125 Ang Diyos ay Ganap na Naluwalhati

1 Nasa lupa si Jesus sa loob ng tatlumpu’t-tatlo at kalahating taon, dumating Siya upang gawin ang gawain ng pagpapapako sa krus, at nakamit ng Diyos ang isang bahagi ng luwalhati Niya sa pamamagitan ng pagpapapako sa krus. Noong dumating ang Diyos sa katawang-tao, nagawa Niyang maging mapagpakumbaba at nakatago, at makapagtiis sa matinding pagdurusa. Bagamat Siya ang Diyos Mismo, tiniis pa rin Niya ang bawat kahihiyan at ang bawat panlalait, at tiniis Niya ang matinding sakit sa pagkakapako sa krus upang matapos ang gawain ng pagtutubos. Matapos mabuo ang yugtong ito ng gawain, bagamat nakita ng mga tao na nakapagkamit ng dakilang luwalhati ang Diyos, hindi ito ang kabuuan ng luwalhati Niya; isang bahagi lamang ito ng luwalhati Niya, na nakamit Niya mula kay Jesus. Bagamat nagawang tiisin ni Jesus ang bawat hirap, na maging mapagpakumbaba at nakatago, na maipako sa krus para sa Diyos, natamo lamang ng Diyos ang isang bahagi ng luwalhati Niya, at nakamit ang luwalhati Niya sa Israel. May isa pang bahagi ng luwalhati ang Diyos: pagparito sa lupa upang praktikal na gumawa at gawing perpekto ang isang pangkat ng mga tao.

2 Kapag dumating ang araw kung saan ginagawang perpekto ng Diyos ang mga tao, at nagagawang sumuko sa harap Niya, at ganap na makasusunod sa Diyos, at iiwanan sa mga kamay ng Diyos ang mga pag-asam at kapalaran nila, kung gayon lubos na nakakamit ang ikalawang bahagi ng luwalhati ng Diyos. Na ang ibig sabihin, kapag ganap na nabuo na ang gawain ng praktikal na Diyos, magwawakas na ang gawain Niya sa pangunahing lupaing Tsina. Sa madaling salita, kapag nagawa nang perpekto yaong mga itinalaga at hinirang ng Diyos, magtatamo ng kaluwalhatian ang Diyos. Sinabi ng Diyos na dinala na Niya ang ikalawang bahagi ng luwalhati Niya sa Silangan, subalit ito ay hindi nakikita ng mata. Dinala na ng Diyos sa Silangan ang gawain Niya: dumating na Siya sa Silangan, at luwalhati ito ng Diyos. Ngayon, bagamat hindi pa ganap ang gawain Niya, sapagkat nagpasya ang Diyos na gumawa, tiyak na magagawa ito. Nakapagpasya na ang Diyos na gagawin Niyang ganap ang gawaing ito sa Tsina, at nakapagpasya na Siya na gagawin kayong ganap. Kaya naman, hindi ka Niya bibigyan ng daan palabas—nalupig na Niya ang mga puso ninyo, at dapat kang magpatuloy maging nais mo man o hindi, at kapag nakamit na kayo ng Diyos, nagtatamo ng kaluwalhatian ang Diyos.

Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Isang Maikling Pagtalakay Tungkol sa “Dumating Na ang Milenyong Kaharian”

Sinundan: 124 Ang Kahulugan ng Gawain ng Diyos sa Lupain ng Malaking Pulang Dragon

Sumunod: 126 Hinahayag ng Cristo ng mga Huling Araw ang Misteryo ng Plano ng Pamamahala ng Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

74 O Minamahal Ko, Hinahanap Kita

INasa’n Ka, minamahal ko?Alam Mo bang hanap-hanap Kita?‘Pag walang liwanag, kay sakit mabuhay.Sa kadiliman, hinahanap Kita.Di ako nawawalan...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito