124 Ang Kahulugan ng Gawain ng Diyos sa Lupain ng Malaking Pulang Dragon

1 Ang Tsina ang pinakapaurong sa lahat ng mga bansa; ito ang bayan kung saan nakapulupot ang malaking pulang dragon, ito ang mayroong pinakamaraming mga tao na sumasamba sa mga diyus-diyosan at nakikibahagi sa salamangka, ang may pinakamaraming mga templo, at ito ang lugar kung saan naninirahan ang maruruming mga demonyo. Ipinanganak ka nito, tinuruan ka nito at nakalubog ka sa impluwensiya nito; ikaw ay nagawang tiwali at pinahirapan nito, nguni’t pagkatapos magising tinalikuran mo ito at lubos na nakamit ng Diyos. Ito ang kaluwalhatian ng Diyos, at ito ang dahilan kung bakit ang yugtong ito ng gawain ay may malaking kabuluhan. Ang Diyos ay nakagawa na ng napakalaking gawain, nakapagsalita na ng napakaraming mga salita, at sa huli kayo ay lubos Niyang makakamit—ito ay isang bahagi ng gawaing pamamahala ng Diyos, at kayo ang “mga samsam ng tagumpay” ng pakikidigma ng Diyos kay Satanas.

2 Habang mas nauunawaan ninyo ang katotohanan at mas mabuti ang inyong buhay iglesia, lalong mas maninikluhod ang malaking pulang dragon. Ang mga ito ay lahat mga bagay ng espiritwal na mundo—sila ang mga labanan ng espiritwal na mundo, at kapag ang Diyos ay naging matagumpay, mapapahiya si Satanas at babagsak. Ang yugtong ito ng gawain ng Diyos ay mayroong napakalaking kabuluhan. Gumagawa ang Diyos nang napakalawak at lubos na inililigtas ang gupong ito ng mga tao upang makatakas ka mula sa impluwensya ni Satanas, manirahan sa bayang banal, mabuhay sa liwanag ng Diyos, at magkaroon ng pangunguna at paggabay ng liwanag. Sa gayon mayroong kahulugan sa iyong pagiging buhay.

Hango sa “Pagsasagawa (2)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinundan: 123 Nakabuo na ang Diyos ng Isang Grupo ng mga Mananagumpay sa China

Sumunod: 125 Naipasiya na ng Diyos na Gawin Kang Perpekto

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.
Makipag-ugnayan sa Amin
Kontakin Kami Gamit ang Messenger

Kaugnay na Nilalaman

281 Panahon

IIsang malungkot na kaluluwa ang naglakbay mula sa malayo,sinusuri ang bukas, hinahanap ang lumipas,masipag na gumagawa, at naghahangad ng...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito