makapunta sila sa bawat pintuan at ipalaganap ang ebanghelyo sa kanila? Ito ay dahil sa narinig nila ang tinig ng Diyos, at sinalubong ang pagpapakita ng Diyos. Natugunan nila ang mga hinihingi ng Diyos, at inihahatid ang mensaheng, “Narito, ang kasintahang lalaki! Magsilabas kayo upang salubungin Siya(Mateo 25:6). Ito ba ang Panginoon na kumakatok sa pintuan? Ito talaga ang Panginoon na kumakatok sa ating pintuan! At bubuksan ba natin ang pinto para sa Panginoon? Kaya nga, kapag nagsugo ang Panginoon ng mga tao upang kumatok sa ating mga pintuan, dapat ba nating hanapin at siyasatin ang totoong daan, at hangaring marinig ang tinig ng Panginoon?

mula sa iskrip ng pelikulang Kumakatok sa Pintuan

Sinundan: Tanong 2: Na sinabing minsan ng Panginoong Jesus na: “Ako’y paroroon upang ipaghanda Ko kayo ng dakong kalalagyan. At kung Ako’y pumaroon at kayo’y maipaghanda ng kalalagyan, ay muling paririto Ako, at kayo’y tatanggapin Ko sa Aking sarili; upang kung saan Ako naroroon, kayo naman ay dumoon(Juan 14:2–3). Ang Panginoong Jesus ay nabuhay na mag-uli at nagbalik sa langit para maghanda ng lugar para sa atin, kaya ibig sabihin ay sa langit Siya naghanda ng lugar. Kung nagbalik na ang Panginoon, dapat ay para dalhin tayo sa langit, para dalhin muna tayo sa kalangitan upang salubungin ang Panginoon. Ang pinatototohanan n’yo ngayon ay na nagbalik na ang Panginoong Jesus, na naging tao Siya at nagsasalita at gumagawa sa lupa. Kaya pa’no Niya tayo dadalhin sa kaharian ng langit? Nasa lupa ba ang kaharian ng langit, o nasa langit?

Sumunod: Tanong 1: Nananalig na tayo sa Panginoon sa loob ng napakaraming taon. Kahit maaari tayong mangaral at kumilos para sa Panginoon at magdusa nang husto, maaari pa rin tayong palaging magsinungaling, manloko at mandaya. Araw-araw, ipinagtatanggol natin ang ating sarili. Napakadalas, mayabang tayo, mapagmataas, pasikat, at mapanghamak sa iba. Namumuhay tayo sa sitwasyon ng pagkakasala at pagsisisi, at hindi tayo makaalpas sa pang-aalipin ng laman, at dumaranas at nagsasagawa ng salita ng Panginoon. Hindi pa natin nararanasan ang anumang realidad ng salita ng Panginoon. Sa kaso natin, madadala man lang ba tayo sa kaharian ng langit? Sabi ng ilang tao, gaano man tayo magkasala, gaano man tayo inaalipin ng laman, ang tingin sa atin ng Panginoon ay walang kasalanan. Sumusunod sila sa salita ni Pablo: “Sa isang sangdali, sa isang kisap-mata, sa huling pagtunog ng trumpeta: sapagka’t tutunog ang trumpeta, at ang mga patay ay mangabubuhay na maguli na walang kasiraan, at tayo’y babaguhin” (1 Corinto 15:52). At ipinapalagay nila na agad babaguhin ng Panginoon ang ating anyo pagdating Niya at dadalhin tayo sa kaharian ng langit. Naniniwala ng ilang tao na ang mga tumatanggap ng kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya pero patuloy pa ring nagkakasala ay hindi karapat-dapat na makapasok sa kaharian ng langit. Nakabatay ito unang-una na sa salita ng Panginoong Jesus: “Hindi ang bawa’t nagsasabi sa Akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng Aking Ama na nasa langit(Mateo 7:21). “Kayo nga’y magpakabanal, sapagka’t Ako’y banal(Levitico 11:45). Ito ay dalawang magkakumpitensyang pananaw na hindi malinaw na masasabi ng sinuman, Makipag-usap naman kayo para sa amin.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Tanong 16: Sabi n’yo ang Makapangyarihang Diyos ang pagpapakita ng Diyos sa mga huling araw, at ang tunay na daan. Sinasabi n’yo rin na ang Diyos ang lumikha sa mundong ito, at naghahari sa kung anong nangyayari sa daigdig, na ang gawain ng Diyos ang gumabay at nagligtas sa sangkatauhan. Ano ang basehan n’yo para patotohanan ang mga sinasabi n’yo? Kaming mga taga-Partido Komunista ay pawang mga ateista, at hindi kumikilala sa pag-iral ng Diyos o sa paghahari Niya sa lahat. Lalong hindi namin kinikilala ang sinasabi n’yong pagpapakita at gawain ng Diyos na nagkatawang-tao. Ang Jesus na pinaniniwalaan ng Kristiyanismo ay malinaw na isang tao. May mga magulang Siya, at may mga kapatid. Ganunpaman, ang Kristiyanismo ay malinaw na nag-uutos na kilalanin Siyang Cristo, at sambahin bilang Diyos. Talagang hindi ito kapani-paniwala. Kagaya lang ni Jesus ang Makapangyarihang Diyos na pinaniniwalaan N’yo, malinaw na isa lang s’yang ordinaryong tao. Kaya bakit kailangan ninyong ipilit na Siya ang Diyos na nagkatawang-tao? Bakit kailangan n’yong patotohanan na Siya ang Cristong Tagapagligtas ng mga huling araw na naging tao? Talagang kalokohan at kabaliwan ito hindi ba? Hindi totoo na mayroong Diyos sa mundong ito. Lalong hindi totoo na may umiiral na Diyos bilang Diyos na nagkatawang-tao. Buong tapang ninyong sinasabing ang isang ordinaryong tao ay ang Diyos na nagkatawang-tao. Ano ang basehan ng sinasabi n’yong ito? Maipahahayag n’yo ba ang mga saligan, at basehan ng inyong paniniwala?

Sagot: Espiritu ang Diyos. Hindi Siya nakikita o nahahawakan ng tao. Pero maraming ginagawa ang Espiritu ng Diyos, at nagsasabi ng mga...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito