183 Nais Kong Makita ang Araw ng Kaluwalhatian ng Diyos

1 Ngayo’y tinatanggap ko ang paghatol at pagdadalisay ng Diyos, at bukas ay tatanggapin ko ang Kanyang mga pagpapala. Handa akong ibigay ang aking kabataan at ialay ang aking buhay upang makita ang araw ng kaluwalhatian ng Diyos. Ah, pag-ibig ng Diyos—naakit nito ang puso ko. Ginagawa at ipinapahayag Niya ang katotohanan, pinagkakaloob sa tao ang daan ng buhay. Handa akong tunggain ang mapait na saro at magdusa upang matamo ang katotohanan. Titiisin ko ang kahihiyan nang hindi dumaraing. Nais kong gugulin ang buhay ko na ginagantihan ang biyaya ng Diyos.

2 Iaalay ko ang aking pagmamahal at katapatan sa Diyos at tatapusin ko ang aking misyon upang luwalhatiin Siya. Determinado akong manindigan sa aking pagpapatotoo sa Diyos, at hinding-hindi ako susuko kay Satanas. Ah, kahit na maaaring mabagok ang ating ulo at dumaloy ang ating dugo, hindi mawawala ang tapang ng mga tao ng Diyos. Sa mga pangaral ng Diyos na nakakabit sa puso ko, determinado akong pahiyain ang diyablong si Satanas. Itinatadhana ng Diyos ang pasakit at mga paghihirap. Magiging matapat at masunurin ako sa Kanya hanggang kamatayan. Hinding-hindi ko na muling paiiyakin ang Diyos at hinding-hindi na Siya muling bibigyan ng alalahanin.

3 Ang mga salita ng Diyos ay binibigyan ako ng pananampalataya at lakas. Matatag kong susundin ang Diyos hanggang wakas. Lagi kong ipapahayag at patototohanan ang ebanghelyo ng Diyos hanggang sa aking huling hininga. Ah, taos-puso kong pinupuri ang Diyos, at inaalay ang aking bagong awit at sayaw. Binubuksan ko ang aking puso at ibinubunyag ang aking damdamin, at inaalay ko ang aking katapatan sa Diyos. Nakadikit sa Diyos ang puso ko magpakailanman. Pagdating ng araw ng kaluwalhatian Niya, magtitipon tayo sa paligid ng luklukan at masayang magsasayawan; magtatamasa tayo ng walang-hanggang kapahingahan sa bagong langit at lupa.

Sinundan: 182 Matagumpay ang mga Banal

Sumunod: 184 Ang Kaharian

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito